“I can’t believe it. We are launching in a couple of weeks. I hope we can pull this off,” sabi ni Illiana na hindi mapakali na pabalik-balik ng lakad sa suite nila sa Stallion Island Guests Lodge. Ipinakita kasi niya dito ang bagong website ng Human Loves Nature. Hindi na iyon simpleng page lang sa Facebook kundi may sarili na silang website kung saan mas systematic na pati ang pag-order sa kanila. Magbubukas din ang branch nila sa naturang mall kasabay ng launching.
“Jazzmire, ikaw ang laging pinakakalmado sa atin. Pati ako kinakabahan sa iyo,” wika ni Freezia. “Pumirmi ka nga.”
Nilagyan ni Jazzmire ng minty lip gloss ang labi niya. Then she smacked her lips. “I am ready,” nakangiti niyang wika at mula sa salamin ay hinarap ang mga kaibigan. “Aalis na ako para sa date namin ni Andreev.”
She was wearing a white long sleeve polo and fitted jeans. Nakasuot din siya ng hanggang kalahati ng tuhod na riding boots. Ayaw na niyang problemahin ang tungkol sa launching dahil ginawa naman na nila ang lahat.
“Wow! Buti ka pa relax na relax para sa date mo,” sabi ni Illiana.
“Oras na siguro para magkaroon ka ng love life,” nakangisi niyang sabi at hinalikan ang kaibigan sa pisngi. Si Freezia ay may sarili ding love life sa katauhan ng modelong si Cody na dati pang umaaligid dito kaya naman kahit na kinakabahan din ito sa launching nila ay may guwapong lalaki namang magko-comfort dito.
“Seriously, ngayon ka pa nag-suggest na magkaroon ako ng love life kung kailan nalalapit nang matupad ang mga pangarap ko,” wika ni Illiana. “Marami akong naka-line up na bago pang products. Kailangan kong pag-aralan ang…”
“Shhh!” aniya at inilapat ang hintuturo sa labi ng kaibigan. “Enough! Stop freaking out. Maraming guwapong gustong makipag-date sa iyo dati pa. Pwede kang mag-ask kay Kuya Illac ng listahan ng aprubado niya.”
“Kailangan talaga lalaki ang pampa-relax?” tanong ni Freezia.
Pumikit siya at ngumiti nang maisip ang guwapong nobyo. Andreev was a breathe of fresh air in her life. Lagi itong may sorpresa para sa kanya. Kahit na abala ito sa trabaho ay hindi siya nito nakakalimutan katulad ng date nila ngayon. Ito ang nag-suggest na pumunta muna sila sa Stallion Island at nag-set ito na mag-horseback riding sila.
“Kapag in love ka, pakiramdam mo parang lagi kang may energy. Parang lagi kang masaya. Parang magaan lang ang lahat ng problema dahil palagi kang inspired. Kailangan mo lang ng inspirasyon, Illiana. You need to be in love.”
“Puntahan mo na nga si Andreev. Alam mo naman na ayaw no’n ng late. Hayaan mo na lang akong magbaliw-baliwan dito,” pagtataboy ni Illiana sa kanya.
Nag-flying kiss siya sa mga kaibigan. “Bye!”
Mula sa guests lodge ay tumuloy siya sa barn kung saan ay nakahanda na ang kabayong si Flighty Dancer na siyang paborito niyang sakyan at naka-reserve sa kanya. Nakahanda na rin ang riding horse na madalas sakyan ni Andreev na si Emperor. May-ari ito ng isang polo horse na si Fierro. Pero para sa ibang activities ay nagre-rent ito ng kabayo na pag-aari ng riding club para sakyan nila. Ang alam niya ay plano nitong bilhin sina Flighty Dancer at Emperor pero under negotiation pa.
“Dumating na ba si Andreev?” tanong niya sa groom na si Winwin.
Umiling ito. “Hindi pa po, Ma’am. Ipinahanda lang po niya ang mga kabayo ninyo. Sa waiting area po muna kayo maghintay, Ma’am.”
Nagtungo siya sa airconditioned na waiting area kasama ang iba pang miyembro at guest na naghihintay na maihanda ang kabayo ng mga ito. Inabala niya ang sarili na pagbabasa ng magazine. Maaga pa naman siyang dumating. Sigurado siya na di magtatagal ay dadating na rin si Andreev. Tinanggap niya ang inalok na jasmine tea at pretzels habang nagpapalipas ng oras. Subalit matapos ang tatlong tasa na siya ng kape, dalawang malaking pretzels at dalawang magazine ay wala pa ring Andreev na dumadating.
Nang tingnan niya ang wristwatch ay magdadalawang oras na pala siyang naghihintay doon. Ano nang nangyari kay Andreev? Nakalimutan ba nito na may date sila ngayon? O baka naman may nangyaring di maganda dito.
Nanlalamig ang kamay ni Jazzmire nang tinawagan si Andreev. Siguro naman kung may emergency ay pasasabihan siya. Hindi na siya makakapaghintay pa. Kailangan na niyang malaman ang nangyayari dito.
She dialed his number. Nagri-ring iyon. “Come on, Andreev. Pick up.”
Kapag di nito sinagot ang tawag ay mapipilitan siyang ipa-trace ang numero nito sa security center ng riding club para malaman kung nasaan ito.
Akala niya ay di na nito sasagutin ang tawag nang marinig niya ang boses nito. “Hello, Jazzmire. I can’t talk to you right now. I am in the middle of a meeting.”
“A what?”
“May importanteng meeting kami ni Lord Evandro,” tukoy nito sa isa sa mga village lord na isa ring solon mula sa Negros Occidental.
“Importanteng meeting? Akala ko dapat kanina pang alas dos natapos ang meeting mo. We have a date. Halos dalawang oras na akong naghihintay dito. Nakalimutan mo na ba?”
“Uh oh!” narinig niyang usal nito.
Nahigit niya ang hininga. “You forgot about our date.”
“I am sorry. He approached me after my meeting with Jayson Arcena and he presented me a new project that will benefit the sugar cane farmers in his province. This is really important.”
“So important that you forgot about our date.”
“I am sorry. Alam ko naman na naiintindihan mo ako, di ba?”
Mariing nagdikit ang labi niya. Ngayon lang siya nabalewala ng ganito. Nag-effort pa mandin siyang magpaganda para dito pero wala rin palang kwenta. “Ibig sabihin di na kita kailangang hintayin dahil di mo alam kung kailan ka matatapos diyan? Fine. Alam ko naman kung gaano kaimportante sa iyo ang trabaho mo.”
“I am glad you understand. I will meet you for dinner? Bye.”
Mabigat ang loob niyang ibinalik sa bulsa ang cellphone. Parang gusto niyang magpapalahaw ng iyak o kaya ay magwala. Ilang beses na bang na-cancel ang date nila nang nakaraang linggo? She was looking forward to this weekend. Akala kasi niya ay masosolo niya ito.
Di rin naman pala ganoon kasimple na ma-in love. Masakit sa dibdib. Gusto niyang mainis kay Andreev pero wala naman siyang magagawa. Kailangan niyang unawain ang sitwasyon nito. Ganoon naman ang ginagawa ng ideal girlfriend.
Ngayong wala na siyang date, ano nang gagawin niya? Ibig bang sabihin ay babalik na lang siya sa kuwarto niya at magmumukmok? Tiyak na kakantiyawan siya ni Illiana dahil siya itong laging nagsasabi na masarap ang may love life.
Lulugo-lugo siyang lumabas ng waiting area at nilapitan ang area para sa mga kabayong nai-saddle na at handa nang sakyan. Sasabihin niya na ibalik na lang ang mga ito sa barn dahil di na tuloy ang date nila ni Andreev.
"Why the face, Chinese doll?"
Inangat agad niya ang tingin nang marinig ang boses ni Alfonso na kasalubong pala niya. "How's it going, playboy?"
Bigla nitong sinapo ang dibdib at sumandal sa poste. "Saan mo naman nakuha na playboy ako? I am just a poor guy victimized by some heartless girls."
Humalakhak siya. "Nice joke. Magho-horseback riding ka?"
Kasama ito sa mga bagong miyembro ng Stallion Island kasama ang ibang kaibigan ni Andreev. Kaya naman nakasuot na ito ng maroon na riding coat na siyang uniform ng mga member doon.
"Yes. Pupunta pa lang ako sa reception para tingnan kung anong kabayo ang available. How about you? May date ba kayo ni Andreev?"
Muling bumalik ang bigat sa dibdib ni Jazzmire at umiling. "Hindi natuloy. May meeting siya kasama si Lord Evandro. Importante daw ang pinag-uusapan nila."
"Mas importante pa sa iyo?"
Nagkibit-balikat siya. "Wala naman akong magagawa. Trabaho iyon. I am just... his girlfriend, but I am cool with it."
"He is stupid. That's no way to treat a doll like you. Come. Kung ayaw ka niyang ipasyal, tayo na lang ang mamasyal. Anong mga kabayo ang gagamitin ninyo?"
"Si Flighty Dancer at si Emperor."
"Not his own horses?" Umiling siya. "Iyon na lang ang gamitin natin. After all they are already groomed. I guess they are excited for the ride as well."
"Wala ka bang ka-date ngayon?"
Umiling ito. "Ikaw."
Magaan siyang tumawa at hinayaan itong makipag-negotiate para magamit nila ang mga kabayong nakalaan para sa date nila ni Andreev. It went off without a hitch. Alfonso was really charming. Hindi talaga mahirap dito para makuha ang gusto nito.
Natitiyak niyang kung nandoon si Andreev ay magagalit ito. Hindi talaga nito kasundo si Alfonso. But what the heck! He was not there. He was tied up with his precious meeting. Ayaw naman niyang magmukmok. She wanted to enjoy and relax with the company of a friend. Kahit na ano pa si Alfonso ay mabuti itong kaibigan sa kanya. Wala siyang kinalaman sa away nito at ni Andreev. Komplikado ang relasyon ng magkapatid. Gusto rin niyang ipakita kay Alfonso na maari siyang maging tulay para magkasundo ito at si Andreev. Pinagkakatiwalaan niya ito kaya umaasa siya na pagkakatiwalaan din siya nito.
Alfonso looked magnificent on horse. But he didn't have that mastery that she could see in Andreev. Mabagal lang ang takbo nila dahil hindi pa ito ganoon kagaling magpatakbo ng kabayo. Isang buwan pa lang daw mula nang matuto ito. Sa palagay naman niya ay hindi ito mahihirapan.
Magaan ang company ni Alfonso.Ikinuwento nito sa kanya ang adventure nito sa ibang bansa. Kung paanong nagsimula ito bilang isang model noong sixteen ito pero nang mag-eighteen ito at iniwan ang kolehiyo ay nagka-crush ito sa photographer nito at kumuha ng photography lesson. Kinuha itong apprentice at kalaunan ay isinama ito sa ibang bansa at ngayon ay kilala na bilang isa sa hottest fashion photographers sa mundo. Hindi lang niya maintindihan kung bakit sa kabila ng pagiging masayahin nito ay parang may lungkot sa mga mata nito. She wanted to ask him about being Andreev's brother but she couldn't bear to. Nasa kay Alfonso na kung nais nitong magkwento.
Halos palakad na lang ang ginagawa ng mga kabayo nila nang makarating sa Rainbow Village. Doon naninirahan ang mga sikat na artist at musicians na miyembro ng Stallion Island. Sa bahagi ng kakahuyan sila nagtungo na medyo malayo sa kabahayan. Wala silang naririnig doon kundi huni ng mga ibon at kulisap. It was an iddylic place to be creative.
Sa gitna ng katahimikan ay nakarinig sila ng kaluskos at paghimno. Sa di kalayuan ay nakita niya ang isang babaeng namumulot ng mga tuyong dahon at mga sanga ng kahoy. Hindi niya gaanong makita ang mukha nito dahil nakatabing halos ang lagpas-balikat nitong buhok sa kalahati ng mukha nito.
Bigla na lang tumigil ang kabayo ni Alfonso at narinig niya ang paghigit nito ng hininga. "That's her. That's my muse."
"Siya?" tanong niya at itinuro ang babae.
"Yes. Ravelle is perfection. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang maging model ko. Come on. What is wrong with me?"
Ravelle Molino was dubbed as the Junk Queen. She could turn garbages into an art. From sculptures to paintings, she could work them like magic. Noong una ay di ito nagpapakita sa publiko hanggang isang buwan ang nakakaraan ay nagtungo ito sa Stallion Island bilang bahagi ng art gallery na pag-aari ng miyembro ng Stallion Island na si David Paussini.
But there was a reason why she decided to hide from the public. A vile model called her a monster. She was from perfect because she was scarred. Isang bahagi ng mukha nito ang mukhang nasunog. But nonetheless, she was beautiful if only the burnt part was covered.
Naa-appreciate niya ang ganda ng dalaga. Pero para sa isang lalaki na napapaligiran ng mga magaganda at "perpektong" celebrities at models ay kataka-taka na nagugustuhan ni Alfonso ang isang tulad nito. Hindi lang basta nagagandahan. She actually heard Alfonso sigh just staring at the girl. It must really mean something.
"Alfonso, you are a playboy. Anong inaasahan mo? Ravelle Molino looks like a sensible woman to me. Hindi ikaw ang tipo na basta-basta paniniwalaan," kantiyaw niya dito.
He looked offended. "I appreciate women. Tulungan mo naman ako dito. Kailangan ko ng kaibigang makakatulong sa akin na gumanda ang reputasyon ko para naman hindi na ako iwasan ni Ravelle." Ginagap nito ang kamay niya. "Will you help me out? I really like this girl."
Hindi alam ni Jazzmire kung anong isasagot. Hindi naman kasi niya alam kung ano si Alfonso pagdating sa babae. Kung seryoso ba ito o hindi. He was quite a charmer. Nakita na niya iyon sa mga pinsan at kapatid niya na wala pang isang oras ay napapahinuhod na ang babaeng gusto ng mga ito. Maliban sa mga babaeng sineryoso ng mga ito na halos manikluhod ang mga ito mapaniwala lang na seryoso ang mga ito. Gusto sana niyang mag-suggest dito nang isang sigaw ang marinig nila.
“How dare you touch her!”
Nahigit ni Jazzmire ang hininga nang paglingon ay nakita si Andreev na nakasakay sa kabayo nitong si Fierro. And his mood matched the black horse. “Andreev,” usal niya sa pangalan nito. Pinatakbo ni Andreev ang kabayo nito palapit sa kanila. Matiim ang anyo nito habang nakatitig kay Alfonso. “You are here. Akala ko may meeting ka pa?”
“I left as soon as I found out that you left with… this man.”
Nalungkot siya. Hindi man lang mabanggit ng nobyo niya ang pangalan ng kapatid nito. At base sa masamang titig nito kay Alfonso ay di magiging maganda ang mga susunod na pangyayari.
“Nagmagandang-loob lang si Alfonso na ipasyal ako dahil hindi ka dumating,” aniyang pilit ang ngiti.
Siya naman ang binalingan ng matalim na tingin ni Andreev. “Sandali lang akong nawala at naghanap ka na agad ng atensiyon ng ibang lalaki?”
Nahigit niya ang hininga. Anong pinalalabas nito? Na masama siyang babae dahil hindi niya piniling magmukmok na lang sa isang tabi at lumabas siya kasama ang ibang lalaki? Sa palagay niya ay ikinagagalit nito na si Alfonso ang kasama niya – ang kapatid nito na mukhang hanggang ngayon ay di pa rin nito tanggap. Pero wala pa rin itong karapatan na tratuhin niya na parang mababa siyang babae.
Sasabihin sana niya iyon dito pero naunahan siyang magsalita ni Alfonso. “Hey! If you will only stop being an ass, Jazzmire won’t leave with another man.”
Uh oh! Lalo lang nagdilim ang anyo ni Andreev.
“It is not as if I left with another man. Nag-horseback riding lang kami,” anang si Jazzmire at pilit na ngumiti para pagaanin ang mood ng nobyo. She didn’t really wanna get caught on a crossfire. “Ngayong nandito ka na, mas maganda kung mamasyal na tayong tatlo. Mas marami, mas masaya.”
“No! Ayoko siyang makasama,” protesta agad ni Andreev.
“Ayoko rin siyang makasama. You are better off with me, Jazzmire,” nakangising sabi ni Alfonso. “Tinitiyak ko sa iyo na hindi kita paghihintayin sa date natin ng dalawang oras o kahit ten minutes man lang. That is how a girlfriend like you should be treated, doll.”
“She is mine,” Andreev growled. “Stay away from her.”
“Then beat me on a race. Kapag natalo mo ako, hindi ko kayo guguluhin. At kapag ako naman ang nanalo, mas marami ka nang oras para mag-focus sa business meetings mo dahil ako ang makaka-date ni Jazzmire hanggang bukas… or as long as she’ll have me,”anang si Alfonso sa mapang-asar na tono.
“Alfonso!” saway niya dito.
“No!” tanggi ni Andreev. “This is stupid.”
“If you really want Jazzmire then race me. Ang maunang makarating sa flower fields ang mananalo,” hamon ni Alfonso at naunang pinatakbo ang kabayo nito.
Sinasadya nitong galitin si Andreev, as if he really was itching for a fight. “Andreev, huwag mo siyang pansinin,” aniya sa nobyo. “Kung ayaw mong mamasyal kasama si Alfonso, tayo na lang.”
“He won’t leave you alone until I beat him,” Andreev said in a dark voice. Walang sabi-sabi nitong pinasibad si Fierro. Talagang pinatulan nito ang hamon ni Alfonso.
“Andreev! Alfonso! Bumalik kayo dito!” Subalit hindi siya pinansin ng dalawa. “Stupid! Magkapatid nga kayo! Both of you are stupid!”
Napilitan din siyang habulin ang mga ito para lang matiyak na ligtas ang mga ito. It was not a good terrain for a race. Marami sala-salabid na mga sanga ng puno na pwedeng makatama sa rider kung hindi maingat ang mga ito.
Maya maya pa ay muli niyang natanaw ang dalawa. Bagamat may advantage si Alfonso dahil mas maunang tumakbo ang kabayo nito ay walang kahirap-hirap itong nahabol ni Andreev. Walang kaduda-duda na kayang talunin ng nobyo niya ang kapatid nito. Mas marami itong experience sa pangangabayo.
Maya maya pa ay nagkagitgitan na ang mga ito. Napasigaw na lang siya nang makita niyang nalaglag sa kay Emperor si Alfonso. “Noooo!” sigaw niya at dali-daling dinaluhan ito.
Tumigil naman sa pagpapatakbo ng kabayo si Andreev at saka bumalik para kay Alfonso. Ang kabayo naman na si Emperor ay tumigil sa di kalayuan.
Mas nauna siyang nakalapit kay Alfonso. “Anong masakit sa iyo?” tanong niya.
Ngumiti lang ito. “I am okay,” anito at nagtangkang bumangon.
“Huwag ka munang bumangon,” narinig niyang utos ng babae mula sa di kalayuan. Naroon din pala si Ravelle at binitiwan ang dala nitong mga kahoy.
Biglang nawala ang ngiti ni Alfonso at gumulong-gulong sa damuhan. “Aray! Masakit ang braso ko, ang binti ko, ang buong katawan ko.” Lumuhod si Ravelle sa tabi ng binata at kinapa nito ang katawan ng binata para tingnan kung may nabali. Pero walang ginawa si Alfonso kundi magturo ng kung saan-saang masakit dito. Mukhang di maganda ang pagkakabagsak nito sa kabayo.
“Nasaktan ka ba talaga?” tanong ni Andreev sa malamig na boses. Wala man lang itong ginawa para alalayan ang kapatid nito.
Binigyan niya ang nobyo ng matalim na tingin. “This is all your fault! Gusto mo bang mamatay na lang ang kapatid mo dito? Tumawag ka ng tulong!”
“Hindi naman talaga siya nasaktan…”
“Kapag may nangyaring masama sa kanya, kasalanan mo ito! At hindi na kita kakausapin kahit na kailan.”
Mariing nagdikit ang labi ni Andreev at inilabas ang smartphone nito. “Hello. We have an emergency. Nalaglag si Alfonso Cordova mula sa kabayo. We are in Rainbow Village. Malapit kami sa flower field,” he said in an authoritative voice.
Ginawa na nito ang dapat pero di pa rin masaya si Jazzmire. Hindi pa sila tapos.
WALA silang kibuan ni Andreev habang nakaupo sa waiting area ng Stallion Island Medical Center. Mula sa Rainbow Village ay isang electronic ambulance ang sumundo sa kay Alfonso at isinakay ito sa stretcher. Sumunod naman sila ni Andreev sakay ng kabayo pero puno sila ng tensiyon. Nakaupo sila sa hallway sa labas ng emergency room at hinihintay ang verdict ni Doctor Nathaniella na siyang tumitingin sa kay Alfonso. Ipinagdadasal lang niya na hindi iyon malala.
“Jazzmire, pwede ba tayong mag-usap?” tanong ni Andreev sa malumanay na boses.
“Huwag mo akong kausapin. Galit na galit ako sa iyo.”
“Jeez! He is not really hurt. He just wants the attention. Hindi ko naman kasalanan ang nangyari. Siya itong humamon ng karera sa akin.”
“At pinatulan mo naman. Alam mo naman na nagsisimula pa lang siyang mangabayo.”
“Di ko kasalanan na bumagsak siya. Ginitgit niya ako.”
Mataman niya itong tinitigan. “Andreev, what the heck is wrong with you?”
“I did it for you. Hindi ko maatim na may ibang lalaki na lalapit sa iyo lalo na ang Alfonso na iyan. Gusto mo ba na pabayaan ko na lang na mapunta ka sa kanya? Na hindi man lang kita ipaglalaban?”
Andreev was really territorial. Sa ibang pagkakataon siguro ay baka matuwa siya doon pero hindi ngayon lalo na’t nasaktan ang kapatid nito. “Girlfriend mo ako. I want you, Andreev. Hindi ako basta-basta makukuha ng ibang lalaki sa iyo. Kahit pa si Alfonso. But if you will keep acting like an ass, baka nga mas mabuti pang mag-break na lang tayo.”
“No!” protesta nito at hinawakan ang balikat niya. May takot sa mga mata nito. “Don’t say that. Ano ba ang gusto mong gawin ko para lang magkaayos tayo?”
“Apologize to me. Wala kang tiwala sa akin. Nainsulto ako dahil pinalalabas mo na may malisya ang pagsama ko kay Alfonso samantalang inaaliw lang niya ako habang kinalimutan mo naman ako at pagkatapos pa ng dalawang oras na paghihintay ay maka-cancel lang naman. Wala ba akong karapatan na magpakasaya kasama ang ibang kaibigan ko habang busy ka sa business meeting mo? Seriously, I deserve to relax a bit you made me wait for two hours and forgot about our date.”
“Look. I am sorry. Hindi ko sinasadyang insultuhin ka o palabasin na wala akong tiwala sa iyo. I just don’t trust Alfonso. Hindi mo ba nakikita na ginagawa niya ang lahat para paghiwalayin tayo?”
Umiling siya. “No. He is being a friend.”
“May ulterior motive siya sa pakikipaglapit sa iyo.”
“At sa palagay mo ganoon kahina ang pagmamahal ko sa iyo na dahil lang di mo ako sinipot sa date natin ay ibabaling ko na ang atensiyon ko sa iba?”
“Yes! No!” Frustrated nitong isinuklay ang daliri sa buhok. “See? Now we are arguing because of him.”
“Hindi si Alfonso ang pinagtatalunan natin kundi ang behavior mo. At gusto ko na humingi ka ng paumanhin sa kanya. That is the least you can do after he got hurt.”
“No! Nagkukunwari lang naman siyang nasaktan. Malalaman mo oras na dumating ang result ng examination na hindi talaga siya nasaktan. Nagpapaawa lang siya. That is his way to get a woman’s attention. Be sensible about this.”
Nanatili siyang matigas. “Wala akong pakialam kung nasaktan ba talaga siya o hindi. May kasalanan ka pa rin sa kanya.”
“No!”
“He is your brother!”
“I didn’t ask for one,” anito sa malamig na boses.
“Pwes, hindi rin naman niya ginusto na maging anak siya sa labas. This little competition of yours is so ugly. Ayoko nang maulit pa ito, Andreev. At oras na hindi ka mag-sorry sa kanya, hindi kita kakausapin,” banta niya at nilapitan si Doctor Nathaniella na lumabas ng examination room.
“Doc, okay na po ba si Alfonso?” tanong agad ni Jazzmire. Naramdaman niya na sumunod si Andreev sa kanya at tumayo sa likuran niya.
Ngumiti ang maamong doktora. “He is fine. Wala naman siyang nabaling buto sa katawan niya. Wala rin naman siyang concussion dahil sa tulong ng suot niyang helmet at di rin tumama ang ulo niya nang bumagsak siya sa lupa. May kaunting halos lang siya at sugat pero hindi naman ganoon kaseryoso. Dumadaing lang siya na masakit ang buong katawan niya. Sa ngayon siguro kailangan lang niyang magpahinga dito sa center. Para lang makatiyak ay oobserbahan namin siya.”
Kinamayan ito ni Andreev. “Salamat, Doc Nathaniella.”
“Idinala na namin siya sa kuwarto niya. Pwede ninyo siyang dalawin. Kung clear na siya, pwede na siyang lumabas kahit bukas ng umaga,” sabi nito at nagpaalam na sa kanila ang doktora.
“Okay na pala siya. Pwede na tayong umalis…”
Mabilis niyang hinawakan ang braso ni Andreev. “You are not going anywhere until we settle this.” Hindi siya nito matatakasan. At kung talagang gusto siya nitong makasama, kung talagang mahal niya ito ay susundin nito ang gusto niya.
Walang nagawa ang nobyo niya kundi sumundo sa kanya. Nakahiga si Alfonso sa hospital bed. Kapansin-pansin ang galos sa mukha at braso nito. Nakasuot ito ng hospital gown at ngumiti agad nang makita siya. “Hello, doll!”
“Hey!” Iniwan niya sa pinto si Andreev at nilapitan ito. “How are you? Tinakot mo kami doon. Akala namin kung ano nang nabali sa iyo.”
“Himala nga na hindi ako nasaktan. Salamat sa pagtawag sa center para kunin ako.”
“Si Andreev ang tumawag kaya sa kanya ka magpasalamat,” sabi niya at sinundo ang nobyo sa pinto. Hinila niya si Andreev papasok. “Gusto niyang matiyak kung okay ka lang.”
Ngumiti si Alfonso. “Salamat sa pagtulong sa akin.”
Di kumibo si Andreev at nakatitig lang dito. Siniko niya ito sa sikmura at saka lang ito nagsalita. “Ginawa ko lang ang tama. I am sorry. Di ko sinasadya na masaktan ka sa karera natin.”
“No. Ako dapat ang mag-sorry. Hindi ko nakontrol si Emperor at dumikit sa kabayo mo. That was stupid of me.”
“I still want to apologize,” anang si Andreev sa mabigat na boses. “Hindi ako dapat nakipagkarera sa iyo lalo na’t hindi ka ganoon kasanay sumakay ng kabayo. Sana gumaling ka agad.”
Bakas ang pagtataka sa mukha ni Alfonso dahil marahil dalawang beses na humingi ng paumanhin dito si Andreev. “Wala iyon. Basta huwag mong pababayaan si Jazzmire. Ayoko na lang maulit ang nangyari kanina. Hindi dapat pinaghihintay ang babae kung ayaw mong mawala siya sa iyo.”
“I will keep that in mind,” wika ni Andreev sa malalim na boses.
“Paano? Magpahinga ka na. Aalis na rin kami,” sabi niya. “Ipatawag mo lang ako kung may kailangan ka.”
“No. Ako ang tawagan mo kapag may kailangan ka,” sa halip ay sabi ni Andreev. Di niya alam kung dahil ayaw lang nito na siya ang lapitan ni Alfonso o talagang sa wakas ay concern ito sa kapatid nito.
“Si Ravelle, baka nasa labas siya. Pakisabi gusto ko siyang makita. Kung wala man siya, pwede bang sabihin niyo na dalawin niya ako?” malambing na pakiusap ni Alfonso.
Kumunot ang noo ng nobyo niya. “Sinong Ravelle?”
“Si Ravelle ang tumulong sa atin kanina nang malaglag si Alfonso sa kabayo,” paliwanag ni Jazzmire dito at saka nakangiting binalingan si Alfonso. “Kami na ang bahala na tumawag sa kanya.”
Paglabas nila ng kuwarto ni Alfonso ay naabutan niyang palakad-lakad sa labas si Ravelle. “O! Mabuti at sumunod ka,” sabi niya.
“Hindi naman ako papasok. Gusto ko lang malaman kung okay na siya,” anito at ngumuso sa pinto ng kuwarto ni Alfonso.
“Okay na siya pero hinahanap ka niya,” anang si Andreev at binuksan ang pinto. “Pumasok ka na. Gusto ka daw niyang makausap.”
“O-Okay,” anang si Ravelle at tumigil nang papasok na sa pinto. “H-Hindi ba kayo papasok ulit? A-Ako lang ba ang bisita niya?”
“Hindi naman siya nangangagat, unless you want him to,” nakangiti niyang sabi at kinindatan ang dalaga.
Nang sumara ang pinto ay kinintalan niya ng halik sa pisngi si Andreev. “What is that kiss for?” tanong nito at hinawakan ang pisnging hinalikan niya.
“Salamat kasi nagpakumbaba ka. Nag-sorry ka kay Alfonso. Siguro nga wala ka talagang kasalanan pero minsan wala namang masama na ikaw ang mag-sorry. Hindi ba mas okay iyon kaysa nagtatalo kayong dalawa?”
“I did it for you. Ayokong mawala ka sa akin,” sabi nito at inakbayan siya habang palabas sila ng medical center.
“Andreev, sana magkasundo talaga kayo ni Alfonso. Magkapatid pa rin kayo. Walang masama kung susubukan mong mag-reach out.”
“Saan mo gustong mag-dinner?” sa halip ay tanong nito sa kanya.
Bumuntong-hininga siya. Hindi siguro niya dapat ipilit o madaliin ang nobyo. Maganda naman na senyales ang pagpapakumbaba nito. She was hoping that things would change in due time. Na magkakaayos din ang mga ito.