NANGHAHABA ang nguso ni Jazzmire habang pinapanood ang picture taking ng bagong kasal na sina Jairon at Xandie sa nakasalo ng bouquet na si Ravelle. Nasa harap sila ng Hidden Mist Falls ng Stallion Island kung saan ginanap ang kasalan ng dalawa. Hindi siya masaya dahil di niya nakuha ang bouquet na pinakaaasam-asam.
"Sa akin dapat 'yon,” sintir niya kay Andreev habang nakatayo sa hagdan na paakyat sa gilid ng waterfalls. Marami pa mandin siyang ini-imagine na eksena kung siya ang makakasalo ng bouquet.
Hinawakan nito Andreev ang kamay niya. "That's okay."
Hindi na ito sumali sa pagsalo ng garter dahil di naman daw niya nasalo ang bouquet. Sa halip ay dinamayan na lang siya nito.
"It's not okay."
May malamig na bagay itong isinuot sa daliri niya. "Pwede na bang nakasuot sa 'yo ang singsing na 'to?"
Nahigit niya ang hininga nang makita ang blue ring na may Stallion insignia. "This the forever ring.” Iyon ang singsing na ibinibigay ng isang member ng Stallion Island sa babaeng gusto nitong makasama habambuhay. It was the symbol or true and eternal love. At minsan lang iyon pwedeng ibigay ng isang miyembro sa isang babae. “Sigurado kang sa akin 'to?"
"Magbabago pa ba ang isip mo?"
"Hindi na.” Yumakap siya sa leeg nito. “I love you, Andreev Montinola."
“I love you, too, Jazzmin Rebecca Yun.”
And she believed him. At sa harap ng maraming tao ay hinalikan siya nito. Hindi niya alam kung para sa kanila ang palakpakan o sa bagong kasal. basta ang alam niya ay pumapalakpak ang puso niya dahil sa saya.