Chapter Raphael, Sunset Shadow: Chapter 14

“This jar is from a sunken Chinese vessel during the Shun dynasty. It is great for your collection, Mrs. Vergel. The designs are very intricate. Can you imagine the story of the merchants who used to possess these jars? Then they were intruded by pirates,” paliwanag ni Zygryd sa kliyente nila sa antique shop at sinimulan na niya ang kwento galing sa imahinasyon niya. Interesante ang mga antique collection sa shop. Kaya naman nag-e-enjoy siya na ibenta iyon sa mga kliyente.

Natawa si Mrs. Vergel. “That’s what I like about you, Zygryd. You really have a way with words. That pirate story got me. Kaya lagi akong napapabili.”

“We love antiques because of the pieces of history that goes along with them. It is the story in each of them that builds character,” dagdag pa niya.

“You should put up your own business. You are good at it.”

“It is not I really want to do, Tita.” Bukod sa wala siyang puhunan, nasa ibang bagay ang puso niya. She wants to create stories. Iyon ang buhay niya.

Matapos ihatid si Mrs. Vergel sa sasakyan nito ay tinawag agad siya ng receptionist. “Zygryd, kanina pa tawag nang tawag ang boyfriend mo. Mukhang importante yata siyang sasabihin.”

“Thank you.” Dali-dali niyang sinagot ang telepono. “Hello, Lander!”

“Ika-cancel ko muna ang date natin mamaya. I am sorry. Naka-leave ang kasamahan ko kaya pati new surveillance device training ako rin ang magha-handle. Sa susunod na lang ako babawi.”

Bumigat ang loob niya. Ilang beses na kasing di natutuloy ang paglabas nila dahil sa dami ng trabaho nito. “Okay lang. May group study naman si Reggie at ang mga classmates ko. Sasabay na lang ako sa kanila.”

“That’s good. Dapat din naman makasama mo si Reggie paminsan-minsan. Just don’t forget to take a rest. Don’t push yourself too much.”

“You, too. Baka nakakalimutan mo nang kumain,” nag-aalala niyang sabi.

“I have to go. Tapos na ang breaktime ko. I love you, Zygryd.”

Bago pa niya nasabing mahal din niya ito ay naibaba na nito ang telepono sa kabila. Wala naman silang group study ni Reggie. Sinabi lang niya iyon para di mag-alala si Lander sa kanya. Sobrang busy na nilang dalawa and she missed him. Gusto niyang sabihin kay Lander na gusto niyang lagi silang magkasama pero ayaw niyang isipin nito na masyado siyang nagiging demanding.

“This is really unexpected, Zygryd. Hindi ko alam na magugustuhan mo palang magtrabaho kasama ang mga lumang bagay. Hindi ba boring dito?”

Nang lumingon siya ay naroon si Oscar at patingin-tingin sa mga items nila. “This is also unexpected, Mr. Dela Merced. To whom do I owe this visit?”

“Can we go somewhere private? I have an important thing to discuss. There is a Japanese restaurant nearby. Breaktime mo na, di ba?”

Di niya alam kung ano na naman ang pakulo nito. Pero wala siyang pagpipilian kundi ang pagbigyan ito. “Ten minutes lang ang ibibigay ko sa iyo. Sa totoo lang, nakakaabala ka sa trabaho ko.”

Sa isang function room siya idinala ni Oscar at may inabot itong envelop sa kanya. Binuksan niya ang envelop. Mga larawan iyon nina Lander at Avon na kumakain sa isang restaurant. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito.

“Pictures iyan ng boyfriend mo at ng asawa ko. Nagkikita sila. Do you know anything about it?”

Di agad siya nakasagot. Wala siyang kaalam-alam na nagkikita ang dalawa. Ni hindi nabanggit sa kanya ni Lander. “I know nothing about it.”

“May pinaplano ba kayo laban sa akin?” tanong ni Oscar at hinaklit ang braso niya. “O may relasyon pa rin ba silang dalawa?”

Hindi buo ang tiwala ni Oscar kay Avon. Pinaalis nga nito ang mga bodyguards pero may mga mata pa ring nakamasid. Masyadong naging kampante si Avon na napapaikot nito si Oscar. She was wrong. Hindi nito basta-basta mapapaikot si Oscar.

Pumiksi siya. “I don’t know! Bakit hindi mo tanungin si Avon?”

“Bakit hindi mo tanungin ang boyfriend mo?”

“Ikaw ang may problema kaya ikaw ang magtanong. Kung mag-usap man sila at wala na sa akin iyon. Di ko kailangang sundan ang lahat ng kilos ni Lander. I trust him.”

Nirerespeto niya ang privacy ni Lander. Yes, she was curious and a little jealous. Kailangan niyang kontrolin ang nararamdaman niya. May sarili ring buhay si Lander na kailangan niyang irespeto. Di niya dapat sundan ang bawat kilos nito.

“Wala akong tiwala sa Lander na iyan. Di niya matanggap na ako ang pinakasalan ni Avon.” Nakuyom ni Oscar ang palad. “Huwag siyang magkakamali na ilayo sa akin ang asawa ko. Di na ako mangingiming patayin siya.”

“Huwag mong sasaktan si Lander nang wala kang matibay na ebidensiya. I swear I will kill you,” banta rin niya at lumabas ng function room.

“Ipagdasal mo na mali ang iniisip ko, Zygryd,” pahabol nito sa kanya.

Nakaikom ang palad niya habang naglalakad palayo. Pilit niyang binubura ang malisya sa pagsasama nila Lander at Avon. At sa huli ay tiwala kay Lander ang pinangibabaw niya. Siya na ang mahal nito at hindi si Avon.

“WOW! Super sweet naman ng boyfriend ko,” puri ni Zygryd nang makita ang hapunan na ihinanda ni Lander para sa kanya. Halos lahat ng paborito niyang pagkain ay nakahain samantalang silang dalawa lang ang naroon. “Anong okasyon?”

Kinintalan nito ng halik ang pisngi niya saka umupo sa tapat niya. “Ngayon lang ulit tayo nagkasama. Saka sabi ni Reggie may importante kang ibabalita sa akin. Kaya ngayon pa lang nagse-celebrate na ako.”

“I have an aunt in California. Ipinabasa ko sa kanya ang first two chapters ng story na ginagawa ko. May kakilala siyang agent at inilapit nila sa isang publisher. Nagustuhan ng publisher ang gawa ko. They want me to sign a contract soon,” excited niyang sabi. “They will even give me a cash advance.”

Niyakap siya ni Lander. “That is good news.Dapat nga tayong mag-celebrate.”

“This is a dream come true. I didn’t expect that they will like it. Basta kayo ni Reggie ang tutulong sa akin. Kayo ulit ang magiging reader ko.”

Nawala ang ngiti sa labi nito. “I am afraid I can’t. ipapadala ulit ako ng boss ko sa field. Baka mahigit isang buwan akong mawala.”

“Aalis ka? Akala ko ikaw na ang magha-handle sa training ng mga bagong tauhan ninyo?” Nasanay na siyang laging nasa tabi nito.

“Importante ang kliyente namin at ako mismo ang ini-request niya. Don’t worry. Just work on your story. I know that you can write a great one. Lalo mo pang mai-impress ang publisher mo at ang reader mo.”

Mahigpit siyang yumakap dito. “Lander, I don’t want you to go.” Kakaibang takot kasi ang naramdaman niya. Natatakot siyang baka mawala ito.

“Hey, I am not going to die. Babalik pa ako, Zygryd.”

“Hindi ko alam. Basta ayoko lang umalis ka ngayon.” Animo’y may isang kamay na maglalayo sa kanya dito. At parang di niya iyon malabanan.

Hinaplos nito ang buhok niya. “It is just for a month. Dapat ka nang masanay dahil paminsan-minsan ipapadala pa rin ako sa field. I will be safe.”

Di siya kumibo. Wala kasing basehan ang nararamdaman niyang takot. Sana nga ay normal na takot lang ang nararamdaman niya at wala nang ibang kahulugan.

“STATES, STATES, here I come!” sigaw ni Reggie matapos niyang ikwento dito na gusto ng tita niya na sa States na siya mag-stay kasabay ng pagpirma niya ng kontrata niya. “Bakit hindi mo tanggapin ang opportunity? Sayang naman iyon.”

“Nasa Asia ang mga materials na kailangan ko. Bakit ko pa kailangang pumunta sa States? Ipapa-fax na lang daw nila ang kontrata. I don’t have to go.”

Umingos si Reggie. “Ang sabihin mo di mo maiwan si Lander. Ang pag-ibig nga naman panira sa career.”

“Di panira sa career si Lander. Siya ang inspirasyon ko.” Nangalumbaba siya. “Kung nandito si Lander, isasama ko siya sa States. What do you think?”

“Mamaya na natin pag-usapan. Let’s eat out,” anito at niyaya siya palabas ng bahay. “Mula nang naging boyfriend mo si Lander di mo na ako nakakasama. Kaya sasamantalahin kong nasa assignment siya para magkasama naman tayo.”

“Nagkikita rin naman tayo kapag naka-duty ako sa antique shop.”

“Iba pa rin kapag tayong dalawa lang!” Napatili ito nang paglabas nila ng gate ay may mga armadong lalaki na humarang sa kanila. “Anong kailangan ninyo sa akin? Ang aking puri? Huwag po! Huwag po!”

Bumukas ang pinto ng itim na Mercedes Benz sa di kalayuan at lumabas si Oscar. “Si Lander ang kailangan namin. Nasaan siya?”

Umapaw ang galit niya nang makitang si Oscar ang may kagagawan ng lahat. Ano na naman ang problema nito? “Wala si Lander dito! So ask your bodyguards to leave us alone. Ano bang kailangan mo sa kanya?”

“Nawawala si Avon. Tinakasan niya ang mga bodyguards niya.”

“Kasalanan iyon ng mga bodyguard mo. Di sila magaling magbantay.”

Matalim ang tingin ni Lander habang iniikutan siya. “Siya lang ang huling kausap ni Avon ilang araw bago sila nawala. Walang ibang sasamahan si Avon kundi si Lander. Kaya sabihin mo na kung nasaan ang boyfriend mo.”

Natigagal siya. “N-Nagkita pa sila ulit?”

Ngumisi si Oscar. “Wala ka talagang alam? Poor Zygryd. Mukhang ginamit ka lang ni Lander para pagtakpan ang totoong relasyon nila ni Avon.”

“Anong sabi mo?”

“Pinaikot ka niya. Pinaikot nila tayong lahat. Kung walang kinalaman si Lander, nasaan na siya ngayon?”

“Nasa isang importanteng assignment siya.”

“At maaring si Avon ang special assignment niya.”

Mariin siyang pumikit. Lalo siyang nato-torture sa bawat salitang binibitiwan ni Oscar. Magkasama nga ba sina Lander at Avon? Nagmamahalan pa rin ba ang mga ito hanggang ngayon? Hindi nga ba siya mahal ni Lander?

“Just leave, Oscar. Wala kang Lander na makukuha dito. Hindi ko rin alam kung nasaan siya.” Ang mga assignment ni Lander ay confidential.

“Aalis na ako. Pero sabihin mo kay Lander na huwag siyang magpapahuli sa akin nang kasama si Avon. Ako lang ang may karapatan kay Avon dahil asawa ko siya. At hindi mo na ako masisisi kung anuman ang gawin ko kay Lander.”

Napalingon siya dito. “Huwag mong sasaktan si Lander. You may be powerful, Oscar. Pero di mo alam kung ano ang kaya kong gawin para sa kanya.”

“Martir ka nga, Zygryd. Niloloko ka na, ipinagtatanggol mo pa rin ang lalaking iyon. Does that trash really deserve you? Umaasa ka pang mahal ka niya?”

The realization hit her. Mahal nga ba talaga siya ni Lander? Kung papipiliin siya o si Avon, sino ang mas pipiliin nito?

“Umalis na kayo! May makakakita rin sa inyong kapitbahay namin at tiyak na magsusumbong sila sa pulis! Ipapakulong ko talaga kayo!” banta ni Reggie.

Sinenyasan ni Oscar ang mga tauhan na aalis na ang mga ito. “Saan kaya nagpunta si Avon?” nag-aalala niyang tanong. “Magkasama kaya sila ni Lander?”

“O! Nagpademonyo ka naman kay Oscar. Huwag ka ngang ganyan. Si Lander nasa assignment niya. Malayo kay Avon. Kung naglayas man si Avon, problema na niya iyon. Kahit naman siguro ako, tatakas din ako kung may asawa akong terorista katulad ni Oscar. Mabuti ngang huwag na siyang bumalik.”

“Paano kung kasama niya si Lander?”

Tumamlay ang anyo ni Reggie. “Baka pati si Lander di na rin niya ibalik.”

“SEñORITA Zygryd, huwag na po kayong mag-alala kay Ma’am Avon. Nasa mabuting kalagayan siya,” balita ni Aling Turing nang tawagan siya sa telepono. Naririnig niya sa background ang ingay ng mga sasakyan. Wala ito sa mansion. Di nga naman ito pwedeng tumawag sa kanya nang iyon ang balita kung nasa mansion ito. Tiyak na mapaparusahan ito ni Oscar at baka pilitin pa itong aminin kung nasaan si Avon.

“Talaga po? Nasaan po ba siya? Bakit umalis na lang siya basta?”

“Hindi na siya makakatagal kay Sir Oscar. Nasasakal na siya. Ayaw din niyang ipasabi kung nasaan siya. Gusto lang niyang malaman mo na ligtas siya para hindi ka mag-alala. At kasama niya ang isang taong pinagkakatiwalaan niya.”

Nahati ang damdamin niya sa natanggap na balita. Natutuwa siya dahil ligtas si Avon. Pero sino ang taong pinagkakatiwalaan nito?

Dala ang susi sa bahay ni Lander ay lumipat siya sa apartment nito para maglinis. Nagprisinta siyang imintina ang apartment nito habang wala ito.

Wala namang masyadong lilinisin sa apartment ni Lander dahil organized naman ito. Kailangan lang niyang iligpit ang ilang gamit na naiwan nito.

Napansin niya ang sulat na nakalapag sa ibabaw ng TV at wala sa letter holder. Itatabi sana niya iyon kasama ang ibang sulat nang mapansin na wala iyong return address. Isa pang napuna niya ay ang penmanship ng sumulat. Sulat ni Avon.

Binuksan niya ang isa at binasa. Si Avon nga ang sumulat.

I am very disappointed, Lander. Do you really love Zygryd or you are doing this to spite me? I can feel it. Ako pa rin ang mahal mo.

May kasunod pa ang unang sulat na iyon.

I am really thrilled to see you again. Just like the old days. Pwede tayong magkasama at magkausap nang walang pumipigil sa atin. I will do everything to bring those days back, Lander. I love you. Walang halaga sa akin si Oscar at alam kong ganoon ka rin kay Zygryd. Just give me another chance.

Sa huling sulat ay nakadetalye ang plano ni Avon na pagtakas at niyayaya nito si Lander na sumama dito. Wala itong lugar na binanggit kung saan ito pupunta pero nag-iwan ito ng lugar kung saan nito hihintayin si Lander.

Ibinalik niya ang sulat sa dati nitong lalagyan sa ibabaw ng TV. That simple task alone squeezed the life out of her. Di niya alam kung nasaan si Lander. His assignment was confidential according to him. At kahit gaano pa kasimple ang assignment nito ay di rin sinasabi ng agency.

Maghihintay pa ba siya kay Lander? Maghihintay pa ba siya sa pagmamahal nito?

“PUPUNTA ka sa States? Akala ko ba ayaw mong umalis ng Pilipinas nang di kasama si Lander?” tanong ni Reggie nang malaman ang plano niya.

“According to my agent, it is better if I meet my publisher personally,” wika niya habang pumipirma sa mga papeles na kakailanganin niya sa pag-alis ng bansa. “Di rin naman ako magtatagal sa States. Marami pa akong ibang plano. Saka mas mabuti ito para sa amin ni Lander. Di ako umaasang babalik siya.”

“Paano kung bumalik siya?” tanong ni Reggie.

“Hindi naman siya babalik sa akin. Hindi na ako magtataka kung magkasama sila ni Avon. Kung hindi man, hahanapin din niya si Avon oras na malaman niyang nawawala. Hindi ko alam ang gagawin ko. Mas mabuti pang ako na ang lumayo sa kanya.”

“Kahit pa sabihin ni Lander na ikaw ang mahal niya?”

Malungkot niya itong nilingon. “Sa tingin mo ba masasabi niya sa akin iyon? Alam naman natin na si Avon ang mahal niya.”

“Pero hindi ibig sabihin si Avon ang pipiliin niya.”

“Hindi ko naman siya kailangang papiliin. I will just move out of his way. Ayokong mahirapan siya sa pagdedesisyon.” Nang mabasa niya ang sulat ni Avon ay na-guilty siya. Pakiramdam kasi niya ay inagawan niya ito ng kaligayahan.

“Kasal na si Avon. Parang ipinagtulakan mo lang si Lander sa kasalanan.”

“They can find a way to annul the wedding I am sure. I had Lander with me for a little while. Naging masaya naman ako. Dapat ko siguro siyang ibigay sa taong totoong mahal niya. They deserve a second chance. Ayokong maging sagabal sa kanila.”

“Naduduwag ka na naman. Kung sa iyo si Lander, wala siyang magiging problema. Smooth sailing ang relasyon ninyo. Bakit siya kukuha ng batong ipupukpok niya sa ulo niya? You are perfect for him. You deserve to be happy as well. Hindi iyong panandalian lang. It should last forever.”

Niyakap niya si Reggie. “This is the end of forever for us. Basta malaman kong masaya si Lander, masaya na rin ako kahit nasasaktan ako.”

“NAKAKAPANGHINAYANG naman kung hindi mo itutuloy ang pag-aaral mo, hija. Only a few semesters left and you can get your diploma. Matataas pa mandin ang grades mo,” wika ng Dean nila kay Zygryd. Inaayos na kasi niya ang clearance niya sa semestreng iyon ay nagpaalam din siya na pupunta na ng States.

“This is important for me as well, Ma’am. Matagal ko na po itong gustong gawin. I can’t let the opportunity pass,” paliwanag niya. Sa isang araw na ang alis niya papuntang California. Mula doon ay di pa niya alam ang susunod niyang plano. Her only immediate plan was to get away. Away from Lander.

Hindi madali sa kanya ang magdesisyon. It was not easy to wake up from the dreamland that she created with Lander. Hanggang ngayon ay itinatanong pa rin niya sa sarili kung tama ang ginagawa niya. Kung nagiging matapang ba siya o naduduwag. Kung kapakanan nga ba ni Lander ang iniisip niya o ang sarili lang niya.

Paglabas niya ng Dean’s office ay nagulat siya nang si Lander ang makitang naghihintay sa kanya sa halip na si Reggie. Kinintalan siya nito ng halik sa pisngi paglapit at niyakap. “Zygryd!” There was so much longing in his voice as if he missed her.

She fought the urge to hold him close and tell him that she missed him. Ngayon pa lang ay dapat na siyang masanay. “Akala ko next week ka pa dadating.”

“I asked for a break. Dalawang araw lang naman. Then babalik ako sa assignment ko. Isang buwan ulit ako doon,” paliwanag nito. “So we only have a few days together.”

Tumango siya. “Naiintindihan ko naman ang trabaho mo. Pwede mo ba akong samahang dalawin si Daddy?” tanong niya.

“Sure.” Di na siya nagsalita pa pagsakay nila sa kotse. Di kasi niya alam kung ano pa ang dapat sabihin dito. “Masyado ka yatang tahimik. Dati excited ka agad magkwento kahit na ilang oras pa lang tayong di nagkasama.”

Sumandal siya sa headrest at pumikit. “I am just too tired. Sorry.”

Hinaplos nito ang noo niya. “Sige. Magpahinga ka muna.”

Nang ibalik nito ang atensiyon sa pagmamaneho ay itinuon niya ang mata kay Lander. She wanted to memorize his face while she still had the chance. Even if later on, he might not wish to see her face anymore.

Nag-alay siya ng dasal sa puntod ng mga magulang niya. Give me some guidance. Sana tama ang ginagawa ko para sa lalaking mahal ko.

Ginagap ni Lander ang kamay niya. “I have something important to tell you.”

Dinaluyong ng kaba ang dibdib niya. Sasabihin na ba nito na iiwan siya nito? Na si Avon na ang pinili nito? Huminga siya nang malalim. “Lander, ako rin.” Tiningala niya ito. “I’m leaving for States to meet my agent and publisher. Sa isang bukas ang flight ko.”

Bakas ang pagkagulat sa mga mata nito. “Masyado namang mabilis. Ni hindi mo sinabi sa akin nang tumawag ako two weeks ago.”

“Biglaan din ang desisyon ko. Mas gusto kong pag-usapan ang mga terms nang kaharap sila bago ako pumirma ng kontrata.”

“At kailan ka babalik dito?”

Nagkibit-balikat siya. “I don’t know. Maybe never.”

“W-Wait!” Hinawakan nito ang balikat niya. “You had it all planned out while I am gone. Boyfriend mo ako. Wala na ba akong pakialam sa gusto mong gawin? Iiwan mo na lang ako at ngayon mo lang sasabihin?”

“I want real time for myself, Lander. Na-realize ko lang iyon nang umalis ka. Na-realize ko na marami pa akong gustong gawin. I want to travel and write some more.”

“Gusto ko rin naman na gawin mo iyon para sa sarili mo. But how about me? Hindi na ba ako kasama sa mga plano mo?” naghihinanakit nitong tanong.

Iniwas niya ang tingin dito. Kapag nasasaktan kasi ito ay mas nasasaktan siya. Oras na manlambot ang puso niya, masisira ang lahat ng plano niya. “Hindi ako sigurado kung talagang mahal kita.”

Humigpit ang pagkakahawak nito sa balikat niya. “Anong di ka sigurado?”

“Lagi ka na lang nandiyan sa tabi ko. At lagi din akong nandiyan para sa iyo. Baka akala tuloy natin in love tayo sa isa’t isa kahit hindi naman.”

“Akala ko ba ikaw lang ang di sigurado sa nararamdaman mo? Now you are even doubting how I feel? Sino ang nagsaksak niyan sa isip mo? Si Avon?”

Naging alerto siya nang marinig ang pangalan ni Avon. “Walang kinalaman si Avon dito. Ang totoo niyan nawawala siya. Tinakasan niya si Oscar.”

Saglit na natigilan si Lander. “N-Nawawala si Avon? Any news about her?”

Mataman niyang pinagmasdan ang reaksiyon nito. Nakita pa rin niya ang concern nito. At nakadagdag iyon sa sakit na nararamdaman niya. Naalala niya ang mga sulat ni Avon na itinago nito. Importante pa nga si Avon dito. “W-Wala pa akong alam sa ngayon. Sa palagay ko mas mabuti nang malayo siya kay Oscar kung di rin naman siya masaya.”

“Zygryd, sana walang kinalaman sa problema nina Oscar at Avon ang desisyon mo. Kung may problema ka sa akin, pag-usapan natin. We can still fix it.”

Umiling siya. “You are not the problem. Wala naman talagang problema. There are just some things that I have to decide and do on my own. I hope you understand.”

Nanatiling madilim ang anyo nito. “Hindi kita maintindihan. How could you be so unfeeling all of a sudden? Parang walang halaga sa iyo ang nararamdaman ko at ang pinagsamahan natin. If you need some time alone, I will give it to you. Gusto mong asikasuhin ang career mo, walang problema sa akin. You need time to realize whether you love me or not, that’s fine. But please don’t end it this way.”

Yumuko siya. Ayaw niyang ipakita dito ang nagbabantang luha sa mata niya. Her heart was breaking with his pleas. Parang ayaw nitong mawala siya sa buhay nito. How could she leave him like this? “Lander, hindi ko binabalewala ang pinagsamahan natin. I just have to do this.” Tinanggal niya sa leeg niya ang kuwintas na bigay nito at inabot dito. “Siguro pagkakataon mo rin ito para hanapin ang sarili mo.”

Nanatili lang itong nakatitig sa kuwintas na hawak niya. “Akala ko magagawa ko iyon kasama ka. Pero pinuputol mo na ang lahat sa atin.”

“I am sorry,” aniya sa nanginginig na boses. She was starting to hate herself for hurting him. Para dito din naman ang ginagawa niya pero bakit parang dahan-dahan siyang namamatay? “I don’t want things to end up this way. Hindi natin kailangang magkasakitan. Pwede pa rin tayong maging magkaibigan.”

Mapait itong ngumiti. “Pagkakaibigan? Nagagawa mo pang I-offer sa akin iyan ngayon?” tumalim ang mata nito. “Posible pa ba tayong maging magkaibigan matapos ang ginawa mo? Parang pinaglaruan mo lang ang nararamdaman ko, Zygryd. I changed my life in an instant. Hindi ako natakot magmahal ulit dahil sa iyo. I thought you were real. Sana hindi mo na lang sinabi noon na mahal mo ako kung hindi ka sigurado. Sana hindi na lang ako nagplano kasama ka.”

“Oo na. Inaamin ko naman na kasalanan ko ang lahat. I am a rotten person and I don’t deserve your love. Now, can we go on with our lives?”

Napatiim-bagang ito. Parang marami itong gustong sabihin sa kanya subalit sa huli ay pinili na lang nitong tumalikod at naglakad palayo. “Kung sasabay ka sa akin, sumunod ka sa kotse. Kung ayaw mo akong kasama, ipapasundo kita kay Reggie o kaya itatawag na lang kita ng taxi,” anito sa seryosong boses.

Hinabol niya ito. “Lander, hindi pa tayo tapos mag-usap.” Di ito kumibo kaya sinundan niya ito hanggang sa loob ng sasakyan. “Huwag mo naman akong pahirapan. Ayokong umalis nang mabigat ang loob mo sa akin.”

Humigpit ang hawak nito sa manibela at di siya nilingon. “Ano ang gusto mong marinig? Hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa iyo. Hindi na kita guguluhin. You can go anywhere you want at di mo na kailangan pang makonsensiya.”

Inabot ulit niya ang kuwintas dito. “Gusto ko lang ibalik…”

Hinablot nito ang kuwintas at itinapon sa labas. “Hindi ko na kailangan iyan.”

“Lander!” Lumabas siya ng kotse at kinuha ang kuwintas. “Importante ito sa iyo? Bakit basta mo na lang itinapon?”

“Wala na akong pakialam sa kuwintas na iyan tulad nang wala ka nang pakialam sa akin. Iisipin ko na lang na patay ka na para di na kita maalala.”

Naestatwa siya sa kinatatayuan. Patay na siya para dito.Parang isang malaking bato ang dumagan sa dibdib niya.“Iwan mo na lang ako, Lander. Kaya ko nang mag-isa.” Saka siya nagpatiunang naglakad palayo.

She felt numb. Ang tanging nararamdaman lang niya ay ang malamig na metal na kuwintas na hawak niya. Dapat ay maging masaya siya para kay Lander. Matapos ito, mahahanap na nito ang babaeng totoong mahal nito. Hindi na siya makakasagabal dito. Habang tanggap na niyang di na siya magmamahal pang muli kahit kailan.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.