Chapter Raphael, Sunset Shadow: Chapter 11

“Zygryd, how could you say those horrible words to Lander? Hindi ka na naawa doon sa tao. Inagawan na nga ng girlfriend at nagulpi, inaway mo pa. You really don’t have a heart. Anong ipinagkaiba mo kay Oscar at sa stepsister mo?” sermon ni Reggie sa kanya habang nagmimiryenda siya sa garden nila.

Ilang araw nang natapos ang kasal nina Avon at Oscar at kadarating lang niya galing sa Isla Marina. Isang society magazine ang pinayagang mag-cover nang exclusive sa kasal. Ngayon ay alam na ng lahat na mag-asawa na ang dalawa. Umalis na ang dalawa para sa Caribbean honeymoon ng mga ito.

Nanulis ang nguso niya. “Nakakapikon na kasi siya. Wala na siyang sinabi kundi Avon, Avon. Hindi na siya nakikinig sa akin, eh. Ano ba ako sa buhay niya?”

“Wala,” sagot nito at humalakhak nang nang-iinis. “Zygryd, sana hinabaan mo ang pasensiya mo. You were so green with jealousy. Ano ngayon? Di ka makalapit kay Lander matapos ang mga pinagsasabi mo?”

“Kinukumusta ko naman siya sa kina Doctor Federer. Tapos kahapon dinalaw ko din siya sa ospital.” Nakalabas na ng ospital si Lander kahapon din at sa bahay na lang nagpahinga. Ang pamilya lang nito ang nakausap niya. “Gusto ko nga sanang sagutin ang hospital bills niya pero tinanggihan niya ako.”

“Male pride. The best way to cope with rejection.”

“No. Ibig sabihin ayaw pa rin niya akong makausap. Nagse-self pity na naman siya. Sige, mag-self pity siya.”

“You really don’t know how to use things to your advantage, do you?”

She gave him a bewildered look. “What do you mean?”

“This is the best time to get closer to him. Sa halip na inaway mo siya, ngayon mo dapat ipakita ang pagmamahal mo sa kanya. Alagaan mo. Show him that you are a wonderful person. That he deserves to have you. Kita mo, mai-in love din iyon sa iyo. Di ka naman mahirap mahalin kung di mo lang pinaiiral katarayan mo.”

“And what? I will listen to his whinnying all day? No way! Selosa ako. I can’t help it. Inaamin ko naman na minsan naging martir ako pero may limitasyon naman ako.”

“Anong plano mo ngayon? Maggalit-galitan na lang kay Lander?”

Bumuntong-hininga siya at napaisip. “Di ko rin naman siya matitiis, eh.”

“Kung magkikita kayo, makikipagbati ka sa kanya? Kakausapin mo na siya.”

“Susubukan ko,” sagot niya.

“Nandito na ako. Ibig sabihin magiging okay na ulit tayo?”

Tumuwid siya ng upo dahil hindi na si Reggie ang nagsalita. Nang lumingon siya ay nakatayo sa likuran niya si Lander. Napanganga na lang siya habang nakatitig dito. He was like an apparition. He was smiling at her while holding a bunch of carnations. Bagamat naka-sling ang isang braso nito, mukhang di ito kalalabas lang ng ospital at parang di rin ito broken hearted. He was glowing.

“L-Lander, why are you here? Di ba dapat nagpapahinga ka pa sa bahay?” Tumayo siya upang lapitan nang mag-alanganin siya. “Matigas na naman ulo mo.”

He laughed a little. “I am okay. Next week nga pwede na akong bumalik sa trabaho. Kung nasa bahay ako, lalo lang akong manghihina.”

Nanunuksong ngumiti si Reggie nang tumayo. “I must be going. Mukhang may importante kayong pag-uusapan ng bisita mo.” Tinapik nito sa balikat si Lander. “Mag-date naman tayo kapag magaling ka na.”

“Sure!” sagot naman ni Lander.

“Umupo ka.” Nagpakuha siya ng miryenda ni Lander kay Aling Turing. Wala siyang kibuan ni Lander sa mga oras na iyon. Pasulyap-sulyap lang siya dito. There was a different aura around him. Di niya alam kung saan napunta ang Lander na huli niyang nakita. Desperado. Parang ayaw nang mabuhay.

Inabot nito ang bulaklak sa kanya. “Here. For you.”

“Sa akin? O para kay Daddy? Sakit lang ang binibigyan ng bulaklak, di ba? Mamaya lang gising na siya. Ayaw na rin kasi niya sa ospital dahil nanghihina rin siya. Kaya ikinuha na lang namin siya ng private nurse.”

“Hindi ako nagbibigay ng bulaklak sa may sakit. This is really for you.”

Inabot niya ang bulaklak subalit di pa rin niya tiyak kung dapat nga niyang tanggapin. “Bakit?”

“I want to apologize for behaving like a first rate loser last time. Hindi na ako nag-isip. Puro emosyon ko lang ang pinagana ko.”

“No. Ako ang dapat na mag-sorry. Nasaktan ka na nga, lalo pa akong nagalit sa iyo. Pakiramdam ko tuloy hindi ko ginawa nang tama bilang kaibigan mo. Dapat inalagaan kita, pinakinggan ko kung ano ang gusto mong sabihin at damayan kita habang nasasaktan ka.”

He clutched her hands tightly. “You were there when I needed you the most, Zygryd. Nang mga panahong pakiramdam ko nag-iisa lang ako, di mo ako iniwan. You made me realize the most important things in life. That I still have to stay alive after the storm. Na hindi natatapos ang buhay ko kay Avon.”

“Pwede ko namang sabihin sa iyo nang maayos, di ba? Di kita dapat sinigawan. Di ako dapat nagalit. Sorry kung napikon ako.” At nagselos.

Kinabig nito ang ulo niya at ihinilig sa balikat nitong walang injury. “That is what I love about you. Sinasabi mo kung ano ang gusto mo. Ipinapakita mo ang totoong nararamdaman mo. At dahil doon, natauhan ako.”

“Sorry sa ginawa ni Avon sa iyo,” malungkot niyang usal. “Hindi ko alam kung bakit ginawa niya iyon.” Hindi niya halos kinikibo si Avon dahil sa pagtraidor nito kay Lander. She was acting so excited about the wedding as if she was a real bride. Di niya alam kung pakana iyon ni Oscar o kusang loob nitong ginawa. She wanted to confront her but she had a way of avoiding the issue.

“Hindi na rin ako nagtatanong, Zygryd. I just have to accept everything. Kasal na sila ni Oscar. It is her choice. The best I can do is to move on,” positibo nitong sabi. “Mukhang di lang ako ang angel mo. Angel na kita.”

Tumaba ang puso niya sa sinabi nito. “Talaga?”

Inilapit nito ang mukha sa kanya. “Talagang-talaga.”

She was breathless for a while; she thought he would kiss her. She didn’t know what to do or how to act. Malakas na malakas ang kabog ng dibdib niya. But he only rubbed the tip of his nose against hers. It was not a kiss but she could feel sensation slowly traveling around her body. It was as intimate as a kiss. Pakiramdam nga niya ay gugulong na sa lupa ang puso niya.

“Well, mukhang okay ka na nga.” Umayos siya ng upo at itinaas ang isang kamay. “Mula ngayon, tutulungan kitang maka-move on. Di ko na babanggitin ang pangalan niya. At kapag narinig na naman kitang nagdadrama, gugulpihin kita.” At pabiro niyang sinuntok ang balikat nito.

“Ahhh!” sigaw nito at sinapo ang sariling balikat.

Nataranta tuloy siya at hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa balikat. “Naku! Sorry. Nakalimutan ko na kalalabas mo lang ng ospital.”

“Well, I feel alive now that you are here with me. Just stay beside me, Zygryd. That is enough to make me happy.”

The world around her vanished as she looked into his eyes. He was her world. And it gave her joy and comfort now that she was a part of his world again.

“L-Lander, I…I…” She was on the verge of telling him that she loves him when she heard her father’s private nurse holler. Tumayo siya. “Anong nangyari?”

Patakbo silang pumasok ni Lander sa villa. Sa sala ay sinalubong sila ng umiiyak na si Aling Turing. “Inatake na naman po sa puso si Don Fidel, Señorita.”

“MA’AM ZYGRYD, iyon po kasing asawa ni Don Fidel ang kausap niya sa phone. Kung anu-anong masasamang salita ang sinabi niya. Bakit daw hindi ipinaalam sa kanya na ikakasal si Ma’am Avon. Karapatan daw niyang makapunta sa kasalan dahil siya ang tunay na ina. Kinailangan pa daw niyang malaman sa ibang tao. Tapos galit na galit din siya dahil ginawa lang daw pambayad-utang si Ma’am Avon. At di na daw siya babalik. Ayun! Inatake na sa puso si Don Fidel,” maluha-luhang kwento ng nurse na nagbabantay sa daddy niya habang nasa head nurse’s office sila.

Matalim na tiningnan ni Zygryd ang nurse. Kung wala lang si Lander sa tabi niya at di nito hawak ang kamay niya, baka nasakal na niya ito. “Ipinakausap mo siya sa kay Tita Imelda. Alam mo bang siya ang pinakahuling tao na gustong makausap ni Daddy? Di ba binilinan ka namin na salain ang mga tawag niya?”

“P-Pasensiya na po, Ma’am. Nawala po sa isip ko.”

Sunud-sunod ang rebelasyong binitiwan ni Imelda. Mga bagay na di dapat marinig ng daddy niya. Papatayin talaga ng babaeng iyon ang daddy niya.

“Bakit? Dahil masayang makinig sa usapan ng iba? Hindi ginagamit ang speaker phone para sa benefit mo, Miss Azurin. In-install iyon para kapag sa tingin mo makakasama sa kay daddy ang topic ng usapan o ang kausap niya mismo, you can easily end the call. Pero anong ginawa mo? Hinintay mo pang atakihin sa puso si Daddy. Nurse ka ba talaga, ha?”

Napayuko ang nurse sa sobrang kahihiyan. “S-Sorry po, Ma’am.” Napaluha ito. “Di ko naman po inaasahan na ganoon ang mangyayari.”

“Anong magagawa ng sorry mo? Nasa ICU si Daddy. Fatal heart. And it is more severe than his first heart attack. This is your fault! You are not competent!” Nanginginig ang boses niya sa galit at di na rin niya mapigilang mapaiyak. “Oras na may mangyaring masama sa daddy ko, I will take legal action against you.”

Namutla ito. “Ma’am, huwag naman po.”

“Di mangyayari ito kung ginawa mo nang maayos ang trabaho mo.”

“We apologize, Miss Almenderos,” wika ng head nurse. “Titiyakin namin na papatawan siya ng disciplinary action. I am really sorry about your father.”

Tumango lang siya at lumabas ng opisina. Saka lang siya nakadama ng panghihina. Inakbayan siya ni Lander upang alalayan. “Everything will be okay.”

“H-Hindi na ba matatapos ang problema namin? Gusto ko lang namang makitang walang sakit si Daddy. I want to spend more time with him.” Subalit ayon sa doctor ay maaring oras na lang ang bilangin nito.

“Let’s wish for another miracle. At kung babawiin man siya sa atin, ang importante nasa tabi mo lang siya sa mga panahon na iyon.”

Pinahid niya ang luha na ayaw na yatang tumigil sa pagpatak. Nadagdagan ang tapang niya. Naihanda na rin niya ang sarili niya. “A-Ayokong makita niya akong malungkot. I have to be strong for him, right?”

Papasok sa kuwarto ay nakasalubong niya ang doctor. “Miss Almenderos, gusto kang makausap ng daddy mo.”

She felt dreaded when she saw her father. He looked so pale. She fought the urge to cry when he held out his hand to her. “Zygryd, come here.”

Ginagap niya ang kamay nito at pilit na ngumiti. “Stand up, old man. Plano ko na dalhin ka sa Tagaytay this Saturday. Hindi mo ba nami-miss mag-golf doon?”

Malungkot itong ngumiti. “I am afraid you I can’t be in Tagaytay with you. We both know that I won’t last for long. Ilang sandali na lang ang binibilang ko, Zygryd.”

“Dad, don’t say that,” she said in a trembling voice. Inilapat niya ang kamay nito sa pisngi niya. “Hindi pa nga ako nag-aasawa, aalis ka na agad? So unfair!”

“Choose well and follow your heart. Kapag minahal mo ang isang tao, huwag kang uurong kahit na anong mangyari. Fight for your love. I didn’t raise your as a loser. I want you to be strong when I am gone like. Isipin mo na lang na magiging masaya na ako kapag nagkasama na kami ng mommy mo.”

Nag-panic siya. “Tinawagan ko si Avon. Pauwi na sila. Ayaw mo ba siyang makita muna? Hindi ka pwedeng umalis nang walang ibinibilin sa kanya. Magtatampo iyon,” pabiro niyang sabi. Ayaw niya ang tono ng daddy niya na parang aalis na ito.

“I don’t have to wait for her. Nariyan si Oscar para alagaan siya. Pero ikaw, sino ang mag-aalaga sa iyo.” Tumingin ito kay Lander. “Pwede bang sa iyo ko ibilin si Zygryd? Alam kong mapagkakatiwalaan kita sa anak ko. Huwag mo siyang pababayaan at huwag mo siyang iiwan.”

Mahabang sandaling nagsugpong ang mata ng dalawang lalaki at tumango si Lander. “Yes, Sir. I will take care of her.”

Pumikit si Fidel nang may ngiti sa labi. “Thank you.”

Naramdaman niyang ang paglaylay ng kamay ng daddy niya na hawak niya. “D-Dad?” Di ito sumagot o dumilat. Then she heard the beep from the electro cardio gram. Pagtingin niya ay tuwid na linya na ang naka-rehistro doon. Wala nang heartbeat ang daddy niya. “Daddy, wake up! Don’t leave me,” palahaw niya.

Pinindot ni Lander ang buzzer at naghangusan ang mga doctor at nurse. Niyakap siya ni Lander at inilayo sa kama. Mahigpit siyang kumapit sa T-shirt nito. “I-Iniwan na niya ako, Lander. Hindi na ako babalikan ni Daddy.”

“Shhh…” Hinaplos nito ang buhok niya. “Di ka niya iniwang mag-isa. You heard him. Ibinilin ka niya sa akin at hindi kita iiwan.”

PALUBOG na ang araw subalit nanatili pa rin sa puntod ni Don Fidel si Zygryd. Isa-isa nang nagpaalam ang mga nakipaglibing subalit hinayaan niyang sina Avon at Oscar ang mag-asikaso sa mga ito. She couldn’t cry during the wake. Parang naubusan na siya ng iluluha. After all, her father asked her to be happy for him. Makakasama na nito ang mommy niya. Subalit di naman niya alam ang naghihintay sa kanya.

“Zygryd, let’s go home,” untag sa kanya ni Avon.

“You go first. I just want to spend some time alone.”

“Pero wala ka namang kasama dito.”

Hinawakan ni Lander ang balikat niya. “Ako na ang bahalang maghatid sa kanya.” Di siya iniwan nito sa buong panahong nakaburol ang daddy niya. Ito ang laging nagpapaalala sa kanya na kumain at magpahinga. Di na siya tumutol nang nagprisinta itong bantayan siya. Nababawasan ang lungkot niya pag kasama ito.

“Lander…”

She lifted her head when she heard longing in Avon’s voice. May lungkot sa mga mata nito habang nakatitig kay Lander. Na parang gusto nitong yakapin. Animo’y marami itong gustong sabihin.

Subalit nananatili lang nakatuon ang atensiyon ni Lander sa puntod ng daddy niya. Ni hindi man lang nito sinulyapan si Avon. Kahit ang boses na ginamit nito kanina kay Avon ay walang lamig, napaka-pormal.

“Avon, we have to leave now!” Oscar yelled in a demanding tone.

Ibinaba ni Avon ang tingin upang iiwas kay Lander at humalik sa kanya. “I will call you tonight,” wika nito at umalis na. Paglapit nito kay Oscar ay lumingon ulit ito sa kanila. O maaring si Lander lang ang tinitingnan nito saka sumakay ng kotse.

Mahabang sandali na namayani ang katahimikan sa pagitan nila ni Lander. Niyakap niya ang sarili nang umihip ang hangin. Inakbayan naman siya nito upang protektahan siya sa lamig. “Ihahatid na kita. Huwag ka nang magpagabi dito dahil baka magkasakit ka pa. Bukas ka na lang ulit bumalik.”

“Lander, when do you stop loving a person? Para di ka na makaramdam ng kahit anong sakit at matanggap mong wala na siya?” tanong niya.

“I don’t think you can stop loving someone. Sometimes we put our hearts in the shelf to cope up with the loss. The pain may recede but love doest fade. Katulad ng pagmamahal mo sa daddy mo. Darating ang panahon na masasanay kang wala siya. Di ka na makakaramdam ng sakit pero di ibig sabihin di mo na siya mahal.”

Malungkot niya itong pinagmasdan subalit di siya kumibo. Hindi ang pagkawala ng daddy niya ang tinutukoy niya kundi ang tungkol sa pagmamahal nito kay Avon. May puwang pa ba siya sa puso nito kahit na manatili pa rin ang pagmamahal nito kay Avon?

MAINGAT na pinunasan ni Zygryd ang picture ng daddy niya sa frame at maingat na isinabit sa dingding. “Di pa rin tayo magkakahiwalay, Dad,” usal niya.

“Sigurado ka ba na okay ka na dito sa apartment?” tanong ni Reggie sa kanya. “Pwede namang doon ka muna tumuloy sa bahay kung nalulungkot ka.”

Ngumiti siya. “Hindi na. Sobrang abala na iyon. Kita mo nga, libre pa ang two months na pagtira ko dito sa apartment ninyo.”

It was the least costly among Reggie’s family’s apartments. Fully furnished na iyon at may appliances na dahil doon dating nakatira ang pinsan nito na dating sa Manila nag-aral at bumalik na sa probinsiya.

It would be a new start for her. May pera pang naiwan ang daddy niya para sa kanya at iyon ang gagamitin niya para magsimula. Magiging simple na ang buhay mula doon. Ibebenta na niya ang mga mamahalin niyang alahas maliban sa pamana sa kanya ng mommy niya. It might be tough but she wanted to live her life that way.

“Sisters nga tayo, di ba? Ikaw lang naman itong gustong magbayad. Pamilya na ang turing namin sa iyo. Hindi ko alam kung bakit pinahihirapan mo sarili mo. At kung gusto mo nga pala, pahihiramin ka na lang ni Mommy ng pera kaysa ipagbili mo ang mga jewelries mo. Bayaran mo kapag may trabaho ka na.”

“Masyado ninyo akong pina-pamper. Mai-spoil ako niyan.”

“We just want to be here for you. Mahirap ang pinagdadaanan mo. Kung si mommy nga ang masusunod, aampunin ka na daw niya. Wala daw siyang girl na anak. Ang tanong ko agad, “Am I not enough, Mom? Am I not a girl?”.”

Bumulanghit siya ng tawa. “Kahit ako ang mommy mo, maloloka sa iyo!”

“Mabuti pa, itu-tour kita sa neighborhood. Wala ka namang masyadong ie-empake, hindi ba?” Mga damit lang naman ang dala niya at ilang gamit. Mas mukha nga siyang naglayas ng bahay kaysa lumipat ng bahay.

Sa kabilang pinto ng apartment ay may mga kahon pang ipapasok sa bahay. Bagong-lipat lang din ba ng occupant sa katabing unit?

“Hello!” bati ni Reggie at tuloy-tuloy pumasok sa bahay.

“Reg, nakakahiya. Basta-basta ka na lang pumasok.”

“Okay lang iyan sa kanya. My dear, nasaan ka na?”

Hanggang sa may bungad lang tuloy siya ng pinto tumayo. Kapag ginamit ni Reggie ang term na ‘my dear’, ibig sabihin ay boyfriend nito ang nakatira doon. Lagi pa mandin siyang di boto sa mga lalaking nagugustuhan nito.

Mula sa hagdan ay may sumungaw na lalaki. “Oliver?”

Kumaway ito nang makita sila.“Hi!” Tumingala ito sa taas. “Kuya, nandito na sila.”

Bumaba si Lander nang pantalon lang ang suot at walang T-shirt. Napatulala na lang siya dito. Ilang beses na niya itong nakitang walang T-shirt pero di na siya nasanay.

“Pasensiya na. Nag-aayos pa ako sa taas,” anang si Lander at kinuha ang T-shirt na nakasampay sa hamba ng hagdan at isinuot. Even dressing up was a sexy act.

“Kumurap ka naman. Baka naman tunawin mo na si Lander,” bulong ni Reggie.

She looked at him sharply. “N-Nagulat lang ako. Anong ginagawa nila dito?”

“Itinatanong ng prinsesa. Ano daw ang ginagawa ninyo dito?” tanong ni Reggie.

“Dito na titira si Kuya Lander,” sagot naman ni Oliver. “Mas malapit kasi ito sa trabaho niya. Di na siya sa field assignment ngayon. Siya na ang trainer ng mga bagong agents nila sa technological aspect ng trabaho nila. Matagal na dapat iyon dahil last year ipinadala na siya sa abroad para sa training. Ngayon lang dumating ang equipment.”

“I smell something fishy.” Di kasi niya ipinaalam muna kay Lander ang tungkol sa paglipat niya. Mag-aalala kasi ito. Nagsususpetsa siyang tumingin kay Reggie. “Regino!”

“I will confess just don’t call me that name. Sinabi ko sa kanya na dito ka na titira. At nagprisinta siya na io-occupy niya ang apartment sa kabila,” paliwanag nito.

“Pero gagastos ka pa, Lander. You don’t really have to do this.”

He patted her head. “Mas mataas na ang sweldo ko. At ang pinaka-importante mababantayan kita. Mag-aalala rin ang mga taong naiwan mo kung mag-isa ka lang.”

“Masyado mo namang sineseryoso ang bilin sa iyo ni Daddy.”

“Gagawin ko pa rin ito kahit na hindi ibinilin sa akin ng daddy mo.”

She stared at him for a long time and he stared back. She didn’t know what to say. Di pa rin siya makapaniwalang nag-abala si Lander para sa kanya.

“Mamaya na kayo magtitigan kasi magiging magkapit-bahay na kayo,” untag ni Reggie.“Nagpa-deliver ako ng food.I-celebrate natin ang pagiging magkapitbahay ninyo.”

Sila ni Lander? Dingding lang ang pagitan? Paano siya magkakaroon ng katahimikan? Maya’t maya na niya itong iisipin. Baka hindi na rin siya makatulog sa gabi.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.