MAHIGPIT ang hawak ni Jazzmire sa braso ni Andreev habang nasa loob ng dance club. Pinakikiramdaman niya ang mga babae sa paligid. Kung makatingin ang mga ito maging matatandang amiga ni Lola Milagros ay parang kakainin ito nang buhay. Ayon kay Lola Milagros ay pinag-iinteresan si Andreev ng amiga nito para sa apo nito.
"Jazz, gusto mong magsayaw ulit?" yaya ni Alfonso na katatapos lang isayaw ang apo ng amiga ni Lola Milagros.
"Hindi. Okay na ako dito." Hindi talaga niya iiwan si Andreev.
"You will bore yourself with him. Hindi ka isasayaw ni Andreev. Parehong kaliwa ang paa niyan," kantiyaw ni Alfonso. Pagdating sa pagsasayaw ay master talaga si Alfonso. And he was also a master in seduction. He was Andreev's exact opposite. Siya lang yata ang di naaakit kay Alfonso. Kay Andreev lang talaga siya.
"Muntik nang di makapasok si Andreev sa Stallion Island dahil parehong kaliwa ang paa niya," tatawa-tawang sabi ni Lola Milagros.
"Ha? Totoo ba iyon?" tanong niya at tiningala si Andreev.
Alam niyang may mga pinagdadaanang task ang mga miyembro ng Stallion Island bago tanggapin sa Stallion Island pero di nagsasalita ang mga kapatid at pinsan niya. Mukhang kasekre-sekreto ang mga task na iyon.
"They won't let me go. Si Prince Rostam at si Lord Evandro mismo ang nagbigay ng invitation sa akin para sumali ng Stallion Island. Those little silly tasks had no bearing on my membership," palabang wika ni Andreev. "Gusto mo bang makasayaw si Alfonso?"
Umiling siya. "No. Pagod na ako."
Pinagbigyan lang talaga niya si Lola Milagros na magpaturong mag-swing kay Alfonso. She had fun. Pero nang makita niya si Andreev ay nakalimutan na niya ang lahat ng itinuro ni Alfonso. Kahit na tatlo pa ang paa ni Andreev ay ito pa rin ang gusto niyang kasama.
Hinaplos nito ang buhok niya. Ayaw niyang hinahaplos ang buhok niya na parang bata pero okay lang sa kanya kung si Andreev ang gagawa. "You should be resting. Malapit na ang launching ninyo."
"Gusto mo na bang umuwi, Jazzmire? Pwede kang ihatid ni Alfonso at si Andreev na ang maghahatid sa akin,” wika ni Lola Milagros.
"Po?" bulalas niya at tumayo ng tuwid.
"Mas malapit ang bahay ko sa inyo,” sabi ni Alfonso.
Mahigpit siyang humawak sa braso ni Andreev at humihingi ng saklolong tumingin kay Andreev. Ayaw niya kay Alfonso. His brother was safe and nice and funny. She enjoyed Alfonso’s company but he was not Andreev. Gusto niyang si Andreev ang makasama niya.
Pinisil nito ang kamay niya. "Lola, ako na po ang maghahatid kay Jazzmire. Marami po kaming pag-uusapan."
"Lola?" paghingi niya ng permiso kay Milagros.
Tumango ito. "Sige na. Sumama ka na kay Andreev. I will meet you at the launching?"
Yumakap siya dito. "Thank you, Lola. Nag-enjoy po ako."
"Sabihin mo lang kung kailan ka available para sa dance lesson," sabi ni Alfonso.
"Don't bother. Kaming dalawa ang magkasamang magda-dance lesson ni Jazzmire," singit agad ni Andreev at hinawakan ang baywang niya. Napapansin niya na possessive ito sa kanya ngayon. But she loved that. Kung possessive siya dito ay ganoon din ito sa kanya. Parang ayaw siyang palapitan sa ibang lalaki. That made her feel secured. Na mahalaga siya dito.
"Nag-enjoy ka sa dance lesson mo?" tanong ng binata nang nasa kotse na sila.
"Masaya. Mabait si Alfonso at di nagagalit kahit mahina akong maka-pick up ng steps. Mahaba ang pasensiya niya at kahit natapakan ko ang paa niya ay di siya nagagalit. He is such a sport." Gusto naman niyang i-build up kay Andreev si Alfonso. Gusto niyang makita nito na mabuting tao ang kapatid nito.
"Do you like him?"
"Oo naman."
"I see," mahina nitong usal. "At kung manliligaw man siya sa iyo, sasagutin mo siya?"
Natawa siya sa tanong nito. "Ano? Paano naman tayo napunta diyan? Hindi ako liligawan ni Alfonso. Saka kahit ligawan pa niya ako hindi ko siya sasagutin. Hindi siya ang type ko."
"Pero sabi mo gusto mo siya."
"As a friend,” paglilinaw niya. “Bakit mo ako tinatanong ng ganyan? Kapag ba sinabi kong gusto ko si Alfonso, anong gagawin mo?"
Tinitigan siya nito sa mga mata. "I will let you go."
Nahigit niya ang hininga. "Because you don't like me?"
"I just want you to be happy. Baka hindi kita napapasaya kapag magkasama tayo. Hindi katulad ni Alfonso na napapasaya ka."
She could sense the sadness in his voice. Or was it insecurity? Hindi si Andreev ang tipong nai-insecure. Ang alam nga niya ay ito ang tipo ng lalaking naniniwalang sapat na ang presensiya nito para sumaya ang isang babae.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. "Andreev, hindi mo ba nakikita na masaya ako kapag kasama ka?"
"Lagi ka namang masaya. And you are the one who always cheers me up. Kaya di ko alam kung masaya ka kapag kasama ako."
Nasa dulo na ng dila niya na sabihin ditong mahal niya ito. Subalit pinigilan niya ang sarili dahil di niya alam kung ano siya para dito.
"Bakit importanteng malaman mong masaya ako?"
"Paano ko makakasama habambuhay ang isang babaeng hindi ko kayang pasayahin?" Mataman siya nitong pinagmasdan. "I love you, Jazzmire. Kaya gusto kong matiyak kung kaya kitang pasayahin."
"Gusto mo akong pasayahin?"
"Oo."
"Then kiss me."
Hinatak niya ang necktie nito hanggang magpalapit ang mukha nila sa isa’t isa. “You said I am not a good kisser. I might disappoint you.”
“Sabi ko lang iyon para inisin ka. To wipe out that arrogant grin on your face. The truth is I enjoy kissing you… a lot.” Hinawakan niya ang pisngi nito. “Come on, Andreev. Do I have beg?”
Andreev searched her eyes as if was hesitant to kiss her first. But when their lips touched, she felt electricity shot right through her. Kanina ay wala na siyang lakas at nanghihina pero ngayon ay parang sinaksakan siya ng adrenaline. His kisses made her feel so alive.
It was so sweet that it made her want to giggle. She thought that he was an alpha man. That he was aggressive and would always show his dominant specially in kissing. Pero alagang-alaga siya nito. Tinrato siya nito na parang babasaging porselana at natatakot itong mabasag siya. She didn’t complain at all. He made her feel like a woman who was loved and protected.
She had a dreamy look in her eyes when she opened it. At sinalubong niya ang matiim na ngiti ni Andreev. Na parang naguguluhan pa rin ito.
"Anong ibig sabihin ng halik na iyan? Katawan ko lang habol mo sa akin?" magkasalubong ang kilay niyang tanong.
Di niya alam kung matatawa o maiinis dito. "Sapakin kaya kita diyan? It means that I love you. I love having you near me. I love it when you kiss me. I love you the first time I saw you at natriple na iyon ngayon. Ngayon pwede na siguro kitang maging boyfriend."
Isang aroganteng ngiti ang sumilay sa labi nito. "Oo naman. Nakuha mo na gusto mo sa akin. Wala naman akong magagawa, hindi ba? I am a ruined man." Siguro ay tinutukoy nito nang makita niya itong nakahubad sa shower.
Hinampas niya ang braso nito. "A, ganoon?"
Humalakhak ito at niyakap siya. "I promise you won't regret loving me. I will take care of this gift. Thank you for Jazzmire, Jazzmire.”
Nang muli nitong angkinin ang labi niya ay wala nang pag-aalinlangan doon. Gone was the hesitancy. He was claiming her as his this time. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakamasayang babae sa gabing iyon. Mahal din siya ng lalaking mahal niya. Akala niya ay di siya magiging ganoon kasaya. Sana ay hindi na matapos ang kaligayahang nararamdaman niya.