Chapter THIRTY-SIX

Parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ni Wayne habang nakamasid siya sa labas ng glass walls ng opisina niya na nasa fifth floor ng main branch ng Indigo Bookstore.

Dahil sa dating trabaho niya bilang NBI agent na madalas napapadala sa mga mapanganib na misyon tuwing humahawak siya ng undercover jobs, marami sa mga nakakakilala sa kanya ang nababaghan kapag nalalaman kung ano na ang trabaho niya ngayon. Ang akala ng mga ito, tipong pang-macho din ‘ika nga ang magiging trabaho niya matapos niyang umalis sa pagiging undercover agent. Tulad ng ginawa niya noong nasa States siya. Bail enforcement agent kasi siya roon o iyong mas kilala ng lahat bilang bounty hunter.

Kaya kapag nalalaman ng mga kasamahan niya dati sa NBI ang trabaho niya ngayon ay nababaghan ang mga ito. Napakalayo raw sa hitsura niya na isa na siyang bookstore owner ngayon. Since he stands six-feet-two inches tall, has broad shoulders, has a strong built and looks more like a trained fighter or a soldier rather than the bookstore owner that he is now.

Subalit ang hindi alam ng mga dating kasamahan niya, kung hindi siya naging NBI agent noon, malamang naging librarian siya. Dahil kahit noong bata pa siya ay mahilig na talaga siya sa mga libro. At alam iyon ni Uncle Emil kaya naman sa kanya nito ipinagkatiwala ang negosyong mahal na mahal nito. Batid diumano ni Uncle Emil na hinding-hindi niya papabayaan ang negosyo nito.

“Wayne? Narinig mo bang sinabi ko, Wayne?”

Nilingon ni Wayne ang kanyang inang si Mrs. Cory Domingo-Indigo. She was now a twice widowed sixty-five year old woman but a lot of people still mistake her for a forty-year old woman. Hindi kasi ito nagpapabaya sa sarili sa kabila ng edad nito. Maingat ito sa kinakain at regular na nag-e-ehersisyo. Isang ugali na ipinasa nito sa kanya at kay Xander.

Pero hindi niya makita ngayon ang karaniwang maaliwalas na anyo ng kanyang ina. Kulang na lang ng isang sentimetro ay magsasalubong na ang mga kilay ng mama niya. At dahil iyon sa balitang katatanggap lang nila kani-kanina.

Katatapos lang basahin ng abogado ni Xander ang huling testamento ng kapatid niya at ni Michelle. Wala nang mga magulang si Michelle at solong anak pa ito. Kaya ang tanging mga kapamilya ni Michelle na dumalo para sa pagbabasa ng huling testamento nito ay sina Chrisma at ang mga nakatatandang kapatid sa ama ni Chrisma na sina Nerissa at Talia. Matapos malaman nina Nerissa at Talia ang tungkol sa mga alahas at halagang iniwan ni Michelle para sa mga ito ay dali-dali na ring nagsi-alis ang mga ito. Ni hindi na nag-abala pang alamin kung ano ang mangayyari kina Matt at Rachel na pamangkin din naman ng mga ito.

Samantalang si Chrisma ay kasabay na umalis ng abogado. Atat na atat na ring maka-alis si Chrisma kanina pa. Pero hindi dahil hindi ito interesado sa mangyayari kina Matt at Rachel. Kung hindi dahil nais na ni Chrisma na makabalik na sa bahay nina Xander at Michelle.

Sa bahay kasi ng dalawang yumao pansamantalang nanunuluyan si Chrisma ngayon para bantayan ang mga pamangkin nila. Parang bagong panganak na ina si Chrisma na hindi maiwan ang mga anak sa pag-aalalang may mangyari sa mga iyon kung wala ito sa tabi ng mga iyon. Kung hindi pa nga niya sinundo ang dalaga kanina ay wala pa itong balak na dumalo sa pagbabasa ng huling testamento nina Xander at Michelle.

Kahit na sanay naman ang yaya ng mga bata na tanging ito lang ang nagbabantay sa mga bata dahil nagtatrabaho rin naman si Michelle noon, tila hindi pa rin kumbinsido si Chrisma na pwede nga nitong iwan saglit ang mga bata sa yaya. Something he never expected at all. Dahil si Chrisma ang huling babae sa mundo na inisip niyang posibleng magkaroon ng malakas na maternal instinct.

Kakatwa kung tutuusin na sa kanilang dalawa ni Chrisma ay ang dalaga ang mas hindi nagulat sa nalaman nila mula sa abogado nina Xander at Michelle tungkol sa kahihinatnan ng mga pamangkin nila ayon sa huling habilin mismo ng mag-asawa. In fact, Chrisma even looked like she already expected what the lawyer was telling them. Tila tanging sila lang ng mama niya ang labis na nagulat sa nilalaman ng testamento nina Xander at Michelle.

Wala sa loob na napadako ang tingin ni Wayne sa dingding kung saan nakasabit ang oil painting ng portrait ni Uncle Emil. Tatlo lang ang branches ng Indigo Bookstore sa buong bansa. Isa itong main branch dito sa Alabang kung saan narito rin ang opisina niya. Ang isa pang branch nila ay nasa Mactan, Cebu at ang pangatlo at pinakabago ay iyong nasa Baguio.

Minana niya ang Indigo Bookstore mula sa amain nang yumao ito mahigit dalawang taon na ang nakakaraan. Ang totoo, hindi pa man pala siya nagdedesisyon na tanggapin ang posisyong iniaalok nito sa kanya noon dito sa kompanya nito ay siya na ang inilagay nito sa huling testamento nito bilang tagapagmana nito sa Indigo Bookstore pagkawala nito. Lingid iyon sa kaalaman niya at maging ng ibang mga kamag-anak nito.

May iniwan rin si Uncle Emil para sa kanyang ina at kay Xander. Pero ang negosyong pinakamamahal at pinagyaman ni Uncle Emil buong buhay nito ay tanging sa kanya lang ipinamana ng lalaki. Sa halip na sa mga tunay na kadugo ng amain niya o kaya naman ay sa kanyang ina na biyuda nito ay sa kanya na ni hindi naman nito tunay na anak iniwan iyon. Bagay na natural na hindi nagustuhan ng mga kamag-anak nito. Hanggang ngayon nga ay kinu-kwestyon pa rin ng mga iyon ang mana niya kahit mahigit dalawang taon na ang nakalilipas mula nang yumao ang amain niya.

Subalit buong pusong tinanggap at nauunawaan naman ng kanyang ina at kapatid ang desisyon ng amain niya. Dahil hindi interesado sa negosyong iyon ang ina at kapatid niya. Hindi kailanman nagkaroon ng interes sa negosyo si Xander, mas naka-focus ito sa pagiging basketball player. Kaya wala rin itong hinanakit nang malaman ang tungkol sa pamana ni Uncle Emil sa kanya. Habang ang kanyang ina naman ay mas gustong magliwaliw na lang kaysa mamroblema pa sa negosyo. Kahit nga ang shares ng ina niya sa Nuevaestra Corporation, ang kompanya ng pamilya nila sa side nito ay ipinasa na nito lahat sa kanya at kay Xander. Para daw hindi na gambalain pa ang ina niya ng mga tiyuhin niya na namamahala sa kompanya sa tuwing may board meeting na ipinapatawag ang mga tiyuhin niya.

And now, with Xander’s sudden demise, Wayne was now once again left with someone else’s beloved treasure. Pero iba na ang kaso ngayon. Dahil hindi na basta lang negosyo, stocks o anupamang materyal na bagay ang ipinagkatiwala sa kanya ni Xander. Hindi negosyong kailangang pagyabungin ang ihinabilin ni Xander sa kanya. Kung hindi mga batang nangangailangan ng higit pa sa pagpapahalagang ibinuhos niya sa negosyong ipinamana sa kanya ng amain. Xander trusted him to take care if his two orphaned kids. At sa pagkakataong iyon ay hindi niya alam kung magagawa pa rin nga ba niyang gawin ang ginawa niya para sa iniwan ni Uncle Emil sa kanya noon.

He didn’t know if he was capable of taking care of two very young children. Paano niya gagawin iyon kung ang anak nga na inakala niyang kanya ay nawala pa rin sa kanya kahit ginawa na niya ang lahat mapanatili lang ang karapatan niya sa bata bilang ama nito? His little Maddie was still alive and healthy living with Jemma and Jemma’s new husband in the States. Pero dahil sa kagustuhan nina Jemma at ng asawa nitong si Calvin na natuklasan niyang siya palang tunay na ama ni Maddie, para siyang basurang sinipa paalis sa buhay ng batang sa loob ng dalawang taon ay itinuring niyang tunay na anak.

“Wayne, iho, ano ang balak mo? Hindi ko alam ang tungkol sa planong ito nina Xander at Michelle. Hindi nila ito nabanggit sa akin. Kahit pahapyaw lang ay wala silang nasabi sa akin tungkol rito. I don’t understand how they could even think about doing this. Imposibleng kayong dalawa ni Chrisma ang maging guardians ng mga bata,” naguguluhan at halatang masama ang loob sa nalaman na wika ng mama niya.

Hindi kasi ito ang pinangalanan nina Xander at Michelle bilang guardian ng mga pamangkin niya sa huling testamento ng mga ito. Sa puntong iyon ay nauunawaan niya ang kapatid at hipag. Hindi naman kasi inaasahan ng dalawa na mauuna pang sumakabilang-buhay ang mga ito kaysa sa mama niya. His brother was just twenty-eight after all. Way too young to die.

Hindi rin naman nila napag-usapan ni Xander ang tungkol sa kustodiya sa mga anak nito sakaling mawala nga ito habang menor de edad pa ang mga bata. It was not something he thought he should discuss with his younger brother. Dahil ni hindi sumagi sa isip niya na may mangyayaring ganito at mauuna pa itong mawala kaysa sa kanya.

Dammit! Siya ang panganay, siya ang kuya. Anim na taon siyang mas matanda kaysa kay Xander. Mas marami na siyang naggawa at nakamit. Siya ang walang pamilya, walang mga anak na mauuulila. Siya ang dapat na mas nauna kaysa sa bunsong kapatid niya. Marami pang pangarap sa buhay si Xander. Hindi lang para sa sarili nito kung hindi pati na rin sa mga anak nito. Marami pa itong nais gawin at marating. Kaya bakit kailangang mawala

na ito?

Tumiim ang mga bagang ni Wayne at mahigpit na kumuyom ang mga kamao. Kailangan niyang kumalma para hindi lalong mabahala ang mama niya. Kailangan niyang kumalma para maggawa niya ang dapat niyang gawin para maipatupad niya ang huling kahilingan ng kapatid niya.

“At paano ang magiging set-up ninyo? Hindi kayo maaaring tumira pareho sa bahay nina Xander. Just think about what people would say!” tila labis na nae-eskandalo sa isiping iyon na bulalas ng ina niya.

Nakasaad rin kasi sa kahilingan nina Michelle at Xander na sa bahay ng mga ito palakihin nina Wayne at Chrisma sina Matt at Rachel. At sa totoo lang ay kinilabutan siya sa bahaging iyon ng sulat ni Xander para sa kanya. Para bang nang isulat ni Xander iyon ay alam na nitong sabay o halos magkasunod lang na mawawala ito at si Michelle. Xander even used the words ‘we’ and ‘us’ when referring to his and Michelles’ death. It was as if Xander already had a premonition about his and Michelle’s deaths.

“I don’t care about what people would think or say, Mama. Kung sa huli ay iyon ang kailangang gawin, iyon ang gagawin ko. Hindi ko pababayaan ang mga anak ni Xander,” mariing saad naman niya. He might be conventional in a lot of things in his life but he doesn’t really give a damn about what other people would think as long as he knows he’s doing the right thing.

“Baka pwede mong kumbinsihin si Chrisma na ipaubaya na lang ang mga bata sa atin. Malakas pa naman ako. Kaya ko pang mag-alaga sa mga apo ko. At para hindi mahirapan ang mga bata na mag-adjust tulad ng ikinatatakot nina Xander, tayo na lang ang lilipat sa bahay nila imbes na sila ang lumipat sa bahay ko o sa bahay mo,” suhestyon ng ina niya.

Somehow Wayne doubted that Chrisma would agree to that plan. Lalo na kung pagbabasehan ang nasaksihan niyang pag-aaruga at pag-aasikaso ng dalaga sa mga bata nitong nakaraang mga linggo. Sa palagay niya, ang mga bata ang ginamit ni Chrisma na makakapitan nito sa gitna ng nakalulunod na pagdadalamhating naranasan nito sa pagkawala nina Xander at Michelle. Ni hindi pa nga niya nakikitang umiyak ng totoo ang dalaga mula nang mawala sina Michelle. Sa tuwing mangingilid ang mga luha nito ay kagyat nito iyong pinipigilan at inaampat bago pa tuluyang maging iyak o hagulgol. Naroon ito para alalayan, aluin at pahupain ang mga luha ng mga pamangkin nila. Pero ang sarili mismo nito ay para bang hindi pa nito pinapayagang magluksa nang lubusan.

“Sa tingin mo ba ay makukumbinsi mo si Chrisma na ipaubaya ang mga apo ko sa iyo? I’ll admit that before all these happened, she’s the last person I would ever choose to raise my grandchildren. Pero sa mga nakita ko sa kanya nitong mga nakaraang linggo, mukhang malapit talaga ang loob niya sa mga bata. Kahit noon pa ay napapansin ko rin na siya ang paboritong tita ng mga bata kahit na siya lang ang wala pang anak sa mga pinsan ni Michelle,” maya-maya ay wika ng mama niya na para bang nabasa ang iniisip niya.

“Malamang iyon ang dahilan kaya naisip nina Xander at Michelle na pangalanan rin siya bilang guardian ng mga bata. Malapit siya sa kanila, hindi na sila maninibago na makasama siya,” ani Wayne na humakbang pabalik sa likod ng office desk niya.

Naupo siya sa swivel chair at ipinatong ang mga siko sa ibabaw ng desk. Pinagsalikop niya ang mga kamay at muling niyuko ang envelope na naglalaman ng last will and testament nina Xander at Michelle. Pagkuwan ay dumako ang tingin niya sa sulat ni Xander sa kanya. At malinaw sa sulat na inaasahan na ni Xander ang pagtutol niya sa huling habilin nito sa kanila ni Chrisma base sa ilang linya roon na nagsasabing, “Kuya, please do this for me. I know you don’t like Chrisma but just give her a chance. Try to get to know her and you’ll understand why I trusted her to be my kids’ second mother after Michelle and I are gone. I know you’ll treat my kids like your own kids. You’ll raise them the same way you practically raised me after Dad died.”

Bagay na mas lalong nagpagulo sa isip ni Wayne. Dahil kung siya lang ang masusunod at hindi niya isasaalang-alang ang huling kahilingan ng kapatid, mas sang-ayon siya sa plano ng kanyang ina. Ang akuin nilang dalawa ang pagpapalaki kina Matt at Rachel nang hindi na isinasali pa sa usapan si Chrisma.

“Masyadong mabigat na responsibilidad para sa iisang tao lang ang pagpapalaki sa dalawang bata. Naiintindihan ko kung bakit dalawa kayo ni Chrisma na pinili nina Xander. Pero paano ninyo mapapalaki sina Matt at Rachel nang magkasama gayong hindi naman kayo mag-asawa? Pupwede ba namang pagpasa-pasahan ninyo na parang bola ang mga apo ko?” wika ng mama niya.

Biglang natigilan si Wayne sa ideyang nabuo sa isip dahil sa sinabi ng ina. Pero agad rin niyang binura sa isip ang ideyang iyon. Kalokohan iyon. Hindi niya pakakasalan si Chrisma para lang mapadali ang problema nila tungkol sa kustodiya sa mga pamangkin nila. Besides, he’d already tried marriage for the sake of raising a child and it didn’t end well for him. He was miserable for the entire two years he was married to Jemma and in the end, he still lost his little Maddie.

Pero simula’t sapul naman kasi ay wala siyang karapatan kay Maddie dahil hindi naman niya tunay na anak ang bata. Ngayon, may legal na karapatan na siya kina Matt at Rachel. He won’t lose them. And marrying Chrisma will finally put an end to his five-year-long repressed sexual desires for the woman! Still, it seems a bit underhanded. Yes, he was physically attracted to Chrisma. Sino ba namang lalaki ang hindi tutubuan ng pagnanasa para sa dalaga? Lalo na’t sa tuwing magkikita sila nito ay tinutukso at inaakit siya nito.

Pero maliban doon ay wala na siyang iba pang nararamdaman para sa dalaga. Kahit na ano pang kalokohan ang sbaihin ni Gus tungkol sa mga inamin diumano niya rito noong lasing siya, wala siyang gusto kay Chrisma. Kaya naman sa palagay niya ay hindi tama na itali niya sa kanya ang dalaga sa pamamagitan ng kasal para lang maresolba ang problema nila sa kustodiya sa mga bata at mapagbigyan ang pagnanasa niya para sa dalaga.

“Hindi mo naman siguro iniisip na paghiwalayin ang mga bata, Wayne? Magkapatid sila. Kambal pa. Hindi sila maaaring maghiwalay. And if you try to do that, kokontrahin mo ang huling habilin ng kapatid mo na palakihin ng magkasama ang mga bata,” wika ng mama niya na paroot parito sa loob ng opisina niya.

“Alam ko iyon, mama.”

Nakasaad din sa huling testamento nina Xander at Michelle na kung hindi nila tatanggapin ni Chrisma ang responsibilidad sa mga bata ay isa sa mga ate ni Chrisma ang magpapalaki sa mga bata. Bagay na hindi niya papayagang mangyari. Dahil kumpara kay Chrisma na nakita niyang may tunay na malasakit sa lahat ng mga pamangkin niya, sina Nerissa at Talia ay halatang walang amor kina Matt at Rachel. Pawang pakitang-tao lang ang malasakit nina Nerissa at Talia sa mga bata. Kapag may ibang taong kaharap ay saka lang magiliw kina Matt at Rachel ang dalawang babae. Pero kapag wala nang ibang nakakakita sa mga ito, ni hindi pinapansin ng dalawa ang mga bata.

Bukod pa roon ay may mga anak na rin sina Nerissa at Talia. Duda siya kung maaalagaan ng husto ng mga ito ang mga pamangkin niya o kung papayag ba ang asawa ng mga iyon na magkaroon ng dagdag na bata sa bahay ng mga ito. Walang problema pagdating sa pinansyal na pangangailangan ng mga bata. May trust funds ang mga bata bukod pa sa mga naiwan nina Xander at Michelle na lahat ay sa mga bata mapupunta. Pero pansamantalang hahawakan nilang dalawa ni Chrisma ang mga iyon bilang guardians ng mga bata.

At sakali mang wala ni isang kusing na naiwan sina Xander at Michelle para sa mga anak ng mga ito, hindi rin naman iyon magiging problema. Dahil handa siyang tustusan ang mga materyal na pangangailangan ng mga pamangkin niya. Ang pinoproblema niya ay ang mga pangangailangan ng mga bata na hindi nabibili ng pera. Iyon ang hindi niya sigurado kung paano niya mapupunuan. Patunay na ang ginawang panenermon ni Chrisma sa kanya kanina bago ito umalis. Hinila siya ng dalaga sa isang tabi ng opisina niya at masinsinang kinausap.

Sa kauna-unahang pagkakataon, walang kislap ng kapilyahan o kaaliwan sa mga mata ni Chrisma. Ang tanging naroon ay pagkayamot at dismaya sa kanya.

“Handa akong alagaan at palakihin mag-isa ang mga bata, Wayne. Pansin ko hindi ka masyadong close sa kanila. Hindi ko alam kung dahil lang iyon sa pinapa-alala nila si Xander sa iyo kaya mo sila gustong iwasan. Pero sa tingin ko ay hindi lang iyon ang rason mo. Naalala ko kasi na nabanggit ni Xander sa akin noon na parang nagbago ka na raw sa pakikitungo mo sa mga bata. Hindi mo na raw masyadong pinapansin sina Matt at Rachel ngayon kumpara noong bago ka umalis at magpunta ng States,” seryoso ang anyo at tono ng dalaga.

At bagamat mahina lang ang boses nito para hindi marinig ng iba pang kasama nila sa loob ng opisina niya, para pa rin iyong putok ng baril na kinalabit sa tapat mismo ng tainga niya. Nakadama siya ng matinding guilt sa nalaman na iniisip tungkol sa kanya ng yumaong kapatid niya.

He used to spend a lot of time with Matt and Rachel when they were still babies. Hindi man niya maituturing ang sarili na perpektong tiyuhin, naipapakita pa rin naman niya noon sa mga pamangkin ang pagmamalasakit niya para sa mga ito. Pero sa pagbabalik niya rito sa bansa two years ago ay tila naramdaman pa rin pala ni Xander ang kalamigan ng pakikitungo niya sa mga anak nito kahit na ano pang pilit niyang umaktong normal lang ang lahat. And he was very sorry for that.

“Chrisma---“

“You can act cold and aloof and distant towards me and the rest of the world, Wayne. Pero hindi mo pwedeng tratuhin ng ganoon ang mga bata. Tatatak sa isip nila iyon at iisipin nila na kasalanan nila kaya hindi mo sila kayang mahalin at pakitaan ng mabuti. Kung wala ka talagang amor sa mga pamangkin ko, hayaan mo nang ako na lang mag-isa ang magpalaki sa kanila,” mariin at tila may bahid ng galit ang tonong wika ni Chrisma.

“What are you talking about? Hindi mo pwedeng palakihin ang mga bata nang mag-isa ka lang! akala mo ba ganoon lang kadaling gawin iyon?”

“Kapag nahirapan ako eh di mag-aasawa ako! At pipili ako ng lalaking gusto sa mga bata, hindi tulad mo!”

“That’s ridiculous, Chrisma! Pareho tayong pinagkatiwalaan nina Xander at Michelle na mag-alaga at magpalaki sa mga anak nila.”

“Obviously they were wrong.”

Naguguluhang napakunot-noo siya. Saan ba nanggagaling ang init ng ulo na ito sa kanya ng dalaga? Ngayon lang niya na-realize na mula pa nang dumating ito kanina sa opisina niya kasunod ang iba pang kapamilya ni Michelle ay matalim na ang tingin nito sa kanya. Sa dami ng mga iniisip niya ay hindi niya iyon gaanong napagtuunan agad ng pansin.

“What’s the matter with you, Chrisma?”

“Nagtanong ka pa? Ilang araw mo nang hindi sinisilip man lang ang mga bata. Ano, wala kang balak na dalawin o kumustahin man lang sila hanggang paglaki nila? Buti pa ang mama mo, halos araw-araw bumibisita kahit ang layo ng tinitirahan niya. Pero ikaw, ni hindi mo man lang maggawang sumilip kahit saglit? Hindi ka naman sa Pluto nakatira. Isang oras lang ang biyahe galing sa bahay mo. Kung hindi ka pa napilitang sunduin ako kanina para mapapunta mo ako rito, tiyak hindi mo na naman sila nakita ngayong araw!” walang preno ang bibig na panenermon ni Chrisma sa kanya.

“Marami akong ginagawa, Chrisma. Tumatawag naman ako kay Mama para kumustahin ang mga bata. Alam mong inaasikaso ko pa ang mga naiwan nina Xander. Hindi tatakbo mag-isa ang negosyo nila. And since those businesses would help feed the children, don’t you think it’s important to take care of those too?”

“Paano naman ang mga naiwan nilang anak ha? Hindi ba sila ang mas importante? Nawalan na ng mga magulang ang mga bata, Wayne. Sa ngayon, mas mahalaga sa kanila ang mga taong masasandalan at makakaramay nila, hindi ang mga negosyong naiwan nina Xander.”

Hindi nakasagot si Wayne dahil may punto naman ang dalaga. Isang mahabang buntung-hininga ang pinakawalan niya.

“I’m sorry. Tama ka,” mababa ang tonong aniya.

Tila nagulat naman na hindi agad nakapag-react si Chrisma. Ilang beses pa itong napakurap na para bang hindi makapaniwala sa narinig. Pero maya-maya ay nakabawi rin ito sa kabiglaan.

“Iyan! Iyan ang pinakamabuti mong gawin! Umamin ka sa kasalanan mo at mag-sorry dahil napakalaki talaga ng pagkakamali mo!” bahagyang lumakas ang boses na anang dalaga.

Tumango-tango pa ito. Iglap ay napalis ang galit sa anyo at tono ng dalaga. Para itong nagtapon lang ng suot ng maskara sa bilis nitong magpalit ng ekspresyon sa mukha. Muling lumiwanag ang mukha nito at may munting ngiti na siyang nakikitang naglalaro sa sulok ng mga labi nito.

Wayne didn’t know why but seeing the familiar cheerful look on her lovely face somehow lightened the heaviness inside his heart. Noon lang niya napansin na para palang mabigat na bagay na biglang dumagan sa dibdib niya ang nakita niyang galit sa kanya ng dalaga kanina.

“At para makabawi ka sa amin ng mga bata, pumunta ka mamaya sa bahay. Sabay-sabay tayong magdi-dinner. Magdala ka na rin ng pagkain dahil ubos na ang groceries namin at sawa na kami sa delivered fast food,” pagpapatuloy pa ng dalaga.

Pagkuwan ay tinalikuran na siya nito at lumapit sa mama niya para magpaalam. Sinundan niya ng tingin ang dalaga. At hanggang sa sumara na ang pinto paglabas ni Chrisma sa opisina niya ay nanatili siyang nakatitig pa rin sa pinto. May maliit na bahagi niya ang umaasang baka biglang bumalik at pumasok ulit sa pinto ang dalaga. He couldn’t quite explain it but he felt as if the room seemed darker now that she wasn’t around.

“Really, Wayne, para akong kumakausap ng hangin. Kanina pa biglang lumulutang na lang iyang isip mo. I hope you’re thinking about what we need to do regarding my grandchildren,” ang may bahid ng inis sa tonong pukaw muli ng ina niya sa atensyon niya.

“Ako na ang bahala, Mama.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.