HINDI makatulog si Megan sa kaiisip kay Ken. Gusto man niyang tugunan ang sinabi nito kanina pero gusto kasi niyang makasigurado sa nararamdaman niya. Gusto niyang kapag sinabi niya ritong mahal niya ito’y wala na siyang nararamdaman kay Seth kahit kaunti.
Naiinis man siya sa ginawa nito kanina’y hindi pa rin noon matutumbasan ang ginawang pag-amin nito sa totoo nitong nararamdaman. Gusto niyang maging masaya dahil mahal siya ni Ken.
Gusto niyang makausap si Ken ngayon dahil ayaw niyang bumalik sa Maynila na may samaan sila ng loob kaya nagpasya siyang puntahan ito sa kwarto nito.
“What? Hindi pa rin nakikita si Candy?” narinig niyang bulalas ni Ken mula sa loob ng kwarto.
Oh, God! Nawawala si Candy?
“Yeah. She’s here with me. Uh-huh. I took good care of her like you said. Babalik na kami bukas diyan. But be sure that everything’s going to be all right for her. Oh, damn it! Yeah. I’d look for her. ‘Pag-alis namin dito bukas.” sunud-sunod na sabi nito.
Naguguluhan siya sa kung sino ang kausap nito at ano ang ibig nitong sabihin pero bigla siyang kinabahan. Naramdaman na niyang may kinalaman iyon sa kanya.
“Seth, calm down! Everything’s going to be all right! I already made her fell in love! I’m sure she won’t be ruining your marriage. Ang isipin mo na lang ay kung saan hahanapin si Candy. Yes. Pakisabi kina Tito Wil na ibabalik ko na si Meg bukas.”
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa mga narinig. Oh, God! Please tell me this isn’t Ken. Please... Pero huli na ang pagdadasal niya. Humarap sa gawi niya si Ken at nakita siya nito. Parang namatanda ito at hindi ito makagalaw.
“I-I’m going to call you again, Seth. Yeah. Bye.” paalam nito sa kausap na alam na niyang si Seth ngayon. Hindi pa rin ito natitinag sa pagkakatayo. Ganoon din naman siya pero hindi katulad nito, nakabawi na siya.
“What? Hindi ako multo, Ken. I just heard what you’ve said. Nagpunta ka rito para bantayan ako. Pathetic! Hindi na ako bata para bantayan pa.” sarkastikong tumawa siya saka nagpatuloy. “All those...those crap...you just did that because you were made to do it, right?” Hindi ito sumagot. “What about having sex with me? Is that part of the plan too?”
“You know we both did it because we like to!” inis na sigaw nito. Napamaang siya. Sa talas ng memorya niya, alam niyang iyon din ang katwiran nito noong tinanong niya ito tungkol sa babaeng nakasalubong niya sa Romantikos na umiiyak dahil dito.
Now, she was like that woman too. Great, just great. bitter na sabi niya sa sarili. She wanted to make things right pero huli na ang lahat.
“So, making me fall for you was your plan?”
“Megan...”
“Megan, what? Answer me, damn it!” galit na sigaw niya. Hindi na niya napigilang maluha. Napakabigat ng nararamdaman niya ngayon. Mas mabigat pa kaysa sa naramdaman niya noon sa inamin sa kanya ni Seth. She trusted him.
“Oo. Inaamin kong nagpunta ako rito dahil pinababantayan ka sa’kin nina Seth at nang pamilya mo. Nag-aalala sila sa’yo na baka kung ano’ng gawin mo.” anito.
“Oh, yeah. Na baka may pina-plano akong makasira sa kasal nina Seth at Candy. Honestly, I can’t believe that you thought I’d do such a thing!”
“Listen to me, Meg. Oo, natatakot si Seth na baka hindi matuloy ang kasal nila dahil nawawala si Candy. Hindi pa rin siya bumabalik kina Seth. Pero mas nag-aalala sila sa kalagayan mo kaya pinabantayan ka nila sa’kin dito.”
“Yeah. And that includes you, making me fall for you. Para hindi na ako maka-hadlang pa sa pagmamahalan nila ni Candy, right? Aminin mo na, Ken. Pagbali-baliktarin mo man ang usapang ito, doon pa rina ng bagsak dahil iyon ang totoo! Kaya ka pumunta rito ay dahil nakiusap sa’yo sina Seth. And for Pete’s sake! My family even knew where I was, me knowing that they didn’t know any single bit of information about where I am!” Iyon ang sunod na ikinagagalit niya rito. Nagmukha siyang tanga. Nagmukha siyang isang batang bantay-sarado ng isang bantay-salakay na lalaki. Ang buong akala niya ay wala ninuman sa pamilya niya o sa pamilya ng mga Lopez ang nakakaalam kung nasaan sila pero nagkamali siya.
“Inaamin ko, noong una pa man, alam na nila na nandito ka dahil sinabi no’ng isang empleyado mo. Hindi ko sana tatanggapin ang alok ni Charie na firm namin ang magre-renovate ng resort pero napaka-kulit ni Seth kaya tinanggap ko para bantayan ka. But believe me, Meg. I love you. Really.”
“Talk to my hand, Lopez! I hate you! I swear, ayaw na ayaw na kitang makita kahit kailan!” galit na galit at umiiyak na sigaw niya rito saka siya umalis sa lugar na iyon.
Mas masakit ang nararamdaman niya ngayon kaysa noong nalaman niyang mahal ni Seth si Candy. Maybe because she thinks that a one percent chance to happiness will grow into a much bigger percentage, but she thought wrong.
“MAMI-MISS ko kayong lahat.” naiiyak na paalam ni Megan sa mga tao sa isla.
Present ang lahat doon. Maagang nagising ang mga ito. Maging ang mga trabahador ay naroon din para magpaalam sa kanila. Pansamantalang iniwan ng mga ito ang trabaho para makapagpaalam sa kanila. Naroon din ang mga kasambahay nila sa mansion, sina Manang Lilya at Charie, si Tantan at ang pamilya Mendoza.
Niyakap siya ng iba at sinaluduhan naman siya ng mga trabahador maliban kay Charie. Katulad ng dati’y mataray pa rin itong nakatingin sa kanya at hindi na iyon magbabago. Dikit na dikit ito kay Ken. Ibinaling na lang niya kay Tan-tan ang atensyon dahil pagod na pagod na siya sa pag-iyak kagabi.
“Mami-miss kita, Meg.” nakangiting saad ni Tan-tan.
“Mami-miss din kita, ‘no! Ikaw pa.” niyakap niya rin ito. Ayos na ang hitsura nito. Hindi pa nga lang siya makaramdam ng kasiyahan ngayon para kay Tan-tan tuwing nahuhuli niyang nakatingin dito si Charie dahil inis pa rin siya sa babaeng iyon. Pero proud na proud siya kay Tan-tan. “Basta sundin mo lang ang mga tips ko sa’yo.” aniya. Niyakap muli niya ito at pailalim na tiningnan sina Charie at Ken.
“Ken, mag-iingat ka ha. Mami-miss kita. Pero alam ko namang babalik ka rito.” puno ng endearment na sabi ni Charie kay Ken habang patingin-tingin sa kanila ni Tan-tan. “And, it’s nice having you here, Megan.” mataray na sabi nito sa kanya. Nawala ang ngiting nakapaskil sa mukha nito. Nginitian niya ito ng mapakla.
“Meg, pahingi naman ng contact number mo.” ani Mr. Mendoza.
“Sure, Doc.” Kumuha siya ng isang tarheta ng calling card sa bag niya at ibinigay iyon kay Mr. Mendoza.
“Megan Formosa.” basa nito sa pangalang nakalagay doon.
“Formosa? Eh, ‘di ba Castillo ka?” tanong ni Charie.
“Sorry. I lied.” nakangising turan niya.
“Are you connected to Arnold Formosa?” interesadong tanong nito.
“Yes. He’s my father.” nakangising saad niya. Muntikan na siyang mapahalakhak nang makitang nalaglag ang panga ni Charie. Hindi ito makapaniwala. Para mainis pa niya ng lubusan, kumuha siya ng calling card niya sa bag niya at ibinigay iyon dito. Nakalagay doon kung ano ang posisyon niya sa kumpanya nila.
“COO?” hindi makapaniwalang tanong nito.
Kahit paano ay nakaganti na rin siya dito. Masaya na siya roon.
“Tara na.” yaya sa kanya ni Ken. Pormal na pormal ang pakikitungo nito sa kanya. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na kinausap siya nito sa umagang iyon.
Muling nagpaalam sila sa mga tao roon at saka sila umalis.
Akala niya ay hindi na siya iiyak pa dahil nagpunta siya roon para makapag-move on. Iyon pala’y ganoon din ang mangyayari. It’s true that love is a cycle. You fall in love, lose it, move on, fall in love again, then lose it again. And that’s exactly what happened to her.
They’ll now leave the island where their love started and ended.
HAPON na nang makarating sina Megan at Ken sa Maynila. Inihatid siya ni Ken sa bahay nila. Simula pa kaninang umalis sila sa isla ay hindi man lang sila nito nagkikibuan. Hindi naman niya inasam na suyuin siya nito dahil kahit na gawin nito iyon ay mahihirapan siyang tanggapin iyon. Labis na nasaktan siya sa nangyari.
Nang ihatid siya nito sa bahay nila ay wala pa rin silang kibuan. Nadatnan nila roon ang kanyang pamilya na nagkakasiyahan. Napatingin ang lahat sa kanilang dalawa.
“Megan!” tawag ng mga ito. Nandito na si Candy!
Agad na lumapit sa kanya sina Ate Femi, Candy at ang Mama niya. Niyakap siya ng mahigpit ng mga ito na para bang isang taon siyang nawala. She felt happiness while hugging them. Na-missed niya ng sobra ang mga ito. Nang maghiwalay silang apat ay nakita niyang umiiyak ang tatlo.
“Ang drama niyo! I’m glad you’re home, Cands.” aniya.
“Ate, I’m sorry...” sabi ni Candy habang umiiyak. Niyakap ulit niya ito. At gusto na rin niyang umiyak.
“I’m okay now, sis. You worry much.” paninigurado niya rito.
“Mabuti naman, anak.” naluluhang saad ng Mama niya. Ito naman ang niyakap niya.
“Masyado talaga kayong ma-drama. I’m more than okay!” aniya. Bumaling naman siya kay Ate Femi. “Ate, huwag mong sabihing magda-drama ka rin katulad ng dalawang ‘to?”
“Hindi ah! But I’m glad you’re home. Mang-iintriga lang ako.” sabi nito pagkatapos ay kinindatan siya. “Hi, Ken!” nakangiting bati nito sa kasama niya.
“Ken, thank you sa pag-uwi sa dalaga ko!” sabi ng Papa niya rito.
“Wala po iyon, Tito.” anitong sinaluduhan pa ang Papa niya. Nagmano ito sa Papa’t Mama niya. Hinalikan naman nito sa pisngi sina Candy at Ate Femi. Habang ginagawa nito iyon ay yakap naman niya ang Papa niya.
“Alam ko na ang totoong problema mo, anak. And like I’ve expected, kinaya mo iyon. I’m so proud of you.” malambing na sabi nito. Naluha naman siya.
There’s nothing more grateful than what her father had said. There’s no one who valued her dearly as her family always did. Except for Ken, perhaps?
“So, are you two together now?” pang-iintriga ni Ate Femi. Nagkatinginan sila ni Ken. Ilang sandali lang iyon. Pagkatapos ay pinandilatan niya ng mata si Ate Femi. “Bakit? Nothing’s wrong with that.” dugtong pa nito.
“Femi, we’re not.” sabi ni Ken dito.
She felt sad that they weren’t.
Hindi na pinaunlakan ni Ken ang imbitasyon ng pamilya niya na doon na maghapunan. Hinihintay daw kasi ito sa kanila. She doubt that. Alam niyang lumalayo na ito sa kanya dahil tapos na ang misyon nito. Pagkaalis na pagkaalis nito ay nanlumo siya.
Kailan pa ba siya liligaya?
“ATE! Dalian mo na! Naghihintay na sila sa atin sa boutique.” sigaw si Candy. Na-late kasi siya ng gising.
Masyado itong excited. Iyon lang ang masasabi niya. Ganoon naman daw ang mga ikakasal. Nagkausap na silang buong pamilya kahapon. Nalaman na rin ng Papa niya ang buong kwento nilang magkapatid. Nasabi na rin niya sa mga ito ang tampo niya dahil sa alam ng mga ito na nasa isla siya kasama si Ken. Nalaman din niya na nawala si Candy at pumunta lang sa Tagaytay para mag-unwind. Pero inamin din nito sa kanyang kinakabahan daw ito. Inaalala nito kung paano nito pagsisilbihan si Seth gayong hindi raw ito marunong magluto. Sinabi naman niya ritong matututunan din nito iyon at alam naman ni Seth na hindi ito marunong magluto pero pakakasalan pa rin.
And speaking of Seth, kanina pa raw ito naghihintay sa sala. She can’t wait to see him. Actually, talagang excited siyang makita ito. Titingnan lang niya kung may nararamdaman pa rin siya para dito.
Habang pababa siya sa hagdanan ay nakita niyang naghihintay na nga sa kanya ang lahat kasama na roon si Seth. Ang unang pumasok sa isip niya ay brother. Oo. Brother. Habang pababa siya ng hagdan ay nakatingin siya kay Seth.
Ito ang unang lalaking minahal niya. Ang lalaking pakakasalan ng kapatid niya. At sa nalalapit na panahon ay magiging kapatid na niya. Wala siyang nadamang pait, hinanakit o sakit. Okay. Iyon ang tamang salita para i-describe ang nararamdaman niya. Ayos lang sa kanya ang lahat. Ayos na ngayon. Maliban sa nagtatampo siya rito dahil sa iniutos nito kay Ken na tinu-totoo naman ng huli at ikinagalit niya iyon dahil pakiramdam niya ay isa lang siyang laruan.
Napangiti siya. Tama nga ang sabi ng mag-asawang Mendoza. Naka-move on na siya.
“Hi, Meg! It’s nice to see you.” nakangiting bati ni Seth sa kanya. Kitang-kita niya na ilang pa rin ito sa kanya. Walang anu-anong niyakap niya ito.
Ah. This is the man I loved. Pero hindi siya nakaramdam ng spark o kahit anong kilig. Patunay lamang na naka-move on na siya at wala na siyang nararamdaman para rito.
“Hi!” nakangiting bati niya rito matapos niya itong yakapin. “I’m sorry, Meg. Sinabi sa’kin ni Ken--------“ She hushed him.
Nakamasid lang sa kanya ang lahat. “Hay...pinatunayan ko lang po na naka-recover na ako. And, indeed, I had!”
“Akala namin, kung ano na.” ani Ate Femi.
“Masyado kayong hot.” sabi naman niya. “So, tara na? Excited na ako sa gown ko eh.”
Nagpatiuna siyang maglakad. She’s half-happy and half-sad. Masaya siya dahil wala na siyang nararamdaman para kay Seth kaya alam niyang mapapanatag na ang kalooban ng kapatid niya at pati na rin si Seth. Malungkot siya dahil wala pa ring fulfillment ang love story nila ni Ken.
“WOW! Fit na fit!” masayang saad ng designer ng kanyang gown. Maluwang naman siyang napangiti.
Sinipat niya ang sarili sa full-length mirror. Fit na fit nga sa kanya ang gown. It was a pale lavender cocktail balloon gown with square-cut neckline that goes with a big trendy hat and white hand gloves that ensemble the picture. Old English kasi ang wedding theme.
Mabuti na lang at nakasuot siya ng high-heeled shoe.
“Siya ba ang maid of honor?” tanong ng designer.
“Yes. She’s my sister.” sagot ni Candy.
“Aba! Kaya naman pala. Pareho kayong maganda. I think you look like a bride too, baby.” sabi pa ng designer sa kanya.
“Thank you but that’s far more from reality.” mapaklang saad niya.
“Bakit naman? Huwag mong sabihing sa ganda mong iyan, wala ka pang boyfriend?” atribidang tanong nito.
“Yup.”
“Hay naku! Mga bulag na ba ang mga lalaki ngayon?”
Natawa lang siya rito. Magpapalit na sana siya nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Ken. Napatitig siya rito. Na-missed na niya talaga ito. Nasanay kasi siya noong nasa isla pa sila na lagi niya itong kasama. Noon iyon, noong wala pa silang conflict. Iba na ngayon.
Ngayon din kasi ang fitting ng mga ito pero isinasagawa iyon sa kabilang room ng shop. Mamayang gabi naman gaganapin ang Bridal shower ni Candy na pajama party at ang Bachelor’s party ni Seth.
“Cands, Seth wants to talk to you.” sabi nito kay Candy.
Nakasuot ito ng over-all white coat and tie. Mukhang malinis na malinis ito. Naiintindihan niya kung bakit ito ang pumunta roon sa halip na si Seth dahil nagsukat din kasi si Candy. Masama raw na makita ng groom na suot ng bride ang wedding gown before ng kasal dahil baka hindi iyon matuloy. Naniniwala naman sila sa pamahiin.
Nagtama ang mga mata nila ni Ken. Nobody wants to say something. Hindi pa rin nila inaalis ang tingin sa isa’t isa nang magsalita si Candy.
“Excuse me.” ani Candy at lumabas ng kwartong iyon. Aalis na rin sana ito ng pigilan ito ng designer.
“Candy, bakit ka makikipagkita kay Seth?” tanong niya.
“Ate, naman! Tapos na akong magsukat.” ani Candy.
“Suot mo pa kaya iyang belo mo.” aniya.
“Ate, hindi ako naniniwala doon. Ilang araw na lang ikakasal na kami. Wala ng hahadlang doon. At saka, mahal na mahal namin ang isa’t isa.” paliwanag ng kapatid niya habang tinatanggal ang belo nito.
“Ganoon talaga. Kung mahal niyo ang isa’t isa. Walang makaka-hadlang sa inyo. Kahit ano pa iyon.” mapaklang saad ni Ken pagkatapos ay nagpaalam na.
“Ah, Sir, would you come here for just a minute.” anito. Pumayag naman si Ken. “Tumabi ka nga sa kanya.” utos nito na ang tinuturo ay siya. Ginawa naman nito. Nanlamig siya. Kokontra sana siya pero hindi na niya nagawa dahil pinag-abra siete sila ni Ken ng designer. “Now, humarap kayo sa salamin, pagkatapos ay sa amin.” utos nito sa kanila.
Ginawa naman nila. Para kasing wala lang iyon kay Ken kaya ginawa na rin niya. Ayaw niyang ipahalata rito na apektado siya. Kung wala lang para rito na makita at makatabi siya, ganoon din ang gagawin niya.
Naramdaman niyang mainit ang paligid pero nanlalamig siya. Nararamdaman din niyang tumutulo ang malamig na pawis mula sa ulo niya hanggang sa mukha. Mabuti na lang at naka-gloves siya kaya hindi ramdam ni Ken na malamig ang palad niya.
“Why are you shaking?” tanong ni Ken habang nakaharap sila sa salamin.
“No, I’m not!” mariing tanggi niya. Pero tama ito. Nanginginig nga siya. She heard him let out a quiet laugh.
“Now, turn around and face us.” utos ng designer. Nang bumaling sila ay nakita niyang manghang nakatingin sa kanila ang lahat ng naroon. Ang Mama niya, si Ate Femi, si Tita Sonia na Mama ni Seth, si Ate Gaile na kapatid ni Seth at ang iba pang abay na kaibigan ni Candy at mga pinsan nila. “Smile!” anito. Para silang model nito na sunod ng sunod. “A perfect couple!” pagkuwa’y sigaw nito na tila kinikilig.
“Oh, my!” narinig niyang bulalas ng Mama niya. Ngising-aso naman si Ate Femi.
“You two look really good together.” komento ni Ate Gaile.
“Agree!” sang-ayon ng lahat.
“Okay, people! Show’s over. Magpapalit na ako.” aniyang bumitaw na sa pagkaka-kapit kay Ken.
“Uy! I smell something fishy. Lumalayo.” tudyo ni Ate Femi. Pinandilatan niya ito ng mata. Matagal na siya nitong kinukulit na magkwento tungkol kay Ken at sa nangyaring bakasyon niya pero hindi niya ito kinukwentuhan. Masakit kasi para sa kanya.
At heto, humanap pa ito ng tiyempo para may kasama sa pangungulit sa kanya.
“Oo nga. Parang may cold aura sa pagitan niyo pero may something iyon. Parang may cause iyong cold aura na iyon. May LQ ba kayo?” nang-iintrigang tanong ng pinsan niyang si Tricia. Mamaya ay sasapakin niya ito. Nahihiya siya dahil naroon si Tita Sonia.
“Wala!” inis na sigaw niya. “’To talagang si Ate Femi, kung anu-ano’ng naiisip.”
“Nagtatanong lang naman kami.” palusot nito.
“Pero, hindi nga. May nararamdaman akong something between you two.” singit naman ng intregerang designer. Kung hindi lang niya alam na bading ito, babagay ito kay Ate Femi sa pgiging intregera. Para siyang niluluto sa hot seat ngayon. At ang masama pa, hindi man lang nagsasalita si Ken.
“There’s nothing between us. Kayo lang ang nakakakita na meron. Pero wala talaga. I don’t want to be a toy to someone!” pasaring niya saka inis na umalis sa luga na iyon. Natahimik ang lahat sa mga sinabi niya.