Matapos ang tanghalian ay sinimulan na ang pagtugtog ng gangsa. “Nagsimula na ang party,” sabi ni Raphael kay Zygryd.
“Party?” tanong niya at sinulyapan ito. “Ang aga naman ng party.”
“After lunch, gangsas are played. Lahat magsasayaw at magtutugtugan hanggang bukas ng umaga. Iba’t ibang native dance ang isasayaw. At kailangan din salitan tayo sa pagbabantay sa mga bisita.”
“Mukhang exciting.” Ngayon lang siya makaka-witness ng Sagada wedding. Hindi pa pala matatapos ang kakaibang experience niya. She would get the chance to experience another aspect of the culture.
Tumayo si Raphael at inilahad ang kamay sa kanya. “Let’s dance.”
Nanlaki ang mata niya. “You know that I don’t dance. At lalong hindi ako marunong ng ganitong sayaw. Gusto mo ba talagang mapahiya?”
“Mas nakakahiya kung hindi tayo sasayaw. We have to dance first as the newly weds. Hindi sasayaw ang iba kapag hindi tayo nagsayaw.”
Napilitan siyang hawakan ang kamay nito at magpaakay sa dance floor. She could strangle him for it. Wala siyang pakialam kung masama iyon dahil kakakasal pa lang nila. Parang nananadya yata ito. Ni hindi sinabi na kailangan nilang magsayaw. Sana man lang nakapag-practice siya. “Anong gagawin ko?” tanong niya pagdating nila sa gitna.
Ibinuka nito ang dalawang kamay at nag-thumbs up. “This is the stance for women. Then imagine that you are a chicken. Sweep your feet backwards.”
Sinunod niya ang instruction nito. Noong una ay nakasimangot pa siya dahil naiinis siya dito. Later on, her body swayed naturally with the music. Natawa siya. “Hindi naman pala mahirap.”
“Galing ninyo Mommy, Daddy!” sigaw ni Lawrenz at nagpalakpakan ang mga bisita nila. Mabuti at tinuruan siya ni Raphael. Kung di siya natuto at palpak ang sayaw niya, masasakal talaga niya ito sa harap ng mga tao.
“Alam ko naman na madali kang matuto,” wika nito.
Sinulyapan niya si Raphael. There was warmth in his eyes as he looked at her. Sa boses nito, parang naroon pa rin ang tiwala nito sa kanya. “Thank you.”
“For what?” tanong nito na parang nagulat pa.
“For giving me the best wedding ever. And for making me your wife.”
Noong una ay mabigat ang loob niya sa pagpapakasal dito. HIndi kasi niya alam kung ano ang pagsubok na haharapin niya. Pakiramdam kasi niya ay hindi sila magkakasundo ni Raphael. But looking in his eyes, she saw the chance that things would be better for them. She saw that look during those times that he keep on telling her that he loved her. Sana ay ganoon pa rin ang nararamdaman nito.
Hinatak nito ang kamay niya. His body was suddenly pressed against his. Hinapit nito ang baywang niya at napahawak siya sa balikat nito. “Raphael!”
“For our lifetime together.” Then he caught her lips in a kiss. Umugong ang tainga niya dahil hindi niya iyon inaasahan. Raphael was kissing her in front of the whole town. The kiss seemed to go on endlessly. She didn’t want it to stop.
Kung di pa magpalakpakan ang mga bisita nila ay di pa sila maghihiwalay. Pulang-pula siya. Di rin naman siya sanay nang nagpapakita ng affection sa kanya sa Raphael sa harap ng maraming tao. And to do that, he should be really in love with her. Ano ang gusto nitong palabasin sa paghalik sa kanya?
Nabura ang mga tanong sa isip niya nang sumali na ang iba sa pagsasayaw kasama na sina Reggie at Lawrenz,. Malakas na malakas ang tibok ng puso niya nang pasimple siyang sumulyap kay Raphael. He was smiling at her. A naughty smile. Parang bata ito na gumawa ng kalokohan.
Iningusan niya ito subalit di niya mapigilang ngumiti. Hindi naman siguro masamang ngumiti na sana ay iyon na ang simula ng magandang pagsasama nilang dalawa. If only he would learn to love her again.
NAHIHILONG sumakay ng kotse si Zygryd. Halos nakapikit pa nga ang mata niya. Inaantok pa siya dahil tatlong araw halos siyang walang tulog. Matapos ang magdamagang kasiyahan sa kanyang kasal, tumanggap pa sila ng mga regalo ni Raphael tatlong araw matapos ang kasal. She enjoyed entertaining the guests. She was warmly welcomed by everyone as Raphael’s wife.
Hindi niya alam kung bakit parang gusto na naman siyang I-torture ng asawa niya. “Do we really have to leave? Pwede bang bukas na lang?”
“No. Importante ang pupuntahan natin.”
“Ano pa ba ang mas importante sa pagtulog?” sintir niya.
Hinaplos ni Raphael ang noo niya. “Sige. Matulog ka muna. gigisingin na lang kita kapag nandoon na tayo.”
Hindi na siya nagtanong at itinuloy ang naudlot na tulog. Nang gumising siya ay malamig ang dapyo ng hangin sa mukha niya. Wala na rin siya sa loob ng bahay kundi nasa harap ng isang… kubo?
Bumangon siya at namangha. Nang lumabas siya ay nasa isang kubo nga siya. Nang iikot niya ang paningin ay puro mga puno at halaman lang ang nasa paligid niya. She was in the middle of nowhere.
“Gising ka na pala,” anang si Raphael na lumabas sa likuran ng bahay.
“Saan mo ako idinala?”
“Don’t worry. Nasa Sagada ka pa rin. Isa ito sa mga properties ni Lolo. That one was a traditional Sagada house. Pag-aari iyan ng ancestors namin. Nang magsimula nang tayuan ng bagong bahay, inilipat na dito para ma-preserve. It was renovated a bit pero maraming aspect pa rin ang nanatiling traditional.”
Kinusot niya ang mga mata. “Sorry kung nakatulog ako. Paano nga pala iyong importanteng pupuntahan natin?”
Pumasok ito ng bahay. “Ito na iyon?”
Napanganga siya. “Ha? Anong gagawin natin dito?”
“Mga isang linggo tayo dito.”
Nanlaki ang mata niya. “Isang linggo tayo dito?” Nasa gitna sila ng kawalan at silang dalawa lang. “Anong gagawin natin dito nang isang linggo?”
“Ano ba ang ginagawa ng bagong kasal? Hindi ba nagha-honeymoon?”
“Honeymoon?”She shivered with the thought. Magha-honeymoon pa ba silang dalawa? Pakiramdam niya ay gugulong na ang puso niya sa lupa sa sobrang kaba.
Ano naman ang nakain nito at kailangan pa nilang mag-honeymoon?
Kahit na kasal na sila, hindi sila nagsalo sa kama. Kung hindi kasi siya ang tulog, ito naman ang nagpapahinga. Pareho kasi nilang inasikaso ang mga bisita. Hindi pa nga niya naayos ang kuwarto nilang mag-asawa. Separate bedrooms seemed out of option. They really have to share. Hindi pa lang niya nadarama ang impact hanggang ngayon na magsosolo silang dalawa.
“Alam ko kung ano ang iniiisip mo. Na sana pinapili kita kung saan magandang mag-honeymoon? Siguro sa abroad o kaya sa ibang tourist spot dito sa Pilipinas. Sorry kung ako na ang nag-decide. You need some time alone. Nandito ka para magsulat, hindi ba? Kung ilalayo kita, baka masira pa ang momentum mo. Naabala na nga kita dahil inayos natin ang kasal natin.”
“H-Hindi. Kahit naman hindi na tayo lumayo sa bahay. Okay lang na doon ako magsulat. Kahit hindi na tayo mag-honeymoon. Baka nakakaabala ako sa trabaho mo.” Marami rin naman itong aasikasuhin sa Lizardo Bus.
“Nandoon sila Klein. Bago pa man ako dumating tumutulong na siya sa pagma-manage doon. Walang problema.”
“Si Lawrenz nga pala baka hanapin ako mamayang gabi. HIndi naman kasi sanay si Lawrenz na hindi ako nakikita bago matulog.” Well, it was not necessarily true. Umiisip lang siya ng paraan para di sila magtagal doon.
“Nag-usap na kami ni Lawrenz kagabi. Sabi ko kailangan nating gawin ito dahil matagal tayong di nagkita. And he understands. Sabi niya hindi na daw siya baby. Kinausap ko na sila Mama. Willing naman silang alagaan si Lawrenz. Sabi nga niya kung pwede daw pagbalik natin may baby sister na siya.”
Mariin siyang pumikit habang pigil ang hininga. Kung alam lang niya ang pabalik sa Lizardo Farm, maglalakad na siya ngayon pa lang.
“M-Matutulog muna ako,” sabi niya at pumunta na sa kuwarto niya.
“Sige. Mag-relax ka lang. Ako na ang bahalang magluto ng lunch.”
Mag-relax? Di niya alam kung magagawa pa niyang mag-relax habang sila lang dalawa ang nasa bahay. Di niya sigurado kung tatagal ba siya doon ng isang araw lang. Paano pa kaya ang isang linggo? Anong mangyayari sa kanila?
Raphael, bakit gusto mo akong patayin sa torture?
TAHIMIK lang si Zygryd habang kumakain ng tanghalian na iniluto ni Raphael. Masarap iyon kaya wala siyang masabi. Dati pa naman ay ito na ang madalas magluto para sa kanya. Pero ang totoo ay sumuko na siya na makakaalis siya doon nang hindi kasama si Raphael. Doon nga sila sa loob ng isang linggo.
“You don’t have to worry. We have a week’s supply. May mga tanim din na gulay sa likod-bahay. Doon na lang tayo kukuha kung kailangan natin. Dala ko ang laptop mo pati na rin ang reference mo. Ipinahanda ko rin ang damit mo,” paliwanag ni Raphael at nilagyan ulit ng panibagong serving ang plato niya.
“Sigurado ka na tatagal tayo dito nang isang linggo?”
Tumango ito at tinusok ng tinidor ang brocolli. “Oo. Kung sa bahay ka kasi, kukulitin ka lang ng mga tao doon. Hindi ka makakapagsulat. Lalo na’t si Lola gustong-gusto na makipag-kwentuhan sa iyo. You can’t stop her.”
“Okay lang sa iyo na makasama ako nang isang linggo?”
“Oo naman. Mas gusto ko nga dito dahil tahimik. Gusto ko rin namang magpahinga dahil ilang linggo rin tayong busy.”
It was no use. Hindi talaga ito makahalata na ayaw niyang magtagal doon. Ito ang madalas na galit sa kanya. Ngayon ay ito pa ang gustong magkasarilinan sila. Mas sanay kasi siya na di siya nito kinikibo. Ngayon ay parang bumalik lang sila sa normal noong di pa sila naghihiwalay. Bakit bigla itong nagbago sa kanya?
Hindi rin siya makapag-concentrate sa pagtatrabaho kahit na mag-isa lang siya sa kuwarto. Hapon na pero wala pa siyang nagagawa.
Paano sa gabi kapag silang dalawa na lang? Will they have a real honeymoon? Handa na ba siya para doon?
Napapitlag siya nang biglang pumasok ng kuwarto si Raphael. “Magbibihis lang ako,” anito at hinubad ang T-shirt.
Bigla siyang tumalikod pero parang tukso naman na nakaharap siya sa salamin. Nakita pa rin niya ito habang nagbibihis. Six years na ang nagdaan. He had a great body then but his muscles were more defined now. Mas nag-mature na rin ang itsura nito. As if he had been through a lot.
She remembered their wedding day when he pulled her against his body and kissed her. It sent shivers to her spine. Sabi na nga ba niya’t hindi magandang ideya ang honeymoon na iyon. Parang tinatakam lang siya nito.
“Anong gusto mong ulam?” tanong nito pagkapalit ng T-shirt.
Nakatunganga lang siya dito habang nakatitig sa salamin. “Ulam?”
“Pwede kitang ipagluto ng pinikpikan na may gulay kung gusto mo. Parang tinola iyon. But it tastes much better.”
“Raphael, do we really have to do this whole honeymoon thing?”
Natigilan ito sa paglabas sa kuwarto. “Yes. That’s what couples do.”
“We are not a normal couple. Hindi nga tayo magkasundo. You even hate me, remember? Tapos bigla ka na lang bumait sa akin. You do things that we did before. Hindi lang ako sanay. You don’t have to be nice to me if you don’t want to.”
Hinaplos nito ang pisngi niya. “Sorry if I was crass to you last time. Masyado lang akong nasaktan dahil hindi mo sinabi sa akin ang tungkol kay Lawrenz.”
“You don’t even have to apologize to me if you are not into it.”
“Kailan ba ako gumawa ng bagay na ayaw ko? I don’t do things out of politeness. Kapag galit ako, sinasabi ko. Kung nagbago man ako ay dahil na rin gusto ko. Asawa na kita. Hindi pwedeng lagi na lang akong magalit sa iyo. Naisip ko rin na habang magkasama tayo dito, pwede nating maayos ang problema natin.”
“Gusto mong magkasundo na tayo?”
“Wala namang masama kung magkaayos tayo. We used to be friends after all. Pwede pa rin nating ibalik ang dati.”
“Pero malaki ang kasalanan ko sa iyo.” Ganoon na lang ba iyon kadali?
“I will overlook that for Lawrenz. And besides, you are my wife now. We have to work things together. Ayoko nang saktan ka habang iniisip mo na nagdedesisyon ako para lang gantihan ka sa ginawa mo sa akin dati.”
Nakahinga siya nang maluwag. Kung masusunod ang gusto nito, hindi na niya kailangan pang mailang dito kapag magkasama sila. Wala na rin siyang iisipin pang galit mula dito. Di na rin niya pag-iisipan ng iba ang pag-aasikaso nito sa kanya.
Inilahad niya ang kamay. “Friends?”
“No.”
Nawala ang ngiti sa labi niya. “Akala ko ba…”
Hinila nito ang nakalahad niyang kamay. He kneaded her face and kissed her fervently. An unexpected sensation washed over her. It was like the first time they kissed where they were so hungry for each other. Naramdaman niya ang pagdagundong ng puso niya.
Habol niya ang hininga nang maghiwalay ang labi nila. She looked at him dazedly. They had just kissed. A real kiss.
Gumuhit ang ngiti sa labi nito. “Now you know why we can’t be friends. Imposible iyon, Zygryd. You are my wife. Maybe you should start to realize that role.” Binitiwan siya nito. “Tatawagin na lang kita kapag ready na ang dinner.”
Nanginginig ang buong katawan niya nang mag-isa na lang siya sa silid. Nakatulala siya sa kisame nang humiga sa mat. Mukhang unti-unti nang ipinapakita ni Raphael ang totoong ibig sabihin ng honeymoon. Ano ang gagawin niya?
As if she could do anything about it. Kung anuman ang mangyayari sa kanila sa gabing iyon, tiyak na magiging sunud-sunuran lang siya kay Raphael.
HINDI makatulog si Zygryd nang gabing iyon. Dapat ay nagpapahinga na siya pero nasa sala lang si Raphael at nagbabasa ng libro. Honeymoon nila. Paano kapag pumasok na si Raphael sa kuwarto nila? Ano ang gagawin niya?
Bumangon siya sa pagkakahiga at nilagpasan si Raphael pagpunta niya sa kusina. Naghalughog siya sa cabinet. Napangiti siya nang makita ang hinahanap. May iba’t ibang klase ng wine na naroon. May cherry wine, wild berry wine at rice wine. Dinampot niya ang rice wine. Alam niyang nangako siya sa sarili na di na iinom niyon. Isang shot lang naman ang kailangan niya.
Nakadama siya ng ginhawa nang gumuhit ang alak sa lalamunan niya. “Well, that one is good.” Nabawasan na rin ang kaba niya.
Magsasalin pa sana siya ng isa pa nang lapitan siya ni Raphael. “Akala ko ba ayaw mo nang uminom ng rice wine?”
“Isang shot lang iyon. Hindi kasi ako makatulog. Gusto mo rin?” alok niya.
Itinabi nito ang bote sa cabinet. “Hindi mo kailangan iyan para makatulog.”
“Ano ngang gagawin ko kung di ako makatulog?” She was dying of anticipation. Ano ba ang plano nitong gawin sa gabing iyon?
Hinila siya nito patayo at hinapit ang baywang niya. “Sino ba ang may sabi sa iyo na pwede kang matulog sa gabing ito?” bulong nito sa kanya.
Then he possessed her lips in a sweet kiss. She didn’t think twice when she felt his lips against hers. Bahagya niyang ibinuka ang labi bilang imbitasyon. Raging, ripping desire was totally consuming her. The effect of the rice wine was nothing compared to the effect of his kiss. It is more intoxicating.
He slid her hands over her back, pressing her against him. Naglakbay ang labi nito sa pisngi niya at leeg. Gasping for breath, she pressed her lips against his throat. She smelled his musky scent and sensation spread though her body.
It was the first time they kissed made love. Only this one was much stronger. Daig pa nila ang dalawang nilalang sa disyerto na noon lang nakatagpo ng tubig.
Binuhat siya nito upang dalhin sa kuwarto subalit di pa rin naghihiwalay ang mga labi nila. He started shedding her clothes off. And he was trailing kisses every time a part of her skin was exposed. Until she was totally exposed to him.
His eyes adored her. “I could remember the first time we made love, Zygryd. I could remember the first time we made love. Even the night we made our son. Sana hindi na lang ako umalis. Sana nanatili na lang ako sa tabi mo kahit na sinabi mo sa akin na hindi mo ako mahal.”
“Raphael…” Marami siyang gustong sabihin dito. Marami siyang gustong ipagtapat. Ang lahat ng kasinungalingan niya. Ang tunay na nararamdaman niya pati na rin ang tungkol kay Lawrenz.
But he only silenced her with a frenzied kiss. It was not the right time for revelation. Oras iyon ng pag-iisa. Wala na siyang kailangan pang isipin kundi ito lang. She waited for him for a long, long time. Ngayong magkasama na sila, hindi na niya hahayaan na magkalayo sila.