Chapter Andreev Montinola: Chapter 9.1

Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ni Jazzmire nang dumaong ang jet ski nila sa Nirvana Island. “Hindi na ninyo kami masusundan! I am free! Hindi na ninyo mapapakialaman ang date ko!” sigaw niya habang nakaharap sa Stallion Island. “Woooo!”

Bumaba ng jetski si Andreev at tinanggal ang susi mula sa ignition. Ihinimpil nito ang jet ski kasama ng iba pang jet ski na ginagamit ng mga staff ng Nirvana Island. “You are really enjoying this. Hindi ka ba natatakot kapag nakaharap mo sila?”

Umiling siya. “Hindi. Natatakot ka ba?”

Bumuntong-hininga ang binata. “Hindi sa natatakot ako. Ayoko lang isipin nila na masama akong impluwensiya sa kanila o di kita nirerespeto o hindi ko sila nirerespeto bilang kamag-anak mo at nakatatanda sa iyo.”

Umikot ang mga mata niya. “Sila nga itong ginuguwardiyahan ang bawat galaw natin. Unfair naman dahil di ko naman sila binabantayan kapag nakikipag-date sila sa iba. Ngayon lang ako makikipag-date sa lalaking gusto ko.”

“So you really like me?” tanong nito at gumuhit ang ngiti sa labi.

“I mean, kumpara sa ibang ka-date ko,” wika niya. “Mas gusto kita kaysa sa kanila.”

“Kahit na masungit ako sa iyo dati?”

Sinipa niya ang buhangin. “Okay lang iyon. Nag-sorry ka naman. Saka babawi ka naman sa akin, di ba? Huwag mo ring intindihin ang mga kapatid at pinsan ko. Mapagkakatiwalaan ka naman.”

“Pero bakit gusto pa rin nila akong bantayan kung mapagkakatiwalaan ako?”

“Baka sa akin sila walang tiwala. Hindi kasi ako normal kapag kasama kita.”

“You look normal to me. Basta ba hindi mo kakagatin ang tainga ko.” At napansin niya ang pamumula nito nang hawakan nito ang sariling tainga.

Natatawa siyang humawak sa braso nito. “You are blushing. You have sensitive ears. I read that it is an errogenous zone. And a playful bite can be arousing.”

“Don’t. Don’t even go there. This is our first date. Let’s keep it… wholesome. Gusto ko na maging komportable tayo sa isa’t isa. And this is the last time that we will discuss my ears.”

“Fine!” aniya at nakangiting kinawayan ang isang staff ng Nirvana Island na papalapit sa kanila. “Hello!”

Nagtatakang lumapit sa kanila si Flaviana, isang conservationist na nagte-training sa ilalim ng manager ng wildlife sanctuary na si Yvankka. “Sir Andreev, Ma’am Jazzmire, hindi po namin inaasahan na dadalaw kayo sa amin.”

“Biglaan lang kasi,” sabi niya at kiming ngumiti kay Andreev. “Let’s say that we need a bit of privacy. Masyado kasing maraming mata na nakabantay sa amin sa Stallion Island. Okay lang naman siguro kung dito muna kami.”

“Nananghalian na po ba kayo?” tanong ni Flaviana.

“Not yet. Nagpa-reserve sana ako ng lunch sa Windy Café pero…” Nagkibit-balikat si Andreev. “Do you think they will accommodate us for lunch?”

“Naghahanda na po ng tanghalian si Nanay Selina sa Nirvana Treehouse. Sumalo na lang po kayong kumain,” sabi ni Flaviana.

“Ayos! Gutom na gutom ako dahil di pa ako nag-aagahan,” sabi ni Jazzmire at hinawakan ang tiyan. “Wala rin kaming pahinga mula pa kaninang umaga.”

“May sasakyan naman po tayo. Ihahatid ko na kayo sa treehouse,” prisinta ni Flaviana.

“Maraming salamat,” wika ni Andreev.

Isang open na jeep ang nag-aabang sa kanila matapos ang dalawang minutong paglalakad. Sumakay sila ni Andreev sa likuran at at kinumusta ang kalagayan ng sanctuary. Sa gitnang bahagi ng isla kung saan matatagpuan ang malawak na kapatagan kung saan malayang nakakatakbo ang mga hayop pati na rin ang headquarters na Nirvana Treehouse.

Ang isla ay nagsilbing tahanan ng mga hayop na na-rescue mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Maraming hayop na pinapatay, ginagamit para sa pangha-hunting bilang isang laro o kaya ay ibinebenta para lang gawing domestic animals, Misyon ng sanctuary na pangalagaan ang mga ito at magkaroon ng sariling kanlungan sa isla. Di madaling magpatakbo ng naturang sanctuary. Para mai-sustain ang pangangailangan ng mga ito ay umaampon ng isang hayop ang bawat miyembro ng Stallion Island. Paborito niya ang inampong white tiger ng kakambal niyang si Julian na si Marley.

Makalipas ang sampung minuto na pagtakbo ng jeep sa pagitan ng malawak na damuhan ay natanaw na nila ang treehouse na nakatayo sa ibabaw ng puno ng acacia. Eco-friendly ang design ng naturang treehouse at may pathwalk na nagdudugtong sa iba pang mas maliit na treehouse na nagsisilbing lodge ng mga tauhan at bisita. Subalit sa main treehouse matatagpuan ang opisina ng Nirvana Island at ang dining area. Nagbibigay iyon ng magandang vista ng paligid ng isla at ang karagatan sa di kalayuan.

“May bisita tayo!” deklara ni Flaviana pag-akyat pa lang nila sa treehouse.

Sumilip ang isang morenang babae na nasa 5’6” ang tangkad at nasa mid-fifties na ang edad. Nakasuot ito ng apron at nakabuka agad ang mga bisig nang makita sila. Si Nanay Selina ang cook at manager ng Nirvana Treehouse and Lodge ng Nirvana Island. “Andreev! Jazzmire! Bigla yata kayong napadalaw dito,” anito at hinalikan sila pareho ni Andreev sa pisngi. “Hindi nabanggit sa akin ni Yvankka o ni Raschid na dadalaw kayo.”

“Biglaan po ang pagdating namin. Pasensiya na,” nahihiyang wika ni Andreev.

“Nanay, makikain na rin po sana kami. Pwede po ba?” nakangiti niyang tanong. Hindi na siya nahihiya kay Nanay Sely dahil parang nanay na ito ng lahat ng miyembro ng Stallion Island. Kahit si Prince Rostam ay nanay ang tawag dito. Lahat sila ay nagpaampon na dito.

“Oo naman. Nakadulog na sina Raschid at Yvankka sa mesa. Kumain na rin kayo. Flaviana, huwag ka nang magpalipas ng gutom. Sumabay ka na rin,” anang si Nanay Sely at inakay sila patungo sa dining area.

“Nandito na pala ang mga nagtanan,” nanunuksong wika ni Yvankka, ang manager ng Nirvana Island. She had wild, curly black hair, eyes with long black lashes, a cute pert nose and luscious lips. Mas mukha itong bagay na socialite o kaya ay modelo kaysa sa isang wildlife conservationist. “Katatawag lang dito ng Kuya Jairon mo, Jazzmire. Tinakasan daw ninyo sila.”

“Paano namin silang di tatakasan? Nakabuntot sila sa amin ni Andreev. Paano naman kami makakapag-date nang matino?” angal ni Jazzmire.

Mula sa isang silid ay lumabas ang prinsipe ng Nirvana Island na si Raschid. He was more than six feet tall. Halatang bilad ang balat nito sa araw pero may makisig na pangangatawan. He had curly light brown hair, an aristocratic nose and keen light brown eyes.

Muntik na silang yumukod ni Andreev dahil kamukhang-kamukha nito ang isa sa village lords na owner ng Stallion Island na si Prince Rostam ng kaharian ng Al-Ashiq. Pero di gaya ng prinsipe ay nakasuot lang ng gray na T-shirt na may tatak ng Nirvana Island ang lalaki at kupas na pantalon. He was ruggedly handsome while the prince was polished. Lagi ring nakangiti ang mga mata nito habang si Prince Rostam naman ay parang laging seryoso. Raschid grew up in the African savannah. Isa pang kaibahan nito ay hindi nito nakuha ang berdeng mata ng prinsipe.

“Hello, runaway lovers,” bati nito sa kanilang dalawa.

“We are not lovers,” protesta agad ni Andreev.

“Yet,” dugtong naman niya at naramdaman agad niya ang matiim nitong tingin sa kanya. Kimi naman niya itong nginitian.

“Mamaya na iyan. Kumain na muna kayo,” saway ni Nanay Selina sa kanila. Hindi na sumama sa kanila ang ibang staff dahil kumain na ang mga ito sa kanya-kanyang post at nagkanya-kanya ng luto.

Matapos manalangin ng pasasalamat ay pinagsaluhan nila ang malaking inihaw na tanigue at binagoongang saluyot at patola na inani mula sa organic garden ni Nanay Selina. Ipinaglagay siya ng pagkain ni Andreev sa plato at sumubo agad siya kahit mainit pa ang kanin. Di na siya nag-abalang magkutsara.

Napansin na lang ni Jazzmire na nakatulala ito sa kanya. “Bakit?” tanong niya at natigil sa pagsubo ng inihaw na isda ang nakaumang niyang kamay. Ayaw ba nito sa babaeng nakakamay. Of course, he was used to finesse. Mukhang hindi si Andreev ang tipo na nagde-date ng babaeng nakakamay lang.

“Mukhang mas masarap nga ang nakakamay,” sabi ni Andreev at nagkamay na rin.

Tahimik na silang kumain at halos di sila nagpapansinan maliban sa manaka-naka nitong paglalagay ng pagkain sa plato niya. Parang nakikipagpaligsahan pa nga ang binata sa kanya.

"Grabe ang gutom ninyong dalawa. Ano bang nang ginawa ninyo at nagutom kayo ng ganyan?" nag-aalalang sabi ni Nanay Selina.

“Kanina pa pong umaga sila di kumakain. Excited po yata sa date nila,” anang si Flaviana at humagikgik. “Tapos po tumakas pa sila sakay ng jet ski mula Stallion Island papunta dito sa atin kaya po gutom na gutom sila.”

“Kumain lang kayo ng kumain diyan. Ako ang bahala sa mga kuya mo, Jazzmire. Hindi ako papayag na makatuntong sila dito sa Nirvana Island para sirain ang date ninyo,” matatag ang boses na sabi ni Nanay Selina.

“Nanay, thank you po,” usal niya.

Nakahinga siya ng maluwag. At least malaya silang makakagalaw ni Andreev. Nirvana Island is a breather from the rules of Stallion Island. Rules meaning her brothers and cousins.

“Nanay, magde-date din kami ni Yvankka,” sabi ni Raschid at hinawakan ang kamay ng dalaga. “Baka kasi uminit na naman ang ulo niya kapag nakakita siya ng ibang nagde-date dito."

Napangiti na naman siya. Duma-da moves na naman si Raschid kay Yvankka. Mabilis na binawi ni Yvankka ang kamay mula dito. "Kung gusto ko ng ka-date, hindi ko kailangan ng kawanggawa mula sa iyo. For your information, marami akong manliligaw na iniwan sa mainland. Hindi ako interesado sa kanila at di ako interesado sa iyo."

"Sabi mo lang iyan pero nahuhuli naman kitang nakatitig pag nagbibihis ako. You have the hots for me. I know. Kaya nga huwag mo nang sayangin ang pagkakataong maka-date ako. I can make you feel like a princess."

"Huh?! You are a fake prince so that makes me a fake princess. Makikipag-date na lang ako sa tigre kaysa sa iyo. kung tapos na ang tanghalian mo, bumalik ka na sa trabaho mo, Your Highness. Si Puma Ley-ar ayaw kumain. Ikaw lang hinihintay. Spoiled ang pusang 'yun sa 'yo," reklamo ni Yvankka.

“Sino si Puma Ley-ar?” tanong ni Jazzmire. “Kalaban ni Shaider?”

“Iyon ang puma na na-rescue mula sa isang milyonaryo na ginagamit ang mga exotic na hayop para paglabanin sa cage,” paliwanag ni Andreev sa kanya.

"Ikaw lang naman ang di umaamo sa akin." Saka pinisil ni Raschid ang pisngi ni Yvankka. "Nagselos ka sa mga babaeng dumikit sa akin 'no?"

"Unggoy! Inaalala ko 'yung mga alaga mo dito. Di porke't kahawig mo si Prince Rostam at suma-sideline kang impostor niya para mag-entertain ng guests dito, may lisensiya ka nang pabayaan ang mga responsibilidad mo dito. Bakit ba bibigyan lang ako ng tauhan, 'yun pang sakit ng ulo?"

"Ligawan mo na kasi ako at sasagutin kita para di mo pagselosan 'yung mga babae na dumidikit sa akin."

"Wag kang mangarap diyan." Ipinadyak ni Yvankka ang isang paa. "Nanay Sely, 'yang anak ninyo, masasaktan ko iyan."

"Raschid, 'yung puma pakainin mo na. Wag mo nang inisin si Yvankka,” malumanay na wika ni Nanay Selina.

Inakbayan ni Raschid si Yvankka. "Let's go, sweetheart. Bati na tayong dalawa." Pumiksi si Yvankka at naririnig nila ang bangayan nito habang pababa ng treehouse.

“Aalis na rin po ako. Baka kailangan nila ng referee,” paalam ni Flaviana.

"Parang aso't pusa sila," natatawang sabi ni Jazzmire. "Ganyan din po kami ni Andreev dati. Sungit kasi. Ayaw pang magpaligaw dati."

"Ayoko sa babaeng nanliligaw. It is not proper,” katwiran ni Andreev at naging pormal ang mukha.

"That’s too archaic. Kailangan ba talaga lalaki lang ang kailangang manligaw sa babae?” angal niya. “Moderno na ang panahon ngayon. Pinalaki ako ng magulang ko na kapag may gusto daw ako, kailangan ako mismo ang kumuha. Huwag kong hintaying lumampas ang pagkakataon. Hindi porke’t babae ako kailangan ko na lang maghintay sa isang tabi. I must take matters in my own hands. Gender equality. Kung ginagawa ng lalaki, kaya rin ng babae. Kung nakakapanligaw ang mga lalaki, pwede din manligaw ng babae. Pwede din kaming magyaya ng date. Pero dahil ikaw ang nagyaya ng date sa akin, I will try to behave a bit.”

“Behave a bit?” magaang tumawa si Andreev. “After that stunt a while ago, iniisip ko tuloy kung paano ka pa magbe-behave. That is scary.”

“I will keep my hands to myself. Promise!”

Bahagya nitong inilapit ang mukha sa kanya. "Parang ayokong maniwala. Anong plano mo para sa date natin ngayon? The ball is in your court now since you busted my plans.”

She just wanted to be alone with him. Gusto niyang malaman nito na masaya siyang kasama ito. Noong una kasi ay parang di siya nag-e-exist sa mundo ni Andreev. She was just a nuisance. Pero nakikita na siya nito ngayon bilang babaeng may opinyon na maaring pakinggan. He was giving her the power to decide on their date now. She felt oh-so-powerful now. If he only knew the wicked things she wanted to do to him.

Hands to yourself. Mind of the gutter.

"Gusto kong mamasyal," nasabi na lang niya at bumaling kay Selina. "Nay, pwede po bang mamasyal kami ni Andreev? Di ko pa po naiikot ang buong Nirvana Island."

Dinalaw lang niya noon ang alagang white tiger ni Julian na nakalagak sa sanctuary. Dahil maraming trabaho kaya di rin siya nagtagal at di naikot ang buong isla.

"Sige. Pagkatapos ninyong magpahinga. Sinong gusto ng dessert? May buko pandan dito,” alok ni Nanay Selina.

"Favorite ko po 'yan. Gusto ko po,” excited na sabi niya at pinagsalikop ang palad.

"Ikaw, Andreev?" alok ni Selina dito.

"Thank you po. Saging na lang po ang kakainin ko." At saka pumiraso ito ng saging na señorita na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

"Ayaw mo ng buko pandan? Masarap 'yon,” sabi ni Jazzmire.

"Ikaw lang amoy buko pandan na dahil sa mist spray mo." Hinaplos nito ang gilid ng labi niya. "So I will just kiss you and drown myself in your scent. Parang nag-dessert na rin ako."

Nag-init ang pisngi niya dahil titig na titig ito sa kanya. As if he wanted to kiss her there and then. Ibinaba niya ang tingin. "Akala ko ba ayaw mo sa mist spray ko?"

"Well... Di ko matanggap na pwede akong ma-attract sa 'yo. Even your sharp tounge was attractive that's why I kissed you."

Itinulak niya ang balikat nito. "Nakakainis ka! Pakipot ka kasi. Bakit di mo sinabi agad? Pinahirapan mo pa ako. Sungit-sungitan ka pa. Gusto mo naman pala ako."

Masamang-masama pa mandin ang loob niya noon dahil akala niya ay ayaw nito sa kanya. Wala naman pala siyang dapat na ikasama ng loob.

"Hindi ko naman alam kung ano ang intensyon mo sa akin. Malay ko ba kung ano talaga ang habol mo sa akin."

"Just you and your luscious body?" nakangisi niyang wika.

Nagdilim ang anyo nito. "That got us in trouble in the first place. But you are worth the trouble."

"Maliligo ako ng coconut cream mist spray nito,” kinikilig na sabi niya.

At least mas malinaw na sa kanila ngayon ang lahat. She appreciated the honesty between them. Mas gusto niya ang Andreev na nakikilala niya ngayon.

“SA ngayon ay mahigit isang libong iba’t ibang uri ng hayop ang ina-accommodate namin sa Nirvana Island Wildlife Sanctuary. From birds to reptiles and our furry mammals,” paliwanag ni Raschid habang pinapanood ang pagkain ni Puma Ley-Ar sa malaking kulungan nito. It was not a usual cage. Isang malaking closed area ang pinaglalagyan ng naturang puma para malaya pa rin itong makagala sa kulungan.

“Bakit pala hindi malayang nakakagala si Puma Ley-Ar di tulad ng ibang mga hayop tulad ni Marley?” tukoy niya sa white tiger na ini-sponsor-an ng kapatid niya.

“Galing talaga sa wild si Puma Ley-Ar at nai-rescue. He is too wild to be left in the open. Si Marley naman ay exposed na sa mga tao mula pagkabata. Wala siyang konsepto ng paglaki sa wild kaya naman parang malaking pusa lang siya.”

“Hindi ba sila ibabalik sa wild?” tanong ni Andreev.

“Kailangan pang pag-aralan kung pwede silang ibalik sa wild at sa kanya-kanyang bansa. Aalamin pa namin kung base sa behavior ng iba sa kanila ay kakayanin nilang maka-adapt sa wild. May mga hayop din na may community o family concept at maaring di sila tanggapin kung ibabalik sila sa wild. At siyempre titingnan din namin ang sitwasyon sa mga environment na pagbabalikan sa kanila. Baka naman talamak ang poaching at di rin sila mapoprotektahan,” paliwanag ng binata.

“Sinong pet mo dito?” tanong niya kay Andreev.

“Wala. I just donate to the sanctuary. I never had a pet since I was a kid.”

“Wala pa?” gulat na tanong niya.

“When I was young, parang napakalaki na ng responsibilidad ko. Bata pa lang ako itinanim na sa utak ko na ako ang mamamahala sa East Dragon Bank. To get a pet is too much of a task. Too much of a responsibility. Mapapabayaan ko lang siya. Hindi rin madali na magkaroon ng girlfriend kapag ganoon. Napagseselosan ang trabaho ko.”

“Oh!” Iyon siguro ang nangyari sa dati nitong nobya. “Pero naglaan ka ng oras mo para sa akin.” Sigurado si Jazzmire na kung normal na weekends ay nagtatrabaho si Andreev.

“And I intend to spend more time with you.”

“May bago kaming treehouse,” singit ni Raschid sa usapan nila. “Mula doon ay mas makikita mo ang view ng buong isla pati ang Stallion Island tanaw doon. Mainit pang mamasyal ngayon kaya doon muna kayo.”

Nang makarating sila sa baba ng treehouse ay nawala ang ngiti ni Jazzmire. “Uh oh!”

“Bakit?” tanong ni Andreev sa likuran niya.

“Masyadong mataas,” usal niya. Ngayon pa lang ay nahihilo na siya sa makitid na paikot na hagdang kahoy. Imposing ang dating ng punong pagkataas-taas na mas mataas pa sa ibang punong nasa paligid. Di yata kakayanin ng puso niya.

“Where is that girl with the sense of adventure? Akala ko wala kang kinatatakutan?”

Lumunok siya at naramdaman niya ang panlalamig ng kamay niya. “Ayoko sa mataas. Kaya kong magpatumba ng sampung lalaki nang sabay-sabay. Hindi ako natatakot. Just… ayoko ng matataas na lugar. Nalulula ako. Bumalik na lang tayo sa beach. May treehouse naman doon at mas mababa pa.”

Umiling si Andreev. “Come on, Monkey Girl. Where is your sense of adventure?”

“You called me a what?”

“Monkey Girl. Malakas ang loob mo na sumakay sa likuran ko, di ba? Dapat kaya mo ring umakyat sa puno. You want this to be a fun date. The view on this treehouse is perfect. Kapag hindi mo nilabanan ang takot mo, Monkey Girl ang lagi kong itatawag sa iyo.”

Nakuyom niya ang palad. Naiinis siya dito. “Bakit mo ba ako pinipilit? This is our first date. You should be protecting me and comforting me.” Hug her maybe because she was scared. Anything to make her feel comfortable.

“You are one hell of a woman. I want to honor your strength. Masisiyahan ang ego ko kung yayakap ka lang sa akin at hahayaan mo akong i-cuddle ka. Pero gusto kong ma-enjoy mo ang magagandang bagay sa buhay. Because you are wild. You are free. And I want to show you the beautiful things. Katulad nang ipakita mo sa akin na pwede pala akong mag-break ng rules at magkaroon ng sense of adventure. Iwan ang mga nakasanayan ko.”

Oo nga naman. Andreev was too staightlaced. Pakiramdam nga niya ay sapat nang adventure dito ang maglaro ng polo pero sa huli ay lagi pa rin itong sumusunod sa rules. He broke those rules for her. Parang bad boy ito na itinakas ang ka-date nito mula sa mga bantay nito. And now he was asking the same from her.

“Paano kung malaglag ako?” tanong ni Jazzmire.

“I won’t allow that.” Ginagap nito ang kamay niya at pinisil. “I am here for you. Saka di ka rin naman basta-basta malalaglag dahil may hawakan.”

Napalunok siya at muling tinitigan ang hagdan. Kaya niya ito. May tiwala sa kanya si Andreev. Gusto nitong mag-enjoy siya sa date nila. Huminga siya ng malalim at ihinakbang ang paa sa unang baitang. Hindi siya kumibo sa takot na mawala ang concentration niya. Naramdaman naman niya si Andreev sa likuran niya at nakasunod.

Nasa pang-dalawampung baitang na yata siya nang bigla siyang tumingin sa baba. Nanigas ang buong katawan niya at pinangapusan siya ng hininga. “Andreev, bumaba na tayo.”

“Huwag kang tumingin sa baba. Sa taas ka lang tumingin. That is your goal. Come on! Or do you want me to call you Monkey Girl forever?”

Tumigas ang anyo niya. “Of course not. Joke ko lang na bababa ako.”

Kung gusto niyang magkaroon ng pet name sa kanya si Andreev, hindi niya gustong Monkey Girl ang itawag nito sa kanya. Then she must work on it. Hindi siya halos humihinga habang umaakyat sa taas. Hindi na niya pinansin na pataas sila nang pataas sa lupa. Na nasa ibabaw na sila ng mga puno. Na nagsisimula na siyang hingalin sa bawat hakbang. Pinagpapawisan siya ng malapot. Gaano pa ba karami ang hahakbangan niya.

“Don’t give up on me, Jazzmire. I am always here,” sabi ni Andreev. “Ilang hakbang na lang iyan at makakarating na tayo sa taas.”

“Why are you not giving up on me?”

“Kasi gusto kitang makasama hanggang sa taas,” nakangiti nitong sabi. “Magkasama tayong tumakas sa Stallion Island. Kaya sa date natin na ito, gusto kong ma-experience natin ang lahat. Come on. You are almost there.”

Suminghap siya ng hininga at nagpatuloy sa pag-akyat. She loved the sound of that. Na gusto siyang makasama ni Andreev sa mga karanasan nito. At gusto rin niya iyon.

Nang sa wakas ay makasampa siya hanggang sa taas ay saka lang siya nakahinga nang maayos at tuluyang pinakawalan ang lahat ng takot na nararamdaman niya. Nasa porch pa lang sila ng treehouse. Hindi niya mapigilang mamangha nang iikot ang paningin sa paligid. Nasa ibabaw sila ng mga puno. At sa dako pa roon ay tanaw na nila ang dagat at ang Stallion Island. Hindi pa rin siya makapaniwala na nakarating sila sa taas.

Nagulat siya nang yakapin siya ni Andreev mula sa likuran. “You did it. Nakarating ka rin dito sa taas.”

“Nandito na nga ako sa taas,” usal niya pero parang nalulula pa rin siya dahil sa yakap ni Andreev. Hindi siya makapaniwala na yakap siya nito. It was a great feeling. Parang nasa tuktok siya ng mundo. Animo’y pumapailanlang siya sa alapaap. Kung lagi siya nitong yayakapin, kahit siguro tuktok ng Mt. Everest ay aakyatin niya para lang dito. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya nang makabawi sa pagkalutang niya. “Nandito na ako sa taas!” Yakap! Yakap ako ni Andreev! Sobrang saya ko!

“And you are not monkey girl anymore,” nakangiting sabi ni Andreev.

“Ano na ako?” tanong niya.

“You are my Supergirl. I know I am too staid for you. Too boring and serious and so straightlaced. Pero binago mo ang lahat iyon. Kahit na anong sabihin ko na ayoko sa iyo at sa katulad mo, nakakagawa ka ng paraan para tibagin ang pader sa paligid ko. I will try my best to be more open. And I will also do my best so you can experience the best things in life.”

“Thanks, Andreev,” usal niya at tiningala ito.

Then she met the intense look in his eyes. It was dark and smoldering. Naramdaman na lang niya na parang namamagneto siya dito. At unti-unting lumalapit ang mukha nito sa kanya. Kumabog ang dibdib niya. Andreev was about to kiss her. Dahan-dahang pumikit ang mga mata niya. They kissed before but this was different. He was about to kiss her because he wanted to. Because he was her Supergirl. And because he wanted to be with her.

Biglang bumukas ang pinto ng treehouse. Bigla silang lumingon ni Andreev at nakitang nakatayo doon ang isa sa mga staff na si Mang Abner. “Sorry, Sir, Ma’am. Hindi ko po alam na may tao po dito.”

Di niya maiwasang mapasimangot bago pilit na ngumiti. Pambihira! Wrong timing.

“Ayos lang po, Mang Abner,” sabi ni Andreev at bahagyang lumayo sa kanya.

Si Mang Abner at ang pamilya nito ay ilan sa orihinal na naninirahan sa isla hanggang mabili ang lupa at gawing sanctuary. Sa halip na paalisin ang mga naninirahan doon ay ginawa na lang mga tagabantay ang mga ito at tinuturuan kung paano mangalaga sa hayop at kalikasan.

“Gusto po ba ninyong zipline?” tanong ni Mang Abner sa kanila.

“May zipline na dito?” tanong ni Andreev.

“Opo. Nandoon po sa kabilang porch ng treehouse. Kalalagay lang po kahapon pero na-test na po namin iyan. Sa kabilang treehouse po kayo makakatawid.” At itinuro nito ang isa pang treehouse na nasa kabilang bahagi ng kakahuyan.” Tiningnan niya ang lubid. Tatawid iyon sa ibabaw ng kapagatan kung saan nagtatakbuhan ang mga hayop. “Maganda po ang view.”

Umiling siya at umurong. “No! No! Hindi ko pa gustong mamatay.” Iba ang may solid siyang tinatapakan at iba naman ang literal na lumilipad at di niya alam kung paplakda na lang siya sa lupa anumang oras.

“Hindi ka naman mamamatay. May mga safety measures silang ginagawa para matiyak na hindi ka babagsak. Siyempre maingat sila dito,” paliwanag ni Andreev.

“Pwede naman pong kayong dalawa ni Ma’am ang magkasama at naka-Superman style po,” paliwanag ni Mang Abner.

“Ayaw po yata si Monkey Girl, Mang Abner,” sabi ni Andreev.

“You called me a what? Sabi mo di mo na ako tatawaging Monkey Girl.”

“Only when you are chicken,” anito sa nanunuyang boses. “So do you want to be Monkey Girl or my Supergirl? We can fly together.”

Ginagap niya ang kamay nito. “Fine. I will be your Supergirl.” May tiwala siya kay Andreev. Hindi siya nito pababayaan.

PUMAILANLANG ang sigaw ni Jazzmire sa buong Nirvana Island. Humahagibis siya habang nakadapa sa ere at nakasabit sa zipline. Subalit sa pagkakataong ito ay hindi na takot ang namamayani sa kanya kundi tuwa at pagkamangha. She was flying. Nasa baba niya at paligid ay ang magagandang tanawin - ang gubat, ang karagatan, ang kabundukan at ang mga exotic na hayop na nanginginain sa damuhan sa baba. At kasama sa magandang tanawin ay si Andreev na hawak ang kamay niya at naka-strap din sa contraption gaya niya habang naglalakbay sa zipline.

Kanina ay nanlalamig pa siya at muntik nang mag-backout. But she said yes to Andreev. She said yes to being his Supergirl. At gaya ng pangako nito ay hindi nito binitawan ang kamay niya. Hindi naman siya nagsisisi. It was quite an experience. Parang tinangay lang ng hangin ang lahat ng takot niya.

Tama nga si Andreev. Hindi niya mae-experience ang magagandang bagay sa buhay kung matatakot siya. Habang ang binata naman ay masyadong abala at seryoso sa buhay para mag-enjoy. Both of them needed this.

Makalipas ang tatlumpung segundo ay nabitin ang sigaw niya nang makarating sila sa landing platform. Pakiramdam niya ay humiwalay ang kaluluwa niya sa katawan niya at lumungayngay ang ulo niya. "Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Andreev.

"Oo naman," aniya at nakangiti nang iangat ang ulo. "That was awesome. Ulitin ulit natin."

"Panglimang zipline na natin ito. Hindi ka ba napapagod?"

"No. And besides, nakakatulong tayo sa sanctuary."

Pandagdag sa kita ng sanctuary ang kita sa zipline at sa iba pang amenities na idadagdag doon. Nagsisimula nang dayuhin ang Nirvana Island dahil sa angkin nitong ganda, sa mga hayop na naroon at iyon din ang pinakamalapit na pwedeng malapitan ang Stallion Island para sa mga walang pagkakataong makapasok sa riding club.

"Pagod ka na. Sa ibang araw na lang natin ito gawin. Nagpahanda ako ng pagkain kay Nanay Selina at ise-serve daw sa beach."

Isang picnic ang nakahanda sa kanila sa cottage ng beach. "Andreev, this is really nice. Na-appreciate ko ang lahat ng ginawa mo para sa araw na ito."

"For someone so thin, you really like to eat a lot."

"Namana ko sa Chinese ancestors ko. Kaya kahit parang construction worker ako kung kumain ay hindi man lang ako tumataba."

"You really look so fragile."

"Looks can be deceiving."

"I realize that now. I enjoy discovering more about you."

"Hindi ako makapaniwala na magkasama tayo ngayon. Na magkasundo tayo. There was a time when you were such an arrogant jerk. Wala kang pakialam sa nararamdaman ng iba."

"I am trying to change that."

Tumango siya. "I know. I can see that."

"It is so nice here."

"Dapat sana doon tayo sa private beach ngayon. I reserved it for us."

"Nasa private beach din naman tayo ngayon. Nag-enjoy ka ba?"

"Of course. Pero kailangan na rin nating bumalik sa Stallion Island. Papalubog na ang araw at mahihirapan tayo kapag dumilim na."

Bumigat ang dibdib niya. "Why does it has to end?" Kung kailan nag-e-enjoy siya sa company ng binata ay saka matatapos ang lahat. Pagbalik nila sa Stallion Island ay wala na silang privacy at tiyak na nakaabang na ang pamilya niya para iihaw sila.

"It isn't over. We still have a date tomorrow. At marami pang susunod doon."

Biglang naglaho ang lungkot niya. "Really?"

"Yes. Magpaalam na tayo sa kay Nanay Selina. Basta babalik pa tayo dito sa Nirvana Island. Dapat magplano tayo para sa next adventure natin."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.