Chapter Raphael, Sunset Shadow: Chapter 12

Nagising si Zygryd sa malakas na ring. Kinapa niya ang alarm clock at pilit na idinilat ang mata para makita ang oras. “Ah! Alas singko pa lang.” Alas sais pa naka-set ang alarm clock niya. Itinuloy ulit niya ang tulog. Patuloy pa rin ang tunog. Saka niya naisip na baka doorbell iyon. May tao sa labas.

Pupungas-pungas siyang bumangon at pumunta sa gate. Mula nang magsarili siya, nasanay na siyang walang katulong na gigising sa kanya o aasiste sa kahit anong gagawin niya. Kailangan na niyang mag-isa. Kinusot niya ang mata pagbukas ng gate at nabungaran si Lander na madilim ang mukha habang nakatingin sa kanya. “Good morning! Ang aga mo namang mambulahaw. May problema?”

“Problema? Nakalimutan mo bang may usapan tayong magdya-jogging? Ikaw pa nga ang nagyaya sa akin kahapon, di ba?”

Niluwagan niya ang bukas ng gate para makapasok ito. “DI ko naman kinalimutan. Naka-set pa nga ang alarm clock ko ng six thirty.”

“Six thirty?” bulalas nito. “Sino pa ang nagdya-jogging noon? Sinikatan ka na ng araw ng six thirty, Zygryd.”

“Inaantok pa ako. Di naman tayo military camp para mag-jogging ng alas singko ng umaga. Panadero pa lang sa panaderya ang gising ngayon saka manok.”

“Don’t say another word.” Itinulak siya nito papunta sa sink. “Magbihis ka na. Hindi mo ako yaya para ako pa ang magbihis sa iyo.”

Nagdadabog niyang kinuha ang toothbrush at nilagyan ng toothpaste. “Wala rin tayo sa military camp. Daig ko pa ang na-Batas Militar sa iyo.”

Matalim siyang tiningnan nito. “May sinasabi ka?”

Ngumisi siya. “Sabi ko magkape ka lang. Magtu-toothbrush lang ako.”

Lumabas na ang pagiging disciplinarian ni Lander. Akala niya ay ii-spoil siya nito. Nuknukan pala ito ng higpit. Pati pagpasok niya sa eskwelahan, tinitiyak nitong hindi siya male-late. Sermon din ang inaabot niya kapag may nakalimutan siyang gawing project o kaya ay nale-late siya. Daig pa niya ang bata.

Nagtimpla si Lander ng kape nito. Sanay na itong kumilos sa bahay niya. He was keen on checking whether her things were organized. Pati tamang paglilinis sa bahay ay itinuro na nito sa kanya. Malaking tulong iyon para sa kanya na wala halos alam sa buhay niya kundi ang maging prinsesa.

“Uminom ka muna ng gatas mo bago ka magbihis,” utos nito.

Umupo siya sa dining set. “Yes, Mama.”

Bumuntong-hininga ito. “Sa susunod na magyaya ka ng jogging, agahan mo naman ang gising mo. Konti na lang ang time nating mag-jogging. Magbe-breakfast din tayo. Learn to maximize your time, Zygryd. Nagbabad ka na naman sa panonood ng videos kagabi. Hatinggabi na yata nang matapos ka.”

Nangalumbaba siya at tumitig dito habang nagsasalita ito. What a nice way to start her morning. Isa iyon sa pinakamagandang parte ng pagiging kapitbahay ni Lander. Umaga pa lang ay nasisilayan na niya ang kaguwapuhan nito. May libre pa siyang almusal. Sermon.

Nakangiti siyang pumikit at pinakinggan ang boses nito. Inisip na lang niya na hindi siya nito sinesermunan. Na sinasabi nitong maganda siya. Na wala nang ibang babae para dito kundi siya. She giggled a little. Nadala siya ng pangangarap niya.

“Anong nakakatawa? Di mo talaga sineseryoso ang sinasabi ko sa iyo, no?”

Bigla siyang napadilat at natuklasang nakatutok na ang mukha nito sa kanya. Their faces were just an inch away. Kitang-kita niya ang magaganda nitong mga mata. Noon lang niya napansin. His eyes had intriguing brown speckles. At nakasentro ang itim sa sentro ng iris nito. It was so beautiful.

“Mas maganda pala sa malapitan ang mata mo, Lander.”

Napamaang ito at hinaplos ang mata niya. “Inaantok ka pa.”

Ngumiti siya. “Nananaginip lang.”

“I think I should wake you up.”

He cupped her face between his hands and kissed her. The moment his lips touched hers, she was lost. Her lips open in its own accord. He kissed her slowly, as if teaching her what she should do. She inhaled sharply when his tongue slightly touched her lips. Her eyes were wide open. She couldn’t believe that he had just kissed her. Parang gusto niyang sampal-sampalin ang sarili niya para makatiyak.

“Still sleepy?” he asked.

Bahagya siyang tumango at bahagya rin siyang pumikit. Kakaibang klase naman kasi ito kung manggising. Pero gusto yata niyang makatiyak na di siya nananaginip lang. Kung ganito siguro araw-araw ang pampagising niya, okay lang sa kanya kahit na ulanin pa siya nito ng sermon. It was divine.

Naramdaman niyang dahan-dahan muli nitong inilapit ang mukha sa kanya. She was so thrilled. It might be lovelier for the second time. Siyempre, hindi na siya magugulat. Mapaghahandaan na niya. At siguro naman ay pwede na rin siyang mag-confess ng nararamdaman niya para dito. How romantic!

His face stopped a few inches from her once more. “Kapag hindi ka pa tumayo at nagbihis, bubuhusan na kita ng tubig galing sa ref.”

Biglang dumilat ang mga mata niya. “What?” Nasaan na ang halik niya?

“Gusto mo?” naghahamong tanong nito at ngumisi.

He looked dead serious this time. Mukhang naubusan na ito ng pasensiya sa kanya. Kahahalik lang nito sa kanya. Ayaw na ba nitong ulitin pa?

Inirapan niya ito nang makita niyang mas gusto siya nitong buhusan ng ice cold water kaysa halikan siya. “Magbibihis na po!” At nagdadabog siyang pumunta sa kuwarto niya para sundin ang utos nito.

Di niya maiwasang damhin ang sariling labi nang mag-isa na lang siya sa silid. Did he really kiss her a while ago? Di ba siya nananaginip lang? It was too good to be true but she was sure that it was real.

Kaso ay mukhang di naman ito seryoso sa paghalik sa kanya. He only kissed her to wake her up. Well, the kiss was good enough. Pero gusto sana niya na halikan siya nito dahil mahal siya nito.

For now, that would be fine. Alam niyang dadating din ang panahon na kapag nagsalo muli ang labi nila, mahal na siya nito.

ZYGRYD blinked her eyes when she felt the warm sunlight touched her face. Namulatan niya ang berdeng damo pagdilat niya. Nagulat pa siya. Nakatulog ba siya sa labas. Nang itaas niya ang tingin ay nagkasalubong ang mga mata nila ni Lander. Nakasandig pala siya sa katawan nito habang natutulog.

Bigla siyang tumuwid ng upo. “S-Sorry, Lander. Nakatulog pala ako.”

“Sabi mo magpapahinga ka lang. Tapos nakita na lang kitang natutulog habang nakasandal sa puno. Wala ka talagang pinipiling lugar.”

“Tinapos ko pa kasi iyong project ko. Mahirap kaya iyon.”

“Sana sinabi mo para di ko na inabala ang pagtulog mo.”

Humilig ulit siya dito. “Ayoko nga!”

Nakagawian na nilang mag-jogging tuwing umaga. Kung siya lang naman, wala siyang kaamor-amor sa pagdya-jogging. Mas gusto pa rin niyang matulog. Pero ayaw naman niyang may lumapit na ibang babae kay Lander at samantalahin ang pagkawala niya. Marami pa manding mga babae ang nagpapansin dito. DI lang makalapit ang mga ito kapag naroon siya.

Pinisil nito ang ilong niya. “Basta huwag kang matutulog dito sa park kung magdya-jogging kang mag-isa. Baka kung ano ang mangyari sa iyo.”

“Yes!” Tumayo siya at nag-inat. “Breakfast na tayo. Chicken mami.”

“Mukhang nawili ka na sa mamihan ni Aling Berta.”

“Nakakasawa na rin ang kumain sa fast food. Di tulad sa mamihan. Parang at home na at home ako. Parang lutong bahay ang kinakain ko.”

“Hindi mo ba nami-miss ang dati mong buhay?”

“Nami-miss na hindi. Di ko na masyadong hinahanap ang mga bagay na ginagawa ko dati. Mas masarap na simple lang ang buhay kahit na mahirap. Pero nami-miss ko ang mga tao na malalapit sa akin. Iyong mga kasambahay namin na lagi kong kasama at parang pamilya ko na. Kahit nga si Tita Imelda nakaka-miss.”

“Hindi mo pa rin yata sila nadadalaw. Sinabi mo ba kay Avon na dito ka na nakatira? Na kapitbahay mo lang ako?”

Umiling siya. “Idinala muna siya ni Oscar sa Camiguin. May ia-acquire silang property doon para tayuan ng resthouse. Sasabihin ko rin naman sa kanya kapag nakabalik na siya.” She felt guilty. Di kasi siya sumangguni muna kay Avon. But it was something that she had to do on her own. It was her life after all.

He touched her cheek. “Do you feel lonely?”

Umiling siya. “No. Because you are always there for me. Siguro kung wala ka, baka wala pa akong isang linggo bumalik na ako sa mansion at sumuko. Mabilis akong mag-adapt sa bago kong buhay dahil kasama kita.”

Ang mga bagay na inaakala niyang di niya kayang gawin, nagagawa niya dahil sa tulong nito. Kasama na doon ang pagmamahal. Kung wala ito sa buhay niya ay baka nangangapa pa rin siya sa dilim.

Inakbayan siya nito. “My treat. Um-order ka ng kahit anong gusto mo.”

Nang makabalik siya sa bahay ay hinarap na niya ang pagre-review. Wala naman siyang klase ng araw na iyon pero may exam siya kinabukasan.Kinabukasan ay bakante ang hapon niya. Pwede siyang dumalaw sa mansion upang kumustahin ang mga tao doon. Aalamin na rin niya kung dumating na si Avon.

Kumukuha siya ng additional reviewer sa ibang reference book nang may mag-doorbell. Nagulat siya nang mapagbuksan niya si Avon. Niyakap niya ito. “Kailan ka pa dumating?” tanong niya.

“Kagabi. We took a chartered flight.”

“Come in. I was planning to drop by the mansion tomorrow. Kaso dumating ka na pala. Do you want anything?”

“No, thanks. Katatapos ko lang mag-brunch.” Inikot nito ang tingin sa apartment niya. “This is a bit small. Hindi mo sinabi na plano mo palang lumipat. Sana naihanap kita ng mas magandang condo unit.”

“I am fine here. Saka masyadong magastos kung kukuha pa ng condo.”

“I will pay it for you.”

“You don’t have to. Kaya kong bayaran itong apartment. May konting perang iniwan sa akin si Daddy. Next month, papasok na ako bilang supervisor sa antique shop ng Mama ni Reggie. Magkakapera na akong sarili ko,” excited niyang sabi.

She looked at her with bored eyes. “Zygryd, I don’t know why you are doing this. Di ka naman pinapaalis ni Oscar sa mansion. It is ours! Hindi mo rin kailangang magtrabaho. I can provide anything for you.”

“Ayoko nang dumepende kay Oscar, Avon. Noon nilunok ko ang pride ko dahil kailangan. Dahil kay Daddy. Ngayong wala na siya, kailangan ko nang tumayo sa sarili kong mga paa. Hanggang ngayon, masama pa rin ang loob ko sa sarili ko. Kung nakaisip lang sana ako ng ibang paraan, di mo siya kailangang pakasalan. Ni hindi man lang kita natulungan,” maluha-luha niyang sabi.

Bahagya nitong niyugyog ang braso niya. “Zygryd, listen. Kapamilya ko kayo ni Daddy at di ko kayo pwedeng pabayaan. And besides, kasalanan ni Mama kung bakit nasira ang buhay natin.” Her face became more grave. “Ang lakas ng loob niya na magpakita sa akin sa Camiguin. Invited daw siya ni Oscar.”

Umawang ang labi niya. “Nakabalik na siya sa Pilipinas?”

“Yes. Babalik na daw siya sa mansion. Parang walang nangyari. Parang di siya ang dahilan kung bakit namatay si Daddy. Ipinagtabuyan ko siya. Sabi ko sa kanya patay na ang Mama ko. Wala na akong nanay. Akala ko nga hindi siya tatablan ng hiya. I told her to stay away from us or I will ask the police to arrest her.”

“Avon, that’s too much. Mama mo pa rin siya.”

Subalit di naman niya ito masisisi kung magalit man ito. Malaki ang isinakripisyo nito bilang kabayaran sa kasalanan ng nanay nito.

“You are the only family I’ve got. Kailangan pa ba nating magkalayo? Hindi ka ba nalulungkot na mag-isa ka lang dito?”

“I am happy here, Avon. Yes, I am alone but I don’t feel lonely. Sa dami ng gagawin ko, parang wala na akong oras na malungkot. Mas mabuti ito kaysa nasa mansion ako. Saka dadalaw-dalawin naman kita.”

“Hindi ka naman pakikialaman ni Oscar. Nakikinig siya sa akin.”

“Is Oscar a good husband to you?”

Matabang itong ngumiti. “Yes. He gives me everything I want. Oscar may be cunning but I know that he loves me. Hindi ko alam kung kaya kong mabuhay nang katulad ng ginagawa mo ngayon.”

Avon was satisfied with the material things that Oscar could provide. But she could see that she was not genuinely happy. Wala doon ang puso nito.

Ikinukwento nito ang mga magagandang plano ni Oscar para dito nang may mag-doorbell. “Avon, tingnan ko lang kung sino ang tao.”

Paglabas niya ay si Lander ang nandoon at may dalang mirienda. Malapit lang ang agency nito doon kaya nakakauwi ito kapag breaktime. Inabot nito ang special dimsum na paborito niya. “Mirienda mo. Baka mangayayat ka sa kare-review.”

Hinalikan niya ito sa pisngi. “Thanks!”

Sinulyapan nito ang kotse na naka-park. “May bisita ka ba?”

Tumango siya subalit hanggang doon lang ang sagot niya. Nagpaalam na si Lander at di na nagtanong. Alam na nitong si Avon ang bisita niya.

“Sino iyon?” tanong ni Avon nang pumasok siya. “Delivery boy?”

“Si Lander.Dinalhan niya ako ng miryenda. Gusto mo?” she asked out of courtesy.

“Anong ginagawa ni Lander dito?” mataray nitong tanong.

“Malapit lang ang agency nila. Dumadalaw siya dito o kaya dinadalhan ako ng pagkain kapag may oras siya,” aniya habang isinasalin ang mirienda sa plato. Di siya makatingin nang diretso kay Avon. She could feel that she was in a foul mood.

Namaywang ito. “May hindi ka ba sinasabi sa akin?”

Bumuntong-hininga siya at hinarap ito. “Okay. Lander lives the next door.”

She was speechless for a while. DI marahil inaasahan na iyon ang isasagot niya. “Pack your stuffs. I am taking you home now.”

“What is the problem now?”

“I can’t leave you here with Lander. Baka anong gawin niya sa iyo. Baka sa iyo niya ibunton ang galit niya sa akin?”

Natawa lang siya. “You are paranoid, Avon. Walang gagawing masama si Lander sa akin. Ganyan ba kasama ang pagkakakilala mo sa kanya? He is the nicest person I know. Nananahimik na iyong tao. He is moving on, getting over you.”

“No! That is not true! He will never get over me!”

She was startled to see Avon in anguish. “What’s wrong with you?”

Hinaklit nito ang braso niya. “Iyan ba ang sinabi sa iyo ni Lander? Na kakalimutan na niya ako. Well, he can’t do that because he loves me. And he will always love me. That fact will never change. He will always be mine…”

Pumiksi siya. “May asawa ka na, Avon! He is not yours anymore. Hindi ba ipinagtabuyan mo na siya noon? Baka nakalimutan mo na ikaw ang dahilan kung bakit ginulpi siya ng mga tauhan ni Oscar. You gave him away! And you expect him to love you still? My, my, does the sun rises and sets on you?”

Kung di sana nito sinaktan si Lander, maiintindihan pa niya ito. Bumangon na naman ang galit niya dito. Lander loved her and she betrayed him.

Dinampot nito ang bag na dala nito. “Saka na lang ako dadalaw ulit.”

NAKATAYO si Zygryd habang nasa lounging chair si Avon at nagbabasa ng magazine. “Sorry. I shouldn’t have raised my voice to you. I won’t do it again,” mapagpakum-babang sabi niya. She was thankful that Avon finally talked to her.

Ilang araw din kasi siya nitong di kinausap. Kapag pumupunta siya sa mansion ay nagkukulong lang ito sa kuwarto o kaya ay sinasabi na wala siya. Malaki ang epekto dito ng naging pagtatalo nila kay Lander.

“Nag-away ba tayo?” patay-malisyang tanong nito.

“Iyong tungkol kay Lander…”

Ibinaba nito ang magazine at ngumiti. “I don’t remember that we argued over such a petty stuff. Hindi mo iyon dapat sineseryoso. And do me a favor, Zygryd. This will be the last time that I you’ll mention his name in my presence. It’s you I am worried about. Pero kung gusto mong ituloy ang friendship ninyo, bahala ka.”

Iniba na ni Avon ang usapan matapos iyon. She was in deep thought on her way home. Hindi niya alam kung nagiging patas ba siya na manatili sa tabi ni Lander kahit na alam niyang nasasaktan si Avon. Pero ano naman ang magagawa niya? Kasal na si Avon. Kung ma-in love siya kay Lander, walang masama dahil binata ito.

Papasok sa apartment niya ay nagtaka siya kung bakit ayaw pumasok ng susing hawak niya sa gate. “Miss, mukhang ibang apartment ang papasukan mo. Bawal iyan,” pabirong sabi ni Lander na nasa likuran lang niya.

“Ha?” Nang iangat niya ang tingin ay nasa harap siya ng apartment nito at hindi sa apartment niya. Hiyang-hiya tuloy siya. “Sorry. Hindi ko napansin.”

Binuksan nito ang gate. “Baka gutom ka lang. Sabayan mo na akong mag-miryenda,” yaya nito at pinapasok siya sa loob. Wala itong pasok ng araw na iyon. Dapat ay lalabas sila pero pinili niyang dalawin si Avon.

“Anong ginawa mo buong maghapon?” tanong niya.

“Dinalaw ko sila Nanay sa bahay. Malapit na kasi silang lumipat sa bahay na hinulugan ko. Sa ngayon, nagpa-practice naman ako ng arnis.”

Hinawakan niya ang yantok na gamit nito sa arnis. Ang sala ng bahay nito ang ginagawa nitong training area. “Turuan mo naman ako. Please?”

“Okay. Una kong ituturo sa iyo ang defense.”

Inisa-isa nito sa kanya ang basic ng arnis. Mukhang madali sa una pero kapag actual application at mabilis na ang kilos ay nalilito na siya. “Ang hirap namang salagin ng tira mo, eh! Ang lakas mong pumalo.”

“Paano kapag kailangan mong depensahan ang sarili mo sa totoong buhay? Pwede ka bang magreklamo sa attacker mo?”

“Eh, kung ako naman kaya ang attacker mo? Ya!” sigaw niya sabay hampas ng yantok na pamalo sa balikat nito.

Hindi inaasahan ni Lander ang pag-atake niya kaya tinamaan ito sa balikat. Napaigik ito sa sakit at hinawakan ang balikat. “Zygryd!”

Tinakasan ng dugo ang mukha niya sa takot at dinaluhan ito. “L-Lander, I am sorry. Hindi ko naman sinasadya. Akala ko kasi magaling ka sa martial arts kaya masasalag mo ang tira ko. I am sorry.”

“Okay lang ako. Hindi naman masyadong masakit ang pagkakatira mo.”

Inililis niya ang neckline ng t-shirt nito para makita ang balikat nito. “Lander, it is not okay. It is nasty. Pulang-pula, o!”

“Sanay na ako diyan. Huwag mo nang intindihin.”

“Basta kukuha ako ng ice sa ref. Diyan ka lang.”

“Sabi ko huwag na!” Hinatak nito ang kamay at muntik na siyang masubsob kung di lang siya maagap na nakahawak sa balikat nito.

Di na siya nakagalaw habang nakatitig dito. His eyes were full of emotion as he stared at her. Walang sinuman sa kanila ang makagalaw. Until as if in unison, their lips met in a blissful kiss.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.