Malagihay na hangin ang gumising kay Zygryd. Nang idilat niya ang mata ay bumungad sa kanya ang kurtinang lumilipad dahil sa malakas na hangin. Madilim ang kalangitan at bahagya nang umuulan. Bumangon siya upang isara iyon nang marinig niya nang marinig niyang parang may tumatawag sa pangalan niya kasabay ng pagsipol ng hangin. “Mommy,” nausal niya at nakayapak na tumakbo sa kuwarto ng mommy niya.
It was a dream, she was sure. Parang bata ulit siya na ginigising ng pagtawag ng mommy niya sa pangalan niya at idinadala ng hangin ang tinig nito. She would see her again lying on her bed. May malungkot itong ngiti sa tuyot na labi at iaabot nito ang kamay sa kanya. She wanted to see her mom smile again for her.
Natigilan siya nang pagbukas sa kuwarto ng mommy niya ay bakanteng kuwarto ang nandoon. Kasunod niya sa likuran niya si Manang Minerva na may dalang mga damit na inakas nito. “Señorita, bakit po?” tanong nito.
“Si Mommy,” tanging sagot lang niya at nagtatakbo palabas ng villa. Doon siya sa may dalampasigan. Kapag wala sa kuwarto niya ang mommy niya ay naroon lang ito sa tabing-dagat at nakasakay sa wheelchair. Then she would smile at her again. Iyon lang ay sapat na upang pasayahin siya.
Di niya inalintana ang basang buhangin sa ilalim ng nakayapak niyang paa. “Mommy!” sigaw niya subalit walang tao sa dalampasigan.
Ang tanging sumalubong sa kanya ay ang malakas na hangin at ang bugso ng malamig na ulan na humahampas sa katawan niya.
Then she realized that her mother was gone. Hindi na ito babalik. Mag-isa na lang siya. Namanhid ang katawan niya sa lamig ng bumubuhos na ulan. “Mommy,” usal niya at napasadlak sa buhanginan. She felt alone again. So alone.
Nakuyom ng palad niya ang basang buhangin. Parang pinipiga ang puso niya sa sobrang lungkot at di pa siya nakadama nang ganoon katinding lungkot sa buhay niya. All these years, she was so forlorn. “Mommy, sana bumalik ka na lang. Sana di mo ako iniwan,” panalangin niya sa gitna ng paghikbi.
She thought it was okay to be alone then. Pero sa lugar na iyon lang niya naramdaman kung gaano kalungkot ang mag-isa at walang nagmamahal.
“Ma’am Zygryd!” tawag sa kanya ni Lander at masuyong hinawakan ang balikat niya. “Anong ginagawa ninyo dito sa ulanan? Basang-basa kayo.”
“Just let me be,” utos niya at niyakap ang sarili. Walang sinumang makakaalis ng lungkot na nararamdaman niya.
“Pero baka magkasakit kayo, Señorita,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Manang Minerva. “Pumasok na po kayo sa loob.”
Ikinatang niya ang baba sa tuhod kahit na nanginginig na siya sa lamig. “Ayoko. Kayo na lang ang pumasok sa loob. Kaya kong alagaan ang sarili ko.” She was good at it for years now. At walang pakialam ang sinuman magkasakit man siya. Problema na niya kung anuman ang mangyari sa kanya.
Bigla siyang binuhat ni Lander. “Palakas na nang palakas ang ulan at dumidilim na. Manang, ihanda ninyo ang paligo ni Ma’am Zygryd at ipag-init ninyo siya ng soup.”
Nagulat siya dahil parang walang anuman dito ang pagtataboy niya. And how dare he command the people around her as if he owned the place.
Nagpumiglas siya. “Put me down! Sinabi ko na sa iyong gusto kong mag-isa. Pabayaan mo na ako. Huwag mo na akong pakialam!” pasigaw niyang sabi.
“Saka na ninyo ako sigawan kapag kaya na ninyong makawala sa akin, Ma’am,” anito sa suwabeng boses na parang balewala ang bigat niya o ang pagwawala niya. “Kahit na bumagsak pa kayo, ibabalik ko pa rin kayo sa villa.”
“Is that Dad’s instruction? For you to manhandle me?”
“To protect you from yourself were his exact words,” he cleared.
“You can put me down now because you are fired!” she bellowed.
Nagpatuloy lang ito sa paglalakad kalong siya. Ni hindi natakot sa banta niya. “Kahit na sesantehin mo pa ako, di kita bibitawan dahil nag-aalala ako sa iyo.”
She went still. Bakit ito magiging concern sa isang tulad niya? Pwede naman siya nitong iwan na lang basta. That would be easier for him.
“Shut up!” nausal na lang niya dahil talo siya nito. Kahit pumiglas pa siya ay di rin naman siya nakakawala. At wala na siyang lakas para labanan ito.
“Okay,” sabi lang nito at di na nagsalita pa. Subalit gumuhit ang matagumpay na ngiti sa labi nito na nagsasabing ito ang nagwagi.
Ihinilig niya ang ulo sa matipunong dibdib nito. She smelled the faint smell of his manly cologne. Na-relax ang pakiramdam niya. Parang napakasarap manatili sa bisig nito. Na kaya siya nitong ipagtanggol sa kahit sinong maaring manakit sa kanya. O kahit pa sa ulan o hangin. O kahit pa sa kalungkutan.
She never felt so peaceful before. Nang mamatay ang mommy niya ay minsan lang niya iyon naramdaman. Nang muntik na siyang malunod at sinagip siya ng isang anghel. Inangat niya ang tingin niya kay Lander. Anong mayroon dito at ganoon din ang nararamdaman niya? Di naman ito anghel.
Ipinikit niya ang mga mata. She just wanted to cherish the feeling. Dahil sa loob ng mahabang panahon, ngayon lang ulit niya naramdaman na di siya nag-iisa.
NAKATANAW sa madilim na gabi si Zygryd habang nakaupo sa kama. Katatapos lang niyang mag-shower at bathrobe lang ang suot niya. Basa pa ang buhok niya pero di na siya nag-abala pang patuyuin iyon. Di na niya iniisip pa ang itsura niya. Di kalayuan sa kanya ay ang pagkaing idinala ni Manang Minerva pero di niya nagalaw.
Pumasok sa kuwarto niya si Lander. Nakapagpalit na ito ng damit ngunit tulad niya ay basa pa ang buhok nito. He grimaced when he saw her untouched food. “Kumain ka naman kahit chicken noodle soup para mainitan ang sikmura mo. Nagpakabasa ka na nga sa ulan, hindi ka pa kakain.”
Tipid siyang ngumiti. “Iwan mo na lang ako. Magpahinga na lang kayong lahat. You don’t have to bother yourself on my account.”
Binitbit nito ang bowl ng chicken noodle soup at umupo sa tabi niya. “Medyo mainit pa ito. Pwede mo pang kainin.”
Tangkang susubuan siya nito nang iiwas niya ang ulo niya. “Mas gusto kong mag-isa. Kaya ko na ang sarili ko.”
Bumuntong-hininga ito at inilapag ang bowl sa tray. Umupo ulit ito sa tabi niya. “Hindi mo kailangang sarilihin ang nararamdaman mo. Pwede mong sabihin sa akin.”
Lumingon siya dito. “Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko.”
“Malalaman at maiitindihan kita kung sasabihin mo sa akin.”
Mahabang sandali niya itong pinagmasdan. Mukhang wala sa bokabularyo nito ang sumuko. At di siya nito tatantanan hangga’t di siya nagsasalita.
“Sasabihin ko sa iyo lahat pero pagkatapos noon, titigilan mo na ako.”
Tumango ito. “Sure.”
Tumayo siya sa tabi ng bintana. “I was five when my mother died. Sabi nila, di basta-basta nakakaalala ang mga bata sa mga nangyari sa kanila pero iba ako. I can still remember everything vividly. Hapon noon at makulimlim. Naalimpungatan ako dahil tinatawag niya ang pangalan ko. Nang dumating ako sa kuwarto niya, inabot niya ang kamay niya sa akin. Matapos iyon, namatay na siya.” Naramdaman niya ang pagtulo ng luha. “Mag-isa lang ako noon dahil nasa kusina ang mga katiwala dito sa villa. Wala rin si Daddy dahil inasikaso niya ang negosyo namin sa Manila. Mag-isa lang akong nakakita nang mamatay si mommy. Di ko alam kung gaano ako katagal umiyak. Kung gaano ko katagal tinawag ang pangalan niya. Basta ang alam ko patay na siya. And I had to face that agony alone.”
She was crying again. Sabi niya sa sarili ay ayaw niyang may makakitang umiiyak siya. Matapos niyang umalis sa Isla Marina, tinuruan na niya ang sarili na huwag lumuha. It was a sign of weakness. Ayaw niyang makita ng iba na nasasaktan siya dahil gaya ng Tiya Imelda niya ay matutuwa lang ito na nasasaktan siya. Pero heto at hinahayaan niya ang sarili niyang umiyak sa harap ni Lander.
Hinawakan nito ang balikat niya. “At nang magising ka kanina, akala mo bumalik ka sa araw na iyon. Lagi ba itong nangyayari?”
“Noong kamamatay pa lang ni Mommy at nandito ako sa isla. Ngayon na lang naulit ang panaginip ko. That I always find my self alone and my mother gone. Akala ko hindi na mauulit iyon. I tried to be strong. Pinamanhid ko na ang sarili ko sa sakit pero bakit kapag nandito ako, nararamdaman ko pa rin na malungkot mag-isa?”
KinabiG nito ang ulo niya at isinandig sa dibdib nito. “Maybe because you preferred to isolate your self. Lahat ng nararamdaman mo itinago mo . Pakiramdam mo pinabayaan ka ng daddy mo. At kahit may kaibigan ka tulad ni Reggie, di mo rin nasasabi ang totoong saloobin mo. Natatakot ka na iwan ka ng mga taong mahalaga sa iyo kung kailan kailangan mo sila kaya nagdepende ka na lang sa sarili mo. Hindi mo pa hinaharap ang nakaraan mo.”
Mariin siyang pumikit. “Ayoko nang maalala, Lander.”
Inangat nito ang mukha niya at tinitigan siya. “Ayaw mo ngang maalala ang nakaraan pero doon ka pa rin nabubuhay. Itinataboy mo ang mga taong gustong lumapit sa iyo. Akala mo mag-isa ka pero pinili mong I-isolate ang sarili mo.”
“Hindi ba tama lang ang ginawa ko? Para kahit na walang dumamay sa akin, hindi na ako masyadong masasaktan.”
“You are a strong person, Zygryd. I admire you for that. But it isn’t necessarily right. Hindi ibig sabihin ipagkakait mo na ang pagkakataong mahalin at magmahal. You have to open your heart to be happy.”
Mapait siyang ngumiti at naglakad palayo dito. “That is so easy for you to say.” Palibhasa ay di naman nito pinagdadaanan ang nararanasan niya.
“Yes. It is easy for me to say.” Huminga ito nang malalim at naglakad patungo sa pinto. “Magpahinga ka na. Kung bukas gusto mo nang umuwi, ihahatid ko na kayo. Ako na ang magpapaliwanag sa daddy ninyo. Goodnight.”
She caught a glimpse of sadness in his eyes before he closed the door. Sadness that was like hers. No. It was deeper than her own sadness. Saan galing ang lungkot na iyon samantalang mukha naman itong masaya? At that moment, she wanted to call his name and comfort him. For the first time, she cared about someone else’s pain aside from her own. Only Lander made her feel that way.
MAGANDA ang sikat ng araw nang gumising si Zygryd. Wala na ang bakas ng nagdaang ulan dahil mabini ang alon sa dagat. Magaan ang pakiramdam niya kaya nag-shower siya at tumuloy sa kusina. Naabutan niya si Manang Minerva na nagluluto ng agahan. Dahan-dahan siyang naglakad sa likuran nito at sinundot ang tagiliran nito. “Ay! Anak ng tipaklong!” sigaw nito sa sobrang gulat.
Tumawa siya ng malakas. “Si Manang! Hanggang ngayon pareho pa rin ang expression kapag nagugulat.”
“At pilya pa rin kayo, Señorita.”
“Ngayon na lang po ulit ako nagiging pilya,” aniya at kumindat. Yumakap siya sa baywang nito at sinilip ang kawali. “Ano pong ulam?”
“Tapang baka. Paborito ninyo noong bata pa kayo.”
“Naku! Tapsilog pala ang ulam. Damihan po ninyo ng garlic sa sinigang.”
“Wala na po ba kayong sakit, Señorita? Nag-aalala po kasi kami sa inyo kagabi dahil baka apuyin kayo ng lagnat. Nagbabad kasi kayo sa ulan.”
“Hindi po. Kinain ko kasi ang noodle soup ninyo.” Medyo malamig na nga lang nang kainin niya but it did wonders. Di siya tinablan ng sakit.
“Si Lander nga po gusto kayong dalhin pa sa kabilang isla sakaling tuluyan kayong magkasakit dahil nandoon si Doctor Federer.”
“Masyado namang paranoid ang lalaking iyon.”
“Ganoon naman si Lander kahit noong bata pa. Masyadong maalalahanin.”
“Anak po siya nila Mang Simon at Aling Feliza, di ba? Naalala ko lang po kasi si Oliver. Talaga po bang magkapatid sila?”
“Ang totoo, ampon lang nila si Lander. Nabangga siya ng sasakyan ng pinsan ni Simon nang papunta sa pantalan. Ipinagamot siya pero wala na siyang maalala. Nagka-amnesia siya. Walang makakilala sa kanya kaya walang nakakaalam kung saan siya galing. Baka daw batang palaboy. Kaya inampon na lang ng mag-asawa. Di mo na siguro matandaan kasi kamamatay pa lang ng mommy mo noon. Pero nagkita na kayo.”
Umiling siya. “Wala naman po akong matandaan.”
Napapitik ito. “Siya ang nagligtas sa iyo noong nalunod ka.”
“S-Si Lander iyon?” Sabi ng mommy niya ay iba’t ibang anyo daw ang anghel. Kaya nang nalulunod siya, akala niya ay nag-anyong isang batang lalaki na may singkit na mata ang anghel. And it was Lander all along.
“Bata ka pa noon at nagdedeliryo sa lagnat kaya wala kang maalala. Sa sobrang pasasalamat ng daddy mo sa kanya, inayos pa niya ang pag-ampon kay Lander at pinag-aral. Matalino si Lander. Nakapasok nga sa PMA. Kaso nagkasakit ang nanay niya kaya siya tumigil noong third year na siya. Nagtrabaho na lang siya at pumasok sa isang security agency. Nagamit niya ang kaunting training niya sa PMA. Maswerte nga kayo at siya ang nagbantay sa inyo. Guwapo na, matalino pa at mapagkakatiwalaan.”
Kung ganoon ay malaki pala ang utang na loob niya kay Lander. Dalawang beses na nitong sinagip ang buhay niya. Noong bata pa siya nang malunod siya sa dagat at kahapon habang nalulunod siya sa kalungkutan.
Ngayon niya naiintindihan ang lungkot sa mga mata nito. He had his own share of sorrow. Wala itong alam sa pagkatao nito. Hindi nito alam kung sino ang tunay na mga magulang. Pero nagagawa pa nitong ngumiti.
Kinapa niya ang pendant na ‘L’ sa kuwintas na nakuha niya mula sa anghel niya. “Nasaan po si Lander?” tanong niya.
“Nasa labas. Teka at ipapasundo ko.”
“Huwag na po. Ako na lang po ang hahanap sa kanya,” sabi niya at lumabas ng kubo. Patakbo siyang pumunta sa tabing-dagat.
Natanaw niya si Lander na nakaupo ito sa batuhan. Lumapit siya subalit di naman siya nito napansin. Kaya nagkasya na lang siya sa pagtitig dito. Naramdaman nitong nakatingin siya dito at lumingon ito sa kanya. “Ma’am, gising na po pala kayo. Raradyuhan ko na ba ang yate para ihatid kayo?”
“Hindi.” Umupo siya sa tabi nito. “Thank you sa pagtulong mo sa akin kahapon. Kung mahina-hina lang ang loob mo sa katarayan ko, baka hanggang ngayon nandito pa rin ako sa labas at baka inaapoy na ako ng lagnat. Matigas kasi ang ulo ko.”
“Mas matigas naman ang ulo ko sa iyo.”
“Mas bossy ka pa pala kaysa sa amo mo.”
“Kapag alam ko lang na ako ang nasa tama.” Inilabas niya ang kuwintas mula sa bulsa. “Is this yours?”
“What?” tanong nito. Bumakas ang pagkilala nito nang makita ang kuwintas na hawak niya. Hinablot nito ang kuwintas. “Sa akin ito! Paano ito napunta sa iyo?”
“Sabi ni Nanay Minerva ikaw ang sumagip sa akin noong malunod ako noong pa ako. Napigtal sa leeg mo nang sinagip mo ako. Hindi ko na naibalik dahil idinala na ako ni Daddy sa Manila. Ngayon lang ulit ako nakabalik dito sa isla.”
Inilapat nito ang kuwintas sa dibdib “Akala ko hindi na ito makakabalik sa akin. Importante ito sa akin, alam mo ba? Salamat, ha?”
“Hindi mo kailangang magpasalamat sa akin. Sa iyo naman talaga iyan at dapat matagal ko nang ibinalik. Saka sorry kung nagsusungit ako sa iyo.”
“Hindi naman nakakamatay ang pagsusungit mo kaya okay lang.”
Huminga siya nang malalim at tinanaw ang dagat. “Alam mo ba na malaki ang pasasalamat ko sa kuwintas na iyan. I thought it was an angel who saved me from drowning. Kaya kapag mag-isa ako, hinahawakan ko lang ang kuwintas at pakiramdam ko hindi na ako mag-isa.”
“At hindi mo na kailangan ang kuwintas ngayon dahil di ka na mag-iisa.”
“You are right.” Nasa tabi na kasi niya ito. He was her angel all along.
“Plano mo pa bang umuwi ngayon?”
“No. Gusto kong mag-ikot sa isla.” Ginagap niya ang kamay nito. “Pasyal tayo. Ikaw ang tourist guide ko.” Habang hawak niya ang kamay ni Lander, unti-unting naglalaho ang masasamang alaala niya sa isla. Napalitan iyon ng masasaya. He was right. She could be happy if she choosed to.