Chapter STFW 38

Natigilan si Aldrich at biglang napaisip. Hindi pa rin nito kayang labanan nang harapan ang ama. Anumang proteksiyon ang nakukuha nito ay galing sa Papa nito. Kaya nga patago itong lumaban dahil hindi pa ito ganoon kalakas. Kung hindi pa nila ito ginipit, mananatili ito sa side ng Papa nito.

“I’ll send people to guard your tribe,” sabi niya at pinisil ang balikat ni Silang. “Hindi ko hahayaang masaktan kayo.” At kung aabot sa punto na kailangan niyang pagbantaan si Donato Dominicano ay gagawin niya. Hindi lang ito ang ma-impluwensiya at may pera. Iniiwasan lang niya ang eskandalo at gulo dahil iyon ang pangako niya kay Aldrich.

Bahagyang ngumiti si Silang at nabawasan ang pagka-seryoso nito. “Hindi na kailangan. Sinanay ang mga kalalakihan namin bilang mandirigma. Kahit hindi na namin ginagamit iyon, kaya pa rin naming protektahan ang tribo namin. Handa kaming lumaban para sa mga me’king.”

“Nalulungkot ako dahil Papa ko pa ang dahilan ng lahat ng gulong ito,” nakayukong usal ni Aldrich.

“Pare-pareho lang tayong biktima,” sabi ni Silang. “Masyado na siyang nilamon ng pangarap niya.”

“Right,” sang-ayon niya. “He lived with it, breathe it and he ate it. Kailangang ituwid ang mali niya. At walang magtutuwid niyon kundi ikaw, Aldrich.”

Malungkot nitong tiningnan si Silang. “Natatakot pa rin ako sa maaring gawin ni Papa pero nilalakasan ko ang loob ko. Malupit siyang tao. Hindi ko nga alam kung paano kami nakatagal ni Mama na makasama siya. Iyon dahilan kung bakit ayokong magkausap kayo tungkol sa mummies. Dahil alam ko na maraming inosenteng masasaktan. Kaya niyang alisin sa landas niya ang sinumang maaring makasira sa career niya. At isang malaking banta ang tribo ninyo.”

“I see,” usal niya at lubos na naintindihan ang inasal nito. Kaya pala nagkunwari itong masama para protektahan mismo si Silang at ang tribo nito. Kung ganoon, hindi kasing sama si Aldrich ng inaakala niya. Iniiwasan lang nitong gumawa na naman ng malaking kasalanan ang Papa nito.

“Gusto ko nang maisauli sa tribo ninyo ang mga ninuno mo, Silang,” sabi ni Minerva. “Gusto ko na ring maging malaya kami ni Aldrich.”

“Here.” Inabot niya ang ATM card kay Aldrich. “You can use it in case of emergency. Kung gusto ninyong tumakas, gamitin ninyo ito. Your father might cut you loose once our plan has been revealed. Sigurado akong kokontrolin niya ang lahat ng pwede mong mapagkunan ng resources. Pwede kayong magsimula dito. At kung kailangan pa ninyo ng dagdag na pera, tawagan lang ninyo ako.”

Pilit ibinalik ni Aldrich ang ATM card sa kanya. “Nakakahiya. Ako na nga ang nanloko sa iyo, ako pa ang tutulungan mo.”

“Tanggapin na ninyo ni Minerva,” giit niya at inilagay muli sa palad nito ang card. “Mas malaking tulong ang ginawa mo sa amin ni Silang dahil nagkakilala kami. Dahil kung wala siya, baka hanggang ngayon kung anu-ano na namang kalokohan ang maiisip ko para lang matuloy ang kasal natin kahit hindi mo ako mahal.”

Tumawa si Minerva. “Kakaiba ka talaga. Pero paano kayo ni Silang?”

Inakbayan siya ni Silang. “Hindi namin pababayaan ang isa’t isa.”

Nagkatinginan sina Aldrich at Minerva. Hindi maikakaila ang pagmamahal sa mga mata ng mga ito. At natitiyak niyang iyon din ang makikita sa mga mata nila ni Silang. Dahil tulad ni Minerva na ayaw mawala sa buhay si Aldrich, hindi rin siya papayag na mawala si Silang sa buhay niya.

Tahimik lang silang magkayakap ni Silang sofa nang makaalis na sina Aldrich at Minerva. “What can you say about my brilliant plan?” tanong niya.

Ibinaba nito ang tingin sa mukha niya. “Very manipulative. Kahit na hindi ako pumayag noong una, mukhang gumagana naman ang plano mo.”

“Aalis ka na pala papuntang Gangan bukas,” malungkot niyang sabi. Ihahanda nito ang tribo sa pagbabalik ng mga mummies at sa nakaambang panganib na maaring suungin ng mga ito kung sakali. “Hindi bale, magkikita naman tayo next week kapag babawiin na ang mummies.”

Nagsalubong ang kilay nito. “Hindi mo na kailangang sumama sa amin. Alam mo naman kung gaano kadelikado ang operasyon. Baka mamaya, may nagbabantay na tauhan ang Papa ni Aldrich. Mahirap lumaban nang may kasamang babae.”

Lumabi siya. “Parang wala akong silbi. Bakit si Minerva isasama pa rin ninyo?”

“Dahil sa Tiya Ising niya. Kaya maiwan ka na lang dito. Magkikita pa rin tayo kapag natiyak kong hindi na mababawi sa amin ang me’king.”

Nakangiti siyang umiling. “Ayoko nga. Ako ang nagplano nito. Isa pa, kasasabi mo pa lang kanina na poprotektahan natin ang isa’t isa. Sino ang magpo-protekta sa iyo kapag wala ako? Si Inana? Baka mamaya siya talaga ang gusto mong makasama at hindi ako.”

Pinisil nito ang ilong niya. “Ikaw talaga, puro kalokohan. Kung ipagpapalit kita sa kanya, sana noong una pa lang.”

“Totoo naman, ah! Saka hindi ako natatakot kasi hindi mo ako pababayaan.”

Dahan-dahan niyang pinaliguan ng halik ang mukha nito. “Siguro naman maitatakda na ang kasal natin kapag naibalik na ang mga ninuno mo sa tribo ninyo?” malambing niyang sabi.

Tumango ito at hinagkan ang labi niya. “Anong klaseng kasal ang gusto mo?”

“I want a tribal wedding at the high mountains in full ethnic costume. At siyempre, magsusuot ka ng bahag,” tukso niya dito.

“Wanes ang tawag doon. Saka bakit hindi kasal sa simbahan ang gusto mo o kaya garden wedding katulad ng plano ninyo ni Aldrich.”

Inilapit niya ang mukha dito. “Dahil nirerespeto ko ang tribo ninyo. Kapag kasal na tayo, magiging kabilang na ako sa inyo.”

“Kaya mo bang maging submissive at sundin ang lahat ng utos namin? Bawal sa babae doon ang mahilig makipagtalo lalo na sa asawa. Kailangan masunurin.”

“Masunurin naman ako, ah!” malambing niyang sabi at unti-unting tinanggal ang butones ng polon ito. “Alam mo bang bagay sa iyo lahat ng damit mo? From tuxedo, to casual dress and to g-string native dress. But what I like most is…” Inangkin niya ang labi nito habang patuloy sa pagtanggal sa damit nito.

“Aiesha, anong ginagawa mo?” paanas nitong tanong.

“Taking off your clothes. I prefer to see you in your birthsuit.”

Maingat din nitong hinubad ang blouse niya. “And I love to watch you when you make love to me.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.