Magdadapit-hapon na nang dumating sa Loyola Memorial Park si Zygryd para dalawin ang mga magulang niya. Nauna nang nagtatakbo sa kanya ang anim na taong si Lawrenz. Iniisa-isa nito ang mga pangalan sa mga nadadaanang puntod.
Kumaway ito nang tumigil sa isa sa mga puntod. “Mommy, here!” Binasa nito ang mga pangalan na nakaukit sa puntod. “Fidel Almenderos, Marina Almenderos.”
Kinintalan niya ito ng halik sa noo. “Good work, Lawrenz.” Inilapag niya ang bulaklak at nagtirik ng kandila. Napansin niya na may nauna nang nag-alay ng bulaklak at kandila doon. “Sino kaya ang nagdala nito?”
“Maybe Lolo and Lola’s friend,” bibong sagot ni Lawrenz.
“Maybe.” Sabay nilang inalayan ni Lawrenz ng dasal ang mga magulang niyang yumao na. “Mom, Dad, sorry po kung ngayon lang kami nakabisita ni Lawrenz dito. Ngayon lang ako nagkaroon ng chance na bumalik sa Pilipinas.”
Anim na taon na nang lisanin niya ang bansa. She was nursing a broken heart with no intentions of coming back. Inikot niya ang iba’t ibang bansa para mangalap ng materyales sa mga istoryang isinusulat niya. She was now a successful historical novel writer. Sa mga ancient civilization siya naka-focus. She was having the time of her life. Bukod sa pagsusulat ay umiikot ang mundo niya sa anak niya.
Wala na siyang balak na bumalik pa ng bansa kundi lang dahil sa hiling ng anak niya. He was the one who convinced her to come back to the Philippines. Kakaiba ang convincing powers nito at napapayag siya.
"Hello, Lolo, Lola! Mom and I will leave for the northern highlands soon. Sabi po ng friend ko na si Tito Wolf, marami daw po akong makikitang Filipino Apaches doon. Sila po ang susunod na isusulat ni Mommy," kwento ni Lawrenz.
"They are not Filipino Apaches, Lawrenz. They are the Cordilleran tribes," pagtatama niya. Kagagaling pa lang nila sa isang Apache reservation at namalagi doon ng ilang buwan. Isa sa mga naging kaibigan niya doon ay madalas din sa Pilipinas. Ito ang nagkwento sa kanya ng kakaibang kultura ng mga tao sa Cordilleran Region. At ang mga ito ang susunod niyang project.
“Mapapadalas ang pagdalaw namin sa inyo, Mom, Dad,” aniya at niyakap mula sa likuran si Lawrenz. “Ilang buwan po kami dito sa Pilipinas.”
Lumabi si Lawrenz. “Ilang buwan lang po, Mommy? Akala ko dito na tayo titira. Please buy me a house here. Iyon na ang gift mo last birthday ko. Please?”
Natawa siya sa pagmamarakulyo nito. Parang nagpapabili lang kasi ito sa kanya ng isang bagong laruan o ng isang kahong chocolate. Umuklo siya sa harap nito. "Kapag maganda ang result ng story ni Mommy at nagustuhan ng mga readers, I promise that I will buy a real house for us. Doon na tayo titira."
Sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "That is a promise, Mommy?"
She hooked her pinky with his. "It is a promise."
Pinagsalikop nito muli ang mga palad. "Lolo, Lola, I want to make a wish. I hope you will help me grant it. I want to have a daddy."
Umihip ang malakas na hangin at nakaramdam siya ng panlalamig. Di maiwasang sumago sa isip niya si Lander. Iniikot niya ang paningin sa memorial park. Mahigit anim na taon na ang nakakaraan nang magpaalam siya dito. Iyon ang huling pagkakataon na nagkita sila. Mas mabuti para dito na ituring siyang patay.
Di mapigilan sa pagpatak ang luha niya. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwa pa rin ang sakit sa puso niya. BUhay pa rin ang pagmamahal niya sa puso niya. Ni hindi iyon nabawasan sa pag-alis niya. Nadagdagan pa ang pagmamahal niya dito sa pagdating ni Lawrenz sa buhay niya.
"Why are you crying, Mommy?" Lawrenz asked curiously.
Umiling siya at pinahid ang luha. "Nothing. May naalala lang ako."
"Is it Lolo and Lola?"
Pilit siyang ngumiti. "No. It is just someone."
Sa lugar na iyon, di lang naibaon ang mga taong mahalaga sa kanya. Sa lugar din na iyon niya isinakripisyo ang puso niya. Sa lugar na iyon nalibing ang puso niya. At parang isang sumpa na magmamahal siya sa lalaking hindi na siya maari pang mahalin kahit na kailan.
“WELCOME HOME, Zygryd!” ‘‘bati ni Reggie pagdating niya sa antique shop. Niyakap siya nito. "Grabe! Nagpayaman ka muna nang todo bago ka dumalaw dito. Nakita ko ang website mo. Sikat na sikat ka. Nakadagdag yata pa ang mysterious effect mo para dumugin ka."
"You know how much I love my privacy." Iilang tao lamang ang nakakaalam ng tunay niyang identity. Nakikipag-communicate rin siya sa mga readers niya pero hindi niya inilalatag ang personal niyang buhay. Para na rin iyon kay Lawrenz.
Si Lawrenz naman ang hinarap nito. "And how is my handsome godson?"
"Tito Reggie, I have a totem animal!" pagmamalaki ni Lawrenz. "According to the great shaman, I am a bear. The bear is the protector and symbolizes physical strength. It means that I am strong. I will protect Mommy.”
"Oh, great! Doon ka muna kay Lola Elena. Sa kanya mo ikwento ang totem animal mo. Magkukwentuhan muna kami ni Mommy,” pagtataboy ni Reggie.
Naririnig niya ang iba't ibang kwentong ginagawa ni Lawrenz sa bawat antique item na makita nito. Nangingiti na lang siya. "He is like me. Puro kwento."
"Kanina pa nga ba siya magmamana kundi sa iyo?"
"I hope that he won't grow up a brat. Kanina lang kinukulit na niya akong bumili ng bahay dito sa Pilipinas. It looks like he wants to stay here."
"Your child wants permanence. Ikaw lang naman itong ayaw mapirmi sa isang lugar. Kahit nga ako nahihilo na sa iyo. Kung saan-saan ka pumupunta. Hindi bale sana kung dalaga ka pa. May anak ka na.”
“Wala naman akong magagawa. Iyon ang nature ng trabaho ko. I base my stories on observing people and talking to them. Kailangan ko rin ma-experience ang mismong lugar para makapag-isip. How can I stay in one place?”
“Hindi ka habambuhay na iintindihin ng anak mo. Mabuti nga hindi pa naghahanap ng daddy iyan. Sige nga, anong isasagot mo?”
“Hindi siya naghahanap ng daddy. He only wished for one.” At masakit para sa isang ina na di maibibigay ang kahilingan ng anak.
“Your son is already six. Hindi ka ba nagsasawa sa pag-iwas mo kay Lander? Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang totoo.”
Kuntodo iling siya. “No! He will hate me. Magagalit siya kung bakit hindi ko agad sinabi sa kanya ang tungkol kay Lawrenz.” Nang iwan niya si Lander, matinding poot na ang inani niya dito. She didn’t know if she could face him again knowing that she concealed Lawrenz to him.
“Magagalit talaga iyon. Sana noon mo pa inamin.”
“Natatakot ako na kunin niya si Lawrenz sa akin. And am I not enough for my son? Mahal ko naman siya. We are happy on our own.” It was not an easy task to be a single mother but she was working hard for it.
“Oo na. Naiintindihan ko na sinisikap mong magpaka-Super Woman para sa anak mo. Accomplished writer ka na nga. Pero hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na kailangan din nga anak mo ng isang ama. Dine-deprive mo siya ng karapatan na magkaroon ng ama. You are being unfair.”
“Mas masaya si Lander nang wala ako sa buhay niya. Ayoko nang guluhin siya. Lawrenz and I can survive on our own.”
Pumalatak ito at nagpalakad-lakad sa harap niya. “I don’t get you at all. Patay na si Avon. Wala ring halaga ang sakripisyo mo para sa kanila ni Lander dahil di siya hinanap ni Lander. Halos patayin niya ang sarili niya sa mga mercenary missions abroad. Ni hindi mo man lang itanong kung buhay pa o hindi na iyong tao. Wala na rin nga akong babalitaan sa kanya. E malay mo in love pa siya sa iyo.”
Lalo lang bumigat ang kalooban niya. “Mahal siguro niya ako noon pero hindi na ngayon. At tatanggapin ba niya si Lawrenz?”
She loved her son so much. Paano kung sa sobrang galit ni Lander sa kanya ay di rin nito matanggap si Lawrenz. Di niya kakayanin na ma-reject ang anak niya.
Napahawak ito sa sentido. “Enough of this drama! Masisira ang beauty ko. Tungkol sa pera na lang ang pag-usapan natin. What is your next project?”
“I think pre-Spanish Cordillera would be nice. Sabi sa initial research ko, hindi sila nasakop ng mga Spanish. American missionaries na ang nakapasok sa teritoryo nila. Kaya nga hanggang ngayon na-retain pa rin ang culture at tradition nila. Dapat naman siguro na sariling culture natin ang I-promote ko. It will be interesting.”
“May pupuntahan ka na ba? Baka naman uncivilized ang lugar na pupuntahan mo. Oh, please! Huwag mo namang idamay ang inaanak ko.”
“Sagada is a prime tourist spot. Doon ako ini-refer ng friend ko na si Wolf. Sa palagay ko naman uncivilized siya. After all, doon nakatira ang girlfriend niya na sikat na tennis player.”
Nanlaki ang mata ni Reggie. “D-Dashielle Gomez Lizardo? I know her. Hindi kasi nagkakalayo ang kagandahan naming dalawa. Sama ako sa Sagada na iyan. Para naman makasagap ako ng fresh air. Inaamag na ang beauty ko dito sa shop.”
Natawa siya sa kakulitan nito. Sa palagay niya ay di siya mabo-bore sa biyahe niya sa Sagada kung ito ang kasama niya. “Reggie, thank you nga pala sa paglalagay mo ng bulaklak sa puntod nila Mommy at Daddy.”
Nagtaka ito. “Last week pa ako huling dumalaw sa kanila. Kapag nga dumadalaw ako doon, laging may fresh na bulaklak. Di ko naman malaman kung sino ang laging naglalagay doon.”
“Sayang. Gusto kong magpasalamat dahil naalala niya ang parents ko.”
She wanted to keep her visit in the country as quiet as possible. Malaking ingay din kasi ang naging trahedya ng pamilya niya at ayaw na niyang magkaroon pa ng impact kay Lawrenz. Pero sa mga taong nagpapahalaga pa sa pamilya niya, gusto niyang personal na magpasalamat. Kung malalaman lang sana niya kung sino.
HINAPLOS ni Zygryd ang antique na hagabi, isang upuang o higaang gawa sa kahoy na tanging mga mayayaman lamang sa tribo ng Bontoc ang gumagamit noong araw. Isa iyon sa interesanteng muwebles na makikita sa bahay na tinutuluyan nila sa Sagada. It was a second-generation Sagada house made of pinewood.
May kaliitan iyon kumpara sa mga makabagong villa na nasa paligid subalit gusto niya ang lugar. Tahimik iyon at napapaligiran ng mga halaman at nagtatayugang pine trees sa paligid.
“Lolo at lola ko ang originally may-ari nitong bahay. My mom grew up here,” paliwanag ni Keisha, ang caretaker ng bahay. “Isa-isa nang bumukod sila Mommy nang magkaroon ng sariling pamilya. Gusto sana nila na patayuan na lang ng villa pero mas gusto ito nila Lola hanggang makamatayan na lang nila. Nang manahin nito ni Mommy, she decided to have it rented to guests instead.”
Inikot niya ang mata sa paligid. “I love this place. It has a character. A soul.” Umupo siya sa hagabi. As if she was tribal royalty. “It gives a homey feeling. I am sure makakapagsulat ako nang maayos dito.” She rented the place for three months. Kung mawiwili siya sa lugar, maari pa siyang mas tumagal doon.
“Writer nga po pala kayo. My mother would be thrilled to meet you. Ibinilin nga po niya na asikasuhin ko kayo dahil mamaya pa siya dadating galing Kalinga. She has a collection of your books. Masyado daw po kasi kayong mysterious. It is a privilege to meet you in person.”
“Mommy mo ang ina-admire ko. Wolfe gave me a copy of her book. Naging interesado tuloy ako na dito sa Sagada gawin ang setting ng next novel ko.” Dinah, Keisha’s mother wrote a book about the dying culture of Sagada. Doon niya naramdaman ang pagpapahalaga ng mga tao sa tradisyunal na kultura doon.
“You’ll find out town very interesting. Saturday is market day. It is also the buffet night for Log Cabin Inn and tribal night for Sanctuary. Mother is inviting you for dinner at St. Jo’s Café tonight. There will be a bonfire after dinner and you will get to meet the guests and the locals here.”
“Thank you for the invitation. I will be there.” Nakagawa na siya ng initial research sa Sagada. Bukod sa magagandang tourist spot at kakaibang kultura ay mababait din ang mga tao. Ngayon pa lang ay at home na siya doon.
“Do you need any help with your son? Ita-transfer ba ninyo siya ng school?”
“He is enrolled in an online school.” Sa klase ng trabaho na mayroon siya na kailangang bumiyahe at di pirmihan sa isang lugar, pinili niyang huwag I-enroll si Lawrenz sa regular school para di ito palaging nag-a-adjust sa bawat lilipatang lugar. Isa pa ay komportable din siya na laging nasa tabi niya si Lawrenz.
“I am a teacher. Pwede ko naman siyang isali sa klase ko para magkaroon din kayo ng maraming panahon sa research ninyo. I will watch over him.”
“Thank you, Keisha. I will discuss it with Lawrenz first.”
“If you need anything, just give me a ring,” anang si Keisha at nagpaalam.
“Lawrenz! Lawrenz!” tawag niya sa anak. Natagpuan niya itong nakaupo sa porch at pinagmamasdan ang kabuuan ng poblacion ng Sagada sa baba. Umupo siya sa tabi nito. “Do you like this place?”
Tumango ito at itinaas ang dalawang kamay. “It is super, Mom!”
Inakbayan niya ito. “Do you want to go to school?”
Namilog ang mga mata nito. “A real school, Mom? With real teacher and real classmate? I don’t have to attend my class at the Internet?”
“Isasama ka ni Miss Keisha sa class niya. Do you like it?”
“Yes!” Niyakap siya nito. “Are we going to live here, too?”
“For a few months I guess.”
Lumabi ito. “Maybe if we have a real house, Dad will come home to stay.”
Hindi siya kumibo hanggang makatulog si Lawrenz sa kandungan niya. Hindi na naman niya alam ang isasagot dito. Idinala niya si Lawrenz sa kuwarto nito at nagkakape siya kasama ni Reggie sa labas ng bahay ay tahimik pa rin siya.
“Ano? Tinamaan ka sa sinabi ng anak mo?”
“Anong sinabi ni Lawrenz?” tanong niya.
“Narinig ko. Natutuwa iyong bata na makakapasok siya sa totoong school pati ang wish niya na magkaroon ng permanenteng bahay at ama. That’s what a normal kid should have. Hindi mo ba iyon maibibigay sa kanya?”
“Madali sa iyong sabihin iyan dahil wala ka sa sitwasyon ko. Iyong totoong school at permanenteng bahay, pipilitin kong ibigay. Pero si Lander…”
“Zygryd, kung pakiramdam mo hindi ka magtatagal dito sa Pilipinas sana naman gawin mo ang tama para sa anak mo. Lumalaki siya pero nararamdaman niya na iba siya sa ibang mga bata. For once, huwag mo siyang piliting umayon sa lifestyle na gusto mo. Sundin mo naman ang gusto niya.”
Sumandal siya at pinagmasdan ang pagsayaw ng mga pine trees sa ihip ng hangin. Then she remembered Lander’s dream. Maaring ang lugar na iyon ay katulad ng panaginip nito. As if that place was close to heaven. At parang tukso naman na sa lugar na iyon din gustong manatili ni Lawrenz.
“Sa palagay mo ba natagpuan na ni Lander ang hinahanap niya?” Nakita na ba nito ang magandang lugar sa panaginip? Nakatagpo na ba ito ng kaligayahan?
“Aba! Ewan ko kung anong hinahanap niya. Mukhang kayo lang naman ang nagkakaintindihan. Mabuti pa siya mismo ang tanungin mo nang malaman mo.”
“Paano kung masaya na siya sa buhay niya at makagulo kami ni Lawrenz?”
“Paano kung kayo lang ni Lawrenz ang pwedeng magpasaya sa kanya? Quit running away, Zygryd. Harapin mo si Lander o baka magsisi ka lang sa huli.”
ALIW na aliw si Zygryd habang nakikinig sa kwentuhan ng mga nakapaikot sa bonfire sa lawn ng St. Joseph’s Resthouse. Halo-halo ang mga local na taga-Sagada at mga tourist. Lahat ay nagkakasiyahan at kanya-kanyang kwentuhan.
“This coming October is the wedding season,” wika ni Dinah, ang nagsisilbi niyang cultural guide. Lahat ng mga bagay tungkol sa Sagada ay ikinu-kwento nito pati ang culture, customs at tradition. “You should see it. Sana rin makanood ka ng kasalan dito. Kakaiba ang wedding namin dito sa Sagada.”
“Why is it different?” she asked curiously.
“You should see for yourself. Sa October din o sa November ang celebration namin ng begnas. It marks the opening of the planting season for rice. Isa iyan sa part ng culture namin na galing pa sa mga ninuno namin at di pa nababago.”
“I will keep that in mind.” Sa ilang buwan niyang pananatili sa Sagada, tiyak na marami siyang matututunan.
“During special festivals and celebrations, you will see the Filipino bayanihan spirit. Lahat nagtutulungan nang walang kapalit. As if we are a whole family.”
Napangiti lang siya. Parang masarap isipin na maging bahagi ng isang malaking pamilya. Hindi niya halos naranasan kung paano magkaroon ng pamilya.
Habang nagkukwentuhan ang matatanda ay nasa isang parte ng lawn ang mga bata at kinukwentuhan ni Keisha. Mabilis nakasundo ni Lawrenz ang mga bata.
“Zygryd, you should try this,” anang Canadian na si Kent. Ilang buwan na itong nananatili sa Sagada at parang gustong doon na pumirmi. Isang shotglass ang inabot nito sa kanya at sinalinan ng local wine mula sa bote. “This is tappey, the local rice wine. Have some.”
Umiling siya. “I am afraid I am driving tonight.” At kapag nagmamaneho ay hindi siya pwedeng tumikim kahit na isang patak na alak.
“Subukan mo na. Ako na lang ang magda-drive,” prisinta ni Reggie. She needed to build rapport with the people around her and Reggie understands.
Kinuha niya ang shot glass at pikit-matang tinungga ang laman. Gumuhit ang mainit na alak sa lalamunan niya. Nagpalakpakan ang mga nasa paligid niya.
“Okay ka lang? Kaya mo pa?” tanong ni Reggie.
Tumango siya at nag-thumbs up. “Hindi naman masyadong matapang. Mas matapang pa nga ang wine na ininom ko sa Peru noon.” Natigilan siya sa pagsasalita nang magtayuan ang balahibo niya sa batok. Napalingon siya sa madilim na bahagi ng terrace ng Café St. Jo. May tao ba doon at parang may nakatingin sa kanya.
“Anong tinitingnan mo doon?” untag ni Reggie.
“Parang may nakatingin sa akin.”
Lumingon ito sa madilim na terrace. “Wala naman yatang tao. Uminom ka na lang. Kulang ka lang sa wine.”
Nagkibit-balikat siya. Siguro nga ay imahinasyon lang niya iyon.