Chapter SIXTY-FIVE

Tulad ng sinabi ni Tom kay Lucibelle kahapon, kinabukasan ay balik na sa dating disposisyon nito si Jingjing. Masigla at nakakatawa na ulit ang dalaga. Maliban sa medyo pangangayayat dahil sa ilang araw na hindi pagkain, hindi na mahahalatng ilang linggong nakalipas na daig pa niya ang nabiyuda.

Siguro masasabi ngang ganoon na rin ang nangyari sa kanya. Pakiramdam niya bigla siyang nabiyuda dahil matapos ang mahigit ilang araw na pag-iwas sa mga tawag niya ni Bell ay dineretso siya nito nang huling beses niyang tawagan ito. Nakaukit sa isip niya ang bawat salitang binitiwan nito. Mga katagang daig pa ang katana sa talim na paulit-ulit humiwa, pumilas at nagpira-piraso sa puso niya.

“Hindi ka naman tanga, hindi ka manhid. Alam mo naman siguro ang ibig sbaihin kapag ayaw kang makausap ng isang tao, di ba? Maawa ka sa pride mo. Tapos na tayo. Ayoko na sa iyo.” Sinlamig ng yelo at sintiga sng bato ang boses ni Bell. Bawat kataga daig pa ang matalim na kutsilyo at matulis na pako na humihiwa at bumabaon sa puso niya.

“B-Bell...bakit? A-ano’ng kasalanan ko? Ano’ng naggawa ko sa iyo?!”

Dinig niya ang marahas na pagbuga ni Bell ng hininga. Para bang nauubusan ng pasensya sa kanya pero atas ng pakikisama ay pilit na kinokontrol ang sarili. Ilang beses pa muna itong bumunot ng malalim na hininga bago nagsalita. Akala niya babawiin nito ang mga salitang sanhi ng pamimilipit sa sakit ng puso niya. Pero mas lalo lang pala nitong pagdurusain ang puso niya sa sumunod nitong mga salita.

“Wala kang kasalanan, Jing-jing. Ako ang may kasalanan. Ako ang naging marupok at---I met another woman, Jing. And I---I guess you can say I fell in love with her the first time I saw her. Hindi ko sinasadya, Jing. Hindi ko sinasadya. I’m sorry. I’m so sorry...” may himig na ng pakikiusap ang tono at boses ni Bell sa pagkakataong iyon. Para bang nakikiusap ito sa kanya na huwag na niyang pahabain pa ang sariling paghihirap ng loob niya.

Mariing kinagat niya ang mga labi. Sa sobrang diin ng pagkakakagat niya, nalasahan na niya ang dugo mula sa sugat sanhi ng napakariing pagkakagat niya sa sariling labi. Pero hindi siya naniniwala sa lalaki. Hindi si Bell ang tipo ng lalaking mangangaliwa. At bago pa man ito umalis papuntang States, nadarama na niya nag unti-unting paglayo at pagdistansya nito sa kanya. Posibleng may nakilala na nga itong iba sa States at posibleng kasama nito ang babaeng iyon ngayon. Pero bago man ito umalis ng Pilipinas, malakas ang kutob niyang binabalak na nitong makipaghiwalay sa kanya.

“Tapatin mo na ako, Bell. Huwag ka nang magpaliguy-ligoy pa. Kung gusto mong makipaghiwalay sa akin, at least give me the real reason! Noong bago ka umalis binalak mo nang makipaghiwalay nun, di ba?” untag niya.

Mahabang katahimikan ang naging tugon nito. Maya-maya bumuntung-hininga ito at napilitang mangumpisal.

“Oo.”

“Bakit?! Kahit kailan ba hindi sumagi sa isip mo na posibleng mahalin mo rin ako? Kahit saglit lang, kahit sa bangungot lang? Noong buong panahon na magkasama tayo, hindi mo ba naisip na posibleng maging totoo ang acting lang?”

“I’m sorry, Jing-jing. I’m sorry. Umalis ako dahil ayoko nang pahabain pa ang pagpapanggap natin. Ayokong patuloy na umasa ka.”

“So lahat, everything was just part of the show? Part of pretending we’re together so you can keep Darrell away from me?! Kahit na noong malaman mo na wala talagang gusto si Darrell sa akin?”

“I’m sorry, I’m so sorry. Jing-jing---“

Hindi na pinakinggan pa ni Jing-jing ang susunod pang sasabihin ni Bell. Pinutol na niya ang linya. Napahawak siya sa dibdib niya. Parang dinidikdik ang puso niya sa sobrang sakit.

Masakit. Napaktindi ng sakit. Para siyang pinutulan ng mga paa at mga kamay. Parang bigla lahat ng bahagi ng katawan niya ay isang bukas at nagdurugong sugat. Walang kapantay ang sakit. Lalo pa’t ang pagtawag niyang iyon kay Bell ay dahil nais niyang ibalita rito ang akala niya ay masayang balitang ikalulugod nitong malaman. Nais niyang sabihin dito na buntis siya. Nasa sinapupunan niya ang anak nila. Pero paano niya gagawin iyon kung sinabi na nitong ni minsan hindi naman pala siya nito minahal. Tapos na ang misyon nitong papanatagin ang loob ni Marie kaya itsapwera na siya s abuhay nito. Siya at ang anak na iniwan nito sa kanya.

“Ang cute-cute talaga ng baby Winnie ko! Puti-puti pero sing pretty ni Tita Jing-jing, ‘di ba?! Ewan ko nga lang kung bakit pinangalanan kang Winnie ng mag magulang mo. Sana paglaki mo, hindi na kilala ng mga kasing edad mo si Winnie the Pooh kundi kawawa ka Winnie baby,” nanggigil na halik ni Jing-jing sa pisngi ng one-week-old na anak nina Marie at Darrell.

Tila nakakaintindi namang biglang ngumiti ang baby na prenteng-prente sa kinalalagyang stroller. Nasa garden sila ng bahay nina Marie at habang ihinahanda mismo nina Darrell at Marie ang merienda nila’y siya muna ang mag-baby sit sa sanggol. Pero may kutob siyang hindi lang idlip ang ginagawa ng mag-asawa sa silid. Kung maglambingan kasi ang dalawa aakalain mong hindi lang kapapanganak ni Marie noong isang linggo.

“Grabe ang Mommy’t Daddy mo, uy! Wala ka pang one month old gusto ka na yatang sundan. Kawawa ka naman. Magkakaroon na agad ng kapatid, hindi mo pa nga nararanasang mai-spoil bilang only child, no?”

Kumawag-kawag ang isang kamay ni Winnie. Gusto niyang isiping sang-ayon ang sanggol sa bagay na iyon.

“Gusto mo ba iyon? Gusto mong magkaroon agad ng baby sister or brother? Well, wait ka muna sa baby sister or brother mo. Hindi pa pwedeng manganak agad ang Mommy mo. Pero wait just five more months and you’ll have a new playmate to play with. Ang baby ni Tita na sana kasing cute mo rin!” aniya sa bata.

“Jing-jing!!” ginulat siya ng malakas na tinig ni Marie. Katabi nito si Darrell na tulad nito ay puno rin ng panggigilalas ang anyo.

“Joke ba iyon?”

“Buntis ka?”

Sabay pang sambit ng mga ito. At kung masdan siya at pukulin ng nang-uusig na mga tingin ay para bang isa siyang maharot na teenager na maagang nagpabuntis.

Pero hindi niya ikinakahiya o pinagsisisihan ang dinadala niya. Kung may biayay mang dulot sa kanya ang relasyon nila ni Bell, ang baby niya iyon. Kaya buong pagmamalaking tumango at ngumiti siya bilang tugon kina Marie at Bell.

“Congrats, Jing! May mini me ka na rin kaya siguro naman babawas-bawasan mo na ang pag-angkin dito sa baby namin!” tuwang sambit ni Darrell.

“Alam na ba ito ni Bell?” usisa ni Marie.

Umangat ang isang kilay niya sabay irap.

“At bakit naman!! Wala siyang karapatan na malaman ang kahit na ano at mas lalong wala akong obligasyong sabihin sa kanya ang kahit na ano tungkol sa akin o sa buhay ko!”

Nagkatinginan sina Darrell at Marie.

“My brother should know about this, Jing-jing!” kunot-noong giit ni Marie. “And I think I should tell you that he’s already on his way over here.”

“Ano?!” natatarantang luminga-linga siya na para bang bigla na lang susulpot ang lalaki sa gitna ng hardin ng bagong bahay nina Marie at Darrell. Dinampot niya ang bag niya at agad isinukbit sa balikat.

“Jing-jing, stay. Mag-usap muna kayo ni Kuya Bell. Marami siyang ipapaliwanag sa iyo.”

“Hindi ako interesado sa paliwanag niya! Kapag nagbago ang isip ko, saka lang niya pwedeng malaman ang tungkol sa anak ko. Pero sa ngayon, ayokong makakarating sa kanya ito. Lagot kayo sa akin kapag nalaman kong sinabi ninyo sa kanya ito.”

“Pero, Jing-jing, dapat malaman ni Kuya Bell ang tungkol rito!” determinadong hayag ni Marie.

“Ang alin?”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.