Zygryd’s head slightly swayed with the loud music. She was in an underground rave party. Punong-puno ang dance floor sa mga kabataang nagpa-party. Bumabaha ng pagkain, alak, sigarilyo at hula niya ay pati drugs. At sa huling bagay na iyon siya higit na interesado.
Kinalabit niya ang kaibigang si Reggie. Regino sa umaga at Regina sa gabi. Nang mga oras na iyon ay di ito nagtatago sa panlalaking pantalon at polo na suot nito kapag nasa eskwelahan sila. Feel na feel nito ang leather dress at boots na suot.
“Reggie, sigurado ka ba doon sa sinabi sa iyo ni Banjo na dadating ngayon ang dealer nila ng heaven?” Heaven ang codename nila sa ecstasy. Iyon ang pinakamainit na droga sa market ngayon at ayon sa impormasyong nakuha niya ay talamak ang bentahan ng naturang droga sa rave party na iyon.
“Sabi ni Banjo kasama daw niyang dadating ngayon.” Hinaplos nito ang braso. “Sis, pwede bang umalis na lang tayo? Hindi ka naman bibili.”
“Gusto ko lang mapag-aralang mabuti ang transaksiyon nila. Saka hindi ba interesting? Sabi ng isang buyer sa akin, bata, guwapo at mukhang may pinag-aralan ang dealer nila. Bakit kailangan pa niyang maging pusher ng drugs? HIndi ba magandang istorya iyon? Tiyak na mananalo na naman ako sa competition nito.”
Isa siyang nagpapasa para sa isang online writing competition. Nang nakaraang buwan ay nanalo siya ng second place. Di malaki ang premyo pero iba ang pakiramdam niya kapag nakikita niya ang p gawa niya na inuulan ng papuri. Sa buwang ito ay babawi siya. Target din kasi niya na manalong Story of the Year.
“Could you please create a much normal story? Iyong hindi na kita kailangan pang samahan sa mga delikadong lugar. You don’t have to dig into the life of a drug dealer. Baka mamaya hinahabol na tayo ng bala sa ginagawa mo.”
“This is a novel. Not an investigative report. Lalabas na fiction lang ang story.” Wala naman siyang planong makialam sa negosyo ng mga ito.
“Hindi ko alam kung ano ang napapala mo sa pagsusulat mo. Hindi naman related sa pagsusulat ang course natin. Business ang course natin.”
“I love writing. Si Daddy lang ang gusto na mag-take up ako ng Business Management. Wala akong hilig sa negosyo.” Di tulad kapag nagsusulat siya. Pakiramdam niya ay napapalapit siya sa namayapa niyang ina. Writer din kasi ang nanay niya pero puro unpublished nga lang ang gawa nito.
“Zygryd!”
Nagulat siya nang makita ang stepsister niyang si Avon. Napatayo siya mula sa kinauupuan. “Avon, anong ginagawa mo dito?”
“Sinundan kita. Sabi kasi sa akin ni Oscar dito ka daw pupunta kaya sumunod ako. What are you doing here anyway?” May disgusto nitong inikot ang paningin. “This place is nasty. I don’t like it here.”
“Then go home. Nobody asked you to come here.”
Twenty-one na si Avon, mas matanda ng dalawang taon sa kanya. Sa isang university lang sila nag-aaral kaya nasusundan nito ang lahat ng kilos niya.
Malaki itong tinik sa lalamunan niya. Isama pa ang stepmother niyang si Imelda na pinakasalan daddy niya nang sampung taon na siya. Since then, they made her life miserable. Kaya pinili niyang sa lolo at lola niya sa States tumira. Bumalik lang siya sa Pilipinas noong sixteen na siya. Mula nang tumapak siya sa Pilipinas, wala nang tama sa ginawa niya. Lagi na lang nakabuntot sa kanya si Avon at kung anu-ano ang isinumsumbong sa daddy niya. Madalas tuloy mapahamak dahil sa kagagawan nito.
Hinawakan nito ang braso niya. “I won’t go home without you. Sa akin ka ibinilin ni Daddy. You are my responsibility.”
“Then stay. Basta huwag kang makialam sa ginagawa ko.” Di siya papayag na masira ang istorya niya dahil lang sa pagka-intrimitida nito.
“But I want to go home!” Avon insisted. “How could you stay in a crowd like this? Full of addicts! I hope you are not an addict, Zygryd. Dad would be disheartened. You should choose your friends well. Hindi iyong bad influence.”
Pumikit nang mariin si Reggie. “Tell your stepsister to shut up,” he whispered. “Ingungudngod ko siya sa sahig.” Halatang nagtitimpi lang ito ng galit dahil naroon siya. Kung wala marahil siya, ginawa na nito ang banta. Ito lang naman kasi ang kaibigan niya at di pa kasundo ni Avon.
“Huwag mong sirain ang beauty mo para sa kanya,” payo niya.
Isang lalaki na tadtad ng hikaw sa kilay, labi at ilong ang lumapit kay Avon at inilahad ang palad. “Hi, Miss Gorgeous! Care to dance?’
Nang-uuring tiningnan ni Avon ang lalaki. “Will you stay away from me? HIndi ako nakikipag-usap sa mga mukhang addict na tulad mo.”
“Ang sakit mo namang magsalita, Miss. Alam mo ba kung sino ako dito? Wala pang babaeng tumanggi na makipagsayaw sa akin.”
Nagulat siya nang biglang sampalin ni Avon ang lalaki. “I don’t want to dance with you, lowlife!”
Nahigit nila ni Reggie ang hininga. “Naku! Bakit niya sinampal? Iyan ang leader ng mga punk dito at mahilig iyan sa gulo.”
Nag-apoy ang mata ng lalaki sa galit habang sapo ang pisngi. “Ang yabang mo, ah! Ano bang ipinagmamalaki mo, ha?”
Inangat ng lalaki ang kamay at tangkang sasampalin din si Avon. Mabilis siyang humarang. “Boss, sorry. She didn’t really mean it. Kabe-break lang nila ng boyfriend niya at medyo kamukha mo,” palusot niya.
“Umalis na lang kayo dito, Miss at huwag na kayong babalik,” anang lalaki na matalim na ang tingin sa kanila. Nakapila na sa likod nito ang mga katropa nito. “Oras na makita ko pa ulit ang babaeng iyan, di mo na ako mapipigilan.”
“Yes, Boss!” sabi niya at mabilis na hinila si Avon palayo.
“Isusumbong ko kayo sa pulis! Lahat kayo ipapakulong ko,” sigaw ni Avon kahit na paalis na sila. “All of you will rot in hell! This place is hell!”
She tugged her hand. “Stop it, Avon! Gusto mo ba talaga na masaktan? Di bale sana kung sasampalin ka lang nila.”
Bigla itong humikbi. “This is all your fault, Zygryd. Hindi ako mababastos kung hindi dahil sa iyo. I will tell Dad about this. You’ll see.”
“WHAT are you doing with your life, Zygryd? Pumunta lang kami ng Tita Imelda mo sa Davao, may bagong gulo ka na namang ginawa. Pumunta ka sa addict-infested na rave party na iyon at hinayaan mong mabastos si Avon.”
Hindi makatingin nang diretso si Zygryd kay Don Fidel. Nanliliit siya sa sermon nito. Kung isa lang marahil siyang pagong, baka di na siya lumabas sa bahay niya. Si Fidel Almenderos ay isang shipping lines magnate. Bumibiyahe ang mga ferry nila sa parte ng bansa kaya madalas itong umaalis. He was a man of authority and nobody would dare mess up with him.
Sa airport pa lang ay nag-iiiyak na si Avon sa mga ito at nagsumbong. Kaya pagdating sa mansion ay kinulong agad siya ng daddy niya sa library.
“It is not my fault, Dad. Siya itong sumunod sa akin,” depensa niya.
“Ibinilin ka sa akin ni Daddy kaya ako sumunod. Kung hindi dahil sa akin, baka ikaw naman ang nabastos nila,” kontra naman ni Avon.
“I can defend my self while you were not in your place. Hindi ka naman binabastos. Niyayaya ka lang magsayaw. Tapos bigla mo na lang sinampal at sinabihan na addict. Sa palagay mo ba tama iyon? If you will ask me, that was so unladylike. Pasalamat ka at di ka nila sinaktan doon.”
Biglang umiyak si Avon sa panggigilalas niya. “Ako pa pala ang may kasalanan ngayon. Mas kinakampihan mo pa ang mga addict na iyon kaysa sa akin.”
Niyakap ito ni Imelda at puno ng panunumbat siyang pinagmasdan. “How could you do this to my daughter, Zygryd? Ikaw na nga ang inaalala ni Avon. You dragged her to that hellish place and now you are blaming her?”
“She was the one who asked for trouble, Tita. Walang taong matutuwa na basta na lang sampalin. Di bale sana kung binastos talaga siya ng mga lalaking iyon.” Sa nangyari, si Avon pa nga ang lumabas na bastos. Pwede nitong itaboy nang maayos ang lalaki kung bakit nanakit pa ito.
“That is enough, Zygryd,” saway sa kanya ng daddy niya.
“Did you hear that, Fidel? Pinalalabas ng anak mo na di ko tinuruan ng magandang asal si Avon. Bastos daw ang anak ko at mas kinakampihan pa niya ang mga addict na iyon.” Sinapo ni Imelda ang dibdib. “Hindi kaya addict na rin ang anak mo? Zygryd must be one of those thugs now. She is not in her own right mind.”
“I am not an addict, Tita,” maagap niyang salo. Baka mamaya ay ipa-rehabilitate na lang siya basta ng daddy niya. “I don’t even smoke. Kahit ipa-drug test pa ninyo ako ngayon, wala po kayong makukuhang trace ng drugs sa akin.”
Isa pa sa nagpapahamak sa kanya ay ang wild imagination ng madrasta niya. Pinaghinalaan din nito na may relasyon sila ni Reggie noon. Di ito tumigil hanggang napilitan pa si Reggie na aminin sa lahat ang totoo nitong pagkatao. Mababaliw siya habang kasama ang mag-inang Avon at Imelda sa isang bubong.
Hinawakan ni Fidel si Imelda sa magkabilang balikat at kinintalan ng halik sa pisngi. “Magpahinga na kayo ni Avon. I will deal with Zygryd,” malambing nitong sabi.
“I am really bothered with Zygryd’s behavior, Fidel. As a mother, gusto ko naman na maging maayos siya tulad ni Avon,” maluha-luhang sabi ni Imelda. As if she was genuinely concerned with her.
Kahit kailan ay di niya naramdaman ang pagmamahal ng isang ina mula kay Imelda. Lagi na lang itong nakikipagkompitensiya sa atensiyon ng daddy niya. Ito at si Avon. Nasanay na lang siya na maging kontrabida sa bahay na iyon. Lagi namang pinapaboran ng daddy niya ang mga ito.
Nang mapag-isa sa kuwarto ay pinakawalan ng daddy niya ang isang malalim na buntong-hininga. “Zygryd, what is your problem really? Kailan ka ba titigil sa pagbibigay ng sakit ng ulo sa akin?”
“I am not doing anything wrong,” she insisted. Si Avon at Imelda ang nagbibigay ng maling impression sa mga ginagawa niya kaya iyon din ang nagiging impression ng daddy niya.
“And what were doing in that underground party?”
Ilang sandali siyang di nakapagsalita. Nag-aalinlangan siya kung sasabihin sa daddy niya ang totoo o hindi. “Nagre-research po.”
“Regarding what?”
“I can’t possibly tell you, Dad.”
“You have to tell me about it, Zygryd!” anito sa dumadagundong na boses.
“A life of a drug dealer,” bagsak ang balikat niyang sagot.
Naibagsak nito ang nakakuyom na kamao sa mahogany table. “What the hell do you think you are doing? Last time you nearly climbed the Sierra Madre Mountains with those activists to interview rebels. Ngayon isang drug dealer ang gusto mong gawan ng istorya.”
“But it is a nice piece, Dad.”
“Forget about it!” mariin nitong saway.
“Kapag nanalo ako sa competition, may chance na ma-publish ang gawa ko. Hindi ka ba natutuwa sa accomplishment ko, Dad?”
Tumiim ang anyo nito. “Hindi ko pinangarap ang ganitong klaseng buhay para sa iyo, anak. You always get into trouble because of those stories. Pero wala ka namang napapala. It is not worth your life.”
“But it is what I love to do, Dad. Hindi ba pwedeng maging masaya naman kayo para sa akin kahit na minsan?”
“Magiging mas masaya ako kung katulad ka ni Avon na walang inintindi kundi ang pag-aaral niya. Wala siyang iniisip kundi ang studies niya.”
Ngumisi siya. “You want me to be like her? Gusto mo rin ba na magkaroon ako ng back subjects katulad niya?” Ganoong klase ba ng pag-aaral ang gusto nito?
“That is so impolite, Zygryd. Your sister is trying her best.”
“And compare to her, I am a worthless student? Kahit kailan hindi ako nakarinig ng maganda sa mga ginagawa ko. You never cared that I am on the dean’s list. Hindi ninyo pinahalagahan ang mga accomplishments ko. You are so unfair, Dad.”
“Pantay lang ang trato ko sa inyo ni Avon.”
“Am I suppose to believe that, Dad?” tanong niya at tinalikuran ito. Di niya naramdaman ang pantay na sinasabi nito. Siya ang totoo nitong anak pero mas anak pa ang trato nito kay Avon. She couldn’t really blame him. Di siya nito nakasama sa paglaki niya. He didn’t really know her that’s why he could never appreciate her.
“Zygryd, this has to stop. Ayoko nang mapahamak ka pa. Pagkagaling sa school, sa bahay ka agad tutuloy. Hindi ka pwedeng pumunta sa ibang lugar na hindi kasama si Avon o ang Tita Imelda mo. Do I make myself clear?”
“Yes, Dad,” she answered lamely. She was grounded and there was nothing she could do about it. Nirerespeto pa rin naman niya ang desisyon ng daddy niya.
Nilapitan siya ni Avon nang papasok siya sa kuwarto niya. “Zygryd…”
“What now? Hindi ka pa ba masaya na nagalit sa akin si Daddy dahil sa kagagawan mo?” Nanginginig ang boses niya sa tinitimping galit.
“I am sorry. Hindi ko naman inaasahan na ganoon ang mangyayari.”
“Well, what you did was stupid. Matapos mong sampalin ang lalaking iyon at magsumbong kina Daddy at Tita, di pa pala ganito ang ine-expect mo.”
“Bakit ka kasi nagpunta doon?” paninisi nito.
“Who asked you to follow me in the first place?”
“Concern lang naman ako sa iyo.”
She smiled sarcastically. “Thanks for your concern. Now I am grounded.”
Yumuko ito. “Gusto ko lang na maging magkaibigan tayo.”
“Then stop interfering with my life!” aniya at ibinalabag ang pinto ng kuwarto niya pagpasok niya. Malungkot niyang pinagmasdan ang picture ng mommy niya. “I wish you are here, Mommy. Hindi sana mangyayari sa akin ito.” Hinaplos niya ang kuwintas na suot niya na may pendant na letter L. She believed that it was from an angel who saved her from drowning when she was five. She closed her eyes tightly and uttered a prayer. “Dear Angel, I wish you will save me and take me away from here.”
Gusto niya sa isang lugar na malayo doon. Iyong may tunay na magmamahal sa kanya. And she wondered if she could find such a place or such a person. Parang mailap kasi ang pagmamahal sa kanya dahil sarili niyang ama ay di siya kayang mahalin nang buong-buo.