Chapter Trick Vergara: Chapter 16

That hit home. Hindi madali para kay Vix na makapangatwiran pa kay Trick. Dahil kahit anong gawin niya, alam niyang siya ang nagkamali. Siya ang hindi makakatupad sa pangako. And she had been skirting around the issue for ages now. Oras na para harapin nila ang katotohanan.

Itinaas niya ang mga mata at tinitigan ito. She had to tell him the truth even if it meant suicide. “Sige. Inaamin kong hindi ko matutupad ang pangako ko sa iyo. Pero hindi mo ba pwedeng isantabi ang takot mo sa isang bagay na posible namang hindi mangyari sa atin? Kahit sandali lang.”

Umiling ito. “I can’t make that sacrifice, Vix.”

Mapait siyang ngumiti. Then she saw things in an entirely different light. “Hindi mo kayang magsakripisyo. Pero ako walang choice kundi ang magsakripisyo para sa iyo mula nang maging Prince Charming ka sa Stallion Shampoo Makeover Challenge na iyan. Nasira ang pangalan ko. Pinili kong tiisin iyon. Hindi ako kumibo at hindi ko ipinagtanggol ang sarili ko habang di mo man lang ako maipagtanggol.”

“I thought I don’t have to. You worked with the press. Alam mo na kahit anong sabihin ko, lalo lang lalala sa sitwasyon. Akala ko mas importanteng naniniwala ako sa iyo. Na nagkakaintindihan tayo.”

Kinuyom niya ang palad dahil parang may sumaksak na kutsilyo sa dibdib niya. Akala din kasi niya ay nagkakaintindihan silang dalawa. “Hindi ko alam kung naiintindihan mo nga. I feel so low. Ako ang babaeng mahal mo pero sa paningin ng ibang tao ako ang kontrabida sa fairy tale ninyo.”

For the first time, his face softened. Hinawakan nito ang balikat niya at kinabig siya palapit dito. “Vix, TV is just an illusion.”

She didn’t feel comfort with that assurance. “I don’t know, Trick. Hindi kasi ilusyon ‘yung mga negative treatment na nakukuha ko. I tried to support your good cause. Kahit na hindi mo ako isinama sa site ng tornado para tumulong, I tried to participate with the relief operations. Pero hindi ako tumagal dahil parang maliit ang tingin sa akin ng mga tao. Kahit anong gawin kong maganda, kontrabida ang tingin nila sa akin. Alam ko rin na sinadya ni Trining na tapunan ako ng wine para maisayaw mo si Carmilette. Pero sa huli ako pa rin ang masama. As if I deserve that treatment. Trick, I had never been treated like dirt in my whole life.”

Nanlulumo siyang umupo sa sofa. Iniwas niya ang tingin kay Trick saka hinayaan ang sarili na umiyak. Ayaw niyang maging mahina sa paningin nito. Ayaw niyang magmukhang kawawa. Pero matagal na niyang inipon ang lahat ng sama ng loob niya.

She thought that loving Trick was a fairy tale. How come it suddenly turned into nightmare?

“Vix, I am sorry.” Lalo lang siyang naiyak nang maramdaman ang mainit na yakap ni Trick. Kahit ang mga yakap nito ay hindi sapat para alisin ang sakit na nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay gulping-gulpi na siya. “Hindi ko alam na naapektuhan ka. Na masyado kang nasasaktan. And I never dreamt of bringing you tears, Vix. Dahil gusto ko ako ang papahid sa luha mo.”

“Maaayos pa ba natin ito, Trick?” tanong niya nang maramdaman ang mga labi nito sa noo niya. “Kasi pakiramdam ko gusto na tayong paglayuin ng lahat. There are even times that I feel you pulling away from me.”

Bumuntong-hininga ito at hinaplos ang pisngi niyang basa ng luha. “Gusto mo bang mag-quit na ako sa pagiging Prince Charming?”

Natigil siya sa pag-iyak at namamangha itong pinagmasdan. “Gagawin mo iyon para sa akin, Trick?”

Marahan itong tumango. “Yes.”

Tuwang-tuwa niya itong niyakap. “Oh, Trick!”

Hindi niya alam kung anong sasabihin. Hindi niya iyon inaasahan mula kay Trick. He would sacrifice the show for her. Biglang nawala ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman niya. She felt so lively suddenly.

“I’ll do that if you will quit running for mayor.”

Biglang nawala ang kaligayahan niya. Pakiramdam niya ay isang malaking bato ang dumagan sa dibdib niya. Kumalas siya sa pagkakayakap dito at maang itong tiningnan. Gone was the soft look in his eyes. Bumalik na ang pagiging diamante sa tigas ng mga mata nito. “Trick, no! Hindi pwede! Nasabi ko na sa iyo na hindi ko pwedeng gawin iyon.”

“Then I won’t quit the show and there’s no wedding for you either.” Tumayo ito. “Ipapa-book ko na ang flight mo bukas pabalik ng Manila.”

Naestatwa siya sa kinauupuan. Ibig bang sabihin ay tapos na ang lahat sa kanila ni Trick? Ganoon lang kasimple para dito na tapusin ang relasyon nila? Sampung taon siya nitong minahal pagkatapos ay tatalikuran na lang siya nito?

Siguro nga ay may mali siya. Hindi niya natupad ang pangako niya. Hindi niya masisisi si Trick kung iniisip nitong hindi rin siya tutupad sa iba pang pangako niya kapag kasal na sila. But she couldn’t let him walk away like this.

Pinigilan niya ang kamay nito at tumayo. “Trick, there must be some way to fix this.” Yumakap siya sa leeg nito at tumingkayad. She brushed her lips against his in a slow seductive manner.

Nakaramdam siya ng tagumpay nang hapitin nito ang baywang. She smiled when she deepened the kiss. Kung kailan inaakala niyang hindi siya mapapahindian nito Trick ay itinulak siya nito palayo.

“No seduction either, Vix.”

Naliliyo pa rin siya sa halik nito habang ito naman ay nakatitig sa kanya sa malalamig na mga mata. Na parang walang epekto sa kanya ang halik nito. “Trick, anong…”

“This is your plan, isn’t it? You want to cloud my brain with sex. You want to manipulate me until I can’t think at all. Dahil gusto mo lang masunod ang lahat ng gusto mo nang di kailangang tuparin ang pangako mo sa akin.”

The bitterness in his voice made her feel so rotten. He made her feel like a scheming bitch. Hindi naman masama ang intensiyon niya. “Ginagawa ko lang ito dahil mahal kita, Trick.”

“If I will make love to you, it is because of love. Gagawin natin iyon sa tamang panahon. Don’t turn into into a weapon in this devious game of yours.” Binitiwan siya nito. “Hindi ganyan ang babaeng mahal ko, Vix.” Saka siya nito iniwan sa sala at saka pumasok sa kuwarto nito.

Parang nawalan ng lakas ang binti niya at napaupo siya sa sahig. Pakiramdam niya ay mamamatay na siya. And Trick just left her there to bleed and die. Parang isang mababang babae ang tingin nito sa kanya. And she never felt so low in her whole life. Mas masama pa ito kaysa sa putik na ibinabato sa kanya ng media at ng ibang taong hindi siya talaga kilala.

Because Trick knew her. He saw right through her.

Niyakap niya ang sarili at umiyak. Nang mga oras na iyon, pakiramdam niya ay nag-iisa lang siya sa dilim. Kahit iwan na siya ng buong mundo huwag lang si Trick. His love kept her happy all this time.

But she lost him forever. At mukhang di na ito babalik pa sa kanya. Baka nga tama ito. Hindi na siya ang babaeng mahal nito.

MUGTONG-MUGTO na ang mga mata ni Vix hanggang wala na siyang maiiyak. She felt so miserable. Hindi siya nakatulog buong magdamag. Nagliwanag na at lahat sa labas ay hindi pa rin niya magawang idilat ang mga mata niya.

She felt like she was in the pit of hell. Parang wala na siyang dahilan para mabuhay. Oras na umalis siya sa Stallion Island, tuluyan nang mawawala sa kanya si Trick. At ayaw niyang umalis sa cottage na iyon o sa silid na iyon.

“Ate Vix?” Ilang beses pa niyang narinig ang katok ni Freezia bago iyon bumukas. “Ate, gumising ka na. Malapit na ang flight mo.”

“Ayokong umalis,” aniya at napahikbi. Doon niya natuklasan na may iluluha pa pala siya.

Niyakap siya nito mula sa likuran. “Bakit hindi mo ako tinawagan kagabi? Sana doon ka muna sa cottage ni Kuya Noah.”

“Ayoko talagang umalis dito. Ayokong iwan si Trick.” Umaasa siya na magbabago ang isip ni Trick. That he would see sense. Na hindi nito kayang mabuhay nang wala siya. Pero natiis siya nito. “Ganoon na ba ako kasama? Sabi niya parang hindi na daw ako ang babaeng mahal niya.”

Huminga nang malalim si Freezia at pinisil ang balikat niya. “Ate, ikaw ang higit na nakakaalam kung ano ang ginawa mo. Hindi magkakaganyan si Kuya Trick kundi rin dahil sa iyo.”

Bumangon siya. “Nasaan si Trick?”

“Nasa verandah. Kausap si Kuya Guilbert. Siya nga ang nagsabi na pabangunin pa kita bago ka pa mahuli sa trip.”

Parang gusto na naman niyang humagulgol ng iyak. Alam siguro ni Trick na hindi siya nito makakaladkad kung ito lang ang magpapauwi sa kanya. Kahit ikadena pa niya ang sarili niya sa poste ng bahay nito ay gagawin niya. Pero wala siyang panalo pagdating sa Kuya Guilbert niya.

“Gusto na talaga niya akong mawala sa buhay niya,” usal niya.

“Alam mo naman ang paraan para pakasalan ka pa rin ni Kuya Trick.”

Mabigat ang kilos niya nang maghanda sa pag-alis. Mahal niya si Trick pero di rin niya pwedeng isuko ang Mama niya. Ito na lang ang pagkakataon niya para makabawi sa lahat ng kapalpakan at kahihiyan niya noong nakaraan. Ito na lang ang paraan niya para sa wakas ay makita siya nito bilang anak nito.

Ni hindi niya maatim na tingnan ang sarili sa salamin. Isa siyang talunan. And she looked like a loser as well. Wala na rin siya sa mood para magpaganda kaya nagsuot na lang siya ng shades. Naabutan niya si Freezia na ineempake ang mga gamit niya at nakatayo sa pinto ng guestroom ang Kuya Guilbert niya.

“Gusto mo pa bang mag-breakfast?”

Umiling siya. “Ayoko na. Mahuhuli lang tayo sa flight.”

“Let’s go?” tanong ng kapatid niya nang i-zipper ni Freezia ang gamit.

Napilitan siyang tumango. Wala na siyang magagawa pa. She must go.

Nakatayo sa tabi ng e-jeepney si Trick nang lumabas siya. Nakatingin lang ito sa kanya subalit wala itong sinabi. Her heart clenched. Parang napakalayo ni Trick sa kanya kahit na kaharap lang niya ito.

“Pasasabihan ko na lang kay Warren na i-serve ang breakfast sa inyo,” sabi lang nito nang sabihin ng kuya niya na hindi na siya mag-aagahan pa. He still cared for her but there gone was the usual warmth. He won’t even touch her or talk to her.

Umupo siya sa likod ng driver at tinabihan naman siya ni Freezia. Habang nasa likod naman si Trick at ang Kuya Guilbert niya. nagagawa pang magkwentuhan ng mga ito tungkol sa projects ng bawat isa habang parang pinapatay naman siya. Paanong nagagawang maging normal ni Trick habang halos parang zombie na siya? Mukha pang pagkaguwapo-guwapo nito at pagkabango-bango. Hindi na ba siya ganoon kahalaga sa buhay nito? Ibang babae na ba ang gusto nito?

Lalo siyang nalungkot nang pagdating sa terminal ay naroon ang naging malalapit niyang kaibigan sa Stallion Island. Unang yumakap sa kanya si Olay. “Ate, mami-miss kita.”

“Gaga! Para namang hindi pa tayo magkikita. Dadalhin ka naman ni Noah sa San Martin, hindi ba?”

May inabot na paper bag si Ayumi sa kanya. Nang silipin niya ay naroon ang belly dancing costume. “Sana magamit mo pa rin iyan.”

“Sana nga.” Parang huli na kasi ang lahat. Para saan pa niya gagamitin iyon? Kahit anong pang-aakit niya kay Trick ay di na eepekto pa dito?

Nilapitan lang siya ni Trick nang inaayos niya ang clearance niya. Ito kasi ang magbibigay ng permiso para makaalis siya. “May naghihintay sa inyong chopper na maghahatid sa inyo sa San Martin paglapag ninyo sa airport.”

Iyon lang ang sasabihin nito? Na tinitiyak nitong tuluyan na siyang makakalayo sa Stallion Island? Ni hindi man lang ba ito nagdadalawang-isip na mawala siya sa buhay nito?

“Tapos na ba talaga tayo, Trick?” tanong niya at sinubukan itong hawakan subalit sa huli ay piniling ibaba na lang ang kamay dahil sa kalamigang nakikita dito.

“Ikaw ang tumapos nito.”

“You don’t want me to stay anymore,” she said in a raspy voice.

“Give me a reason to make you stay.”

“You love me, Trick.” Tinitiis siya nito pero alam niyang mahal siya nito. Hindi basta-basta magbabago ang damdamin nito para sa kanya.

“I do. Pero mas matatanggap ko na mawala ka sa buhay ko ngayon pa lang kaysa naman masisira din ang gagawin nating pamilya sa huli.”

“Vix, we have to go now,” putol ng Kuya Guilbert niya sa pag-uusap nila. Kinamayan nito si Trick. “Thank you for patiently taking care of my sister. Ako na ang bahala sa kanya mula ngayon.”

Tumango si Trick. He didn’t even give her a kiss or a goodbye hug. Ni hindi nito hinawakan ang dulo ng daliri niya. Nakatingin lang ito sa kanya habang hinihila siya ng kapatid niya palayo. He was losing Trick for real.

“No, Kuya. Ayokong umalis dito,” nangingilid ang luha niyang sabi.

“Give it up, Vix. Let Trick go. You already made your choice. You can’t always have everything.”

No! Hindi niya kayang mawala sa buhay niya si Trick. Ikamamatay niya iyon. Gagawin niya ang lahat ng paraan…kahit anong paraan.

Pilit siyang bumitiw sa kapatid niya. “Kuya, pabayaan mo muna akong kausapin si Trick for the last time. Delay the flight.”

“Stop fighting the inevitable. Walang mangyayari…”

Subalit ubod ng lakas niyang hinatak ang braso niya mula dito at bumalik kay Trick. “Trick, you can’t just let me go like this. Mag-usap tayo.” Hindi siya nito pinansin at patuloy lang ito sa paglalakad. Pinagtitinginan na siya ng mga tao at pinagmumukha siya nitong tanga. Kinuyom niya ang palad at pumikit nang mariin. “Trick, kailangan mo akong panagutan. Buntis ako at ikaw ang ama.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.