Nakaupo sa terrace ng Sagada Guesthouse si Leonard nang dumating si Cindra mula sa pakikipag-usap kay Lola Encar. Napansin niya na nasa table pa ang lasagna na niluto niya at di pa nito ginagalaw. “Bakit hindi ka pa kumakain? I baked that for you. O wala kang hilig sa lasagna?”
“Sabi mo sabay tayong kakain. You are late,” anitong di siya nilingon. Tuwid lang ang tingin nito sa rice terraces na natatanaw mula sa guesthouse.
“May emergency ako na pinuntahan kaya pinadala ko na lang kay Dianne ang lasagna. Since I am here, sabay na tayong kumain.”
“Pumunta si Mrs. Lizardo dito kanina,” anito sa malamig na boses.
“Mrs. Lizardo?” Alam niyang si Encarnacion Lizardo ang tinutukoy nito. Subalit hindi niya inaasahan ang pormal na pagtawag nito.
“I am pertaining to my father’s mother!” he exclaimed with an edge of impatience in his voice.
“Leonard, she is your grandmother. You should call her lola at least…”
Bigla itong tumayo at lumikha ng ingay ang steel chair. “I never had a grandmother, Cindra. My mother grew up in an orphanage.”
“But you can’t deny that you are a Lizardo. Pamilya mo sila.”
“No. Nagkataon lang na Lizardo si Daddy. Pero si Mommy at Dashielle lang ang pamilya ko. They pushed my mother away. And now they are expecting me to recognize them. Nasabi ko na sa kanila. I don’t need them. Habang nandito ako, pwede ko silang pakisamahan nang sibilisado. Basta huwag na lang nilang ipilit sa akin na maging parte ng pamilya nila.”
Her chest heaved. There was still too much anger there. Hindi nga naman mabubura ng taong lumipas ang mga sakit na naranasan ng ina nito. “Leonard, listen. Your grandmother looked for your mother.”
Natigagal ito. “Hinanap niya si Mommy?”
“Yes. Si Lolo Ramil ang nag-utos na huwag siyang makita at walang magawa si Lola Encar. Nasaktan sila dahil dalawang anak nilang lalaki ang magkasunod na namatay. Hindi pa nga sila nakaka-recover sa isa, may kasunod na naman. Pero nang magkaroon ng chance si Lola Encar, ipinahanap niya ang mommy mo. Kahit nang nasa London na siya, sinundan pa rin niya doon kahit na tumutol si Lolo Ramil. She wanted to apologize properly. Pero ayaw siyang makita ng mommy mo.”
“Mom never mentioned about it,” pabulong na wika ni Leonard. Mukhang nagulat din ito sa natuklasan. “Are you sure that she is not lying?”
“Your grandmother is a respectable woman. Naiintindihan ko ang mommy mo. Siguro nasaktan siya sa pagtataboy sa kanya. And that time, buntis na siya sa inyo ng kakambal mo. Gusto lang niya kayong protektahan dahil akala aagawin kayo sa kanya. But you can see that Lizardos aren’t that bad. Tao lang silang nasasaktan. At gusto ka nilang makausap ngayon para ayusin ang gulo na iyon.”
Mahigpit na humawak si Leonard sa bakal na railings ng terrace. Parang hindi to makapagdesisyon kung ano ang dapat gawin. Maya maya pa ay nilingon siya nito. “Ano ang gagawin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon ko?”
Huminga siya nang malalim. “Naiintindihan ko kung di basta-basta mawawala ang galit mo sa kanila. But if I were you, I would listen to them. Pare-pareho lang kayong nasasaktan. Masakit din sa kanila na di kayo lumaki na magkapatid sa piling nila. Things would have been different if they knew you existed. Makakasama nila ang isang parte ng daddy mo na nawala. Mas madali silang makaka-recover. Don’t you think twenty-six isn’t enough for them to suffer? At gusto mo pa rin bang patuloy na saktan ang sarili mo?”
Naalarma ito nang makita siya. “Cindra, you are crying!” Mabilis niyang pinahid ang luha subalit kinabig siya nito. Then he pressed her forehead against his chest. “Are you mad at me because I am cold hearted?”
“No. I am crying because I know that you are hurting.” Ayaw niyang nakikita itong nasasaktan. She could feel the battle raging inside him. Kung patatawarin ba nito ang mga Lizardo o hahayaan nitong mamayani ang galit dito.
“I am not. So stop crying.”
“Hatred would get you nowhere, Leonard. Mas magiging masaya ka kung hahayaan mo lang ang sarili mo na maging masaya. Be open for reconciliation.”
Napipilan ito. “You know that it is not easy.”
“But you can do it. Di mo naman kailangang magmadali. Kung ako ang nasa sitwasyon mo at makikilala ko ang pamilya ng daddy ko, magiging masaya ako. Hindi siguro mangyayari sa akin iyon. At least it could happen to you. Pwede kang maging mas masaya. If you’ll open your heart, the pain will fade away.”
He kissed the top of her head. “I will do it for you then.”
“No, Leonard. Do it for your self. Kung magiging masaya ka, magiging masaya na rin ako. And you really need it.”
For the first time, a smile curved on his lips. “Then I will do it for the two of us. Dahil ito na ang huling beses na iiyak ka dahil sa akin.”
“O, bakit nandito ka?” tanong ni Cindra nang maabutan si Leonard na nakaupo sa bench sa may garden. “Hindi ba dapat pupunta ka sa Baguio?”
“Luluwas daw si Rose at Glynn. Nagpabili na lang ako sa kanila ng kailangan ko. Mabuti pa sumama ka sa aking mag-picnic.”
“Talaga? Sandali lang, ha? Magbibihis lang ako.” At saka siya nagkukumahog na pumasok ng bahay para magbihis. Yes! Magde-date kami!
Bagamat palagi silang magkasama ni Leonard dahil sa mga practice ng mga bata, di na sila makapagsolo dahil madalas nilang kasama ang ibang members ng cultural team. Lagi nilang pinag-uusapan ang mga gagawin sa play. Leonard as an experienced performing artist improved the performance of the students. Pati nga sila ay maraming natututunan dito.
Kasundo nito ang mga miyembro ng grupo. Marunong kasi itong makisama. At di katulad ng dati, normal na rin itong makisama kay Fawna. Alam na sa Sagada na isa itong Lizardo at dahan-dahan nitong inaayos ang relasyon sa mga kapamilya.
“Kuya Raphael loaned me his car while I am here,” sabi nito.
“Bakit magko-kotse pa? Saan ba tayo magpi-picnic?”
“Wala nang surprise kapag sinabi sa iyo, hindi ba?”
Tahimik lang siya habang bumibiyahe. Ilang minuto pa ay natanaw na niya ang Lake Danom. “Sa lake ba tayo pupunta?” excited niyang tanong. Napaka-romantic naman ng magiging date namin. Sa lake at kaming dalawa lang.
Subalit nadismaya siya nang nakitang naroon ang lahat ng pinsan nito. Akala ko pa mandin masosolo ko na si Leonard. Pero nang isa-isa nitong tapikin sa balikat ang mga pinsang lalaki at halikan sa pisngi sina Fawna at Sapphire ay di niya maiwasang ngumiti. She could see that he was starting to open his doors. At nasorpresa nga siya nito.
“Cindra, halika!” yaya ni Leonard sa kanya at umupo sa picnic blanket.
Tumikhim si KC. “Mukhang wala kang balak na magpahuli sa kaguwapuhan, pinsan. Ikaw lang ang may kasamang girlfriend sa atin. Nang-iinggit ka ba?”
“Hindi niya ako girlfriend. Yaya lang ako,” kontra niya.
“Mas gusto naman yata kitang maging girlfriend kaysa yaya,” sabi ni Leonard.
Pinanlakihan niya ito ng mata. “Anong sabi mo?”
“Wala,” sagot ni Leonard at iniwas ang tingin sa kanila.
Lalo tuloy silang nakantiyawan ng mga pinsan nito. “Hindi mo pa girlfriend, under ka na agad,” pabirong sabi ni James.
“Dapat hindi mo na lang ako isinama. Ang lakas mangantiyaw ng mga pinsan mo. Saka sa inyo lang naman ang picnic na ito. Di na ako dapat kasali.”
“Basta dito ka lang,” may himig ng pakiusap ni Leonard. And she knew why. Hindi pa rin ito komportable na makasama ang mga pinsan na noon lang nakilala.
“Huwag kang matakot sa amin. Di ka namin kakain,” sabi ni Raphael.
“Hindi naman sa ganoon,” anang si Leonard at bahagyang yumuko.
“Cindra, ikwento mo naman sa amin kung paano kayo nagkakilala ni Kuya Leonard,” nanunuksong sabi ni Fawna.
“Ay! Ayoko nga! Nakakahiya!” tanggi niya.
“Ako na lang ang magku-kwento,” sabi ni Fawna. At di n a niya ito napigilan pa. Umani sila ng palakpakan ni Leonard pagkatapos.
“Isang mataray at isang matapang. Hindi halata sa personality mo, Cindra,” sabi ni Klein. “And cousin, you are a true Lizardo. Magaling ka sa martial arts.”
“Hindi ako magaling. Basic kung fu lang ang alam ko,” anang si Leonard. “Hindi naman ako world champion or professionals tulad ninyo.”
Si James kasi ay world champion sa taekwondo. Si Klein ay kilala naman sa kickboxing at si Raphael ay ex-mercenary at retrieval expert.
“I can teach you more if you want,” prisinta ni Raphael.
“Thanks, Kuya,” pasasalamat ni Leonard.
“Tuturuan din kita ng trick para mapasagot mo si Cindra. Dapat malaman mo kung ano ang sekreto ko kaya ko napasagot si Evaine,” tukoy ni KC sa nobya.
“Ano namang sekreto iyan?” tanong ni Leonard.
“Dance striptease,” KC answered in a husky voice as he unbuttoned his shirt.
Mabilis na tinakpan ni Leonard ang mata niya. “Huwag kang titingin.”
“Kuya KC, stop it!” saway ni Fawna sa kapatid. “Baka itakwil na kita.”
“No, thanks. Mas okay na sa akin si Binsay,” anunsiyo niya.
Lalong umulan ng tuksuhan. Nagtatalon sa tuwa si Leonard. “Whoo! Sabi ko na nga ba. Patay na patay ka sa akin.”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Bakit? Hindi naman ikaw si Binsay ngayon, ah! Si Leonard ka. Mag-costume ka muna. Baka ako pa ang manligaw sa iyo.”
Napapakamot na umupo sa tabi niya si Leonard. “Sorry. Hindi ako prepared.”
Hinatak ito ni Klein. “Halika nga! Tuturuan ka namin kung paano manligaw.”
Sa isang side ng lake nagkulumpunan ang mga ito. Para sa mga lalaki lang daw ang usapang iyon kaya sila lang nina Fawna at Sapphire ang naiwan.
“Thanks for coming with him,” sabi ni Sapphire. “Kinakabahan nga ako dahil akala ko hindi siya pupunta. Ilang beses na kasi siyang tumanggi. Baka galit din siya sa amin kahit na wala kaming kasalanan sa nangyari dati.”
“Naiilang lang siya sa inyo pero hindi siya galit.”
Huminga nang malalim si Fawna. “He is like one of us now. Sana maging maayos na rin ang relasyon niya sa iba pa lalo na kina lolo at lola.”
“Dahan-dahan lang. Let him take things on his own pace,” payo niya. “All his life, he hated the Lizardos. Wala siyang planong maging bahagi ng pamilya ninyo o magpatawad man lang. Nasanay na siyang nasasaktan. Pero nakikita naman ninyo na pinipilit niyang magbago, hindi ba?”
“At kailan ka naman magiging parte ng pamilya namin?” nanunuksong tanong ni Sapphire. “Hindi mo pa rin ba sinasagot?”
“Anong hindi sinasagot? Hindi nga siya nanliligaw.”
“Ibig sabihin hindi pa rin siya nagtatapat sa iyo?” bulalas ni Fawna. “Samantalang wala na siyang ginagawa tuwing magkasama kayo kundi titigan ka. Kaya nga ayaw niyang naroon ka kapag pina-practice niya ang mga bata. Nawawala kasi ang concentration niya.”
“I admit that I like Leonard. Pero ayoko namang paasahin ang sarili ko. Baka mamaya mabait lang siya sa akin at nami-misinterpret ko lang siya.” Hangga’t di direktang sinasabi sa kanya ni Leonard na gusto siya nito, di siya maniniwala.
“THE old man is so clever. Hindi ko pa rin siya natatalo sa chess hanggang ngayon,” sumbong ni Leonard habang naghihiwa ito ng gulay. Magluluto kasi siya ng vegetable carbonara para sa mga estudyante nila magpa-practice nang hapong iyon. Maganda ang performance ng mga ito kahit practice pa lang kaya gusto niyang bigyan ng reward ang mga ito para lalong ganahan.
“Hamunin mo na lang ng sayawan si Lolo Ramil. Baka sakaling manalo ka.”
“Hindi daw siya magpapatalo sa akin sa sayawan. After all, I am just his grandson. Would you believe that?” iiling-iling na sabi ni Leonard.
Kapag walang practice ang mga bata ay nasa Lizardo Farm ito upang dalawin ang lolo at lola. Iba na ito sa Leonard na dumating sa Sagada na puno ng galit. He could wear that smile on his lips without hidden pain inside his heart.
“Well, face it. Baka nga mas magaling sa iyo ang lolo mo.”
“Tinatanong niya kung ilan daw ang gusto nating maging anak.”
“Ha?” bulalas niya at muntik nang mahiwa sa pagkagulat.
“Sabi ko bilangin niya ang lahat ng estudyanteng magpe-perform sa Epic of Lam-ang. Ganoon kadami ang gusto kong maging anak natin.”
Nanlaki ang mata niya. “Thirty? Gusto mo ng thirty na anak?” Nasapo niya ang ulo. Baka hindi na siya humihinga pagkatapos niyon. “Sandali. Paano tayo magkakaanak kung hindi kita boyfriend?”
Nagkibit-balikat ito. “Wala. Oo nga pala. Before the end of this year, I might leave for Australia. Ang bestfriend ko na si Wolf ang papalit sa akin para mag-training sa mga bata,” kaswal nitong kwento.
She felt devastated. Parang may malaking batong humampas sa ulo niya. “Ayaw mo na ba dito? Kasundo mo na ang pamilya mo. Ngayon ka pa ba aalis?”
“Gusto ni Mommy na sa Australia muna ako.” Nilingon siya nito. “ Ayaw mo bang umalis ako?”
“S-Siyempre. The kids like you now. Ikaw nga ang bukam-bibig nila…”
“Did I say anything about the kids?” Hinawakan siya nito sa balikat. “Ikaw ang tinatanong ko. Bakit ayaw mong umalis ako?”
Yumuko siya. Di niya masalubong ang tingin nito. “Because I will miss you?”
He held her chin up. “Bakit parang hindi ka sigurado sa sagot mo?”
Itinulak niya ito at saka ito tinalikuran. Naluluha na siya at ayaw niyang makita nitong naiiyak siya. “This is silly!”
She would miss him. Just the thought of him leaving made her miss him. Nasanay na siyang lagi itong kasama. He had been her world for weeks now. Hindi niya naihanda ang sarili sa ideya na aalis ito. Wala namang halaga kung sagutin pa niya ang tanong nito. Kung aalis ito, di naman niya ito mapipigilan.
“Gusto kong malaman kung ano ang nararamdaman mo kung aalis ako. I think I am in love with you and I want to know if you feel the same.”
Pakiramdam niya ay umurong ang luha niya at napalingon siya. “Ha?”
“I am asking if you love me too.”
Too? Tuluyan na siyang humarap dito. “In love ka din sa akin?”
“Yes. Kanina ko pa nga sinasabi, hindi ba?” anitong parang nauubusan na ng pasensiya sa kanya dahil di siya nakikinig mabuti. “Tinatanong ko na nga kung in love ka sa akin.”
Hinawakan niya ang magkabilang sentido. Na-shock yata ang utak niya sa mga sinasabi nito. Medyo bumagal siyang mag-isip. “Teka. Doon muna sa inlove ka sa akin. Sigurado ka ba?”
“For starters, I came to Sagada to be with you.”
“Hindi ba pumunta ka dito dahil sa mga bata? You have to train them.”
“My mother didn’t allow me to come here. Si Tito Benjie mismo ang nagsabi sa akin. But I insisted. Kaya hanggang ngayon hindi ako kinakausap ni Mommy. Ayaw niyang masaktan ako. But I took the risk anyway to be with you.”
“Alam ba niyang kasundo mo na ang family ng daddy mo?”
“Not yet. Mas gusto ko na makausap nila mismo pagpunta sa Australia sa kapag dinalaw namin si Dashielle. If I tell her now, she would get mad. But Mom knows about you. Alam niyang pumunta ako dito dahil sa iyo. She told me that I went crazy just because of a woman. And that’s very unlikely of me.”
“Leonard, I don’t understand what you see in me.”
Sanay na siyang maging bahagi ng ilusyon niya si Leonard. But now that he was telling how he really felt, it still seemed so surreal.
“Why not? You are pretty and intelligent.”
“So what? Marami namang magaganda at matatalinong babae.”
He scooped her shoulders and stared into her eyes. “You are the only one I can’t get out of my head. At ikaw lang ang pinakikinggan ko. You are the only woman who understands how I really feel. Ngayon ko lang sinasabi sa iyo dahil hindi ko alam kung paano iha-handle ang nararamdaman ko noong una. And I don’t want to hide anything from you. I don’t want to offer love tainted with hatred. Natuto akong magpatawad dahil sa iyo. I was brave enough to face my ghosts with your help. You are heaven sent, Cindra.”