Chapter Raphael, Sunset Shadow: Chapter 16

Natigil sa pakikipagkwentuhan si Zygryd nang kalabitin siya ni Reggie. “We have to go. Nakatulog na si Lawrenz. Idinala ko na siya sa van.”

“Sorry. Napasarap ang kwento ko.” Inilapag na niya ang shotglass. “I had a great time! Thank you and goodnight!”

Pagtayo niya ay naging mabuway ang tayo niya. Mabilis siyang inalalayan ni Reggie. “O! Okay ka lang?”

Tumango siya at ngumiti. “Okay lang ako. HIndi ako lasing. Pupunta lang ako sa restroom bago umuwi. Hintayin mo na lang ako sa van.”

“Sigurado ka na hindi mo kailangang alalayan?”

“Hindi nga ako lasing sabi. Tuwid pa akong magsalita.” Napasarap lang siya ng inom habang nakikipagkwentuhan pero tingin niya ay okay lang siya.

Papunta sa restroom ay saka niya naramdaman na pa-ekis na ang lakad niya. Hindi naman kasi siya nahihilo kanina. Parang ngayon na lang niya nararamdaman ang epekto ng alak sa kanya. “That wine deceived me!” Hinayaan siyang uminom nang marami at nang tumigil siya sa pag-inom ay saka lumabas ang epekto.

Pakiramdam ni Zygryd ay babagsak na ang mata niya matapos manggaling sa restroom. First time niyang uminom ng rice wine. Di naman niya alam na malakas ang tama niyon. “Kapag buhay pa ako matapos ito, di na ako iinom ng tappey!”

Paglabas ng comfort room ay muntik na siyang bumangga sa kasalubong. “Oopps! Sorry!” sabi niya at di magawang iangat ang tingin sa sobrang antok.

Sinubukan niyang lumayo subalit sa nanlalambot na tuhod ay lalo lang siyang napadikit sa lalaki. It was so embarrassing. Unang araw pa lang siya sa Sagada. She was wasted and she couldn’t carry herself. Nakakahiya talaga.

“Are you okay?” tanong ng boses ng lalaking nakaalalay sa kanya.

Pilit niyang idinilat ang mata. Kilala niya ang boses na iyon. “Lander?” Inaninag niya ang mukha nito. Parang si Lander nga.

Napapikit siya. The feel of his body against hers felt so good. Lander had always been her hero. Ang lalaki na poprotekta sa kanya sa kahit ano at sa kahit na sino. Ang lalaki na hinding-hindi siya sasaktan.

It has been a long time since she had someone to hold her that way. Someone to offer her protection. Someone who would care for her.

“I know I ran away from you, Lander but not anymore.”

Kung mawawalan man siya ng ulirat sa mga bisig nito ay di siya matatakot. Si Lander lang lalaking pinagkakatiwalaan niya at minahal niya.

If it was a dream, she wished that it won’t end.

PAGOD na pagod pa si Zygryd nang idilat ang mata. Sa tingin niya ay napaka-haba ng itinulog niya. Bumalikwas siya ng bangon nang makitang umaga na. Nariirnig pa nga niya ang halakhak ni Lawrenz sa labas.

Nasapo niya ang ulo pagbangon. “Hang over. I hate hang over.”

Nabawasan ang sakit ng ulo niya nang makaamoy ng kape paglabas ng kuwarto. “Reggie, bigyan mo naman ako ng kape,” pagmamakaawa niya.

“Akala ko wala ka nang balak gumising.”

“HIndi na talaga ako iinom ng rice wine sa susunod. Or at least I will drink moderately next time.” Humigop siya ng at nakadama ng kaunting ginhawa. “Sino nga pala ang kalaro ni Lawrenz?”

“New friend niya.”

“Mabuti at may kaibigan na siya.” Dumungaw siya sa bintana bitbit ang kape. Nanunungkit si Lawrenz persimmon mula sa puno na nakatanim sa garden. Pero hindi bata ang kalaro ni Lawrenz. Sa halip ay isang matangkad na lalaki. Muntik nang dumulas ang tasa ng kape na hawak niya nang makilala kung sino iyon. “Oh, God! Lander!”

Pumikit siya at napasandig sa hamba ng bintana. Nananaginip na naman ba siya? Dumilat siya pero naroon pa rin si Lander. Lumingon ito sa kanya at tinitigan siya. May ngiti pa rin sa mga labi nito subalit matiim na ang mga mata nito.

Si Lander ba talaga ito? He never looked at her that way. As if he was harboring hatred for her. Well, he did. Nang huling araw na makita niya ito.

Kinawayan siya ni Lawrenz. “Mommy!”

Pilit siyang ngumiti at gumanti ng kaway. “G-Good morning!” Anong maganda sa umaga? Nandito si Lander. Paano sila natagpuan nito? Anong gagawin niya?

Sampung ulit ang tindi ng sakit ng ulo niya kumpara sa hang-over niya. Bakit ngayon pa sumulpot si Lander? HIndi siya handa.

Hinila ni Lawrenz si Lander papasok ng bahay. “Tito, she is my mommy. Mom, this is my new friend, Tito Raphael.”

“Hi!” Mabuti nga at nagawa pa niyang bumati. Tinanguan lang siya ni Lander. Pero bakit ang sabi ni Lawrenz ay Raphael na ang pangalan nito?

“Si Tito Raphael po ang bumuhat sa akin papasok dito sa bahay kagabi. Dinalhan po niya tayo ng fruits, Mommy. Kaya friends na po kami.” Tiningala ni ito ni Lawrenz. “Si Mommy din po ba binuhat ninyo?”

“Yes,” sagot nito. “She was sick last night.”

Parang nagkabikig siya sa lalamunan. Binuhat pa siya nito. He caught her off guard. Kung kailan nalasing siya ay saka pa ito sumulpot sa buhay niya. At habang prenteng-prente siya sa kalasingan, nakapasok na ito sa buhay nilang mag-ina.

“Friends na rin kayo ni Tito Raphael, Mommy?”

Nagsalubong ang tingin nila ni Lander. Parang naghahamon ito. He rejected the friendship she offered last time. Paano niya sasagutin ang tanong ni Lawrenz? Mukhang malabong maging magkaibigan sila.

Umuklo si Lander sa harap ni Raphael. “I asked Chef Aklai to bake blueberry cheesecake for you. Why don’t you pick it up at Log Cabin Inn? Sasamahan ka ni Tito Reggie,” anang si Raphael sa magaang boses.

Hinawakan ni Reggie sa kamay si Lawrenz. “Come.” Ni hindi makatingin nang diretso sa kanya ang kaibigan. He didn’t even warn her.

“Hindi po kayo sasama ni Mommy?” tanong ni Lawrenz.

“Your mom and I have something important to discuss.”

NAGTITIGAN lang sila ni Lander ilang sandali matapos umalis sina Reggie at Lawrenz dala ang van. Limang minuto pa kasi ang biyahe papunta sa Poblacion. Di niya alam kung ano ang dapat sabihin o gawin. The whole thing was so awkward.

She forced a smile. Kailangang normal lang ang kilos niya. “Kumusta ka na? Matagal din tayong di nagkita. And of all places, dito pa tayo nagkita.”

“It has been six years, five months and eighteen days.” Sumandal ito sa dingding at pinagmasdan siya. “Baka naman destiny na magkita tayo dito.”

Destiny? Damn destiny! Pahamak sa buhay niya. Sobra ba talaga ang galit sa kanya ni Lander at naalala nito kung kailan sila huling nagkita?

“You changed a lot,” she noticed. He had a warrior’s eyes. Matigas. Parang bato. Di na nasasaktan. Nasaan na ang Lander na nakilala niya dati? “Pati nga pangalan mo bago na rin. Paano ka naman naging Raphael?”

“I had always been Raphael. I am Raphael Madrigal Lizardo again.”

Nahigit niya hininga. “Alam mo na kung sino ka? Natagpuan mo na ang pamilya mo? Ano daw ang nangyari sa iyo at nawala ka noon?”

“Hindi ako nagpunta dito para ikwento sa iyo ang buhay ko.” Umupo ito sa wooden chair na naroon. “I want to discuss Lawrenz with you.”

Tumalikod siya. “Sa palagay ko wala tayong dapat pag-usapan.”

“How old is he?” he asked in a tone that was demanding for answer. At iyon ang klase ng tono na di niya pwedeng balewalain.

Napalunok siya at napilitang sumagot. “Six.”

“Date of birth?”

Nilingon niya ito. “It is none of your business.”

“It is my business to know. I might be his father.”

“Might” She suddenly flared up. “How dare you! Baka nakakalimutan mo na ikaw ang unang lalaki sa buhay ko? And you are the only man in my life.”

A satisfied smile curved on his lips. She gave away the answer right away. “So that means that I am his father.”

Napipilan siya. “Well… that’s…”

The smile turned into a grimace. Tumayo ito ilang pulgada ang layo sa kanya. Then he glowered at her. Not a good sign. Halatang pinipigil lang nito ang galit. “Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol kay Lander noon?”

“Lander, please…” Di rin kasi niya alam kung paano ipapaliwanag dito.

Mahigpit nitong hinawakan ang braso niya. Halos bumaon ang daliri nito sa balat niya. “You left me when you were pregnant. Hindi mo sinabi sa akin ang tungkol kay Lawrenz. Di mo ba alam kung gaano kasakit iyon?”

Napayuko siya. “I am sorry,” mahina niyang usal. Hot tears streamed down n her cheeks. Kasalanan niya ang lahat. Huli na para baguhin niya. What he didn’t know won’t hurt him. Pero ngayong alam na nito, isang traidor ang labas niya.

He pulled her against his body. Inilapit nito ang mukha sa kanya at parang wala na siyang lugar para huminga pa. And she could breathe was his fury. “You always see me as a trash. Mababa ang tingin mo sa akin.”

“That is not true, Lander.” Siya ang nagtatanggol sa mga taong minamaliit ito tulad ni Oscar. Sa kabila ng mga nangyari, nanatili ang respeto niya dito.

“Then how could you deny me something as important as my son?”

“Kahit naman anong sabihin kong paliwanag, mali pa rin para sa iyo. At kahit siguro ipaliwanag ko pa, di ka rin maniniwala.”

Mariin nitong pinagdikit ang labi. “You are right. You made me feel like I am the lowest being on earth. Masama ba akong tao para di ko makilala ang anak ko? Ano bang ginawa kong masama sa iyo, Zygryd?”

Umiling siya. Pinarusahan niya ito kahit wala itong kasalanan sa kanya. “I am really sorry, Lander. Kasalanan ko na ang lahat.”

“Raphael, Zygryd. Nobody calls me Lander anymore. Lander was a helpless man. Di niya alam kung saan siya nanggaling kaya hinayaan niya ang sarili niya na paglaruan ng mga taong minahal at pinagkatiwalaan niya. Hindi ako iyon,” mariin nitong sabi. “Hindi na rin ako mapapalambot ng simpleng sorry lang.”

“Ano pang kailangan mo sa akin?” She just wanted the whole ordeal to end.

“I just want to do things right from now on. But I have to speak with my son first. Kailangan niyang malaman na ako ang daddy niya.”

NAKAMASID sa isang sulok ng sala si Zygryd habang matamang nag-uusap sina Raphael at Lawrenz. She never thought that the moment would come. Alam na ni Raphael ang lahat at bahala na itong magpaliwanag kay Lawrenz. She was too guilty to say anything. Ipinagkait niya ang karapatan na magkakilala ang mga ito.

“Lawrenz, I am not just your Tito Raphael. I am your real dad.”

Namilog ang mga mata ni Lawrenz. “Really, you are my real daddy?”

“Yes. I am sorry. Hindi agad tayo nagkita,” anang si Raphael at hinaplos ang buhok nito. “Pero mula ngayon hindi na tayo magkakahiwalay.”

“Real daddy. Can I call you daddy? Can I hug you?”

“Yes.” Si Raphael na ang kusang yumakap kay Lawrenz. The scene touched her heart. Kasalanan niya kung bakit di agad nagkasama ang mga ito. Was she a rotten person? Lagi na lang ba niyang ipagkakait kay Lander ang kaligayahan nito?

Nilingon siya ni Lawrenz. “Mommy, I told you. Kung magkakaroon tayo ng bahay natin, babalik si Daddy. Here he is.”

“You don’t have your own house?” tanong ni Raphael.

Lumabi si Lawrenz. “Lagi pong bumibiyahe si Mommy dahil sa work. Iyon nga po ang wish ko. Sana magkaroon kami ng house para umuwi ka na.”

“Gusto mo bang makita ang magiging bahay mo? Doon tayo magla-lunch.”

“Yes!” Lawrenz answered with a grin. Hinatak nito ang kamay ni Raphael. “Pumunta na po tayo, Daddy. I want to see our house!”

Ni halos di na siya pinapansin ni Lawrenz. Parang si Raphael na lang ang nakikita nito. Di tuloy niya maiwasang magtampo. Mabilis nabuo ang bond ng dalawa at nakalimutan na agad siya ng anak niya.

“Sumunod ka na sa kotse, Zygryd,” utos ni Raphael.

“Enjoy your lunch!” pahabol pa ni Reggie. “Zygryd, huwag kang mag-alala sa akin. Diyan lang ako sa town. Mamamasyal at hahanap ng boyfriend.”

Matalim niya itong tiningnan. Di daw ito sasama dahil para lang daw sa pamilya nila ang sandaling iyon.May kasalanan pa ito sa kanya kaya di ito makalapit.

Tahimik siya habang bumibiyahe sila sa four wheel drive na sasakyan ni Raphael. Nakikinig na lang siya sa kwentuhan ng mag-ama. Lawrenz was so excited to tell stories about almost everything and Raphael was eager to listen.

Napansin niya na pumasok sila sa arko na may gate na Lizardo Farm. Bumungad sa kanila ang hile-hilerang puno ng mga citrus fruits sa tabing daan. “Daddy, those are oranges, right? Pwede pong kumuha?”

“Later after lunch. And everything you see is yours now, son.”

Nanikip ang dibdib niya nang tawagin ni Raphael si Lawrenz na ‘son’. Masyado na siyang nagiging sentimental dahil sa mga ito.

Tumigil ang sasakyan sa isang villa na nasa gitna ng farm. Tumuloy sila sa sala. Muntik na siyang mapaurong nang makitang maraming tao doon. Natahimik ang lahat nang makita sila. Napansin niya na ang ilan sa mga ito ay may pagkakahawig kay Raphael. Ito na ba ang pamilya nito?

“Everyone, I want you to meet Zygryd Almenderos and our son, Lawrenz.”

“Ha? May anak ka na?”

“Paano nangyari iyon?”

“Ang cute naman ng bata. Ilang taon na siya?”

Nahihilo na siya sa sabay-sabay na tanong ng lahat. Dalawang beses na pumalakpak si Raphael. “Your question will be entertained later. I want everyone to help in planning our wedding first.”

Nahigit niya ang hininga. Magpapakasal sila ni Raphael?

“Kailan ang kasal?” tanong ng lalaking kamukha ni Raphael.

“The sooner, the better.”

MULA sa terrace ng villa ay pinapanood ni Zygryd habang pinagkakaguluhan si Lawrenz ng lahat. Everyone was so excited to meet him because he was the only Lizardo grandchild. Ayon kay Amrita, ang mama ni Raphael, sa bandang gabi ay dadalawin naman nila ang mga Madrigal, ang pamilya ng mama nito.

Lizardo. Pasimple niyang hinawakan ang kuwintas na may pendant na letter L. Iyon ang kuwintas ni Raphael na bigay nito noon sa kanya. Iyon pala ang ibig sabihin ng kuwintas na iyon. Before, all he had was that necklace. Ngayon ay narito na ang lahat. He belonged to the prestigious clan of the Lizardos.

Kilala ang angkan sa buong Cordillera. Maging mga kapatid at pinsan ni Raphael ay kilala sa kanya-kanyang larangan di lang sa bansa kundi maging si abroad. Ang kapatid ni Raphael na si Sapphire ay isang sikat na painter. Habang ang bunsong kapatid nitong si Michael James na siyang kahawig nito ay isang international taekwondo player.

Umupo sa tabi niya si Raphael. “Lawrenz loves the attention. Ngayon lang daw siya nagka-tito, tita, lolo at lola.”

Parang idinidiin nito ang mga pagkukulang niya. Kung ano ang mga ipinagkait niya dito. Mahabang sandali siyang di kumibo. “Bakit bigla ka na lang nag-announce sa kanila na magpapakasal tayo?”

“Hindi ba sinabi ko sa iyo na gagawin ko kung ano ang inaaakala kong tama. Lawrenz needs a father. He needs a real family. Ngayong natagpuan ko na siya, gusto kong ibigay sa kanya ang lahat ng privileges na maibibigay ko kasama na ang pangalan ko,” mariing wika ni Raphael.

“You put me on the spot. You didn’t give me any choice.”

Nanatiling tuwid ang tingin nito. “Hindi mo ba ako pwedeng pakasalan? May boyfriend ka bang naiwan sa abroad?”

“Wala.” Si Lawrenz lang ang importante sa kanya.

“Ano pang kulang sa akin para di mo ako pakasalan?”

“Ano bang klaseng tanong iyan?”

“Naiintindihan ko kung bakit inilayo mo si Lawrenz sa akin. I was nobody. Ni hindi ko nga alam kung saan ako galing. Anong maibibigay ko na future sa kanya? But I am a Lizardo now, Zygryd. Maibibigay ko sa inyo lahat ng gusto mo.”

“Kahit kailan, hindi ko kinuwestiyon ang pagkatao mo. Gusto ko lang magkaroon ako ng karapatan na magdesisyon para sa sarili ko. But you see things differently. You just take anything you want. Nag-iba ka na.”

“It is all your fault.”

“Lahat ba ng desisyon mo kailangan mong isisi sa kasalanan ko?”

“No. Ginagawa ko lang kung ano ang tama. Why don’t you do something right for a change? Provide Lawrenz a home. Sa simula pa lang, alam mo nang iyon ang tama. Hindi na siguro kailangan pang pilitin kita.”

Malungkot niya itong sinundan ng tingin nang bumalik ito sa tabi ni Lawrenz. Hindi nga siya nito maiintindihan. She was being selfish again. Gusto lang naman niya na malaman nitong kung magpapakasal sila ay mahal rin siya nito.

Mapait siyang ngumiti. Sino ba siya para manghingi ng pagmamahal mula dito? Mukhang iyon ang huling bagay na maibibigay nito para sa kanya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.