Chapter Leonard, The Wild Wind: Chapter 3

“This is a nice place,” komento ni Leonard nang dalhin niya ito sa Bliss Café. Pinagmamasdan nito ang painting na nakasabit sa dingding na gawa ng isang contemporary artist na nakatira sa Baguio.

“Yes, indeed,” usal niya habang nakatitig dito. Hindi siya nagsasawang pagmasdan ito. He looked like a pleasant dream. Only he was real this time.

She still envisioned him as a tough looking warrior. A real hero. Noong una ay ipinagtanggol lang siya nito sa mga barumbadong estudyante. Ngayon naman ay ibinalik nito sa kanya ang pinakai-ingatan niyang draft ng script. Maybe she was really destined to meet him.

Umupo ito sa tapat niya. “The music is great.” Acoustic music mula sa isang grupo ang tumutugtog sa café. “Nakaka-relax. The place is relaxing as well.”

She pushed the mountain tea he ordered towards him. “That’s why I like it here. It is an art gallery and a café rolled into one. Many artists come here to showcase their talents. Musicians, dancers, painters and other artists of different genres. You can meet and exchange ideas with them.”

“And you also like it here because you are an artist as well.”

Bahagya siyang tumawa. “No, I am not! Actually, I am a graduate of AB History and I am now taking up a few subjects in Anthropology. Hardly an artist.”

“Is a playwright not an artist?”

“Who me? A playwright?”

“Yeah. I didn’t mean to sneak in. Pero di sinasadyang nabasa ko ang ibang parts ng draft mo nang hinahanap ko kung may contact number or address kung saan ka makikita. I skimmed the pages just in case I can find a clue. Sa likuran ko na nakita ang university sticker mo at pangalan mo.”

“But I am still not a real playwright. Though I love to write plays since elementary. Ngayon lang ako gagawa ng totoong play. I am a part of a cultural group in my hometown. Ipe-perform namin ang play sa February.”

“I think it is a nice piece. Epic of Lam-ang.”

“It is written in Kankana, the native dialect in Sagada. It is where I came from by the way.”

He stiffened. Bigla itong tumuwid ng upo. “Sagada?”

“It is a town in Mountain Province. Roughly six to seven hour from Baguio.”

“I see,” he mumbled then drank his tea. There was a different glint in his eyes. Parang galit ito na hindi nito mawari. Parang ayaw nito sa Sagada.

“Have you been there?”

Ngumiti ulit ito. “No. Just heard it. It is featured in a magazine as one of the one thousand must see places in the world.”

“It is like a home to me. It is my mom’s hometown. Sa Manila ako lumaki. But every summer, we take a vacation there. May log cabin at orchard kasi ang lolo ko doon. After I passed the board exam for teachers, I decided to settle there. The cultural group asked if I want to write script for them. First time din kasi nila na mag-o-organize ng theater play. That’s why I took up Anthropology. Malaki kasi ang maitutulong niyon sa mga play na isinusulat ko.”

“Hindi ko malalaman na college graduate ka kung di mo sinabi sa akin. You look so young. Akala rin yata ng mga estudyante sa tren, kaedad ka lang nila.”

“I am twenty-two and still a student. Well, sort of. How about you?”

“My age? I am twenty-five.”

“Hindi pala nagkakalayo ang edad natin.” At iyon ang unang bagay na nalaman niya tungkol dito. “Sa Manila ka ba naka-base?”

He sighed. “Actually, I was born and grew up in London.”

“I didn’t hear a trace of accent there. You are fluent in Filipino.”

“My mom trained me to speak the native language. Bata pa lang ako, iminulat na kami ng twin sister ko pati ang ibang friends ko na may Filipino blood kung ano ang kultura dito. So I aside from English, I am very comfortable with Filipino. Medyo may alam din ako sa ibang language. Due to my mom’s work, I get to travel a lot. Pero basta may Filipino akong nakikilala sa mga biyahe ko, kinakausap ko sila ng Filipino. Ilang beses na rin akong nakapunta sa ibang province ng Pilipinas.”

“Wow!” Di niya maiwasang humanga dito. Di kasi ito katulad ng ibang Filipino na nanirahan lang sa ibang bansa o natuto ng ibang lengguwahe ay kinalimutan na ang sariling wika. “Dito ka na ba titira?” excited niyang tanong.

“I am only here for a vacation.”

“Oh!” usal niya at nakadama ng panghihinayang. Maaring umalis na ito at pumunta sa kung saan na namang parte ng mundo. “It must be a bother bringing my draft back. Naabala pa kita sa bakasyon mo.”

“I am glad that I am here.” Tinitigan siya nito. “It is good to see you again.”

Yumuko siya at di mapigilang ngumiti. She felt so beautiful with the way he looked at her. Hope shone in her heart. Maybe he liked her as well.

Mag-I-stay kaya siya sa Baguio nang mas matagal dahil sa akin? Hanggang kailan kaya kita makakasama? Hindi niya maiwasang mangarap nang gising mula nang makilala niya si Leonard. Samantalang dati, pinagtatawanan niya ang mga babae na mahilig mag-daydream. Nagbabago na siya dahil dito.

“Thanks for being a life saver,” aniya kay Leonard habang nakasakay sila ng taxi. He insisted that he would see her home. “Akala ko di na maibabalik sa akin ang script ko. I thought the whole production would be jeopardized.”

“You have a nice script. Keep it up.”

“Ah! I don’t know how to thank you.”

“You don’t have to do anything. Just finish your script and break a leg!”

“How long will you stay here in Baguio?”

“A week or so. I want to look around. Marami daw tourist spots dito.”

“Kung wala kang tourist guide, pwede ako,” prisinta niya. “I know a lot of tourist spots not only here in Baguio but in nearby towns as well.”

“You will be my personal tourist guide?” gulat nitong usal. “That sounds great. Thank you. Pero ayokong guluhin ang pag-aaral mo at ang script mo.”

“Hindi full ang schedule ko sa school. And with my draft, I can easily finish my script. This is my way of showing my gratitude.” At gusto rin niya itong makasama nang mas matagal at makilalang mabuti.

“You still have a report to submit tomorrow.”

Kumunot ang noo niya. “How did you know?” Wala naman siyang sinasabi.

“Remember your professor whom I asked about you? He told me that you are doing your report that you will submit to him tomorrow. I don’t want to bother you.”

He is an angel. Inaalala pa niya ang pag-aaral ko. Samantalang iyong ibang nagyayayang makipag-date sa akin, gumagawa pa ng paraan para ilayo ako sa pag-aaral ko. “Leonard, it’s okay. Maaga ang klase ko tomorrow. It is my only class so I have lots of free time. I assure that you won’t bother me at all.”

“I’ll wait for you at the gate then.”

“Bakit sa school pa? Maiinip ka lang doon. Pwede naman sa SM. There is a nice café there. Doon na lang tayo magkita.”

“No. I want to make sure that other guys won’t ask you out. I want to show them that you already said yes to me.” He kissed her cheek. “See you tomorrow.”

“ROSE, magde-date kami bukas! Tapos hinalikan niya ako sa pisngi!” tili ni Cindra habang ka-video chat sina Rose at Fawna kinagabihan. Bumalik na kasi ang mga ito sa Sagada nang umaga ring iyon. They have to proceed with training the members of the cultural club who were in high school.

“Anong nakakakilig doon?” angal ni Rose. “Sa pisngi lang pala. Sa ibang bansa, parang handshake lang iyon. That’s all it is. A handshake.”

Nadismaya sa komento nito. “Nakakainis ka naman. A kiss is still a kiss.”

“Sana sinabi mo French kiss na lang para mas okay,” anito at pinahaba pa ang nguso. Napangiwi tuloy siya.

“Magpasalamat ka Rose dahil hindi kita katabi ngayon,” nakahalukipkip na sabi ni Fawna. “Makukurot kita. Dalagang Filipina si Cindra. Kita mong ngayon lang iyan nagka-crush sa totoong tao. Tapos French kiss ka agad.”

“Sabihin niya part iyon ng pagte-thank you niya dahil nahanap ni Leonard ang script niya. Saka di na magrereklamo iyon. Libre kiss na, eh!” argumento ni Rose.

“Tama si Fawna. Saka first date pa lang namin bukas,” aniya. “Saka na iyang French kiss na iyan kapag boyfriend ko na siya.”

“Paano mo siya magiging boyfriend? Malay mo basta na lang umalis iyan. Sa London pa pala nakatira,” kontra ni Rose. “Kaya huwag mo nang pakawalan.”

“Rose, hayaan mo siya sa diskarte niya. Guys still like the chase and the hunt. Hayaan mo siyang humabol-habol sa iyo, Cindra. You deserve to be courted properly. Take things slowly,” payo ni Fawna.

“Gusto ko magkaibigan muna kaming dalawa. We should get to know each other better,” paliwanag niya. “That’s a mature way of starting a real relationship.”

Itinaas ni Rose ang kamay. “Oo na. Mature na kayo kung mature. Ano naman ang isusuot mo bukas para sa date ninyo?”

“Iyong script muna ang pag-usapan natin,” saway ni Fawna.

“Ito naman. Minsan lang makikipag-date si Cindra. Tulungan na natin. Ano ba ang isusuot mo, Cin?” tanong ulit ni Rose.

Nakagat niya ang labi. “Hindi ko alam. Ngayon pa lang ako makikipag-date”

It was not really a date. Tourist guide lang siya Leonard. Pero gusto na lang niyang isipin na date pa rin iyon.

“Saan ba kayo magde-date? Saka natin alamin ang outfit mo,” sabi ni Fawna. “I will help you to make your date a perfect one.”

“WHEW! That gave me creeps,” usal ni Leonard habang hawak ang dibdib. “Akala ko totoong mummy ang naka-exhibit.”

Tumawa si Cindra pati ang curator ng museum na si Sir Ike at ang assistant nitong si Jhazelyn. Matapos pumunta sa karaniwang pasyalan sa Baguio tulad ng Burnham Park at Mines View Park, idinala niya ito sa museum ng Saint Louis University na naka-concentrate sa Cordilleran tribes ang exhibit. “Marami nang bisita namin ang natatakot dahil akala nila totoong mummy. But it is just a paper mache.”

“Nasaan ang mga totoong mummies?” tanong ni Leonard.

“Back to the caves where they truly belong,” paliwanag ni Jhazelyn. “Ninakaw ang ibang mga mummies at natagpuan na pag-aari ng ibang tao o kaya ay sa museum. May tendency na ma-deteriorate sila kapag wala sa himlayan nila.”

“We have Hanging Coffins in Sagada,” kwento naman niya. “At hangga’t maari, pine-preserve sila di lang para sa mga tourist kundi pati sa next generation.”

“Wow! That’s great!” usal ni Leonard habang naglalakad sila palabas sa campus. “It is like visiting a Native American museum. May mga similarities pala ang custom ng mga tribes natin sa kanila. My best friend is part-Apache and Wolf would be thrilled to know more about this place.”

“May museum din sa Bontoc katulad nito. Malapit lang iyon sa Sagada. Kapag bumisita ka sa Sagada, ako ulit ang magiging tourist guide mo.” It was just a wishful thinking. Kung sakaling umalis ito ay magkikita ulit sila.

“What’s the difference between Sagada and Baguio?”

“May bahay kami sa Sagada. And I love it. I feel peace and tranquility there. Kapag nasa Sagada ako, pakiramdam ko malapit ako sa langit. The town is a huge tourist spot itself. The people are great too. Friendly and hospitable. I’ll show you some of the pictures sometime.”

“Kung pupunta ba ako sa Sagada, hindi magagalit ang boyfriend mo?”

“Boyfriend?” Nagkibit-balikat siya. “I am sure Lam-ang won’t mind.”

“Ha? May boyfriend ka na?” dismayado nitong tanong.

“Silly! Lam-ang is the character in my play, remember? I consider him as my boyfriend. Pero di naman siguro siya magagalit kung kasama kita.”

Napahawak ito sa dibdib. “You nearly break my heart,” he whispered.

“Ha? Anong sinabi mo?”

Natigilan ito. “I said I don’t want to step on another man’s foot. Kung girlfriend kita, di ko palalapitin ang ibang lalaki sa iyo. Baka maagaw ka pa.”

She suppressed a smile. Hypothetical lang ang scene na binanggit nito. Pero tumatak iyon sa kanya. Okay lang sa kanya na maging possessive ito. Hindi naman siya interesado sa ibang lalaki kundi dito lang.

SAPO ni Cindra ang noo habang nakatitig sa laptop. Ganoon ang itsura niya nang dumating si Leonard sa Bliss Café. “Hey, what’s wrong? Mukhang namomoroblema ka na sa script mo,” concern nitong wika at um-order ng panibagong serving ng tea para sa kanya nang makitang ubos na ang tsaa niya sa tasa.

Napaungol siya at sumandal. “I am not making any progress at all. Hindi ko na alam kung paano ibi-bridge ang huli kong eksena sa isa pang scene na nasa isip ko. I must be missing something.”

“Relax. You need to take a rest. Hayaan mo lang mag-isip ang utak mo. Then ideas will eventually pour in.”

Umiling siya at uminom ng chamomile tea. “I don’t know. I just don’t like this feeling. Parang pagod na pagod na ako kaya hindi na ako makapag-isip.”

Mukhang nakaapekto sa kanya na iyon na ang huling gabing magkakasama sila ni Leonard. Babalik na ito sa Manila kinabukasan. Pinili nitong sa Bliss Café na lang sila magkita para mag-dinner.

He shoved two tickets infront of her. “Here is a cultural play next week. Sa tingin ko makakatulong siya sa play na ginagawa mo.”

“Chinayao? How did you get the tickets?”

He shrugged his shoulders. “Basta manood ka na lang. Babalik ako next week para rin sa play na iyan. Magkita na lang tayo.”

It was so sweet. Tinitulungan pa siya nito na makakuha ng inspirasyon sa ginagawa niyang script. “Para saan ang isang ticket?” tanong niya.

“Bring a friend. Basta mag-enjoy ka lang sa play. And don’t worry much about me because I will be back. And I will always call you.”

Noon lang niya nagawang ngumiti. “That’s a promise?” Dahil handa siyang hintayin ito. She just hoped that a week’s time won’t feel like forever. Ayaw kasi niya itong ma-miss nang sobra. Baka tuluyan na siyang mabaliw.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.