Chapter SJ: TIJ 58

“H-Hindi ko rin alam ang gagawin ko.” Sinapo niya ang pisngi nito. “Kasi ginulo mo rin ang mundo ko. Dapat loyal ako kay Dong Uk. Kahit nang nagtaksil siya, alam ko mahal ko siya. Pero simula nang nagpanggap ako na girlfriend mo, ikaw na ang laging nagpapasaya sa akin. Sabi ko parte lang iyon ng pagpapanggap natin pero di pagpapanggap ang saya ko. Nang sabihin ni Dong Uk na prude ako at boring, totoo iyon. I am always reserved. But you melt my reservations away with your kisses. Gideon, anong ginawa mo sa akin?”

Hinila siya nito patayo at pinaupo sa kandungan nito. “Maybe the feeling is mutual. You are attracted to me. Maybe more.”

Gusto pa sana niyang makipagdiskusyon pero pinutol na nito ang sasabihin niya ng halik nito. His kiss was sweeter now. Siguro dahil wala na siyang dapat na ikatakot. Wala na siyang dapat ika-guilty. Wala na si Dong Uk sa buhay niya. She didn’t owe him any loyalty at all. Malaya na siyang mahalin si Gideon kung gusto niya. Her unexpected love.

Ngumiti ang binata at hinaplos ang labi niya. “Hindi natin kailangang magmadali. Let’s just enjoy this feeling. Kasi ngayon ko lang naramdaman ito. Ngayon ko lang ginusto na magkaroon ng permanenteng babae sa buhay ko. So don’t break my heart, Yana-ssi.”

Tumawa siya. “Parang mas takot ka pa sa akin na masaktan. Ikaw nga itong wala lang ang one-night stand.”

“Iba ‘yung ibibigay ko ang katawan ko sa ibang babae pero minsan ko lang pwedeng ibigay ang puso ko. Sa iyo lang.”

Kinintalan niya ng halik ang labi nito. “Hindi kita sasaktan. Ako pa. But thank you for coming into my life. For being someone I can lean on. For taking care of me. For making me happy and for making me believe in love again. Kamsahamnida, nae sarang.”

Yes, she loved him. At bonus na mahal siya ng lalaki. Di na niya kailangang matakot na layuan siya nito kapag sinabi niya ang nararamdaman niya.

Si Gideon marahil ang dahilan kung bakit natuloy siya sa Jeju Island. Di lang para malaman ang katotohanan tungkol kay Dong Uk kundi para malaman niyang may tao pa na magpapasaya sa kanya at magmamahal.

She would make it work this time. She would make sure of it.

“I MISS YOU. Can’t’ wait to see you tomorrow.”

Bumungad agad ang message ni Gideon sa messenger sa pagbukas niya ng wifi. Nasa Jeju International Airport na siya. Tatlong buwan na ang nakakaraan mula nang manggaling siya doon. Nagbalik siya dahil kinabukasan na ang birthday ng lola ng binata na si Mi Su.

Wala pang isang buwan ang nakakaraan mula nang dalawin siya ni Gideon sa Manila. Katwiran nito, may ka-deal ito sa aangkatin na wine mula sa Cordillera at Mindanao. Pero hatid-suno naman siya nito lalo na kapag madaling-araw.

Kaya naman sa pagbabalik niya sa Jeju, marami siyang sorpresa para dito. Kasama na ang mas maaga niyang pagdating kaysa sa inaasahan nito. Gusto niyang masolo ang binata bago na naman sila mapaligiran ng mga bisita. Isa pa, ma interview din siya sa tatlong high school sa Jeju Island. Gusto niyang ipakita kay Gideon na seryoso siya sa relasyon nila. At maaring sa susunod na school year, sa Jeju na siya magtatrabaho kung maha-hire na siya sa wakas.

Tatlong buwan na ang nagdaan pero iba na si Gideon sa dating nakilala niya. Mabait ito sa pamilya niya. Mas na-appreciate daw nito ang mga magulang nang makilala nitong mabuti.

Habang mas may kompiyansa na siya ngayon. Alam na niya kung ano ang worth niya bilang tao. Di rin siya dapat mag-aksaya ng pagkakataon na makasama ang taong mahal niya. Pinalampas niya ang pagkakataon noon kay Dong Uk. Di na niya paghihintayin pa si Gideon. Handa na siya.

Tinawagan niya sa Messenger ang pinsan. “Yulia, I am excited.”

“Ano? Diyan ka na titira kay Gideon? Pipikutin mo na?”

“Sira. Syempre doon ako sa lola niya titira.”

“Naku! Ngayon mo pa naisip iyan. Noon namang nagpapanggap kayo, sa isang bahay kayo magkasama. Ngayon ka pa naging pabebe.”

“Wala pa namang sigurado. Di pa sure kung papasa ako sa interview. Gusto ko na lang siyang I-surprise kapag hired na ako.”

“Ayan ka na naman sa sorpresa na iyan. Nang nakaraan na nandiyan ka sa Jeju Island, si Dong Uk ang sinorpresa mo. At naabutan mo na may kasamang ibang babae. Tama?”

“Huwag mo naman akong I-jinx.” Naka-block na si Dong Uk sa kanya para wala na itong rason para guluhin siya. Nabalitaan niya na nagpakasal na ito at si Eu Jin nang isang buwan. Hindi na siya gaanong nagtanong. Para sa kanya, sarado na ang bahagi nito sa buhay niya. “Iba si Gideon. Loyal iyon.”

“Fine. Mami-miss lang kasi kita,” anito at suminghot.

“Uuwi pa naman ako diyan. Alam mo naman na di pa alam sa bahay ang plano ko. Ikaw pa lang at ang lola ni Gideon.” Matapos magpaalam lola naman ni Gideon ang tinatawag niya. “Yabusaeyo, sangjang-nim.”

“Yana-ssi are you in Jeju right now?”

“Nee. I am excited to see you again. I am ready to cook your favorite palitaw.”

“Gomawo. But can you do me a favor?” pabulong nitong tanong. “I have another guest at the airport. She’s waiting at the cafe. Can you ride along with her? It would make me feel safer.”

“Sure. Who is she?”

“I want you to keep it as secret to Jin Woo-na. It is his mother.”

Napalunok siya. “Po? Nandito ang nanay ni Gideon?” Nakapag-Tagalog tuloy siya nang wala sa oras sa labis na pagkagulat.

“We already made peace years ago. I am already old. I don’t know how much more time I have. I can’t leave this world without making everything alright for my grandson. I want to make sure that he is happy.”

Hinawakan niya ang sariling baba. “He might not appreciate this.”

“I know. But because of you he had learned how to love. Maybe you can convince him to forgive his mother. Love heals all wounds.”

Sumasal ang kaba sa dibdib ni Yana. Matigas ang puso ni Gideon pagdating sa inang nang-iwan dito at sa ama. “No problem, sangjang-nim.”

Di niya kayang tanggihan ang matandang babae. Isa pa, oras na siguro para harapin ni Gideon ang nakaraan.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.