“Kinakabahan talaga ako sa loan application ko sa bangko. So far, East Dragon Bank na lang ang hindi sumasagot.”
Aligaga si Jazzmire habang kausap ang mga kaibigang sina Illiana at Freezia. Nasa Jacuzzi sila at nagre-relax para girls night out nilang magkakaibigan. Nasa Stallion Island siya para pag-usapan ang bago niyang business venture at matakasan na rin ang karereto ng Lolo Ping niya sa kanya.
Inalok siyang maging business partner ng kaibigan niyang si Illiana. Mula bata pa ay kilala na niya ito kaya alam niyang mapagkakatiwalaan. Successful na rin ito sa negosyo nitong organic beauty products na plano nitong gawing accessible maging mga masa. Mga mayayaman lang kasi ang dating nakaka-avail ng mga produkto nito. Galing sa mahihirap na komunidad ang gusto nitong maging trabahador at mga magsasakang Pilipino ang kukunan nito ng materyales. Gusto sana niyang makisosyo pero wala siyang makukuhanan ng pera. Sa sitwasyon ng pamilya niya, malabong mapagbigyan siya ng mga ito.
“Jazz, nandito tayo sa spa para kalimutan ‘yang mga alalahanin natin sa pera,” wika ni Freezia at inamoy ang strawberry body butter. “Gusto ko ‘to. Parang gusto kong ipalaman sa tinapay. Parang totoong strawberry.”
Itinulak niya palayo ang coconut mist spray. Nakahilera kasi sa harap nila ang mga products na ila-launch nila. Kasabay ng bonding nila ay ang pag-iisip ng magandang concept sa launching nila. “Ano ba ‘yang mist spray nating parang buko pandan? Nagugutom tuloy ako. Order tayo ng buko pandan cake.”
“Nakakainis ka!” angil ni Illiana. “Kahit anong kainin mo, parang di ka naman tumataba. Kakakain mo lang kanina ng mango cake.”
“Paanong hindi ako kakain? Nai-stress ako.” Kailangan niya ng pera. Kung bakit kasi pagdating sa negosyo ay may kamalasan talaga siya. Kaya sa pagkakataong ito ay ipagkakatiwala niya ang lahat sa mga kaibigan. May napatunayan na ang mga ito sa negosyo.
Lumapit sa kanila ang yoga instructor na si Seeress. “Girls, may special dinner daw para sa first twenty girls na naka-red sa Stallion Wave Restaurant.”
“Sali tayo. Gusto ko ng libreng pagkain. Hindi muna ako kakain,” yaya niya at inamoy-amoy na lang ang coconut mist spray para mabawasan ang gutom.
“Ayaw mo ng lalaki?” nanuksong tanong ni Freezia.
“Bakit? Nakakain ba iyon?” ganting tanong niya.
“Pwede. Maraming yummy dito,” nagniningning ang matang sabi ni Illiana.
Walang pakialam si Jazzmire sa mga lalaki. Ang mahalaga lang sa kanya ngayon ay pera at pagkain. Yummy na lalaki? Isang lalaki lang ang naiisip niyang yummy. Ang impaktong si Andreev Montinola. Naisip tuloy niya kung makakaramdam ulit siya ng matinding atraksiyon tulad sa naramdaman niya kay Andreev.
Oras na makatagpo siya ng ganoong lalaki sa susunod, sasakyan niya sa likod at hindi na niya pakakawalan pa.
“HINDI na kami kasali sa special dinner? Nasa line of twenty din naman ‘yung number ko. Twenty three,” protesta ni Merian na leader ng groupie na Siren na walang ginawa kundi maghabol sa mga kalalakihan ng Stallion Island. “Saka leader ako ng Sirens. May shooting lang ako kaya ako na-late.”
“Miss Merian, late nga kayo kaya di kayo nakahabol sa number. Pwede naman po kayong pumasok pero wala kayong special dinner at di kayo kasali sa contest,” paliwanag ng security dito.
“Merian, tumigil ka na,” iritadong saway dito ng kapatid na si Audric. “Hindi ka ba marunong magbilang? Twenty lang ang tatanggapin nila. Pang-twenty-three ka nga. Kapag may nakarinig sa iyo, baka ipabalik ka pa sa Kinder.”
Nangingiti si Jazzmire pati sina Illiana at Freezia. Mahilig itong gumawa ng eksena at ang grupo nitong Siren. Maaring may mga fans ito dahil sa pagiging artista nito pero pagdating sa Stallion Island ay tino-tolerate lang ito bilang pakikisama sa kapatid nitong si Audric na miyembro doon.
“Mabuti na lang nakahabol ka pa, Jazz,” sabi ni Freezia. “Pang-twenty ka.” Habang pang-twenty-one at twenty-two na ito at si Illiana.
Sumubo siya ng lobster. “Okay lang naman sa inyo ang di manalo ng dinner. Mga vegetarian kayo, di ba?”
“Malay mo sa sobrang swerte mo ikaw pa ang maka-date ng featured bachelor sa gabing ito,” nagniningning ang matang sabi ni Illiana.
“Hindi yata extended sa love life ang swerte ko. Hanggang free meal lang,” sabi niya at inihaw na pusit naman ang binanatan.
Maya maya pa ay nagsalita na sa microphone si Brent na siyang emcee sa gabing iyon. “To our red ladies, you must brave yourselves. We are about to reveal our featured bachelor for the night.”
Hinila siya patayo ni Illiana at kinaladkad papunta sa restroom. “Mamaya ka na kumain pagkatapos ng contest. Kailangan mong mag-retouch.”
“Di naman ako tabain. Bakit pa ako magda…” Isinungalngal nito ang maliit na baso ng mouthwash sa bibig niya.
Natetensiyon din siya dahil sa pagka-aligaga nito. Kumalma lang siya nang maamoy ang buko pandan mist spray ipinusitsit nito sa balat niya.
“Our bachelor loves polo. He is one of the Ten Most Outstanding Young Businessmen in the country,” Brenton introduced.
“Tatlo silang taga-Stallion Island. Si Kuya Illac,” tukoy nito sa social entrepreneur na nagde-develop ng innovative products na ang nagbe-benefit ay mahihirap. Volunteer siya ng foundation nito. “Si Mattheu Segundo.” Isang sikat na publisher ng romance novels at children’s book si Mattheu Segundo. “At si Andreev. Anong gagawin mo kung si Andreev ang featured bachelor?”
“Hindi ko alam.”
Hanggang magazines at diyaryo lang niya nakikita ang binata. Hindi na muli pang nagsanga ang landas nila mula nang magkasama sila sa Cebu at kinagat niya ang tainga niya. At sa di maipaliwanag na paraan ay pinipilas niya ang page kung saan ito naroon at iniipon niya. Di niya alam kung bakit. Hindi naman niya ito ipinapakulanm. Parang high na high pa rin siya dito kahit nabasted na siya. Kapag nakita siya nito, siguradong di siya ang pipiliin nito.
“He is East Dragon Bank’s Vice President. Let’s all welcome our bachelor for the evening, Mr. Andreev Montinola!”
Umugong ang palakpakan sa labas at umuugong din ang pagragasa ng dugo sa tainga ni Jazzmire. Mahigpit siyang humawak sa hamba ng pinto ng restroom dahil nanginig ang tuhod niya. Si Andreev nga! Ito ang featured bachelor sa gabing iyon.
Tumingin siya sa exit ng restaurant. Gusto na niyang takbuhin iyon. O pwede din niyang takbuhin ang balkonahe at talunin ang dagat para makalayo. Wala na siyang pakialam sa libreng pagkain. Ang mahalaga sa kanya ay ang makalayo dito.
Akmang iisip na siya ng escape plan niya nang matigilan siya. Hindi niya alam kung ano ang ikinakatakot niya. Ang muli nilang pagkikita o ang ma-reject nito sa pangalawang pagkakataon?
“Jazzmire, kanina pa kita hinahanap,” sabi ni Leica at inabot sa kanya ang mask. “Isuot mo ‘to. Magsisimula na ang search. Goodluck.”
Or maybe this was her destiny that she couldn’t escape from. Hindi naman siguro siya mapipili ni Andreev sa gabing iyon. Hindi na siya tatakas. After all, mas malakas ang tawag sa kanya ng pagkain. Gutom na talaga siya.
ANDREEV was positive that he was kidnapped. Nagbibihis siya kanina matapos ang dressage practice niya sa locker room nang may tumakip na tela sa mukha niya at may tumusok sa leeg niya. Kasunod niyon ay nawalan siya ng malay. Nang magising siya ay may piring siya sa mata at nakatali ang likod niya.
Kidnapping inside Stallion Island? Sa higpit ng security dito, hindi siya basta-basta magki-kidnap. Maliban na lang kung…
“Relax, Andreev. Walang mangyayaring masama sa iyo. Makisama ka lang at gawin mo ang lahat ng iuutos namin,” bulong sa kanya ng boses na pamilyar.
“Krammer? Anong gagawin mo sa akin? Pakawalan mo ako!”
Ang alam niya ay nasa Davao pa ito para sa isang survival training sa mga mountaineers ng Mt. Apo. Ang alam din niya ay may application ito para maging member ng Stallion Island pero hindi pa aprubado.
“Hindi ka naming pwedeng pakawalan. Utos sa amin ito ng village lords. Baka di maaprubahan membership naming dito kapag di naming ginawa ito,” wika naman ni Michigan at hinawakan siya sa balikat. “Relax ka lang.”
“Paano ako magre-relax? Malay ko ba kung anong inutos nila sa inyo?”
Naalala niya ang ipinagawa sa kanya para maging member ng Stallion Island. Kailangan niyang alamin kung sinu-sino ang mga babaeng na-involve sa village lord na si Alexandros. At kailangan pa niyang i-recite sa harap ng village council at mga miyembro. And that was not an easy feat. Sa kasamaang-palad ay mukhang siya ang assignment ng mga kaibigan para makapasok sa next round ng test para sa pagiging miyembro ng Stallion Island.
“Titiyakin naming na sa gabing ito ay maliligayahan ka,” anang si Krammer sa mapang-akit na boses.
“Kasabwat ba si Denmark dito?” tanong niya.
“Ang alam naming seryoso pa si Denmark sa task niya sa Macau. Kaya hayaan mo na lang kami para magkasama-sama na tayo dito sa isla ng paraiso,” sabi ni Michigan. “Pakakawalan ka naming pero di ka pwedeng tumakas. Isa lang ang masasabi ko. Ikaw ang pinakamaswerteng lalaki sa gabing ito.”
Nakalag ang tali sa kamay niya at dumaloy ang dugo sa braso niya. Nanatili pa ring nakapiring ang mga mata niya. Naramdaman niya ang pag-alalay ng dalawang kaibigan niya at inakay siya. Sumalubong sa kanya ang malamig na simoy ng dagat. Sa di kalayuan ay may boses ng lalaking nagsasalita sa speaker. Si Brenton, isa sa member ng Stallion Island. Lalo siyang kinabahan nang isa-isa na nitong binabanggit ang mga accomplishments niya.
“Let’s all welcome out bachelor for the evening, Mr. Andreev Montinola.”
Bachelor? Anak ng…
May gimmick para sa mga miyembro ng Stallion Island. Sort of a dating search. Pabor iyon para sa ibang mga lalaki na gustong pagkaguluhan ng mga babae. But definitely not him. He had so much to do. Mas gusto na lang niyang makipag-usap sa mga miyembro doon para palawakin pa ang business connection niya. He didn’t have time for this crap.
He was ready to bolt and run away. Subalit maagap ang mga kaibigan niya na pigilan siya at kaladkarin. “Wala ka na sabing takas. Ngumiti ka na lang,” sabi ni Krammer at hinawakan siya nang mahigpit sa braso. “Hindi lang kami ang malilintikan kapag nakatakas ka. Magkakaroon ka rin ng penalty dito kapag tumakas ka.”
Pilit siyang idinala ng mga ito sa harap ng stage. Naramdaman niya ang mainit na ilaw ng spotlight at ang mga matang nakatutok sa kanya. He felt vulnerable with his blindfold. Pinaupo siya ng mga ito sa metal chair.
Hindi niya magawang ngumiti pero pinigilan na lang niyang sumimangot. Baka isipin ng mga nandoon na killjoy siya. Bachelor for the night? What the heck! Parang tanigue siya na ilalako sa palengke.
Hindi pa nga siya nakaka-recover sa bombang ibinagsak ng lola niya sa kanya na pakakasalan niya si Jazzmire Yun. Kaya nga siya nagtungo sa Stallion Island sa weekend na iyon ay para maituon niya ang atensiyon sa negosyo. Tapos ngayon ay ipapa-date siya sa kung sinong babae na hindi pa niya nakikita? Ano namang laban niya? Hindi niya alam kung may galit sa kanya ang mundo at napagti-trip-an siya ngayon.
“Andreev is very hardworking,” narinig niyang sabi ng village lord na si Raddison. “Wala na siyang oras mag-date. And because we care for him, naisip naming na ihanap siya ng makaka-date.” Naghiyawan ang lahat ng mga tao dahil doon.
Care for him? Ginawa siyang entertainment ng mga ito. Natutuwa siguro ang mga ito na ihagis siya sa mga babaeng parang leon na nag-aabang para sagpangin siya. Ano kayang klaseng babae ang ipapa-date sa kanya?
Ipinaliwanag ng village lord na si Ryuhei ang tatlong stage ng pagpili niya ng makaka-date. “First, Andreev will use his sense of smell. Aamuyin niya ang mga bachelorettes natin at pipili siya ng sampung papasa sa first stage.” Nag-block na agad ang utak niya sa paliwanag sa first stage. Gusto na niyang tapusin ang lahat sa unang stage pa lang para makauwi na siya.
Women exposed their necks to him. Nahihilo sa mga naamoy na pabango. Sa dami ng mga naamoy niya, wala siyang nagustuhan. Karamihan ng pabango ay matatapang. Parang sadyang nang-aakit. Walang natural feminine scent na di masakit sa ilong. Parang gusto na lang niyang bumagsak sa sobrang hilo. It was bad enough that he was blindfolded. Lalong na-heighten ang senses niya.
“May nagustuhan ka na ba?” bulong ni Krammer.
“Ilan pa ba sila?” tanong niya. Napakahaba ng gabing iyon. First stage pa lang ay nahihirapan na siya. Paano sa mga susunod pang stage?
“Lima na lang,” sabi nito. “Swerte mo kahit sino sa kanila ang mapili mo. Mukhang magaganda sila at sexy. Sana makidnap din ako kapag member na ako dito. Nakakainggit ang kalagayan mo, pare.”
He gritted his teeth and counted the last ones in line. Titiisin na lang niya. Bahala na kung sino ang mapili niya. Wala naman yatang pinagkaiba sa mga nauna.
“Our last candidate,” narinig niyang sabi ni Brenton.
“Finally,” usal niya. Napapitlag siya nang biglang may kumandong sa kanya.
“Rawr!” bulong ng babae sa tainga niya. “Kapag ako ang pinili mo, dadalhin kita sa langit.”
Ayaw na talaga niyang huminga dahil sa lahat ng mga kababaihang nauna ay iyon ang pinakamatapang ang pabango. At di na niya kailangan pang hulaan kung sino ang babaeng nakakandong sa kanya. Si Merian iyon, ang babaeng pinaka-iiwas-iwasan ng karamihan sa members ng Stallion Island. She was automatically out of his list. Damn! Walang natira sa listahan niya. Wala siyang mapili.
“Nagbibiro lang si Merian,” sabi ni Ryuhei.
“I apologize for my sister,” Audric said in a grave voice. “Hindi talaga siya kasali sa larong ito. Gusto lang niyang patawanin tayo.”
“Kuya, huwag ka namang killjoy. Hindi ako nagpapatawa. Dapat kasali ako sa dating game na ito. Ako dapat ang mananalo,” narinig niyang angal ni Merian. Mukhang hinihila ito palayo ni Audric.
He was relieved for a while but he knew that it was not over. Then his nose caught a sweet smell. Parang buko pandan. Bigla siyang nagutom.
“Gusto ko ng buko pandan,” bigla niyang nausal.
“After round one maybe,” sabi ni Raddison. “Lady in Red. Number Twenty, please step forward.”
Naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya. The sweet smell became stronger. Nang yumuko ang babae sa kanya ay saka natuklasan niya na hindi buko pandan ang naaamoy niya kundi ang babae mismo. She smelled so sweet he wanted to sink in his teeth on her neck. He wanted to devour her… kiss her. Kiss her? Whoa! Napiringan lang ako at nakaamoy lang ako ng babaeng amoy buko pandan ay gusto ko nang manghalik. What the…
Nakaramdam siya ng kawalan nang lumayo ang babae sa kanya. Her scent started to fade. Inangat niya ang kamay niya at nasapo ang kamay ng Number Twenty. It was small and f r fragile. Pinigilan niya itong lumayo. He didn’t want her to go. As if that scent was something he was missing all his life.
“You. I want you,” nausal niya.
“Sino pa ang ibang candidates na gusto mo?” tanong ni Brenton.
Umiling siya at mahigpit na hinawakan ang kamay ng babae. As if it was a lifeline. “Nobody else. I just want her.”
“Are you sure?” tanong ni Ryuhei.
Malakas ang kaba sa dibdib niya nang tumango pero desidido na siya. Ayaw na niyang sumalang pa sa ibang round. Tama na ang babaeng ito para sa kanya. He could drown on her scent the whole night and that was fine with him. Baka sakaling sa bango nito ay makalimutan niya na gusto siyang ipakasal ng lola niya kay Jazzmire Yun, the fierce Chun Li in flesh.
“You make take off your blindfold, Andreev.”
Hinaklit niya agad ang piring sa mata niya sa utos na iyon ni Raddison. Ilang beses siyang kumurap hanggang mag-adjust ang mata niya. Nag-focus ang mata niya sa babaeng nasa harapan niya. Ang babaeng pinili niya para maka-date sa gabing iyon.
She looked like she had a fragile body. Parang isang pitik lang ay mababali na ang buto nito. Even her lips looked innocent. Parang wala pang nakakahalik sa mga labing iyon. Dahil nasa Stallion Wave sila at open area iyon ay hinahangin ang mahaba at tuwid nitong buhok. Nahawakan niya ang ilang hibla niyon. It felt like kiss to his touch.
“You may take off her mask, Andreev,” wika naman ni Ryuhei.
He was trembling as he slid her mask off. Di pa siya nanginig nang ganoon sa harap ng isang babae. Kahit sa dati niyang nobya.
Parang tinadyakan ang dibdib niya nang tuluyang malantad sa kanya ang babaeng pinili niya. It was Jazzmin Rebecca Yun.