Chapter Raphael, Sunset Shadow: Chapter 19

Matamang nakikinig si Zygryd sa matatanda ng Demang sa iba’t ibang kwento ng mga ninuno ng mga ito. Kasama niya si Dinah na siyang nagpapaliwanag ng iba’t ibang kultura doon. The elders were so eager to tell stories. Palibhasa ay di na interesado sa mga bagay na may kinalaman sa pagpepreserba ng kultura ang ibang mga kabataan.

Maraming bahagi ng kultura ang namamatay na dahil sa pagpasok ng makabagong ideya. Subalit ang iba ay naniniwala pa rin na ang pagsunod sa tradisyon at nakaugalian na ay nagdadala ng magandang buhay sa bawat taong nakatira sa Sagada. After all, it was what made Sagada unique.

“Maganda rin kung makikita mo ang mga hanging coffins at burial caves. Bawat hanging coffins at burial caves ay may iba’t iba ring characteristics. You should ask your husband about it,” suhestiyon ni Dinah.

“Sasabihin ko rin po na samahan niya ako bukas,” aniya at nagpasalamat dito. Kinawayan niya si Raphael na nakikipagkwentuhan sa isa sa mga kaibigan nito.

Lumapit ito sa kanila ni Dinah. “Tita, sumabay na po kayong umuwi sa amin.”

“Hindi na. I have to visit my uncle here in Demang. Mabuti pa umuwi na kayo. Balita ko kasi nasa honeymoon pa kayo. Ayokong makaabala.”

Namula siya nang mabanggit ang salitang honeymoon. Mabuti na lang at di iyon napansin dahil na rin sa sinag ng papalubog na araw. Halos di sila mapaghiwalay ni Raphael sa loob ng tatlong araw. Wala silang ginawa kundi ang magkwentuhan sa mga bagay na nangyari sa loob ng anim na taon na di sila nagkasama. Parang di sila mauubusan ng kuwento.

Sa gitna ng pagkukwentuhan, bigla na lang silang magkakatinginan. They would reach out for each other and kiss. And it won’t stop with just a kiss. They couldn’t seem to get enough of each other.

Dahil doon ay di niya maasikaso ang isinusulat niya. Nagdesisyon na itong ilabas siya para makapag-research siya. Alam kasi nito kung gaano kaimportante ang trabaho niya sa kanya.

“Napagod ka ba sa interview mo?” tanong ni Raphael.

“Yeah! Parang hindi sila nauubusan ng energy sa pagkukwento. Buti naka-on ang digital recorder ko. Mas mabilis pa silang mag-English kaysa sa akin.”

Hinaplos nito ang buhok niya at ini-start ang sasakyan. “Willing namang tumulong ang mga tao dito. We are really proud of our culture.”

“Pwede ko bang isama si Lawrenz bukas kapag umalis tayo? Kapag kasi nag-I-interview ako noon kasama ko siya.”

“Nagsasawa ka na bang kasama ako?”

“Nami-miss ko rin naman si Lawrenz. Saka gusto ko rin siyang ma-expose sa culture dito. After all, this will be his home.”

“Okay. We will fetch him tomorrow morning. Basta ibabalik din natin siya sa farm dahil balik tayo sa honeymoon suite natin. Di pa tapos ang one week natin.”

“Puro ka talaga kalokohan.” Lumingon siya sa labas at pinagmasdan ang papalubog na araw. Tinapik niya ang braso mo. “Stop the car.”

“Bakit?” tanong nito.

“Halika!” Tumayo siya sa gitna ng kalsada. “Look! The sunset looks great. Hindi ko alam na maganda rin pala na ang sunset dito.”

Nagmimistulang ginto ang mga bundok at ang palayan. It has its own charm. “Well, I haven’t watched sunset for a long time.”

“Bakit naman? Hindi ba gusto mong laging nanonod ng sunset?”

Umuklo ito at pinagmasdan ang paglubog ng araw. “I stopped. Malungkot manood ng sunset nang mag-isa. Lagi lang kitang naaalala. Nami-miss lang kita.”

“Talaga? Nami-miss mo ako?” tanong niya at pinisil ang pisngi nito.

He remained serious. Mukhang di nga ito nakikipagbiruan sa kanya. “Hindi mo alam ang pakiramdam kapag nawala sa iyo ang taong importante sa iyo. Kapag nakikita ko ang sunset noon, masaya ako kasi alam kong paggising ko bukas nasa tabi pa rin kita. But since you’ve been gone, parang wala na akong rason para maghintay ng bukas. I don’t even care if there is tomorrow anymore.”

Niyakap niya ito mula sa likuran. “Sorry kung nasaktan kita, Raphael.”

Hindi niya alam na importante pala siya dito. Akala niya ay si Avon lang ang importante dito. Siguro nga ay mas masakit pa sa pagkawala ni Avon ang ginawa niya. He trusted her and in the end, she pushed him away. Pero may dahilan siya. At sa mahabang panahon, alam niyang tama ang ginawa niya.

Tinapik nito ang kamay niya. “You can’t help it sometimes.”

“No. Naging ruthless ako sa iyo. I turned my back on you. Nang dahil sa akin, mahabang panahon kang hindi masaya. Naging malamig ka rin kahit sa pamilyang matagal mo nang hindi nakita. I am so sorry.”

Kung alam lang nito kung paano din siya nasaktan nang malayo dito. Na sana ay magkasama sila sa halip na magkalayo.

“Hindi mo iyon kasalanan, Zygryd. That’s how I cope. It is my way of surviving. Kapag wala na ang sakit, unti-unti rin akong babalik sa dati.”

Unti-unti nang naglaho ang liwanag ng araw. Dahan-dahan na ring bumaba ang ulap sa mga pine trees na nakapaligid sa kanya. Lumalamig na ang paligid pero walang sinuman sa kanila ni Raphael ang gumalaw kahit palatag na ang dilim.

“Raphael, naalala mo ba ang panaginip mo noon? Na wala kang naalala maliban sa lugar na puro pine trees at bumababa ang mga ulap. Ito ang lugar na iyon, di ba? This is your paradise?”

“Yes. This is my paradise indeed.” Tumayo ito at ginagap ang kamay niya. “Dito ko natagpuan ang pamilya ko. Dito ko kayo natagpuan ni Lawrenz. Natupad ang pangarap ko na makasama ka.”

Pinisil niya ang kamay nito. “Raphael, maniniwala ka ba kapag sinabi ko sa iyong mahal kita?” She had been dying to tell him the truth. Kung masasabi lang niya dito kung ano ang tunay niyang nararamdaman, makakahinga siya ng maluwag.

“You don’t have to.” Then he claimed her lips.

Hindi niya alam kung anong ibig nitong sabihin. HIndi na ba niya kailangan pang sabihin dahil nararamdaman nitong mahal niya ito? O hindi na ito maniniwala pa sa kanya kaya mabuti pang huwag na lang niyang sabihin.

Hindi na siya nagtanong pa. Baka ang huli ang isagot nito.

NAKANGITI si Zygryd habang pinagmamasdan ang picture nilang tatlo nila Raphael at Lawrenz. Iyon ang picture nila noong kasal nila at ginawa niyang wallpaper sa laptop computer niya. Sa ganoong ayos siya naabutan ni Raphael. “Coffee?” alok nito at inilapag ang coffee mug sa tabi ng laptop niya.

“Thank you.” Kapag busy siya sa pagsusulat ay inaasikaso siya nito. Alam kasi nito na nakakalimutan niyang kumain kapag nakatutok siya sa trabaho.

Pinagmasdan din nito ang picture nila. “I wonder how you survived everything. Ipinagbuntis mong mag-isa si Lawrenz, pinalaki mo siyang mag-isa at hindi ka humingi ng tulong sa iba.”

“Hindi naman ako pinabayaan ng tita ko sa California. During the first months, she helped me in taking care of Lawrenz.” Nasa Pilipinas siya nang ipanganak si Lawrenz. She was during her research for her first novel then. Ang alam ng karamihan ay nasa abroad siya. Nang ipanganak si Lawrenz ay saka lang siya pumunta sa California. “He was around two when I started traveling. Mas madali na siyang I-manage noon. Nabibitbit ko na siya kahit saan.”

“But it is not easy to take care of a kid like him and travel. Nakita ko kung gaano siya kakulit at kalikot. Buti hindi ka pumayat sa kanya.”

Natawa lang siya. “Mabait na bata si Lawrenz. Sa palagay ko nagiging makulit lang siya ngayon dahil may daddy siya na super spoiler.”

“I am guilty as charged.” Hinila nito ang upuan sa tabi niya at tinitigan pa ang picture nila. “Sino ba sa atin ang kahawig ni Lawrenz? Parang wala naman.”

“Ha?” Biglang dumagsa ang kaba sa dibdib niya. “B-Bakit mo naman nasabi na wala siyang kamukha sa atin? Tayo ang parents niya.”

“Hindi siya singkit. Kaming dalawa ni James singkit.” Siya naman ang tinitigan nito. “Medyo magkahawig ang mata nito.” Ibinalik ulit nito ang tingin sa picture.

Umiling ito. “I give up! Mas magkahawig ang mata ninyo at mukhang wala siyang nakuha sa akin.”

“Whatever the genes are, he is still our son. Nagkataon lang siguro na wala siyang nakuha tungkol sa atin. Minsan naman ganoon, di ba?”

Natawa ito at ginagap ang kamay niya. “Relax! Hindi ko naman sinasabi na hindi natin anak si Lawrenz. I love him even if he doesn’t look like us.”

She shut down the computer. Parang bigla ay ayaw niyang tingnan ang picture nilang mag-anak. “Matulog na tayo. We have to see the begnas festival tomorrow. Importante pa iyon sa research ko.” It was Sagada’s cultural festival with lots of playing of gangsa, dancing and religious rites.

“After that, we have to visit your parents,” he reminded. “Gusto ko na nandito tayo sa All Saints Day. Mahirap sumabay sa rush ng dadalaw na mga tao sa Manila.”

“ Raphael, pwede din ba nating dalawin ang libingan ni Avon? Minsan lang kami nakadalaw sa kanya ni Lawrenz. One week naman tayong wala dito, di ba?”

Wala kasi sa Manila ang puntod ni Avon. Bago ito mamatay ay ibinilin nitong sa probinsiya katabi ng puntod ng ama ito ilibing.

Tumango ito. “Sige.”

“Dinadalaw mo rin ba ang libingan niya noon?” di niya mapigilang itanong. Kung nadadalaw nito ang magulang niya, lalo naman si Avon na importante dito.

“Minsan lang,” walang buhay nitong sagot.

“Bakit?” Importante si Avon dito. Bakit minsan lang nito dinalaw?

“Zygryd, mabuti pa matulog na tayo. O gusto mong huwag na lang tayong matulog?” anitong may pilyong ngiti sa labi. Ngiti lang ang isinagot niya at niyakap na siya ni Raphael. Avon or anything else didn’t matter anymore.

MALAKAS ang hangin nang dumating sila Zygryd sa Gumaca, Quezon. Nakalibing si Avon sa tabi ng namayapa nitong ama. Naghiwalay ang mga magulang nito noong pitong taon si Avon. Namatay ang Papa nito bago pakasalan ng Daddy niya si Imelda. Kaya naman sabik si Avon sa ama.

“Lawrenz, naalala mo ba ang ikinukwento ko na kapatid ko sa iyo noon?” tanong niya dito matapos ilapag ang dalang bulaklak.

“Opo. Si Tita Avon!” sagot ni Lawrenz.

“Dito siya nakalibing. Katulad nila Lolo at Lola, nasa heaven na rin siya.”

Lumabi si Lawrenz. “Bakit po siya namatay? Nagkasakit din po siya?”

Tumango siya. “Yes.”

“Hindi ko alam na may sakit siya noong tumakas siya,” wika ni Raphael. “Sana sinabi niya sa iyo para maalagaan mo siya.”

“She wanted freedom from Oscar that time.” Nanatiling nakatuon ang tingin niya sa puntod ni Avon. “Gusto niya siguro ng katahimikan bago siya mawala.”

“Magkalapit lang pala ang birthday ni Lawrenz at death anniversary ni Avon. Ten days lang pagkapanganak ni Avon siya ipinanganak,” puna ni Raphael.

Awtomatiko niyang niyakap si Lawrenz. Naalala pa niya nang araw na dalawin niya si Avon sa libingan na iyon. Yakap-yakap pa niya si Lawrenz.

“Mommy, nalungkot ka po nang mamatay si Tita Avon?” tanong ni Lawrenz.

“Yes. Kapatid ko kasi siya.” Kahit na marami silang di pinagkasunduan, minahal niya si Avon sa sarili niyang paraan. “Pero hindi ako masyadong nalungkot kasi dumating ka sa buhay ko. You are the one who makes me happy.”

“At si Daddy din po,” dagdag ni Lawrenz.

Ngumiti siya kay Raphael. “Of course. Kasi kumpleto na tayo.”

Paalis na sila ng sementeryo nang masalubong nila si Oscar. Ito ang taong ayaw na ayaw na niyang makita kahit kailan.

Natigilan ito sa paglalakad nang makita sila. “Long time, no see!” anang si Oscar at ngumiti nang lapitan sila. “Nakakainggit naman kayo. You look like one big happy family.” Umuklo ito sa harap ni Lawrenz. “Malaki na pala ang anak ninyo.”

“Hello, Sir!” bati ni Lawrenz dito.

Hinila niya agad si Lawrenz palayo. “Paalis na kami,” aniya lang.

“I saw your wedding at the papers. Congratulations!” anang si Oscar. “Well, you are one of the most celebrated couples in Cordillera now. Napaka-romantic ng story ninyo. Nakakainggit. Nagtatampo lang ako kung bakit hindi ninyo ako inimbitahan sa kasal ninyo.”

“Mga kapamilya at kaibigan lang ang imbitado,” sagot ni Raphael sa pormal na boses. Until now, he considered Oscar as his worst nemesis. “We have to go.”

“Ipapahabol ko ang regalo ko sa inyo!” pahabol ni Oscar nang palayo na sila.

Kumaway si Lawrenz dito. “Bye, Sir!”

Dali-dali niyang isinakay si Lawrenz sa kotse at isinara ang pinto. “Umalis na tayo dito, Raphael.”

Nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan si Lawrenz. “Mommy, babalik pa po ba tayo dito? Makikita ko pa po ba iyong lalaki kanina?”

“Hindi mo na siya kailangang makita ulit, Lawrenz.” Hangga’t maari ay ayaw na niyang makilala pa ng anak niya si Oscar. He was a dark part of their past.

Nagsalubong ang mata nila ni Raphael. Matiim ang mga iyon. He felt the same way. Di mabuting magkaroon pa sila ng kaugnayan kay Oscar lalo na si Lawrenz.Mariin siyang pumikit. Ayaw na niyang bumalik ang multo ng nakaraan nila.

KAGAGALING lang sa opisina ng abogado sina Zygryd at Raphael. Napalitan na kasi ang apelyido ni Lawrenz. Isa na itong Lizardo. Naging legal lang iyon nang ikasal na sila ni Raphael. Napansin niya na titig na titig ito sa birth certificate. “Raphael, baka naman mabura na ang sulat sa katititig mo,” kantiyaw niya.

“Bakit nga pala sa Quezon ang birth certificate niya? Akala ko sa Palawan ka naglagi habang ipinagbubuntis mo siya.”

“Ha?” Sandali siyang di nakasagot. “May monastery sa Quezon na may library ng old files ng mga Spanish missionaries. Doon ako nag-research. Kabuwanan ko na noon kaya di na ako bumalik agad sa Palawan.”

“Nagbibiyahe ka pa rin kahit na buntis ka?” bulalas nito. “Paano kung may nangyaring masama sa iyo noon? Hindi ka man lang nag-iisip.”

Napatingala siya. “I am safe. Lawrenz is a normal kid. We are okay.”

Nanatiling matiim ang anyo nito. “We will discuss this later.”

Tumahimik na lang siya dahil tiyak na uulanin na naman siya ng sermon. Pagdating sa bahay ay sinalubong agad ito ni Amrita. “Hijo, naghihintay na sa iyo sila Colonel Olivarez sa library.”

“Thanks, Ma,” anito at tumuloy na sa library.

“Sino po si Colonel Olivarez, Tita?” tanong niya.

“Siya ang head ng Philippine Drug Enforcement Agency dito sa Cordillera. Malaki kasi ang naitutulong ng mga koneksiyon ni Raphael sa pagsu-surveillance sa mga lugar na ginagawang marijuana plantation ang mga bukid. Iyon kasing ibang mga farmers, ini-intercrop sa mga pananim nila ang marijuana. Hirap kasi sila dahil walang maayos na farm to market road. Iyon ang sinasamantala ng mga drug lords. Iyong kahirapan ng ibang mga tao.”

Di niya akalaing involve pala si Raphael sa ganoong klase ng aktibidades. Napakaselan kasi ng ginagawa nito. Papadaan siya sa library nang bumukas ang pinto. “Thank you for the help, Raphael. Don’t worry, hijo. We will make sure that this time, we will pin down Oscar dela Merced. Lulumpuhin natin ang mga marijuana plantation niya sa buong Pilipinas,” anang si Col. Olivarez at kinamayan si Raphael.

Si Oscar ang nagmamay-ari ng mga malalaking marijuana plantation? Kaya ba tutok na tutok si Raphael sa operasyon. Akala niya ay wala na itong pakialam kay Oscar. Di niya alam na mino-monitor pa nito ang kilos ng lalaki.

“Susunduin na ba natin si Lawrenz?” untag ni Raphael sa kanya.

“Yeah. Hinihintay lang kita.”

Di na nito kailangang malaman pa na may narinig siya. Wala itong ginagawang masama. Hindi naman ito ng drug lord. Natatakot lang siya dahil si Oscar ang kalaban nito. Mukhang mas makapangyarihan at mas masama na si Oscar ngayon. Ayaw niyang mapahamak si Raphael dahil dito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.