Ilang minuto nang nakahiga sa gitna ng kama niya si Chrisma. Memoryado na nga niya ang bawat sulok ng kisame ng isa sa guestrooms sa bahay nina Xander. Pero hindi pa rin siya makatulog. Maya-maya pa ay naramdaman niyang kailangan niyang gumamit ng banyo.
Bumangon siya mula sa kama. Isinuot ang ang bedroom slippers niya at lumabas ng silid. Matapos gumamit ng banyo ay kumalam naman ang sikmura niya. Nagtungo siya sa kusina at doon ay nakita niya ang nakatalikod na pigura ni Wayne. Pinaunlakan nito ang hiling ng mga bata na magtagal roon hanggang sa oras ng pagtulog ng mga ito. Pero nang makatulog na ang mga bata ay siya naman ang kumumbinsi rito na dito na ito magpalipas ng gabi. Bigla kasing bumuhos ang malakas na ulan. At nag-aalala siya na baka madisgrasya ito sa daan lalo pa’t nakita niyang panay na ang hikab nito. Nakumbinsi naman niya ito. Sa silid nina Xander at Michelle ito natulog.
O mas tamang sabihing dapat ay natutulog na ito sa silid nina Xander at Michelle sa halip na narito sa loob ng kusina. Nakatayo ito sa harap ng kitchen sink, nakatukod ang mga kamay sa gilid ng sink at nakayuko. Sa tabi ng kanang kamay nito ay mayroong mug na hindi niya alam kung may laman o wala. He looked so sad and alone. She could plainly see his grief in his slumped shoulders and bowed head.
Malakas na kumakanta siya bago tuluyang pumasok sa kusina. Sinadya niyang gawin iyon para masigurong maririnig siya nito. Nang sa gayon ay magkaroon ito ng pagkakataong ikubli ang lungkot na hindi sinasadyang nakita niya. Batid kasi niya na hindi nito gugustuhing makita niya ang panghihina ng loob at pagkalumbay nito.
Tulad ng inaasahan niya, diretso ang tayo na animo naka-attention na sundalo ang anyo nito nang pumihit paharap sa kanya.
“September pa lang, Chrisma, malayo pa ang Pasko,” patag ang tonong komento nito.
“Sus! Para kang wala sa Pilipinas. Dito basta Ber-months na, simula na ng Pasko. Bakit gising ka pa rin? Namamahay ka ba? Gusto mo ipagimpla kita ng gatas? Pero according sa studies, mas mabisang pampatulog daw ang good night kiss. Sabi na kasi sa iyo eh, dapat nag-good night kiss ka sa akin kanina, ‘di sana tulog ka na ngayon.”
Bahagyang napangiti naman ito.
“Kaya ba gising ka pa rin? Because I didn’t give you your good night kiss?” anito sa pormal na tono pero huling-huli niya ang panunudyo sa mga mata nito.
Bagay na hindi niya inaasahan kaya napangangang tinitigan lang niya ito.
“Seryoso? You’ll give me a good night kiss?” bulalas niya.
“Of course not. I’m not easy, Chrisma. Hindi pa naman kita nobya, bakit kita hahalikan? Manliligaw ka pa, hindi ba?”
“Meaning, kapag nanligaw ako sasagutin mo ako?”
“Perhaps. Perhaps not.”
Napasimangot siya.
“Ano’ng klaseng sagot iyon?”
Nagkibit-balikat lang si Wayne. Pagkuwan itinaas nito ang mug nito sa direksyon niya.
“Want some coffee?” alok nito.
“Sure!” tango niya na lumapit dito.
Inilapag ni Wayne sa sink ang mug nito at akmang bubuksan ang cabinet na kinalalagyan ng coffee mugs. Pero dinampot na niya ang mug nito at doon humigop.
“Hmm...coffee and Wayne, my favorite drink!” pilya ang ngising kindat niya rito nang maang na mapalingon ito sa kanya.
Iiling-iling na inilapag ni Wayne sa sink ang mug na kinuha para sana sa kanya. Sinalinan nito iyon ng kape mula sa coffee maker at tinimplahan ng asukal at creamer bago iniabot sa kanya.
“Here.”
“Thanks. Pero dapat ba tayong uminom ng kape sa ganitong oras ng gabi? Hindi tayo lalo makakatulog nito.”
“Then we’ll sleep in the morning.”
Gulat na napatingin siya rito. “Wala ka bang trabaho bukas?”
“I took a week off. Tama ka, dapat prayoridad natin ang mga bata. I’ll spend thse whole week with them.”
“That’s good! Matutuwa sila pag nalaman nila iyan.”
Tumango lang si Wayne bago humigop ng kape. Humigop rin siya sa kapeng itinimpla nito para sa kanya at nagulat siya dahil tamang-tama iyon. Hindi masyadong matamis pero marami ang creamer. Ganoon ang eksaktong timplang gusto niya.
“How did you know this is how I like my coffee?” untag niya sa lalaki na nang sulyapan niya ay nakita niyang tahimik na nakamasid pala sa kanya.
“Just observant, I guess,” pakibit-balikat nitong tugon.
Lihim na napangiti naman siya saka muling humigop ng kape. Observant nga marahil ito. Pero ang kaalamang sa kanya nito ginamit ang pagiging observant nito ay nangangahulugan na lingid sa kaalaman niya, inaalam rin nito ang mga bagay-bagay tungkol sa kanya.
“Wayne, I’m sorry to ask this but I really have to ask this. Ano’ng ibig mong sabihin kanina na hindi ka tatay?” biglang naitanong niya nang maalala ang pag-uusap nila kanina.
Sa halip sumagot ay humigop ng kape si Wayne. Pero maya-maya ay isang mahabang buntung-hininga ang pinakawalan nito.
“I guess neither Xander nor Michelle told you any of the reasons for my divorce two years ago. Maddie is not my child. Nalaman ko lang iyon nang maaksidente si Maddie at kinailangang salinan ng dugo. Wala sa aming dalawa ni Jemma ang kapareho niya ng blood type. That’s when Jemma finally decided to tell me the truth about Maddie’s real father,” pagtatapat nito sa boses na salat sa emosyon.
“That bitch! Ibig sabihin ipinaako niya sa iyo si Maddie kahit alam niya noong umpisa pa lang na hindi naman ikaw ang ama ng bata?! Ang kapal ng mukha niya! Ipinalabas niyang ikaw ang ama ng bata para lang mapikot ka!” galit na bulalas niya.
Hindi niya nakaharap ng personal ang ex-wife ni Wayne dahil ni minsan hindi naman iyon nagpunta rito sa Pilipinas. Kahit taon-taong saglit na bumibista sa bansa si Wayne noon ay hindi sumasama si Jemma o si Maddie. Kwento pa nga ni Michelle noon sa kanya, hindi boto sina Tita Cory at Xander kay Jemma para kay Wayne. Para daw kasing reyna ng kamalditahan ang babae pero masyadong matalino para ipakita nang harapan ang pagmamaldita nito. In other words, ipokrita. At nakatitiyak pa nga raw si Xander na kung hindi lang dahil sa anak ng dalawa ay nungkang pakakasalan ng kuya nito si Jemma. Tapos ngayon, malalaman niyang ni hindi naman pala tunay na anak ni Wayne ang anak ni Jemma?! Naku, sarap ingudngod sa ant hill ng pagmumukha ng babaeng iyon.
“No, she didn’t do that. Ako naman talaga ang nagpumilit noon na magpakasal kami nang malaman ko ang tungkol kay Maddie. I was the idiot who insisted that we should get married so the baby would have a complete set of parents. Jemma was alone and desperate at that time. Her baby’s real father was a soldier.
“Calvin was among those reported to have died in battle in Afghanistan. Pero mali ang nakalap na impormasyon ni Jemma at nang malaman niyang buhay pa si Calvin, kasal na kami. Inako ko na ang responsibilidad bilang ama ni Maddie. Pero nang maaksidente si Maddie ay saka lang siya natauhan at napilitang umamin sa akin,” tigib sa kapaitan at labis na pagkadismaya ang boses ni Wayne.
Malinaw na hanggang ngayon, dalawang taon ang makalipas matapos ang divorce nito at ni Jemma, masakit at mapait pa rin para kay Wayne ang nangyari. Sa isang iglap ay nawala ang pamilya nito. Hindi lang ang asawa nito ang nawala rito, maging ang anak rin pala nito.
“I’m sorry, Wayne. Hindi ko alam na ganoon pala ang nangyari sa inyo ng ex mo. So that’s why you divorced Jemma?”
“No, that’s why Jemma divorced me. Hindi mahalaga sa akin kung kaninong totoong anak si Maddie. That time, she was my baby, my daughter and I didn’t care whose blood and genes created her. Pero nang malaman ni Calvin ang tungkol sa anak niya, natural ipinaglaban niya ang karapatan niya bilang ama ni Maddie.
“Pumayag akong makita niya si Maddie. Pero hindi lang si Maddie ang gusto niyang bawiin, pati si Jemma. Nagkabalikan sila ni Jemma. At dahil sagabal ako sa pamilya nilang tatlo, ako ang kailangang umalis at lumayo para mabuo na ang pamilya nila. The end,” bagamat sinubukan ni Wayne na palabasing balewala na rito ang nangyari, hindi iyon mapaniwalaan ni Chrisma.
Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Buong akala niya ay mutual decision ang divorce nina Wayne at ni Jemma. Pero ayon na rin mismo kay Wayne, si Jemma ang may gustong makipaghiwalay rito para maging malaya na ang babae na bumalik sa dati niyong nobyo.
Mahal pa kaya ni Wayne si Jemma hanggang ngayon? May dulot na sakit sa dibdib niya ang posibilidad na ‘Oo’ ang sagot sa tanong na iyon. For once, Chrisma didn’t know what to say or do. Pero sa huli, nanatili siyang totoo sa sarili. Sinabi niya ang gusto niyang sabihin.
“She didn’t deserve you, Wayne. I’m sorry you lost your daughter but Jemma was not and will never be the woman for you. Hindi siya marunong magmahal at magpahalaga sa taong hundred times na mas nakahihigit sa kahit na sinong lalaki. At kung makikita ko lang ang babaeng iyon, huwag kang mag-alala, igaganti kita. Ipapahabol ko siya sa mga doberman, ipapain sa higanteng pugita, pasasagasaan sa eroplano at lulunurin ko pa siya sa isang drum ng sili juice. Mark my words! We’ll have our revenge!” mariing pahayag niya na itinaas pa ang nakakuyom na kamao.
Pero eksakto namang itinataas ni Wayne ang mug nito kaya natamaan ng kamao niya ang mug at tumapon ang laman niyon sa kanya. Napatili siya sa gulat. Nabasa ang harapan ng oversized shirt na pantulog niya. Pero hindi naman siya napaso dahil hindi na ganoon kainit ang kape sa mug ni Wayne.
“Damn! I’m sorry, Chrisma! I’m so sorry!” natatarantang sambit ni Wayne na hindi malaman kung paano siya tutulungan.
“Ayos lang, kasalanan ko naman. Ako ang---“
Natigilan siya dahil napuna niya na tila napagkit na ang mga mata ni Wayne sa dibdib niyang bumabakat sa harapan ng damit niyang nabasa ng kape. Wala siyang suot na bra kaya bakat na bakat sa damit ang mga dibdib niya. Tila hirap na hirap na lumunok si Wayne saka halatang napipilitang nagtaas ng tingin.
Nagsalubong ang mga mata nila. At para bang naging iisa ang isip nila na sabay pa silang kumilos para hapitin ang isa’t isa. Her arms automatically went around his shoulders and head while his hands spanned her waist to pull her closer to him. Naghugpong ang mga labi nila. Para silang mga nalulunod na nakahanap ng hangin sa mga labi ng isa’t isa. He kissed her like he was starving for the taste of her lips. He nibbled her upper lip before sucking her bottom lip. Then his toungue swept inside her mouth, seeking
for something only he could find. Hindi si Wayne ang una niyang halik. Pero nang mga sandaling iyon, batid na niya na ito na ang magiging huling halik niya. Dahil wala na siyang iba pang labing nais na sumakop at sumiil ng halik sa mga labi niya.
*******
“Chrisma! Bilisan mo na! Mata-traffic tayo.” Mula sa sala ay tawag ni Wayne sa dalagang nagbibihis pa rin.
Ipapasyal nila ang mga bata sa zoo at park. Kanina pa handa sina Wayne, Matt at Rachel. Pero as usual, hindi pa rin tapos sa pag-aayos si Chrisma. It’s been a couple of days since the night they shared that passionate and mind-numbing kiss. Akala niya pagkatapos niyon ay uuriratin siya ni Chrisma kung bakit niya ito hinalikan. Pero sa halip ay simpleng good night lang ang sinabi nito nang sa wakas ay pakawalan niya ang mga labi nito. Pagkatapos niyon ay bumalik na ito sa silid nito na para bang walang nangyari. Habang siya ay magdamag na hindi pinatulog ng halik na iyon.
Kinabukasan ay balik sa dati ang interaksyon nila ng dalaga. Panay pa rin ang pagbibiro at panunukso nito sa kanya tungkol sa diumano ay paniligaw nito sa kanya. Pero sa pagkakataong iyon, tila kasabwat na rin nito sina Matt at Rachel. And now he was more confused than ever because that night, bago dumating sa kusina si Chrisma ay nakapagpasya na siya. Hindi siya papayag na wala sa poder niya ang mga pamangkin. Kung kinakailangang lumipat siya sa bahay nina Xander para hindi na mahirapang mag-adjust sa bahay niya ang mga bata, gagawin niya. Pero ang problema, ano’ng gagawin niya kay Chrisma? They couldn’t live under one roof. That was just borrowing trouble he didn’t need at this point in his life.
Pinag-iisipan niya kung anong argumento ang pwede niyang gamitin laban kay Chrisma para kusa nitong isuko sa kanya ang kustodiya sa mga bata nang pumasok ito sa kusina. Then the kiss happened. And now, he was very tempted to ask her again about that marriage of convenience he’d once mentioned in passing. But would it be fair to her? At ang mas mahalagang tanong, papayag ba ito kahit na aaminin niya ritong bagamat gusto niya ito, hindi naman niya ito maaaring mahalin?
“Chrisma, the kids are---” nabitin ang anumang sasabihin ni Wayne at napamaang na lang pagkalabas ng silid ni Chrisma.
*******
Chrisma secretly smiled when she saw Wayne’s awestruck expression when he saw her.
“Relax, hindi tayo tatakasan ng zoo at park, okay?!” kunway di pansin ang reaksyon ni Wayne sa hitsura niyang nagdire-diretso sa front door si Chrisma. Kinindatan niya ang mga pamangkin na atat na atat nang kanina pa nakatayo roon.
“Chrisma, you’re gorgeous!” buong paghangang sambit ni Wayne nang sumunod sa kanya.
Tila hindi pa rin makapaniwalang hinagod siya muli nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Para bang ngayon lang siya nito nakitang nakasuot ng dress. Well, actually, ngayon nga lang dahil kadalasan ay shorts, tank tops or fitted shirts ang suot niya since iyon ang paborito niyang outfit.
Pero nang makita niya ang dress na ito noong isang araw nang mag-shopping sila ni Rachel ng mga bagong damit nito, naisip niyang babagay sa kanya ang pale pink na dress na ang hemline ay above the knee niya. Very feminine ang damit at may kutob siyang ang mga tipong babae ni Wayne ay iyong mga very feminine. At bilang parte ng pasimpleng pang-aakit niya kay Wayne, gusto niyang malaman kung ano ang magiging reaksyon nito sa suot niya. Hindi naman siya nabigo. Dahil halos hindi na kumurap si Wayne sa pagkakatitig sa kanya.
“Matagal ko nang alam na gorgeous, fabulous, stunningly beautiful, sexy and amazing ako, Wayne. But thank you,” nakangiting aniya sa lalaki.
Bahagyang natawa at napailing naman si Wayne. Lumapit ito sa kanya at tumungo ang ulo. Malinaw sa anyo nito na balak siya nitong halikan. Halik na buong puso naman niyang tutugunin nang may kasamang yakap pa. Pero naudlot iyon dahil biglang nagsalita sina Matt at Rachel. Tila binuhusan ng malamig na tubig na naipilig ni Chrisma ang ulo. Nawala sa isip niya ang presensya ng mga pamangkin. Buti na lang at hindi nakababasa ng isip ang mga ito kung hindi malamang na-trauma na ang mga ito dahil sa rated SPG na nilalaman ng isip niya patungkol sa tiyuhin ng mga ito.
“Tita Chrisma! Uncle Wayne! Alis na tayo!”
“Let’s go! Let’s go!”
Agad namang dumiretso ng tayo si Wayne at nakangising niyuko ang mga bata.
“Alright, let’s go,” anito na hinawakan sa magkabilang kamay ang mga bata at iginiya palabas ng bahay.
Dismayadong napasimangot na lang si Chrisma at sumunod sa magtitiyo. Tila nahulaan naman ni Wayne ang ipinagmamaktol niya dahil lumingon ito at nginitian siya.
“What’s the problem, gorgeous, fabulous, stunningly beautiful, sexy and amazing lady?” nanunudyong untag pa nito.
Kunway pinaningkitan niya ito ng mga mata pero sa loob-loob niya ay halos mamilipit na siya sa kilig. These past few days, Wayne seemed to warm up to her. Madalas ay tumatawa at ngumingiti na ito kapag kinukulit o binibiro niya. Hindi na siya nito iniiwasan. At madalas sinasakyan na rin nito ang mga hirit niya ukol sa panliligaw niya dito. Naalala tuloy niya ang Wayne na nakasama niya noong bago ito ikinasal kay Jemma five years ago. Ang Wayne na nakasungkit sa puso niya at hindi
pinakawalan iyon limang taon man ang lumipas.
“Nothing a kiss from my one true love won’t cure. Kaya kung ayaw mong pumangit ang gorgeous lady na ito, kahit smack na kiss lang o kaya flying kiss lang pwede na,” pilyang sagot naman niya.
Natawa si Wayne. Inalalayan nito sa pagsakay sa back seat ang mga bata habang siya ay sumakay naman na sa passenger’s seat. Ikinakabit niya ang seatbelt niya nang sumakay si Wayne sa driver’s seat. At eksaktong pagharap niya rito ay nasalubong niya ang mga labi nitong mabilis na dumapo sa mga labi niya. Nagtawanan at pumalakpak sa likod sina Matt at Rachel. Habang siya ay maang na napatitig lang kay Wayne.
Hindi na inungkat pa ni Wayne ang tungkol sa halik na namagitan sa kanila noong isang gabi. At dahil kinakabahan din siyang marinig mula sa lalaki kung ano ang ibig sabihin niyon para dito, mas pinili na lang din niyang huwag nang pag-usapan pa iyon. Pero ngayon, si Wayne na ang kusang humalik sa kanya. At kahit gaano pa kagaan o kabilis iyon, halik pa rin iyon mula sa lalaking mahal niya. Halik na ginawa nito sa mismong harapan ng mga pamangkin nila.
“Wayne...” sambit niya.
Masuyong sinalat naman ng hinlalaki nito ang pang-ibabang labi niya. At base sa mainit na pagtitig nito sa mga labi niya, malinaw na hindi lang basta mabilis at magaang halik ang nais nitong igawad na halik sa kanya.
Nag-usap ang mga mata nila. At sapat na iyon para magkaunawaan sila. May sagot na ang ‘panliligaw’ niya kay Wayne. At walang singtamis ang ‘Oo’ na iyon kahit pa hindi direktang nagmula sa mismong mga labi nito.