ISANG araw ay hinanap niya si Ken. Magpapatulong sana siya ritong maghanap ng isang bahay para sa kaibigan niyang si Mitchie. Nagpapatulong itong maghanap ng mabibili nitong bahay para sa pamilya nitong magbabalik-bayan. Malaki na raw kasi ang pamilya ng Kuya nitong magbabalik-bayan kaya hindi na kasya sa dating bahay ng mga ito.
Alam niyang matutulungan siya ni Ken dahil architect ito. Sigurado siyang madami itong alam na bahay.
“Manang, nakita mo po ba si Ken?” tanong niya kay Manang Lilya nang makasalubong niya ito sa patio ng mansion kasama si Charie.
“Hindi ba siya nagpaalam sa’yo? Babalik siya ng Maynila. Pinatawag daw roon ng Daddy niya.” pagbibigay alam nito na nagtataka kung bakit hindi niya alam ang lakad ni Ken.
Hindi lingid sa mata ng lahat na mas naging close sila ni Ken. Kaya mas tumibay ang pag-aakala ng mga ito na magnobyo nga sila. Ang kalokohan nilang ayaw nilang ituwid.
“Ganoon po ba? Hindi po niya nabanggit sa’kin.” malungkot na saad niya.
“Ano ba iyan? Sila nga, hindi naman nagpaalam sa kanya na aalis pala.” pasaring ni Charie. Hindi na lang niya ito pinansin. Malamang ay naiinggit lang ito sa kanya.
“Hayaan mo na. Babalik din iyon ngayong gabi. Nagpapahintay ngani kay Kanor sa bayan.” Sabi ni Manang Lilya na pinandilatan ng mata ang anak.
Si Mang Kanor ang isa sa mga bangkero roon. Ito rin ang naghatid sa kanya papunta sa isla. Pa-sweldo raw ito ng management ng isla.
“Ah. Tatawagan ko na lang po siya.” aniya. Tumango lang ito, inirapan naman siya ni Charie saka tumuloy papasok ng mansion ang mga ito.
Hindi naman niya matawagan agad si Ken dahil wala siyang numero nito. Iyon ang nakalimutan niyang itanong dito. Ite-text na lang niya si Ate Femi para itanong dito ang number. Ayaw kasi niyang kontakin sina Candy at Seth. Parte iyon ng pagmo-move on niya.
Pagka-text niya kay Ate Femi ay agad naman itong tumawag.
“Ate!”
“Hoy! Bruha ka! Bumalik ka na rito at galit na galit na ang Papa mo. Napapabayaan mo na raw ang trabaho mo.” sabi kaagad nito. Alam na niya ang nangyari. Ito na naman ang napagalitan ng Papa niya dahil wala siya roon. Kapag kinukunsinti kasi siya ni Ate Femi ay ito ang palaging napapagalitan sa halip na siya. Kaya best friend niya ito.
“Ate, nag-leave naman ako ah.” katwiran niya.
“’Ay naku! ‘Buti sana kung madaling pagpaliwanagan ang Papa mo. Kilala mo naman iyon. Ano raw ang rason mo kung bakit ka nag-leave? Ni hindi ka man lang daw tumatawag sa kanya. Tawagan mo kasi.”
“Oo na. Tatawagan ko na.”
“O, bakit nga pala hinihingi mo iyong number ni Ken?” pag-iiba nito ng usapan.
“Kailangan ko eh.”
“Ano’ng ibig sabihin ng kailangan mo?” nang-iintrigang tanong nito.
“Ate, basta kailangan ko. Magpapahanap ako ng bahay para kay Mitchie.” katwiran niya.
“Oh. Nasaan ka ba talaga ngayon?”
“Ate, malapit na akong umuwi. Basta ibigay mo na lang sa’kin ang number ni Ken.”
“May dapat ka bang ikwento sa’kin?” pang-iintriga pa nito.
Biglang nag-init ang magkabilang pisngi niya nang maalala ang naging halikan nila ni Ken sa tabing dagat. Iba pa doon ang palagi silang magkasama. Naging vacation buddy nga niya ito. Nararamdaman niya ang pagiging malambing at maaalalahanin nito dahil araw-araw, oras-oras, minu-minuto at bawat segundo ay tsine-check siya nito kung ayos lang siya. Ewan ba niya pero kinikilig siya. Lalo na kapag inaasar nila si Charie.
Ang mga pagtitinginan nila na sa tingin niya’y may kabuluhan na. Ang mga gestures na hindi lang siya ang nakakakita kundi pati na rin ang mga tao sa isla. At ang tibok ng puso niya tuwing silang dalawa na lang ang magkasama.
“Wala eh.” napapangiting sabi niya.
“Talaga lang ha? O, siya. I-update mo ‘ko ha. Mag-ingat ka diyan kung saan man iyan. I’m praying for you, sister.”
“Thank you!”
KATULAD ng napag-usapan nila ni Ate Femi ay tinawagan nga niya ang Papa niya. Pagkasagot pa lang nito ng telepono ay isang malakas na “Megaaaaaaan!” na agad ang natanggap niya.
Puro sermon ang inabot niya rito. Hindi man lang daw niya magawang tumulong sa nalalapit na kasal ng kapatid niya. Pati raw trabaho niya ay napapabayaan niya dahil sa walang kwentang bakasyon niya. Baka raw nagtanan na siya ng hindi nito nakikilala man lang kung sino ang lalaki at kung anu-ano pa.
Hindi naman niya minasama ang mga sinabi nito dahil hindi nito alam ang totoong pangyayari. Para matigil lang ito sa kakadakdak ay sinabi niyang ipadala sa e-mail niya lahat ng dapat niyang gawin para kahit nasa malayo siya’y makakapagtrabaho pa rin siya. Pumayag naman ito.
Hindi rin niya makalimutan ang huling sinabi nito.
“Anak, kung anuman ang problema mo ngayon, alam kong kaya mo iyan kaya hindi mo nagawang sabihin sa’kin. I’m very proud of you.”
Naiyak talaga siya sa sinabing iyon ng Papa niya. Close din siya rito. Sa katunayan nga’y Papa’s girl siya kaya alam niyang nag-aalala ito ng husto ng mawala siya at basta na lang ang-leave. Ang hindi lang niya maisabi rito ay ang problema niya ngayon. Katulad kasi ng Mama niya, alam niyang maiipit lang ito sa kanilang magkapatid. Ayaw niya itong bigyan pa ng problema dahil alam niyang busy ito sa pagpapatakbo ng kompanya nila. Ayaw niya itong abalahin pa. Pero kung siguro’y hindi si Candy ang nakahati niya ay sasabihin niya rito ang problema niya. Iba kasi ang naging sitwasyon.
Tinawagan naman niya si Ken.
“Hello?” sagot nito mula sa kabilang linya.
“Hi. Si Megan ito.” nahihiyang sabi niya.
“O, ikaw pala. Bakit?” nainis siya sa sinabi nito. Parang walang anuman lang siya rito. Hindi man lang ito nagpaalam sa kanya. Pagkatapos, siya na nga ang tumawag dito, bakit lang?
“Hindi ka man lang nagpaalam sa’kin! Kung hindi pa sinabi sa’kin ni Manang Lilya hindi ko malalaman na nandiyan ka na pala sa Manila.” parang batang nagmamaktol na sabi niya rito.
Sa araw-araw kasi niyang nakakasama ito’y naging “super-duper-hyper-to-the-nth-power” close na sila.
“Hey! Chill. Sorry. Maaga kasi akong umalis para maaga akong makarating dito at nang maaga rin akong makabalik diyan. Kaya po ako nandito kasi may pinapaayos lang sa’kin si Daddy.” paliwanag nito.
Napatda siya. Ano nga ba naman siya nito para magpaalam pa ito sa kanya? Why the hell is she acting like that? Hindi siya nakapagsalita.
“Ano’ng gusto mong pasalubong?” tanong nito na ikinangiti niya. Kinilig siya.
Kinilig?! Bakit naman siya kikiligin?
“Bahala ka na. Pero gusto ko ng ice cream.” aniyang nawala na ang tampo rito.
“Ineng, tunaw na ang ice cream na iyon pagdating ko diyan.”
“O, sige. Pizza na lang.” she said eagerly. Sa pananatili niya sa isla ng halos isang buwan ay hindi pa siya nakakakain niyon.
“Pizza it is. Sige. Siguro nami-miss mo na ako ‘no.” panunudyo nito. Kinilig na naman siya. At hindi na niya iyon maikakaila ngayon.
“Is there any reason to miss you?” mataray na tanong niya pero nakangiti naman siya.
“Ang sama mo! Missed na missed na nga kita eh.” malambing na wika nito. Nanlaki ang mga mata niya. Kahit pa isang biro man iyon ay kinilig siya, hanggang sa buto pa nga. Gusto na niyang magtititili sa kilig pero pinigilan niya ang sarili niya.
“O, sige na nga. Missed na rin kita. Kaya umuwi ka na dito.” pakipot na sabi niya.
“Yes, boss!”
She is super happy. Naisip niya kung gaano kalaki ang posibilidad na maging masaya siya sa piling ni Ken. Hayan ka na naman, Meg. Isip na naman. May pagkakaiba ba ang feeling ng happy sa in love? Oo. Malaki. ‘Happy’ starts with a letter ‘H’ and ‘love’ starts with a letter ‘L’.
ALAS-DIYES na ng gabi nakarating sa isla si Ken. Hinintay ito ni Megan. Hindi talaga siya natulog hanggang hindi pa umuuwi si Ken. Natatakot kasi siya na baka kung ano na ang nangyari rito. Agad niya itong sinalubong. At katulad ng ipinangako nito, may pasalubong nga itong pizza sa kanya.
Magkasalong kinain nila iyon sa tabing dagat.
“May gagawin ka ba bukas?” tanong nito.
“Ewan. Depende kung pinadala na ng secretary ni Papa ang trabaho ko.” aniya.
“Akala ko ba, leave ka?” nakakunot-noong tanong nito.
“Oo. Pero pinagalitan ako ni Papa kanina eh. Okay lang naman. Wala naman akong gaanong ginagawa rito.” paliwanag niya.
“Sayang!” sabi nitong pumitik pa sa hangin.
“Bakit?” natatawang tanong niya.
“I want to ask you on a date.” tila nahihiya pang sabi nito.
“Talaga?”
“Oo. I want you to love yourself now.”
“I love myself.” aniya. Huminga ito ng malalim. Pinihit siya nito paharap dito. He cupped her face and stare at her as if she was the only girl in the world.
“I’m serious, Meg. I like you so much. You don’t know how hard it is for me to see you cry like that. Kaya sinabi ko sa sarili kong hindi na kita hahayaang umiyak muli. There’s no greater pain than seeing you cry like that.” madamdaming sabi nito saka niyakap siya ng mahigpit.
Hindi niya napigilan ang sarili. Hinaglit niya ang mukha nito at hinalikan. Her kiss was soft and subtle. She just want him to know that she likes him. But he seemed to ask for more. He deepened the kiss with so much desire and passion. Napahawak siya ng mahigpit sa balikat nito dahil sa tindi ng intensidad ng halik at yakap nito.
“I changed my mind, I think I’m falling in love with you already.” sabi nito nang maghiwalay sila.
“Ken...” anas niya.
“Oh, baby...” Hindi na ito nagsalita pa. He crossed the space between them and crushed her with a hot searing kiss. Hindi na niya alam kung paano pa sila nakarating sa isang kwarto at hindi niya alam kung kanino nga bang kwarto iyon. Ang importante sa kanya ay masaya siya ngayon sa piling ni Ken. She never thought that she could ever feel something like this after what had happened to her. The one percent chance is slowly increasing its range from a half-to-full.