They kissed each other voraciously. It was the first time they kissed but she felt that they were doing it for a long time. As if they have this bond Sa unang pagtatagpo pa lang ng labi nila ay parang alam na nilang ang mangyayari. Naramdaman niya ang paglalakbay ng daliri nito sa sensitibong bahagi ng leeg niya. She felt that there was something more beautiful than that. Every part of her body was screaming for it and only Lander could give it to her.
“We have to stop this, Zygryd.”
“Why?” she asked in a daze. How could he stop something so beautiful?
“Because if we don’t, I won’t be satisfied with just kisses. We have to stop this now before things get out of hand. Ayokong sisihin mo ako sa huli.”
Matagal na sandaling nag-usap ang mga mata nila. Her heart was beating so fast. He was asking her to stop. Parang sinabi na rin nito na patigilin niya ang pagtibok ng puso niya. “I don’t want you to stop.”
“Despite the consequences?”
“Yes,” she answered and hooked her arms round his neck.
He took it as a cue. He possessed her lips while his hands caressed her body. Pakiramdam niya ay nag-aapoy ang bawat mahaplos ng kamay nito. She held her self while he slowly trailed kisses down her neck. She had never experienced such sensations before. Her heart was beating wildly against her chest. When he touched the place where his heart is, she could also feel his heart’s frantic beating.
She didn’t protest as he slowly unbuttoned her dress. The cool air whiffed around her when he unclasped her bra. Subalit hindi niya agad naramdaman ang lamig. He dropped his head to her breast and had his feast. It was like a dream where nothing mattered but to be in this man’s arms.
She held tightly on his arm when he opened her legs apart. “Lander…” She was genuinely scared this time. She knew what was coming.
He tenderly kissed her eyes. “Trust me, Zygryd. I won’t hurt you.”
He impaled her body. First, she felt small tremors of shocking pleasure. Then she felt a little pain. But Lander made sure that the pleasure would wash away the pain. He thrust into her slowly at first. His eyes not leaving hers.
She lost track of time. He was taking her for what seemed like forever. But it was not enough. She cried out when she felt her soul burst into a different kind of sensation. But Lander didn’t stop there. He took her against the tide over and over.
She felt hot tears against her cheeks when he collapsed against her, his body not leaving hers. “I love you, Lander,” she whispered.
NAKAPIKIT si Zygryd at nagkukunwaring tulog habang pinakikiramdaman si Lander. He was still lying beside her with his protective arms around her. They had just made love. She could even feel the last rays of the setting sun against her skin. She wanted to see that beautiful sight with her own eyes. Di nga lang niya maidilat ang mata dahil di niya alam kung ano ang sasabihin kay Lander. O naduduwag din siyang makita ang pagsisisi sa mga mata nito sa ginawa nila.
Inilapit ni Lander ang labi sa tainga niya. She could feel his warm breath against her sensitive skin. “Open your eyes, Zygryd. Alam kong gising ka.”
Nanatili pa rin siyang nakapikit. “Binibigyan kita ng chance na makatakas.”
“Makatakas? Mas tamang sabihin na hinihintay kong itaboy mo ako.”
Idinilat niya ang isang mata. “Paano kita itataboy? Bahay mo ito. And silly me. Di rin naman kita pwedeng hintaying tumakas.” Bumangon siya. “Close your eyes. I guess I should be the one to get away from here.”
Pinigilan nito ang braso niya. “Sino ang may sabi na pwede kang tumakas?”
“Lander, everything happened so fast. Hindi ko pa alam kung paano kita haharapin ngayon. Alam ko na pinagsisisihan mo ang nangyari.”
“Yes. Nagsisisi nga ako.”
Bumagsak ang morale niya. It was the death of her. “See? You regret it.”
Gusto sana niyang marinig dito na importante dito ang nangyari tulad sa kanya. May kislap pa sana ng pag-asa para sa kanila kahit di siya nito mahal.
“I regret that we jumped to that stage right away. I am still conservative. Gusto ko pa rin na niligawan kita. I believe that things like this should happen in our wedding night. I’ve been dying to tell you that I am in love with you…”
Pinigilan ng daliri niya ang labi nito. “W-Wait. Huwag mo nang sabihin iyan kung di naman talaga iyan ang nararamdaman mo. Nagsisisi ka nga, di ba?”
Usually, men say those words while making love. At kung sinasabi man iyon ni Lander ngayon, maaring pampalubag-loob para di siya masyadong masaktan.
Ibinaba nito ang kamay niya “Oo. Kasi hindi nga ito ang tamang oras. Minadali kita. My passion took over. Dapat sana sinabi ko muna sa iyo na mahal kita. And it is not a lie. I’ve been dying to tell you those words for days now. Hindi ko lang alam kung paano sisimulan. Natatakot din ako na sabihin sa iyo dahil baka I-reject mo ako. I know it is a bit late but I want to tell you anyway. I love you.”
Naghahalo ang pagkalito at tuwa sa puso niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. “Lander, I am not obliging you to tell me that you love me. Hindi sa sinasabi kong nagsisinungaling ka. Pero baka napipilitan ka lang sabihin iyan para di ako masaktan. That you want to give an illusion that everything happened because we love each other.” Ikinulong niya ang mukha nito sa palad niya. “Listen, Lander. I love you. Noon pa. I am happy if you feel the same. But if you don’t, it’s okay. You don’t have to force yourself…”
He cut her words with a steamy kiss. Bahagyang naalog ang utak niya sa halik na iyon. Napatulala na lang siya dito at di na niya alam sa ilang sandali kung ano ang huli nilang pinag-usapan. That kiss really got her.
“Zygryd, I hope you will listen this time. I won’t make love to a woman unless I love her. At kung wala akong nararamdaman para sa iyo, kahit halik sa iyo di ko gagawin. Keep that in mind. I know that you still don’t believe me.” Inilagay nito ang palad niya sa dibdib nito. Sa tapat ng puso nito. “If you really love me, I want you to know that your heart beats the same way as mine. You are my life now.”
Maluha-luha niya itong niyakap. “Lander, I hope that something this beautiful is not a dream.” Hindi na siya nagprotesta pa. Wala na siyang pakialam kung ano ang tunay na nilalaman ng puso nito. Ang importante ay kung ano ang nararamdaman niya. She loved him and he would always be her life.
Hinaplos nito ang buhok niya. “We will do things properly from now on. I won’t ask you to marry me yet. We will do that at a proper time. I want us to explore the new stage in our relationship yet.”
“I’m not asking you to marry me. Having you here with me is enough.”
“We will plan everything after your graduation. But if you are pregnant…”
“Safe time of the month,” maagap niyang sagot.
Nakahinga ito nang maluwag. “I don’t want a kid out of wedlock. Gusto ko planuhin natin ang lahat. At kung anuman ang plano mo sa career mo, susuportahan kita. Basta huwag mo akong paghintayin nang matagal. I don’t intend to let you go.”
She planted a kiss at the tip of his nose. “Do I have to move in?”
“I still value your privacy, Zygryd. Pagagalitan ako nila Nanay kapag nagsama na tayo nang walang basbas ng Simbahan. Ngayon pa nga lang baka pilitin na nila tayong magpakasal. Pero mahigpit akong boyfriend. Ayokong may mga manliligaw na aaligid sa iyo. You are mine from now on.”
Naningkit ang mata niya. “Selosa rin akong girlfriend.”
“Wala ka namang pagseselosan. I only have my eyes on you.”
She let out a satisfied smile. It felt so great. Siya lang ang babae sa buhay nito. How things could change with just a blink of an eye. Lander made her feel like the most special girl in the world.
They just held each other for a few moments. Wala na silang kailangan pang sabihin sa isa’t isa. As if they were satisfied to have each other.
“Zygryd, I have another rule.”
Tiningala niya ito. “Rule about what?”
“Making love. It won’t happen again unless we are married. I don’t want to take the risk. I want to do things properly from here.”
Bumuntong-hininga niya. “Killjoy ka talaga.”
“Anong killjoy? Ginagawa ko lang kung ano ang tama kahit medyo huli na…”
Itinulak niya ito sa kama. Then she started raining kisses all over his face. “That is a boring rule, Lander.”
“What are you doing? Kasasabi ko lang kanina na hindi pwede, di ba?”
She tentatively touched his bruised shoulder. “Does this bother you?”
Umiling ito. “No.”
“Good.” Her lips caressed his shoulder. Narinig niya ang pag-ungol nito. He was fighting the sensation but he was losing it.
“I will kill you for this, Zygryd,” he said through gritted teeth.
“Kill me if you can,” hamon niya. But he didn’t. He made love with her instead and forgot about his rules.
“WOW! Hindi ko alam na may ganitong lugar malapit sa Manila,” anang si Zygryd habang pinagmamasdan ang pagbaba ng ulap mula sa resthouse ng boss ni Lander sa Tanay, Rizal. Sa liblib na bahagi na iyon ng bayan. Puro puno ang paligid, tahimik at may pine tree trail pa mula sa gate ng compound. Sa gabi gaganapin ang Christmas party ng mga taga-security agency. Pero maagang dumating si Lander dahil gusto daw nitong makita niya ang ganda ng naturang lugar sa umaga.
Unang araw iyon ng bakasyon niya sa eskwelahan. They escaped the city for a day. Sa mga susunod na araw kasi ay di na sila pwedeng magsolo. Marami na silang aasikasuhin kasama ang mga pamilya nila para sa Pasko.
He laced his fingers with her. Katatapos lang umulan noon at pinagmamasdan nito ang pagbaba ng ulap sa ibabaw ng mga puno. “Naalala mo ba ang panaginip ko noon? Na nasa isang lugar ako na maraming pine trees at bumababa ang ulap?”
She leaned against him. “Katulad din ba ito sa panaginip mo?”
“Almost. Pero iba pa rin ang panaginip ko noon. As if I am home. I want to find that place, Zygryd. I believe that there is still a place I could come home to. At gusto ko kapag nakita ko ang lugar na iyon, kasama kita.”
“Thank you for making me a part of your dreams and your plans.”
The thought brought tears to her eyes. Lalo niyang naramdaman ang pagmamahal ni Lander sa kanya. At first, it was surreal. Sariwa pa kasi sa isip niya ang relasyon nito at ni Avon. Wala siyang ideya sa nangyari sa relasyon ng dalawa. Pero di nagkulang si Lander ng pagpapakita ng tunay nitong nararamdaman sa kanya. Sa simpleng kilos lang at pag-aalala nito sa kanya, nakikita niya iyon.
“Close your eyes,” pabulong nitong utos sa kanya.
Sumunod naman siya. “Para saan ito?”
“Huwag ka nang magtanong. Huwag kang didilat hangga’t di ko sinasabi.”
She went along with his little game. Magaan ang kamay nito subalit naramdaman niya nang may isuot ito sa leeg niya. “Is that a necklace? You gave me a necklace?” excited niyang tanong at muntik nang idilat ang mata.
“Forfeited ang regalo mo kapag dumilat ka hangga’t di ko sinasabi.” Umalis ito sa likuran niya at pumunta sa harap niya. “You may open your eyes now.”
Awtomatiko niyang tiningnan ang isinuot nito sa kanya pagdilat niya. It was a necklace indeed but it was no ordinary necklace. Iyon ang kuwintas na importante kay Lander. “Di ba ibinalik ko na ito sa iyo? Bakit ibinabalik mo pa sa akin? Ito na lang ang tanging naiwan sa iyo nang mawala ka noong bata ka, diba?”
Hinawakan nito ang mga kamay niya. “I want you to have it. I am entrusting you my past, my future and my heart. Will you accept it?”
Tumango siya. “Yes.” She was too emotional to say anything. “Thank you, Lander. Thank you! This is too much, Lander.”
“Ako ang dapat magpasalamat sa iyo, Zygryd. During the darkest moment in my life, you were there for me. Sobrang tigas ng ulo mo. I couldn’t compete with it. Through that, you earned my trust and my love. Saka ko na-realize na pwede pa rin akong mabuhay. And this time, I want you in my life.”
Niyakap niya ito. “I feel the same. Pareho lang naman tayong stubborn. Even when I wanted to be alone, you didn’t leave me. Through good or through bad, I will stay by your side. And I will do everything to make you happy.”
“I already am.” Mas hinigpitan nito ang pagkakayapap sa kanya. “For now, I can’t give you enough but I will work hard for it.”
“Wala naman akong masyadong hinihingi sa iyo. Gusto ko lang ako ang babaeng nasa tabi mo. I want to take care of you.”
It was a simple dream. Pero kung matutupad iyon, siya na ang pinaka-masayang babae sa mundo.
NANLALAMIG ang kamay ni Zygryd habang palapit sila ni Lander sa mansion. Dalawang araw noon bago mag-Pasko. She decided to spend it with Avon. Kinabukasan ay sa pamilya na ito ni Oscar magno-Noche Buena at siya ay sa pamilya naman ni Lander. “Sigurado ka na okay lang sa iyong sumama?” tanong niya. “Pwede namang ako lang kung ayaw mo.”
“Gusto kong sumama. Ikaw yata ang ang ayaw na sumama ako,” kaswal nitong sabi. Ni wala nga siyang nakikita kahit katiting na tensiyon mula dito.
“Hindi kayo in good terms ni Oscar. Kaya mo rin bang harapin si Avon.”
He patted her head. “Bakit ba marami kang iniisip? It is all in the past. Sa tingin mo ba itataboy nila ako o ipapagulpi?”
Humalukipkip siya. “Hindi ko na papayagan iyon!”
“Sila siguro may galit sa akin pero ako kinalimutan ko na. Wala akong ginagawang masama kaya bakit ako matatakot sa kanila?” He caressed her cheek. “I am doing this for you. Ayoko nang naiipit ka sa amin. And as your boyfriend, I have to face them. Kaya huwag kang matakot. Everything will be okay.”
Bahagya siyang kumalma pero di naman siya naging kampante. She was still up for battle. Baka sa gate pa lang ay di na sila makapasok. Nagtaka siya nang walang santambak na bodyguards na sumalubong sa kanila. Nakabantay lang doon ang dati nang security guard at kausap si Aling Turing.
Niyakap siya ni Aling Turing pagbaba niya ng sasakyan. “Señorita!”
“Merry Christmas po. Bakit po wala nang security na nakapaligid sa bahay?”
“Pinatanggal na ni Sir Oscar. Magkasundo na sila ni Ma’am Avon. Mabuti at natahimik dito sa bahay.” Natigilan ito nang mapatingin si Lander. “Kasama mo si…”
Nilingon niya si Lander na tahimik na nakikinig sa usapan. “Aling Turing, si Lander po, boyfriend ko,” pagpapakilala niya.
“Merry Christmas po, Aling Turing,” bati ni Lander.
Nasapo ni Aling Turing ang pisngi na parang teenager. “Naku! Ang swerte mo naman, Señorita. Guwapo ang boyfriend mo. Hindi ba matagal mo nang gusto iyang si Lander kahit noong bodyguard mo pa siya?”
“Si Aling Turing talaga. Sila Avon po?”
“Maupo muna kayo at kakatukin ko sa kuwarto nila.”
“Na-miss ko yata ang istorya na iyon. Di mo sinabi sa akin na noon mo pa ako crush. Akala ko nito lang humiwalay ka na sa mansion,” bulong ni Lander.
“Hindi ka naman kasi nagtatanong.”
Hinawakan nito ang kamay niya at inilapit pa lalo ang mukha sa kanya. “Mukhang marami tayong pagkukwentuhan.”
Napatingala siya nang marinig ang pababang yabag sa hagdan. Bumalik ang tensiyong nararamdaman niya kanina nang makitang magkasunod na bumaba ng hagdan sina Avon at Oscar. Niyakap agad niya si Avon. “Merry Christmas!”
Natuon agad ang tingin ni Avon kay Lander. “What is he doing here?”
Bumalik siya sa tabi ni Lander at humawak sa kamay nito. “He is my boyfriend now. Kaya isinama ko siya dito para maayos na ang problema dati.”
“What?” bulalas ni Avon. Halata ang pagkadisgusto nito sa narinig.
Pumalakpak naman si Oscar. “That is nice to hear. Congratulations!” Kinamayan nito si Lander. “Pwede na siguro nating kalimutan ang nangyari. After all, magiging isang pamilya na rin tayo.”
“Kinalimutan ko na iyon,” anang si Lander sa kaswal na boses. “Zygryd and I want a new start. At bilang respeto sa relasyon namin, gusto kong harapin kayo. At bilang respeto na rin sa inyo bilang pamilya niya.”
“I-I am happy for you,” anang si Avon at pilit na ngumiti. Mabilis din itong tumalikod. “Ituloy na natin ang kwentuhan habang nagdi-dinner.”
Ramdam niya ang tensiyon habang naghahapunan. Avon was too quiet. Pasulyap-sulyap din ito sa direksiyon ni Lander kapag tingin nito ay walang nakatingin. Si Oscar naman ang pala-kwento at si Lander ang laging sumasagot.
“Avon and I will celebrate New Year in Paris. Matagal na niyang gustong pumunta doon. Ikaw? Anong regalo mo kay Zygryd?” tanong ni Oscar kay Lander.
“He gave me this necklace. Importante ito sa kanya,” sagot naman niya.
“Akala ko ba importante iyan sa iyo? Ni ayaw mo nga iyang pahawakan sa iba noon.” Di maitago ni Avon ang himig ng pagtatampo.
“That’s why I am entrusting it to Zygryd,” Lander answered composedly. “Importante sa akin ang necklace pero mas importante siya.”
“May plano na ba kayong magpakasal?” tanong ni Oscar.
“Pagka-graduate na si Zygryd saka na namin pagpaplanuhan,” sagot ni Lander. “Mukhang marami rin siyang plano para sa career niya.”
“Why not soon? Pwede pa rin siyang magkaroon ng career matapos ang kasal,” wika ni Oscar. “If it is financial help that you need, I am willing to help.”
“We can handle it, Oscar. Thank you,” aniya sa malamig na boses. “Hindi naman kami nagmamadali ni Lander.”
“Anyone care for dessert?” alok ni Avon at pumunta agad sa kusina.
“Excuse me,” aniya at sumunod kay Avon. Silang dalawa lang ang tao sa kusina.“Avon,I am sorry kung isinama ko si Lander. You don’t want him here, right?”
Huminga ito nang malalim at kinuha ang strawberry mousse sa ref. “He is your boyfriend now. I just have to accept him. Are you happy with him?”
Tumango siya. “Very. And I will do everything to make him happy as well.”
Pagak itong tumawa. “Sana maging kasing saya mo rin ako.” Tumalikod ito. “Balikan mo na sila. I can handle this myself,” anito sa nanginginig na boses.
She hesitated to leave. She wanted to comfort Avon but what could she do? Siya ang dahilan kung bakit ito nasasaktan. She just wished that Avon won’t hate her for loving Lander. And she wished that things would be better for Avon as well.