Chapter 32

NATAWA lang si Ken ng makita ang reaksyon ni Megan sa tanong niya. Ito ang dahilan kung bakit naroon siya sa islang iyon. Tinawagan siya ng pinsan niyang si Seth noong isang araw para “bantayan” si Megan. Natatakot kasi si Seth na baka kung ano ang gawin ni Megan hindi sa kasal ng mga ito at ni Candy kundi sa sarili ni Megan. Nalaman ng mga ito mula sa isang empleyado ni Megan kung saan ito naroon. Nagkataon namang kinuha ni Charie na kaibigan niya ang serbisyo ng kanilang firm para sa pinare-renovate nitong resort. Hindi niya sana tatanggapin ang project na iyon dahil alam niyang may hidden desire sa kanya si Charie pero kinulit siya ng kinulit ni Seth hanggang sa pumayag siya. Hindi kasi ito titigil sa pangungulit sa kanya kapag hindi pa siya pumayag. Hindi naman siya mabo-bore doon dahil kung ayaw niyang maging celibate ay naroon naman si Charie. He know that she’d be willing to play with him.

Matagal na niyang alam ang nararamdaman ni Megan para kay Seth. Noong minsan kasing nagpunta siya kina Seth ay naroon ito. Salita ito ng salita habang kinikilig at yakap ang isang throw pillow. Hindi nito alam na nakikinig siya mula sa likuran nito. Alam niyang masama ang ginawa niya, pero hindi niya lang napigilan ang sarili noon dahil nakaka-amuse talaga ito. Nang sa wakas ay makita siya nito ay tinawanan lang niya ito.

At talagang masakit para rito ang malamang ikakasal na ang taong mahal nito lalo na’t sa kapatid pa nito! Gusto niyang makaramdam ng awa para rito pero hindi na niya inintindi dahil ang katwiran niya, maganda naman ito. Sigurado siyang maraming lalaki ang maghahabol o naghahabol dito. Hindi naman siguro ito masama at tanga para manggulo pa sa kasal ng kapatid nito.

Sa tingin nga niya’y pinipilit nitong mag-move on bago ang kasal. Ang alam kasi niya’y ito ang tatayong maid of honor, samantalang siya ang best man.

She was a strong woman. Sa nakikita niya ay kaya nito ang lahat ng problemang darating dito. Ganoon naman talaga ang pagkakakilala niya rito. Matapang at palaban, hindi inuurungan ang lahat ng hamon. Balita nga niya’y mahilig ito sa extreme sports. Isang katangian na hinahanap niya sa isang babae.

So, that means, gusto mo siya? tanong niya sa sarili. Nagkibit-balikat lang siya. Hindi niya maitatanggi na maganda si Megan. Maputi ito, matangkad para sa isang babae, maganda ang mga mata nito na tumingin sa kanya kanina ngunit sa isang iglap lang ay naging “ferocious” na tila kakainin siya ng buhay; mapupula ang mga labi nito na tila kay sarap halikan, balingkinitan ang katawan at hindi pangkaraniwang babae.

Ipinilig niya ang ulo. Bakit ba niya iniisip ang babaeng iyon? Siguro, kung hindi ito broken-hearted ngayon ay baka diniskartehan na niya ito. Ang kaso’y alam niyang nasasaktan pa rin ito ngayon kaya, back off muna siya. Kailangan din niyang ikonsidera na hindi isang karaniwang babae si Megan.

Habang paalis sa dalampasigan ay tumunog ang cell phone niya. Numero ni Seth ang naka-register sa screen. Agad na sinagot niya iyon.

“Hello?”

“Nasaan ka?” tanong nito na parang umiiyak.

“Are you crying?” nag-aalalang tanong niya.

“Yeah. N-nawawala si Candy. Oh, God! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.” anitong umiiyak.

Sinabi nito sa kanya ang nararamdaman nito ngayon. Alalang-alala raw ito sa lagay ni Candy dahil buntis na ang huli. Masama rito kung made-depress ito. Kahapon pa raw ito naghahanap kay Candy pero hindi nito mahanap ang babae. Baka raw magpunta roon si Candy. Dapat daw niyang hindi pahintulutang mangyari iyon dahil baka hindi matuloy ang kasal. Hindi umiyak kahit na sinong babae si Seth kaya alam na alam niyang mahal na mahal nito si Candy.

Ayon pa kay Seth ay hindi raw pumapayag na magpakasal si Candy rito pero hindi umayon doon ang lahat pati ang mga magulang nito. Naiintindihan naman niya ang nararamdaman ni Candy. Guilty na guilty ito dahil sa nangyari. Tuloy pa rin daw ang preparasyon. Kung siya ang tatanungin, dapat ngang matuloy talaga ang kasal dahil maliban sa kalagayan ni Candy ay alam niyang nagmamahalan ng totoo ang mga ito ni Seth. Witness siya roon. At alam niyang may posibilidad na magalit sa kanya si Megan kapag nalaman nito na naging parte siya ng tuluyang pagbuo ng pagmamahalan ng dalawa.

Tinutudyo niya kasi ang dalawa dati. Alam ni Candy na alam niya na may gusto si Megan kay Seth. Pero nakikita niya ang sitwasyon noon. Si Candy ang gusto ni Seth at hindi si Megan. Hindi siya kumontra sa mga ito kahit alam niya ang nararamdaman ni Megan dahil nais niyang maging masaya ang dalawa. Kaya naman tumulong siya kay Seth sa panliligaw kay Candy.

Ang mali lang nga sa sitwasyon ay hindi kaagad inamin ni Candy kay Megan ang relasyon ng mga ito lalo na’t alam ni Candy na mahal ng kapatid si Seth.

Kung titingnan ay madali lang masolusyunan ang problema, mag-usap ang tatlo para magkalinawan na. Pero naiintindihan din niya ang pasya ni Megan na hindi muna magpakita dahil sa labis na sakit na nararamdaman nito. Kaya mabuti nga na hindi na muna magkita ang dalawa ni Candy.

Sinigurado niya kay Seth na siya na ang bahala kay Megan. Ibinilin pa nga nito na ihanap niya raw ng ibang mamahalin si Megan para madali itong makapag-move on. Natawa lang siya roon. Pero, susubukan niya. Pagkatapos niyang kausapin si Seth ay tumawag naman si Candy.

“Kuya, nasaan ka?”

“Nasa Batangas.”

“Where in Batangas?”

“I don’t think it’s a good idea na malaman mo kung nasaan ako.” aniya.

“Bakit?”

“Kasama ko kasi dito ang Ate mo.” amin niya.

“Nandiyan siya?” hindi makapaniwalang tanong nito.

“Yup.”

“Kuya, the more I need to know where you are!” giit nito.

“I think it’s better for you to let your sister stay here for the meantime. Sabi mo nga ‘di ba, pinapatuloy niya sa inyo ang wedding. That means, nagparaya na siya. And I know she’s recovering right now.” paliwanag niya.

“Pero, Kuya------------“

“Candy, siya na mismo ang nagsabi na ituloy niyo ang kasal. And I don’t see any reason not to. Maganda ang lagay dito ni Megan. And I promise to take care of her while I’m here.” Nakapagbitiw tuloy siya ng isang pangako. Pero kahit naman hindi iyon hilingin ni Candy ay talagang babantayan niya si Megan.

“Are you sure she’s all right there?”

“Yeah. Nakausap ko siya kanina.”

“That’s good to hear. Kahit paano, nabawasan ang guilt na nararamdaman ko.”

“Mabuti naman. Kaya huwag ka ng mag-aalala. Makakasama sa baby iyan. Just proceed to your wedding preparations. Bumalik ka na kay Seth.”

“Kuya, see to it that she’ll be happy while you’re there. Ipakita mo ang tunay na ikaw. I’m sure matutuwa iyan. Mahilig sa loko iyan eh.” He heard her chuckle. Mabuti naman at nakukuha na nitong tumawa kahit kaunti.

“I’ll try. Pero baka ma-in love sa’kin ang Ate mo. Mahirap iyon. Kawawa naman ang mga girls ko na naghihintay sa’kin diyan. For sure, hindi na ako makakawala sa Ate mo.” biro niya.

“Sus! Ikaw talaga. Ewan ko na lang kung mag-aasam ka pa na makawala kay Ate once na nakilala mo siya ng mabuti.” nakangising saad nito.

“Talaga lang ha? Susubukan ko nga ang alindog ng Ate mo.” biro pa niya.

“Siguradong kung nandiyan si Ate, nasapak ka na no’n.”

“Oo nga eh. May pagka-tigre pa naman iyon.”

“You bet.” Dahil sa napag-usapan nilang iyon ni Candy ay mukhang mahahaluan ng kalokohan ang trabaho niya rito. He can’t wait to meet Megan “personally”.

“Cands, nasaan ka ba?” nag-aalalang tanong niya rito. Kung akala nito’y mailalayo siya nito sa sinabi niya kanina’y nagkakamali ito.

“Ahm, s-sige na, Kuya. Tatawagan na lang ulit kita.”

“Candy, hindi kita titigilan kapag hindi mo sinabi kung nasaan ka.” banta niya rito.

“Gusto ko munang makapag-isip-isip, Kuya.”

“Candy, huwag kang masyadong magpaka-stress. Makakasama sa’yo iyan. Bumalik ka na kay Seth.” payo niya rito.

“Huwag na muna ngayon.”

“Candy-------“

“Sige na, Kuya. Kailangan ko ng umalis eh. Tatawag na lang ulit ako sa’yo. And please, don’t tell Seth I called you.”

“Candy-------“

Gusto niyang sumigaw dahil sa problemang dala ng magkapatid. Ano bang mayroon si Seth at natuhog nito ang magkapatid? Napailing na lang siya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.