The nerve of the man! Hindi makapaniwala si Vix sa lakas ng loob ni Arnulfo na tumapak sa Stallion Island para iuwi siya. What made him think that she’s coming home with him? Kahit sabunutan pa siya nito para kaladkarin pauwi ay di siya papayag. Sino ba kasi ang nagpapasok sa lalaking ito? Parang nananadya.
She still gave him a polite smile. “Senator, kung dumalaw kayo dito para sa ibang bagay, mas mabuting iyon na lang ang asikasuhin ninyo.”
“Hindi naman importante ang meeting ko sa kay Congressman Luminares. Makakapaghintay iyon. Just pack your bags. Gusto ni Tita Miriam na umuwi ka na. Gusto niyang mag-concentrate ka sa pagkandidato mo as mayor.”
Sabi na nga ba at may kinalaman ang Mama niya dito. Hindi pa rin ito tumitigil hangga’t di sila nagkakalayo ni Trick at di niya pinipili si Arnulfo.
“I am here on a vacation and I won’t cut it short for you. Maliban na lang kung may emergency.”
Hinawakan nito ang braso niya. “Kung gusto mong maging mayor ng San Martin, sasama ka sa akin pauwi,” mariin nitong sabi. “Take it seriously before your name is ruined. Marami nang di magagandang balita ang lumalabas tungkol sa iyo pero nandito ka lang.”
Ngumisi siya. “At kasama ka sa nagpalala ng sitwasyon. Dahil sa kanila, lalong inisip ng mga tao na two-timing bitch ako. Na kaya di natuloy ang kasal namin ni Trick dahil ambisyosa ako para patulan ka. So stop acting so concern, Senator. Dinagdagan mo lang ang putik na ibinabaon sa akin.”
“I didn’t mean to tarnish your name,” he said in a low voice. Lumuwag din ang pagkakahawak nito sa kanya. “Kaya nga umisip na ako ng paraan para maayos ito. Maging active ka sa mga programs at charity work. The press will cover them. Isasama kita sa mga pagdalaw ko sa iba’t ibang bayan…”
Itinaas niya ang palad para patigilin ito sa pagsasalita. “Salamat na lang sa suggestion pero hindi pa rin ako sasama sa iyo palabas ng islang ito. Hindi ko kailangang linisin ang pangalan ko.”
“What?” bulalas nito. “Hindi mo ba naiisip kung anong sasabihin ng mga taga-San Martin? Paano ka nila ibobotong mayor?”
“Wala akong pakialam sa sasabihin ng press. Mas kilala ako ng San Martin. Tagadoon kami ni Trick, remember? Alam nila ang kaya kong gawin para sa kanila. Matagal na kaming tumutulong ni Trick sa kanila. I am afraid I don’t need your help. Mas paniniwalaan ako ng mga taga-San Martin kaysa kung kaninong reporter. Sabihin mo kay Mama na mananalo pa rin akong mayor. At kung aalis man ako sa islang ito, kailangan kasama ko si Trick.”
Hinaplos nito ang pawis sa noo nito. Frustration was written all over his face. “What do you see in him anyway?”
“Mahal ko siya. And Trick loves me as well.” Kaya nga ayaw niya itong basta-basta isuko.
“Kung mahal ka niya, bakit hindi ka niya kasama? Nandoon siya sa bayan ng ka-partner niya sa Stallion Shampoo contest. Hindi ka rin niya pinoprotektahan sa mga isyu laban sa iyo. Hindi siya nagsasalita. Sinisira ka niya!”
Sinapo niya ang sentido. “Senator, this is my problem alone. Huwag ka na sanang humalo. You already did enough damage.”
Sasampa na sana siya sa kabayo subalit hinawakan nito ang balikat niya. “Hiwalayan mo si Vergara. Be my girl. Malakas ang laban ko sa eleksiyon at siguradong magiging first lady ka ng bansang ito. Ayaw mo ba iyon? You don’t have to involve yourself with a member of this riding club. I can make you a queen. Isipin mo na lang kung gaano karaming babae ang gustong makipag-agawan sa posisyon na ino-offer ko sa iyo ngayon.”
Pilit siyang kumawala dito. “You are crazy! Kapag hindi mo pa ako binitiwan, magpapa-issue ako ng restraining order laban sa iyo! Wala akong pakialam kahit maeskandalo ka pa! Ayoko sa iyo.”
“Kapag ako ang minahal mo, ibibigay ko sa iyo ang lahat.”
“Just go away!” aniya at inilapat ang mga palad sa dibdib nito para itulak ito palayo. “I swear! Kapag di mo ako binitiwan, ipapa-ban kita dito.”
Lumayo ito sa kanya. “Pag-isipan mo, Victoria Grace. Hindi ka lang magiging basta mayor kapag pinili mo ako. Your mother would be so disappointed. Pero kapag si Vergara ang pinili mo, mawawala ang lahat sa iyo.”
She was not fazed by that remark. Anong ikakatakot niya? Na hindi matuwa ang Mama niya sa kanya kapag di niya iniwan si Trick? All her mother wanted was to secure the mayoralty seat. Mananalo pa rin siya kahit na wala si Senator Benitez.
When she gets home, she will seriously discuss Senator Benitez with her mother. Pero bago iyon, kailangang mapapayag na niya si Trick na masunod ang kasal nila. Kailangan niya ng bagong plano.
“Hoy! Taksil ka!”
Gulat niyang nilingon ang sumigaw sa likuran niya. Naroon si Trining na kasama si Carmilette. Luminga siya sa paligid. Wala namang ibang tao doon maliban sa kanya. Siya ba ang tinutukoy na taksil ng mga ito. “Ako ba kausap ninyo?”
“Sino pa ba ang taksil dito kundi ikaw lang?” asik ni Trining. “Ang lakas ng loob mo na dalhin dito pati ang lalaki mo.”
Mariin niyang pinagdikit ang mga labi. Gusto na naman ng gulo ng mga ito. “Miss, hindi ko lalaki si Senator Benitez. Wala kaming relasyon.”
“Anong walang relasyon?” Kinawayan nito ang cameraman na kasama nito. “Manong, nakunan ba ninyo kami ni video? Kailangang malaman ng buong Pilipinas ang kataksilan ng babaeng iyan. Gaganti talaga ako sa babaeng ‘yan. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako nanalo sa princess trial.”
“Wala akong ginagawang masama,” matapang niyang sabi at tinitigan si Carmilette. “Trick knows that.”
“Pero gusto ka ni Senator Benitez?” tanong ni Carmilette. “At hindi natuloy ang kasal ninyo ni Trick dahil sa ambisyon mo. Sinasaktan mo lang siya. Hindi niya kailangan ng babaeng katulad mo.”
“Oo nga! Mas bagay sila ni Trick,” sabi ni Trining. “Pareho silang mahilig sa tapsilog saka pareho nilang gusto ng sinampalukang palaka.”
“Sinampalukang ano?” Tama ba ang dinig niya? Palaka? Kumakain si Trick ng palaka? What the heck! Kailan pa kinakain ang palaka?
“Kung girlfriend mo talaga si Trick, dapat alam mo iyon,” sabi ni Carmilette.
Takot siya sa palaka. Kaya siguro hindi iyon binabanggit ni Trick sa kanya. Malay ba niyang nakakain pala iyon.
“Miss, hindi ko kailangang kumain din ng palaka para patunayang mahal ko din si Trick. Kung anuman ang relasyon namin ni Trick, sa aming dalawa na lang iyon.” Nilingon niya ang camera. “It doesn’t have to concern the rest of the world. At nasa Stallion Island kayo. Hindi lahat ng gusto ninyong i-video, pwede ninyong i-video lalo na’t walang kinalaman sa program ninyo.”
“Natatakot ka lang na malaman ng mundo na taksil ka,” giit ni Trining.
Sumampa siya ng kabayo. “Wala akong itinatago. Pero hindi ako papayag na ipahiya ninyo si Trick sa walang basehan ninyong akusasyon.”
“Hindi ako papayag na saktan mo ulit si Trick,” wika ni Carmilette. “Napapatawa mo pa ba siya? Napapasaya mo pa ba siya? Kundi mo na iyon kayang gawin, huwag mo na siyang guluhin.”
Tumining sa isipan niya ang sinabi ni Carmilette nang patakbuhin si Rainbow Star palayo. Napapasaya pa ba niya si Trick? Hindi na ba niya ito sasaktan? Wala siyang duda noon na napapasaya niya ito at di niya ito nasasaktan. Pero saan nanggagaling ang duda niya na di na niya magagawa pa iyon ngayon?
Ipinilig niya ang ulo at binilisan ang takbo ni Rainbow Star. Naiisip lang niya ito dahil di pa niya natitiyak ang kasal nila ni Trick. Pero oras na matuloy ang kasal niya, walang duda na di ito magsisisi. She would love him for the rest of their lives.
“I APOLOGIZE for this, Vix. Hindi ie-air sa TV ang footage ninyo ni Senator Benitez. We didn’t mean to cause distress.”
Tahimik lang siya habang nagsasalita si Quillian. Kasama nito si Aric para kausapin siya tungkol sa panghihimasok nina Trining at Carmilette sa kanya kanina. Hindi kasi niya nagugustuhan ang pangyayari. Lalo siyang napapasama.
Nasa Windy Café sila kung saan walang gaanong tao. Nare-relax kasi siya sa acoustic music doon. Subalit nang mga oras na iyon ay hindi siya makapag-relax. Kumalat na kasi sa buong Stallion Island ang pakikipag-usap sa kanya ni Senator Benitez. After all, wala rin namang maililihim sa Stallion Island lalo na sa katulad ni Trining. Kaya hindi na natuloy ang meeting ng senador kay Evandro at umalis agad ito ng isla.
“Pagsasabihan din namin ang mga contestants at mga staff. Kailangang maalala pa rin nila ang right to privacy ng mga members at guests dito,” dagdag ni Aric. “At hindi pa kami nagso-sorry sa ginawa sa iyo ni Trining dati. I mean formally apologize. Kung may gusto kang gawin namin para makabawi, sabihin mo lang.”
“Sana ipaalala lang ninyo sa kanila ang tama at mali. Hindi dahil sikat na sila ngayon, may karapatan na silang manapak ng ibang tao or makialam sa relasyon ng iba,” mariin niyang sabi. “Hindi bale sana kung sa akin lang nangyayari ito. hinahabaan ko ang pasensiya ko. paano kung sa iba nila gawin? Baka di na sila ganoon kaswerte.”
Hindi pa ba sapat na may problema na si Trick sa pagitan nila at nakikihalo pa ang Mama niya at si Senator Benitez? Hindi na niya kailangan pa ng panggugulo ng mga reporters at ng mga contestant ng Stallion Shampoo Makeover Challenge. Napapagod na rin siya.
“Yes. I believe that your relationship with Trick is your business. Hindi lang siguro mapigilan ni Carmilette na mag-alala kay Trick. She cares for him. Trick treats her like a little sister,” paliwanag ni Quillian sa kanya.
“And she fancies herself in love with Trick.” Akmang tututol si Aric subalit tinaasan lang niya ito ng kilay. “Hindi ko naman masisisi si Carmilette. Trick is a natural Prince Charming. Sino bang babae ang hindi mai-in love sa kanya? And besides, natural na ang mga ganitong pangyayari sa mga reality show. You’ll have the illusion of a fairy tale.”
Pero ang katotohanan ay sa kanya si Trick. Sila ang nagmamahalan. Nobody could contest what they feel for each other.
“Gagawin namin ang lahat para hindi na maulit ito sa iyo o sa iba pang tao. Thank you, Vix,” sabi ni Quillian at kinamayan siya. Kinamayan din niya si Aric at humingi ulit ito ng sorry sa kanya.
Nilapitan siya ni Freezia nang umalis na ang dalawa. “Okay na ba lahat?”
“Hindi magiging okay ang lahat hangga’t hindi natatapos ang contest na iyan. Parang diyan lang gumulo ang relasyon namin ni Trick.” Umorder siya ng strawberry yoghurt shake at roast beef sandwich dahil bigla siyang ginutom. “Mabuti na lang talaga ang mga kaibigan ko di naniwala sa ginawang kwento ni Trining. And I know that Carmilette is really in love with Trick. Huwag lang na sana nila akong gawan pa ng kwento kundi…”
“Ate, baka nakakalimutan mo na hindi ang makeover challenge ang simula ng gulo ninyo ni Kuya Trick kundi ang pagtakbo mo ng mayor,” paalala nito sa kanya. “Diyan pumapasok sila Tita Miriam at Senator Benitez. Mabuti nga at umalis na sa isla ang isang iyon. Hindi ko siya ibobotong presidente at lalong itatakwil kitang pinsan kapag ikaw ang naging first lady niya.”
“Hindi problema ang pagtakbo ko bilang mayor. I can handle my mother. And I am sure mare-realize din ni Senator Benitez na may iba pang babae diyan na mas gustong maging first lady niya.”
“Paano kung si Kuya Trick naman ang may problema sa pagtakbo mong mayor?” tanong ni Freezia at sinimulan nang kainin ang cake na idinulot ng waitress dito. “Maliban na lang kung gusto mo nang umurong sa pagtakbo.”
“Magiging mayor pa rin ako at magiging Mrs. Vergara.”
Nagsalubong ang kilay nito. “At paano mo naman iyon gagawin?”
Isang makamandag na ngiti ang ibinigay niya at nilaro ng daliri niya ang rim ng baso ng shake niya. “I just know a way to persuade him.”
Pumalpak ang first seduction attempt niya. Malapit na sana siyang magtagumpay kundi lang sila binulabog ng tornado na iyon. Pero hindi pa rin siya susuko. Titiyakin niyang sa susunod ay walang bagyo o lindol na pipigil sa kanila ni Trick. Hindi siya papayag na makawala ito.
“Mayor Vix, my soul sister!” tili ni Merian nang makita siya. Tumaas ang kilay niya nang yumakap ito at humalik sa pisngi niya. Kailan pa sila naging soul sisters? “Nalaman ko ang ginawa sa iyo ng mga cheap na contestants ng makeover challenge na iyan. Unfair na siraan ka nila. Inggit lang kasi sila sa ganda natin.”
“Kakausapin na sila nila Aric at Quillian. I am sure mas mabibigyan na nila ng atensiyon ang contest matapos ang nangyari,” sabi niya. Noong nakaraan lang ay ayaw sa kanya ni Merian at ng mga Sirens dahil parang naagawan ang mga ito ng lalaki. Ngayon ay biglang kumakampi ito sa kanya.
“Akala ko ba imbyerna ka kay Ate Vix,” sabi ni Freezia. “Bakit bigla yata kayong naging soul sisters?”
Idinikit ni Merian ang pisngi sa kanya. “Because we are the authentic Stallion Babes. At mga ambisyosang ilusyunada lang ‘yang mga nasa Makeover Challenge. Mga trying hard silang maging katulad natin. As if naman kayang-kaya nilang agawin ang mga Stallion Boys sa atin.”
“Oras na para turuan ng leksiyon ang mga iyan,” sabi ni Francey. “Gusto mo sugurin na natin, Mayor Vix?”
Umiling siya. “Hindi na. Ayoko na ng gulo.”
Namaywang si Merian. “Basta huwag silang hahara-hara sa daraanan ko kundi makakatikim sila sa akin. Let’s go, girls! May belly dancing class pa tayo.” Nilingon sila nito. “Hindi ba kayo sasama sa amin?”
“Susunod na lang kami.” Nagpa-register din siya na mag-belly dancing pero di siya sasabay sa mga ito. Sirens means trouble. Kaya di siya didikit sa mga ito.
“Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga Sirens na iyan. Baka mamaya awayin nga nila ang mga contestant,” nag-aalalang sabi ni Freezia.
“Kahit magkagulo pa ang buong mundo basta huwag nila akong idadamay. I have enough of that. Nakapagpasukat ka na ba ng belly dancing costume mo kay Ayumi?” tanong niya.
“Aanhin ko naman ang belly dancing costume? Di naman ako sasali.”
“Kailangan mo iyon para maakit mo si Cody.”
Umasim ang mukha nito. “Ate, huwag mo nang problemahin ‘yong Cody na iyon. Problemahin mo kung paano mo mapipikot si Kuya Trick.”