Nakangiting sinalubong ng nanay ni Gideon na si Amber Rose si Yana nang makita siya. Mukha pa itong bata sa makinis nitong mukha at kulay chestnut brown ang buhok. Nakasuot ito ng red na dress at isang maleta lang ang dalaga nito. Isang private car ang naghihintay sa kanila at may sariling driver iyon.
“Nang sabihin sa akin ni ee mo na magkasunod lang ang flight natin, sabi ko isasabay na kita. Gusto kitang makilalang mabuti. Masaya ako nang malaman kong may girlfriend na si Gideon. Akala ko tatandang binata na ang anak ko.”
“Biglaan lang po.” Hindi niya alam kung paano ito kakausapin. Mukha naman itong approachable. Maamo ang mukha at malumanay magsalita habang kinukumusta ang pamilya niya. Nakaka-relate daw ito sa kanya dahil bread winner ito ng pamilya noong bata pa.
Pero di mawala sa isip niya na ito ang babaeng nanakit kay Gideon. Ito ang dahilan kung bakit walang tiwala si Gideon sa babae. Kung bakit takot ito na makipag-relasyon. He might have looked tough but he was still a little boy inside who had a brokenhearted father and a mother who left him.
Tipid itong ngumiti. “Ganoon naman ang pag-ibig. Biglaan lang din. Parang kami ng papa niya. Dapat sa Amerika na ako pupunta at magpapakasal na ako doon pero bigla kaming nagkakilala. Kaming dalawa ang nagkatuluyan.”
Pero pinakasalan mo pa rin ang ibang lalaki at iniwan ang pamilya mo.
Biglang pinigilan ni Yana ang sarili. Wala siya sa lugar parang husgahan ito. Ito lang ang tunay na nakakaalam ng nangyari. Magaan na kausap si Amber Rose at laging nakangiti. May dalawa palang kapatid si Gideon dito at asawa ito ng isang Texas oil baron.
Nang tumahimik ito ay saka niya naramdaman ang kaba nito. Natatakot marahil ito na makaharap si Gideon. Ginagap niya ang kamay ng matandang babae. “Magiging okay rin po ang lahat.”
“Matagal ko na kasing di nakausap ang anak ko. Ayaw niya akong makausap. Di ako naging mabuting ina sa kanya. Marami akong gustong sabihin sa kanya.”
“Siguro naman po makikinig din siya sa inyo.” Dati, ayaw ni Gideon sa pamilya niya. Pero kalaunan ay binuksan na rin nito ang puso. Sana ay ganoon din ang binata sa sariling ina.
Nagsisimula na ang party nang dumating sila. Binabati ng matandang babae isa-isa ang mga bisita. Isang malapad na ngiti ang sumalubong sa kanila mula kay Mi Su. Ibinuka ng matandang babae ang kamay. “Amber!”
Nagyakap ang dalawa at umiyak ang nanay ni Gideon. “I miss you, ee mo. I’m sorry.”
“All is forgiven. I want you to be happy while you are here. Arasso?”
“Nee,” sabi ni Amber at pinunasan ang luha. “Where is Gideon?”
“At his bar. You’ll meet him tomorrow.”
“I have pasalubong for you,” excited na sabi ng babae. “And your nurse and Yana.” Tinuro nito ang malaking kahon. “That is for Gideon. Ilang taon in na naipon iyan kasama ang sulat. I was hoping, mabasa din niya.” Bakas sa mukha nito ang pagkasabik sa anak. Bata pa si Gideon nang umalis ito. Ngayon ay binata niya.
Pinisil niya ang balikat ng matandang babae. “Mag-dinner na po tayo. Sigurado po ako na pareho tayong gutom sa biyahe.”
Masayang nagkwentuhan ang dalawa. Puro masasaya lang ang pinagkukwentuhan ng mga ito. Tungkol sa mga pagbabago sa Korea, sa buhay nina Mi Su at Gideon sa Pilipinas pati na rin ang pagrereto ng isang cowboy na bilyonaryo ni Amber kay Mi Su na tinawanan lang ng matanda.
Masaya silang nagtatawanan nang marinig nilang bumukas ang pinto. Akala nila ay nurse iyon na bumili lang ng ice cream sa grocery. “Halmoeni! Do you want lobster for your…”
Nagtinginan silang lahat kay Gideon na basta na lang sumulpot. Shock silang lahat dahil di nila alam na dadating ito. Si Yana ang unang tumayo. “Surprise! Mas maagang dumating ang flight ko.” Kinintalan niya ng halik ang nobyo. “Masaya ka ba na nandito ako?”
Bahagyang tumango si Amber. “Anneong hasaeyo, Jin Woo-na. Kumusta ka na, anak?”
“Omma,” narinig niyang usal nito. Nakita niya ang pananabik sa mga mata nito subalit naningkit iyon at napalitan ng galit. Nakatingin na lang ito sa ina at nilampasan lang siya. “Anong ginagawa ninyo dito?”
“Bisita siya ng lola mo, Gideon,” malumanay na sabi ni Yana.
“Stay out of this. This is between me and this woman.”
Napapitlag si Amber na parang hinagupit ito. “Woman” na lang ito at hindi na “omma”. Di na ina ang tingin dito ng binata.
Tumayo ang babae.“I-I miss you, anak. Ang tagal kitang di nakita o nakausap.”
Inangat ng babae ang isang kamay at akmang hahawakan ang mukha ni Gideon pero umurong palayo ang binata. “Ginusto po ninyo iyon. Kayo ang nang-iwan sa amin.”
Ibinagsak ng babae ang kamay. “Di ko iyon ginusto, anak. Mahal na mahal ko kayo ng appa mo.”
Ngumisi ang binata. “Mahal? Nang lugmok si appa at muntik ipakulong dahil sa pandidispalko ng kapatid n’yo na pinagkatiwalaan ni appa, nakipag-divorce agad kayo para magpakasal sa mayamang lalaki. Ganyan ka pala magmahal.”
“Hindi mo alam ang buong kwento.”
“Ano? Iimbento pa kayo at sisiraan si appa? Tama na. Matagal na kayong patay para sa akin. Wala nang kwenta na bumalik pa kayo. Umalis na kayo.”
“Jin Woo-na, that’s not the way to treat my visitor and your mother!” sermon ni Mi Su dito sa mabigat na boses. “You have forgotten that this is my house and I am your grandmother. Where are your mothers.”
“Mianhamnida,” paghingi nito ng tawad sa malamig na boses. “Halmoeni, how could you do this to me? You connived against me!”
“Gideon, hindi sa ganoon…” sabi ni Yana at akmang magpapaliwanag.
Itinuro siya ng binata. “Pati ikaw? Pinagkatiwalaan kita.” Parang nalatayan siya ng lalaki sa mukha. “I am sorry. I can’t stand this woman. This place is too small for the two of us.” At tumaliko na ang binata.
“Gideon! Anak!” akmang hahabulin ito ni Amber pero pinigilan niya ang babae.
“Ako na lang po ang kakausap sa kanya,” sabi niya at hinabol si Gideon. Naabutan niya ito na ini-start ang kotse. Mabuti na lang at nakasakay na siya bago pa nito paandarin. “Gideon…”
“Huwag ka nang magsalita. Bumaba ka na kung kakausapin mo lang ako tungkol sa babaeng iyon.”
Pinili ni Yana na tumahimik at hinayaan si Gideon na magmaneho. Mabuti na lang at dinaanan nito ang pamilyar na daan pabalik ng bahay. Pagdating sa bahay nito ay bumaba agad ang binata at tuloy-tuloy sa ref. Naglabas ito ng soju at shot glass. Saka lang nagawang magsalita ni Yana nang nakaisang shot na ang lalaki.
“Gideon, kausapin mo naman ako,” pakiusap niya. “Huwag tayong ganito.”
Matalim siya nitong tiningnan. “Tinraidor mo ako. Nagsabwatan kayo ni halmoeni para dalhin ang babaeng iyon.”
“Nakiusap lang sa akin ang lola mo. Ang totoo, nasa airport na ang nanay mo nang malaman ko. Sabi ng lola mo sorpresa niya sa iyo. I-Ikaw lang naman ang sosorpresahin ko. Wala akong alam sa plano nila.”