Chapter Leonard, The Wild Wind: Teaser and Chapter 1

Cindra never felt loved all her life. Kaya naman pangarap niyang mahalin siya ng isang lalaki na sa pangarap lang niya nakikita. Until Leonard stormed into her life and saved her. At ito mismo ang bumuo ng lalaking pinapangarap niya.

But Leonard had his own demons to face. And she was one of them.

“Happy birthday, Cin!” bati ni Rose, ang kaibigan ni Cindra nang tawagan siya nito sa cellphone. “Natikman na ba ng mommy mo ang masarap kong strawberry shortcake? Naku! For sure, limot na niya ang sarili niya sa ngayon.”

Bahagya siyang tumawa. “Wala pa ako sa bahay namin. Nasa taxi pa rin ako. But I am sure my mom will love it. Salamat nga pala sa pagbe-bake mo, ha?”

Ipinag-bake siya nito ng strawberry shortcake bilang regalo sa birthday niya. Nasa Manila siya at iniwan niya ang kaibigan niya sa Baguio kung saan siya nagte-take up ng ilang units sa kursong Anthropology sa UP Baguio. Tapos na siya sa kursong AB History sa UP Diliman.

Naging interesado siya sa local anthropology nang magsulat siya ng play tungkol sa iba’t ibang tribo sa Cordillera. Na-inspired siya sa mga kwento ng namayapa niyang lolo na nagmula sa bayan ng Sagada, Mountain Province.

Habang nag-aaral ay gumagawa din siya ng play para sa cultural arts group ng Sagada. Si Rose ay kasama rin sa grupo at naging close friend niya. Bumalik lang siya sa Manila para I-celebrate ang birthday niya kasama ang mommy niya na ilang buwan na rin niyang di nadadalaw.

“Sus! Sayang nga hindi ka namin makakasamang mag-celebrate dito. Eh, di sana mas masarap pa ang ibe-bake ko kaysa diyan. At tiyak na di papayag sila Fawna nang strawberry shortcake lang ang kainin. Ipaghahanda ka rin ng grupo.”

“Thank you, ha? Touch ako.” Ang cultural arts group na pinamumunuan ay Fawna Lizardo. Matagal na niya itong kakilala dahil malapit ang mga Lizardo at Abrillo sa isa’t isa. Ito ang nag-encourage sa kanya na sumama sa grupo. “Hindi bale, pagbalik ko magse-celebrate tayo.”

“Basta ikukuha kita ng guwapong lalaki!” anito at humalakhak.

“Rose!” pasigaw niyang saway dito at biglang tumigil nang lingunin siya ng taxi driver. Nagulat marahil ito sa kanya. Naramdaman niya ang pamumula ng pisngi. Baka mamaya ay mahulaan nito ang pinag-uusapan nila ni Rose. Itinakip niya ang palad at bumulong. “Tumigil ka nga diyan. Hindi ako interesado sa lalaki. Marami pa akong plano sa buhay at hindi kasama ang lalaki doon.”

Umungol ito sa kabilang linya. “Cindra Abrillo, twenty-two ka na. Wala ka nang inatupag kundi ang mag-aral. Aba, noong twenty-two ako last year engaged na kami ni Glynn.” Si Glynn ang fiancé nito at ka-partner nitong choreographer sa play na isinusulat niya. “Hindi ka makakakuha ng lalaki sa kaaaral mo.”

“Alam mo kung anong klaseng lalaki ang gusto ko.”

“Katulad sa mga nababasa mong local epics and legend? Cin, patay na lahat sila kundi man sila fiction. Malamang mummified na sila ngayon. Walang magsusuot ng native g-string para ligawan ka at tugtugan ng noseflute para ligawan.”

“Hindi ba kaya nga tayo nagpo-promote ng culture and tradition ng mga Cordillerans? Para bumalik ulit ang iba sa dating kaugalian natin.”

“Modern na ngayon. Kahit na ipino-promote pa natin ang culture at tradition natin, hindi ibig sabihin may manliligaw sa iyo sa traditional way. Internet at cellphones na ang uso. Nananaginip ka lang ng gising at nadadala ka lang sa play na isinusulat mo. Hindi mabubuhay si Lam-ang.”

Si Lam-ang ay isang popular epic sa Northern Luzon. Ito rin ang na bida sa play nila. He was a man of raw masculinity. Handsome and strong. Papantasyahin ng sinumang babae. Ito ang hulmahan niya sa lalaking gusto niya. Subalit ang lahat ng pantasya niya sa lalaking gusto niya ay hanggang sa istorya na lang niya ilalagay.

Wala nga siyang magagawa para pilitin itong kumbinsihin sa gusto niyang mangyari. Ang sa kanya lang naman, walang masamang mangarap. Ayaw na kasi niya na puro ordinaryo lang ang pangyayari sa buhay niya. At kung makikilala niya ang lalaki para sa kanya, gusto naman niya na tatatak ang pagkakakilala niya at tatatak din ang pagkatao nito sa kanya.

“Pagbalik ko na lang saka tayo magtalo, Rose. Malapit na ako sa bahay namin,” sabi niya nang matanaw ang brown gate na gawa sa synthetic wood.

“Oo na. Basta magdadala pa rin ako ng lalaki kahit pa ayawan mo. Kung ayaw mo, eh di sa akin na lang.”

“Sige. At nang mag-away kayo ni Glynn.”

Tumawa ito. “Kung makakalusot lang naman. Bye!”

Iiling-iling niyang ibinalik ang cellphone sa bag. “Mama, sa brown gate po.”

Nag-doorbell siya. Their house was a Pan-Asian inspired house in New Manila. Doon siya lumaki pero Sagada na ang itinuturing niyang tahanan. Umuuwi lang siya sa Maynila para dalawin ang mommy niya.

“Cindra!” Niyakap siya at hinalikan ni Nana Lupe. “Happy birthday!”

“Nana Lupe, kumusta na po kayo?” Ito ang nag-alaga sa kanya noong bata pa siya at itinuring niyang pangalawang ina. Ang ina kasi niyang si Zara ay abala sa negosyo at sa pagbiyahe sa ibang bansa.

“Akala ko hindi ka dito magse-celebrate ng birthday mo,” maluha-luha nitong sabi. “Kasi palagi ka na lang doon sa Cordillera.”

Inakbayan niya ito at pumasok sila sa loob ng bahay. “Pwede po ba iyon? Siyempre, uuwi at uuwi ako dito para makasama kayo.”

“Kaya nga naghanda kami kahit na hindi ka dumating. Hintayin mo lang dahil maluluto na ang paborito mong kare-kare.”

“Miss ko na nga po iyon, Yaya. Matagal na akong di nakakakain.”

“Sabi na nga ba. Kare-kare ko lang kasi ang gusto mo.”

Binati rin siya ng ibang mga kasambahay na kanya-kanya nang pangungumusta. May mga regalo ang mga ito sa kanya. Kahit na simple ay na-appreciate niya. Itinuring na kasi niyang kapamilya ang mga ito.

“Wala ka pa rin bang boyfriend hanggang ngayon, Ate Cindra?” tanong ni Michelle, apo ni Nana Lupe.

“Wala pa. Masyado kasi akong maraming ginagawa.” Pagkatapos niyang tapusin ang semestreng iyon sa UP Baguio ay magtuturo na siya sa Sagada.

“Daig pala kita. Kasi may boyfriend na ako!” pagmamalaki pa ni Michelle.

Nagulat siya. Pati ba bata ay naunahan siyang magka-boyfriend?

“Diyaskeng bata ka!” anang si Nana Lupe at kinurot ito sa tagiliran. “At nagmalaki ka pa sa Ate Cindra mo. Hindi ka na nahiya. Disisais ka pa lang, may boyfriend ka na. Siya ang dapat mong kainggitan dahil tapos na siya sa kolehiyo.”

“Ginagawa ko lang naman pong inspirasyon ang boyfriend ko.”

“Nangangatwiran ka pa!” bulyaw ni Nana Lupe.

“Hayaan na po ninyo,” pigil niya kay Nana Lupe. “Ganyan po talaga ang mga bata sa ngayon. Natural nang magka-boyfriend. Basta huwag masyadong seseryosohin. Importante pa rin na makatapos ng pag-aaral.”

“Opo. Tatandaan ko po, Ate,” nakayukong sabi ni Michelle.

“Nasaan po si Mommy, Yaya?” tanong niya. Ayaw na kasi niyang pag-usapan pa ang issue ng kawalan niya ng nobyo. Twenty-two pa lang siya pero pakiramdam niya ay matandang dalaga na siya. She didn’t like that feeling.

“Ah…eh… Nasa Bali siya ngayon. Magpapa-spa daw siya,” anitong parang nagdadalawang-isip kung sasabihin nga sa kanya.

“What? She’s in Bali? Pero birthday ko po ngayon.” Lumuwas nga siya sa Manila para lang dito. Tapos ay ito naman ang wala.

“Mabuti pa, mag-usap na lang kayong dalawa.”

MARIIN ang pagpindot ni Cindra sa keypad ng cellphone niya habang idina-dial ang numero ng hotel na tinutuluyan ng mommy niya sa Bali. It rang several times before someone answered. Ilang sandali pa ay narinig na niya ang boses ni Zara.

“Hello,” bati nito sa boses na parang inaantok.

“Mommy! Where are you?” tanong niya sa pilit na pinasayang boses.

“I am having a grand time here, darling.” She gave out a luxurious moan. “I am having a massage while looking at the beach. You should come here.”

“What are you doing there, Mom?” Bahagya nang mataas ang boses niya dahil sa sama ng loob.

“Cindra, what is wrong with you? I just came here to relax. Wala na ba akong karapatan na mag-enjoy sa buhay ko? At gusto mo ba magpaalam pa ako sa iyo?”

“Di ba ninyo alam kung anong araw ngayon?”

“Uhmmm… October five. And so?”

And so? What a nice question! “Mom, it is my birthday!”

“Oh, is it?” she asked uncaringly.

‘Yes, Mom! You can possibly forget your own daughter’s birthday!” she uttered in despair.

“I am sorry, honey,” malambing nitong wika. “Happy birthday. I must be aging.” Tumawa ito. “Anong birthday gift ang gusto mo? A trip to Europe? A Caribbean cruise?”

Tumingala siya para pigilan ang luha na nagbabantang pumatak. Lagi na lang ganoon. Hindi na siya nasanay. Madalas nitong makalimutan ang mga importanteng okasyon sa buhay niya. From recitals, school programs and even her own college graduation. Kung di pa ipinaalala ni Nana Lupe ay di ito makakadalo. At kapag may pagkukulang ito sa kanya, lagi itong mag-o-offer sa kanya ng mga mamahaling bagay na makaka-compensate sa pagkukulang nito.

“I just want to be with you.”

“Sumunod ka na lang dito sa Bali. You could use a vacation too.”

“I have to go back to Baguio tomorrow. Um-absent na po ako sa isang subject ko kanina.”

“Oh, yes! Your studies again. Next time maybe.” She didn’t even sound sorry that she couldn’t be with her.

“I brought you strawberry shortcake. Your favorite!” pilit niyang pinasaya ang boses niya kahit na masamang-masama ang loob niya.

“Is it low in calories?”

“I… I don’t know.” Anong malay niya sa calories? Hindi naman naging isyu sa kanya ang calories. Ang gusto lang niya ay mapasaya ang mommy niya.

“I am under strict diet right now. Ibigay mo na lang iyan kina Nana Lupe. I am sure they will enjoy it. Oh, I have to go now. My friends and I will have lunch soon. Take care on your way back to Baguio.”

Umupo siya sa tabi ng pool at umiyak nang umiyak. Parang dam na sumabog ang lahat ng emosyon na iniipon niya. “Anong nangyari?” tanong ni Nana Lupe nang lapitan siya at naabutang umiiyak.

Yumakap siya dito. “Si Mommy, hindi man lang natandaan ang birthday ko. Buti pa ang ibang tao nakakatanda. Pero siya, hindi naalala.”

“Pagpasensiyahan mo na ang mommy mo. Masyado lang siyang busy sa trabaho. Sobrang dami ng pressure sa kanya mula nang mamatay ang lolo mo. Siya na ang humawak sa travel agency. Siyempre marami siyang ginagawa.”

“Alam ko naman po iyon, Nana Lupe. Kaso hindi ko maiwasang magtampo. Pakiramdam ko minsan hindi siya masaya na naging anak niya ako.”

Hindi niya kilala ang tunay niyang ama. Ayon sa kwento ng lolo niya, tumanggi ang mommy niya na pakasalan ito. Di ito mahal ng mommy niya at ayaw nitong madusa habang buhay dahil lang sa kanya. Kaya pumunta na lang sa ibang bansa ang daddy niya at di na bumalik pa. Ni hindi niya alam kahit ang pangalan man lang nito. Ayaw ipaalam ng mommy niya o ng lolo niya. Nananahimik na daw ang daddy niya at may sariling buhay. At mas mabuting di niya ito makilala pa.

“Huwag mong sabihin sa Mommy mo iyan. Mahal ka niya.”

“Hindi ko nararamdaman iyon. Tulad ngayon. Kung nandito ang daddy ko, siguro hindi ako masyadong masasaktan nang ganito. Baka mas mahalin pa niya ako kaysa kay Mommy.” Sa mga ganoong pagkakataon niya nahihiling na may ama siya. Para hindi masyadong masakit kapag binabalewala siya ng mommy niya.

“Huwag mo nang isipin iyon. Andito naman ako para sa iyo.”

“Thank you po, Yaya.”

Pinahid nito ang luha niya. “Huwag kang umiyak. Birthday mo ngayon. Mabuti pa, pumasok na tayo sa loob. Para matikman mo na ang kare-kare ko.”

NAKATULALA si Cindra habang nakapila sa ticket vendo machine ng LRT2. Plano sana niyang magpalipas ng gabi sa villa sa New Manila. Pero pinili na lang niyang umuwi agad sa Baguio nang hapon pa lang na iyon. Wala na siyang dahilan para magtagal pa doon. Pansamantalang nawala ang sama ng loob niya. Ginawa ng mga kasambahay niya ang lahat para sumaya siya. Pero pag-alis na pag-alis niya ng bahay ay bumalik na naman ang lungkot na nararamdaman niya.

Gusto sana siyang ihatid ng mga ito hanggang sa Baguio. Pero pinili niyang mag-commute na lang. Naglakad siya hanggang LRT Gilmore station mula sa villa nila. Gusto niyang malinawan ang utak niya.

“Miss, it’s your turn.”

“Huh!” aniya at napalingon sa nagmamay-ari ng magandang boses sa likuran niya. Hindi lang basta maganda ang boses ng lalaki. Guwapo rin ito. She was only five four and he was almost six feet tall. Hanggang balikat lang siya nito. He had that almost black eyes which could haunt her at night. And she loved his color-tan. Lalaking-lalaki. Parang madalas ito sa init ng araw. Or maybe it was natural.

And he had that warrior-like look. Katulad ng ginagawa kong hero sa play ko! Parang kaya nitong ipagtanggol ang kahit sinong babae.

Kumunot ang noo nito. “Are you okay, Miss?”

Kumurap siya. “Y-Yes, I am.” Tumalikod siya at pinunasan ang mata niya. Baka napansin nito na maluha-luha na siya. Ayaw niyang magdrama sa harap nito.

“Ikaw na ang maghuhulog ng coins, Miss.”

“Ha?” Tumuwid ang tingin niya sa vendo machine. Siya na ang susunod. “Oo nga, thank you.” Nagmamadali siyang kumuha ng coin sa purse. Subalit hindi niya alam kung bakit di niya kontrolado ang kamay niya. Sa halip na mahulog sa coin slot ay nalaglag iyon ay gumulong iyon sa paanan ng lalaki.

Umuklo siya para pulutin iyon subalit kasabay niyon ay yumuko din ang lalaki at naunahan siyang pulutin ang barya. Natulala na naman siya lalo na’t ngumiti pa ito. “Limang piso mo, Miss,” anito at inabot ang barya sa kanya.

“Thank you!” Sobrang hiyang-hiya siya kaya mabilis niyang ihinulog ang iba pang barya. Saka siya mabilis na tumalilis. Kahihiyan talaga ang ginawa niya sa harap ng guwapong lalaking iyon.

At kailan ka pa nagka-interes sa guwapo, Cindra?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.