Chapter SJ: TIJ 57

MABIGAT ang pakiramdam ni Yana nang gumising kinabukasan. Mugto ang mata niya at masakit ang ulo kaiiyak. Wala na si Gideon sa tabi niya at maliwanag na sa labas. Asul na asul ang langit pero makulimlim ang puso niya.

Nakita niya na may sampung missed call ang numero ni Eu Yin. Siya na ang tumawag sa babae. “Yabusaeyo!” bati nito.

“Eu Jin-ssi, this is Yana. You want to talk to me?”

“Nee,” sagot nito at narinig niya ang paghinga nito ng malalim. “Mianhamnida! I didn’t mean to break you up with Dong Uk. Everything he said last night was true. He would marry me so he could get that loan to finance his restaurant. H-He said that he loves you still and he will divorce me after two years.”

“And you are okay with that.”

“I love him.” Humagulgol ang babae. “If I could only have him for a year or even for a month, as long as I can call him mine. He still loves you even if you have another boyfriend.”

“Eu Jin-ssi, you deserve more than this. I deserve more. He shouldn’t treat us like this.”

“Please don’t be mad at him. He was just forced to marry me.”

“No. He was not forced. He made a choice.” It was a bad case of Korean drama plot and she didn’t want to be a part of it anymore. “He is all yours, Eu Jin-ssi. Tell him to stay away from me. I have more self-respect than that. Be happy. I hope he treats you well. Goodbye.”

Walang duda na aalagaan ni Eu Jin ang dating nobyo. Kahit pa ito ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Dong Uk, masasabi niyang mabuting babae ito sa maigsing panahon na nagkakilala sila. Sana maging masaya din ito.

Nag-send siya ng mensahe kay Dong Uk na wala itong aasahan sa kanya. Na wala siyang planong maging kabit nito at maghintay dito. She deserves someone who would love her. At sa huli, sinabi din niya na alagaan nito si Eu Jin at mahalin ang babae.

Pwede sana niyang sabihin iyon nang harapan o tawagan ito sa phone pero pinili niyang huwag na lang. Technically, wala na siyang aasahang magandang relasyon dito mula nang tanggapin nito ang pagpapakasal kay Eu Jin.

Bumaba siya ng kama at naligo na. Wala siyang oras para magmukmok. Nagbihis siya ng dress na may design ng cherry blossom at inilagay ang clip ng cherry blossom sa tainga. She wanted to feel brand new. Wala na siyang oras para magluksa kay Dong Uk. Simula na ng bagong buhay para sa kanya.

Naabutan siya ni Dong Uk na inaayos ang pagkain sa tray. “Good morning!”

“O! Iaakyat ko sana ang breakfast sa iyo.”

“Hindi na kailangan. Dito na lang ako kakain. Wala naman akong sakit,” sabi niya. “Anong iniluto mo? UY! Egg rolls! Gusto ko iyan.”

Parang nawiwirduhan siyang tiningnan ni Gideon habang sunud-sunod ang subo. “Yana, okay ka lang?”

“Oo naman. Huwag kang mag-alala. Tapos na akong umiyak,” sabi niya at dumampot ng wheat bread. “Nagkausap na rin kami ni Eu Jin. Sabi ko sa kanya na si Dong Uk. Sabi ko rin kay Dong Uk, wag na niya akong habul-habulin. Ituloy na lang niya ang kasal niya at di ako interesado na maging kabit niya o second wife.”

“Wala ka nang plano na bawiin siya?”

Nilagyan niya ng egg roll at ham ang mangkok ng binata. “Wala na akong babawiin. Nagdesisyon na si Dong UK kung sino ang gusto niya. Si Eu Jin at ang negosyo niya. Kasi kung mahal niya ako, sana ipinaglaban niya ako. Na ako lang ang mahal niya. Oo, di madaling magsimula kasi mahirap lang din naman ako. Pero mapagtutulungan naman namin iyon. Di pwedeng gusto niya ‘yung negosyo niya with strings attached at kalaunan ako rin.”

“I know this hurts a lot…”

“Wala. Iniligo ko na lang ‘yung sakit,” kaswal niyang sabi at sumubo. “Wala na rin namang mangyayari kung iiyak ako.”

“H-How about us? ‘Yung relasyon natin, pwede nating ituloy?”

Napirmi ang metal chopstick sa bibig niya. “Huwag mag-alala. Handa pa rin naman akong magpanggap na girlfriend mo. Only this time, di na natin kailangang magpanggap para kay Dong Uk. Hanggang makabalik ako ng Pilipinas.”

“Hindi iyon ang ibig kong sabihin sa iyo. I want it to be real. Ayoko nang magpanggap lang. I want you to be my real girlfriend.”

Nabitiwan niya ang chopstick at kumalantog sa sahig. Maang niyang tiningnan si Gideon. Mukhang seryoso naman ang lalaki. “P-Paanong real girlfriend?

“Real girlfriend. Ganito. We get to be together in a real relationship. Di na kita kailangang halikan para sa benefit ng ibang tao o ni Lola. I want to kiss you because I want to kiss you. I want to take care of you. I will be loyal. Di na ako makikipag-one night stand sa ibang babae. Sa iyo na lang.”

“Sa akin ka lang makikipag-one night stand?”

“Yana, be serious!” bulalas ng lalaki na parang frustrated na dahil di niya nakukuha ang gusto nitong sabihin. “What I mean is I only want you to be the only woman in your life. Ayoko nang laging pigilan ang nararamdaman ko sa iyo. Gusto ko klaro sa iyo na tuwing yakap kita, it is because I want to hold you.”

“Are you in love with me?” Nagsalubong ang kilay nito at bigla niyang ipininid ang bibig. Allergic nga pala ito sa L word.

“I am not sure if this is really love. Pero nag-check ako sa Google and it ticked all the boxes. Kung handa akong gawin ang lahat para lagi kang masaya, kung gusto ko na lagi kang protektahan para di ka masaktan, kung nagseselos ako sa ibang lalaki at nawalan na ako ng interes sa ibang babae mula nang dumating ka sa buhay ko, then it must be love. Sabihin mo lang sa akin kung may kulang pa.”

Pinigilan ng daliri niya ang bibig nito. “Wait. Baka bigla kang magkombulsyon. You said the L word, Gideon.”

Pinalis nito ang daliri niya. “Seryoso ako. Minsan lang ako magseryoso sa buhay ko, ginagawa mo pang biro. Pwede mo ba akong bigyan ng chance?”

“Gideon, ayokong isipin mo na rebound ka lang…”

“Alam ko na katatapos mo pa lang makipag-break kay Dong Uk. Hindi naman ako nagmamadali. I am willing to wait until you are ready. Kahit ligawan kita hanggang makabalik ka ng Pilipinas. Dadalawin kita buwan-buwan kung gusto mo.”

She bit her lower lip. “Hindi ba magastos iyon?”

“Para saan pa ang pagtatrabaho ko kung hindi kita makakasama? Gusto mo ba ng daily report ng mga babaeng lumalapit sa akin? Gusto mo ba may body cam ako twenty-four-seven para ma-monitor kung ay kasama akong ibang babae? I am willing to do that.”

“Gideon, I trust you. Kahit nang panahon na di mo naman kailangang maging loyal sa akin, pinangatawanan mo. Kahit lasingin ka ng soju bomb, ako pa rin ang pinili mo. You don’t have to go the extra mile to be with me…”

“Ayokong ma-miss kang masyado. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa akin. Ngayon pa lang ako nag-decide na gusto ko na makasama ang isang babae. Hindi pansamantala. I really don’t know what to do.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.