Chapter Trick Vergara: Chapter 12

“Patrick, bring my daughter home. Kundi mo lang din naman pala siya pakakasalan, ano pang silbi na nandiyan siya? Gusto mo bang sundan-sundan ka lang niya habang pinagmumukha mo siyang tanga sa buong mundo? I won’t tolerate that!”

Halos mabasag ang eardrum niya sa pagsigaw-sigaw sa kanya ng Mama ni Vix. Pinutol niya ang meeting niya para sagutin ang tawag nito sa cellphone. Dahil di sinasagot ni Vix ang tawag nito kaya siya ang napagbalingan nito. And he was not in the mood to argue with Vix’s mother. Hindi pa nga siya tapos sa problema kay Vix, pati mama nito ay kalaban na niya ngayon.

“Tita, ayaw po niyang umuwi. Naka-ready na po ang flight niya kanina…”

“Hindi ko alam kung anong gayuma ang ipinakain mo sa anak ko. I want the best for my daughter. May chance na siyang maging first lady ng Pilipinas. You may be a member of the prestigious Stallion Island but all you can do is toil the fields. You are not as great as your father.”

Nagtagis ang bagang niya. Magkaiba silang mag-ama. Magkaibang-magkaiba. Hindi sila pareho ng ambisyon ng Papa niya. And he won’t put his loved ones in danger like what he did. “People who toil the fields are great men. Katulad din ng mga mangingisda at iba pang taong simple lang ang trabaho. Minsan mas marangal pa po sila kaysa sa mga taong humahawak ng posisyon.”

“I don’t care! Just let my daughter go. Puro kahihiyan lang ang aabutin niya sa iyo. Hindi ka ba masaya na naging laughing stock ang pamilya namin dahil sa paglabas mo sa cheap reality show na iyan?”

Kaya ba niyang pakawalan si Vix? No, he couldn’t. Ilang taon din ang binuno niya para magkaroon ng lakas ng loob na magtapat ng pag-ibig niya dito. Ilang girlfriend na ang dumaan sa buhay niya pero kay Vix lang siya nag-propose ng kasal. Kailangan lang nilang ayusin ang maliit na problema nila.

“Tita…”

“Ma, that’s enough!” narinig niyang saway ng kapatid ni Vix na si Guilbert sa Mama nito. Tumili si Miriam Elizaga. She was hysterical. Narinig niya ang utos ni Guilbert na iakyat na ng kawaksi ang Mama nito sa silid. “I am sorry about my mother, Trick. Masyado lang siyang natetensiyon dahil sa paparating na eleksiyon. It’s taking a toil on her. She has been like that since my father died.”

“I understand.” And he knew that Miriam Elizaga was giving Vix a hard time. Ito ang dahilan kung bakit di makaurong si Vix sa eleksiyon.

“Kumusta na si Vix? Nalaman ko kay Noah na may ginawa siyang gulo diyan.”

“It’s okay now. Everything’s under control.”

Kanina ay iniwan niya si Vix sa cottage niya para um-attend ng meeting. Nagkukulong pa rin ito sa kuwarto. He didn’t know what to make of her. At natatakot siya sa pwedeng takbuhin ng utak nito.

“Come on. I know that she’s giving you a hard time.”

Sumasakit na nga ang batok niya dahil sa tindi ng presyon. “Yes. Kung makukumbinsi ko nga lang siya na umuwi muna…”

“No! Huwag mo muna siyang pauuwiin dito. Diyan muna siya.”

“What?” Mahigpit niyang hinawakan ang barandilya at tinanaw ang dagat. Parang mas gusto na lang niyang talunin iyon kaysa maiwan sa kanya si Vix. “Guilbert, gusto mo bang madagdagan ang record ng kapatid mo dito?”

“You have the power to control her now. Ikaw lang ang makakagawa noon. Malay mo makumbinsi mo siyang huwag nang tumakbong mayor.”

Sumandal siya sa barandilya. “Nakapagdesisyon na siya.”

“Ayoko ring tumakbo siya. She’s not cut to be a politician. Ikaw na lang ang inaasahan kong makapigil sa kanya.”

Parang pasan niya ang daigdig nang balikan ang ibang members na nagmi-meeting para sa sponsorship ng mga earth schools sa pamumuno ni Illac.

Tinapik siya sa balikat ni Leigh Armaund. “Kumusta naman si Mr. Under the Table?” At naghalakhakan ang iba pa.

“It’s not funny.” Running joke na sa buong isla ang pagtatago niya sa ilalim ng mesa. Kung may nobya ang mga ito katulad ni Vix, matatakot din ang mga ito.

“Where is Vix?” tanong ni Gianfranco.

“Iniwan ko sa cottage. I asked Andrya to talk to her. Baka sakaling malinawan ang isip niya.” Baka makaisip na naman ng kalokohan si Vix. Hindi na talaga niya alam kung anong gagawin dito.

Umiling si Raddison at nagsalin ng wine. “Sana nga matulungan siya ni Andrya. Pero kadalasan sa mga get together nakakabuo ng kung anu-anong ideas ‘yang mga babae para paputiin ang mga buhok natin.” Saka nito sinibat ng matalim na tingin si Ryuhei. “Pwede bang itali na lang natin sa tuktok ng Mount Fuji ang kapatid mo?”

“Iluluwa lang siya ng bulkan,” sabi ni Ryuhei. “Kami nga ni Kuya Ryuji sumuko na sa kanya.”

“Kung hindi mo kayang i-handle ang isang babae, why marry her?” nakakunot ang noong tanong ni Raschid. Ito ang tumatayong kapalit ni Prince Rostam habang nasa ibang bansa ang prinsipe. “Hindi ko talaga alam kung bakit pakakasalan ninyo ang isang babaeng magpapasakit lang din naman ng ulo ninyo.”

“For love,” halos sabay nilang sagot ni Jayden na ikakasal na sa nobya nitong si Imhan sa isang buwan.

“Then don’t let those women control you. Ikaw dapat ang kumokontrol sa relasyon. Hindi dahil mahal mo ang isang babae, magpapakontrol ka na.” Inilahad ni Raschid ang kamay. “Tingnan ninyo ako. Sa palagay ba ninyo naging problema ko ang mga babae? Never. Problema lang ang mga babae kapag hinayaan mo silang diktahan ka sa dapat mong gawin. Take control, Trick.”

“Bakit si Yvankka nasisigawan ka, Your Highness?” nakangising tanong ni Dare. “Babae din iyon.”

Marahang umupo si Raschid habang di naman niya mapigilang ngumiti. Parang noong isang araw lang kasi ay nakita niyang kinakaladkad ito ng veterinarian at manager ng Nirvana Island Wildlife Sanctuary na kakambal na isla ng Stallion Island kung saan isa si Raschid sa mga staff doon.

“She’s not a woman. She is a tigress. And she’s the boss. At kaya lang siya galit sa akin dahil hindi niya ako matikman.”

Sa pagkakataong iyon ay pilyong halakhak ang kumawala sa kanila. Ang iba ay hanga sa kompiyansa ni Raschid habang ang iba ay di naman naniniwala dito.

“Makinig ka kay Mahal na Prinsipe,” sabi ni Gianfranco. “He has a point. Men should be in control or women will turn our lives upside down. At kundi mo kayang kontrolin si Vix habang di pa kayo kasal, lalo na siguro kapag kasal na kayo. You’ll be the one wearing skirts instead, Mrs. Elizaga.”

Malaking palaisipan sa kanya ang sinabi ng mga ito. Tuwid lang lagi ang tingin niya sa isang relasyon. Ang importante ay nagmamahalan ang dalawang tao. He didn’t care about control games.

Pero baka nandoon ang problema. He treated Vix like a princess. Bago pa nito hingin sa kanya ay ibinibigay agad niya. Kaya siguro inaakala nito na madali lang para dito na paikutin siya. Kasalanan din niya. He gave her that impression.

Nagkaingay ang mga ito nang dumating si Rouen. Ibig sabihin ay coffee break na nila. Si Rouen pa mismo ang nag-serve sa kanya ng merienda niya. “Your favorite. Pero sa palagay ko mas magugustuhan mo ‘yan dahil si Vix ang nagluto.”

“Patikim naman ako niyan!” ungot ni Leigh Armaund.

“Kaya ka tumataba dahil may pagkain ka na, nakikikain ka na sa iba,” saway ni Torque dito. “Niluto lang ‘yan para kay Vix.”

Hindi na niya mapigilang ngumiti nang matikman ang luto nito. One of the reasons that he fell inlove with Vix was because she’s a good cook. It makes him think of home. Na pag-uwi niya sa bahay matapos ang maghapong trabaho ay may isang asawa at masarap na pagkaing naghihintay sa kanya.

“That girl is one step ahead of you now,” Gianfranco remarked. “She’s expecting you to bow down to her. That’s step one to seduction.”

“The way to a man’s heart is through his stomach,” nausal niya.

Umupo sa tabi niya si Raschid. “Time to control the game, Trick. Take it from the expert.”

“SUCCESS! Niyaya ako ni Trick sa bienvenida party ni Akeesha Javellana. He even sent me a red sexy dress,” excited na balita ni Vix kay Freezia habang paikot-ikot sa harap ng salamin. Alas sais y media pa lang ay handa na siya sa naturang concert. “Ibig sabihin nag-work ‘yung niluto ko.”

That was so romantic. Nagulat na lang siya nang isang box ang dumating sa kanya habang nagmimiryenda siya kasama ang ibang nobya ng mga members doon.

Sa halip kasi na maghapong magmukmok ay nakipagkita siya kay Andrya. Simple lang ng advise na ibinigay nito sa kanya. Ipaalala daw niya kay trick kung ano ang bagay na minahal nito sa kanya. Pumasok agad sa isip niya na sorpresahin ito ng luto niya.

Kaya naman kinulit niya si Rouen na ituro sa kanya ang paboritong pagkain ni Trick kapag nasa Banyan Tree Restaurant. Hindi naman iyon ipinagkait ng butihing chef. Ito pa nga ang nag-alok na ihahatid mismo ang pagkain kay Trick.

“Ibig bang sabihin hindi ko na kailangang pumunta diyan para damayan ka?” tanong ni Freezia na naghahanda nang pumunta sa Stallion Island.

“Hindi na. Sa palagay ko naman kaiya ko nang i-handle dito. Ayoko nang abalahin ang trabaho mo, cuz. Tutal marami namang ibang pwedeng abalahin dito.”

“Sana nga maging successful ang date ninyo, Ate. Gusto ko naman talagang maging masaya ka. Pero sana huwag mong isiping dahil sa luto mo magbabago na ang isip ni Kuya Trick. You can’t escape the real issue here.”

Bumuntong-hininga siya. “I know.” Iyon din ang sinabi ni Andrya sa kanya. Saka na niya iisipin iyon. Ang importante ay ang gabing iyon para sa kanila ni Trick.

Eksaktong alas siyete ng gabi nang katukin siya ni Trick sa kuwarto niya. “Vix, are you ready?”

Dali-dali niyang binuksan ang pinto. “I am ready.”

He studied her and smiled with approval. Hinawakan nito ang kamay niya at kinintalan ang likod ng palad niya. His eyes never left hers. “You are perfect. Parang ayoko yatang ipakita ka sa ibang tao sa party.”

She suddenly felt hot all over. Parang hindi si Trick ang kaharap niya. Mula pa lang sa pagpapadala nito ng dress sa kanya hanggang sa mga titig nito, parang hindi ito ang Trick na nakasanayan niya. That smouldering gaze could easily melt her bones. “A-Anong nangyari sa iyo?” tanong niya. “Parang nag-iba ka.”

Tumuwid ito ng tayo. “I am still me.”

“Basta!”

Hinila nito ang kamay niya at hinapit ang baywang niya. “Perhaps you just miss me. Let’s go! Gusto kong marinig ang performance ni Akeesha.”

Si Akeesha Javellana ang nakababatang kapatid ni TJ Javellana. She had an angelic voice. Sikat ito sa mga Broadway plays sa ibang bansa. Kaya naman iwe-welcome ito sa Stallion Island para sa pagbabalik nito sa bansa.

Subalit hindi siya makapag-concentrate kay Akeesha o sa mga tao sa paligid nila dahil si Trick lang ang lagi niyang pinakikiramdaman. Ibang klase ang attentiveness na ipinakikita nito sa kanya. Hindi nito binitiwan ang kamay niya at lagi rin itong nakatitig sa kanya. Nalulunod na siya sa atensiyon nito. Samantalang parang kanina lang ay gusto nitong paalisin siya sa Stallion Island.

Bigla siya nitong kinintalan ng halik sa labi. “You are so beautiful tonight. Alam mo bang lalo akong nai-in love sa iyo kapag ngumingiti ka?”

Hinaplos niya ang gilid ng labi nito. He actually kissed her in public. Ni hindi man lang nito inisip na may masabi ang mga tao sa paligid nila. “Talaga? Parang kanina lang gusto mo akong pauuwiin sa amin.”

“I changed my mind. Hindi natin pwedeng ma-fix ang problema natin kung magkalayo tayong dalawa. I want you here beside me.”

Yes! Malaki na ang posibilidad na matuloy ang kasal nila. Sabi na nga ba niya’t effective ang strategy niya. Kailangan lang niyang i-sustain iyon. Hindi na magtatagal ay papayag din si Trick na makasal sila pero siya ang masusunod.

Habang kausap ni Trick ang ilan sa mga members ay nagpapaalam siya kay Trick na pupunta ng restroom. Hindi pwedeng humulas ang kagandahan niya. Ilan sa mga guest doon ay nagpapakita ng interes kay Trick. The television did that to him. Hindi na ito tahimik na member na lang ng Stallion Island.

Naka-focus siya sa pagkuha ng atensiyon ni Andrya na kausap si Akeesha nang maramdaman niya ang malamig na likido sa damit at balat niya.

“Ano ba? Hahara-hara ka kasi sa dadaanan ko!” asik ng babae.

Napamaang siya nang masalubong ang mata ng babae. Si Trining ito na isa sa contestant ng Stallion Shampoo Makeover Challenge. “Excuse me?”

“Dapat sinabi mo iyan kanina pa para hindi ka natapunan,” mataray nitong sabi. Hindi niya alam kung anong problema nito.

“Miss, I am sorry,” sabi ni Josefa na isa sa contestant. “Tutulungan ko na lang kayong linisin ang natapunan ni Trining. Pasensiya na. Medyo nakainom kasi siya.” Sinadya nitong hinaan ang huling sinabi nito. “Sabi ko kasi wag siyang masyadong iinom. Mapapagalitan na naman siya ng mentor bukas tiyak.”

Hindi niya napansin na naroon rin pala ang mga contestant ng Stallion Shampoo Makeover Challenge. Gusto niya si Josefa. She was branded as “Taong-Grasa”. Isa kasi itong mekaniko at may pagkasiga pa. But she had manners.

“Salamat sa pag-aalala sa akin,” sabi niya. “Kaya ko na ang sarili ko.”

“Huwag po sana kayong magalit kay Trining. Pagsasabihan ko na lang po siya kapag nahimasmasan na siya. Kailangan po niyang mag-sorry.”

Umiling siya. “Salamat. Sana huwag na lang niyang gawin sa iba. Sana manalo ka sa contest.”

Siguro naman ay wala siyang dapat ipagselos o ipag-alala sa mga contestant ng makeover challenge na iyon. Disente naman ang iba sa mga ito. TV show lang naman iyon. Oras na malaman ni Carmilette na may nobya na si Trick, hindi na siguro nito didikitan ang boyfriend niya. Alam na nito kung saan ito lulugar.

Nang matuyo ang dress niya ay hinanap agad niya si Trick. Nagulat siya nang makita ito na nasa dance floor at kasayaw si Carmilette. And it wasn’t just a simple, formal dance. Nakayakap si Carmilette dito at nakasandig pa ang pisngi sa dibdib ni Trick.

Napamaang siya. “What the heck is this?”

Nanginginig siya sa galit. She felt like she had been conned. Sinadya ba talaga ni Trining na kasamahan ni Carmilette sa contest na tapunan siya ng alak para masolo nito si Trick. Nag-iilusyon ba itong maaagaw si Trick sa kanya? Oras na siguro para makilala nito kung sino talaga siya.

Akmang kokomprontahin niya sina Carmilette at Trick nang may humawak sa balikat niya. “Huwag kang gagawa ng gulo, Vix. Ikaw lang ang mapapahamak.”

It was Andrya- the voice of reason. “Andrya, tumalikod lang ako pero ito na ang makikita ko. Mukha bang social dance iyan? Ako ang fiancee ni Trick.”

“Ngayon pa lang ninyo inaayos ang relasyon ninyo. Kung mag-eeskandalo ka, lalo mo siyang hindi mababawi. You are an intelligent woman, Vix. Don’t let your emotions cloud your judgment.”

Hinarap niya ito. “I don’t think I can live like this.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.