NAGISING si Megan dahil sa katok sa pintuan niya. Pagmulat niya ng mata ay madilim ang paligid. Gabi na pala. Nakatulog siya kaninang tanghali pagkatapos niyang manggaling sa ginagawang bahay na gagawin ding hotel.
Nakipagkwentuhan siya sa mga trabahador. Sa isang taon daw kasi’y bubuksan na sa publiko ang resort. Masaya siya dahil hindi dapat masayang ang ganoon kagandang lugar. Kung ipinagbibili nga sana iyon ay bibilhin niya iyon. Gagawin niya iyong open resort para hindi masayang.
Bumangon siya at binuksan muna ang ilaw bago binuksan ang pinto. Napagbuksan niya si Manang Lilya. Ang mayordoma ng mansion. Ang pamilya nito ang namamahala sa buong isla. Ang anak nitong si Charie ang may pinag-aralan kaya ito ang humahawak sa operasyon ng isla.
Sa totoo lang ay ayaw niya sa ugali ng anak nito. Akala mo ay kung sinong mayaman. Nakakainis!
“Magandang gabi po.” bati niya rito.
“Magandang gabi rin. Napasarap yata ang tulog mo ah.” nakangiting saad nito. Niluwangan niya ang bukas ng pinto. Pumasok naman ito at dumiretso sa kama niya. Agad na inayos nito iyon bago pa man niya ito mapigilan.
Naitanong niya sa sarili kung saan nagmana si Charie? Mabait at simple lang ang ina nito kaya nagtataka siya kung bakit ganoon kaarte si Charie?
“Napagod po ako sa pamamasyal kanina eh.” paliwanag niya.
“Sa tingin ko nga. O, siya. Halika na sa ibaba at kakain na tayo. Naghihintay na ang ibang bisita roon.” anyaya nito sa kanya.
“Sige po. Susunod na ako. Mag-aayos lang po ako.” aniya. Lumabas na ito ng pinto pagkatapos niyang magpasalamat.
Nagpalit siya ng black floral dress dahil balak niyang magtambay sa dalampasigan mamaya. Iyon naman ang lagi niyang ginagawa tuwing gabi simula ng dumating siya roon. Doon siya pumu-pwesto sa batuhan sa dalampasigan. Habang nakababad ang paa sa tubig dagat ay nagbabasa siya hanggang sa antukin siya.
Pagkatapos magpalit ay bumaba na siya para kumain. Kaunti lang naman ang bisita roon. Ang mag-anak na Mendoza mula sa bayan ng Lipa na nalaman niyang mga balikbayan pala, ang pinsan ng mga may-ari na si Tristan a.k.a “Tan-tan”, at siya. Bigla niyang naalala si Ken. Oo nga pala’t narito ito ngayon dahil ginagawa ang kabilang bahay. Sigurado siyang makakasalo niya ito ngayon.
Nang marating niya ang hapag-kainan ay nagulantang siya sa dami ng tao roon. Dati-rati’y iilan lang silang kumakain doon kasama si Charie pero ngayon ay parang may fiesta sa dami ng tao. Nakita niya ang mga trabahador na nakausap niya kanina. Hula niya ay mga tauhan iyon ni Ken. Madami ring handa parang sa fiesta. At hindi nakaligtas sa paningin niya sina Charie at Ken. Animo ahas si Charie na dikit ng dikit kay Ken.
Sigurado siyang may gusto ito roon. Kitang-kita naman. Iyon ang lalo niyang ikinainis. Bakit? Hayaan mo sila. anang isang bahagi ng isip niya.
Oo nga. Pakialam ko ba sa kanila! Tse! Inirapan niya si Ken ng magtama ang paningin nila. Hindi siya magpapaapekto sa presensiya nito. Akala siguro nito ay aalis siya sa isla na iyon dahil naroon ito. Ngunit nagkakamali ito. Hinding-hindi siya aalis doon kahit pa naroon ito.
“O, nandiyan ka na pala, Megan.” ani Charie ng makita siya. Lalo pa itong dumikit kay Ken.
Teka, hindi kaya girlfriend ni Ken si Charie? Pwede naman iyon. Baka kaya si Ken ang kinuha nitong architect. Posible dahil kahit sino yatang babae ay papatulan nito. Kawawang Charie, sana lang ay alam nito kung kanino ito pumatol. Pero, magiging masaya naman siya kahit paano kapag nasaktan ito nang dahil kay Ken dahil malandi ito. Ito na mismo ang naghahain ng sarili kay Ken!
“Everybody, siya si Megan Castillo. Guest siya rito sa isla.” pagpapakilala ni Charie sa kanya sa lahat. Hindi pa rin ito lumalayo kay Ken na todo ang pagkunot ng noo dahil sa narinig nitong pangalan niya. Sinadya niyang hindi magpakilala kung sino talaga siya dahil natakot siyang baka matunton siya roon ng pamilya niya.
Nginitian niya ang lahat ng naroon. Sinalubong naman ni Tan-tan ng mas matamis na ngiti ang ngiti niya. Natutuwa talaga siya rito. Kahit na may pagka-nerd ito, sa tingin niya’y may parte ng pagkatao nito na “cool”.
Samantala, nakita niyang hinatak ni Charie si Ken palapit sa kanya. Nang makalapit sa kanya ay ikinawit nito ang braso sa braso ni Ken. Tila iyon ang signal nito na nagsasabing “he’s mine”. Wala naman siyang pakialam.
“Hi, Meg. Slept well?” hindi siya makapaniwalang nakangiting tanong ni Ken.
Naghihimala na ba talaga? Bakit kanina pa niya ito nahahalatang concerned sa kanya? Ano bang pinakain ni Charie dito? Sa kauna-unahang pagkakataon ay humanga siya kay Charie. Kung anuman ang ginawa nito kay Ken para mag-iba ng ugali ang huli ay saludo siya rito.
Why Mr. Ruthless is turned into Mr. Light-hearted. How nice!
“Yeah.” simpleng sagot niya.
“Magkakilala kayo?” hindi makapaniwalang tanong ni Charie na nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
“Yup. Since birth.” nang-aasar na sagot niya kay Charie. Marahil ay nahalata iyon ni Ken kaya napatawa ito. Napamaang siya. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na narinig niya itong tumawa dahil puro ngisi ang natatanggap niya mula rito. Shit! The devil even looked more handsome now that he’s laughing.
“As in?” maarteng tanong ni Charie.
“Yes, Charie. Actually, kaibigan niya rin ang mga pinsan ko.” segunda pa ni Ken sa pang-aasar niya.
“Si Seth pati?” gulat na tanong nito.
Kilala pala nito si Seth. At naiinsulto na siya rito. Hindi ba siya pwedeng maging kaibigan ng magpinsan? Masyado na yatang mataas ang tingin nito sa sarili niya. Wala naman itong gaanong maipagmamalaki. Ang kapal talaga ng mukha!
“Yes. And they’re very close. In fact, sister niya nga ang mapapangasawa ni Seth eh.” paliwanag ni Ken pero may pang-aasar sa mga sinasabi nito. Hindi niya ininda ang sinabi nito. Nang-aasar lang naman sila kay Charie at naiintindihan niya iyon.
“Talaga? I wonder kung bakit hindi ikaw ang nagustuhan niya?” may panunuyang tanong nito. Bumitaw na ito kay Ken.
“Actually, Ken and I had a thing!” taas-noong sabi niya. Why the hell did she say that?! Nakakahiya! Ang sagot ay dahil hindi siya magpapatalo rito. Mabuti na lang at sumakay si Ken sa sinabi niya.
“Y-you-----“
“Yes, Charie. Kaya nga kinuha ko agad ang offer mong project na ito kasi alam kong nandito si Megan.” sabi ni Ken sa nawindang na si Charie. Gusto na niyang humalakhak pero pinigilan niya dahil baka makakuha pa sila ng atensyon at lumala pa.
“I see. Excuse me. E-estimahin ko lang ang ibang bisita.” paalam nito. And then, she rode off.
Hindi na niya napigilang matawa. Nakakatawa naman kasi ang reaksyon ni Charie. Hindi kasi siya nito lubos na kilala. Ni hindi nga nito alam kung ano ang trabaho niya. Ang alam kasi nito ay kaibigan siya ng empleyado niya. Kaya siguro ganoon ang pakikitungo nito sa kanya. Akala nito’y kayan-kayanan lang siya. Hinahayaan lang naman niya itong mag-inarte dahil ayaw niyang manggulo. Bakasyon ang pinunta niya roon at hindi gulo.
“Bakit hindi ka nagpakilala sa kanila?”
“Kasi po, baka mahanap nila ako dito.” katwiran niya. Tumango naman ito bilang pag-intindi. “Sorry about what I’ve said.” Hinging-paumanhin niya sa binata.
“No big. Ang sarap asarin ni Charie eh. Nahiya siguro kaya umalis.”
“You bet.”
Nagkangitian sila. Saka na siya magpapakilala bilang isang Formosa. Ang may-ari ng pinaka-malaking mall chains sa bansa. Ang pakilala lang niya sa mga naroon ay siya’y empleyado lang. Kaya ganoon na lang siya kung tratuhin ni Charie. Pinapalagpas niya lang lahat ng katarayan nito sa kanya dahil ayaw niya ng gulo.
Ipinakilala siya ni Ken sa mga kasama nito sa trabaho bago sila kumain. Habang kumakain sila ay hindi na lumapit pa si Charie kay Ken. Mas tama na sigurong ang alam nito’y may relasyon sila ni Ken.
How could this guy seem to be invisible all those times she’s in love with Seth?
PAGKATAPOS kumain ay pumunta na siya sa dalampasigan. Ingat na ingat siyang makaalis doon ng walang makakakita dahil nagkakayayaan na mag-videoke sa entertainment room ng mansion. Ayaw niyang sumali roon. Pakiramdam niya’y hindi pa niya kayang sumaya. Hindi pa ngayon.
Umayos siya ng upo sa paboritong bato niya. Tinanggal niya ang tsinelas niya at inilawit ang paa niya roon upang ilubog sa tubig dagat. Kinuha niya ang librong kabibili lang niya bago siya pumunta sa isla. Marami siyang librong binili bago siya pumunta roon. Hilig kasi niya ang pagbabasa.
Ang librong binabasa naman niya ngayon ay tungkol sa isang anghel na na-in love sa isang tao. Isang bawal na pag-ibig. Fiction iyon pero pagdating sa love story ay parang totoo. Nangyayari naman talaga ang bawal na pag-ibig. May istorya nga ng buhay na nagmamahalan ang mga taong kasal na. Ang iba’y pagmamahal sa mga kauri nila. Parehong lalaki man o babae.
Para sa kanya, walang bawal sa pag-ibig. When you love, you love. There are no boundaries. Kapag nagmahal ka, iyon na iyon. Kahit ano pa kasi ang gawing kontra ng ibang tao, hindi naman nila matatanggal ang puso mo na tumitibok para sa taong iyon. Wala silang magagawa. Kahit pa paglayuin man kayo, hindi maaalis ang pagmamahal mo para sa kanya. Kung pwede nga lang na turuan ang puso ay matagal na niyang ginawa.
Sana nga pwedeng turuan ang puso... Sa gayon, madali siyang makaka-move on. Namalayan niya na lang na basa na pala ang pisngi niya. Kanina pa pala siya umiiyak.
“Hindi makakatulong iyan sa’yo.” anang boses galing sa likod niya. Hindi siya maaring magkamali. Si Ken iyon.
Paglingon niya’y nakita niya nga si Ken. Nakahalukipkip itong nakatingin sa kanya. Pagkakita rito’y agad na pinahid niya ang mga luhang naglalandas sa pisngi niya. Hindi siya nito dapat makitang umiiyak.
“Wala kang pakialam!” asik niya rito.
“Kargo kita ‘no.” Tumabi ito sa kanya. Umisod naman siya palayo rito.
“Bakit? Inoobliga ba kita?” tanong niya. Umisod ito palapit sa kanya kaya umisod naman siya palayo rito.
“Hindi. But I do care for you.”
“Yeah, right. Mr. Ruthless now know how to care for a woman like me.” sarkastikong sabi niya.
“People change.” simpleng paliwanag nito.
“Hus! Maniwala ako sa’yo!” singhal niya rito. Umisod muli ito kaya umisod din siya palayo rito.
“Sige. Lumayo ka pa sa’kin. Wala ka ng iisuran diyan.” nakangising saad nito. Tama ito. Dead end na ang kinalalagyan niya. No choice siya. Na-corner na siya nito.
“Ano bang ginagawa mo rito?”
“Nakita kita rito kaya pumunta ako. Nangungulit na naman kasi si Charie sa’kin ng makitang wala ka roon.”
“Gustong-gusto mo naman.”
“Do I sense a hint of jealousy there?” nakangising tanong nito. Tumirik ang mata niya sa pag-irap dito.
“You wish!” sigaw niya. Tumawa lang ito.
“Balik tayo sa’yo.” anito saka kinuha ang librong binabasa niya. “Hindi ito makakatulong sa’yo. Paano ka makaka-move on kung mga love story ang binabasa mo?”
“May kwento bang walang halong love story?” mataray na wika niya habang pilit na kinukuha ang libro niya.
“Pagbabasa lang ba at bakasyon ang naiisip mong paraan para makapag-move on ka?” tila hindi makatiis na tanong nito.
“Bakit? May ibang paraan pa ba?”
“Mayroon. You should look for a new love. There are many fish in the ocean. I’m sure you’ll have a good catch. Ayon nga sa 90210, if you’re frustrated and hurt, flirt and get attention!” paliwanag nito.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwalang nanonood ito ng American show na iyon.
“What? Hindi ka makapaniwala na magaling akong advicer?” tanong nito.
“No. I can’t believe that you’re watching 90210!” hindi makapaniwalang sabi niya.
“Huwag ka ngang ganyan. You’re acting as if I’m some kind of a gay person. May mga lalaki naman talagang nanonood no’n ah. And mind you, nagkataon lang na naabutan ko ang commercial no’n sa Studio 23.” pilit na paliwanag nito na lalong ikinatawa niya.
Hindi naiwasang mapatawa siya ng malakas. Nakakatawa kasi ang reaksyon nito. From boredom to interesting. Nice!
“Yeah. You’re not gay but you’re fond of bitches. Maybe you want to be like them. I can’t------“ naputol ang iba pa niyang sasabihin ng bigla siya nitong kabigin at siilin ng halik ang kanyang mga labi. Nanlaki ang mga mata niya. She felt her heart skipped a beat and she froze. Nanlalamig siya pero may kung anong init na gumapang sa katawan niya.
His kisses are fierce but sweet. He was her first kiss! Hindi niya alam kung bakit pero namalayan na lang niyang tinutugon niya ang mga halik nito. Hindi man siya marunong ay nagawa niyang tugunin ang halik nito. His lips were soft and sweet. Ang sarap noong halikan. And she knew that her lips were soft too.
Pareho silang kapos sa hininga ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Napakalapit pa rin nila sa isa’t isa at habang nagtititigan sila ay nakaramdam siya ng hiya.
My gosh! This man was her first kiss! Damn, it felt so good! Ganoon pala ang pakiramdam ng naghahalikan. Akala niya dati ay “gross” iyon pero nagkamali siya. It was great!
“Don’t ever say that I’m gay!” banta nito habang nakatitig sa kanya.
“O-okay.”
KUNG hindi naawat ni Ken ang sarili ay baka may nangyari na sa kanila ni Megan. Si Papa God lang ang tanging nakakaalam kung gaano ako nakapagpigil. Ang hirap!
Makita pa nga lang si Megan na umiiyak ay gusto na niya itong halikan ng halikan para maalis ang sakit na nararamdaman nito. Ayaw na ayaw niyang makakita ng babaeng umiiyak. Kaya kapag may mga dates siyang umiiyak sa harap niya ay iniiwan o pinapaalis niya ang mga ito. Alam naman kasi niya kung ano ang habol ng mga ito sa kanya.
Pero naalala niyang hindi nga pala niya kaanu-ano si Megan. Bakit nagawa niya itong halikan? Simple. Dahil hindi na siya nakapagpigil. He desired the woman a lot. Inaamin na niya iyon ngayon. At alam niyang lumalim pa iyon lalo na ngayon at nahalikan na niya ito.
Oh, how he wished that he could kiss her forever.