Chapter 31 - Extra Story 2

BONUS STORY

HUMINGA ng malalim si Megan habang tinatangay ng hangin mula sa dagat ang kanyang mahaba at malambot na buhok. Nakalimutan niyang magdala ng ponytail. Abala naman ang tubig-dagat sa paglaru-laro sa mga paa niya. At ang kamay naman niya’y abala sa pagdama ng pinong puting buhangin sa dalampasigan.

Nalingunan niya ang mga batang gumagawa ng kastilyong buhangin. Masayang-masaya ang mga ito habang naglalaro kasama ang mga magulang ng mga ito. Nalukot ang mukha ng mga bata ng tinangay ng alon ang kastilyong ginawa ng mga ito. Napangiti siya.

Nahiling niya na sana’y pwede ring gawin iyon sa kanya ng alon. Kung pwede lang sana nitong tangayin ang sakit na nararamdaman niya ngayon ay matagal na siyang nagpaanod dito. Kung pwede lang sana... hiling niya.

Muli ay hinarap niya ang tahimik na dagat. Kahit na mainit ay naroon siya sa tapat ng araw. Mas gusto kasi niyang nananatili sa tabing dagat. Mas nakakalma siya. Kahit paano ay nakatutulong naman ang dagat na maibsan ang sakit na nararamdaman niya. The sea looks so peaceful. Kaya napapanatag siya. Araw-araw din siyang humihiling sa Panginoon na patnubayan siya nito at tulungang maka-recover.

Isang linggo na rin siya sa islang iyon sa Batangas. Iyon ay bukas lang sa mga kakilala ng may-ari. Mabuti na lang at kakilala ng isa sa mga empleyado niya ang anak ng may-ari. Nabigyan siya nito ng pass sa resort. Kontento naman siya sa resort. Kaunti lang ang tao, tahimik, walang gulo at higit sa lahat, maganda. Secure na secure ang pakiramdam niya roon.

Alam niyang hindi siya mahahanap doon ng pamilya niya. Sinigurado rin niya sa empleyado niya na hindi ito magsasalita kung nasaan man siya. Babalik na lang siya sa kanila kapag handa na siya.

Sa pananatili niya sa lugar na iyon ay nabawasan ang pag-aasam niya sa pag-ibig na hindi naman niya kailanman makukuha pa. Masakit. Sa tuwing naaalala niya ang lahat ng nangyari ay pakiramdam niya’y may milyon-milyong kutsilyong tumatarak sa puso niya.

Dahil iyon sa kapatid niyang si Candy at sa future husband nitong si Seth.

Si Hanseth Lopez. Ang lalaking matagal na niyang iniibig. Simula elementarya ay crush na niya ito at iyon ay lumala pa sa itinagal ng panahon na pagkakaibigan nila. Magkaklase kasi sila simula elementarya hanggang kolehiyo. Kinuha niya ang kursong business administration dahil nasigurado niya na magiging magkakaklase sila nito. Kay Seth na umikot ang mundo ni Megan. Ni minsan nga ay hindi siya nagka-boyfriend dahil ang katwiran niya, si Seth lang ang una at huling lalaking mamahalin niya. Samantalang si Seth, palibhasa’y varsity player ay kabila’t kanan ang nagiging girlfriend.

Ni hindi alam ni Seth na may gusto siya rito. Dakilang martir na nga ang tawag sa kanya ng kanyang mga kaibigan, pinsan at kapamilya niya. Ngunit wala siyang pakialam kung anuman ang sinasabi ng iba, ang mahalaga sa kanya ay nakakasama at nakakausap niya si Seth. Wala naman siyang ginagawang masama, wala siyang sinasaktan, sa katunayan nga ay napakabait pa niya sa mga taong nakapalibot sa kanya. Iyon ay dahil in love siya.

Pero naglaho ang lahat ng kasiyahan niya ng malaman niya ang katotohanang hindi siya magagawang mahalin ni Seth dahil ang mahal nito ay ang nakababatang kapatid niya! Naalala pa niya ang eksena kung paano siya umamin dito ng nararamdaman niya. At inamin naman nito ang pagmamahal nito para sa kapatid niya.

EXCITED na excited si Megan sa dinner nila na iyon ni Seth. Sigurado siyang madaming babae na maiinggit sa kanya dahil kasama niya ang basketball superstar na si Hanseth Lopez. Kasabay niyon ang kaba dahil plano na niyang magtapat dito. Pakiramdam kasi niya’y hindi naman siya nito pagtatawanan o kaya’y babalewalain dahil mahabang panahon na rin naman ang pinagsamahan nila.

Maganda naman siya, sexy, matalino, at mabait. Sa tingin niya nga’y siya ang perfect girlfriend na pwedeng magkaroon ang isang lalaki. Lalo na at never pa siyang nagkaka-boyfriend. Maswerte ang unang magiging katipan niya. At pinaniniwalaan niyang si Seth na iyon.

Madaming babaeng nagkakagusto kay Seth. Obvious na obvious iyon dahil sikat na sikat ito kaya kailangan niyang kumilos para hindi na siya maunahan ng iba. Hindi na siya bata para pagbawalan pa ng Mama niya na itago ang nararamdaman niya kay Seth. Ayaw niyang maunahan ng iba kaya kailangan niyang kumilos ng mabilis.

Naalala pa niya noon na inggit na inggit sa kanya ang mga kaklase nila. Sa section kasi nila noong kolehiyo maging sa high school ay madalas silang magkasama ni Seth. Minsan na nga siyang napagkamalang girlfriend ng binata, flattered siya noon. Siyempre, kahit na hindi totoo, at least, akala ng iba ay katipan siya ni Seth. Nagalak siya ng may makapagsabi sa kanya noon. Pero ni minsan, hindi siya niligawan ni Seth. Iyon ang malaking frustration na nangyari sa buhay niya at patuloy na nangyayari. Kahit na anong gawin niyang pag-iintindi dito ay hindi pa rin siya nito nililigawan. Kaya naman siya na ang gagawa ng paraan para maging sila ni Seth. At ngayon na ang panahon na iyon.

Namataan niya si Seth sa may bar counter ng restaurant. Nakasuot na ito ng aqua blue na polo at maong pants. Mukhang fresh na fresh pa rin ito kahit na katatapos pa lang ng laro nito. Iyon ang isa pang nagustuhan niya rito, malinis ito sa katawan.

Pagkalapit pa lang doon ng lalaki ay may lumapit agad na babae. Nag-init agad ang dugo niya. Bakit ba naman kasi sikat at gwapo ang lalaking minamahal niya? Madami tuloy siyang kaagaw.

“Seth!” tawag niya sa lalaki. Tumingin ito sa gawi niya saka ngumiti. Iniwan nito ang babaeng kalalapit lang dito saka lumakad sa pwesto niya.

“Hi, Meg!” nakangiting bati nito sa kanya saka siya hinalikan sa pisngi.

Kilig na kilig naman siya. Sigurado siyang maraming nakatingin sa kanila ngayon. Nagdiriwang ang puso niya. Masayang-masaya siya. First time kasi ito na sila lang ni Seth ang magdi-dinner. Kadalasan kasi’y lagi nilang kasama si Candy o kaya naman ay ang mga kaibigan nito. This is her time to shine.

“Congratulations!” masayang bati niya rito. Nanalo kasi ang koponan nito sa katatapos lang na laro.

“Thanks! It’s a tough fight though.” anito.

“Nakaya niyo naman eh. At saka, ang galing-galing mo kanina. Wala ka pa ring kupas.” puri niya rito. Ngumiti naman ito sa kanya bago maupo.

“Salamat. Sobra na iyan ha. Baka lumaki na ang ulo ko.” biro nito.

“Bakit? Mayabang ka na ba?” birong tanong niya.

“Mayabang na ba ako?” ganting tanong nito.

“Hindi pa rin.” nakangiting sagot niya. Nagkatawanan sila.

Oh, how she wished this man could be hers right away. If that happens, she’ll be the luckiest and happiest girl in the world. At wala na siyang mahihiling pa.

“Nasaan nga pala si Candy?”

“Umuwi na. Masama raw kasi ang pakiramdam niya eh.”

“Ha? Masama ang pakiramdam niya? Eh ‘di sana, hindi na siya nanood ng game.” tila galit pero may halong pag-aalala na sabi nito.

“Kasalanan ko. Pinilit ko kasi siyang manood kasi wala akong kasama. Hindi naman niya sinabi na kanina pa masama ang pakiramdam niya. ‘Ayun, nagpumilit umuwi.” kwento niya rito.

Nakangiti naman siya habang nagku-kwento pero tila nadagdagan pa ang galit nito sa mga sinabi niya. “Seth, is there something wrong?”

“Meg, I need to tell you something.” seryosong saad nito.

Hindi niya alam, pero sa tono ng pananalita nito ay parang hindi maganda ang sasabihin nito. Kinabahan tuloy siya. Iba kasi ang paraan ng pagkakasabi niyon ni Seth. Seryosong-seryoso at talagang nakaka-kaba.

Huminga siya ng malalim. Kailangan na niyang aminin kay Seth ngayon ang nararamdaman niya dahil baka kapag narinig na niya ang sasabihin nito ay hindi na niya maamin dito ang totoo. Kailangan niyang mauna dito.

“I need to tell you something, too.” Napalunok siya at bumuntong-hininga ng malalim. Pinakawalan niya ang lahat ng kanyang inhibisyon. “I love you, Seth.” nakangiting saad niya.

Ang akala niya ay tatayo ito at yayakapin siya o kaya ay kahit ngumiti man lang ito pero hindi nangyari iyon. Sa halip ay tumungo ito, ang dalawang kamay ay nasa ibabaw ng mesa at nakakuyom.

Hindi niya napigilang mapaluha dahil sa iginawing iyon ni Seth. Alam niyang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Ano pa kaya ang bad news nito?

“I’m sorry, Meg. I really am.” sabi nito na nakatungo pa rin. Sa sinabing iyon nin Seth ay unti-unting tumulo ang mga luha niya. Agad naman niyang pinahid iyon. Hindi man tahasang sinabi ni Seth na wala itong gusto sa kanya ay iyon na ang tinutumpok ng gawi nito. Masakit talaga.

Ang dating nararamdaman niyang tila nasa cloud nine siya’y ngayon ay parang nasa hot seat siya at sinasaksak ng maraming kutsilyo ang puso niya.

“Sira ulo ka ba? Bakit ka magso-sorry sa’kin? Wala kang kasalanan Seth. Ako! Ako ang na-in love at hindi ikaw. You don’t need to say sorry. I’m not sorry falling in love with you. It just turn out that I liked you. So, hindi mo kailangang mag-sorry sa’kin kung hindi man tayo pareho ng nararamdaman. It’s okay. That’s love and this is life.” sabi niya na patuloy sa pagpunas ng mga luhang tumutulo sa pisngi niya.

Pilit niyang pinipigilan ang mga iyon sa paglaglag sa mga mata niya. Ayaw niyang may makakita sa kanyang umiiyak lalo na’t kasama niya si Seth. Makakasama iyon sa imahe ng lalaki. At ayaw niyang siya ang maging dahilan sa pagkadungis ng magandang imahe ni Seth.

“Megan...”

“Go on, Seth. Tell me what you’re going to tell me.” matapang na sabi niya.

“I know that this is going to add up to your suffering, but I really have to tell you this.” seryoso pa rin ito. Ginagap nito ang kamay niya. “I’m really sorry.”

“Please, don’t! You, saying sorry, just adds up to the pain I’m going through right now. I know that it’s going to be hard for me, I’ve loved you since the day that our parents brought us to school...until today. Pero, at least, nasabi ko na sa’yo ang nararamdaman ko. Kahit paano, nabawasan ang bigat na dinadala ko. So, stop saying sorry!”

“O-okay. Pero sinasabi ko sa’yo na hindi maganda ang sasabihin ko sa’yo.” banta nito.

“Go.” udyok niya rito. Kinapa niya ang sarili niya. There’s nothing more painful than knowing your love doesn’t love you in return. Tama naman iyon. Wala na sigurong makakasama pa sa nalaman niya. Ang malamang walang gusto sa kanya si Seth na ang pinakamasakit na naramdaman niya.

“Buntis si Candy...at ako ang ama.”

PAGKASABI niyon ni Seth ay agad na tumayo siya mula sa kinauupuan niya at lumabas ng restaurant na iyon. Hindi niya alam kung saan siya pupunta hanggang sa makarating siya sa isang bar sa Malate. Naglasing siya. Kinabukasan, nalaman niyang mamamanhikan ang pamilya ni Seth sa bahay nila kaya nagdesisyon siya na umalis na lang muna sa kanila. Doon siya nagpunta sa Batangas.

Tinawagan siya ng Mama niya. Isa ang Mama niya sa nakakaalam ng nararamdaman niya kaya alam niyang nag-aalala ito sa kanya. Ito ang naiipit sa kanilang dalawa ni Candy. Siyempre, hindi nito dapat balewalain ang kalagayan ni Candy. Dapat na talagang maikasal sa lalong madaling panahon sina Candy at Seth.

Nalaman niya mula sa Mama niya na isang buwan mula ngayon ay ikakasal na ang dalawa. Pinayagan siya nitong magbakasyon muna para maka-move on na raw siya. Ayaw siguro siya nitong konsensiyahin kaya hindi nito sinabi ang totoong nangyayari doon. Pero tumawag kasi sa kanya si Ate Femi, ang Tita niya na kapatid ng Mama niya na ayaw magpatawag ng “tita”. Nagmumukha raw kasi itong matanda. Halos magka-edad lang sila nito. Matanda lang ito sa kanya ng limang taon.

Sinabi nito sa kanyang ayaw raw magpakasal ni Candy dahil guilty ito sa kasalanan nito sa kanya. Sinabihan naman niya si Ate Femi na kailangang matuloy ang kasal para na rin sa ikabubuti ni Candy. Alam niyang mahal na mahal nina Candy at Seth ang isa’t isa at wala na siyang magagawa roon.

Ayaw naman niyang maging “evil sister”. Hindi niya magagawang saktan ang kapatid niya dahil close na close siya rito. May pagkakataong nagkakatampuhan sila pero naayos din nila agad. Wala rin silang sibling rivalry. Tanggap nila na may pagkakaiba sila. Lahat naman ng tao, kaya hindi nila tinuturing na kalaban ang isa’t isa. Ang mga tao lang ang nagpe-presume na mayroong labanan sa pagitan nila. Hindi kasi alam ng mga ito kung ano ang totoong mga nangyayari.

Ang inaalala kasi niya ay ang dinadala nitong bata. Baka maapektuhan ang pagbubuntis nito sa pag-iisip nito sa kanya. Sinabi niya kay Ate Femi na babalik siya bago ang kasal. Nagpapalipas lang siya ng sama ng loob. Oo nga’t masakit para sa kanya ang nagawa ng kapatid niya, pero wala siyang balak na guluhin ang pagsasama nito at ni Seth.

Naniniwala siyang walang magagawa ang tao kapag destiny at love na ang nakikialam. Siguro’y hindi talaga si Seth ang para sa kanya. There could be a guy out there who deserve her and who she deserve.

Matatanggap niya sana agad kung ibang tao ang minahal ni Seth, pero ang masakit na masakit ay kapatid pa niya! Si Candy na tumutulong sa kanyang magparamdam kay Seth. Si Candy na humihingi kay Seth ng tickets para sa laban nito. Si Candy na umiisip ng paraan para lalo niyang maiparamdam kay Seth ang pagmamahal niya. Bakit si Candy na kapatid pa niya ang minahal ni Seth?

Bakit hindi nga ba niya naisip na pwedeng ma-in love sina Seth at Candy sa isa’t isa? Marami nang kwento na sa halip na ang babaeng totoong nagmamahal sa lalaki ang magtagumpay ay ang mga “bridge” at ang lalaki pa ang nagkakaibigan.

Basta sinisigurado niyang hindi siya gagawa ng hakbang na makakasira sa pagmamahalan ng dalawa. She was no evil sister. At hindi rin siya maldita.

Naputol ang pagmumuni-muni niya ng biglang may tumapik sa kanya sa balikat. Lumingon siya.

“Aha! I knew it was you.” nakangiting saad ng lalaking tumapik sa kanya.

Ito’y walang iba kundi si Kenneth Lopez! Ang pinsan ni Seth na kinaiinisan niya. Hambog kasi ito at feeling ay kung sino. He was the most ruthless man she’d ever met! Pinaglalaruan nito ang lahat ng babaeng dumadaan sa buhay nito. He’ll play with them and just drop them like a hot potato after he scored hard.

Naalala niya ang isang babaeng nakasalubong niyang umiiyak sa Romantikos dati. May dinner meeting siya roon sa isang kliyente. Nanginginig ang katawan ng babaeng iyon kaya tinulungan niya. Tinanong niya ito kung ano ang nangyari. Itinuro nito sa kanya si Ken na may kausap na isang babae. Sinabi ng unang babae sa kanya na hiniwalayan na raw ito ni Ken dahil nagsawa na ang lalaki rito. Ang masaklap pa roon, nakuha na ni Ken ang bataan ng babae. Naningkit ang mga mata niya at galit na galit na sinugod si Ken habang nakikipagtawanan sa bagong babae nito.

“You’re an insensitive, heartless beast, Lopez!” galit na sigaw niya rito noon. Gulat na tumingin ito sa kanya pati na rin ang kasama nito na nakilala na niyang kapatid pala nito. Si Ate Ienne. Pinaupo siya ng kapatid nito sa table ng mga ito at ikinwento niya rito ang sinabi sa kanya ng babaeng umiiyak kanina. Hindi na niya inalintana na may meeting pa siya. Nag-aakusang tiningnan nila si Ken pareho.

“So, what? It’s not as if I’d got her pregnant or something. We did it because we like to do it. Just that simple.” kaswal na sagot nito sa kanya. Napanganga lang siya rito dahil sa hindi pagkapaniwala.

Akala mo talaga ay kung sino. Ang dapat dito’y turuan ng leksyon. Pero nang tingnan niya ito’y tila nag-iba ang aura nito. Parang hindi ito ang Ken na kilala niya. Bakit nakatingin ito na parang concern na concern sa kanya? Naghimala na ba? Bakit ang pinaka-walang pusong lalaking kilala niya ay may concern sa mga mata ngayon? Ano’ng nangyari?

Napamaang siya rito. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. He has a tall lean body. No doubt about that. Nakasuot ito ng puting polo na nakalilis ang sleeves hanggang siko at bahagyang nakabukas ang mga butones kaya nahantad sa mga mata niya ang malapad nitong dibdib. Naka-puruntong shorts ito kaya kitang-kita niya ang sexy legs nito.

At hindi niya ikakaila na gwapo ito. Wala naman yatang pangit sa angkan ng mga ito. Pero hindi katulad ni Seth, tsinito itong si Ken. Ang alam kasi niya’y half-Chinese ang ina nito. Medyo makapal ang mga kilay nito, matangos ang ilong at maninipis ang mapupulang labi nito. He is the bad boy you don’t want to be linked with ‘cause his middle name is capital T-R-O-U-B-L-E! He also has a fair complexion. Ikinainggit niya iyon.

Matagal na siyang nagnanais na magkaroon ng fair skin. Maputi kasi siya. Kailangan pa niyang mag-sun bathing para magkaroon ng tanned skin. Pero hindi rin naman nagiging maganda ang kinalalabasan noon. Kapag minalas ay nagkaka-sunburn pa siya.

Back to Ken, dati-rati’y hindi ito lumalapit sa kanya na tila ba may body odor siya kaya ayaw nitong lumapit sa kanya. Hindi naman siya lumalapit dito dahil asar na asar siya sa ‘I-am-a-god-aura’ nito. Kung makaasta kasi ito ay parang pag-aari nito ang mundo lalo na ang mga babae. At ayaw niyang maging isa sa biktima nito. Not then, not now, not ever.

Pero ano ang nangyari ngayon at lumapit ito sa kanya? Nang makitang mataman siyang nakatingin dito ay biglang nagseryoso ang mukha nito. “Masyadong mainit ang sikat ng araw. Magkaka-sunburn ka.” sabi nito sa himig na pag-aalala.

Pag-aalala, my foot! Kailan pa ito naging concern sa kanya? Kung hindi nga lang sana ito madalas kina Seth ay hindi sila nito magkikita.

“What are you doing here?” mataray na tanong niya.

“Working.” simpleng sagot nito.

“Really? Kailan pa naging linya ng trabaho mo ang resorts?” tanong niya. Napa-kunot noo ito. Ang alam kasi niya’y racer ito. “I don’t see any race track here.” sarkastikong saad niya.

“You don’t know me well, Megan.” seryosong sabi nito.

“You know what? Yeah, I don’t. So, I’m wondering what you are doing here.”

“Nire-renovate namin iyong isang bahay na magiging part ng hotel.” Napatda siya. “Hindi lang naman ako racer. I’m also an architect.” Para hindi nito mahalata ang pagkapahiya niya ay tumingin siya sa lugar.

May ginagawa nga roong isang bahay na mukhang mansion naman. Doon kasi siya nag-i-stay sa malaking mansion dahil iyon ang nagsisilbing hotel ng isla. Mukhang malapit na itong buksan sa publiko.

“So, kailan ka pa rito? Hindi ka ba makikigulo sa wedding preparations niyo?” nakangising tanong nito.

Nag-init ang ulo niya. Ang kapal naman ng mukha nito para magtanong pa sa kanya ng ganoon? Sigurado siyang ngayon ay alam na nito kung bakit naroon siya. Naalala niyang maliban kina Candy, Ate Femi at sa Mama niya ay alam nito ang nararamdaman niya para kay Seth.

Noong minsan kasing nagpunta siya kina Seth ay naroon ito. Salita siya ng salita ng kung anu-ano habang kinikilig dahil niyakap siya noon ni Seth. Hindi niya alam na nakikinig ito mula sa likuran niya.

Siya namang si tanga, hindi muna tiningnan kung may ibang tao sa lugar bago magsalita ng magsalita. May nakaalam tuloy ng lihim niya. At sa lahat ng tao ay ito pa! Gayunpaman, nagpapasalamat siya rito dahil hindi naman nito sinabi kay Seth ang mga narinig nito. Tumawa lang ito sa kanya noon pagkatapos ay umalis na.

Naniningkit ang mga matang tiningnan niya ito.

“It’s none of your business, mister!” singhal niya rito. Mabilis na naglakad siya paalis sa lugar na iyon. Hindi niya matatagal si Ken.

Iniisip pa lang niya na makakasama niya ito sa isang lugar ay nagha-hyperventilate na siya.

Kainis!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.