Chapter STFW 34

“HINDI ako makapaniwalang huling araw ko na dito,” malungkot na sabi ni Aiesha habang pinagmamasdan ang asul na lawa.

Kailangan na niyang bumalik sa Manila kinabukasan dahil sa taning na ibinigay ng mga magulang. Kapag hindi pa siya bumalik sa bayan upang tiyakin na ligtas siya, susugod sa tribo hindi lang ang bodyguards niya kundi maging ang contact na sa militar ng mga magulang niya para ibalik siya.

Niyakap siya nito sa baywang. “Hindi pa ito ang huling punta mo dito. Babalik ka pa rin naman, hindi ba? Marami pang pagkakataon para makita mo ito.”

“Tama ka,” sang-ayon niya. “Iyon ay kung mapoprotektahan ang lugar na ito. Baka kasi ma-exploit din ito balang araw.”

Hinagkan nito ang buhok niya. “Hindi ako papayag. Hindi lang ang mismong tribo namin ang importanteng mai-preserba kundi maging ang lupain at likas na yaman namin. Para ito sa susunod na henerasyon ng tribo ng Gangan. Para sa magiging mga anak natin.”

“Mangyayari lang iyon kung mababawi natin ang mga ninuno mo. Sa tingin mo ba magagawa natin iyon?”

“Magkasama na tayong dalawa ngayon. Magtutulungan tayo para sa kinabukasan nating dalawa. Hindi tayo susuko,” anito at maalab nitong inangkin ang labi niya. Nakakapaso ang halik nito. Ipinaramdam nila ang pagmamahal sa isa’t isa.

Niyakap nito ang baywang niya at inangat siya sa lupa hanggang magkapantay sila. Nalalasahan niya ito sa bawat halik nito. Unti-unti nitong pinagsisiklab ang apoy sa kanyang katawan. Hindi niya inalintana ang panginginig ng kamay nang kalasin niya ang butones ng polo nito. Hinawi niya ang polo nang tuluyan nang makalas ang mga butones.

Hinaplos niya ang balikat nito at pinagmasdan ang mukha nito. “Saan ka nila sinaktan?” tanong niya.

“Dito,” anito at itinuro ang pisngi. Hinagkan niya iyon. Kung napingasan ang kaguwapuhan nito, bibigyan din niya ng isang suntok si Aldrich para makaganti.

“Saan pa?”

Itinuro nito ang kanang bahagi ng dibdib na kinintalan din niya ng halik. Ilang gabi siyang hindi makatulog. Dahil ang tanging nais lang niya ay halikan ang bawat pasang nagmarka sa katawan nito. Hindi siya doktor. Subalit iyon ang isang paraang alam niya para tuluyang mawala ang sakit.

Nang sumunod nitong itinuro ang sikmura ay maingat niyang hinaplos iyon. His abdomen was perfectly muscled. Pero saksi siya nang puntiryahin iyon ng puluhan ng baril ng tauhan ni Aldrich. She placed an open mouth kiss on it. Umangat ang tingin niya sa mukha nito nang marinig niya ang matalim nitong paghinga.

“What’s wrong?” inosente niyang tanong nang makitang madilim ang mukha nito. Hindi yata nito nagustuhan ang ginawa niya.

Hinawakan siya nito sa balikat at itinayo. “Anong ginagawa mo?”

“Bumabawi lang ako dahil hindi kita naalagaan nang nasaktan ka.” Naningkit ang mata niya at naghihinala itong pinagmasdan. “Baka naman katulad din ng ginawa ko ang pag-aalagang ginawa ni Inana sa iyo.”

Bahagya itong ngumiti at masuyo siyang hinalikan sa labi. “Si Ina ang nag-alaga sa akin at hindi si Inana.”

“Mabuti naman. Walang ibang may karapatan sa iyo kundi ako lang.”

Her mouth ran dry when he removed the rest of his garments. He was still perfect. His naked form made her chest hurt. Then his hot fingers were inside her shirt, on her breast, molding them to fit his palm. Malaki ang kaibahan ng mainit nitong palad sa malamig niyang balat. Subalit unti-unti na ring kumakalat ang ningas sa kanyang pagkatao. Ipinikit niya ang mga mata. Nararamdaman niya ang alon ng sensasyon na unti-unting tumitindi.

Naramdaman niya ang pagsayad ng likod sa damuhan at maingat nitong tinanggal ang saplot sa katawan niya. Walang halong pagmamadali. Malayo ang lawa sa tribo at walang taong nagagawi doon. Sarili nila ang mundo maliban sa huni ng mga ibon. Subalit walang sapat na kakayahan ang mga ito upang abalahin sila.

Hinagkan nito ang lugar kung saan tumitibok ang puso niya. Kinuha nito ang isang kamay at inilagay sa ibabaw ng dibdib nito. “Nararamdaman mo ba na iisa lang ang tibok ng puso natin?”

Tumango siya. At alam niyang hindi lang tibok ng puso nila ang magiging isa kundi maging sila mismo. Then his mouth was on her, sliding up the slope of her breast. Kinagat niya ang labi. Tuluyan nang naglagablab ang apoy at nagbabaga na ang kanyang balat. Subalit alam niyang hindi iyon sapat. Breath was knocked out of her when his hand moved lower and he touched the center of her body. Shock waves battered her. Something went wild inside her. Hindi siya nakapaghanda sa ganoong sensasyon. For the mind-shattering pleasure of her own body.

Nang magtagpo ang apoy sa kanilang mga mata, alam niyang nagsisimula pa lang ang lahat. Hindi na ito nagtanong. Hindi na nito kailangan pang magtanong dahil alam na nito. Hindi nito inaalis ang mata sa kanya nang mag-isa ang kanilang katawan. Mahigpit siyang humawak sa balikat nito nang maramdaman ang sakit.

Tumigil ito sa paggalaw at bumagsak ang mahaba nitong buhok sa paligid ng mukha nito na parang itim na kurtina. Naghalo ang pag-aalala at tagumpay sa mga mata nito. Pag-aalala dahil alam nito ang sakit na dadanasin niya. At tagumpay dahil siya ang unang lalaking makakaangkin sa kanya.

“Alam kong nasasaktan ka,” bulong nito. “Pero gagawin ko ang lahat para hindi mo masyadong maramdaman ang sakit.”

Mas naging maingat ito sa pag-angkin sa kanya. Hindi pa siya sanay sa mahikang nakalaan para sa kanila. Subalit alam niyang sinumang nagmamahalan ay taglay ang sekreto ng mahikang iyon kaya unti-unti ring naglaho ang sakit at napalitan iyon ng sanlibong sensasyon.

Enflamed and opened by his kisses, she accepted him without cry. She matched his sharp movement. Anumang iutos nito sa kanya ay sinusunod niya. Iniyakap niya ang braso sa matipuno nitong katawan. Patuloy sa paglagablab ang apoy. Mahal siya nito. Bawat paggalaw ay pagsasanib hindi lang ng kanilang katawan kundi pati ang kanilang kaluluwa.

Nakadilat ang kanyang mga mata subalit parang biglang nagdilim ang paligid. Upang mapalitan ng nakasisilaw na sinag ng sensasyon. Pareho nilang habol ang hininga nang unti-unting kumalat ang kakaibang init sa kanilang katawan. Pakiramdam niya ay umalis sila sa lupa at pumailanlang sa alapaap.

Nang maramdaman niya ang bigat ng katawan nito ay saka niya natuklasang hindi sila umalis sa lupa at hindi niya nahawakan ang alapaap. Tanging ang mga halik lang ni Silang totoo na unti-unti siyang ibinabalik sa realidad.

Sinubukan nitong humiwalay sa kanya subalit iniyakap niya ang paa sa baywang nito. “Huwag mo akong iiwan,” pakiusap niya.

“Ayoko ring iwan ka pero hindi mo makakaya ang bigat ko,” pag-aalala nito.

“It would also be painful if you move. And I still want to feel you,” malambing niyang sabi at iniyakap ang braso sa katawan nito. “Ayoko nang maghiwalay tayo. Pwede namang maging isang tao na lang tayo sa habambuhay.”

Bumuntong-hininga ito at hinaplos ang mukha niya. Sinasabi ng mga mata nito na iyon din ang gusto nito kahit imposible. Niyakap siya nito at gumulong kaya napailalim na ito sa kanya habang hindi pa rin naghihiwalay ang katawan nila.

“Bakit kailangan mong ibigay ang sarili mo sa akin?” tanong nito.

Pinagmasdan niya ang guwapo nitong mukha at pinalis ang pawis sa noo nito. “Dahil iyon lang ang paraan ko para patunayang mahal kita. I never gave myself to anybody. Sa iyo ko lang ipinagkatiwala ang lahat sa akin. Ikaw yata ang nagsinungaling sa akin. Sabi mo ang babaeng pakakasalan mo lang ang makakakita sa iyo nang walang damit.”

“Ikaw lang naman ang nakakita sa akin na walang damit.”

Dinuro niya ang ilong nito. “Bakit parang hindi ka virgin? Parang alam mo na ang lahat ng gagawin mo kanina.”

Tumawa ito. “Paano mo malalaman kung first timer ka din?” hamon nito.

Marahan siyang bumangon at tinalikuran ito. “Malay ko ba kung marami ka nang naunang experience kaysa sa akin. Kayo pang mga lalaki.”

Bumangon ito at hinalikan ang balikat niya. “Naalala mo ba noong unang beses kitang halikan. Our reaction was spontaneous. At sa pagkakataong ito, instinct na ang gumana sa atin. Ikaw din naman. Noong una hindi mo alam ang gagawin pero nang sumunod, kusa nang gumagalaw ang katawan mo ayon sa hinihingi ng pagkakataon. At ang nangyari ay hindi lang dahil iyon ang sinasabi ng katawan natin. Ibinigay mo ang sarili mo dahil mahal mo ako. Salamat.”

Humarap siya dito at niyakap ito. Hindi niya alintana ang malamig na hanging dumadapyo sa katawan nila. Sapat na ang pagmamahal nila sa isa’t isa upang hindi maramamdaman ang lamig. “Isa na tayo ngayon,” usal niya. “Wala nang sinuman ang maaring maghiwalay sa atin.”

Hindi na siya natatakot sa maaring kaharapin sa pagbalik nila ni Silang sa Maynila. Dahil hindi lang ang kinabukasan ng tribo ng Gangan ang nakasalalay sa mga kamay nila kundi maging ang kanilang kinabukasan at pagmamahalan.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.