“Cindra, hindi ba pa tayo papasok?” tanong ni Rose sa kanya habang nakatayo sila sa lobby ng theater para sa play. “Baka magsimula na.Wala na tayong mauupuan sa loob.”
“Gusto kong hintayin si Leonard. Sabi niya sabay kaming manonood ng play. Pero hanggang ngayon wala pa siya. Nag-aalala tuloy ako.”
Tinawagan na niya ito sa cellphone subalit nagri-ring lang. Hindi nito sinasagot. Di niya alam ngayon kung nasa Baguio na nga ito.
“Baka naman kasama niya ang girlfriend niya kaya di niya sinasagot.”
Matalim niya itong tiningnan. “Don’t say bad words!” Di kasi niya naitanong kay Leonard kung may girlfriend na ito o wala. She just enjoyed his company and thought that he was exclusively hers. Kahit na hindi naman talaga.
“Eh, di natauhan ka ngayon. Mabuti pa pumasok na tayo. Kaysa kay Leonard, mas importante na ma-inspire kang matapos ang play na isinusulat mo. Saka excited na rin akong makakita ng mga guwapo sa loob,” anito at hinatak siya.
“Sabihin ko kaya kay Glynn ang tungkol diyan.”
Ngumisi ito. “Hindi, no? Joke lang naman iyon.”
They were ushered at the front seat. Di pa rin niya maiwasang magpalinga-linga para hanapin si Leonard. Hanggang magsimula na ang palabas. Pumailanlang ang katutubong musika at nagpasukan na ang mga kalalakihan at kababaihang nagsasayawan bilang panimula ng play. Chinayao ang title ng play. Ayon sa narrator, isa iyong love story nina Chinayao at ni Binsay. Isa iyong alamat ng Bundok Mating-oy o Sleeping Beauty. Kaya naman excited siya.
Ang unang parte ay tungkol sa paglaki ng batang si Chinayao at kung paano ito pagkaguluhan ng mga kalalakihan mula sa iba’t ibang mga tribo.
“Ang ganda ni Chinayao. Magkasingganda lang naman kami,” sabi ni Rose.
Napangiti siya. “Oo na. Diyosa ka na ng kagandahan.”
Nag-focus siya sa iba’t ibang element sa stage. Since it was a Kalinga story, Kalinga ang gamit na salita ng mga cast. Subalit sa sayaw at tono ng pag-awit ng mga ito ay malalaman kung ano ang damdamin na ipinapahayag. And she was impressed. Magagaling ang mga nasa cast at maging ang director ng play.
She was putting her observations at the reminder of her cellphone when she heard Rose gasp. “That guy is gorgeous! I am sure siya na si Binsay!”
Nang tumingin siya sa stage ay naroon naman ang isang lalaki na pinagkakaguluhan ng mga babae. He was wearing a woven G-string. There was a strip of cloth wounded around his forehead with the same woven design as his lower garment. Nakasuot itong traditional necklace na may pangil ng baboy-ramo.May suot itong traditional necklace na may pangil ng baboy-ramo. At maraming tattoo sa katawan nito na may ethnic drawings.
She gasped as well. “That’s Leonard!”
Nagpapalit-palit ang tingin nito sa kanya at kay Leonard na kausap ang mga katribo nito. “That handsome Binsay is your Leonard?”
Tumango siya ngunit di maalis ang tingin niya kay Leonard. He looked every inch a brave and virile warrior. Parang ibang-iba ito sa lalaking madalas niyang makasama. Nadagdagan kasi nang sampung beses ang kakisigan nito.
Kaya pala hindi niya ito ma-contact dahil bahagi ito ng play. Ito mismo ang bida. Ang guwapong bida. Kung natutulala siya sa kaguwapuhan nito dati, ngayon naman ay napanganga na rin siya.
“Napansin mo ba na siya ang pinakamaraming tattoo?” tanong niya.
“Ano naman ngayon?”
“In Kalinga tribes, a warrior who was able to kill an enemy during battle is marked with tattoo. And the warrior with the most number of tattoos is considered as the bravest of all. Kaya maraming babae ang may gusto sa kanya.”
“Kahit naman wala siyang tattoo, patay na patay ka pa rin sa kanya.”
Iningusan niya ito. “Mag-focus ka na lang sa play.”
Maya maya pa ay namatay na si Binsay dahil sa isang tribal war. It was so sad that it brought tears to her eyes. Kung siya ang mawawalan ng nobyo na kasing guwapo nito, malamang ay maglulupasay siya.
Sinabayan ni Rose ang pagdadrama si Chinayao. “Binsay, bakit ka namatay? Paano na ako kung wala ka na?” mahinang palahaw nito.
Siniko niya ito. “Huwag kang magdrama diyan. Nakakahiya.”
“Hindi lang naman ako ang ganito. Tingnan mo pati ibang babaeng audience. Dalang-dala sa pagkamatay ni Binsay.”
The play was great indeed. Di niya mapigilang ngumiti. Mabuti na lang at play lang iyon. Dahil di yata niya kakayanin kung mawawala nang tuluyan si Leonard.
“REALLY? Nag-perform na kayo sa iba’t ibang bansa sa buong mundo? Nakapag-perform na rin kayo para kay Prince William? Ang galing,” excited na tanong ni Rose habang kausap nila si Leonard matapos ang play.
“Magagaling lang ang mga kasama ko. And our director made it possible. Hindi naman mare-recognize ang group namin kung hindi dahil sa kanya.”
“Hindi naman kasi sinasabi sa akin ni Cindra na international performing artist ka pala. Nagulat tuloy ako,” angal ni Rose.
“Hindi ko rin naman alam. Hindi sinabi sa akin ni Leonard,” aniya.
“Hindi ka naman kasi nagtatanong,” pabirong sagot ni Leonard.
“Well, you look great on stage, Binsay,” she commended as she stared at him. He looked larger than life. Kapag nasa stage kasi ito, nag-iiba ang personality nito. He was oozing with raw masculinity. Nakakatulala.
“Thanks. Wait! Tinatawag lang ako nila Roy at Ahmed. Pictorial daw para sa isang local broadsheet. Babalikan ko kayo,” anito at sumama na sa grupo. Sinundan lang niya ito ng tingin. Iyon lang ang gusto niyang gawin. Ang titigan ito.
“Isara mo ang bibig mo. Baka pasukan ng langaw,” bulong sa kanya ni Rose. “Parang lalamunin mo nang buo si Binsay.”
Siniko niya ito. “Luka-luka!” mariin naman niyang sagot.
Ngumisi lang sa kanya si Rose. “In love ka na sa kanya, no?”
“Shhh! Huwag ka ngang maingay. Baka may makarinig sa iyo,” saway niya.
Tuluyan na silang natahimik nang bumalik si Leonard. “Nainip ba kayo?”
“Hindi,” tanggi agad ni Rose. “May napansin lang ako. Parang Cordilleran ka rin. Napapansin ko kasi sa galaw mo. As if you were born one. Kahit kasi mga professional performers, di basta-basta nakokopya ang galaw na iyon. What gave you the authenticity, Leonard?”
Nagkibit-balikat ito. “Ganoon ba? Siguro kasi taga-Cordillera ang dad ko.”
Her lips formed an O. “That’s why.” Di nito nai-kwento sa kanya na taga-Cordillera ang tatay nito. Gusto pa sana niyang magtanong subalit nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Di na siya nagtanong pa.
“Kukunan ko naman kayo ng picture,” sabi ni Rose.
Umiling siya. “Hindi na. Huwag na. Di ako tinatablan ng camera.”
“Kunyari ka pang camera shy. Gusto mo rin naman, eh!” anito at itinulak siya kay Leonard. Nagulat siya nang isampay ni Leonard ang woven blanket sa balikat niya. At ang kabilang bahagi ng kumot ay nakasampay sa balikat nito.
She stiffened. “Leonard, ano…”
“Bakit?” nakangiti pero inosente nitong tanong.
“Ano… kasi… iyong kumot.”
There was a romantic notion in that tradition. Sinabi ni Leonard sa kanya na kapag nag-share ang isang couple sa isang kumot ay may unawaan na ang dalawa. Ibig bang sabihin ay gusto nito na maging boyfriend niya?
“Cindra, ikaw na lang ang hindi nakatingin!” tawag sa kanya ni Rose. “Mukhang nangangarap ka pa yata nang gising.”
Napilitan siyang tumingin at ngumiti sa camera. She inhaled sharply, as if his breath caressed her skin. Pakiramdam niya ay nanghihina siya. But she was not afraid to let her guard down. He was like a true warrior. Kaya siyang ipagtanggol kahit na kanino. At sasaluhin siya kahit bumagsak siya. And that natural masculine scent was tantalizing. Parang nakaka-addict. She wanted to stay inside that blanket with him forever.
“Ang sweet naman ng love team ninyo,” tukso ng kagrupo ni Leonard na si Ahmed. “Nakakakilig!”
“Kulang pa nga ng kiss,” kantiyaw ni Rose. “Kiss naman diyan.”
Pinanlakihan niya ito ng mata. “Tumigil ka nga diyan!” Nakakahiya kay Leonard. Nang tumingin siya kay Leonard para mag-sorry ay nakatitig lang ito sa kanya. His eyes were full of emotion. Hahalikan ba siya nito?
It was a thrilling idea. Ano kaya ang pakiramdam kapag hinalikan nito? Wala sigurong masama. After all, she liked him. She was ready to give in for a kiss.
“Patingin naman ng picture namin,” anito kay Rose subalit di pa rin inaalis ang kumot sa balikat nila.
Kaya lumapit si Rose sa kanila at ipinakita ang picture sa cellphone. “Cute, hindi ba? Gusto ba ninyong ipadala ko sa inyo?”
“Sure,” anang si Leonard at ibinigay ang cellphone number nito. “I have to go to the dressing room. Magbibihis pa ako. Hintayin na ninyo ako. Ihahatid ko kayo bago ako bumalik sa hotel.”
“Hindi ba nakakahiya iyon?” tanong niya.
“Thank you, Leonard! You are so nice!” maagap na sabi ni Rose.
“Bakit ka pumayag na ihatid pa niya tayo? Pagod na siya sa show. Dapat magpahinga na sila ng mga kasama niya.”
Inikot nito ang mga mata. “Magpasalamat ka sa akin dahil makakasama mo siya nang matagal. Aminin mo nang kinikilig ka.”
“Bakit ba kita naging kaibigan? Ang kulit-kulit mo.”
“Kasi maganda ako kaya friend mo ako,” anito at humagikgik.
“Hi! Did you enjoy the show?” tanong ni Roy, kagrupo ni Leonard at gumanap na tatay ni Chinayao. Guwapo rin ito pero mas matangkad si Leonard.
“Yeah! Gusto ko pa ngang manood ulit bukas,” sabi niya.
“Yes. Invite your friends as well. The play will run for a week.”
“I will ask my classmates and professors to watch it.” Saka siya nag-thumbs up. “Hands down talaga ako sa grupo ninyo.”
“I’ll expect to see you again tomorrow then,” anang si Roy nang matanaw na palapit sa kanila si Leonard.
“Leonard, marami ka palang friend na guwapo,” sabi ni Rose.
She cleared her throat. “May boyfriend ka na. Remember?”
“Hindi naman para sa akin. Para sa iyo,” sabi ni Rose.
“Not my friends,” iiling-iling na sabi ni Leonard. “Playboy sila.”
“Ikaw na lang. You two look good together,” Rose said with a sheepish smile.
Tumawa si Leonard. “Bakit nga hindi?”
Her heart thumped out loud. Ino-offer ba nito ang sarili sa kanya? She shook her head. He was just being nice to her. “Gutom ka na ba? Late dinner tayo.”
“Kayo na lang. I have to go to my sister’s house. Maaga pa ang biyahe ko pauwi sa Sagada bukas.” Humalik ito sa pisngi niya. “Enjoy, Cin!”
Di na siya nakapagsalita dahil matapos magpaalam kay Leonard ay pinara agad nito ang paparating na taxi. Sinadya nito iyon para magsolo sila ni Leonard.
Leonard leveled his face with hers. With a little move, he could almost kiss her. “Saan mo gustong mag-dinner?”
“KINAKABAHAN ako kanina. Sinisilip kita from the backstage. Akala ko hindi ka na dadating,” kwento ni Leonard habang kumakain sila ng pizza sa Yellowcab sa may Session Road. Gusto kasi niyang mag-pizza para I-celebrate ang success ng opening ng play nito na Chinayao.
“Maaga ako sa labas ng theater. I was at the lobby waiting for you. Di mo kasi sinasagot ang tawag ko. Akala ko di ka makakarating sa play. Hindi ko naman alam na kasama ka sa cast.”
“I just want to surprise you. Saka nakakahiya naman. Baka mamaya pumalpak pala ako sa performance ko, ikahiya mo akong kaibigan.”
“A world class performer? Papalpak? I don’t think so. Kahit siguro magpa-gulong-gulong ka lang sa stage, papalakpakan pa rin kita.”
Natigil ito sa pagkuha ng slice at pizza at humalakhak. “That’s cute.”
“Of course. I believe in your talent,” aniya at kinindatan ito. “How did you become a part of the group?”
“My mom is a performing artist like me. Kasama pa niya ang ibang mga Filipino performers. Naging successful sila abroad kaya nag-decide sila na kumuha ng scholars mula sa iba’t ibang cultural minority groups para I-train. I joined the group because performing is my passion. I also want other people to recognize my own culture and heritage. As you know, dini-discriminate tayo kahit ng sarili pa nating mga kababayan. And it is so sad.”
“Yes, you are right,” she said with a sigh. “Iyan din ang natutunan ko sa Anthropology class ko. Some people tend to become ignorant to things they don’t understand. But if we educate them, they will eventually recognize other people’s belief and culture and respect them. Pareho lang pala tayo ng goal.”
“Nang makuha ko ang notebook mo, naging interesado agad ako sa iyo. Kaya nga kahit na malayo ang Baguio, pumunta pa rin ako.”
Her forehead crinkled. “Wait! I thought that you went to Baguio because you are here on a vacation. Nagkataon lang na napulot mo ang notebook ko.”
Itinaas nito ang dalawang kamay. “Okay. I confess. Hindi pa ako dapat pupunta sa Baguio noon. I just want to see you again. I am intrigue with that brave girl at the train. Iyong ibang tao kasi, di na nakikialam kapag in distress ang ibang tao. They just care about their own business. That makes you different and makes you more beautiful.”
The last sentence was like a caress and she felt like melting with the way he looked at her. Pumunta nga ito sa Baguio para lang sa kanya. And sinabihan pa siyang maganda. Would he tell her that he liked her? Huwag kang masyadong ma-excite. Maybe he is only being nice, bulong niya sa sarili. At kahit gusto ka pa niya, huwag kang masyadong magpahalata na kinikilig nila. Patay malisya lang. Like a true dalagang Filipina. Tama nang alam mong maganda ka.
“Tell me something about your family,” pag-iiba niya ng topic. “Sabi mo performing artist din ang mom mo. Is she in London right now?”
“No. She’s in an Apache reservation in Arizona. Kumukuha siya ng iba pang scholars na pwedeng isali sa group. Kasama niya ang bestfriend ko na si Wolf.”
“Nasabi mo rin na may twin sister ka. Performing artist din siya?”
“No, she isn’t. Di daw siya fit na mag-perform sa stage. With her exact words, she sucks. But she’s a professional tennis player right now.”
“You mean like Dashielle Gomez?” Iyon ang idol niya na tennis player.
He gave her a tight smile. “She is actually my twin sister.”
Nasapo niya ang dibdib. “Oh, gosh! An international performing artist with a tennis superstar twin sister. That is so cool! Nakakahiyang dumikit sa iyo. Nasa ibang level ka na pala. Whew!”
“Don’t say that because we are not any different from normal people. Nagkataon lang na maganda ang opportunity na naibigay sa amin. And besides, you are great yourself. You are a History teacher and a playwright rolled into one.”
“I see nothing interesting about it.”
“Your devotion to your craft is great. Our director would be delighted to meet you. He wrote the script of Chinayao and did all the research. If you’ll give me a copy of your script, I can show it to him. Marami siyang maitutulong sa iyo.”
“Hindi ba nakakahiya? I am just a newbie. Baka sayang lang ang oras niya.”
He held her hand. “With a talent like you, it won’t be a waste of time.”
He wanted to give her strength. Pero nanlalambot lang ang tuhod niya habang hawak nito ang kamay. “Kailan ko siya pwedeng ma-meet?”
“He will be here a couple of days from now.”
She nibbled her lips. “Finals namin pero hahabol ako na manood ng play ninyo. Para makausap ko rin ang director ninyo.”
“No. Concentrate on your final exam. I will just fetch the script tomorrow after your class. Di ka pwedeng manood ng play hangga’t di tapos ang exam.”
She sighed. “Yes, boss! But thanks for helping me out.”
Pinisil nito ang kamay niya. “Anything for you, Cindra. Anything.”