Chapter Raphael, Sunset Shadow: Chapter 8

Katatapos lang magpasa ng project niya sa professor niya sa Business Ethics si Zygryd. Mahaba ang free time niya kaya tumuloy muna siya sa paborito niyang bench sa campus ground. Pagdating doon ay binuksan niya ang laptop niya para I-encode ang mga bagong eksensa sa short story niya. Malapit na ang deadline ng submission sa competition para sa buwang iyon. Kailangan niyang makahabol.

Halos bumalik siya sa dati niyang gawi. Puro aral at pagsusulat na lang ang ginagawa niya dahil sa ganoong paraan lang niya nakakalimutan si Lander. Lihim ang relasyon nito at ni Avon. It was sheer torment on her part because she was the one who knew. Sana ay siya na lang ang huling nakaalam.

Sinanay na niya ang sarili na masaktan tuwing nakikita si Avon na masaya at alam niyang si Lander ang dahilan. It was not an easy feat.

“Masyado ka namang seryoso, Miss!”

Tumingala siya mula sa laptop at susungitan sana ang nambubulahaw sa kanya. Nagulat siya nang makitang si Lander iyon. “Aba! Naligaw ka yata!”

“Day off ko ngayon.” Umupo ito sa tabi niya at pinisil ang pisngi niya. “Nakaka-miss ka pala. Do you miss me, too?”

“Bakit naman kita nami-miss? Sa dami ng ginagawa ko, wala na akong oras para ma-miss ka,” pabiro niyang sabi. But she felt a thrill inside her heart. Naglaho ang sakit na nararamdaman niya. Maaring ilang sandali lang silang magkakasama ni Lander pero pakiramdam niya ay di na iyon matatapos.

“Kaya pala ayaw mo na akong maging bodyguard. Puro ka aral. Ni hindi ka na yata kumakain. Pumapayat ka na. Sasabihin ko sa daddy mo na pinapabayaan mo ang sarili mo.”

Sinulyapan niya ito at pilit na ngumiti. “Ikaw? Kumusta ka na?”

“Medyo mahirap ang bago kong assignment. Isang private museum ang binabantayan ko ngayon. May importanteng artifacts doon na pinagbabantaang nakawin. Ngayon nga lang ako nakapag-day off.”

Napansin niya ang librong hawak nito. “Ano iyan?”

“Ito?” Natawa ito nang maalala ang libro. “Pinapagawa ni Avon sa akin ang project niya. Nakakaawa naman kaya tutulungan ko na. Busy rin kasi siya.”

She felt like her whole body was slammed against the wall. Reality hit her. May isang Avon na nakapagitan sa kanila. Muli niyang naramdaman ang sakit. Doble kaysa sa una niyang naramdaman. “I see. D-Dapat pala nagpagawa din ako ng project sa iyo noon. I mean…”

Biglang naging awkward sa kanya na makipagbiruan dito. The mention of Avon’s name made her uncomfortable. Nakikiamot na lang kasi siya ng atensiyon kay Lander. He was Avon’s now.

“Zygryd, girlfriend ko na si Avon.”

That confession hit her twice as hard. Alam naman niyang girlfriend na nito si Avon. But coming from him, it was so painful. Di niya alam kung anong ngiti ang gagawin niya. “G-Good for you. Ni hindi ko man lang napansin.”

Bakit sa dinami-dami ng babae si Avon pa? Bakit di mo muna hinintay na sabihin kong mahal kita? You are hurting me, Lander.

“I didn’t mean to hide it from you. Iyon kasi ang usapan namin ni Avon. Baka makarating sa mama niya at malaman din ni Oscar. Tiyak na paglalayuin kami. But I know I can trust you. I am just sorry that I didn’t tell you right away.”

Ginagap niya ang kamay nito. “Nirerespeto ko kung ayaw ninyong sabihin sa iba ang tungkol sa relasyon ninyo. Nasa inyo kung paano poprotektahan iyon.”

Huminga ito nang malalim. “I am glad that it is finally out of my chest. Marami pa akong gustong ikwento sa iyo tungkol sa amin ni Avon.”

No, no, no! sigaw ng utak niya. She had no plans to hear the whole sordid detail. Parang ipinako na siya nito nang buhay.

She closed her laptop and stood up. “Lander, next time na lang tayo mag-usap. May klase pa kasi ako.” Tiningnan niya ang wristwatch. “Naku! Male-late na ako. Magkita ulit tayo sa susunod mong day off.”

“Zygryd, isang oras pa ang next class mo!” paalala nito. “Hindi ba breaktime mo pa rin hanggang ngayon?”

Nagmamadali siyang naglakad at bahagya itong sinulyapan. “Bye, Lander!”

“Hindi ka pa kumakain! Zygryd!”

Hindi na siya lumingon pa sa pagkakataong iyon. He hurt her again. She was too numb to care about anything. She wanted to cry. Pero sa palagay niya ay tuyo na ang luha sa mata niya. Sana sa susunod ay di na niya kailangang masaktan tuwing nakikita niya ito o binabanggit nito si Avon. Sana.

INUNAT NI Zygryd ang mga kamay pagbaba ng kotse. “Ah! Daig ko pa ang binugbog!” usal niya at naghikab. Tinulungan niya si Reggie sa activity ng organization nito. Naging member tuloy siya nang wala sa oras.

Sa palagay nga niya ay mas kinailangan pa niyang maging triple ang pagkabusy ng isip at katawan mula nang huli niyang makausap si Lander. Isa na lang ang kailangan niyang pag-aralan sa susunod. Ang di masaktan kapag nag-usap sila o kaya ay di na maging masaya kapag nakita ito. Kapag di na niya ito mahal.

Papasok siya sa villa nang makarinig siya ng sigawan. “Ano iyon?”

Hangos siyang nilapitan ni Aling Turing, isa sa kawaksi nila. “Señorita, si Doña Imelda po at si Ma’am Avon nag-aaway. Baka po mapatay na ni Doña Imelda si Ma’am Avon. Tumawag na po kayo ng pulis?”

“Ano?” bulalas niya at tumakbo papasok sa villa.

“Ma’am, pigilan lang po pala ninyo silang mag-away,” anang si Aling Turing na nakasunod sa kanya. “Pero tatawag na po ang ako ng punerarya.”

Lalo lang nagugulo ang isip niya. “Huwag na po kayong magsalita. Wala kayong tatawagan. Ako na ang bahala sa kanila.”

Naabutan pa niyang nagsisigaw sa sala si Imelda. Nakahandusay naman si Avon sa sahig at putok ang labi. Magulo na rin ang buhok nito at may punit ang damit. Nakakalat ang basag na vase sa sahig. “Mahaba na ang sungay mo?”

Dinaluhan niya si Avon at inalalayang umupo. “Tita, what the hell is this?”

“That woman is having a relationship with your ex-bodyguard. Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, iyon pa ang nagustuhan niya. Ano naman ang mapapala niya sa lalaking iyon? Ni hindi makabili ng disenteng kotse,” nanggagalaiting singhal ni Imelda. Naglalabasan ang mga ugat nito sa sobrang galit. Parang isa itong tigre na handang sumila ng maliit na usa.

Masakit nga naman na malamang nasira ang pangarap nito para kay Avon. She expected too much from her daughter. Akala nito ay mapapasunod nito sa lahat ng iutos nito. Avon wasn’t docile after all.

“Mahal ko si Lander, Ma!” lumuluhang wika ni Avon. “Wala akong pakialam kung hindi ninyo siya matanggap.”

“Mahal? Avon, hindi kita pinag-aral sa mamahaling ekswelahan at dinamitan ng mamahaling damit at alahas para lang bumagsak ka sa isang guwardiya. Mas mabuti nang huwag kang magmahal.”

“Tita, that’s enough!” saway niya. Hindi na kasi niya matanggap ang mga sinasabi nito. Puro pera lang ba at mamahaling bagay ang importante sa isang tao? Minahal din ba nito ang daddy niya o pinakasalan lang dahil sa kayamanan nito?

Hindi pinansin ni Imelda ang pagsaway niya at ipinagpatuloy nito ang paglilitanya. “I am your mother, Avon. Dapat lang na turuan kita ng leksiyon. Ang mga damit mo, di ba regalo ni Oscar? Pati ang mga alahas na suot mo. How about your trip abroad? Lahat iyan nanggaling kay Oscar. Can that lowlife bodyguard give those expensive things to you? Maibibigay ba iyon ng pagmamahal niya? You can’t live without those luxuries.”

Hindi nakakibo si Avon sa mahabang sandali. “Magpapakasal kami ni Lander. Lalayo kami dito. Lalayo kami sa inyo. You can marry Oscar if you want. Basta ayoko nang makasama kayo dito!” Galit na rin si Avon. Mukhang naipon nito ang kinikimkim na galit sa ina at ngayon nito inilalabas ang hinanakit nito.

Nanlaki ang mata ni Imelda. Di inaasahan ang pagsagot ng anak. “Iyan ba ang itinuturo ng guwardiyang iyon? Ang sagut-sagutin ako? Di ka pa rin talaga natututo ng leksiyon mo!”

Akmang sasaktan na naman ni Imelda si Avon nang humarang siya sa pagitan ng mga ito. “I said that is enough, Tita. Oras na saktan ulit ninyo si Avon, sasabihin ko ito kay Daddy.”

Dinuro siya nito. “Talagang kinukunsinti mo ang babaeng iyan? Kung tutuusin kasalanan mo ito. Siguro magkasabwat kayo ng lalaking iyon para sirain ang buhay ng anak ko. Palibhasa naiinggit ka…”

“Huwag ninyo akong idamay sa gulo ninyo. At huwag ninyong ipasa sa akin ang inaakala ninyong failure ninyo bilang ina ni Avon. Kayo na nagsabi na pinag-aral ninyo ang anak ninyo sa mamahaling eskwelahan. Siguro may sarili na siyang isip para magdesisyon.”

Nagsukatan sila ng titig ni Imelda. She stood her ground. There was no way that she could hurt her like what she did to Avon. Lalaban siya.

Tumalikod din ito sa huli. “Turing! Sabihin mo kay Fidel na hahabol ako sa party ng amiga ko. Hindi na ako tatagal sa bahay na ito.”

Inalalayan niyang tumayo si Avon. “Aling Turing, tulungan po ninyo akong ipasok sa kuwarto niya si Avon.” May malaking sugat ito sa binti gawa ng nabasag na vase. Mahihirapan itong makalakad.

Tahimik lang na umiiyak si Avon habang nililinis at ginagamot niya ang sugat nito. Noon lang niya nakitang nagalit nang todo si Imelda. Di na siya matatakot kung pati ang anak nito ay na-trauma sa ginawa nito.

“Huwag ka nang umiyak. Umalis na si Tita,” sabi niya habang dinadampian ng antiseptic ang gilid ng labi nito. “Ngayon lang ba niya ito ginawa sa iyo?”

Umiling ito. “Noong bata pa ako, sinasaktan na niya ako kapag di ko nagagawa nang tama ang lahat. Kapag di mataas ang grades ko, noong di ako nanalo sa pageant, noong iwan kami ng tatay ko. Tumigil lang iyon nang pakasalan niya si Daddy Fidel. Ngayon na lang naulit ito.”

“Paano niya nalaman ang relasyon ninyo ni Lander?”

Inangat nito ang tingin. “A-Alam mo na ba noon pa?”

Tumango siya at itinuon ang atensiyon sa panggagamot dito. Gusto niyang maawa dito. Nobyo nga nito si Lander pero pisikal itong nasasaktan dahil sa pagmamahalan ng mga ito. Di tuloy niya alam kung sino ang mas maswerte sa kanila. “Kaibigan ko siya. Natural lang na sabihin niya sa akin. At kailangan ko rin namang pangalagaan ang interes niya.”

“We want to keep it as a secret. Alam ko na magagalit si Mama. Sasabihin din naman namin sa tamang panahon. Pero pinasusundan pala ni Oscar ang mga kilos ko. Siya ang nagsabi kay Mama. Kaya heto, galit na galit siya. Ikaw, hindi ka ba galit sa amin dahil naglihim kami?”

“Mahal mo ang kaibigan ko, hindi ba?” pilit siyang ngumiti. “Basta pasayahin mo siya at huwag mo siyang sasaktan. That is enough for me.”

Lumuluha siyang niyakap ni Avon. “Thank you. You don’t know how much this means to me. Thank you, Zygryd.”

She wanted to cry as well. Yakap niya ang babaeng umagaw sa pinakama-mahal niya. She wanted to hate her. Her sorrow was Avon’s happiness. Pero iyon din ang kaligayahan ni Lander. Mas mabuti nang masaktan siya kaysa nakitang nasasaktan si Lander.

She had to do something to ensure that happiness.

TAAS-NOO at walang kangiti-ngiting pumasok si Zygryd sa eleganteng private office ni Oscar sa Dela Merced Freight-Forwarder. Tanaw ang magandang view ng Manila Bay mula sa opisina nito at naabutan niya itong seryosong nakatutok sa laptop habang may suot na headset. “Sir, Miss Almenderos is here to see you,” malambing na sabi ng secretary nito.

Oscar smiled lewdly. Saka nito tinanggal ang headset. Dinig na dinig pa niya ang malakas na Game Over sound effects. Hindi ito seryoso sa pagtatrabaho. Seryoso ito sa paglalaro ng games sa oras ng trabaho.

“Good morning!” pormal niyang bati.

Humikab ito at nag-unat ng kamay. Saka ito umupo sa gilid ng mahogany table at nagsindi ng sigarilyo. “This is a nice morning indeed. Look who’s here. Ang paborito kong kinakapatid! What brought you here, Zygryd?”

“I won’t beat around the bush. I just want to warn you. If you hurt Lander, you will pay for it! And I mean it,” she said against her teeth. Kilala niya si Oscar. Di ito papayag na di masaktan ang mga taong nakakasira sa plano nito. Avon was a major goal on his part. At si Lander ang malaking hadlang.

“Whoa! That is scary, Zygryd!” Napahawak ito sa dibdib at humalakhak. “You bothered to come here just to warn me on that low-life’s defense?”

“If Lander is a low-life, you are pitiful scum. Hindi mo matanggap na hindi ka mamahalin ni Avon kahit anong gawin mong pagsisiksik ng sarili mo sa kanya.”

Idinuldol nito ang sigarilyo sa ashtray. “And how about you? You love Lander but he chooses your stepsister. Mas nakakatawa ka, hindi ba? At ngayon ipinagtatanggol mo pa ang pagmamahalan nila.” Lumabi ito na parang iiyak. “That is so touching, Zygryd. It makes me want to cry.” Matapos iyon ay humalakhak ulit ito.

“At least I am not acting like a sore loser. Just to get even, you told Tita Imelda about them. Muntik lang naman niyang mapatay si Avon sa galit.”

Naglakad ito palapit sa kanya. “Zygryd, Zygryd. We don’t really have to fight over this. We are actually riding on the same boat. Pareho tayong inagawan ng mga mahal natin. Why don’t we help each other so both of us can get what we want?”

“What do you mean?”

“Magtulungan tayo para makuha ko si Avon. At kapag nasa akin na si Avon, sa iyo tatakbo si Lander. Tapos na ang problema natin.”

“Wala akong planong sirain ang relasyon nila.” Mas wala siyang tiwala kay Oscar at sa mga plano nito. It would be like having a bargain with the devil.

Tumiim ang anyo nito. “Then regret it, Zygryd. Don’t tell me that I didn’t warn you. Huwag mo akong sisisihin kung anuman ang susunod na mangyayari.”

BLANGKO ang worksheet na dapat ay tinatapos na ni Zygryd para sa project niya. Ilang araw na mula nang huli silang magkausap ni Oscar. Di pa rin mawala sa isip niya ang banta nito. Magsisisi daw siya sa di pagkampi dito. Napa-paranoid tuloy siya sa maaring gawin nito sa susunod. It was like waiting for an impending doom and there was nothing she could do about it.

Bumangon siya sa kama nang kumatok si Aling Turing. “Señorita, dumating na po si Don Fidel. Bumaba na daw po kayo at magdi-dinner na.”

“Sige po. Susunod po ako!” sigaw niya at isinara ang computer.

Pababa na siya ng hagdan nang makita niyang niyakap ni Avon si Fidel. “Really, Dad? Okay lang sa inyo na padalawin ko dito si Lander?”

“Oo. Two weeks pa ang mama mo sa Europe. Mabuti iyon habang wala pa siya.”

“Thank you, Dad!” Avon shouted with glee. Pinupog din nito ng halik si Fidel.

Napaupo siya sa baitang ng hagdan. Dapat sana ay siya ang nagsasaya. Dapat sana ay siya ang dadalawin ni Lander at hindi ito.

“Mabait na bata si Lander. Nabigla lang siguro si Imelda kaya di niya matanggap si Lander sa una,” paliwanag ni Fidel. “Pero kapag nasanay siyang dumadalaw dito si Lander, matatanggap din niya ang relasyon ninyo.”

“Yes, Dad!” wika ni Avon. “Iche-check ko lang kung ready na ang dinner.”

“Zygryd, bumaba ka na diyan,” anang si Fidel. Nakita na pala siya nito.

Humalik siya sa pisngi nito pagbaba ng hagdan. “Evening, Dad!”

“Are you okay? I mean about Lander…”

Bahagya siyang tumawa. “Of course. At least si Avon ang girlfriend niya. Saka huwag na lang nating pag-usapan. Nakakahiya naman dahil may girlfriend na iyong tao. All we can do is to be happy for them.”

Nanatili itong seryoso. “Ikaw lang naman ang inaalala ko.”

Yumakap siya sa baywang nito. “I am perfectly fine.” Di na nito kailangang malaman ang sakit na pinagdadaanan niya. She could handle it herself.

Lumapit sa kanila si Mang Indo. “Sir, may nagpapabigay po.”

Isang envelop ang iniabot nito sa daddy niya. Walang nakasulat na kahit ano sa envelop kaya binuksan na ng daddy niya. Inilabas nito ang laman ng envelop. Mga pictures ang laman. Inisa-isa ng daddy niya ang mga naroon.

Bumagsak ang isang picture kaya pinulot niya. “Kanino galing, Dad?”

Natigilan siya nang makitang picture iyon ni Imelda sa Europe. Mukhang bago lang ang picture. Subalit di mga amiga nito ang kasama nito gaya ng paalam nito. He was with a man. Ilang taon lang ang tanda ng lalaki sa kanya. Magkayakap ang mga ito habang namamasyal sa Eiffel Tower. It was a stolen shot.

“What the…” Nalaglag sa sahig ang iba pang pictures. Iba’t ibang larawan iyon ni Imelda at ng lalaki sa Manila. They were no ordinary pictures. They were explicit ones. Sa isang bachelor’s pad, sa isang madilim na bar at sa kung saan-saan pa. Mayroon din sa isang exclusive beach sa La Union. Sa date na nakalagay sa gilid ng picture, kuha iyon nang magpaalam ang tiya niya na aakyat ito sa Baguio at kasama na naman ang mga kaibigan. She was kissing the guy. Torrid kissing.

Nagtaksil ang Tita Imelda niya sa daddy niya.

Nilingon niya si Fidel. “Dad?”

Namumutla ito habang hawak ang dibdib. “Z-Zygryd…”

Dinaluhan niya ito bago pa ito tuluyang bumagsak. “Daddy!”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.