ILANG araw na hindi nagpakita si Megan kay Ken pagkatapos ng pinagsaluhan nilang halik. Ang totoo, wala siyang dapat ikahiya rito pero ayaw niya itong makita. Ayaw niya itong makita dahil naaalala niya ang halik nito.
Nang gabing iyon, hindi siya nakatulog dahil ito ang naging laman ng isip niya. Alas-tres na yata siya ng madaling araw nakatulog. Inisip niya ang mga sinabi nito.
You should look for a new love. There are many fish in the ocean. I’m sure you’ll have a good catch. Ayon nga sa 90210, if you’re frustrated, flirt and get attention!
Is he implying himself when he said that? May ibang rason pa ba kung bakit siya nito hinalikan? Posible bang may gusto ito sa kanya? Kaya ba ganoon na lang ang pakikialam nito para maka-move on siya?
Sa lahat ng tanong na iyon ay ni isa’y wala siyang nasagot. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Kaya hindi siya nakakatulog ay dahil doon. Hindi na nga niya naiisip ang problema ng pagmo-move on niya dahil si Ken lagi ang laman ng isip niya.
At ang isa pang malaking tanong, kung totoo mang may gusto ito sa kanya, gusto rin ba niya ito?
What’s her answer? Maybe. One percent? Could there be a chance that I’ll be happy after my heart is broken?
“Aaaaah! Hindi ko na kaya! Ayaw ko na! Ang dami kong pino-problema!” sigaw niya ng nasa paborito niya siyang pwesto sa dalampasigan ng hapong iyon.
Papa God, tulungan Niyo po ako...
“Ma’am! Huwag kang magpapakamatay! Tatawag ako ng tulong! Sandali lang, Ma’am!” narinig niyang sigaw ng isang trabahador na nakita niyang kumaripas ng takbo patungo sa mansion.
Nangunot ang noo niya. Tumingin siya sa paligid. Wala naman siyang nakitang gustong magpakamatay roon dahil siya lang ang naroon. Nagkibit-balikat lang siya. Siya ba ang tinutukoy nito?
Well, hindi naman siya ganoon kababaw para magpakamatay. Hinubad niya ang suot niyang damit. Nakasuot siya ng red two-piece suit. Gusto niyang mag-night swimming. Alam niyang masarap ang dagat kapag hapon. At mababaw din iyon. Mababawasan ang mga alalahanin niya kapag na-relax siya.
Tangkang tatalon na siya mula sa batuhan ng biglang may humapit sa beywang niya. Niyakap siya nito ng mabuti. Nagpumiglas siya.
“What are you...Hey! What are you doing?!” inis na tanong niya sa kung sinuman iyon. Pilit niyang tiningnan kung sino iyon at napagtanto niyang si Ken pala iyon!
“Ganyan ka ba kababaw at idadaan mo sa pagpapakamatay lahat? Ha, Megan?” galit na wika nito.
Huminga siya ng malalim. Gusto niyang matawa at matuwa dahil sa reaksyon nito at sa pag-aalala nito, respectively. Sa lagay nilang iyon ay mapagkakamalan silang lovers. Nakayakap ito mula sa likuran niya. Hinawakan naman niya ang mga kamay nitong mahigpit na magkahawak para hindi siya makawala.
“At ganoon din ba kababaw ang tingin mo sa’kin? Hello! Ang babaw lang ng tubig diyan, o.” sabi niya sabay turo sa baba ng batuhan. Hindi ito makapagsalita. “Mamamatay ba ako sa babaw niyan? At teka lang, saan mo ba nakalap ang ideya na magpapakamatay ako? Ah. Alam ko na. Kay Kuya na kumaripas ng takbo kanina papunta sa mansion at nagsisisigaw nang, huwag daw akong magpapakamatay at tatawag siya ng tulong.” natawa siya. “Maliligo lang po ako.” mahinahong paliwanag niya.
Naramdaman niyang huminga ito ng malalim. Nahimasmasan na ito sa takot na kitang-kita sa mukha nito kanina.
“Bakit ba naman kasi sumigaw ka daw na hindi mo na kaya at ayaw mo na?” nag-aalalang tanong nito habang nakayakap pa rin sa kanya na tila ayaw na siyang pakawalan. Siya naman ang hindi makapagsalita. Alangan namang sabihin niya ritong dumagdag pa ito sa dahilan?
“Ahm...drama ko lang iyon. Gusto kong maligo eh.” pagsisinungaling niya. Pero gusto naman talaga niyang maligo. Nailing tuloy siya. Mahabang katahimikan ang sumunod. Parang na-freeze sila sa ganoong ayos.
Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nito. It felt like his arms were fit for her body. Feel na feel nila pareho ang moment na iyon. Nang mga sandaling iyon ay naramdaman niyang na-relax ang katawan niya.
Oh, how she wished a man could hold her like this for a long time. Sana pala, si Ken na lang ang minahal niya dahil tingin niya’y mas madali itong ligawan kaysa kay Seth.
Gaga! Iba si Seth kay Ken. Wala kang magagawa kung hindi ka man type ni Seth at kung type ka naman ni Ken. Nasumbol na naman siya ng realisasyon na iyon. May gusto nga ba ang lalaking ito sa kanya?
“Ahm...baka gusto mo na akong pakawalan? Maliligo pa ako eh.” nahihiyang sabi niya.
“Ako rin eh.” anito.
Bago pa siya makahuma ay kasama siya nitong tumalon sa dagat. Sigaw lang niya ang maririnig sa paligid nang mga sandaling iyon. Tawa sila ng tawa ng makalangoy na sila sa dagat. Pakiramdam niya’y kanyang-kanya ang sandali na iyon at ang lalaking ito.
“Iniiwasan mo ba ako?” pagkuwa’y tanong nito.
“Ha? Ahm...h-hindi. Ano kasi...”
“I get it. It’s because of what hap------------“
“Pwede ba?! Hindi iyon dahil do’n!” mariing tanggi niya.
“Okay. But, I can help you, you know.”
“How? Ano ka psychologist, love guru or something?”
“Nope. But I know I can help you.”
“In what way?”
“Gusto mo na bang malaman ang first step ngayon?” nakangising tanong nito. He looked like he’s seducing her. Lumapit ito sa kanya hanggang sa ang mga ilong na lang nila ang naghihiwalay sa mga mukha nila. Hindi siya makagalaw.
Pagkatapos, maya-maya’y naramdaman niya ang paglapat ng palad nito sa kanang pisngi niya. Mahina na sampal lang iyon.
“Sampal?!” bulalas niya pagkatapos ay lumayo siya rito.
“I know what you’re thinking earlier.” nanunuksong sabi nito.
“Alam mo ikaw, kung wala kang magawa. ‘Wag ako ang pag-trip-an mo!” inis na saad niya at tinampal ito sa noo.
“Sinampal kita para magising ka sa katotohanan na hindi ikaw ang gusto niya. You have to accept that to be able to move on. Kapag hindi mo iyon natanggap, aasa ka pa rin. Hindi ka makaka-move on. Don’t worry. I’m here to help you.” Nakangiting paliwanag nito pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit. Hindi naman siya nakapalag dahil mas malakas ito sa kanya. And believe it or not, she’s enjoying his bear hug.
Maybe there’s a possibility to that one percent chance to happiness.
“READY?” tanong ni Ken kay Megan.
Nasa helicopter sila ngayon. Hiniram iyon ni Ken sa kaibigan nito para sa activity nila ngayon. Skydiving! Never pa niyang nasubukan ang skydiving. Para sa kanya, isa na naman iyong challenge. Nakapag-bungee jumping na rin siya. Siguro’y ganoon din ang feeling niyon sa skydiving.
Mahilig siya sa extreme sports pero ang totoo, gusto lang niyang subukan lahat ng iyon. Kapag nasubukan na niya ang mga iyon, hindi rin naman niya nababalikan lahat kasi busy din siya sa trabaho. Ang isang extreme sport na kinahiligan niya ay zip lining at saka bungee jumping. Nadayo na niya lahat ng zip lining spot sa buong Pilipinas. At para sa bungee jumping, nakapunta na siya sa London para roon. Sa taunang ginaganap na bungee jumping sa pamosong London bridge. Puro heights ang involve doon kaya hindi na rin siya natakot ngayon.
Gusto raw nitong i-share sa kanya ang experience nito sa skydiving. Gusto rin daw nitong mag-enjoy siya dahil kailangan daw niyang maging busy para makalimutan si Seth.
Nabulabog talaga siya kaninang umaga dahil ang aga siya nitong ginising. May surprise daw ito sa kanya na talaga namang ikatutuwa niya. Actually, nang malaman niya kung ano ang gagawin nila ay hindi siya natuwa. But she accepted it as a challenge. At tama si Ken, kailangan niyang maging busy para makalimutan niya si Seth.
Kaninang pagsakay nila sa helicopter ay nagulat siya sa naging pagsalubong sa kanya ng dalawang kaibigan ni Ken. Unang beses lang daw kasing nagsama ni Ken ng babae sa pag-i-skydiving. Kahit pa date nito ay hindi raw nito sinasama roon dahil baka mainip lang. Alam daw kasi ni Ken na magugustuhan niya ang skydiving dahil mahilig siya sa extreme sports.
Sila ni Ken ang jumping buddy. Nakatali siya kay Ken. Unang beses pa lang daw kasi niya kaya sasamahan siya nito. Sinigurado nitong mahigpit ang pagkakadikit nilang dalawa. At sinigurado siya nitong safe siya.
“I think so. Ganoon din naman siguro ito sa bungee jumping, ‘di ba?” kinakabahang tanong niya.
“Medyo. But this is more extreme. Don’t worry. You’ll be safe with me. I promise.” nakangiting sabi nito sa kanya.
Dahil doon ay ibinigay niya rito ang buong tiwala niya. Naniniwala siyang hindi siya nito pababayaan. Afterall, naalagaan na rin naman siya nito noong malasing siya.
“Okay. Let’s jump!” buong tapang na sigaw niya.
“Okay. Let’s go. On three. One, two...”
Hindi pa man nakaka-three ay tumalon na sila. Malakas ang air current pababa at ramdam na ramdam niya iyon. She felt her heart jump too. Pero naniniwala siyang hindi sila maaaksidente. Napakapit siya sa mga hita ni Ken.
“What happened to three?” reklamo niya rito.
“Excited ako eh!” sigaw nito. Naramdaman niyang niyakap siya nito mula sa likuran. He held her tight. “Pwede kang umiyak dito, Meg.” narinig niyang sabi nito.
“Akala ko ba way ‘to para makalimutan ko si Seth. Eh, bakit ngayon pinapaalala mo naman?”
“First step ito. You need to accept it.” sigaw nito.
Mabuti pa ito, alam kung ano ang nararamdaman niya. At dahil nga sa sinabi nito, naalala na naman niya ang “stupid love” niya para kay Seth. Napaiyak nga siya. Kung pwede lang sanang ma-imagine niya na si Seth ang skydiving buddy niya ngayon. Magiging masaya siya. Kahit ngayon lang.
Pero ayaw niyang magkamali. Si Ken ito at hindi si Seth. Unfair iyon kay Ken. Pagkatapos nito ay magpapasalamat talaga siya rito. Ito lang ang nakaintindi sa kanya. She is really thankful to be friends with this man.
At tama rin ito. Bakit pa ba niya iniisip si Seth ngayon ay ginagawa nila ang first step of moving on? Tama si Ken na kailangan niyang tanggapin na hindi na siya kailanman mamahalin ni Seth dahil may mahal na itong iba.
Umiyak siya. Sana lang ay iyon na ang mga huling luha na iiiyak niya para kay Seth.
Maya-maya’y hinatak na nito ang parachute nila. Ilang oras lang ay matagumpay silang nag-landing sa ground ng club. Tinanggalan siya ni Ken ng tali nilang dalawa. Pagkatapos nitong magtanggal ng parachute ay agad na niyakap siya nito. Umiiyak pa rin siya.
“Sssh. Babatukan kita! Huwag kang umiyak dito. Ayaw kong makakita ng babaeng umiiyak. Lagot ako kay Ate!” biro nito. Bumitaw siya sa pagkakayakap nito.
“Gago ka! Sabi mo kanina, pwede akong umiyak?” inis na sabi niya rito saka niya sinuntok ng mahina ang dibdib nito.
“Ouch!” maarteng daing nito pero ang totoo ay hindi naman talaga ito nasaktan. “Kanina iyon. Sa ‘taas.” turo nito sa pinanggalingan nila. Pero hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak. Muli siya nitong niyakap. “I know what you’re going through right now, Meg. And I’ll be here to lessen your grief. Kung gusto mong manakit, I could be your punching bag. Kung gusto mong kumain ng marami, I’ll cook for you. Kung gusto mong magbakasyon, I’ll be your tour guide and your vacation buddy. Huwag ka lang magpapakamatay dahil hindi pa ako sigurado kung susunod ako sa’yo.” kinindatan siya nito. Napatawa naman siya.
Kahit paano ay nabawasan ang bigat na dinadala niya. Natawa siya sa mga sinabi nito. Hindi siya sigurado kung tototohanin nito ang mga iyon pero gumaan pa rin ang pakiramdam niya. Maaaring maging biro lang iyon dito katulad ng nangyari kanina pero ang mahalaga’y napagaan nito ang loob niya.
Na-a-amuse na talaga siya rito. Ang seryoso at matinong si Ken ay nakakapagbiro ng higit pa sa inaasahan niya. Simula ng makasama at maging concern ito sa kanya’y iba na ang naging pagtingin niya rito. Hindi na ito simpleng kakilala lang niya. Kundi kaibigan na. Or more than a friend pa?
“Talaga lang ha?”
“Oo. Ano? Start na tayo? Pero kapag malapit na akong mamatay dahil sa mga tatamuhin kong sakit sa katawan, ikaw ang magpapa-ospital sa’kin ha. Sa pagkain mo naman, ikaw ang bibili ng ingredients. Ako lang ang magluluto. At sa bakasyon, well, ikaw ang gagastos. Ako na nga ang tour guide mo eh.” biro nito.
“’Langya ka! Ang galing mong mag-offer. Iyon pala, may kapalit lahat.”
“Siyempre.”
“Sige. Gawin natin lahat iyon.” game na saad niya.
“Sigurado ka?”
“Oo. At hindi ako nagbibiro. Kapag sinabi ko. Gagawin ko talaga. Tutal, suggestion mo rin naman iyon.”
“Seryoso ka talaga?”
“Oo nga sabi eh.”
“Okay. Sige. Sabi mo eh. That’s the second step; relaxation. Pero kumain muna tayo bago ang session natin dahil baka ito na ang huling kain ko.” biro nito. Inakbayan siya nito at naglakad sila paalis sa lugar na iyon.
Natawa siya rito. Sigurado siya na kahit hindi totoo ang mga sinabi nito ay nandoon pa rin ito para sa kanya. Alam niyang hindi siya nito pababayaan. Alam niyang tutulungan siya nitong makapag-move on. He’ll do more than that.