Chapter Raphael, Sunset Shadow: Chapter 10

“Dad, huwag matigas ang ulo habang wala ako. Huwag pahirapan ang therapist ninyo at huwag ring makikipag-flirt sa nurse ninyo. It is bad for your health,” bilin ni Zygryd habang pinapakain ito. Kinabukasan ay aalis na siya sa Isla Marina para tumulong sa preparasyon sa kasal ni Avon. Daddy mismo niya ang nagtulak sa kanya na umalis para matiyak na may makakasama si Avon.

“Ikaw na ang bahala sa kasal ng kapatid mo. I am really sorry that I can’t be there to see the wedding. Sabi ni Doc, mas importante daw ang pagpapagaling ko. Di pa ako pwede sa malalayong biyahe,” wika ni Fidel.

With the help of modern medication and therapy, unti-unting naibaliksa dati ang pananalita nito. Di nga lang ito dapat napapagod. Mahina pa rin ang katawan nito pero matapos ang pinagdaanan nito ay maganda na ang development nito. Masakit mang tanggapin, lahat iyon ay dahil sa tulong ni Oscar.

“Mapapanood naman ninyo ang video at makikita din ninyo ang mga pictures pag-uwi ko. And Tito Raul promised to take your place. Basta magpagaling po kayo para kapag ako na ang ikinasal, kayo na ang maghahatid sa akin.”

Pinigilan nito ang kamay niya nang akmang susubuan niya ito. Gone was the playful smile from his lips a while ago. He was serious now. “Zygryd, sigurado na ba si Avon sa pagpapakasal kay Oscar?”

“Ngayon pa po ba kayo nagtatanong, Dad?”

“Si Lander ang boyfriend na ipinakilala niya sa akin. Tapos biglang si Oscar ang pakakasalan niya. I don’t understand. Does she love Oscar more? Parang ayaw nga niyang harapin kapag dumadalaw sa atin noon.”

Kahit na may sakit ang daddy niya, malinaw pa rin ang pag-iisip nito. Bulag siguro ito pagdating sa pag-ibig kay Imelda. Pero matalas ang pakiramdam nito sa ibang mga bagay. He was suspicious about Avon’s wedding.

Hinaplos niya ang noo nito. “Ganoon naman po, di ba? Sa una ayaw natin sa isang tao. Kapag may napansin tayong iba, saka natin nare-realize na mas gusto natin ang kinaiinisan natin. Now they can’t wait to tie the knot.”

Nagpaalam siyang maglalakad-lakad nang dumating ang mga doctor at nurse na magche-check up. Napatigil siya sa paglalakad nang makitang si Lander ang kasalubong niya. Binilisan nito ang lakad palapit sa kanya. “Zygryd, kumusta na si Don Fidel.”

“Dad is fine. Nandoon pa ang doctor at nurses sa kuwarto niya kaya lumabas muna ako.” Humawak siya sa braso nito at niyaya ito sa garden ng ospital. “How are you? Hindi ba dapat nasa Surigao ka pa?”

“Banana plantation ang binabantayan ko. May mga rebelde kasi na humihingi ng revolutionary tax at tumanggi ang may-ari. Matindi ang threat. Malaki ang plantation. Hindi ako nakauwi agad para bisitahin ang daddy mo. Noong isang linggo ko lang natanggap ang sulat nila Nanay. Dumalaw nga daw sila kay Don Fidel.”

“Sana nga gumaling na si Daddy. His heart might be healing from the attack but it is still broken. Hindi ko alam kung paano ko siya tutulungan doon.”

Kinabig nito ang ulo niya at ihinilig sa balikat nito. “Just be there for him. He has you and Avon. Maswerte na siyang magkaroon ng mga anak na tulad ninyo.”

“Thanks, Lander,” she uttered with a smile. It was like the old days. Ilang salita lang mula dito ay nabubura na ang mga problema niya. “Nami-miss tuloy kita.”

“I miss you, too, Zygryd. Nami-miss ko nga rin si Avon.”

“Si Avon?” Nanlamig siya. Saka niya naalala ang bilin ni Avon sa kanya. Na huwag ipaalam kay Lander ang tungkol sa kasal nito.

“Oo. Tinawagan ko siya sa bahay ninyo pagdating ko pero wala siya sabi ni Aling Turing. Akala ko nga nandito siya sa ospital.”

“Nasa Isla Marina siya ngayon,” aniya sa pinatatag na boses.

“Anong ginagawa niya doon?”

Nakagat niya ang labi. She could feel her heart pounding painfully. “I am sorry. Ibinilin sa akin ni Avon na huwag itong sabihin sa iyo. Ikakasal na sila ni Oscar.”

Ilang sandali siya nitong tinitigan. “Don’t give me that kind of joke, Zygryd,” anitong natatawa pa.

“It’s true. Ikakasal na sila ni Oscar. Hindi ko lang masabi sa iyo kung bakit…”

“Maayos ang relasyon namin bago ako umalis. We have plans, Zygryd. Mag-iipon lang ako. Kaya kahit mahirap ang trabaho ko, tinatanggap ko para matupad agad ang mga plano namin. Bakit biglang nagbago ang isip niya?” may bahid nggalit na tanong nito at nakuyom ang palad. As if he wanted to hit someone or something. “Bakit mas pinili niya si Oscar kaysa sa akin? What is wrong with me? Am I not really that good enough?”

Ngayon ay sarili na nito ang sinisisi nito. Bakit kailangang siya pa ang magdala ng masamang balita dito? Bakit kailangan pa niya makita ito habang nasasaktan? “It is not your fault,” she said in half-whisper. The pain etched on his face made her want to cry. “Kailangan lang talaga niyang magdesisyon.”

“Pinilit ba siya ni Oscar? Ginawan ba siya ng masama?”

Umiling siya subalit di rin niya ito matingnan nang diretso. Di niya alam kung anong isasagot. Oscar only imposed the circumstances. Pero si Avon mismo ang nag-alok dito ng kasal kapalit ng di pag-ilit sa mga pag-aari ng pamilya nila.

“Avon has her reasons. Siya lang ang dapat na magpaliwanag sa iyo pero sinabi niya sa akin na hindi ka niya kakausapin.”

“Bakit hindi niya ako maharap? Dahil di niya kayang tuparin ang mga ipinangako niya?” Mariin nitong hinawakan ang balikat niya. “Tapatin mo nga ako, Zygryd. Mahal ba talaga ako ni Avon o pinaglaruan lang niya ako?”

“B-Bakit mo naman naisip na pinaglaruan ka niya?”

Pagak itong tumawa. “Gusto kong maniwala noong una na mahal nga niya ako. She did everything then so I would notice her. Laro lang ba iyon para sa kanya? Kapag na-in love na ang isang lalaki, basta na lang niyang iiwan nang walang paliwanag?”

“I am so sorry.” Di na niya mapigilang maiyak. Gusto niyang sabihin dito ang totoong rason pero lalo lamang itong masasaktan. Kapakanan ng pamilya nila ang pinili ni Avon. Paano iyon tatanggapin ni Lander? He might even hate her. At baka mapahamak pa ito kapag sinabi na nito ang totoo.

Binitiwan siya nito at tumalikod. “Huwag mo akong iyakan, Zygryd. Huwag mo rin akong kaawaan. Hindi ko kailangan ng awa mo. I don’t even need your sorry. What I need is a good damn explanation,” he said then walked away.

Hinabol niya ito. “Lander, saan ka pupunta?”

“I just need some time alone. Baka sakaling makuha ko rin ang sagot sa mga tanong ko,” wika nito at nagpatuloy sa paglalakad.

Inangat niya ang kamay upang pigilan ito subalit di niya magawa. He wanted solitude. She had to respect that. She only wanted to comfort him. Ipakita dito na kahit wala si Avon ay may nagmamahal pa rin dito.

Pero hindi siya nito kailangan. Only he could ease his own pain.

“ARE you crazy, Zygryd? Bakit sinabi mo kay Lander na ikakasal na ako?” mataas ang boses na tanong ni Avon bagamat mahina iyon. Nasa terrace sila sa may villa sa Isla Marina. Maraming tauhan ni Oscar ang nakakalat. Walls could talk. Baka kahit siya ay di na ipakausap kay Avon.

Mahigpit ang seguridad sa isla samantalang iilan lang ang dadating na bisita. Gustong tiyakin na walang magiging sagabal sa kasal ng mga ito dalawang araw mula noon. “Naaawa ako kay Lander. Mukha siyang tanga. Asang-asa siya sa iyo at siya na lang ang di nakakaalam na ikakasal ka. Bilang respeto sa kanya…”

Sinapo nito ang noo. “Baka sumugod siya dito sa isla at manggulo. Sasaktan lang siya ni Oscar o baka mapatay pa siya. Gusto mo bang iyon ang mangyari sa kanya?”

“Gusto ko siyang kausapin tungkol diyan pero hindi ko na siya makita. Nag-file daw siya ng leave sabi sa security agency na pinapasukan niya. Hindi na rin siya umuuwi pa sa bahay nila.” Pinagsalikop niya ang palad. “Kinakabahan tuloy ako.”

“Sa ngayon, wala akong pakialam kung nasaan man siya. Basta huwag siyang dadating dito. Huwag niyang guguluhin ang kasal ko,” walang kangiti-ngiting sabi Avon.

Malayo na ito sa dating Avon na animo’y babasaging kristal. Pinatigas na ito ng pagsubok. Bilang mapapangasawa ni Oscar, kailangan nga nito ang batong puso.

“Paano kung pumunta dito si Lander para kunin ka?”

Matalim siya nitong tiningnan. “Ako mismo ang magtataboy sa kanya. Tapos sa aming dalawa ang lahat. Mas importante sa akin ang pamilya natin.”

Ginagap niya ang kamay nito. “Pwede ka namang sumama sa kanya kung gusto mo. Huwag mo kaming isipin ni Daddy.”

Iwinaksi nito ang kamay niya. “Wala pa akong planong magpakamatay, Zygryd. Pakinggan mo nga ang sinasabi mo. Oscar loves me. Yes, he has a rough attitude. Pero alam kong mahal niya ako. Iyon ang importante.”

“Si Lander naman ang mahal mo.”

“Sa ngayon. Pwede namang magbago ang lahat.” Iniwan siya nito sa terrace. “Matulog ka na. Dadating na ang ibang bisita bukas. As my maid of honor, you have to help me entertain them.”

Di siya makatulog kahit na tahimik na ang paligid. Nadagdagan ang lungkot na nararamdaman niya sa kalamigan ni Avon. Kung magsalita ito ay parang di na importante ang nararamdaman ni Lander. Lalo lang siyang na-guilty.

Maya maya pa ay sumuko na rin ang isip niya sa antok. Naalimpungatan siya nang makarinig ng mabibigat na yabag ng paa at sigaw ni Avon. Bumalikwas siya ng bangon. “Ano iyon?” Suot ang bathrobe ay lumabas siya ng kuwarto. Nakita niya si Aling Minerva na nakatingin sa may direksiyon ng hagdan. “Ano pong nangyari?”

“Hinuli ng mga tauhan ni Sir Oscar si Lander. Nakapasok daw kasi sa kuwarto ni Señorita Avon. Ayun at kinaladkad na sa labas,” kwento nito.

Parang binundol ang dibdib niya. “Nahuli na si Lander? Gusto ko siyang makita.” Ngayong nasa kamay na ito ni Oscar, natatakot siya sa maaring mangyari.

Di pa man siya nakakatapak sa hagdan ay hinarang na siya ng armadong tauhan ni Oscar. “Ma’am, sabi po ni Boss Oscar huwag po kayong palabasin ng kuwarto. Bumalik na po kayo.”

“Ah, ganoon ba?” tanong niya sabay tuhod sa pagkalalaki nito. Napasigaw ito sa sakit at sinamantala niya ang pagkakataon upang makatakas.

Nasa garden si Lander at pinagtutulung-tulungang gulpihin ng mga tauhan ni Oscar. Ni hindi man lang ito makalaban. Magaling nga si Lander sa martial arts pero di madaling labanan ang may baril at maraming tauhan ni Oscar. Duguan na ang mukha nito pero patuloy pa rin sa pagsuntok ang mga tauhan ni Oscar.

“Tama na iyan! Huwag ninyo siyang saktan!” sigaw niya. Parang dinudurog ang puso niya habang pinapanood ang pagpapahirap kay Lander.

Napalingon sa direksiyon niya si Oscar na nakamasid sa pagpapahirap kay Lander. “Anong ginagawa ni Zygryd dito? Sabi ko huwag siyang palabasin.”

Pinigilan siya sa braso ng mga tauhan ni Oscar. “Bossing, pasensiya na po. Natakasan si Apeng, eh. Pinuruhan ba naman.”

“Let me go!” utos niya subalit mahigpit ang hawak sa kanya. Di tuloy niya malapitan si Lander upang tulungan at protektahan. “Oscar, please! Hayaan mo na siya.”

Ngumisi si Oscar. “Di pa ako tapos na turuan siya ng leksiyon. Ang lakas ng loob niya na sumugod dito. Wala naman pala siyang binatbat.”

Inangat ni Lander ang mukha kahit na nakalugmok na ito sa lupa. “Pakawalan mo na si Avon. Hindi ka niya mahal.”

Lumabas si Avon mula sa villa. Saka lumuwag ang pagkakawak sa kanya ng mga tauhan ni Oscar. Akala niya ay dadaluhan nito si Lander upang tulungan subalit tumayo ito sa tabi ni Oscar. “Tigilan mo na nga ang panggugulo sa amin, Lander. Akala mo naman sasama ako sa iyo. Sino ka ba?”

“Avon, ano ba ang sinasabi mo?” sigaw niya.

“Hindi pa kasi malinaw kay Lander na tapos na sa amin ang lahat. I don’t really love him. Dalang-dala naman siya sa mga drama ko para maging boyfriend ko siya. Funny! Napakadali niyang paikutin,” nakangising sabi ni Avon.

She wanted to slap her face to wipe the grin off her face. Nasasaktan si Lander. Di na rin kasi niya matagalan ang mga sinasabi ni Avon.

“Ako ang mahal mo,” mariing wika ni Lander kahit nahihirapan. “Hindi ba magpapakasal ka lang naman kay Oscar para makabayad sa utang ng pamilya mo? Iyon na lang ang sabihin mo kaysa magsinungaling ka pa.”

Hinaklit ni Oscar sa buhok si Lander. “Ginagalit mo ba talaga ako?”

Sinalubong ni Lander ang tingin nito. “Iyon naman ang totoo, di ba?”

Walang sabi-sabing umigkas ang nakakuyom na kamao ni Oscar at puntriya ang mukha ni Lander. “Oscar, tama na!” Tumakbo siya at pinigilan ang kamao nito.

“Huwag kang makialam dito!” singhal ni Oscar.

Nanatili siya sa kinatatayuan at di alintana ang panganib ng pagkampi niya kay Lander. “Hindi basta basta sumugod dito si Lander. Ako ang nag-utos sa kanya na itakas si Avon.”

Sa kanya nabaling ang galit ni Oscar. “Anong sinabi mo?” Napaurong siya nang hawakan nito ang leeg niya. She could feel the controlled force there. Dahil kung di ito nakapagpigil, malamang ay nasakal na siya nito.

“Sinabi ko sa iyo noon na ayokong makasal kayo ni Lander. Hindi malalaman ang tungkol sa kasal ninyo kung hindi ko sinabi. Kaya kung may dapat kang saktan, ako iyon at hindi si Lander.”

Bahagyang dumiin ang pagkakasakal nito sa kanya. Nahihirapan tuloy siyang huminga. “Pagbibigyan kita sa ngayon. Sa susunod masasaktan ka rin sa akin.”

Nakahinga siya nang maluwag nang bitiwan nito ang leeg niya. Nilapitan naman ito ni Avon. “Matulog na tayo, Oscar. We are just wasting our time.”

“Minahal mo ba talaga ako, Avon?” anang si Lander at pilit bumangon.

Ilang sandaling di nakakibo si Avon. Ilang sandali din itong nanatiling nakatalikod kay Lander. When she faced him, her features were suddenly sinister. “It was all a game to me. Sinubukan ko lang kung gaano ka kadaling mai-in love sa akin. Hindi ka naman pala mahirap paikutin.”

Dinaluhan niya si Lander at matalim na tiningnan si Avon. “That’s enough. Better shut up if you don’t have anything nice to say.”

Nabaghan ang anyo nito. Di inaasahan na magagalit siya. Nagpatiuna itong pumasok sa villa. Kung anuman ang tinatakbo ng isip nito, ito lang ang may alam.

“Iwanan na ninyo siya!” utos ni Oscar sa mga tauhan. Kinausap nito si Lander nang sila na lang ang naiwan. “I want you out of this island first thing in the morning. Sa susunod na manggulo ka pa sa amin, di ako mangingiming tuluyan ka.”

“MAY FRACTURE siya sa ribs at balikat. Malaki rin ang possibility na may internal damage pa siya. He has to rest. Complete bed rest. Kung madadala siya sa ospital sa kabisera, dapat doon muna siya sa loob ng ilang araw. Mas ligtas siya doon.”

“Thank you, Doctor Federer. Maasahan ko po talaga kayo,” pasasalamat niya sa doctor na tumingin kay Lander. “Kayo lang po kasi ang malalapitan ko. Wala naman kasing ibang tutulong sa amin. Lahat takot kay Oscar.”

Napailing na lang ito. “I am forever trying to save that boy. Hanggang ngayon takaw-disgrasya pa rin siya. He needs a friend right now. His heart is broken.”

Lumingon siya sa kubo na dating bahay nila Lander. Doon ito pansamantalang idinala sa tulong ng mga kawaksing loyal sa kanya. Mabuti at di siya binawalan ni Oscar.

Nalinis na niya ang sugat ni Lander at nabendahan ang parte ng katawan na may bali. Nasaktan ito pero di niya ito naringgang umaray man lang. Tahimik lang ito. And that was what’s bothering her. “Magpahinga na rin kayo, Doc. Susubukan ko po kayong samahan bukas sa kabisera para maidala si Lander sa ospital.”

“Ako na ang bahala. Baka mapag-initan ka pa ni Oscar.”

Pagbalik niya sa kubo ay pinipigilan ni Manang Minerva si Lander na bumangon. “Di ka daw pwedeng maggagalaw sabi ni Doctor Federer. Baka lumala ang mga sugat at bali mo. Huwag nang matigas ang ulo.”

“Gusto ko na pong umalis,” giit ni Lander.

“Makinig ka sa kanya. This is for your own good.” Tinanguan niya si Manang Minerva. “Ikuha po ninyo siya ng kumot. Ako po muna ang magbabantay sa kanya.”

Nakasandal si Lander sa sawaling dingding pero nakaiwas ito ng tingin sa kanya. “Bakit mo pa ako inaalagaan? Wala naman akong kwenta, di ba?”

“Don’t say that. Hindi ka na dapat pumunta dito.” Hinaplos niya ang buhok nito. “Kita mo tuloy ang nangyari sa iyo.”

“Gusto kong marinig nang direkta kay Avon ang totoo. Umasa akong mahal pa niya ako at ako ang pipiliin niya. Pero siya pa mismo ang tumawag sa mga tauhan ni Oscar para hulihin ako,” anito sa mapait na boses.

“Ano?” She betrayed Lander. Why did she do that? Hindi na siya magtataka kung bakit di makalaban si Lander sa mga tauhan ni Oscar kahit na kaya nito. It was Avon’s treachery that damaged his heart.

“Hindi talaga niya ako mahal. Di rin niya mahal si Oscar pero iyon ang pinili niya. Kung nakita ko sana ang takot sa mga mata niya habang sinasabi niya na pinaglaruan lang niya ako, hindi na ako kikibo. Pero ikaw mismo ang nakakita kung gaano siya kalamig. Di na siya ang Avon na minahal ko dati.”

“Pero hindi ibig sabihin hahayaan mong mawalan ng halaga ang sarili mo. You are special, Lander. Kung alam mo lang…”

Matalim siya nitong nilingon. “I don’t need your pity. Who cares if I live or die? Avon doesn’t care.”

“Avon! Puro ka na lang Avon!” sigaw niya nang narindi na dito. “Ano bang palagay mo sa akin? Wala na bang halaga ang opinion at nararamdaman ko?”

Nagulat ito sa outburst niya. “Zygryd, iba ka…”

“Si Avon lang ba ang mahalaga sa iyo? Paano ang pamilya mo? Ang mga kaibigan mo? Di ba importante ang nararamdaman namin sa ginagawa mo sa sarili mo?” Dinuro niya ang dibdib nito. “You are a rotten loser. Nasaan na ang sinasabi mo sa akin na di dapat mabuhay sa past. Na kahit anong mangyari, dapat malagpasan ko ang lahat ng problema. Puro ka lang pala daldal. Puro ka yabang. Dapat lang sa iyo na nagulpi ka.”

Napamaang ito. “Zygryd…”

Tumayo siya. “Wala kang pakialam sa sarili mo, di ba? Sige! Bumalik ka ulit sa villa. Kunin mo si Avon. Magpagulpi ka ulit sa mga tauhan ni Oscar. Tiyakin mo lang na di ka na aabot ng buhay sa kabisera. Doon ka sasaya, di ba? Gawin mo?”

Patakbo siyang lumabas ng kubo at napaiyak hanggang makarating sa tabing-dagat. Di niya alintana ang malamig na hangin o ang hampas ng alon sa paa niya. She just kept on cursing Lander. Matapos ang lahat ng ginawa niya para dito, wala itong pakialam sa nararamdaman niya. Hindi siya importante. Sana hinayaan na lang niya ito kanina. Kung bakit pinakinggan pa kasi niya ang self pity nito. Kung anu-ano tuloy ang masasakit na salitang nasabi niya dito.

Ang ikinaiinis lang niya sa sarili niya ay mahal pa rin niya ito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.