“Hi, Leonard!” bati ni Cindra sa binata nang makita itong naghihintay sa front porch ng loghouse. “Ready ka na bang mag-overnight?” Sa sementeryo sila magpapalipas ng gabi dahil bisperas ng Pista ng mga Patay.
“Oo. Kanina pa nga akong alas kuwatro ng hapon pabalik-balik dito. Pero sabi ng katiwala ninyo, tulog ka pa daw. Kaya ngayon na lang ako bumalik,” sabi nito.
Nag-inat siya. “Pasensiya ka na. Sumakit kasi ang katawan ko. Marami kasi tayong ginawa kanina. Kaya napasarap ang tulog ko.”
“Paano namang sasakit ang katawan mo? Ako naman halos ang nagbunot ng damo at nagpintura sa puntod ng lolo at lola mo. Tapos di ka rin naman magluluto ng take out dinner natin dahil ipinaluto mo na sa Sudimay. Baka naman napagod ka lang sa kakatitig sa akin,” pabiro nitong sabi.
Hinampas niya ito sa balikat. “Kayabangan mo talaga! Hindi kita tinititigan.”
“Hindi mo nga ako tinititigan. Nakatulala ka lang sa akin.”
“Halos naman lahat ng tao natutulala sa iyo.” Natigilan sila nang maalala ang eksena sa sementeryo. Tuwing ipinakikilala niya sa matatanda nang residente ng Sagada si Leonard ay natutulala na lang ang mga ito na parang nakakita ng mundo. “Did it bother you that they stared at you as if they had seen a ghost?”
Nagkibit-balikat ito. “I didn’t notice,” he answered blandly. “Naka-ready na ba ang lahat ng dadalhin natin?”
Binuksan niya ang picnic basket. “Nandito ang flashlight at kumot. Iyong bulaklak ako na lang ang magbibitbit. Dadaanan natin ang ipinaluto kong pagkain kay Manang Sudimay. Wala nang problema.”
“How about candles? Nakalimutan mong magdala ng kandila.”
“Oh, yes! Pakibitbit ang firewood sa may baba ng hagdan.”
“Bakit kahoy?” tanong nito nang makita ang nakabigkis na kahoy.
“Malalaman mo din mamaya.”
Nang makuha na nila ang pagkain sa Sudimay ay nahihintatakutan itong nakatingin sa bundok. “Anong meron? Bakit sobrang liwanag doon? May sunog ba?”
“Steady ka lang,” aniyang nakangiti at hinatak ito papunta sa Campo Santo.
Namangha si Leonard pagbungad nila sa sementeryo. Nakita nito ang dahilan ng paglalagablab ng bundok. “Wow! May bonfire sa bawat puntod.”
“Yes. Instead of candles, we use bonfires to light our dead.”
Napansin nito ang pagkukulumpunan ng magpapamilya at magkakaibigan. Nagkakasiyahan ang mga ito. “Anong nilalaro nila?” tanong ni Leonard.
“Naglalaro sila ng beto-beto. Some are playing cards. Hindi na ako nagdala dahil wala naman akong hilig na maglaro. And I don’t know how to play those.”
“But it looks fun.” Saglit itong tumigil sa isa pang puntod. “Look! They are cooking chicken over the bonfire. Is that how they roast chicken here? Buhay pa ang manok at hindi pa natatanggalan ng balahibo.”
Natawa siya. “Nagluluto sila ng pinikpikan. It is an Igorot cuisine. Ang alam ko nagpaluto si Fawna sa kanila. Bibigyan ka daw niya mamaya.”
“Bakit hindi na lang ikaw ang magluto para sa akin?”
She rolled her eyes. “Leonard, I love pinikpikan. Pero hindi mo ako mapagluluto. I am a chicken when it comes to killing chicken. I’ll just end up crying over the poor chicken. Mas gusto ko nang dressed ang chicken na bilhin.”
“I think I will enjoy staying here. Ngayon pa lang at home na ako dito,” sabi nito habang inilalatag ang mat. Huminga ito nang malalim. “I feel like laying with the fog and the stars above my head.”
“Since you are at home, ikaw na rin ang magparingas sa bonfire natin.”
“Aye, aye, Ma’am!” anito at sumaludo sa kanya.
“Cindra!” bati ni Corazon, ang mommy ni Fawna.
“Hello, Tita!” Humalik siya sa pisngi nito. “Hi, Lola Encar!” bati niya sa matriarka ng mga Lizardo. “You are looking younger and younger, Lola. Parang hindi na kayo nagkakalayo ng edad ni Tita Cora.”
“It is because of the lotion she gave me from Chiangji,” wika ni Encar.
“Where is your mom?” tanong ni Cora. “Wala na naman ba siya?”
“Nag-extend po siya ng vacation sa Caribbean.” But she knew that it was only her mother’s excuse. Ayaw talaga nitong pumunta sa Sagada. Noong bata pa siya, di siya nito dinadala sa Sagada hangga’t di sila sinusundo ng lolo niya.
“Fawna told me that you have a friend,” sabi ni Corazon. “Where is he?”
“Leonard!” tawag niya sa binata na katatapos lang magparingas ng apoy. Lumapit ito sa kanya. “I want you to meet Encarnacion Lizardo, Fawna’s grandmother. And Corazon Lizardo-Ang, Fawna’s beautiful mother. This is…”
Hindi pa niya natatapos ang pagpapakilala kay Leonard ay tumumba na si Encar habang sapo ang dibdib. “Ma!” Corazon cried in distress.
Mabilis itong binuhat ni Leonard at inilapag sa reclining chair na nasa puntod ng mga Lizardo di kalayuan sa puntod ng lolo niya. Nakita niya ang kakaibang titig ng iba pang kapamilya ni Fawna na naroon habang nakatingin kay Leonard. Mahinahon silang sinamahan ni Raphael, ang pinakamatandang pinsan ni Fawna pabalik sa puntod ng pamilya niya nang bahagya nang nahihimasmasan si Encar.
“Will she be okay?” Leonard asked agitatedly.
“Yes. Kailangan lang siguro siyang iuwi sa bahay,” sagot ni Raphael. Nadagdagan kasi ang pag-aalala nila nang marinig ang iyak ni Encar.
“Thank God. Kailangan na siguro niyang magpahinga,” nausal niya.
“Pasensiya ka na sa nangyari,” sabi ni Raphael kay Leonard. “Naalala kasi niya ang tito namin na kasing-edad mo nang mamatay.”
Bumalik na sa normal ang paligid nang maialis na si Encar. Umuwi na ang lahat ng miyembro ng pamilyang Lizardo at bukas na lang daw babalik. Subalit si Leonard ay mukhang hindi pa rin mapakali. Was he bothered by what Encar said? Na naaalala ng mga tao kay Leonard ang pumanaw na miyembro ng pamilya Lizardo.
“Hey! Lola Encar will be okay,” aniya at ginagap ang kamay nito.
“I know.” Ngumiti ito. “Ikaw lang naman ang masyadong tahimik.”
“May gusto ka bang kainin?” Marami nang naikwento sa kanya si Leonard tungkol sa buhay nito. But she had a feeling that he was still hiding things from her.
Very important ones.
“SAAN tayo pupunta, Cin?” tanong ni Leonard.
Minamaneho niya ang Land Cruiser niya. Sa Sagada lang niya iyon ginagamit o kaya kapag bumibiyahe sa malalapit na bayan. Pinakamalayo na niyang namaneho iyon sa Banaue. Ayaw kasi niyang magmaneho sa mas malayong lugar kaya di niya iyon idinadala sa Baguio o Manila.
“Sa Lizardo Farm tayo. Dadalawin natin si Lola Encar. I want to personally check if she is really okay,” sabi niya.
“Baka lalo lang lumala ang kondisyon niya kapag nakita ako.”
“Sisilip lang naman tayo. Saka dadalhan ko lang siya ng blackberry pie. After that, we will go to The Sanctuary. Kadarating lang kasi nila Kuya Tocks from Boracay kanina. He and Ate Ana would be delighted to meet you.” Si Tocks ang director ng play. Habang si Anarinda na asawa naman nito ang bahala sa accessories design ng cast. They owned a music lounge and restaurant. The Sanctuary.
Naging tahimik na si Leonard hanggang makarating ng Lizardo Farm. Sinalubong sila ni Fawna pagbaba nila ng sasakyan. “How is Lola Encar?” she asked.
“She is okay now. Pero natutulog siya.”
“Here is the blackberry pie. Ako ang nag-bake niyan dahil gusto niya ang recipe ko. Sabihin mo galing sa amin ni Leonard. I hope she gets well. And here is the script. Natapos ka na. Pupunta ako sa Sanctuary para ibigay nang kopya ng script kay Kuya Tocks. Gusto daw niyang mabasa nang buo.”
“Susunod na lang ako. We have to finish the music.” Magkatulong sina Tocks at Fawna sa paglalapat ng musika sa mga linya. Musical kasi ang play.
“Yes. Ipaparinig nga ni Kuya Tocks ang first part ng play kay Leonard.”
“Oh, Leonard. You are invited for dinner here tonight.”
“Bakit?” tanong ni Leonard na parang nailang.
“It’s what our family usually do when we have special visitors in town. We want to welcome you properly. I hope that you’ll come. Bring Cindra with you.”
CINDRA noticed that Leonard kept on playing with his cuff links. He looked nervous too. Papunta na sila sa Lizardo Farm kung saan inimbitahan silang mag-dinner.
“Nervous?” she asked and glanced at him.
“Lizardos are pillar of this town. Natural lang na kabahan ako.”
She let out a laugh. “You? Leonard Gomez, nervous? Nakapag-perform ka nga sa harap ng royal family sa Buckingham Palace. Tapos magdi-dinner lang tayo kaharap sila, kinakabahan ka na. Relax. They are nice people.”
Sinalubong sila ng magkapatid na Sapphire at Raphael. Napansin niyang mas kontrolado na ni Leonard ang kilos. “Hi!” bati niya at humalik kay Sapphire. “Leonard, I want you to meet Sapphire. Of course you know Raphael.”
Tumango si Leonard at kinamayan ang dalawa. Pagpasok sa loob ng villa ay nagulat siya nang makitang ang buong pamilyang Lizardo ang naghihintay sa kanila.
Ginagap agad niya ang kamay ni Leonard. “Don’t worry. They are nice.”
Hindi siya nito nilingon at nanatiling tuwid ang tingin. Lumambot ang mukha nito nang makita si Encarnacion. “I am glad that you came, hijo,” sabi ni Encar.
Tipid na ngumiti si Leonard. “I hope that you are okay now, Ma’am.”
“Don’t call me, Ma’am. Call me lola, please.” Bagamat pilit na pinagagaan ni Encar ang boses subalit nakita niya ang panginginig ng boses.
Bumalik ulit ang tensiyon sa paligid nang ipakilala si Leonard kay Ramil Lizardo, ang patriarka ng pamilya. There was thick air around and she couldn’t breathe. Pinipilit ng lahat na maging normal hanggang magsimula ang hapunan.
“Saan ka lumaki, hijo?” tanong ni Ramil.
“I was born in London. I grew up traveling most of the time with my mother. She is a performing artist like me.” There was pride in his voice.
“Is she?” excited na tanong ni Corazon. “Marami akong kilalang Filipino performing artist abroad. They’re really good. What’s her name? Baka kilala ko siya.”
“Emily.” Iginala nito ang mata sa paligid. His face hard. “Emily Gomez.”
Lalong kumapal ang tensiyon. Parang walang nais na magsalita.
“How about your father?” tanong muli ni Ramil. Parang ito lang ang malakas ang loob na magtanong nang mga oras na iyon.
Nagkibit-balikat ito. “I am afraid I don’t know much about him except that he is dead. Si Mommy ang bumuhay sa amin ng twin sister ko nang mag-isa.”
Mahabang sandali ulit ang namayani bago muling nagtanong si Ramil. “What is your father’s name?”
Direktang tiningnan ni Leonard si Ramil sa mata. “Martin Lizardo.”
PARANG iisang taong napasinghap ang lahat ng nakikinig maging si Cindra mismo. Naintindihan na niya ang lahat ng reaksiyon ng mga tao sa paligid tuwing nakikita si Leonard. Na parang nakakita ng multo ang mga ito. He was a Lizardo. At ngayon niya naintindihan ang hostility nito sa mga Lizardo.
Bakit hindi ba niya napagdugtong nang makita niya si Leonard na nakatayo sa puntod ni Martin Lizardo? Sinabi na rin nito na galing sa Cordillera ang ama nito. At ang taon ng pagkamatay ni Martin Lizardo. It was twenty-six years ago. Kulang isang taon matapos isilang si Leonard.
Napaiyak si Encar. “The moment I saw you, I know you are Martin’s son,” sabi nito kay Leonard. Hinawakan nito ang kamay ng nakatigagal na asawa. “You heard him, Ramil. He is our grandson. There is no doubt about it. He exactly looks like Martin. And he has a twin sister. May iniwan sa atin si Martin na mga anak.”
Nakuyom ni Ramil ang palad at binayo ang mesa. “Nagtataka ako kung bakit hindi sinabi sa amin ni Emily na may anak sila ni Martin. She hid you from us!”
“You don’t like her,” Leonard answered casually. Subalit nasa mukha pa rin nito ang kinikimkim na sama ng loob. “Ni ninyo siya matanggap para kay Daddy. And you didn’t even allow her to see him during his wake.”
“Kung alam lang namin, tatanggapin namin kayo,” mariing sagot ni Ramil.
Mariing nagdikit ang labi ni Leonard. “Ano po ang garantiya ni Mommy na tatanggapin ninyo kami? You blamed her for Dad’s death. Mababa ang tingin ninyo sa kanya. And besides, you just accept me because I am my father’s exact image. If not, you will just throw me out.”
“Leonard,” usal niya sa pangalan nito. He had so much pain inside his heart. He felt unwanted. Buong buhay nito, di nito naramdaman ang pagmamahal ng pamilya ng ama dahil sinaktan ng mga Lizardo ang ina nito. And it hurts her to see him like this. She wanted to hold him in her arms and comfort him.
Tumayo si Leonard at taas-noong iginala ang tingin sa paligid. “Don’t worry. I didn’t come here to be recognized. Kung hindi ninyo itinanong sa akin kung sino ang ama ko o kung kadugo nga ninyo ako, hindi ko naman kayo sasagutin. Nagkataon lang na nandito ako sa Sagada at nakita ninyo ako. I came here for the children I want to help and not for this family.”
“Apo!” anang si Encar at napahagulgol ng iyak.
“I am sorry. Siguro nasasaktan kayo sa mga sinasabi ko. But I didn’t come here for the Lizardo’s name or your family’s money. Gusto ko lang naman sabihin sa inyo na nabuhay kaming mag-iina nang wala kayo,” matigas nitong sabi at umalis.
Sumunod siya dito sa loob ng sasakyan. He was hurting but she kept her mouth shut. Pinaandar lang niya ang sasakyan. Di ito kumibo. She didn’t expect him to. Matiim ang anyo nito hanggang makarating sila ng guesthouse.
Di agad ito bumaba ng sasakyan. He looked so focus in his own emotions that he didn’t notice that the car stopped. “Leonard, magpahinga ka muna.”
“Am I a rotten person to say those awful words, Cindra?”
“No. Sinabi mo lang kung ano ang nararamdaman mo. You’ve been through a lot. Hindi naman kita pwedeng sisihin. At naiintindihan ko ang nararamdaman mo.”
“I wanted to deny them about my true identity. I don’t want them to be a part of my life. Sinaktan nila si Mommy.”
“But you didn’t. Because you know that you can’t escape the truth forever. They will eventually find out who you are. Mabuti nang mailabas mo ang nararamdaman mo.” Hinaplos niya ang likod nito. “So it’s okay, Leonard.”
“I told my self that when I see them, I want to hurt them as badly as what they did to my mother. I don’t want to give them the opportunity to know how much they hurt me. Hahayaan ko silang makita ako at maalala nila ang lahat ng kasalanang ginawa nila kay Mommy. Na isang bangungot sa kanila na kahawig ako ni Daddy pero di nila ako makilala. I want to be their living nightmare. But I blew it up. Nasabi ko pa rin kung sino ako.”
She caressed his face. “Noong una, ayaw mong sabihin sa kanila dahil natatakot ka sa magiging reaksiyon nila. Kung tatanggapin ka ba nila o hindi. Takot ka rin sa rejection. But a while ago, you simply didn’t care. And that was brave.”
Kung kasing tapang lang niya ito, sana ay alam na niya kung sino ang tunay niyang ama. Sana ay naitanong na niya sa mommy niya kung mahal nga ba siya nito bilang tunay na anak. But she was not as brave as Leonard.
“Hindi rin naman ako masaya na may nasaktan ako.”
“Matulog ka na. Tomorrow, you can think clearly.”
He kissed her forehead. “Thanks, Cin.”
Huminga siya nang malalim nang bumaba na si Leonard. Nararamdaman din niya ang bigat ng pakiramdam nito.I just hope things will be better for you, Leonard.
NATAGALAN si Cindra bago pinuntahan si Leonard sa Sagada Guesthouse dahil ipinag-bake pa niya ito ng chicken lasagna. She wanted to make him feel a bit better. Wala siguro iyong magagawa para gumaan ang pakiramdam nito. But she was sure that he would appreciate her effort.
Papasok siya ng guesthouse ay siya namang paglabas ni Encar. “Lola!”
“Binisita ko si Leonard. But he refused to see me or talk to me,” mangiyak-ngiyak nitong sabi. She was hurt with the rejection.
“Pasensiya na po kayo, Lola. As you can see, he is still hurt.”
“I know. That’s why I want to see him. Marami akong ipapaliwanag. Pwede mo ba akong tulungan? Baka makinig siya sa iyo.”
“Sandali lang po, Lola.” Tumakbo siya sa may front desk. “Dianne, pakibigay kay Leonard. Sabihin mo padala ko. Tell him that I will be back soon. Thanks.” Saka siya lumabas ulit. “Let’s go, Lola.”