Chapter Leonard, The Wild Wind: Chapter 10

“Cindra, huwag ka na diyan. Bahala na kami ni Manang Bertha diyan sa strawberry cake. Maghintay ka na lang sa sala kina Kuya Leonard,” sabi ni Fawna sa kanya habang tumutulong siya sa kusina.

“Hindi. Gusto ko talagang gawin ito,” sabi niya.

Nasa villa siya ng mga Lizardo at hinihintay si Leonard. Susunduin nito sa Baguio ang mommy nito at ang dalawa pang kasamahan sa foundation na mag-o-observe sa practice nila sa play. Kaya naman naghahanda sila.

“Hayaan mo siyang magpa-impress sa future mother-in-law niya,” anang si Rose. “Kahit naman ikaw ganyan ang gagawin mo.”

“Naku! Hindi kami magkakasundo ng future mother-in-law ko,” anito at inikot ang mata. “Saka hindi ako genius sa pagluluto. I am sure magugustuhan iyan ni Tita Emily. She loves strawberries.”

“Leonard told me.” She wanted to bridge the gap between them. Gusto niyang matuwa si Leonard sa kanya. She knew how much he loved his mother. At gusto rin niyang makita ni Emily na kaya niyang alagaan si Leonard.

“Ano pang ginagawa mo diyan? Nandiyan na sila!” anunsiyo ni Corazon at hinila siya palabas ng kusina. Sakto namang pababa ng sasakyan si Leonard habang inaalalayan ang mommy nito. Kasunod niyon ay ang dalawang kaibigan ni Leonard.

Nag-o-observe lang siya sa isang tabi nang sikuhin siya ni Rose. “Lapitan mo na si Leonard. Ano pang tinitingin-tingin mo diyan?”

“Hayaan mo muna siya sa pamilya niya. Okay nang tingnan ko siya.” She missed Leonard but she didn’t have to hurl her self at him. There’s time for that.

“Cindra,” Emily recognized her with a cold smile.

“Welcome to Sagada, Ma’am,” she greeted.

Maya maya pa ay nilapitan siya ni Leonard. “Don’t I get a kiss?”

Tumingkayad lang siya at kinintalan ito ng halik sa pisngi. That was all she could give him because they were in public after all. “I miss you,” bulong niya. “And I am glad that you are back.”

Pinisil nito ang ilong niya. “And it is good to see you again.”

“OA tayo. Parang limang taon tayong hindi nagkita.”

“I can’t help it. Na-miss naman talaga kita.”

Nawala ang ngiti sa labi niya nang umabrisyete ang babaeng kasama ni Leonard dito. “Leonard, who is she?”

“Cindra, this is Mhegan. Mhegan, Cindra.”

Tumaas ang kilay ni Mhegan. “Oh, so that’s her,” she stated. “Will you tour me around, Leonard?” Saka naglakad palayo si Mhegan tangay si Leonard.

Napipilan siya. Di niya alam kung bakit iyon ang entrada sa kanya ni Mhegan. As if she was not irrelevant. Samantalang nobya siya ni Leonard. And all Leonard could offer her was an apologetic smile.

“Hi! You must be Cindra, Leonard’s girlfriend,” bati ng lalaking kaibigan ni Leonard. “I am Wolf, Leonard’s bestfriend.”

“Oh, hi! It is a pleasure to meet you.” Then she shook his hand. He was a handsome guy with bronzed skin and long dark hair. And what fascinated her were his eyes. They were light blue.

“I am half-Apache, half-Irish,” anitong parang nabasa ang iniisip niya tungkol sa asul nitong mata. “I can also speak Filipino fluently.”

“Do you have a Filipino blood?”

“No. But I am a part of Sir Benjie’s family since I was nine. Sila na halos ang nagpalaki sa akin. So I am a Filipino at heart.”

“That’s fascinating! Do you have a totem animal?”

“Whoa! You are the first person who asked me that.”

“I took up Anthropology just last semester. So I find your culture interesting.”

“Yeah, sure! Teka, nagluto ka ba ng adobo para sa amin?”

“Yes. It will be served later.”

“Ipinagmamalaki ni Leonard sa akin na magaling kang magluto.”

“I cook just fine. Baka naman sobra ang expectations ninyo.”

Nilingon nito sina Leonard at Mhegan na magkadikit pa rin. Parang si Mhegan na nga ang girlfriend ni Leonard. “I hope you won’t get jealous. Ganyan talaga si Mhegan. Sabay kasi silang lumaki ni Leonard.”

“Hindi naman makitid ang utak ko. I know that they are good friends. Uhmmm… I think I should ask them for your room. Para makapagpahinga ka na.”

Lumingon sa kanya si Mhegan. Ngumiti siya subalit iniarapan lang siya nito. Nadagdagan yata ang babaeng di boto sa kanya para kay Leonard. Pero gaya ng mommy ni Leonard, pakikisamahan niya nang maayos si Mhegan dahil kaibigan ito ni Leonard. Mabuti at naroon si Wolf. Mukhang makakasundo niya ito. At least there was one person close to Leonard whom she could get along with.

“HAY! Sana dalawa ang puso ko. Wolf is really gorgeous,” usal ni Rose at huminga nang malalim. Nasa bakanteng bahagi sila ng Sanctuary. Tumutulong si Cindra sa paggawa ng props habang katatapos lang mag-practice ng isang part ng play ng mga bata. Nagpapahinga si Rose. Sina Leonard, Wolf at Mhegan ay nagbibigay ng tips sa mga bata.

“Huwag mo na siyang pangarapin. Bumalik ka na lang sa tabi ni Glynn at makinig ka sa tips na ibinibigay nila. Kahit anong gawin mo, di magiging dalawa ang puso mo,” pagtataboy niya dito.

“Ayoko! Naiinis ako sa Mhegan na iyon. Akala niya siya lang ang magaling. Akala niya siya lang ang maganda. Wala nang ginawa kundi manlait. Tingnan mo. Sa susunod pati hanging hinihinga natin lalaitin din niya.”

“Rose, professional na siya. She’s doing this for us. Dapat nga magpasalamat tayo dahil tinutulungan nila tayo.”

“Dapat mo bang ipagpasalamat iyan?” Ipinaling nito ang ulo niya sa direksiyon nina Leonard at Mhegan. Habang nagsasalita si Leonard ay nakatitig si Mhegan ito at naka-abrisyete. “Ilang araw na silang parang kambal-tuko. Akala mo ba hindi ko napapansin na tuwing lalapit si Leonard sa iyo, gumagawa siya ng paraan para ilayo sa iyo? Nakakababae na kasi ang impaktang iyan, eh!”

Bahagyang may kumurot sa puso niya kaya mabilis niyang iniwas ang tingin. “Magkaibigan lang sila. And she’s like Leonard’s sister. So I don’t mind. Wala iyong ipinagkaiba sa inyo ni Glynn. Iniintindi ka niya kahit tingin ka nang tingin sa iba.”

“Because Glynn knows that I love him. How about that girl? Siya na ang nagpapakita ng motibo kay Leonard. Sino ang lalaking tatanggi?”

Itinaas niya ang kamay. “Enough, Rose! That’s enough!”

Lumabas siya at naglakad-lakad. Di kalayuan sa Sanctuary ay tanaw na ang rice terraces. Umupo siya sa trail at hinayaang dumampi ang malamig na hangin sa balat niya hanggang mamanhid ang pakiramdam niya.

Kinokontrol lang niya ang sarili niya nang nakakaraang araw. She must admit that she was jealous with Mhegan. Pero pinipigilan niya ang sarili. Anong mangyayari kung magseselos siya? Wala siyang mapapala. Ayaw niyang magkalamat ang relasyon nila dahil lang sa walang basehan niyang pagseselos.

But it wasn’t easy to keep things in control. Lalo na’t hindi lang siya ang nakakapansin. Pati ang mga kaibigan niya. Di niya maiwasang maapektuhan. Alam niyang mismong mga kaibigan na niya ang nasasaktan para sa kanya.

“It is so quiet here. Leonard told me it’s interesting.”

Gulat siyang napalingon nang marinig ang boses ni Mhegan. Di niya alam kung paanong ngiti ang gagawin habang nagngingitngit siya.

Niyakap niya ang tuhod. Mhegan’s presence was more chilling than the wind. “Yes. Maraming taga-ibang lugar na gustong mag-settle dito. And this town is quite appealing with people who are proud of their heritage.”

“And women who loves to hurl themselves at men. No wonder Leonard wants to stay,” she stated slyly. “You thought you got him by the hook.”

Tumayo siya. “Excuse me. I have to go back to them.” Nasira na nito ang mood niya. At mabuti nang umalis bago pa maubos ang pasensiya niya.

“Will you stop bothering Leonard, please?”

The last strand of her patience snapped. Hinarap niya ito. “The last time I checked it, Leonard is my boyfriend. And I didn’t hurl my self to him.”

Tumawa ito nang pagak. “You see, this is all a game to Leonard. I told him to stop it. Itinuloy pa rin pala niya.”

Naningkit ang mata niya. “Pardon?” Kanina ay siya ang iniinsulto nito. Ngayon pati si Leonard at ang relasyon nila.

“Do you know that it was your mom’s fault why the Lizardos hated Tita Emily?” Naglakad ito paikot sa kanya. “Ipinagkalat ng mommy mo na kung kani-kaninong lalaki sumasama si Tita Emily. Na kahit boyfriend niya ang daddy ni Leonard, inagaw pa rin ni Tita sa kanya. Napasama si Tita and the rest is history. Wherein all of them are lies. Hindi siya naging girlfriend ng daddy ni Leonard. They are just friends. At disenteng babae rin si Tita Emily. She did it out of spite. Your mother loved Martin Lizardo but she couldn’t get him. So she invented stories. Natural na siya ang paniwalaan ng mga Lizardo dahil malapit ang pamilya nila sa isa’t isa. Siya ang naging dahilan kung bakit naging miserable ang buhay nila Leonard!”

Her head swirled with the discovery. Ganoon ba katindi ang naging away nina Emily at ng mommy niya? It was awful. At di niya masisisi kung bakit nagalit si Emily sa kay Zarah at pati siya ay madamay. It was awful.

Alam na rin niya kung bakit hindi naging masaya sa buhay niya ang mommy niya. Hindi nito nakuha ang lalaking mahal nito. Si Martin Lizardo. Leonard’s dad. At di ito magiging masaya kung mamahalin niya ang anak ng babaeng umagaw sa nag-iisang lalaking mahal nito. Sampal iyon sa pagmumukha nito.

“Look, I empathize with Leonard and his family. Mali ang ginawa ni Mommy. If they want a formal apology, I would try to convince my mom just to end everything.” Siya mismo ang naging biktima ng sarili niyang ina. Sinaktan din siya nito. “But could you please leave my relationship with Leonard out of this? It has nothing to do with us.”

“Nothing?” Lumungkot ang anyo nito. “What a pity! I guess it is too late to leave you alone. Kilala ka na ni Leonard bago pa kayo magkita ulit sa Baguio. He knows your mother and how she ruined his family’s life. Sinadya ka niya sa Baguio. Not out of romance but to get even with your mom through you.”

She felt like thunder struck her. Parang daloy ng tubig na bumalik sa kanya ang pagkakakilala nila ni Leonard. Hanggang sundan siya nito sa Baguio pati ang pagsama nito sa kanya sa Sagada. “Palabas lang niya ang lahat?”

“Well, the train scene was a coincidence. Nagkataon lang na nakuha niya ang notebook mo. When he read that you are studying in Baguio, he decided to check with his sources. And when confirmed that you are the daughter of his mom’s worst nemesis, he created a brilliant plan.”

“It’s not true,” mahina niyang usal. “Leonard loves me.” She could feel it everytime he touches her, kisses her and even when he looks into her eyes. He loves her.

“No, Cindra! Leonard loves me. Mga bata pa lang kami, ako na ang gusto niya. He will drop you once you are crazy over him. Then he will get his good laugh.” Humalukipkip ito. “It is a very nice way to get even. Classic but effective.”

“Bakit sinasabi mo ito sa akin? You can always wait until Leonard drops me.” It was too painful to think that all Leonard wanted with her was revenge. It was so surreal when he became her world all this time.

“I want Leonard to stop this revenge business so he could marry me.”

Marriage. Noong kailan lang ay nabanggit ni Leonard ang tungkol sa pagpapakasal nila. But they were just words. They didn’t mean a thing. Because there was another woman who was waiting for him to say ‘I do’.

She felt like going crazy when she smiled. “Thanks for the info, Mhegan. Don’t worry. Ako mismo ang tutulong sa iyo para matuloy ang kasal ninyo ni Leonard. Now can you please leave me alone?” mariin niyang wika.

The cold wind whipped across her face again. She couldn’t cry. She was too numb to cry. All her illusions were shattered with just a blink of an eye. She thought that Leonard and his love was a nice gift.

But when did she really get a real gift in her life? Wala na siyang ginawa kundi papaniwalain ang sarili na may magmamahal nga sa kanya.

UMAGANG-UMAGA pero nagmamaneho na si Cindra sa paligid ng Sagada. She wanted to clear her head. Di siya nakatulog nang mabuti nagdaang gabi. Iniisip ni ya ang lahat ng sinabi ni Mhegan sa kanya. Whether they were true or not, it was troubling her. At di niya alam kung paano iyon sasabihin kay Leonard.

Sumisikat na ang araw nang matanaw niya si Leonard na nagdya-jogging. Tumigil ito sa pagtakbo at ihinimpil naman niya ang sasakyan. “Good morning!” bati nito at pumasok sa loob ng kotse niya. Saka ito humalik sa pisngi niya. “Papunta na sana ako sa inyo. Naunahan mo lang ako.”

“I don’t feel like staying at home so I decided to drive around.”

Hinaplos nito ang noo niya. “Is something troubling you? Hindi ka na sumama sa amin kagabi na mag-dinner. Nagluto si Wolf para sa amin.”

“Gusto ko na agad magpahinga. Tinapos ko kasi ang spears and shield.”

“Then don’t push your self too hard. Napansin ko din na hindi ka masyadong nagkikibo kahapon. Please tell me what’s wrong.”

Ihinimpil niya ang sasakyan sa tabi ng daan kung saan maraming pine trees. Bumaba siya ng sasakyan at pinagmasdan ang matataas na puno. Bahagya nang tumatagos ang sikat ng araw doon. But its warmth couldn’t reach her. “Leonard, do you know me before you went to Baguio?”

“Through your draft notebook. Your name is written on it.”

“That’s not what I mean. Did you know that I, Cindra Abrillo, am the daughter of your mom’s enemy? Kilala mo na kung sino ang nanay ko? Na siya ang dahilan kung bakit pinaghiwalay ang parents mo?”

“Yes,” mahina nitong pag-amin.

“At kinaibigan mo pa rin ako kahit na alam mo kung sino ang nanay ko?”

“Yes. Does it matter who our parents are, Cin? Imposible ba iyon? Nagkakasundo naman tayong dalawa. I don’t really care about them.”

She laughed lamely and wound her arms around him. “I am just amazed, Leonard. Other people would loath the daughter of their mom’s worst nemesis.”

He kissed the top of her head. “It doesn’t matter because I love you.”

Ipinikit niya ang mata at ninamnam ang mga salita nito. Masarap pakinggan na mahal niya ito. Pero parang lason din iyon na kumakalat sa dugo niya at unti-unting pumapatay sa pagkatao niya. “When will you drop me to complete your revenge?”

He went still. Hinawakan nito ang balikat niya at inilayo siya sa katawan nito. “Wait a minute! What revenge are you talking about?”

“Why ask me that lame question?” Dinuro niya ang dibdib nito. Her fake smile was gone. “Alam mo kung ano ang sinasabi ko. Gagantihan mo si mommy sa pamamagitan ko, hindi ba?”

“Cindra, that’s insane,” mariin nitong bulong.

“Yeah! Insane!” Kumawala siya dito. “But it was still a clever one. I didn’t even get a clue that everything you gave me was a theater act.”

“Please! Huwag mo akong insultuhin.” There was pure pain in his eyes. “Wala akong alam sa mga sinasabi mo.”

“Then I will tell you everything, Leonard. Kinaibigan mo ako kahit na si Mommy ang sumira sa pamilya mo. You made me fall for you. Pumunta ka pa dito sa Sagada para sa akin, di ba? It looks like a fairy tale. But come to think of it. Bakit mo nga naman ako mamahalin? You hate my mom so you used me against her. Kapag nasaktan ako, masasaktan din siya. And if I’ll fight for you, she’ll get hurt. Kahit na anong gawin mo sa akin, masasaktan at masasaktan mo pa rin siya.”

Hinawakan nito ang balikat niya. “Cin, look at me? Am I that kind of person? Na gaganti ako sa mga taong inosente at walang kasalanan sa akin?”

Tinitigan niya ang malungkot nitong mukha. “Don’t give me that look? It works on stage but not with me.” Ayaw na niyang maniwala sa nakikita ng mata niya.

“You are hurting me with your accusation. Kung sinuman ang nagsabi sa iyo, nagsisinungaling siya. I could never hurt you that way. I love you.”

Itinaas niya ang palad. Parang patalim na bumabaon sa puso niya ang pagkakaila nito. Nahahati kasi ang puso niya. Kung maniniwalang mahal siya nito o hindi. “Enough! Lahat ng ipinakita mo sa akin mula sa simula hanggang sa sinasabi mo ngayon, ilusyon ko lang. Ilusyon ko na mahal mo ako. Ilusyon ko na nag-aalala ka sa akin. I had enough of illusions all my life. Please say something real for once, Leonard.”

Direkta siya nitong tiningnan sa mga mata. As if he wanted to pour his whole soul to her. “I love you. And I defied everything just to be with you.”

A sad smile curved on her lips. “Congrats, Leonard. Your revenge business is over. Nasaktan mo na ako. But that classic old trick failed. You can’t hurt my mother through me. She might even thank you to see me hurting.”

Saka siya sumakay sa kotse niya at pinatakbo iyon palayo. Sa side mirror ay nakita niya si Leonard na humahabol sa kanya. But she kept on driving.

Wala na siyang pakialam kung ano ang mangyayari sa kanya matapos iyon. Nobody loved her. Nobody cared. She was one miserable person.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.