Nakatayo sa labas ng ICU ng Makati Medical Center si Zygryd. Kasama niya sa hallway ang iba pang kawaksi. Si Avon ay nasa chapel. Walang nagsasalita. Kanya-kanya silang panalangin na sana ay malagpasan ni Fidel ang kondisyon nito. Di pa maaring tumanggap ng bisita ang daddy niya kaya naghihintay pa rin sila.
Lumabas ang doktor ng daddy niya mula sa ICU. Lumapit agad siya dito. “Doc, how is my dad? Will he be okay?”
Umiling ito. “He is critical at the moment. Matagal nang iniinda ng daddy niya ang sakit nito sa puso. Sinabihan ko na siyang maghinay-hinay sa trabaho. Di rin siya pwedeng makatanggap ng masamang balita.”
“H-Hindi po niya sinabi sa amin ang sakit niya.” Sana ay sinabihan niya itong maghinay-hinay o tuluyan nang iwan ang mabibigat na responsibilidad sa opisina. But it was too late. “A-Ano po ang chances na gumaling siya?”
“Fatal heart attack ang tumama sa kanya at maswerte na kung maka-recover siya at mabuhay nang matagal. Ihanda na lang ninyo ang mga sarili ninyo sa maaring mangyari. We will do our best. All you can do now is pray.”
She felt numb. She didn’t even feel the doctor’s pat on her shoulder. Mariin siyang pumikit. “Bakit ngayon pa siya mawawala kung kailan maganda na ang relasyon namin?” Iilang sandali pa lang silang nagkakasundo, babawiin na agad sa kanya.
Tanging iyak lang ang naisagot nila Aling Turing at iba pang kawaksi. Mabait ang daddy niya at itinuring na kapamilya ang mga kawaksi.
Nasa ganoon silang ayos nang dumating ang family lawyer at personal friend ng daddy niya na si Attorney Raul Perez. “Zygryd, hija.”
Niyakap niya ito. “Thank you for coming, Tito.” Yumuko siya at patuloy ang pagpatak ng luha. “According to the doctors, he might not last for long.”
“I am sorry about that, hija. Your father is a good man. Nakakalungkot lang na sa sobrang bait niya, napagsasamantalahan siya ng iba.”
“Alam po ninyo ang nangyari, Tito?”
There were rumors about Imelda before. Di pinapansin ng daddy mo. Sinabihan niya ako na huwag nang makialam. Until everything blows up.”
Napatiim-bagang siya. “Masyado kasi niyang minahal si Tita.”
“Hija, can we talk somewhere more private?”
Tumango siya. “Sa cafeteria na lang po, Tito.”
He was wearing a grave expression when they reached the cafeteria. “I don’t know where to start, hija. Dapat sasabihin ko ito ngayong gabi sa daddy mo. But in his condition, he can’t take another heart attack.”
“What is it?”
“Hindi lang basta nagtaksil si Imelda sa kanya. Wala na siyang balak na bumalik pa sa daddy mo. This European tour is like a final goodbye. And not just that. Tinangay niya ang lahat ng pera sa joint account nila ng daddy mo.”
“What? At gagastusin niya iyon para sa kanila ng lalaki niya?” Nagpapakasarap si Imelda habang nasa peligro ang buhay ng daddy niya.
“Sa pagsama-sama niya sa mga amiga niya, nalulong din siya sa casino. Naipatalo niya lahat ng properties ninyo. Bahay, kotse and even your land at Isla Marina. She was a bad gambler.”
“At wala man lang nagawa si Daddy para pigilan siya?”
“Buo ang tiwala sa kanya ng daddy mo. At bilang mag-asawa, di rin niya kinukwestiyon ang mga ginagawa ni Imelda.” Umiling ito at humigop ng kape. “He even gave her a special power of attorney. Unlimited access sa lahat ng properties ng pamilya. Ang di lang niya nagalaw ay ang pera naka-time deposit sa pangalan mo. Dapat ay hinatak na ang lahat ng properties ninyo na naipatalo niya sa casino kundi lang may tumulong sa kanya.”
“Who is his savior now?”
“Oscar dela Merced. I am afraid di lang niya tinubos ang properties ninyo. Marami ring utang sa kanya si Imelda. Your stepmom is a spender. At stake ngayon ang Almenderos Shipping Lines sa pagkakautang na iyon.”
Sumasakit ang ulo niya sa bawat natutuklasan niya. As if a bigger wave after another was pounding her head. “Damn her! I don’t care if it is a sin to lose my respect for her but damn her! She has no right to do this to us!”
“Don’t worry, hija. I will discuss this with Oscar. Malapit ang pamilya ninyo sa isa’t isa. In fact, ninong at ninang mo ang parents niya.”
“Thank you, Tito.”
Kailan ba matatapos ang gulong ginawa ni Imelda? Di ba siya nito bibigyan ng katahimikan? At ngayon ay hawak pa sila ni Oscar sa mga palad nila.
Ano pa ba ang susunod na pwedeng gawin sa kanila kundi ang pulutin na lang silang mag-aama sa kalye? Kung siya ay kaya niyang tiisin iyon. Pero di niya pwedeng pabayaan ang daddy niya sa kondisyon nito. Sa susunod na dalawang taon pa niya makukuha ang perang nasa pangalan niya. Saan pa sila tatakbo ngayon?
MABILIS ang kilos ni Zygryd habang kumukuha ng gamit ng daddy niya.Kailangan niyang bumalik agad sa ospital. Umaasa siyang magigising agad ang daddy niya anumang oras. The next seventy-two hours would be precarious according to the doctor. Oras na malagpasan iyon ng daddy niya, may posibilidad na bumuti na ang kalagayan nito.
Paglabas niya ng kuwarto ay naghihintay na sa kanya si Avon. Namumugto ang mga mata nito. “Zygryd, I am sorry for what Mama did. N-Nakita ko ang pictures. I couldn’t believe that she really did it. At sumama pa siya sa isang lalaki na halos kasing edad ko lang. Oh, God!”
“I am afraid there is nothing we can do about it. Matagal na niyang pinlano ito. At wala na siyang balak na bumalik dito,” aniya sa malamig na boses,
She didn’t really care if Imelda wanted to elope with another man. She didn’t care if she was gone forever. Di lang niya matanggap ang ginawa nito sa daddy niya. Na matapos lokohin ay kinuha pa ang lahat ng pera nila. It was so hideous.
Nanlulumo itong sumandal sa haligi at napatingala. “Kahit akong anak niya wala na siyang pakialam. Tinatawagan ko siya sa hotel. Gusto kong ipaliwanag niya sa akin kung bakit niya ginawa iyon. Wala na siya doon.”
It must be painful on Avon’s part. Ina nito ang nanloko at pasan-pasan nito ang bigat ng kasalanan ng ina nito.
“Avon, you should know the truth. Kinuha din niya ang lahat ng pera sa joint account nila ni Daddy. And before that, she lose all our properties to the casino. Ang bahay na ito, ang kotse, mga lupain natin… lahat.”
Napahagulgol ito. “Sabi niya sa akin hindi na siya magsusugal. Iyon ang dahilan kaya iniwan kami ni Papa noon. She couldn’t control her vice. Ibig bang sabihin hindi na sa atin ang bahay na ito? Walang natira?”
Malungkot siyang umiling. “That’s why I can’t tell Dad about it. Baka tuluyan na siyang mawala sa atin.”
Niyakap siya nito. “I am sorry. I am so sorry.”
Tinapik niya ang likod nito. “We will get through this, Avon.”
“I will never forgive her. I hate her!” tukoy nito sa ina.
“Don’t say that. Mama mo pa rin siya.”
“Wala siyang karapatan na tawaging Mama ko matapos ang ginawa niya kay Daddy. Kapag namatay si Daddy, huwag na siyang magpakita sa akin dahil baka ano pa ang magawa ko sa kanya,” anito at nagtatakbo palayo.
Malungkot niya itong sinundan ng tingin. Galit din siya kay Imelda subalit doble pa doon ang galit na nararamdaman ni Avon. How will they get through it?
“ZYGRYD, if you need anything don’t hesitate to tell us. Parang anak ka na namin,” malambing na sabi ng mommy ni Reggie nang dumalaw sa daddy niya sa ospital. Nakabawas sa lungkot niya ang pagdagsa ng mga kaibigan ng daddy niya pati na rin ang tulong. Mabuting tao kasi ang daddy niya at maraming natulungan.
Ginagap niya ang kamay nito. “Thank you, Tita Elena. Sana lagi ninyong dadalawin si Daddy. Lumalakas po siya. Hirap po siyang magsalita pero ngumingiti siya sa mga jokes ni Reggie,” kwento niya.
“Noon pa man clown na ang tingin sa akin ni Tito,” sagot ni Reggie. “At magpahinga ka naman, Sis. Nanlalalim na ang eyebags mo. Hindi naman na critical si Tito. Magrelax ka naman. Di ka na yata natutulog.”
Ginawa na niyang bahay ang ospital. Bumubuti ang kalagayan ng daddy niya tuwing kinukwentuhan niya. “Ayokong pabayaan si Daddy. Gusto kong ako mismo ang mag-aalaga sa kanya.”
“Oo. At isinasabay mo pa ang pag-aaral mo.” Nilingon nito ang mga libro niya na nasa couch. Nagse-self study pa rin siya kahit nasa ospital. “ Excuse ka na sa klase. At iyong mga projects, ako na ang bahala sa mga iyon para wala ka nang ibang intindihin.”
“Thank you, friend.” Maya maya pa ay nagpaalam na ang mag-ina.
Sumunod na dumalaw ang pamilya ni Lander. Umiiyak na yumakap sa kanya si Feliza. “Mabuti na ba ang kalagayan ni Don Fidel? Bakit kailangang mangyari ito sa kanya samantalang napakabait niya?”
Hindi rin niya masagot ang tanong nito kaya pilit na lang siyang ngumiti. “Okay na po si Daddy. Hirap po siyang magsalita pero matutuwa po siya oras na makita niya kayo. Maya maya lang po gigising na siya.”
“Pasensiya na kung hindi makakasama sa amin si Kuya Lander,” wika naman ni Oliver. “Sa Surigao kasi ang assignment niya ngayon. Sa mahal ng pamasahe, di siya basta-basta makakapagbakasyon.”
“Okay lang. Nandito naman kayo.”
Luminga-linga si Mang Simon. “Nasaan nga pala si Ma’am Avon?”
“Nasa bahay po siya. Nagpapahinga.”
Subalit di niya tiyak kung tama ang sagot niya. Mula nang huling mag-usap sila ni Avon ay di na ito dumalaw pang muli sa ospital. Ayon sa mga kawaksi sa villa ay nagkukulong lang ito sa kuwarto. At dalawang araw na ang nakakaraan nang umalis ito at di sinabi kung saan ito pupunta.
Iginagalang niya kung gusto ni Avon ng kaunting katahimikan. Kung nais nitong lumayo pansamantala para makapag-isip, hahayaan niya ito. Pero oras na makita niya ito ay kakausapin niya ito nang masinsinan. Iilan na lang silang pamilya. Di nito dapat solohin ang problema.
Kinagabihan ay umuwi din siya sa mansion. Susuko na ang katawan niya sa pagod. Baka daw siya pa ang sumunod na magkasakit kung di siya magkakaroon nang maayos na tulog. “Nariyan na po ba si Avon, Manang Turing?” tanong niya sa kawaksi pagpasok ng villa.
“Kadarating lang po niya.”
Paakyat sa hagdan nang makasalubong niya si Avon. The gentleness was gone from her face. Wala siyang makitang katiting na emosyon sa mga mata nito.
Sinalubong niya ito. “Where have you been? Ni hindi ka dumalaw sa ospital. Hinahanap ka na ni Daddy.”
“Dadalaw ako mamaya. May inayos lang ako kaya ako nawala ng ilang araw.”
“Mas importante pa ba kay Daddy ang inayos mo?”
“Yes. I fixed the problem my mother created. Nakausap ko na si Oscar.”
“Di na dapat. Si Attorney Perez na ang bahalang makipag-deal sa kanya.”
Tumiim ang anyo nito. “Anong magagawa ni Attorney Perez kung ayaw nga siyang kausapin ni Oscar? Ako na mismo ang kumausap sa kanya. Pumayag siyang kalimutan na ang lahat ng pagkakautang ng pamilya natin. Di na niya kukunin ang bahay, ang mga kotse at pati ang stocks sa shipping lines.”
Sumasal ang kaba sa dibdib niya. “At ano ang kapalit?”
“Magpapakasal kami isang buwan mula ngayon. Sa Isla Marina ang venue.”
“No!” Mariin niyang hinawakan ang balikat nito. “You sold yourself to the devil, Avon. Hindi mo dapat ginawa iyon. Hindi mo mahal si Oscar. Si Lander ang mahal mo. Hindi natin kailangan ang bahay na ito o ang kompanya. Mamuhay tayo ng simple…”
“At paano si Daddy? Matatanggap ba niya ang nangyari sa kanya matapos siyang iwan ni Mama?”
Nanlalambot siyang umupo sa baitang ng hagdan. “Ayoko! Hindi mo kailangang isakripisyo ang sarili mo.”
Tinabihan siya nito at hinawakan ang kamay niya. Pilit itong ngumiti. As if she was trying to pretend that she was okay. She was only masking the pain. “Zygryd, listen. Gagawin ko ang lahat para kay Daddy. Kahit na ibenta ko pa ang kaluluwa ko sa demonyo basta para sa kanya. Siya lang ang nagmahal sa akin bilang tunay na anak. Kahit kay Mama, di ko naramdaman ang pagmamahal na iyon. Hayaan mo akong ipakita ang pagmamahal ko sa kanya.”
“Paano naman si Lander? You love each other, right?”
Pinigil ng daliri nito ang labi niya. “Huwag mo munang sabihin sa kanya hangga’t hindi kami nakakasal ni Oscar. Buo na ang desisyon ko. Hindi na niya ako mapipigilan. Simple lang ang kasal namin ni Oscar sa Isla Marina. Iilan lang ang imbitado. Mga immediate family lang. Iyon ang pakiusap ko sa kanya.”
“Paano naman si Daddy? Hindi siya makakapunta.”
Ibinaba nito ang tingin sa magkahawak nilang kamay. “Ayokong makita ni Daddy iyon. Tama nang malaman niyang ikakasal kami. Ikaw na lang makakasama sa kasal ko. Kaya mangako ka sa akin na hindi mo sasabihin kay Lander. Para ito kay Daddy.”
Mahigpit niya itong niyakap. Kanya-kanya silang paraan para malagpasan ang krisis na iyon. Ang masakit ay iyon lang ang naisip na solusyon ni Avon. Sa huli, ito at si Lander ang masasaktan.
PARANG sinisilihan si Zygryd nang dumalaw sa daddy niya ang pamilya dela Merced. Mamamanhikan ang mga ito para sa kasal nina Avon at Oscar. Walang problema sa biyenan si Avon. Mabait ang ninong at ninang niya na magulang ni Oscar. Malas lang ito kay Oscar. The man was an ogre. Kung wala lang ang magulang nito ay binura na niya ang mukha nito. Di rin siya nakatiis at nagpaalam na lumabas ng kuwarto.
“So we will be a family soon,” anang si Oscar na sumunod sa kanya sa labas.
“Congratulations! Your evil plan is accomplished at last. Nakuha mo na si Avon.”
“Evil plan? It is a brilliant plan,” he corrected with a smirk.
“Brilliant indeed,” she agreed sarcastically. “You had it all mapped out. Ginamitan mo ng pera mo si Tita Imelda. Alam mo na mahilig siyang magsugal. You pushed her to the brink. Ginipit mo siya para ipagtulakan niya si Avon sa iyo.”
“I just played my cards right.”
“At hindi na ako magtataka kung pati ang gigolo na iyon ipinain mo rin sa kanya.” Nakuyom niya ang palad. Matagal na niyang gustong suntukin ito pero ay nagtitimpi pa rin siya. “You are really evil. Para lang sa kapritso mo, sumira ka ng buhay ng mga tao. I could kill you for almost killing my dad!”
Pumalatak ito. “Hindi ko naman gusto na ganito ang mangyari kay Uncle. I did it out of compassion. Kaysa naman umasa sa wala.”
“That is not compassion, damn you! Walang compassion kung sa simula pa lang gusto mo na kaming sirain.” Umigkas ang kamay niya upang sampalin ito. Hindi na niya makontrol ang labis na galit dito. He was the root of evil and she hated him.
Maagap nitong nasalo ang kamay niya bago pa niya ito masampal. “Don’t blame me, Zygryd. This is your fault. I asked you to help me out with my plans but you refused. Masyado kang nagmalinis. I warned you. You have to suffer the consequences now.”
“Hindi ako katulad mo na walang konsensiya.”
Padarag siya nitong binitiwan. “Tingnan mo kung saan ka idinala ng konsensiya mo. Your father nearly died. Have you been with me, I would be more considerate. But you made it so hard for yourself. Dapat nga magpasalamat ka sa akin. Wala kang kahirap-hirap. Sa iyo na si Lander.”
“Damn you!” she hissed. “Kung hindi lang dahil kay Daddy, inilayo ko na si Avon ngayon. She doesn’t deserve a snake like you.”
Dinuro siya nito. “Watch your words, Zygryd. Alalahanin mo na hawak ko ang buhay ninyong lahat.” Ngumisi ito at tinapik ang pisngi niya. “Don’t worry. Lander is safe. Sinadya ko talaga siyang ipadala sa Surigao. So be nice to me. Even your precious bodyguard is at the palm of my hand.”
Nanlambot siya nang makaalis si Oscar. Siya, si Avon, ang daddy niya at kahit si Lander. Lahat sila ay nasa kontrol ni Oscar. Mukhang di na nila kaya pang takasan ang impyernong nilikha nito.