“I am so happy to see you again.” Tuwang-tuwang niyakap si Seeress ng kaibigan niyang si Sheena. Dati niya itong estudyante sa yoga class at naging close sila sa isa’t isa. “Akala ko wala ka nang balak na dumalaw ng Manila. Parang ayaw mo nang iwan ang Stallion Island.”
Nagpasalamat siya sa waiter na nag-abot ng menu. “Kapag nakatapak ka doon, hindi mo na gugustuhing umalis. It was yoga haven. There’s the white sand beach, the waterfalls, the forest…”
“The gorgeous men,” dagdag nito. “Paradise indeed.”
Nasa isang Chinese restaurant sila sa Tomas Morato na madalas nilang kainan pagkatapos ng klase nila. Chinese businessman ang Papa ni Sheena at walang ginawa kundi i-pamper ito. Ang kapalit naman ay kailangang i-date ni Sheena ang mga kalalakihang ipinaparada ng ama nito bilang potential husband.
Kumislap ang mga mata nito. “This new guy I am dating is so hot.”
“Rekomendado ng Papa mo?”
“Actually, recommended siya ng lola ko. Apo siya ng kaibigan ni Lola. And I like him. He is so funny aside from the fact that he is hot. Kapag kasama ko siya, pakiramdam ko ako na ang pinakamagandang babae sa mundo. He makes me feel complete. Hindi rin siya maere at maarte. Very, very manly.”
Sa kanya kumokonsulta si Sheena kung okay bang maging boyfriend ang ka-date nito. Hindi daw kasi siya nagkakamali ng hula sa nababasa niyang ugali ng isang lalaki.
Naramdaman niya na ang isa nitong boyfriend ay chicboy. Pwede sa chic at pwede sa boy. Naobserbahan kasi niya iyon sa kilos ng lalaki. Iba ang tingin nito sa mga lalaking yoga student niya sa gym. Di naman siya nagkamali ng hinala.
Nasasabi din niya kung palikero ang isang lalaki o kaya naman ay mahina ang character. Kaya bago pa man ma-in love si Sheena ay nagtatanong na sa kanya. Ayaw daw kasi nitong magkamali. Gusto daw nito na mahalin ito ng lalaki at di dahil sa pera nito.
Tumaas ang kilay niya. “Baka naman gigolo iyan or pera lang ang habol sa iyo.”
Sumimangot ito. “No. Of course not. Mayaman ang pamilya niya. Ang totoo may kapatid nga siyang miyembro ng Stallion Island. May nagsabi nga sa akin na inaalok siyang maging member ng Village Lords na si Rouen Arezmendi mismo.”
Nanlaki ang mata niya. “Wow! he must be really something. Village Lord mismo ang nag-o-offer sa kanya?” Hindi lahat ng nag-a-apply maging member ng Stallion Island ay natatanggap. Napakahigpit ng screening ng mga ito at may mga pagsubok pang pinapagawa.
Para alukin ng mismong may-ari ng riding club ang isang tao ay isang malaking karangalan. Ibig sabihin ay may maganda itong character para hangaan at maging magandang ehemplo sa iba. Sa Stallion Island kasi iniipon ang mga may malaking potential para iangat ang kalidad ng pamumuhay ng bansa. Sa pamamagitan ng mga negosyong hawak ng mga ito at advocacies ay nagkakatulong-tulong para mas gumanda ang buhay ng mahihirap at mas makilala ang potential ng Pilipino na makipagtagisan ng galing sa mundo.
“Hindi naman kasi siya nakadepende sa yaman ng pamilya niya. ‘Yung business niya pinagsumikapan talaga niyang itayo. Hindi siya natatakot mabuhay sa hirap. Kaya lalo lang akong na-in love sa kanya. Alam ko di siya interesado sa pera ng pamilya ko.”
Kahit ay humanga sa sinumang lalaking sinasabi nito. “Gusto ko siyang makilala. He sounds so interesting.”
“Gusto ko na rin siyang ipakilala sa iyo. Magugustuhan mo siya.”
Tumaas ang kilay niya. “He is late.” Hindi iyon magandang impression para dito. Ayaw niya sa mga lalaking late.
Iniikot ni Sheena ang mga mata. “I am sure may ihinahanda na naman siyang sorpresa sa akin. He is like that whenever he is late. Di siya nale-late dahil sa business o traffic. Nale-late siya dahil gusto niyang ma-impress ako.”
“A charmer. Maybe he is after your own heart.”
Nangalumbaba ito habang nagniningning ang mga mata. She looked like she was floating on air and daydreaming. “And I am willing to give him my heart, body and soul.”
Not yet. Gusto sana niya itong bigyan ng babala. Hangga’t hindi pa niya nakikita ang lalaking iyon at di pa siya nakakagawa ng sarili niyang assessment sa character nito ay ayaw niyang sumubo si Sheena sa alanganin. Subalit hindi niya alam kung mapipigilan pa niya ito. Mukhang hulog na hulog na ang loob nito sa lalaki.
Nag-ring ang cellphone nito at binasa nito ang text message. “Oh! Alfonso’s outside. Susunduin ko lang siya.” Tumayo na ito at pumunta sa entrada ng restaurant.
Alfonso. She didn’t like the name. Naalala lang niya ang lalaking humalik sa kanya sa kasalan. Nag-alala si Orlando at ang iba pa niyang mga kaibigan dahil sa pagwo-walkout niya. Sinabi na lang niya na may di siya magandang insidente sa isa sa mga guest at mas mabuti nang huwag na siyang gumawa pa ng eksena sa kasalan.
Naestatwa siya sa kinauupuan nang makita ang lalaking kasama ni Sheena. Hindi siya pwedeng magkamali. Iyon ang Alfonso na humalik sa kanya sa kasal ni Orlando. Mas mahaba lang ng bahagya ang buhok nito ngayon at sa halip na tuxedo ay nakapantalon lang ito na nakahakab sa matipuno nitong binti at long sleeve polo. But he still looked gorgeous and delectable. Gorgeous and delectable? Nasaan ba ang utak niya? Ito ang lalaking nambastos sa kanya. He was a good kisser but that was beside the point. He was dangerous.
Anong gagawin niya? Ito ang lalaking gustong-gusto ng kaibigan niya. Dapat bang sabihin kay Sheena ang totoo o magsasawalang-kibo na lang siya? Ayaw niyang gumawa ng gulo. Masaya si Sheena sa lalaking ito. Ayaw din niyang gumawa ng eksensa sa restaurant. Pero ano ba ang tama niyang gawin?
Abot hanggang tainga si Sheena nang lumapit sa mesa nila. Kung makakakit ito kay Alfonso ay parang nobyo na nito ang huli. They looked like a perfect couple. At pakiramdam niya ay kontrabida siya sa kaligayahan ng kaibigan niya kung sisirain niya ang gabing iyon.
“Alfonso, this is my friend Seeress Cariño. She’s a yoga instructor. Seeress, this is Alfonso Cordova. Siguro familiar siya dahil siya ang owner at model ng sikat na Veggie Good. It’s the latest craze right now. Kaya nga tumaba ako dahil lagi niya akong dinadalhan ng veggie siopao at siomai. Kapatid siya ni Andreev Montinola ng East Dragon Bank. Pero siyempre mas guwapo at charming si Alfonso para sa akin.”
Nakita ang pagkagulat sa mga mata ni Alfonso subalit nananatili pa rin ang ngiti sa mga labi nito. Sigurado siyang nakilala siya nito.
Inabot nito ang palad sa kanya.“It is a pleasure to meet you again, Miss Cariño.”
Pleasure? Nag-flash sa isipan niya ang paghalik nito sa kanya. There was a moment of pleasure. He made her forget for a while. He was a very pleasurable kisser.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha nang maalala ang kahihiyang nangyari sa kanya. Sinusubukan na nga niyang kalimutan ang nakakahiyang pangyayari na iyon subalit bumalik pa ito para ipamukha sa kanya.
“Anong pleasure? Nang-iinis ka ba?” mataray niyang tanong.
Nagulat ito na parang di inaasahan na basta na lang siyang magagalit. Habang bakas naman ang pag-aalala kay Sheena. Nagpapalit-palit ang tingin nito sa kanila ni Alfonso.
“Bakit, Seeress? Anong problema? May nagawa bang mali si Alfonso?” nag-aalalang tanong ni Sheena. “Wala namang masama sa sinabi niya, hindi ba?”
Tinaasan niya ng kilay si Alfonso nang makita niya ang pakiusap sa mga mata nito. Naghahamon niya itong tiningnan. Subukan lang nitong pigilan siya. “Alam mo bang maniac ang lalaking iyan, Sheena?”
Hindi siya papayag na madala ang kaibigan niya sa pagbabalat-kayo nito. Dapat yata ay hindi niya ito hinayaang makalaya. Ipinadampot na sana niya ito sa pulis para matuto ng leksiyon. Ngayon pati ang kaibigan niya ay bibiktimahin nito.
Umiling si Sheena at idinikit ang katawan kay Alfonso na parang handa itong depensahan ang lalaki sa anumang akusasyon niya. “It can’t be, Seeress. Baka nagkakamali ka lang. Alfonso is very gentleman. Baka naman hindi siya ang sinasabi mo.” Humilig pa ito sa braso ni Alfonso. “He is sweet and nice. Hindi siya nag-take advantage sa akin kahit minsan.”
Sheena had been conned. Hanga na talaga siya sa galing magpaikot ni Alfonso. Mukhang alam nito kung paano makukuha ang loob ng kahit sinong babae.
“Same Alfonso? I am sure siya din ang Alfonso na iyon. Nang minsang um-attend ako ng kasalan, nakitabi na lang siya sa amin ni Joanna. Akala ko naman gusto lang makipagkaibigan. Tapos sa gitna ng kasalan basta na lang niya akong hinalikan. Kundi ba naman maniac ang lalaking iyan.” At saka niya matapang na tinitigan si Alfonso.
Akala ba nito ay hahayaan lang niya ito na paikutin si Sheena? Hindi lahat ng babae ay mauuto nito at mapapaikot dahil lang magaling itong humalik.
“Totoo ba iyon?” tanong ni Sheena. “Talaga bang basta mo na lang siyang hinalikan?”
“Sheena, I just did it out of goodwill. Mas malaking eskandalo kundi ko siya napigilan. Gusto niyang pigilan ang kasal ng ex-boyfriend niya. Mapapahiya lang siya,” katwiran nito na lalong nagpainit ng ulo niya. Hanggang ngayon ay ginagamit pa rin nito ang alibi na iyon.
“Baliw ka! Wala akong planong pigilan ang kasal ni Orlando. And don’t use that excuse. Maniac ka talaga. Maniac!” aniya at dinuro ito. Wala siyang pakialam kung makakuha man sila ng atensiyon. Sumosobra na talaga ito.
“Wala naman talaga akong masamang intensiyon…” katwiran pa rin ni Alfonso at hinawakan ang mga kamay ni Sheena. “Ginawa ko lang ang magagawa ko.”
“Well, nag-aalala lang naman pala siya sa iyo. Seeress, seryoso ang problema mo kung tumutol ka sa kasal. Mas malaking gulo iyon. Mabuti at nandoon si Alfonso para tulungan ka,” anang si Sheena na mas gusto pang maniwala kay Alfonso. Parang hindi ito nag-iisip.
Naipadyak niya ang paa sa inis. Kundi dahil sa kontrol niya ay baka nabatukan na niya si Sheena. “At nagpapaniwala ka naman diyan sa lalaking iyan. Sheena, buksan mo nga ang mga mata mo. Mas matagal mo akong kilala. Kung gusto kong agawin si Orlando, noon ko pa ginawa. Hindi ko na paaabutin sa mismong araw ng kasal. I even helped them in the honeymoon arrangement and I did it from the bottom of my heart. Masaya na nga sila ngayong mag-asawa at enjoy na enjoy sila sa honeymoon nila. Wala akong planong manggulo kahit kailan.”
Nagpapalit-palit ang tingin ni Sheena sa kanila. “P-Pero… Baka naman may ibang paliwanag si Alfonso. Maybe it wasn’t that bad…”
Lalong nag-init ang ulo niya. What wasn’t so bad? That kiss? The kiss was good but the intention was not good. Ang maniac ay maniac pa rin.
Nakuyom niya ang palad. Di niya kayang saktan si Sheena. Kung di lang siya magmumukhang baliw ay sarili niya ang sasabunutan niya. “Sheena, use your brains for once. Baka hindi mo alam kung sinu-sinong babae ang hinahalikan niyan kapag nakatalikod ka.”
Nahigit ni Sheena ang hininga at natutop ang bibig. “G-Ginagawa mo ba iyon?” tanong nito kay Alfonso. “Kung sinu-sino lang bang babae ang hinalikan mo?”
Nanlaki ang mata ni Alfonso at kuntodo sa iling. “Of course not. Come on! Pag-usapan natin ito ng maayos. Naramdaman mo na bang binastos kita kahit minsan? I have my reasons…”
Hinila niya palayo si Sheena kay Alfonso bago na naman nito mapaikot ang kaibigan niya. “Look! This conversation is over. Hindi ko hahayaan na dumikit ka pa sa kaibigan ko. Stay away!”
“Why don’t you ask Sheena what she wants?” naghahamong tanong nito.
Tinaasan niya ng kilay si Sheena. “Sheena… gusto mo bang maloko ka na naman ng lalaki? Wala siyang ipinagkaiba sa ibang lalaking dumaan sa buhay mo. Kailan mo bubuksan ang mga mata mo? Kapag may babae siyang hinalikan sa mismong harap mo.”
Napahikbi si Sheena at bumitiw kay Alfonso. She finally got the picture. “I… I am sorry, Alfonso. P-Pero hindi ko matatanggap na ginawa mo iyon sa kaibigan ko. B-Baka hindi mo talaga ako gusto. Baka may hinahalikan kang kung sinu-sino habang nakatalikod ako. Tapusin na lang natin ito.” Dinampot nito ang bag at hindi na siya tiningnan pa. “Seeress, let’s go.”
“Sheena, wait...”
Akmang hahabol pa ito subalit hinarang niya ito. Dinuro niya ito sa dibdib bago pa ito makalapit kay Sheena. “Huwag ka nang sumunod dahil ako mismo ang magbubulgar ng kalokohan mo. You are young, husband and rich. Sigurado ako na marami ka pang tatanga-tangang babaeng mauuto. Huwag mo nang guguluhin pa si Sheena o ako ang makakalaban mo.”
Saka niya sinundan si Sheena na umiiyak na sa harap ng restaurant habang papunta sa kotse nito na naka-park sa harap. Sinundan niya ito.
“Can you drive?” tanong nito.
Umiling ito. “H-Hindi ko kaya. Mahal ko na siya, eh.”
“Come. Doon tayo sa condo mo,” aniya at kinuha ang susi dito. “Ako na ang magda-drive. Hindi niya maiwasang ma-guilty sa nangyari. “I am sorry. Hindi ko naman inaasahan na siya ‘yung humalik din sa akin. Sa sobrang galit ko nasampal ko siya sa simbahan. Napahiya ako sa maraming tao, Sheena.”
“Is he a good kisser?” bigla nitong naitanong sa pagitan ng hikbi.
Naiikot niya ang mga mata. “That’s the most unlikely question you should ask.”
“Hindi ko alam kasi isang buwan kaming nag-date pero napaka-polite niya sa akin. H-Hindi niya ako hinalikan. Lousy kisser ba siya kaya mo sinampal?”
Napailing na siya kaysa humalakhak ng malakas. “A good kiss is not worth it if you are not kissing the right guy. At hindi si Alfonso Cordova ang magiging right guy kahit na kailan.” Pinisil niya ang balikat nito. “Come on. Iiyak mo na lang iyan. Ibibili kita ng ice cream cake at popcorn. Tapos tutulungan pa kitang maghanap ng ibang boys.”
Pumikit ito at sumandal. “Parang ayoko na. Napapagod na ako. Akala ko si Alfonso ang lalaki para sa akin. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. Sana nalaman ko agad noong una pa lang. Para hindi masakit.”
“The right guy will come. Maghintay ka lang.”
Sheena will survive. Mas mabuti na ito kaysa naman itinago niya sekreto ni Alfonso. Baka mapahamak lang ang kaibigan niya. Sana ay ito na ang huling encounter nila ni Alfonso. Ayaw na niyang makita pa ito kahit na kailan.