Nagbara sa lalamunan ni Vix ang baked chicken dahil sa anunsiyo ni Trick. Gusto nitong umalis na siya ng Stallion Island. Biglang naglaho ang lahat ng pag-asa niya at lahat ng magagandang bagay na ihinanda niya para kay Trick.
“B-Bakit? Gusto na ba ng mga village lords na umalis ako? Do I get an eviction order? Dahil ba idinala ko dito si Gabriella? Wala naman siyang ginawang masama, hindi ba?”
Masyado naman yatang unfair iyon kung aalis siya samantalang si Gabriella ay hindi naman pinaalis ng mga ito. magkasama sila sa labang iyon. Kung si Gabriella ang pinakamalaking banta sa Stallion Island, ito muna ang dapat ma-evict at hindi siya. Isa pa, kung may ginawang mali si Gabriella, wala na iyon sa mga kamay niya dahil may sarili na itong escort na magbabantay dito. Nasa escort na nito ang responsibilidad sa bawat gagawin nito.
“No. Desisyon ko ito. Kailangan mo nang umuwi.”
Her heart bled. Maiintindihan niya kung walang choice si Trick kung ang mga pinuno doon ang nag-utos na paalisin siya. But it was Trick’s decision, not anybody else’s. Ito ang dahilan kung bakit siya nagpunta doon. She literally crossed the stormy sea just to see him. Pagkatapos ay paalisin agad siya nito?
“Kadarating ko lang, Trick. This is not fair. Hindi mo alam kung gaano kahirap makarating dito para lang makita ka.”
There was amusement in his gaze when he looked at her. “You just really came here to see me?”
Tumango siya. “I want to patch things up between us. Trick, simple lang naman ang problema natin. Naisip ko na baka ayaw mong pag-usapan sa phone kaya nagdesisyon akong pumunta dito. Gusto kong makausap ka. Gusto kong matuloy pa rin ang kasal natin.”
Naging matigas ang anyo nito. “If that’s the case, then why did you have string along a pack and trouble and lies with you.”
Napalunok siya. Ito ang isa sa mga pinaghahandaan niya kahapon pa lang. Ang galit ni Trick oras na magharap sila. She kept her fingers crossed. Sana lang ay madali niyang malagpasan ang argumentong nag-aabang sa kanya.
“Okay. Hindi ako nanggugulo at hindi ako sinungaling.”
“Really?” Sumandal ito sa rattan chair at pinagsalikop ang mga palad sa ibabaw ng tiyan nito. “Saan mo gustong magsimula? How about when you brought Gabriella Carinio here?”
Trouble number one.
Kaswal niyang itinuloy ang pagkain ng agahan. Hindi siya dapat magpahalatang guilty. She could sense Trick’s killer instinct lurking somewhere. Hindi niya ito bibigyan ng matindi pang dahilan para paalisin siya sa isla. She’s staying! Hindi siya aalis doon hangga’t hindi niya nababawi si Trick.
“Gabriella is a friend. Nagkakasama na kami dati sa Congress. She may be an activist but not criminal. At naniniwala rin ako na kapag dinala ko siya sa Stallion Island bilang guest, mare-realize niya na walang threat sa mga babae dito. Sometimes a girl just needs to relax a bit to see things more clearly. Ang totoo niyan ginawan ko pa nga kayo ng pabor.”
Pinagmasdan lang siya nito at mukhang hindi pa rin niya ito nakumbinsi. “O baka naman gusto mo siyang suportahan sa pagpapatigil sa Stallion Shampoo Makeover Challenge?”
Tumaas ang kilay niya. “Iyan ba ang sinabi niya sa iyo?”
“No. Pero iyon mismo ang intensiyon niya. She was granted access to Stallion Island and even the program.”
She mutilated her food. “Hindi naman talaga ganoon kaganda ang palabas nila. Pangit ang format,” bulong niya.
“May sinasabi ka ba?”
Hindi na niya naitago pa ang iritasyon. Bakit siya ngayon ang lumalabas na masama samantalang siya nga ang biktima dito. “Ini-interrogate mo ba ako dahil gusto mong depensahan ang Stallion Shampoo Makeover Challenge na iyan? Ni hindi mo man lang ba ako tatanungin kung ano ang naramdamann ko nang makita ka sa TV na sweet na sweet ibang babae?”
Trick was caught off-guard. Mukhang hindi nito napaghandaan ang pag-atake niya. Pwes, isa siyang sugatang hayop nang mga oras na iyon. At hindi siya papayag na masaktan na naman basta-basta. Lalaban siya.
“Huwag mong sabihing nagseselos ka?” Tumayo ito at napailing. “Vix, Carmilette is just a contestant. Wala kaming relasyon. Hindi ako sweet sa kanya.”
“God, Trick! That girl was practically devouring you. And you encouraged it!”
She tried to be indifferent. Kunyari ay hindi siya apektado kapag pinag-uusapan ng mga tao sa paligid kung gaano kagusto si Trick ng ka-partner nito. Kung paanong minsan ay dumadaan pa si Trick kapag may training ito para bumati. Samantalang siya ay ni hindi man lang nito kinakausap.
“Bata lang si Carmilette. Hindi mo kailangang pagselosan.”
Mapait siyang ngumiti at tuluyan nang nawalan ng ganang kumain. “Hindi kailangang pagselosan? Nagawa mo nga siyang halikan sa harap ng maraming tao.”
“Halikan? I just kissed the back of her hand. Nothing romantic.”
Lumikha ng ingay ang upuan nang bigla siyang tumayo. “And what’s romantic? ‘Yung ikinahihiya mong maging sweet sa akin sa harap ng maraming tao? Pagkapangit-pangit ko ba para ipagmalaki mong girlfriend mo?”
“That’s not true.”
Tinangka nitong hawakan siya subalit humakbang siya palayo dito. “Trick, don’t. Baka may makakita kapag hinawakan mo ako. Nakakahiya,” sarkastiko niyang sabi.
He looked totally pissed when he turned his back on her. “Anong masamang isipin ko ang reputasyon at pangalan mo, Vix?”
“Sana inisip mo ang reputasyon at pangalan ko bago mo tinanggap ang pagiging Prince Charming mo. Parang sinabi mo na rin sa mundo na wala kang girlfriend. Ang pagkakatanda ko postponed lang ang kasal natin. It was not totally cancelled. I thought we are still together and we just need to patch a few things.” Nagkibit-balikat siya. “Correct me if I am wrong. Baka nagkakamali ako.”
“Postponed lang ang kasal natin. Tama ka.”
She lifted her chin up. “Parang sinampal mo ako, Trick. Pinagtatawanan ako ng maraming mga tao kapag nakatalikod ako. Okay lang sana kung ako. Pero pati ang pamilya ko naapektuhan.”
Ipinamulsa nito ang mga kamay sa pantalon nito. His shoulders were hunched. He was guilty. “I am sorry about that. Hindi ko naman gustong makasali sa Prince Charming-Prince Charming na ‘yan. Nakatuwaan lang akonbg kaladkarin ng ibang mga members. Hindi ko alam na mabubunot ako. Believe me. I kept on pleading the case up to the last minute. But we have a code here. Kung tumango kami sa isang bagay, dapat pangatawanan namin.”
At least he didn’t join it voluntarily. Akala niya ay tuluyan na nitong kinalimutan ang relasyon nila o kaya ay gusto nitong gantihan siya. Pero hindi ibig sabihin ay basta-basta na lang niya itong patatawarin.
“You didn’t bother to call or to explain. Kaya akala ko wala ka na talagang pakialam sa nararamdaman ko. Na tuluyan mo nang pinuputol ang lahat sa atin.”
Nagsalubong ang mga kilay nito. “Hindi ba sinabi ng Mama mo na tumawag ako sa iyo pagkatapos mismo ng program?”
Umiling siya. “No. Walang sinasabi si Mama. Ibig sabihin tumawag ka sa bahay at siya ang nakausap mo?”
“Yes. At sinabi niya sa akin na ayaw mo akong kausapin. At sabi mo daw huwag na akong tatawag sa iyo kahit kailan. We are over.”
HINDI makapaniwala si Vix sa narinig mula kay Trick. Bigla siyang nawalan ng lakas at napaupo sa rattan chair. “S-Sinabi iyon ni Mama sa iyo? Na huwag ka nang tatawag sa akin at tapos na tayong dalawa?”
She worked so hard to win him back. Na sana ay kausapin man lang siya nito kahit sandali at marinig ang boses nito. Ilang araw niyang hinintay ang paliwanag ni Trick. It killed her every second that passed. Inakala niyang hindi na siya parte ng buhay ni Trick. Her mother knew how much she suffered. Pagkatapos sa huli ay lalo lang nitong ilalayo si Trick sa kanya.
“Naka-off ang cellphone mo kaya naisip ko na ayaw mo talaga akong kausapin. Your mother just confirmed it.”
“No! wala akong sinasabing ganoon kay Mama. Pinapatay lang niya ang cellphone ko dahil ayaw niyang guluhin pa ako ng mga reporters.”
How could her mother do this to her? Pati ba ang pagpapapatay ng cellphone ay in-orchestrate din nito? Alam nitong tatawagan siya ni Trick sa bahay kung naka-off ang cellphone niya. Ano pang mga lason ang sinabi nito sa nobyo niya? Akala pa mandin niya ay concern ito sa kanya.
Or maybe her mother was really concerned about her. Ayaw nitong lalo pa siyang masaktan kung aasa siya kay Trick.
Sa huli, si Trick pa rin ang may pagkukulang sa kanila. “Kung talagang gusto mo akong makausap, maraming paraan at marami namang araw. Iba ang paliwanag mo kay Mama at iba ako. Kung may tatapos ng relasyon natin, tayong dalawa iyon at hindi ko ipapasabi kay Mama o kung kani-kanino.”
“Of course. I know we have to deal it ourselves. Pero ayokong abalahin ka habang ine-entertain mo si Senator Benitez. Nakakahiya naman kung maaabala ko kayo, hindi ba?”
There was jealousy in his tone and disgust. Hindi na niya kailangan pang manghula kung sino ang nagbigay ng ideya dito. It was her mother, of course.
“Si Mama ang nag-e-entertain sa kanya at hindi ako.”
“He asked you out on dates. At hindi mo na ako tinawagan mula nang magkausap kami ng Mama mo.”
Her lips thinned. “Trick, may pride naman ako. Kailangan bang lagi na lang ako ang humabol sa iyo? O gusto mo awayin kita sa phone dahil doon?”
“I thought you don’t care about me anymore.”
“At inisip mo na mas maganda kung ibabaling ko na lang ang atensiyon ko kay Senator Benitez?” Gusto niyang magalit dito subalit sa halip ay humalakhak siya. “Trick, I know I may be weird sometimes and stubborn, too. Pero hindi pa naman ako tuluyang nababaliw para i-date siya. Hindi noon at lalong hindi ngayon. Isang lalaki lang ang mahal ko at pakakasalan ko. Ikaw iyon.”
Mama lang naman niya ang may gusto na piliin niya si Arnulfo. Kahit na gaano pa niya kagustong i-please ang Mama niya ay hinding-hindi niya ipagpapalit si Trick sa ibang lalaki.
Matagal na sandali siyang tinitigan nito habang may malungkot na ngiti sa mga labi nito. “I don’t know, Vix. Parang hindi na kita kilala.”
How could things change so fast between them? Ilang linggo lang ang nakakaraan ay kinaiinggitan sila ng lahat. They had a perfect relationship. Now she felt like everything was falling apart.
Marahan siyang lumapit kay Trick. “Isang bagay lang ang hindi natin napagkasunduan. Ang pagtakbo ko bilang mayor. Bakit kailangang magbago ang lahat sa pagitan natin? Wala namang nagbago sa akin.”
“And because of that, you think you can have things your way. Bakit kailangan mong sabihin sa akin na mamamatay ka na?”
Kumunot ang noo niya. “You took that one literally?”
“Yes!” he answered harshly. Hinaklit nito ang balikat niya at bahagyang niyugyog. “Hindi mo ba alam kung gaano katindi ang takot ko. Akala ko mamamatay ka na talaga.”
Humalakhak siya at hindi pinansin ang pagsisintir nito. “Trick, that was an expression. Hindi maganda ang pakiramdam ko. I didn’t mean to deceive you.” Yumakap siya sa leeg nito at tumingkayad. “I just want to be with you. At kung pagtataguan mo pa rin ako habang nandito tayo, ikamamatay ko iyon.”
Niyakap siya nito nang mahigpit na parang sa kanya nakasalalay ang buhay nito. “That one nearly killed me. Huwag ka na ulit bibiyahe sa dagat lalo na’t umuulan. Don’t do stupid things anymore.”
Lumabi siya. “Hudas ka kasi!”
Naglaro ang nanunuksong ngiti sa mga labi nito nang pagmadan siya. “Is that an endearment?”
“No! Hudas ka talaga!”
Humalakhak ito nang malakas. His laughter reverbrated through her heart. Matagal na niyang hindi naririnig ang halakhak nito. Nagulat na lang siya nang hapitin nito ang baywang niya at angkinin ang labi niya.
It was not the polite, chaste kiss that he used to give her. This one was hot and molten. Parang sinisilaban ang buong pagkatao niya. A kiss enough to make her curl her toes and turn her bones into liquid. Kundi siya nito hawak sa baywang ay baka tumumba na siya.
This was what she wanted. A Trick who wasn’t so inhabited. Ang lalaking handa siyang halikan sa harap ng buong mundo at ipapakita kung gaano siya nito kamahal. For the first time, she felt that he really wanted her. That she was desirable.
She knew that Trick loved her. Ilang beses na nitong ipinaramdam sa kanya. Pero iba ang koneksiyon na naramdaman niya dahil sa halik na iyon. As if it was burning their souls. It was more basic. As if he needed her like air.
“That is what you call a kiss.”
Umungol ito at tumingala. Bahagya itong lumayo sa kanya at parang ayaw na nitong maulit pa ang halik na iyon. “I will try to be more in control next time. You made me lose my head today.”
Hinaplos niya ang labi nito. That was the goal. To make him lose control. She loved this new Trick. Kahit halikan pa siya nito maya’t maya, she won’t mind at all.
“Does this mean that we are good?” she asked with a teasing smile.
“Good?”
“Okay na ulit tayo. Matutuloy na ang kasal natin.”
Pinag-aralan siya nitong mabuti na parang inaanalisa ang mga lumipas na sandali. “Pumunta ka ba ng Stallion Island para sabihin sa akin na uurong ka na sa pagtakbong mayor ng San Martin?”
Umurong siya. “No! Of course not.”
His face became grim. “What’s this? You want to have your cake and eat it too?”
Mariin siyang pumikit. So that kiss didn’t solve a thing at all. “Trick, do you love me still?”
“I do,” walang kakurap-kurap nitong sagot. “Pero hindi ibig sabihin kailangan ko nang talikuran ang lahat ng pinaniniwalaan ko at plano ko. I could ask the same to you. Mahal mo ako pero bakit hindi ka makatupad sa pangako mo?”
Ginagap niya ang kamay nito. “Trick, kung natatakot ka na mangyari din sa atin ang nangyari sa pamilya mo, baka pwede tayong pumunta sa isang counsellor para mawala ang trauma mo…”
“Trauma?” Binawi nito ang kamay mula sa kanya. “Walang problema sa akin kung gusto man kitang protektahan. Walang masama kung matakot man ako para sa atin. You are the one who needs a counsellor. You can’t keep your promise. Kung hindi mo kayang tuparin ang pangako mo at ine-expect mo na magiging sunud-sunuran ako dahil mahal kita, you’d better leave this island. Hindi mo ako mapapasunod sa gusto mo sa paggawa ng gulo dito.”
Mariin niyang kinuyom ang palad. “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mismong mga village lords ang nag-uutos.” She stood her ground. “Hindi kita iiwan sa ibang babae. At lalong hindi ako aalis dito hangga’t di natutuloy ang kasal natin.”
“Without you sacrificing anything?”
“I sacrificed enough, Trick!” Hindi pa ba sapat na muntik na niyang ikamatay ang pagpunta niya ng Stallion Island para dito?
“That’s not sacrifice. That’s trouble. At matutuloy lang ang kasal natin kung iuurong mo ang pagiging mayor mo.”
Umupo ito at itinuloy ang pagkain ng agahan. Pinili niyang bumalik sa guestroom sa sobrang inis dito. Hindi siya aalis ng Stallion Island. Titiyakin niyang matutuloy pa rin ang kasal nila at siya pa rin ang magiging mayor ng San Martin.