“Yes, sinorpresa niya ako.” Naningkit ang mata nito. “Magaling! She can’t manipulate me like this.”
“N-Naisip niya na dahil marunong ka nang magmahal, mas lalambot na ang puso mo…”
“What’s this? Gagamitin ka rin niya para lang mapatawad ko ang babaeng iyon? One thing has nothing to do with the other. Iniwan niya si Appa sa panahon na kailangan ng suporta. Parang pinatay na rin niya ang tatay ko.” At umagos ang luha sa mga mata ng binata. “Nagmakaawa si Appa no’n na huwag siyang umalis. Ni hindi siya lumingon. Ni wala akong nakitang pagsisisi sa mga mata niya. Tapos kung kailan wala na si appa at ayos na ang lahat, magso-sorry lang siya at ayos na ang lahat. Masyado naman yata siyang sinuswerte.”
“Nakaraan na iyon…”
Ngumisi ito. “Hindi pwedeng basta nakaraan lang, Yana. Buhay ng tatay ko ang nawala. Not because I told you that I love you, you can easily manipulate me and put my dick on leash. I am not that stupid.”
“Di ko sinasabing magpakatanga ka. Ayoko lang maging matigas ang puso mo dahil di ka makapagpatawad. Nagalit ka sa akin no’n dahil sa nanay mo. Inisip mo na magkapareho kami. Paano mo ako mamahalin kung di mo pa siya mapapatawad? Madadamay at madadamay ako sa galit mo sa kanya.”
Inilahad nito ang pala sa pinto. “Then you are free to go, Yana. I don’t really need love in my life. Kaso bigla ka na lang dumating. Kung aalis ka, mabuti pang ngayon na. Hindi ‘yung kasal na tayo at saka mo ako idi-divorce at iiwan mo kami ng anak natin. Kaya kong mabuhay noon nang walang pagmamahal, kayang-kaya ko rin ngayon.”
Parang sinampal siya ng binata. Ganoon lang kadali para dito na isuko siya. Nanginig ang labi niya dahil parang kutsilyo na gumuguhit sa kanya ang bawat salita nito. Ayos lang dito na mawala siya sa buhay nito. Mas pipiliin nitong mag-isa kaysa magpatawad. Mas pipiliin nito ang galit kaysa maging masaya sa pagmamahal niya. Mas masakit pa ito kaysa sa ginawa ni Dong Uk dahil harap-harapang namili si Gideon - kaya nitong mabuhay nang wala siya. Tama nga siya. Hindi naman siya ang nakikita nito kundi ang nanay nito.
Walang salita siyang tumalikod at tumakbo palabas ng pinto. Madilim sa labas at malamig. Tumakbo lang siya nang tumakbo at di niya alam kung saan pupunta. Nanginginig siya sa lamig, mistulang nagyeyelo kahit na Hulyo pa lang at tag-araw pa rin sa Jeju Island. Hindi iyon dahil sa lamig ng hangin. Nagmumula ang lamig sa puso niya.
Pinara niya ang unang taxi na nasalubong niya at sumakay doon. “Eodilo gagil wonhaeyo?” tanong ng taxi driver kung saan niya gustong pumunta.
Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Binanggit na lang niya ang unang lugar na pumasok sa utak niya. “Chwihangeon-anigo.”
NAGNGANGALIT ang ngipin ni Gideon nang tunggain ang soju. Yes, he was hurting. Nangako na siya sa sarili na di na siya iiwan pa ulit o matatraidor ng kahit sinong babae. Nang mahalin niya si Yana, akala niya di niya mararanasan ang nangyari sa tatay niya na maloloko ng babae. Nakita niya kung gaano ito ka-loyal kay Dong Uk noon. She would never betray him with another man. She did worse though. She betrayed him with his own mother.
Pero umalis siya. Ganoon lang kadali sa kanya na iwan ako. Di ba talaga niya ako matatagalan? Kailangan ba talaga niya akong baguhin? Akala ko tanggap na niya ang pagkatao ko. Bakit di niya kayang intindihin ang nararamdaman ko?
Naiintindihan pa niya ang lola niya. She was an old manipulative woman. Pero si Yana? Bakit mas nagawa nitong kampihan ang nanay niya?
Nag-ring ang phone niya at nakita niya na lola niya ang tumatawag. Ayaw sana niya itong kausapin. Pero sa pangalawang ring ay di rin niya ito natiis at sinagot ang tawag. “Yabusaeyo!”
“Where is Yana?” tanong agad ng lola niya.
“She’s not in your cottage?” Nang umalis ang babae kanina at sumakay ng taxi, naisip niya na babalik ito sa lola niya. Baka magsusumbong at magsasabwatan na naman ang mga ito. Ganoon naman ang mga babae - nagkakampihan.
“She called me and she kept on saying mianhamnida and she was crying. The call was suddenly cut and I can’t contact her anymore. What did you do to her? Did you send her away?”
“Aniyo,” kontra niya. Ito ang kusang umalis.
Biglang bumulalas ng iyak ang matandang babae. “You left your halmoeni’s house after raging. You got mad at your mother. Now your girlfriend is missing and you don’t know where she is? Do you really want to lose the people who loves you? What if something bad happened to her? She’s alone. She’s your responsibility.”
Nanlamig ang buong katawan ng binata. Paano nga kung may sira ulo na naman na makatyempo dito gaya nang unang beses itong pumunta sa Jeju Island?
“Don’t worry, halmoeni. I will find her.”
Dali-dali siyang sumakay ng kotse. Mabuti na lang at nakatatlong shot lang siya ng soju. Di pa siya nahihilo. Di na niya nakita kanina kung anong taxi ang nasakyan ni Yana nang umalis ito. “Yana, nasaan ka?” usal niya dahil naka-off na ang cellphone nito. Baka na-lowbatt na.
Wala siyang choice kundi puntahan ang pinakamalapit na police station para mag-request ng CCTV footage. Mula doon ay makikita kung anong taxi ang sinakyan ni Yana at malalaman nila kung saan ito ihinatid.
Umungol siya nang makitang tumatawag ang business partner na si North. “No, not now!” ungol niya. Napilitan siyang sagutin iyon. “Yabusaeyo!”
“Trouble in paradise?”
“You have no idea. Kaya huwag mo nang dagdagan.”
“Ganoon ba? Gusto ko lang sabihin sa iyo na may utang ka sa akin. Six thousand won, five hundred twenty-five won courtesy of your girlfriend.”
“S-Si Yana? Kasama mo si Yana?”
“Yes. Actually nandito siya sa bar at umorder ng soju. Nagulat na lang ako nang sumulpot siya dito at nakikiusap na humirap ng pambayad sa taxi. Kahit daw maglinis lang siya dito ng lamesa at maghugas ng mga plato basta daw huwag sasabihin sa iyo na nandito siya. Nang alukin ko ng maiinom, soju agad ang in-order. Ayaw mo na raw sa kanya.”
“Wala akong sinasabing ayaw ko na sa kanya.” Well, not exactly like that. Di ko na matandaan ang ibang nasabi ko sa kanya.
“Usually, hahayaan ko lang siyang mag-isa. She’s better off without you in her life, asshole. Di ko alam bakit may pumatol na matinong babae sa iyo. Pero mas wala akong tiwala sa dalawang lalaki sa kabilang table na nag-aalok ng soju at ssamgyupsal sa kanya at niyayaya siya sa table nila.”
Nagtagis ang bagang niya at mahigpit na hinawakan ang manibela. “Bantayan mo si Yana. Samahan mo. Kapag nahawakan ng mga lalaking iyan ang dulo ng balahibo niya, ikaw ang mananagot sa akin.”
“Nee, sangjang-nim,” pabirong “Yes, boss” nito.