“Perfect!” usal ni Vix matapos sindihan ang aroma oil burner. Nakangiti niyang inikot ang tingin sa kuwarto ni Trick. May dalawang dosenang scented candles na nakakalat sa silid at may mga rose petals din sa sahig at sa kama nito. Humahalimuyak din ang lavender scent sa hangin.
Ito na ang gabing pinakahihintay niya. Ang gabing titiyakin niyang mapapasakanya si Trick. Ilang araw din itong busy sa dami ng trabaho. All they could share was occassional meals. At kahit na isinasama siya nito sa mga meeting nito minsan, she knew that was not quality time. Ngayong gabi ay hindi lang basta quality time ang ibibigay niya dito. Titiyakin din niyang maangkin niya ito. At oras na mangyari iyon ay wala itong magagawa kundi pakasalan siya.
Pinag-isipan at pinaghandaan talaga niya ang lahat. She was wearing a sinfully sexy red negligee that showed off her long legs and curvy body. Hinayaan niyang nakalugay ang mahaba niyang buhok. She pouted her lips and blew a kiss. Tingnan lang niya kundi isuko ni Trick ang Bataan sa kanya.
Hinablot niya ang satin robe niya at isinuot nang marinig niya ang paparating na yabag ng karwahe. Tumigil ang yabag sa harap ng cottage ni Trick. The carriage served as the island’s limousine. At iyon ang official carrier ng mga contestants at Prince Charming ng makeover challenge kada Sabado kung kailan ginaganap ang judgement night para sa Princess Trial kung saan ina-assess ang accomplishments at kapalpakan ng bawat contestant. Kasama sa mga judges ang Prince Charming. Kinontrol na lang niya ang pagka-imbyerna sa karibal niya at sa mga kasabwat nito para maagaw si Trick. Hindi iyon makakabuti sa kanya.
Sinalubong niya sa pinto si Trick. “Hi!”
Sa halip na ngumiti ay bigla siya nitong niyakap. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?” may paninisi nitong tanong. “Kundi pa ipinapanood sa amin kaninang princess trial, di ko malalaman na tinapunan ka pala ng wine ni Trining.”
Nagulat siya sa reaksiyon nito. Sobrang higpit ng yakap nito. Parang natatakot ito na may manakit sa kanya. Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya. Trick really loved her. The kind of love that he would willingly give his life for her. Na parang siya ang pinakamahalagang bagay sa buhay nito. At hindi ito papaya na may manakit sa kanya. Nobody made her feel that way except Trick.
“I am okay, Trick. It is just wine.”
Hinawakan nito ang balikat niya at mahabang sandali siyang tinitigan. “Sigurado kang iyon lang? I didn’t even notice. Anong nangyari?”
“Aksidente lang iyon. Ayoko nang palakihin. Hindi ko naman alam na nakunan pala ‘yon ng camera.”
Inilapat nito ang labi sa noo niya. “I am sorry. Hindi ko man lang napansin. Kaya pala matagal kang nawala. I wish I could make it up to you.”
Tumango na lang siya kahit na gusto niyang isumbong dito na nasasaktan siya dahil sinadya ang pagkakatapon ng alak sa damit niya upang maisayaw ni Carmilette si Trick. She couldn’t blame Trick. Hindi naman nito alalm ang totoo. Hindi mahalaga si Carmilette o ang ibang babae. Siya ang mahal ni Trick.
Tiningala niya ito. “Gusto mo talagang bumawi sa akin?”
“Yes. I will clear my schedule tomorrow. Ipapasyal kita sa Nirvana Island. Isama natin si Rainbow Dancer kung gusto mo.”
Hinaplos niya ang dulo ng ilong nito. “That’s a lovely idea but I want something else right now.” Itinulak niya ito paupo ng couch. “Close your eyes.”
Sumunod ito sa kanya. Tumayo siya sa likuran nito at piniringan ng silk scarf. “Vix, what are you…”
“Shhh…” Pinigilan ng daliri niya ang labi nito. “I will be your master tonight. At kung anumang sabihin ko, iyon ang susundin mo.” Hinawakan niya ang kamay nito. “Stand up. Iga-guide kita.”
“Kinakabahan ako,” sabi ni Trick. “Ano ba talagang plano mo?”
“Patience, Mr. Vergara. Patience.”
Nawalan ito ng pagpipilian kundi ang magpaakay sa kanya papunta sa kuwarto nito. Pagpasok sa silid nito ay ini-on niya ang CD player at pumailanlang ang instrumental love songs.
“What now?” tanong nito nang bitiwan niya at hinayaang nakatayo sa gitna ng silid. Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. “Vix, pwede ko na bang tanggalin ang blindfold ko?”
Nilaro niya ang tali ng robe niya. Mahabang sandali niya itong tinitigan habang iniipon ang lahat ng lakas ng loob. Oras na tanggalin nito ang takip sa mata, hindi na siya pwedeng umurong sa plano niya. She poured over that Kamasutra book for days. Napaghandaan niya ito. She already devised all the seduction strategy possible. Sa gabing iyon, di na makakawala si Trick sa kanya.
“Yes,” she answered in a raspy voice.
Tinanggal nito ang piring nito sa mata at ikinurap ang mga mata. “Wow, Vix! This is a quite a…”
Kinalas niya ang tali ng roba niya at hinubad iyon. “Surprise?” dagdag niya.
Napalunok ito nang magtama ang mga mata nila. “Yeah!” There was appreciation in his eyes for her sexy get up. Subalit mabilis din nitong iniwas ang tingin na parang di rin nito matagalang tingnan siya sa ganoong ayos. Whether he was shy or aroused, she didn’t know. “The music and the scent is relaxing.”
Lumapit siya dito at inalis ang coat nito. “I know you are tired. Naisip ko na dapat mag-relax ka muna.”
Nang susunod na niyang kakalasin ang butones ng polo nito ay pinigilan nito ang kamay niya. “Vix…” There was a warning in his tone.
“I just want a romantic evening with you.”
“We can do romantic with more clothes on. Ibalik mo na ang robe mo,” anito sa tono na parang nakikipag-usap sa bata.
Naghahamon niya itong tiningnan. “Scared of me, Mr. Vergara?”
“I just respect you. I don’t want things to go out of hand. May tamang oras para sa ganitong mga bagay.”
Alam nito kung saan tatakbo ang plano niya. And he decided to put a stop to it right there and then. Kung hihintayin pa niya ang kasal nila para mangyari ang plano niya, anong petsa pa iyon?
Iniyakap niya ang isang kamay sa leeg nito at ang isa naman ay hinaplos ang mukha nito. “Relax, Trick. Kung anumang “ganitong mga bagay” ang iniisip mo, hindi iyon ang gusto ko. All I want is a kiss from you.”
Kumunot ang noo nito na parang di naniniwala sa kanya. “A kiss?”
“Yes. A kiss. Walang mangyayari ngayon na hindi mo gusto. I am giving you full control.” Tinalunton ng daliri niya ang hugis ng labi nito. “Or do you think that a kiss should also wait until our wedding?”
“All right. Just a kiss.”
She tiptoed and her lips caressed his. He hitched his breath when their lips touched. That tentative touch turned into something bold. Before she knew it, both of them were blazing. Isa iyon sa mga bago niyang nadiskubre kay Trick. That a chaste kiss could turn them both into inferno. Hanggang di na pwede ang simpleng halik lang. They touched. Her hands explored his body as if it was a work of art.
Naghiwalay ang labi nila at sumagap ito ng hangin. “Vix, that’s enough…”
“Not nearly enough. Nagsisimula pa lang tayo.” Itinulak niya ito sa kama. She loomed over him like some pagan goddess. “If you want me to stop, then make me.”
Hinawakan siya nito sa balikat. Akala niya ay itutulak siya nito palayo. But he pulled her down and kissed her. He didn’t stop kissing her. It was a slow, seductive kiss this time. Hindi na niya alam kung sino ang nang-aakit at inaakit ngayon. She just knew that she would go crazy if she couldn’t have Trick.
May narinig siyang nag-ring subalit hindi niya pinansin. Then she felt something vibrating inside his pants. Saka niya na-realize na cellphone pala nito ang tumutunog. “Vix, my cellphone is ringing,” Trick said in a raspy voice. “Kailangan kong kunin iyon.”
“I’ll handle it.” Nakatitig siya sa mga mata nito habang maingat na kinukuha ang cellphone mula sa bulsa nito. His breath hitched and she nearly let out a witchy laugh. There was no doubt about Trick’s effect on her. Nanunukso ang haplos niya hanggang sa wakas ay mailabas sa bulsa nito ang cellphone.
Inilahad nito ang palad. “The cellphone…”
Isang nanunuksong ngiti ang ibinigay niya dito saka isinara ang cellphone at ibinagsak sa kung saan. Then she started kissing Trick again.
“Vix, no!” bulalas nito. “Baka importante ang tawag na iyon.”
“This is also important. This is our night at walang pwedeng umabala sa atin.”
Then his lips started trailing his neck and shoulder. Nakadama siya ng tagumpay nang hindi siya pigilan ni Trick. She felt liberated. Suddenly, it was not a game anymore. She was doing this because she loved Trick. He might hate her for this insanity afterwards but she was doing it for love.
“Vix, stop,” mahina nitong utos nang pababa na ang labi niya.
“No way!” Not when she was enjoying it each passing moment. She loved the feel of his skin against her lips. It was so sexy. He was sexy.
Pinigilan nito ang balikat niya at inilayo siya dito. “Vix, nagri-ring ang doorbell.”
“Ignore it,” sabi niya at hinalikan ang labi nito para tumahimik ito.
But Trick firmly held her away from him. “Pero baka importante iyon. Must be the one calling my cellphone a while ago.”
Wala na siyang nagawa nang bumangon ito at lumabas ng silid at ibinubutones ang polo nito. Isinuot niya ang robe at sumunod kay Trick pero di na siya nagpakita pa nang puntahan nito ang bisita nito sa pinto. It was Aric and Quillian. Subalit pinili ng mga ito na sa labas na lang mag-usap.
Bumalik siya sa kuwarto at umupo sa kama. Doon na lang niya hinintay si Trick. Nang bumalik ito ay tumayo siya agad. “That’s Aric and Quillian. They told me that Carmilette’s town was devastated by a tornado. Nadamay ang bahay nila.” Tumuloy ito sa closet nito at kumuha ng damit. “Kailangan kong pumunta doon ngayon para matulungan sila.”
“Sasama ako sa iyo. Baka may maitulong din ako.”
Hinawakan nito ang balikat niya. “Maiwan ka na lang dito.”
“Bakit?” tanong niya. “Dati naman tayong magkasama kapag may mga relief operations at kailangan ng tulong natin.” Kapag may malalaking sakuna ay lagi silang nakaagapay dahil college pa lang ay volunteers na sila ng Red Cross.
“Hindi kita maaasikaso doon.” KInintalan siya nito ng halik sa pisngi. “Babawi na lang ako sa ibang araw. Okay?”
Gusto pa sana niyang ipilit na sumama dahil hindi naman siya nagpapaasikaso dito. Pero sa huli ay pinili na lang niyang tulungan itong mag-empake at linisin ang mga kalat sa kuwarto nito nang makaalis ito.
Nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay napakalayo ni Trick sa kanya. She never felt that way before. Kahit malayo sa kanya si Trick ay hindi niya nararamdaman na magkalayo sila. It wasn’t the case anymore.
When Trick walked out the door, she felt like she lost him.
BUMUNTONG-HININGA si Vix habang nakatitig sa mango frappe na idinulot sa kanya ng waiter. Nasa indoor garden restaurant siya ng Island Bloom na flower shop ng pinsan niyang si Noah.
Pumitik si Freezia sa harap ng mukha niya. “Ate, ayusin mo nga ‘yang mukha mo. Pati ako nade-depress sa iyo.”
Bumuntong-hininga siya. “I just want to be with Trick.”
Ilang araw na itong nasa bayan ni Carmilette para tulungan ang mga nasalanta ng buhawi. Hanggang ngayon ay di pa rin ito bumabalik. Dahil hindi siya nito isinama ay napilitan na lang siyang mag-organize ng mga tutulong sa pag-eempake ng relief goods. She also asked her brother to bring help. Pero iba pa rin ang pakiramdam kung kasama sana niya si Trick.
“You know that things are different now,” her cousin commented and sipped her own moccha frappe.
Hindi niya nagustuhan ang natuklasan niya nang lumabas siya sa Stallion Island para personal na tumulong sa pag-eempake ng relief goods. Isang kontrabida ang tingin sa kanya ng maraming mga tao. Nang lumabas ang imahe niya sa telebisyon matapos siyang tapunan ni Trining ng alak ay kumalat din sa lahat ang pagiging nobya niya ni Trick. Hindi iyon isyu noong una dahil nakiusap ang Mama niya na huwag nang ilabas ang pangalan niya sa publiko. But this time, it couldn’t be helped. Hindi magaganda ang lumabas na balita tungkol sa kanya. Na naghiwalay sila ni Trick dahil sa pagkaka-link niya kay Senator Benitez. At ngayon naman ay ginugulo pa niya si Trick kaya siya nasa Stallion Island. At kung anu-ano pang mga hinala na hindi na niya masikmura minsan. Kahit ang mga taong kasama niya sa relief operations ay kontrabida din ang tingin sa kanya. Na parang isasabotahe niya ang pagtulong ng mga ito. Mukhang mas pabor ang mga ito sa loveteam nina Carmilette at Trick. After all, hindi naman itinatago ng dalaga na “in love” ito sa nobyo niya.
Kaya pinili na lang niyang bumalik sa Stallion Island dahil kahit paano doon ay safe siya. People there knew the real story. Siya ang babaeng mahal ni Trick at sila lang ang nagkakaintindihan sa totoong estado ng relasyon nila.
“Bakit biglang ako ang naging masama?” naghihinanakit niyang tanong. “Ako ang totoong girlfriend ni Trick? Pakiramdam ko tuloy gusto niya akong itago.”
“Siguro alam na ni Kuya Trick ang magiging reaksiyon ng ibang fans nila ni Carmilette.” Iwinaksi nito ang kamay. “Forget about it. Mawawala rin ‘yang mga fans na iyan oras na matapos ang makeover challenge na iyan.”
“Sana nga ganoon lang kasimple iyon.”
Malay ba niyang magkakaroon siya ng nobyong celebrity. Trick was very private. Kahit nang mangyari ang pagkamatay ng mga magulang at kapatid nito ay nanatili itong pribadong tao. Siya ang mas exposed sa press dahil na rin sa trabaho niya. At ngayon ay nakakaladkad ang pangalan nilang dalawa. Ang problema lang ay napapasama siya. She could handle it when the people she worked for were under attack. Pero di pala ganoon kadali kapag siya na ang inaatake. She had no choice. Silence was her best defense. Subalit habang tumatagal ang laban, pakiramdam niya ay gulping-gulpi na ang pagkatao niya.
“Mabuti pa dalawin mo na lang ‘yung kabayo mo sa stable. Mamasyal ka. Susunod na lang ako mamaya. Malalanta ang mga halaman at bulaklak dito dahil sa negative energy mo. Shoo!” pagtataboy nito sa kanya. “Magandang therapy ang mga kabayo.”
Halos hilahin niya ang sarili papunta sa main stable. At least nagkakaintindihan sila ng mga kabayo ni Trick. Nasasabi niya sa mga ito ang hindi niya basta-basta masabi sa iba. She didn’t tell Freezia about her failed seduction attempt with Trick. Naise-share din niya sa mga ito ang plano niya nang hindi nahuhusgahan. Minsan ay mas masarap kausap ang mga kabayo.
Sinalubong siya ng stable master na si Chrome. “Lalabas ba kayo ni Rainbow Star?” Araw-araw silang namamasyal ng kabayo niyang si Rainbow Star.
Tumango siya. “Oo. Pero pupuntahan ko muna si Adrenaline Rush.”
“Buti hindi pa siya idinadala ni Kreige sa Horse Sanctuary.” Ang nakababata nitong kapatid na si Kriege ang namamahala sa Horse Sanctuary kung saan malayang nakakagala ang mga kabayo. “Ipapahanda ko na rin si Rainbow Star.”
“Salamat.” Matapos ihatid sa stable ni Adrenaline Rush ay iniwan din siya ni Chrome. Nagdadamba si Adrenaline Rush nang makita siya. Inangat niya ang kamay at hinaplos ang leeg nito. “Hello! Pasensiya na kung ako ulit ang dumalaw sa iyo. Hindi pa dumadating si Trick. Inaayos pa daw nila ang mga nasalantang bahay.”
Pati ang ibang miyembro ng Stallion Island ay nasa site para tumulong sa mga nasalanta. Kahit pa may naitulong siya ay iba pa rin kung kasama niya si Trick. Huminga siya nang malalim nang umungol si Adrenaline Rush.
“Alam ko na miss na miss mo na si Trick. Miss ko na rin siya.” Tinapik niya ang leeg nito. “Once he’s back, we’ll ride out. How does Nirvana Island sounds?”
Nilapitan siya ng isa sa groom. “Miss Vix, nakahanda na po si Rainbow Star.”
“Thank you, Page.” Matapos magpaalam kay Adrenaline Rush ay pinuntahan na niya si Rainbow Star na naghihintay sa labas ng stable. “Hello, beautiful!”
Humalinghing ito. Excited itong makita siya. Nabuo na ang rapport nilang dalawa. Inakay niya ito palayo habang di pa siya nakakapagdesisyon kung saan sila mamamasyal. Di pa siya nakakalayo ay isang e-jeepney ang tumigil sa harapan niya at bumaba si Senator Arnulfo Benitez. “Victoria Grace!”
“Senator…” aniya sa pormal at mababang tono. “What are you doing here?”
Kapag nga naman sinuswerte siya. Bukod sa mama niya ay ito ang huling-huling taong gusto niyang makita. Isa pa ito sa nagpapalala sa sitwasyon niya. Sinabi nito sa ilang reporter na espesyal daw siya para dito. The pig!
“I came here to take you home.”