Chapter FORTY

“What the hell do you think you’re doing, Chrisma?!” gilalas na bulalas ni Wayne nang makita ng binata ang mga Christmas decorations na isinasabit nina Chrisma at ng yaya ng mga bata.

“Um, nag-i-skydiving? Ay, hindi, hindi pla, nag-i-skydiving habang umiinom ng kape,” may bahid ng sarkasmong sagot naman niya saka pinaikot ang mga mata.

Gwapo at ubod ng kisig nga ang nobyo niya pero minsan slow. Okay, fine! Alam niyang hindi slow si Wayne at ang dahilan kaya naitanong nito iyon ay dahil sa labis na hindi pagkapaniwala nito sa nakikitang ginagawa niya. Ang totoo, hindi talaga siya sigurado sa magiging reaksyon nito sa paghahanda niya para sa Pasko. Kaya as usual idinaan na lang niya sa biro ang pagsagot dito. Pero imbes na matawa tulad ng inaasam niyang gawin ni wayne, lalo lang kumunot ang noo ni Wayne.

Impit na natawa naman si Yaya Raya na agad nagpaalam na titignan ang mga bata na nagsi-siyesta. Hindi niya masisi si Yaya Raya sa pag-abandon ship nitong ginawa sa kanya. Sa hitsura kasi ni Wayne, isang baliw, isang istupida o ‘di kaya ay isang taong may death wish lang ang gugustuhing manatili roon upang salubungin ang hindi ikinukubling galit ng binata. And while she might not have a death wish and will never admit that she’s stupid, there is still some debate going on about the insanity gene in her bloodline. Kaya nanatili siya sa kinatatayuan o mas tamang sabihing kinaluluhuran. Nakaluhod kasi siya sa harap ng mga kahon na pinaglalagyan ni Michelle ng mga Christmas decorations na taon-taon ay isinasabit nito sa buong kabahayan nito.

“Naman, Wayne, ano ba sa palagay mo ang ginagawa ko? Eh di nagde-decorate ng mga Pamaskong tsutsu. November na, late na nga ako sa pagdi-decorate kung tutuusin. Kasi noon September pa lang nagsasabit na ng Christmas decorations si Michelle,” aniya na kunway kalmado lang at hindi apektado ng tila torong umuusok ang ilong sa galit na anyo ni Wayne.

“How can you be so insensitive?! Tingin mo interesado ako at ang mga bata na ipagdiwang pa ang Pasko? Kamamatay lang ng kapatid ko, Chrisma! Kamamatay lang ng mga magulang nila! Nagluluksa pa ako at ang mga bata!”

Dahil doon ay biglang nagpanting ang tainga niya. Kulang na lang sabihin nitong hindi siya naapektuhan sa pagkawala nina Michelle at Xander.

“Ikaw lang ba ang namatayan, Wayne? Ikaw lang ba ang nagluluksa? Nawalan rin ako ng mahal sa buhay. Sa tingin mo hindi ako nagluluksa? Tingin mo hindi ako nasasaktan? Michelle was my only family. Pero lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pagkawala niya ay tinitiis ko, itinatago ko dahil kailangan makita ng mga bata na malakas at matatag tayo pareho. They’re just kids, Wayne. They need as much stability as we could give them. Ang pagdiriwang ng Pasko ay nakasanayan na nila at hindi natin pwedeng agawin pati iyon sa kanila ngayong taon. Sa pamamagitan man lang ng pagbibigay natin sa mga bata ng mga bagay na nakasanayan na nilang matanggap tuwing Pasko mula kina Michelle at Xander, maipaparamdam natin sa mga bata kahit papaano na hindi naman talaga tuluyang nawala ang mga magulang nila.

“Oo, hindi nga sapat ang pag-celebrate ng Pasko para mabalanse ang laki ng nawala sa kanila. Pero kung pati ito aagawin natin sa kanila, ano pang matitira sa kanila?”

Tila isang perpektong hubog ng taong inukit sa bato ang ekspresyon ni Wayne. Salat sa emosyon. Kung hindi nga lang sa mabilis na pagtaas-baba ng dibdib nito at mariing pagkakakuyom ng mga kamao nito ay magdududa siya kung buhay pa ba ito. Pinukol siya nito ng hindi niya mapangalanang tingin bago ito marahas na tumalikod.

“Wayne!”

Tuloy-tuloy sa paglabas muli ng bahay si Wayne. Maya-maya’y narinig niya ang pag-alis ng kotse nito. Nanlulumong napasalampak siya ng upo sa harapan ng mga kahong naglalaman ng sari-saring Christmas decorations na matiyagang inipon ni Michelle sa nakalipas na mga taon. Mali ba siya?

Iginala niya ang tingin sa mga kahon ng Christmas decorations. Pinagdedebatehan pa niya sa isip kung dapat ba niyang ituloy ang pagdedekorasyon sa bahay nina Xander nang marinig niyang muli ang tunog ng sasakyan ni Wayne mula sa labas. Maya-maya ay pumasok ulit ng bahay ang lalaki. Huminto ito sa tapat ng pinto at nagsalubong ang mga tingin nila.

“I’m sorry. I’m an asshole. Tama ka. But this is---“ marahas na napabuga ito ng hininga sabay hagod sa buhok. “Seeing all these decorations and remembering how much Xander used to love celebrating Christmas, it hurt, Chrisma. It hurt a lot knowing he won’t be here to celebrate it with us,” mahina ang boses na pag-amin nito.

“Wayne,” anas niya na napuno ng simpatya ang puso para sa lalaki.

Humakbang si Chrisma palapit kay Wayne ay marahang hinaplos ng likod ng mga daliri ang pisngi ng lalaki. Pero tila hindi naman kuntento sa ganoon lang si wayne. Dahil bigla siya nitong hinapit sa baywang at pinaloob sa mga bisig nito. Inilapat niya ang pisngi niya sa matipunong dibdib nito at ipinalibot rin ang mga braso niya sa baywang nito. Naramdaman niya ang saglit na pagdampi ng mga labi nito sa tuktok ng ulo niya bago nito idinikit ang pisngi sa gilid ng ulo niya.

“He would’ve loved this, you know?” mahinang anas ni Wayne sa tapat ng tainga niya.

“Ang alin?”

“Tayong dalawa. Kahit noon pa, inilalakad ka na niya sa akin. Sabi niya, ikaw raw ang babaeng magpapangiti sa akin araw-araw kahit na may mabigat na problema akong pinagdaraanan. Ikaw raw ang babaeng magpapatawa sa akin kahit na nasa gitna ako ng matinding kalungkutan. Tama siya. Sana lang nakita niya na magkasama tayong dalawa. Sana nalaman niya na pinakinggan ko ang payo niya,” pahayag ni Wayne na isinubsob ang mukha sa gilid ng leeg niya.

Bigla ay dumampi ang malamig na hangin sa kanilang dalawa. Kapwa sila nanigas sa kinatatayuan at nagkatinginan. Saka silasabay napangiti.

“I think he already knows, Wayne,” bulong niya.

“Yes, he knows,” tango ni Wayne saka ito yumuko at sinakop ng mainit na halik ang mga labi niya.

Nakahalukipkip si Chrisma sa gitna ng dining room nang pumasok roon si Wayne matapos ihatid sa sasakyan nito ang Ate Talia niya na bigla na lang dumating kanina habang naghahapunan sila. Ang pakay raw nito ay si Wayne. At kay Wayne lang nito gustong sabihin ang kung anumang gusto nitong sabihin. Kaya naman sa garden nag-usap ang mga ito.

“Where’s Rachel and Matt?” nagtatakang bungad tanong ni Wayne.

Tila ni hindi nito napansin na lampas na ng oras ng pagtulog ng mga bata. Sa tagal ng pag-uusap nito at ng ate niya, napaliguan at nabasahan na niya ng kwento sina Matt at Rachel, hindi pa rin bumabalik sa loob ng bahay si Wayne. Isa pa naman na sa nightly rituals nila iyon. Bago umalis para umuwi sa sariling bahay nito si Wayne ay hihintayin muna nitong makatulog ang mga bata. Dismayadong-dismayado tuloy sina Matt at Rachel kanina dahil wala pa rin ang tiyuhin ng mga ito hanggang sa makatulog na ang mga ito.

“Hindi na talaga ako natutuwa sa iyo, Wayne! Punong-puno na ang salop! Kahit ilang beses mo pang kalusin! Umaapaw pa rin ang ngitngit, inis at pagkapikon ko sa iyo!” sa halip sagutin ito ay mariing pahayag niya.

“What?!” nagtatakang sambit nito.

“Ano? Hindi mo ma-gets?! Filipino ka naman at purong Tagalog naman iyong sinabi ko, hindi ba?! Sino sa atin ngayon ang boploks, ang bobo, ang slow?!”

Biglang nanlaki ang mga mata ni Wayne. At bumakas ang realisasyon sa anyo nito. Kasunod niyon ay ang pamumula ng mga pisngi nito dala marahil ng pagkapahiya at pagsisisi sa kaalamang narinig niya ang mga sinabi kanina ni Ate Talia tungkol sa kanya. Oo, palihim siyang nakinig sa usapan ng mga ito mula sa bintana na pinakamalapit sa garden. Pero ang naabutan niya ay patapos nang usapan ng dalawa. Hindi na bago sa kanya na maliitin at insultuhin ni Ate Talia kaya balewala na lang sa kanya iyon. Pero iba ngayong kay Wayne nito sinasabi ang lahat ng sa palagay ng ate niya ay mga kahinaan at kapintasan niya.

At dahil may hero complex si Wayne, malinaw na iniisip ng lalaki na masama ang loob niya dahil hindi man lang nito tinangkang kontrahin ang mga patutsada ng ate niya. Ni isang kataga, hindi man lang nito kinontra ang mga pahayag ng ate niya.

Humakbang palapit sa kanya si Wayne at hinawakan siya sa mga braso. Seryoso ang anyo nito. Tila handang umapela sa Supreme Court kung hindi niya pakikinggan ang sasabihin nito.

“Chrisma, you know I don’t believe anything your spiteful sister said about you---“

“Shaddup! Ayokong marinig ang mga paliwanag mo! Umalis ka na sa aking harapan! Nasasaktan ako, oh baby! Naninibugho ako, baby! Kahit na sa luha, pagbabayaran mo!” eksaherado ang mga ekspresyon niya para maikubli ang ngiti niya.

Pero matalino ang lalaki. Agad nitong nakuha na linya sa kanta ng Aegis ang mga sinabi niya at nagbibiro lang siya. Hati sa pagitan ng pagka-aliw at pagkayamot ang ekspresyon nito nang kabigin siya paloob sa mga bisig nito. Mariing ikiniskis nito ang pisngi sa tuktok ng ulo niya habang mahigpit na niyayakap siya.

“God, Chrisma! Can’t we even argue like normal people do?! Kailangan ba talagang mga linya sa kanta ang palaging gamitin mo? Ang hirap mong kausap!”

“Ginagaya ko lang si Lucibelle. Pantanggal bad vibes para hindi matuloy sa patayan ang away natin.”

Iiling-iling na napabuga ito ng hangin. Magaang na hinagkan ang noo niya saka niluwagan ang mga bisig na nakapalibot sa kanya. Pagkuwan ay sinalubong nito ang tingin niya.

“Does that mean you’re not mad at me for not defending you to your sister?”

“Depende sa magiging paliwanag mo ngayon,” pakipot na tugon niya. Dahil may hinala na siya kung bakit hindi nito ginawa iyon.

“Alam ko naman kasing ni katiting walang katotohanan lahat ng mga sinabi niya. At magbibingi-bingihan lang siya sa mga sasabihin ko tungkol sa iyo. She doesn’t really know you and what she does know about you, she resents and envies. But that says a lot about her character, not about yours. Kaya bakit pa ako mag-aaksaya ng oras na pahabain ang usapan namin?” tugon ni Wayne. “Kung hindi mo lang siya kapatid, kanina ko pa siya pinaalis. And I’m sorry to say this but I think it’s partly my fault why she was here.”

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

Bahagyang napangiwi si Wayne. Iginiya siya nito sa isa sa mga silya sa dining table at pinaupo. Mas lalo tuloy siyang kinabahan. Bakit kailangan pa nitong paupuin siya? Ganoon ba kabigat ang sasabihin nito kaya gusto nitong tiyaking hindi siya mabubuwal sa labis na kabiglaan?

At nang paluhod itong pumwesto sa harapan niya saka mahigpit na hinawakan ang mga kamay niya ay muntik na siyang mapatayo sa gulat at kaba.

“Wayne!”

“Please, just listen to me first. And believe me, I never wanted to hurt you. Pero nang pag-isipan kong gawin ang planong ito, lito pa ako dahil sa pagkawala nila Xander at Michelle.”

“Diretsahin mo na nga lang, Wayne!”

“Alright. Pinuntahan at kinausap ni Mama si Talia, Chrisma. Gusto kasi niyang malaman mula kay Talia kung ano-ano ang mga kasiraan mo na pupwedeng gamitin ng abogado namin para pumanig sa amin ang judge sa custody case na ipa-file namin sa iyo. But this was before we were together, Chrisma. Believe me. Matagal ko nang kinalimutan ang planong iyon.

“Nangyari lahat ng iyon bago pa tayo nagkasundo.Napag-usapan namin ni Mama noon na kunin ang mga bata para palakihin nang malayo sa iyo. But that was before I spent time with you and the kids, Chrisma. Wala na akong plano pang ilayo sila sa iyo. Pupwede tayong magpatuloy sa ganitong sistema. Pero umaasa ako na balang-araw, papayag kang tumira na rin ako dito kasama ninyo ng mga bata. O kung hindi man dito, sa bahay ko o sa bahay na bibilhin natin para sa pamilya natin,” mahaba at tila natatarantang masabi lahat ng nais nitong sabihin na pahayag ni Wayne.

Walang maapuhap sabihin si Chrisma. Hindi niya inaasahan ang mga natuklasan. Ni minsan hindi niya inisip na makakaya ni Wayne na pagplanuhan siya ng ganoon. Pilit niyang binawi ang mga kamay mula sa lalaki. Pero ayaw iyong pakawalan ni Wayne. Hindi pa nakuntento, ipinalibot nito ang isang braso sa baywang niya at inilapit ang mukha sa kanya.

“Sampalin mo ako kung galit ka. Suntukin mo pa ako kung gusto mo. Chrisma, maniwala ka, matagal nang nabura sa isip ko ang tungkol sa pag-uusap namin ni Mama. At alam na rin niya iyon. Nasabi ko na sa kanya iyon. Pero hindi niya ako pinaniwalaan kaya kinausap pa rin niya si Talia tungkol sa iyo. But believe me; I will fight on your side if she ever decides to take this to court. Just think about it first, wil you? Wala na akong rason para patuloy na magpanggap kung nagpapanggap nga lang ako. Alam mo na ang totoo.”

Bumunot ng malalim na paghinga si Chrisma. Pero parang hindi pa rin sapat iyon. Sinalubong niya ang tingin ni Wayne at sa nakikiusap na tono ay hiniling dito na pakawalan siya nito.

“Give me room and time to think about all these, Wayne. Please?”

“Chrisma---“

“Please, Wayne?”

“Gaano katagal? Isang oras? Okay---“

“No, umuwi ka na. Gabi na. Bukas na tayo mag-usap. Pupuntahan kita sa opisina mo pagkahatid ko sa mga bata sa school nila.”

“Bakit hindi pa tayo ngayon mag-usap? Dito ako matutulog---“

“No, Wayne. Umuwi ka na. Gusto ko munang mag-isip.”

“Chrisma,” tila nanlulumong sambit ni Wayne. Humigpit ang mga braso nitong nakayakap sa baywang niya at sumubsob ang mukha sa kandungan niya. Mistula itong batang umuungot na patawarin ng ina sa naggawang kasalanan. Maya-maya ay tumayo ito at halatang napipilitan lang na nagpaalam sa kanya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.