“Shandie, ang sweet nila kanina, di ba?” tanong ni Klein sa kanya habang nakahiga ito sa kandungan niya. Nasa porch sila ng loghouse. Gusto daw mapanood ni Klein ang buwan. Madalang daw kasing makita ang buwan at bituin sa lugar na iyon dahil palaging natatakpan ng ulap.
“Sinong sila?” tanong niya habang hinahaplos ang buhok nito.
“Sila Rayanne at Alex, Kuya Arthur at Ate Sapphire. Hindi ka ba naiinggit sa kanila?” Kagagaling lang nila sa dinner kasama ang mga ito. Wala pa sila halos sampu pero maa-out of place ang walang ka-partner. Mabuti na lang at kasama ni Sapphire ang French artist na kaibigan nito kaya may nakasama ito.
“Ano naman ang ikaka-inggit ko kung may guwapo akong boyfriend?”
“Look, karamihan ng pinsan ko engaged o may asawa na. Kaedad ko lang si James pero malapit na siyang ikasal. Kasal na si Ate Sapphire. Isama mo pa si KC at si Evaine. They are deeply committed.”
“So what?” Hindi naman ito napag-iiwanan dahil may girlfriend ito.
“Wala ka bang balak na pakasalan ako?”
Tumawa siya nang malakas. “Klein! Ilang araw pa lang tayong nagkakasama ulit, kasal na agad ang pinag-uusapan natin.”
Bumangon ito. “Look, I am serious. I really want to marry you. Naghintay na ako ng ilang taon. Alam mo ba na iyon naman talaga ang gusto ko oras na magkita tayo. Aalukin kita agad ng kasal.”
She framed his face with her hands. “Klein, this is crazy! I believe that you are dead serious and you scared the hell out of me,” mariin niyang sabi.
“Anong nakakatakot sa tanong ko? Most girls would die just to hear me offer them marriage. Natural lang na alukin ng kasal dahil girlfriend kita. Doon din naman tayo mauuwi, di ba?”
Tumayo siya. “You are pressuring me!”
“I am not!”
Pilit siyang ngumiti dahil tumitindi na ang tensiyon sa pagitan nila. That question about marriage was unexpected. She was caught off guard. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito na wala pa siyang balak na magpakasal. Ayaw niyang basta-basta na lang magdesisyon.
Kinintalan niya ito ng halik sa labi. “Klein, huwag muna nating pag-usapan ang tungkol sa kasal. Bata pa ang relasyon natin. Both of us are still young. Let’s enjoy our relationship first. Then we’ll discuss it at the right time.”
Sa halip na huminahon ay lalong tumiim ang anyo nito. “So that’s how you see me, Shandie? Parang laruan na pwede mong ma-enjoy. Hanggang ngayon pala laro pa rin ang tingin mo sa relasyon nating dalawa.”
Yumakap siya dito. “Klein, you know that I love you.” Nasaktan niya ito dati. Tinitiyak nito kung seryoso siya. That’s why she wanted to make sure that they were always together so he would feel her love. Pero ibang usapan na ang kasal.
“You said so,” he said in a cold voice. “But for how long? Hanggang makabalik ka sa Manila? Isang buwan? Dalawang buwan?”
“Klein! Kahit kailan hindi ko binibigyan ng deadline ang nararamdaman ko.” Ngayon pa lang siya nagka-boyfriend. Of course she wanted their relationship to last.
“Do you see me in your future? Or what we have would be as good as it lasts? Baka kapag nakakita ka na naman ng ibang Alex, kalimutan mo na ako.”
“Wala kang tiwala sa akin? Ang sinasabi ko lang, huwag tayong magmadali. We are more matured now. Kaya ine-expect ko na maiintindihan mo ako. Ayoko pang sagutin ang tanong mo tungkol sa kasal.”
“I am not asking you to marry me right away. I just want a guarantee our relationship would last forever. Something as lasting as marriage.”
“Wala pa akong planong magpakasal. Not in the near future dahil hindi pa tayo sigurado sa isa’t isa. I don’t want to commit mistakes!”
His face hardened. “And I want a commitment. A real one. Gusto ko rin na matiyak mo sa akin na ako nga ang gusto mong makasama habambuhay. And if you can’t give your guarantee, let’s end this now.”
Ayaw pa mandin niya sa lahat ay pine-pressure siya. She had her own mind. Magpapakasal siya kung kailan niya gusto at hindi siya nito kailangang takutin. Nasasakal siya. “Kung hindi mo ako kayang hintayin, mabuti pang maghiwalay na lang tayo. Uuwi na ako bukas.”
“BALITA ko may loverboy ka sa Sagada,” sabi ni Jack at siniko siya. Nagkita-kita silang magkakaibigan para hingan sila ni Jade ng pasalubong.
“Maging cousin-in-law na kita,” excited na sabi ni Evaine.
“Si Klein?” Tumili si Richelle. “Kasama mo ba siya dito? Nasaan?”
“Break na kami,” she stated bluntly.
“Bakit?” tanong ni Maeia. At lahat ay tiyak na iyon din ang tanong.
“Wala. Gusto ko lang.” In-straight niya ang isang double-shot ng tequila. “So I don’t want to discuss it, girls.”
Nagpakita nga si Klein sa kanya bago sila umalis ni Jade ng Sagada. Pero para lang ibilin siya kay Jade at sa driver. Hindi sila nag-usap. Ni hindi niya ito tiningnan. Their relationship just ended that way. Kaya nagpapakamatay na lang siya sa trabaho para hindi na niya ito maisip.
“Bakit sila nag-break, Jade?” tanong ni Leila.
“I don’t know. Klein refused to discuss it either. Ni hindi nga siya humihingi ng advice sa akin. Mukhang gusto nilang sarilihin na lang.”
“He asked me if I want to marry him,” sa wakas ay umamin din siya. “And I told him that I am not sure.”
“Wrong answer!” sabi ni Sicily. “You don’t tell a guy that you are not sure. Talagang maiinis iyon sa iyo. Napaka-anti-climatic noon para sa romantic proposal.”
“He is pressuring me!”
“Hindi mo lang naiintindihan si Klein,” depensa ni Jade dito.
“Hindi ko talaga siya maintindihan!” aniya at inirapan ito. As usual, kinakampihan na naman nito ang lalaki.
“Klein wants a stable relationship. Ayaw niyang matulad sa nangyari sa relasyon ng mga magulang niya.” Natigilan siya at nakinig sa kwento ni Jade. “His mother was a travel magazine writer. She loved her work so much. Nang nag-offer ng kasal ang daddy ni Klein, she refused. Kinailangang mabuntis ng mommy ni Kurt para lang maikasal sila. And her mother hated every minute of it. Gusto niyang I-enjoy ang pagiging single. Klein had a rocky childhood. Masyadong na-sentro sa mommy niya ang atensiyon ng daddy niya. And he didn’t feel that his mother love him at first. His parents separated when he was five. He grew up with his grandparents. Nagkabalikan ang parents niya nang nine years old na siya.”
Naramdaman niya ang paghihirap nito. Ang hindi makadama ng pagmamahal mula sa mga taong minahal nito. “Kaya niya ako pinipilit na magpakasal. Hindi ako katulad ng mommy niya. I love him pero hindi pa ako ready ngayon,” katwiran niya.
“He is not forcing you to marry him right away,” salo ni Evaine. “All he wanted was a guarantee that you are serious. That someday you will marry him.”
“He waited for so long,” dagdag ni Jade. “You can’t blame him if he had doubts. He lost you once.”
“Saka mahal ka ni Klein. Natural lang ang ganoon sa lalaki,” sabi ni Maeia. “Try to work things out.”
Humalukipkip siya. “Siya muna ang mauna.”
“Walang mangyayari sa pride-pride na iyan,” sabi ni Richelle at hinampas siya sa braso. “If you really love him, do the first move before it is too late.”
GUSTO nang sumuko ni Shandie nang sumakay siya sa elevator. Mabuti na lang at isa lang ang kasakay niya sa elevator. Napapikit siya. She smelled the invigorating scent of pine trees and cool air mixed with a masculine scent. Like Klein.
“You had a long day, Shandie?”
Umangat ang tingin niya sa nagsalita. “Klein! What are you doing here?”
He looked good enough to eat. Habang mukha siyang pindangga dahil ilang araw siya nitong hindi pinatulog. She was tempted to call him but her pride stopped her. Dinadalaw ba siya nito? Did he miss her and he wanted to take her back?
“I visited a special friend. She’s occupying the penthouse suite,” he answered with a smile. Special friend? Parang nananadya ito. Akala niya ay siya ang dinadalaw nito iyon pala ay ang ‘special friend’ nito. Sino naman iyon?
“Matagal mo na bang kakilala ang special friend mo?” Hindi niya magawang maitanong kung sino ang kaibigan nito. Basta ang alam niya ay babae iyon.
“She’s my classmate during elementary and high school. We know each other pretty well.”
“Is your special friend the type who wants to get married right away?”
“Yes. Actually, she has plans to get married soon. Baka madalas tayong magkita. I will visit her more often. Bye, Shandie.”
He walked out of the elevator as soon as the door opened. Hindi siya agad nakagalaw sa kinatatayuan. May plano nang magpakasal si Klein sa iba? Ilang araw pa lang mula nang maghiwalay sila. He already made a drastic decision. Ganoon lang ba niya kadaling isusuko ang pagmamahal niya?
“EMMETT, sabihin mo na sa akin kung sino ang nag-o-occupy ng penthouse suite,” pakiusap ni Shandie dito. Isa ito sa nasa front desk ng hotel.
“Bakit mo itinatanong iyan? Di ba kaya mo ako inilibre ng dinner dahil may gusto ka sa akin?” nakangising sabi nito at sumubo ng steak.
Napangiwi siya. Hindi naman kasi ito kaguwapuhan pero akala nito ay may gusto dito ang lahat ng kababaihan. “Gusto mong ikaw ang magbayad nito?” Inilibre niya ito sa class na restaurant sa Oriental Hotel para makunan ito ng impormasyon. “Sagutin mo nang maayos ang tanong ko at baka layasan kita.”
Tumigil ito sa pagkain at nag-isip. “Michelle Schneider. Iyon siya!” Itinuro nito ang isang blonde na palabas ng restaurant. Naka-abrisyete ito sa lalaking may Latino features. “Ang sexy niya, di ba? Ang ganda. Iyan ang type ko!”
“Sino ang lalaking kasama niya?” tanong niya.
“Boyfriend niya.”
Humigpit ang hawak niya sa steak knife. “But she’s marrying Klein.”
Ang kapal naman ng mukha ng babaeng iyon para lokohin si Klein. Oo, nasaktan marahil niya si Klein nang ilang beses. But she was honest to him. Di tulad ng babaeng ito na ikakasal na kay Klein pero nanloloko pa nang talikuran. Kung nawala lang siya sa sarili niya, baka nakalbo na niya ang blonde hair nito.
“Sino si Klein?” usisa ni Emmett.
Sinenyasan niya ang waiter at kinuha ang bill. “I have to go, Emmett. Tapusin mo na ang pagkain mo,” aniya at tumayo. “Thanks for the help.”
“Shandie, di pa rin kita type kahit na cute ka!” anito at itinuloy ang pagkain.
Kinawayan lang niya ito. She tried to call Klein. She had to tell him about the girl he was planning to marry. But his cellphone was off. Wala siyang choice. She had to see him right away. Hindi siya papayag na tumunganga lang habang ang lalaking mahal niya ay mapupunta sa babaeng hindi ito mahal.
Tinawagan niya agad si Jade. “Hey, friend! Ibigay mo naman sa akin ang address ni Klein sa Manila.”
“Sure.” Ibinigay nito sa kanya ang tinutuluyan ni Klein. Sa isang penthouse condo sa pusod ng Makati iyon matatagpuan. “Will you win him back?”
“I would definitely win him back. Thanks, friend!”
Pinara niya ang paparating na taxi at ibinigay sa driver ang address ni Klein. Paulit-ulit niya itong tinangkang tawagan. Subalit nakarating na siya sa condo nito ay naka-off pa rin ang cellphone. She rang the doorbell of his condo. Pero walang tao.
Inis niyang hinampas ang button ng doorbell at tinawagan ulit si Klein. “Where the hell are you, Klein? Stupid!”
He was not home. He was not answering the cellphone either. Napasandal siya sa glass wall ng penthouse nito. Hihintayin niya ito. She would make sure that he wouldn’t commit the biggest mistake of his life.
NAGISING si Shandie na masakit ang katawan. Pero hindi iyon ang nakapagpa-balikwas ng bangon sa kanya. She was in an alien room. She was sure it wasn’t hers because it was so masculine. Nahawakan niya ang ulo. Ang huli niyang natatandaan ay nakatulog siya sa paghihintay kay Klein sa labas ng penthouse nito. Alas dos na ng madaling araw ay di pa ito umuuwi pero nag-vigil pa rin siya.
Bumaba siya sa kama upang I-explore ang kuwarto. Madilim pa sa labas. Nang tingnan niya ang digital clock ay pasado alas kuwatro na ng madaling araw. Biglang bumukas ang pinto at napabalik siya sa kama.
Then Klein entered the room like a dream. The brown crumpled laced up shirt and his stripped trousers showed his gentle yet masculine side. “Gising ka na pala.”
Napalunok siya. Her brain was paralyzed for a while. Kagabi ay naka-battle mode siya. Aggressive siya kagabi. Ngayon ay limas ang tapang niya. Humarap kasi ito sa kanya nang magulo ang itsura niya. Ni hindi man lang siya nagsuklay.
She combed her fingers through her hair. “How did I get in here?”
“Nakita kita sa labas. Napagod ka yata kahihintay sa akin. Ni hindi ka natinag kahit nang buhatin kita.”
Too bad she missed that one. “I was trying to call you but your phone is off.” Pasimple niyang isinuot ang pumps. “I-I have to go, Klein.”
“I’m sure may importante kang pakay sa akin kaya ka pumunta.”
“Can I fix myself first before we talk?”
“Sure.” Saka siya nito iginiya sa restroom. Naghilamos siya at nagpaganda. Para naman sa muli nilang paghaharap ay may kompiyansa na siya. Wala na ito sa kuwarto paglabas niya kaya bitbit ang gamit ay tumuloy siya sa sala. A cup of coffee and a basket of freshly baked bread were prepared at the center table.
“Thank you,” usal niya nang abutan siya ni Klein ng brewed coffee.
Pinagsalikop nito ang palad at sumandal sa sofa. “So what would you like to discuss with me?” he asked suavely.
“About the girl you are planning to marry. Michelle Schneider, right? Seryoso ba talaga siya na pakasalan ka?”
“That’s what she told me,” he answered casually then sipped a cup of coffee.
Lumikha ng ingay ang tasa ng kape nang ilapag niya iyon sa saucer. “Are you desperate? Magpapakasal ka sa isang babaeng manloloko?”
Nagsalubong ang kilay nito. “Manloloko?”
“Yes. I saw her with another guy!” nagpupuyos niyang sika. Dahil kung di lang siya nakapagpigil ay baka nasabunutan na niya ang babaeng iyon. “He is a gorgeous Latino. They were so sweet. Iyon ba ang magpapakasal sa iyo? Iyon ba ang matagal mo nang panahong kakilala?”
“And what are you suggesting that I should do?” tanong nito. Ni hindi man lang naapektuhan sa panloloko ng babaeng iyon samantalang siya ay gusto nang kumuha ng tabak at magsimula ng rebolusyon.
“Marry me instead.” Bumadha ang pagkagulat sa mukha nito. Maging siya ay nagulat sa sinabi niya. Pero hindi na niya mababawi pa. “Yes, I’m serious!” tuwid ang tingin niyang sabi. “Hindi ko alam kung bakit pakakasalan mo ang babaeng iyon. Kung nagrerebelde ka sa akin o gusto mo lang sirain ang buhay mo. Nasaktan kita. But I won’t let you ruin your life!”
“And why would you sacrifice yourself for me?”
“Because I love you.” Nang hindi ito nagsalita ay lakas-loob niya itong niyakap. “I won’t let you love another woman, Klein. You already gave me your heart. Di ako papayag na magpakasal ka sa iba dahil maghuhurumentado ako.”
“Akala ko hindi ka sigurado sa akin?” tanong nito at bahagya siyang inilayo.
Nakagat niya ang labi ngunit hinayaan niyang tumulo ang luha niya. “Sigurado na ako. Kahit na pikutin pa kita ngayon. I want you to spend the rest of your life with me.”
She kissed him hungrily. Out of desperation and love. Wala siyang pakialam kung ano ang kayang ibigay ni Michelle dito. Ipapakita niya mahal pa rin niya ito. At patutunayan niya dito na mahal pa rin siya nito.
She smiled when he opened his mouth. Hindi pa rin nagbabago ang epekto nito sa kanya. He responded to her kiss. Pumaikot ang braso nito sa katawan niya. Then the course changed. She was clinging on his lips in a trembling ectasy, asking everything that he could give her.
“How can you convince me to marry you instead of Michelle?”
Hindi pala sapat ang halik niya kay Klein. Ano ba ang ginawa ng Michelle na iyon dito? Kaya rin naman siguro niya iyon. “Okay, I am a novice when it comes to seduction,” pag-amin niya. “I am not as sexy and as sophisticated as Michelle. But you told me that I am beautiful.” She would just cling on to his words.
Nagsalubong ang kilay nito. “Naniwala ka naman.”
“Hindi ka naman sinungaling, di ba?”
He caressed her face. “Would you be mad if I tell you that I lied?”
“You lied to me?” Biglang nanlaki ang singkit niyang mata. Alin doon? Na maganda siya? O mahal siya nito?
He smiled sheepishly. “Well it is not really a lie. I just made you think that Michelle and I were an item. Ikakasal na siya pero hindi sa akin. Sa bestfriend kong si Walcom. Malamang siya ang nakita mong kasama ni Michelle.”
“Oh, no!” bulalas niya at isinubsob ang mukha sa palad.
“Galit ka ba sa akin, Shandie? Ayaw mo na siguro akong pakasalan, no?”
Umiling siya at muli itong niyakap. “I’m glad that you are not marrying another girl. Muntik ko na siyang awayin.”
“It’s okay. I just took that last chance to make you mine. Ayoko na kasing pilitin ka. Katulad nang pagpilit ng daddy ko na pakasalan siya ni mommy noon.”
“I’m sorry, Klein. I didn’t mean bad when I told you that I don’t want to marry you yet. Everything was so new to me. The emotion. The relationship. Gusto ko munang ma-enjoy iyon bago tayo sumuong sa mas malalim na relasyon. Pero naiintindihan na kita. Jade told me about your parents.”
“Do you hate me for pressuring you?”
“It is not pressuring,” pagtatama niya. “You just want a guarantee. And I honestly love you, Klein. When you were gone, my life was so bleak. Wala akong nakikita kundi makapal na ulap sa paligid ko. I’m wide-awake during mornings but I am like a living dead. I want you back in my life.”
“I am always here for you, Shandie. Hindi mo lang siguro nakikita.”
“Yes, I know you were there.”
He gave her a smile then the most tender of kisses. Puno ng emosyon, ng pangangailangan at ng pagmamahal. It was definitely something she could live with.
He was her dawn. Ito lang ang nagdadala ng bagong araw at bagong pag-asa sa kanya. The guys before her were like pieces of a girlish dream. Paggising niya ay naglalaho din. Klein was there when she woke up from those dreams. He was her reality. Ito ang totoong nagmamahal sa kanya.
“I want to give back something.” Kinuha niya ang panyong ibinigay nito sa kanya noong makita siya nitong umiiyak sa bar. “I promise that I won’t make you cry anymore, Klein. Pagtitiwalaan ko ang pagmamahal sa akin.”
He chuckled and kissed the tip of her nose and she laid her head on his shoulder. Unti-unting sumikat ang araw. It still looked exquisite despite of the smog and skyscrapers. Maybe not as enchanting as the sunrise at the mountains. Nor the colorful first sunrise she first shared with Klein. But she would cherish every dawn she would share with Klein.