Chapter 35

PAGKATAPOS nilang mag-skydiving ay nagpabili sila kina Manang Lilya ng mga sangkap sa mga lulutuin ni Ken. Pumunta kasi ito sa bayan kasama ang ilang katulong para mamili at si Charie. May aasikasuhin daw ito sa bayan. Hindi niya alam na marami palang kayang gawin si Ken. Isang sorpresa para sa kanya na marunong pala itong magluto. Ang Mommy daw nito ang nagturo rito ng gawaing-bahay lalo na ang pagluluto. He washed his own clothes too! Hanga siya roon.

Marunong siyang magluto pero hindi siya naglalaba. Allergic kasi siya sa mga detergents. Masyadong sensitive ang balat niya sa mga detergents. Kaya sa katawan ay piling-pili ang gamit niyang sabon. Dapat ay mga mild soap lang para hindi ma-irritate ang balat niya.

Pinahiram naman sa kanila ni Manang Lilya ang kusina. Habang nagluluto si Ken ng Penne Pasta Alfredo na especialty raw nito at Barbeque spareribs ay nagko-computer naman siya. Pagpunta kasi niya sa isla ay hindi niya nadala ang laptop niya. Ang gadgets lang na dala niya ay ang personal phone niya at camera. Para raw hindi siya mainip ay maglaro raw muna siya o kung anumang gusto niyang gawin sa laptop nito. Basta huwag lang daw siyang makikialam sa private document nito.

Pero bago pa man siya sabihan nito ay nabuksan na niya ang folder na “x_files”. Na-curious siya sa pangalan kaya binuksan niya. Alam niyang masama iyon pero inabot kasi siya ng kakulitan niya kaya nagawa niya iyon.

Humagalpak siya ng tawa ng makita ang laman ng folder na iyon. Puro nude photos ng iba’t ibang babae at saka ilang scandals. Natural lang siguro sa mga lalaki iyon.

“Hey! I told you that’s private.” nahihiyang sabi nito. Inagaw muna nito sa kanya ang laptop.

“I’m not that innocent, Ken. Malaki na ako. Naiintindihan ko na iyon. Hindi lang ikaw ang lalaking may ganyan!” nakangising paliwanag niya. Ang sakit ng tiyan niya sa kakatawa. Namumula naman sa hiya si Ken.

“Kahit na!” giit nito.

“Okay. I’m sorry. Maglalaro na lang po ako.” nagpapakumbabang saad niya. Ibinigay naman muli nito sa kanya ang laptop at saka bumalik sa pagluluto.

Hindi na naman niya naisipang maglaro dahil nakuha na ni Ken ang atensyon niya. Naghubad kasi ito ng t-shirt. He’s now cooking half-naked! Nang tumalikod ito sa kanya ay wala siyang magawa kundi pagmasdan ang kabuuan nito. He has a wonderful behind. Naka-shorts lang ito kaya kitang-kita niya ang sexy legs nito. Hindi lang iyon. He’s all muscles! All of them in the right places. Gumagalaw ang mga muscles nito habang nagluluto. Natural lang naman iyon. Meg! How could this man be sexy! Isa lang ang masasabi niya. This guy is a bonafide hunk! Wala kang makikitang fats sa katawan.

Nag-init ang katawan niya. Bakit ganoon? May tumutulong konting pawis sa likod nito na gustong-gusto niyang punasan pero nahihiya siya. Naaalala niya ang halik na pinagsaluhan nila sa tabing-dagat. Dahil doon ay nagbawi siya ng tingin dito. Shucks! Meg, why are you thinking that way? sita niya sa sarili. Babae lang naman siya. Agad na sagot ng kabilang bahagi ng isip niya.

“Nagugutom ka na ba?” tanong nito sa kanya. Nakatalikod pa rin.

Wala man lang itong kaalam-alam na pinagnanasaan na niya ang likod nito. Gosh! Namula tuloy siya.

“H-hindi pa.”

“Oh, bakit namumula ka diyan?” nakangising tanong nito sa kanya nang tingnan siya nito.

Oh, shit! “Ha? Hindi kaya!” tanggi niya na tinatabunan ng mga kamay ang mukha. Para namang nananadya ito na lumapit pa sa kanya. Alam na siguro nito kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya. Pang-asar talaga!

“Patingin nga.” sabi nito na pilit inaalis ang kamay niya sa kanyang mukha.

“Ang yabang mo!” asik niya rito. Tawa naman ito ng tawa.

“Alam mo, okay lang iyan. I’ll be offended if you won’t even desire me now that I’m half-naked and it’s just the two of us here.” Hindi niya pa rin ito tinitingnan. Lalo kasing nag-init ang mukha niya.

“Whatever! Magluto ka na lang!” inis na sigaw niya rito.

“Gladly, my lady.”

“HMMM...ikaw ba talaga ang nagluto nito?” tanong ni Megan kay Ken habang nilalantak niya ang Barbeque spareribs. Nagkamay pa nga siya.

“Bakit? May multo ba tayong kasama rito?”

“Hindi ako makapaniwala na nakakapagluto ka ng ganito.” Masarap kasi talaga ang pagkakaluto nito niyon. The pork was tender juicy. Tamang-tama rin ang anghang niyon. Naghahalo ang anghang at tamis. Sabi nito, American barbeque spareribs daw iyon. Pawis na pawis na ang ilong niya pero tuloy pa rin ang kain niya niyon dahil masarap talaga.

“Well, believe it now.” Itinabi nito ang kakainin nilang lahat mamayang dinner. Marami kasi itong niluto. At hindi naman siya nito pinagbayad sa mga iyon. Ito raw muna ang sasagot ng mga iyon ngayon.

“Ano nga pala ang next step pagkatapos ng acceptance at relaxation?” pag-iiba niya ng topic.

“Loving yourself and falling in love again.”

“Talaga?”

“Cycle lang din naman ang love eh. Mai-in love ka, mag-e-enjoy ka ro’n, masasaktan ka, magmo-move on ka, then, magmamahal ka ulit. ‘Di ba?” paliwanag nito. Tumango lang siya. Kumakain pa rin siya. Hindi siya makapaniwala na manggagaling ang mga katagang iyon sa isang lalaking nakilala niyang walang pakialam kung masaktan man ang mga babaeng nakarelasyon nito pagkatapos nitong makuha ang lahat sa mga iyon. Pero hanga siya rito.

“O, bakit?” tanong nito.

“I just can’t believe this.”

“Believe what?” nakakunot-noong tanong nito.

“Ikaw, si Mr. Ruthless-in-breaking-women’s-heart, ay nagpapayo sa’kin tungkol sa steps of moving on. Sabihin mo nga sa’kin, Ken, may natulungan ka na rin bang iba na mag-move on maliban sa’kin?”

“Wala pa. Be glad, you’re the first.” nakangiting tugon nito.

“So, are you some kind of a love guru? Kung magpayo ka, daig mo pa si Papa Jack ah.”

“Nope. Well, I don’t know. It all comes naturally. Hindi pa rin ako nai-in love pero nakakapag-advice ako. Of course, I love myself, my friends, my family and God.”

“Talaga? Hindi ka pa nai-in love? Ang swerte naman ng girl na mamahalin mo. Ibubuhos mo sa kanya lahat ng love mo.” amused na sabi niya.

“Yup! Kaya mag-apply ka na bago ka pa maunahan ng iba.” biro nito. Ngiti lang ang isinagot niya roon.

Bakit nga ba hindi niya nakita noon si Ken? Siguro, kung ito ang minahal niya, madali niya itong malalapitan kasi mabait ito. Not that Seth’s bad, but, Ken’s easier to talk to. He knows a lot of things. At kahit sandali pa lang silang nagkakasama, magaan na ang loob niya rito. She even trusted him in skydiving. Kahit na alam niya ang reputasyon nito, binago naman ni Ken ang unang impresyon niya rito. Her instincts told her he was not that bad. She trusts him. He’s her friend now.

“Wow! Ang bango naman no’n”

Speaking of baka maunahan ng iba, nandito na nga ang kontrabida.

“Hi, Charie. Kumusta ang nilakad mo sa bayan?” bati ni Ken sa dumating. Agad na dumako ang tingin ni Charie sa kanya. Wala siyang pakialam dito. Tuloy pa rin ang kain niya.

“Okay naman.” lumapit ito sa kanila. “Wow! Mukhang masarap ah.”

“Siyempre, luto ‘to ng baby ko eh.” malambing na saad niya pagkatapos ay sinubuan si Ken ng spareribs gamit ang kamay.

Hindi naman nagpahalata si Ken ng pagkagulat sa ginawa niya. Nang makita niya ang ekspresyon ni Charie ay napangiti siya. Kulang na lang kasi ay sabunutan siya nito sa pagkainis. Parang kakainin siya nito ng buo.

“Ah. Sige. See you around.” paalam nito na labas sa ilong saka padabog na lumabas ng kusina.

“I love it when she act like that.” pilyang saad niya.

“Naughty girl.” ani Ken saka pinindot ang ilong niya.

“Not my nose!” reklamo niya. Hinawakan niya ang ilong niya. Nakalimutan niyang may nakakamay nga pala siya sa pagkain. Kulay orange tuloy ang ilong niya ngayon dahil sa iyon ang kulay ng spareribs. Tawa naman ng tawa si Ken.

“’Yan kasi. Karma!” tudyo nito.

“Ah, gano’n?” Walang anu-anong hinawakan niya ang pisngi nito. Tawa siya ng tawa pagkatapos dahil orange na orange ang mukha nito.

“That’s unfair!” reklamo nito. Tangkang kukuha ito ng spareribs at ihihilamos sa mukha niya pero bago pa man nito iyon nagawa ay lumabas na siya ng kusina. Hinabol naman siya nito. Todo naman ang takbo niya. Napatigil lang siya sa pagtakbo dahil masakit na ang tiyan niya sa kakatawa. Naabutan siya nito at naligo sa spareribs ang buong mukha niya.

“I want you to move on and be happy, Meg.” pagkuwa’y seryosong sabi ni Ken.

“Ako rin. And thank you for being here.” nakangiting sabi niya rito.

Masayang-masaya siya ng araw na iyon. Kaya naman noong gabi’y madali siyang nakatulog sa pagod. Pero kahit na, masaya naman siya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.