Sinalubong agad ni Leonard si Cindra pagtapak niya sa lobby ng Baguio Country Hotel. Doon naka-check in ang grupo nito. She was excited to see be there for two reasons. Una ay ipinatawag siya ni Leonard.
Tatlong araw na ang nakakaraan mula nang dumating ang director nito at kakausapin daw siya tungkol sa script. Pangalawa ay excited siyang makita si Leonard. Di siya nito pinayagang makipagkita dito hangga’t di pa tapos ang lahat ng exam niya. Ayaw daw nitong masira ang concentration niya sa pagre-review.
“Hi!” bati nito at hinalikan siya sa pisngi.
“Hi! I heard from my professors that your play went well. Ilang beses na ngang bumalik si Sir Michael para manood. So I decided to make some strawberry whip cream for you and your group. Magagaling talaga kayo.”
He looked at her suspiciously. “Tapos na ba ang finals ninyo?”
“Yes. Bakit naman? You told me that I couldn’t come unless it’s through.”
“Naisip ko kasi na sinusuhulan mo ako para makalimutan mo ang pinag-usapan natin. Baka sobrang miss mo na ako.”
Kinurot niya ito sa pisngi. Dahil miss naman talaga niya ito. “Pumunta ako dito para sa director ninyo. Hindi para sa iyo.”
He moaned in protest. “You broke my heart, Cin. To think that I even miss you. Sometimes I wish that you were with the audience watching me.”
“With girls drooling over you, you still miss me? I don’t believe you. Pati nga mga classmate ko, sabi sa akin crush na crush ka nila.”
“I didn’t notice,” he said blandly.
“Sino ba ang may sabi na hindi ako pwedeng manood ng show nang hindi pa tapos ang final exam ko? Hindi ba ikaw? So huwag mo na akong bolahin.”
“Ah! Kaya pala kanina ko pa hinihintay ang bisita natin pero di pa dumadating. Na-delay siya dahil sa pambobola mo,” pabirong sabi ng isang lalaki na sa tantiya ay nasa mid-fourties na ang edad. There was intelligent glint in his eyes and a kind smile on his lips.
“Good evening, Sir,” magalang niyang bati. Ito na marahil ang director ni Leonard. He didn’t look intimidating with his kind smile. But with his achievements, naiilang pa rin siya ngayong kaharap ito.
“Tito, this is Cindra Abrillo, my friend. Cindra, meet our director, Benjie Sta. Maria,” pagpapakilala ni Leonard sa kanila.
“Oh, it’s an honor to meet you, Sir!” she said eagerly and clasped his hand. “Leonard told me a lot of great things about you. And I want to congratulate you for such a great play. Sana po mapanood ko pa ang ibang play ninyo.”
“Thank you, hija. With the success of the play, baka ma-invite kami para sa Panagbenga Festival dito sa Baguio para mag-perform. You are an Abrillo? Where are you from, Cindra?” tanong nito.
“I am from Sagada, Mountain Province.”
“Sagada? Naglagi ako sa Sagada noong college ako.”
“My mother is Zarah Abrillo,” sabi agad niya. “She is hailed from Sagada, too. She and my dad are not married. Maybe you know her.” Hindi naman kasi nagkakalayo ang edad nito sa mommy niya. At ilan lang ang Abrillo sa Sagada.
He looked stunned for a while. “Zarah, you said?”
“Why, Sir? Kilala po ba ninyo si Mommy?”
Ipinilig nito ang ulo. “No. It must be other Abrillo. Wala akong kilalang Zarah. Why don’t we go to the hotel’s cafeteria? I find your script interesting.”
Napalis ang kaba niya at napalitan ng excitement. “Really, Sir?”
“Yes. Sayang nga hindi pa tapos.” Ibinalik nito sa kanya ang kopya ng script. “I put some comments and suggestions in case you want to consider them to improve your script. I hope can help.”
“I am sure it will help a lot, Sir. Thank you very much.” Malaking karangalan sa kanya na purihin ng isang magaling na theater director.
“Para saan ang script na isinusulat mo?”
“We have our own cultural performing arts group in Sagada. They will perform it for the Begnas Festival on February.”
“You see, Cindra. Our foundation is supporting students from all over the world. And since you already have a group, we would like get them as scholars.”
Her jaw dropped. “Are you serious, Sir Benjie? Kukunin mo sila?”
“Yes. I believe that the youth from Sagada are talented. May mga scholars na kami pero sa college sila. Yours are from high school, I believe.”
“High school and elementary. Pero sa instruments at sa pagsayaw pa lang namin sinasanay ang mga nasa elementary. Mga high school po ang kasali sa play.”
Tumango-tango ito. “We believe in your goal to promote our culture and tradition. I would be glad to extend our hand to your group.”
Her heart swelled. “Thank you, Sir. Malaking tulong ito sa grupo namin. The head of Sagada’s cultural group and our vice-mayor will watch the play tomorrow. They would be delighted to hear about it.”
“I am afraid I have to fly to Japan tomorrow. May play din ang ibang kagrupo namin sa Tokyo. But you can discuss the details with Roy and Leonard. And who knows, I might be in Sagada this February to watch your play. I want to see the output of your great script.”
Tulala pa rin siya habang naglalakad-lakad sila ni Leonard sa may Session Road. Parang nasa ulap pa rin siya hanggang ngayon. “Sir Benjie is way too nice. Tutulong pa siya sa cultural group namin sa Sagada.”
“Sabi ko sa iyo, mai-impress din siya sa script mo.”
“Last day na pala ninyo tomorrow. Ibig sabihin hindi na tayo magkikita.”
Nakadama siya ng lungkot. During the past few days, her life revolved around Leonard. Parang ipo-ipo ito na dumating sa buhay niya. He made her happy in so many ways. Ngayon ay parang hangin lang ito at mawawala rin sa buhay niya.
“Kapag ba umalis ako, mami-miss mo ako?”
Lumabi siya. “Uhmmm, konti lang.”
Pinigilan nito ang kamay niya at natigilan siya sa paglalakad. “I am serious. Just ask me to stay and I won’t go.” Direkta itong nakatingin sa mga mata niya. There was a silent plead there urging her to utter the word stay.
In a world of dreams, the word stay was perfect. Pero hindi naman siya nananaginip. “Leonard, I’d love to see you stay. But you have your own plans. Marami ka pang taong mapapasaya at matuturuan. Marami ka pang mae-entertain. I would love to see you conquer the world.”
Huminga ito nang malalim. “Promise me that you’ll be there tomorrow. Manonood ka sa amin bukas. I will treat you for dinner afterwards.”
“Don’t worry. I won’t miss it for the world.” Sasamantalahin niya na magkasama sila ni Leonard. She would enjoy his company. I just hope that he won’t ask me to see him go afterwards. Doon ako masasaktan.
“NASAAN NA si Binsay?” tanong ni Fawna habang pinapanood nila ang eksena sa paglalaban-laban ng mga manliligaw ni Chinayao. “Excited na akong makita siya. Ayaw kasing ipakita sa akin ni Rose ang picture. Manood na lang daw ako ng play.”
“Sino si Binsay? Hindi ba si Leonard ang crush mo?” tanong ni Lycerge, ang Vice Mayor ng Sagada at nobyo ni Fawna.
“Si Leonard nga at si Binsay ay iisa,” paliwanag ni Fawna. Saka ito huminga nang malalim. “The creator of this play must be a genius. Sayang hindi ko siya nakilala. Sana ganito rin kaganda ang magiging play natin.”
She held her tongue. Di pa niya masabi sa mga ito ang plano ng foundation nila Leonard na gawing scholars ang mga members nila. Mas maganda nang malaman nito mula kina Leonard.
Kinalabit siya ni Lycerge. “Nasaan na si Leonard?”
“Shhh!” saway ni Fawna dito. “Di ako makapag-concentrate.”
Ginagap ni Lycerge ang kamay ni Fawna. “Sorry, sweetheart. Gusto ko lang namang makilatis si Leonard. Alam mo namang parang kapatid ko rin si Cindra. Baka mamaya mukhang playboy. Aba! Mabuti nang masabihan ko siya.”
“Tama. Kapag di pasado si Leonard sa akin, hanap tayo ng iba kay Cindra.”
Please! Sana pumasa si Leonard. Ayoko nang magreto pa sila ng iba. “Iyan na si Binsay! Iyong pinakamaraming tattoo sa katawan. Iyong pinakamatangkad.”
“Aba! Guwapo nga! At matangkad siya!” papuri ni Lycerge. “Akala ko dati wala kang interes sa mga lalaki, Cindra. Kung sinu-sino ang inirereto ko sa iyo pero hindi ka interesado. Hinihintay mo lang pala si Mr. Binsay.”
“Siyempre! Pipili ba naman ako basta-basta lang,” nakangiti niyang sabi. Nag-thumbs up siya. “Pasado na siya sa iyo, Vice?”
“Pasadong-pasado!” At idinikit nito ang hinlalaki sa hinlalaki niya.
“Oh, God!” narinig niyang usal ni Fawna. Nanlalaki ang mata nito habang nakatitig sa stage. Parang nakakita ng multo. Si Leonard lang naman ang nasa stage nang mga oras na iyon at kumakanta.
“Is there something wrong, Fawna?” tanong niya.
Lycerge caressed her cheek. “Yeah, what’s the problem, Fawna?”
Pumikit ito at huminga nang malalim para kalmahin ang sarili. “Nothing.”
“Nothing? Your hands are cold,” anang si Lycerge.
“I just need some fresh air. Lalabas lang ako,” anang si Fawna at tumayo.
“Sasamahan na kita.” At sumunod si Lycerge dito.
Nang bumalik ang dalawa ay walang nagsalita sinuman sa mga ito. Natahimik silang lahat hanggang matapos ang play. Di niya alam kung bakit subalit ramdam niya ang tensiyon kay Fawna. Something was bothering her.
Ano ang problema kay Leonard? Surely, it was the first time she saw him. Pero sa reaksiyon nito, parang di iyon ang unang pagkakataon na nakita nito si Leonard. May koneksiyon ba ang dalawa?
“ISN’T it great, Fawna? Magiging scholars ng isang international foundation ang mga bata. At willing pa silang magbigay ng training para ma-improve ang skills nila. Matutupad na ang lahat ng pangarap natin para sa grupo.”
Tuwang-tuwa si Cindra dahil opisyal nang kinausap ni Leonard at ang assistant director na si Roy si Lycerge tungkol sa program. Bagamat si Fawna ang head ng cultural group, si Lycerge naman ang humahamak sa grupo dahil pinopondohan sila ng munisipyo ng Sagada. It was Lycerge’s program.
Fawna tentatively touched her arm. “What do you know about Leonard?”
“Oh, him? He joined the group at the age of twelve. Naging scholar siya ng foundation. Kaya kahit college graduate na siya, nakakapag-perform pa rin siya sa iba’t ibang bansa. Do you know that he is an engineering graduate? Pero mas at home pa daw siya sa stage kaysa sa…”
“No. I mean what do you know about his family?”
“Ah! His mother is a performing artist like him. It was his mother who influenced him to be on stage. He grew up in London. And he has a twin sister. Guess who? The famous tennis player Dashielle Gomez herself.”
Humigpit ang hawak nito sa braso niya. “Really? Ano pang alam mo? May nabanggit ba siya tungkol sa daddy niya?”
“Walang masyado. Sabi lang niya taga-Cordillera ang daddy niya.” Pero dahil nakita niyang parang nasasaktan si Leonard kapag pinag-uusapan ang ama, di na lang siya nagtanong. “Why the interest, Fawna?”
Umiling ito at pilit na ngumiti. “Uh, nothing.”
Naputol ang pag-uusap nila nang lumapit sina Leonard at Lycerge. “It is settled. In a few days, we will send a representative to train the children.”
Fawna looked tense when she offered her hand. “Thanks, Mr. Gomez.”
“We believe in your purpose, Miss Ang,” anang si Leonard. She wondered what’s wrong. He looked so stiff and so formal.
“I am so glad to know that you and your director are Cordilleran. We wish to meet him to thank him personally,” sabi ni Lycerge.
“He will be there to watch the Epic of Lam-ang.” Saka lang ngumiti si Leonard nang tumingin sa kanya. “You should thank Cindra. If not for her sharp tongue, I won’t get the chance to meet her. She was like a female warrior!”
“Leonard!” Namaywang siya. Tumawa ang dalawang lalaki.
Si Fawna ay nanatili lang nakatitig kay Leonard. “Gusto ba ninyong mag-dinner? Mas masarap magkwentuhan doon.”
Nagkatinginan sila ni Leonard. There was something about his eyes that wanted to refuse Fawna’s offer. Di niya alam kung bakit parang naiilang ito.
“Sweetheart, pabayaan na kaya natin sila. Mukhang may sarili silang date,” nakangiting sabi ni Lycerge. “Next time maybe, Leonard.”
“LEONARD, is there something wrong?” tanong niya habang kumakain sila. They went to Gerry’s Grill near Camp John Hay. Paborito daw nito ang seafood pero mukhang wala ito sa mood kumain. He looked troubled.
“Fawna looks familiar,” usal nito.
“She’s an artist who plays native instruments. Sikat siya pero inaalalayan pa niya dahil nag-concentrate siya sa cultural group. Dapat nga maglalabas na siya ng album niya pero naka-hold pa. Kapag tapos na ang begnas festival saka ire-release dahil priority nga niya ang cultural group. O baka nakita mo siya sa society page. She came from two influential families. The Angs of the business world and the Lizardos, political scion of Sagada.”
“She is a Lizardo?”
Napatitig siya dito. Did she just hear the pain in his voice? “Yes. Kung makikita mo ang Lizardo Bus, they own it. Malaki ang impluwensiya nila sa Mountain Province. At ang sabi sa akin ng lolo ko, halos lahat daw ng Lizardo sa Cordillera nanggaling. But Fawna’s family is definitely the core. Sabi pa nga niya sa akin, batas daw ang salita ni Ramil Lizardo. He is a tyrant when he is disobeyed. Pero mabait naman siya sa akin. He is like my own grandfather.”
“I see,” he asked and kept on picking on his food.
“Leonard, what’s wrong?”
Umiling ito. “Nothing. Malungkot lang ako dahil last day ko na dito. I will definitely miss you.”
“Tomorrow naman ang last day ko dito sa Baguio. The semester is over.”
“Hindi ka na tutuloy para sa second semester?”
“Kumuha lang naman ako ng Anthropology dahil gusto kong mas maging objective at accurate ang script ko. Saka kailangan kong mag-concentrate sa play. And next school year, I will start teaching in Sagada.”
It was so sad. What she had with Leonard was only like a passing wind. Magkaiba ang pangarap nila. She belonged to the quiet mountainous town of Sagada while he was out to conquer the world.
He held her hand. “Ihahatid mo ba ako sa airport bukas?”
“I hate goodbyes, Leonard. And I don’t want to hear goodbye from you tonight either. Pakiramdam ko kasi hindi na tayo magkikita ulit.”
She forced a smile. Ayaw din niyang umiyak. Gusto niyang maging masaya dahil pinasaya naman siya ni Leonard habang magkasama sila.
“Don’t worry. We will see each other again. Pupunta ako sa Sagada. Just promise me that you won’t get a boyfriend.”
“Ha? Bakit naman? Wala ba akong kaparatan na mag-boyfriend?”
Lumapad ang ngiti nito. “Basta! Kailangang hintayin mo muna ako.”
“Anong basta! Kumain ka na lang, okay?”
Di pa rin ito kumain. “Kakain lang ako kapag nangako ka sa akin.”
“Okay. Promise, hindi muna ako magbo-boyfriend hangga’t di ka pumupunta sa Sagada. But please make it soon. Ayokong tumandang-dalaga.”
Kailangang ligawan mo ako pagpunta mo sa Sagada. Dahil wala akong planong maging ibang boyfriend kundi ikaw lang. At ayoko ring tumandang-dalaga.