TAPOS ng mag-empake si Megan kaya naisipan na niyang magpaalam sa mga kasama niya sa isla. Bukas ng umaga sila aalis ni Ken pabalik ng Maynila. Ilang araw na lang kasi ay kasalan na nina Candy at Seth. Kailangan pa nilang magsukat ng mga susuotin nila at kailangan din nilang mag-rehearse.
Pagpunta niya sa tabing dagat ay nakita niya ang pamilya Mendoza. Nasa isang cottage ang mga ito at mukhang nagkakasiyahan. Lumapit naman siya sa mga ito.
“Nakakasilaw ang ngiti mo ah.” biro ni Mr. Mendoza. Nakasalamin ito at tantiya niya’y nasa early forties ang edad. Ganoon din ang asawa nito.
“Tiyak na dahil kay Ken iyon.” tudyo ni Mrs. Mendoza.
“They look good together naman, Mommy, eh. Ate Megan’s beautiful and Kuya Ken’s handsome. They fit!” kinikilig na sabi ng dalagitang si Ginny, ang panganay na anak ng mga ito. Tinawanan lang niya ito.
“Pero hindi kagandahan ang basehan ng pagmamahalan.” makahulugang saad ni Mr. Mendoza. “I didn’t mean to offend you, Megan, ha.”
“Okay lang po. Ganoon din naman po ang paniniwala ko.” aniya.
“Mommy, Daddy, I’ll go swimming na.” paalam ni Ginny. Pinanood nila itong makaalis hanggang sa makalangoy ito sa dagat. Pagkatapos ay bumaling siya sa mag-asawa.
“Magpapaalam lang po ako. Aalis na po kami ni Ken dito bukas.” paalam niya.
“Magtatanan na kayo?” bulalas ng mga ito.
“Hindi po.” umiiling na sagot niya. “Mahigit isang buwan na rin po ako rito. Kailangan ko na pong bumalik sa Maynila dahil marami po akong naiwang trabaho roon. At saka, a-attend po kami ni Ken ng kasalan.” paliwanag niya.
“Sinong ikakasal?”
“Sister ko po at pinsan niya.” Tumango naman ang mga ito bilang pag-intindi. “Ahm...may itatanong lang po sana ako.” nahihiyang saad niya.
“Ano iyon?” magkasabay na tanong ng dalawa.
At inilabas niya sa mag-asawa ang lahat ng nararamdaman niya. It’s good to talk to strangers if you have problems. They don’t know the people who are involve in your story. Ang masama lang ay kung mapanamantala ang mapaghingahan mo ng sama ng loob.
Habang nagku-kwento siya ay nakapagtatakang hindi siya umiyak. Not a single teardrop. Nice!
“ALL OF us deserve to be happy. Tama ka na wala kang magagawa para magkahiwalay pa sina Candy at Seth. At naniniwala akong, you’re not capable of hurting your sister.” sabi ni Mr. Fernando Mendoza a.k.a. “Dr. Love”.
“Patunay lang doon ang pagpunta mo dito para mag-move on sa halip na gumawa ka ng paraan para maghiwalay ang dalawa.” segunda ng misis nitong si Mrs. Marvilyn Mendoza a.k.a. “Psyche”. “You’re a good soul, Meg. At walang rason na magmukmok ka dito. You should be happy. Ang itinatanong mong paraan para makapag-move on ay nagawa mo na. Having fun with Ken in this island means you’ve move on.” dugtong pa nito.
Siguro nga ay tama ito pero hindi pa rin siya sigurado.
“Matagal na namin kayong tinitingnan ni Ken. At noong una pa lang, alam kong may potensyal na kayong maging lovers. Iba na kasi ang tingin niyo noon sa isa’t isa. Hindi niyo pa siguro alam kung ano ang nararamdaman niyo noon pero sa malao’t madali ay matatagpuan niyo rin ang mga sarili niyong hinahanap ang isa’t isa.” ani Dr. Love.
Kung matagal na silang pinagmamasdan ng mga ito, nakita rin kaya ng mga ito ang paghahalikan nila sa dalampasigan noon? O ang paliligo nila? Nanlaki ang mga mata niya pero tinawanan lang siya ng mag-asawa.
“Katulad na lang ng pagsasama-sama niyo ni Ken, hinahanap mo si Ken ‘di ba? Doon pa lang, alam mo nang naka-move on ka na. It’s not easy to recover from a heartache, but if you let yourself fall in love once again, at hindi ka magbubulag-bulagan, you’ll recover easily.” ani Psyche. Nai-kwento niya rin sa mga ito ang akala ni Charie na may relasyon sila ni Ken.
Nagbubulag-bulagan ba siya? Kung ganoon man, wala naman siyang rason para gawin iyon. Hindi siya nakatali sa isang relasyon at ganoon din si Ken. Ang ikinakatakot lang niya ay ang posibilidad na baka kapag minahal niya si Ken ay saktan din siya nito katulad ng nangyari sa first love niya. Hindi imposible iyon dahil sa reputasyon ni Ken sa mga babae. Pero may tiwala siya rito. Hindi gagawin iyon sa kanya ni Ken.
Kung masaya man sila ngayon ni Ken, Ang ikinakatakot niya ay baka may hangganan iyon. Natatakot siya na kung magiging sila man ni Ken ay baka magsawa ito sa kanya at iwan siya. Madami siyang naiisip na dahilan para sa maaari niyang maging relasyon. Ayaw na niyang masaktan.
“Ang sarili mo lang ang tanging nakakaalam kung paano maka-move on at kung naka-move on ka na. If you won’t let yourself move on, then, you won’t be able to move on. Ganoon lang ka-simple iyon. Ika nga ng kasabihang, ‘kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan.’” ani Dr. Love.
“At iyong huli, don’t be afraid to fall in love again. Tama naman iyong kasabihang, ‘experience is the best teacher,’ pero may basehan ka ba no’n? Kung siguro’y inamin mo kay Seth iyong tunay na nararamdaman mo para sa kanya, baka may posibilidad na naging kayo. Pero iyon ang hindi mo ginawa dahil pinangunahan ka ng takot. Gagawin mo ba iyon this time? Kung anuman iyong dapat mong napag-aralan dati, iyon ay dapat hindi ka matakot na ipahayag kung ano ang tunay mong nararamdaman diyan sa puso mo.” ani Psyche.
“You should be open to possibilities, Meg. It could do you good. Huwag mong hayaang takot ang mamayani sa loob mo.” ani Dr. Love.
Korak! Korak! Korak! Palakpak na ang ears ko sa dalawang ‘to. Ang galing! Hindi niya alam kung may pagka-psyche nga ang dalawang ito para malaman kung ano ang nasa isip niya, pero nagpapasalamat siya sa mga ito.
“Payo lang ang sa amin, Meg. Nasa iyo pa rin ang huling desisyon.” ani Psyche.
“Hindi naman po siguro masamang maging sigurado, ‘di ba?”
PAGKATAPOS niyang kausapin ang mag-asawa ay si Tantan naman ang pinuntahan niya. Tatlong kwarto ang pagitan ng mga kwarto nila. Magpapaalam na siya rito at titingnan na din niya ang pagbabago nito. Sa kanya pa rin ito humihingi ng advices at fashion tips.
“Hi, Tantan!” nakangiting bati niya rito ng pagbuksan na siya nito ng pinto.
“Hi!” masiglang bati naman nito sa kanya. Niluwangan nito ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok siya. Nakita niyang nakakalat ang mga damit nito sa buong kwarto. “Sorry ha. Pumipili kasi ako ng damit na pwede ko pang gamitin.”
“Okay lang. Tutulungan na kita.” aniya.
Nakita niyang naka-sando ito at naka-suspender pa. Suot na nito ang contact lense na binili niya pero mukha pa rin itong nerd dahil sa buhok nito at sa pananamit nito. Hindi naman siya mahihirapan na baguhin ang anyo nito dahil sa tingin niya’y gwapo ito. Lalo na kapag nagupitan niya ang buhok nito at naayos niya ang pananamit nito. Hindi naman kasi payat si Tantan.
“Maraming salamat sa mga tulong mo, Meg.” anito.
“Wala iyon. I’m glad to help you. May isang tanong lang ako.”
“Ano iyon?”
“Bakit mo gustong magbago?” Mukhang nagulat ito sa tanong niya. Noong una kasi’y wala siyang pakialam kung bakit nito gusting magbago pero pakiramdam kasi niya’y may matinding dahilan ito kung bakit nito gustong magbago.
“K-kasi...”
“Sabihin mo na. Dali! Ako lang ‘to. You can rely on me.” paninigurado niya rito.
“Huwag ka talagang maingay ha.”
“Oo na. Bakit?” muling tanong niya.
“I’m in love with Charie.” bunyag nito.
“What?!” sigaw niya. Hindi siya makapaniwala. Paano at bakit ito magmamahal sa isang katulad ni Charie? Napakalayo ng agwat ng pag-uugali ng mga ito. Charie’s evil and Tristan’s like an angel. Mabait mai-in love sa masama?
No. No. No! Pero sino ba siya para pigilan ito. Ang puso nga niya hindi niya napigilan dati, ang puso pa kaya ng iba mapipigilan niya?
“Ssssh. ‘Di ba sabi ko sa’yo huwag kang maingay.” tila may pagsisising sabi nito. Takot kasi ito na baka may makarinig sa pag-uusap nila.
“Nagulat lang naman ako. Sorry.”
Sino ba naman siya para pigilan ito? Love knows no boundary, ‘di ba? Kahit pala sa ugali. Or is it just the way people always say, opposites attract?
Nagkwento ito kung bakit nito nagustuhan si Charie. Magkababata raw ang mga ito. Simula pagkabata raw kasi’y sa poder na ng mga Agustin nakatira sina Charie. Si Tristan naman, ulila na kaya kinupkop ng pamilya Agustin. Pinsan nito ang may-ari ng isla na si Miguel Agustin.
Mabait daw si Charie noong mga bata pa sila. Kahit daw nerd siya ay tinanggap siya nito. Ito pa nga raw ang nagpangalan dito na “Tan-tan”. Kaya naman minahal niya si Charie. Nagkahiwalay lang sila dahil sa States na sila nag-aaral na magpi-pinsan. Naiwan si Charie sa bansa. Pagbalik daw ni Tristan, galit na sa kanya si Charie ng hindi niya nalalaman kung bakit.
Hinding-hindi raw ito magugustuhan ng “maldita” dahil nerd ito. Lubos na dinamdam iyon ni Tristan kaya gusto nitong magbago para kay Charie. Ang gusto raw kasi ni Charie ay mga ganoon kay Ken. Pursigidong-pursigido naman si Tan-tan na magbago para sa minamahal.
Gusto niya itong tawaging “martir”. Pang-asar lang. Pero naisip niyang ganoon din siya dati. Ginawa niya ang lahat para mapansin ni Seth. Iyon nga lang, hindi siya nagtagumpay. Dahil doon, tutulungan niya ng bonggang-bongga si Tantan. Para kahit ito man lang, magtagumpay.
“Okay. Sige. Start na tayo!” masiglang saad niya.
Nilagay niya sa plastic lahat ng suspender at dalawang salamin ni Tantan. Tinuruan niya itong mag-project na gaya ni Ken. Madali naman itong turuan dahil pursigido talaga. Natutuwa siya rito.
“Kapag gusto mong mag-sando, huwag mo ng ita-tuck in sa shorts mo. Huwag na huwag ka ring magsu-suspender. You need to look like a macho man. You have a good physique. I-improve mo lang. Kumain ka pa ng marami, ‘tapos, mag-work-out ka. Iyang buhok mo naman ang i-sunod natin.”
Nagsimula siyang gupitan ito. Clean-cut. Natuto siyang gumupit dahil nagtambay siya dati sa salon ng kaibigan niyang stylist. Tinuruan siya nitong gumupit kahit simple lang. At ia-apply niya ang mga natutunan niya roon kay Tantan. Sisiguraduhin niyang magugustuhan ito ni Charie.
KATATAPOS lang magtrabaho ni Ken kaya babalik na siya sa kwarto niya para mag-empake. Bukas na kasi sila aalis ni Megan dahil malapit na ang kasal nina Seth at Candy. Ayaw pa sana niyang umalis doon dahil doon lang niya makakasama palagi si Meg dahil alam niyang gulo ang naghihintay sa kanila sa Maynila. Ayaw niyang makitang nai-stress si Meg.
Damn, he was in love with her! The night they made love was the best night in his life ever! He never knew he could be in love like that until he love her. Hindi niya alam kung paano, basta namalayan na lang niyang mahal na niya ito at hindi siya makatiis na hindi ito makita, mahalikan o makausap.
Noong una pa lang, attracted na siya rito. Kahit noong teenagers pa lang sila ay nagagandahan na siya rito. Hindi nga lang siya makaporma rito dahil alam niyang si Seth ang gusto nito. Lumalim pa ang atraksiyong naramdaman niya para rito dahil isang buwan din silang nagkasama sa islang iyon at nakilala niya itong mabuti. Ito lang ang babaeng pinagtiisan niya maliban kay Rosie. Hindi lang dahil sinabi ni Seth o ni Candy na bantayan niya ito pero iyon ang binubulong ng puso’t isip niya.
Si Rosie ang first love niya. Ito ang nagturo sa kanya ng lahat-lahat tungkol sa mundo ng pag-ibig hanggang sa mundo ng sex. Mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon. Nakilala niya ito noong college siya. She was the most beautiful creature he’d ever seen then. Minahal niya ito. Binigay niya rito ang lahat para hindi na ito maghanap pa ng iba. Alam niyang maraming nanliligaw rito kaya proud na proud siya nang maging boyfriend nito. Pero staged lang pala ang lahat. May karelasyon pala itong DOM. She was a gold-digger. No wonder ayaw rito ng Ate Ienne niya. Kaya pala marami itong demands sa kanya. Pero dahil mahal niya ito, binigay niya rito ang lahat ng gusto nito. Pero niloko lang siya nito. He felt betrayed and he was badly hurt.
Iyon ang naging dahilan kung bakit naging mapaglaro siya sa mga babae. He always make love in each of them before he dropped them off like a hot potato. Lalo siyang nagiging mapaglaro kapag alam niyang ang babae ay mukhang pera o maluho. It was one way of getting his dumped ego back.
Pero ang pagkaka-sakit na iyon sa kanya ni Rosie ang naging dahilan kung paano siya matutong mag-move on. At iyon ang tinuro niya kay Megan.
Masaya siya tuwing magkasama sila at alam niyang masaya rin ito. Kaya gustong-gusto na niyang maka-move on ito ay dahil alam niyang sa piling niya, magiging masaya ito. Ayaw niya itong nakikitang umiiyak, nasasaktan at nalulungkot dahil kulang na lang ay patayin niya si Seth para mawala ang sakit na nararamdaman nito.
Umalis siya noong isang araw dahil pinaluwas muna siya ni Seth. Nagpasa na rin siya ng report of development ng project nila sa firm nila. Pero ang totoong pakay nila roon ay ang mahanap si Candy. Hindi pa rin ito bumabalik kay Seth. Ilang araw na lang kasi’y kasal na ng mga ito. Nag-aalala si Ate Gaile dahil wala raw ginawa si Seth kundi uminom. Hindi naman niya alam kung saan talaga nagpunta si Candy. Sa huli ay in-assure nila si Seth na babalik din si Candy. Nagpapahupas lang ng pagka-guilty.
Dadaanan sana niya si Megan sa kwarto nito upang tingnan kung nakapag-empake na ito ng makarinig siya ng ingay na nagmumula sa isang kwarto malapit sa kwarto ni Megan.
“Ang sakit! Shit!” boses iyon ng babae at hindi siya magkakamaling si Megan iyon. Pero hindi mula sa kwarto nito nanggagaling ang boses nito.
“Sandali lang.” boses naman iyon ng isang lalaki.
“Aaargh! Shit! Dalian mo. Masakit eh.” daing ni Megan.
“You’re a strong girl, Megan. Kaya mo iyan. Sandali na lang ‘to.” anang lalaki.
Shit! Ano’ng ginagawa nila? tanong niya sa sarili. Kung anu-anong ideya ang pumapasok sa isip niya. Mabilis na hinanap niya ang pinagmumulan ng mga boses hanggang makakita siya ng isang bukas na pinto tatlong kwarto mula sa kwarto ni Megan. At doon nga niya nakita si Megan.
“What the hell are you doing?” galit na tanong niya pagbungad pa lang sa pinto.
Bumungad sa kanya ang puwit ng lalaki dahil nakatuwad iyon. Walang anu-anong hinigit niya ito at saka sinuntok. Alumpihit na lumugmok ang lalaki sa sahig.
“Ken, what the hell are you doing?” sigaw ni Megan. Binalingan naman niya ito.
Nakaupo ito sa kama at nagdurugo ang kamay. Iyon marahil ang dahilan kung bakit ito dumadaing sa sakit kanina. Akala niya ay kung ano ang ginagawa ng mga ito. Napahiya siya sa sarili niya at sa mga ito.
Muli niyang hinarap ang lalaking ngayo’y nagdurugo na ang nguso dahil sa suntok niya. Muntikan na nga niyang hindi makilala kung sino iyon dahil hindi ito nakasalamin kundi naka-contact lense. Wala na rin itong suspender at iba na nga ang style ng buhok nito kahit hindi pa tapos gupitan.
Hiyang-hiya siya sa mga ito dahil sa inakto niya at dahil kung anu-ano ang naisip niya.
“Tan-tan, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong nito kay Tristan.
“Oo. Okay lang. Kukuha na lang ako ng yelo sa baba. Sige. Labas na muna ako.” paalam nito.
“Ano iyon? Bakit mo siya sinuntok?” sita nito sa kanya.
“I thought you’re----------“
“You thought that we’re having sex? Ang dumi ng isip mo!” galit na sabi nito. Itinuloy nito ang paglilinis sa dumudugon sugat nito. Tangkang tutulungan niya ito ngunit lumayo ito sa kanya.
“I’m sorry. Hindi mo ako masisisi. Nag-aalala lang ako.” katwiran niya. Totoo naman iyon.
“Dapat sinigurado mo muna kung ano iyong nangyayari ng walang nasasaktan. Dahil padalus-dalos ka, tingnan mo ang nangyari kay Tantan!”
“I’m sorry.” iyon lang ang paulit-ulit na sinasabi niya rito hanggang matapos itong maglinis sa sugat nito.
“Wala kang dapat ipag-aalala sa’kin dahil kaya ko ang sarili ko. I don’t always need you to make things right!” sigaw nito.
Masakit iyon sa pandinig niya pero mas masakit iyon sa puso niya. Ano pala iyong mga paghahalikan nila? The connection between them? The attraction? Balewala lang ba lahat ang mga iyon dito? Siya lang ba ang nakakaramdam ng mga iyon?
“Like what I’ve said, you can’t blame me for being concern with you ‘cause I’m in love with you, Meg.” sabi niya. Natigilan ito. “What? Hindi ka naniniwala? Then, hear me, Meg. I’ve been attracted to you ever since. Hindi lang kita ma-pormahan dahil alam kong si Seth ang gusto mo. I don’t want to get in your way. Believe it or not, masakit sa’kin ang mga narinig ko mula sa’yo ngayun-ngayon lang. Balewala lang ba sa’yo ang nangyari sa’tin?” tanong niya.
“Ken...”
“Yeah. I get it. You’re still in love with him.” Damn it!
“Ken, I---------“
“Don’t worry. I understand.” sabi niya saka siya umalis sa kwartong iyon.
Masakit. Well, iyon na siguro ang karma niya dahil sa lahat ng babaeng pinaglaruan niya.
Okay, Fate. I’m hurt now. I paid back big time.